diff options
Diffstat (limited to '17257-8.txt')
| -rw-r--r-- | 17257-8.txt | 2219 |
1 files changed, 2219 insertions, 0 deletions
diff --git a/17257-8.txt b/17257-8.txt new file mode 100644 index 0000000..a07efd5 --- /dev/null +++ b/17257-8.txt @@ -0,0 +1,2219 @@ +The Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + + +Title: Isa Pang Bayani + +Author: Juan L. Arsciwals + +Release Date: December 8, 2005 [EBook #17257] + +Language: Tagalog + +Character set encoding: ISO-8859-1 + +*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI *** + + + + +Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online +Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special +thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save +this book. + + + + + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + + +MAIKLING KASAYSAYAN + +=ISA PANG BAYANI ...= + +SINULAT NI + +=JUAN L. ARSCIWALS= + +(_Kasapi sa "Ilaw at Panitik"_) + + * * * * * + +KASAYSAYANG MANGGAGAWA + +_na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang +"Balintawak" ng 1915, sa ilalim ng +sagisag na: "Maktan"_ + +AT + +MGA PANGUNANG SALITA NI + +=_G. Carlos Ronquillo_= + +(Tagapamahala ng Taliba) + +=UNANG PAGKAPALIMBAG= + +_Maynila, S.P. 1915_ + +IMPRENTA Y LIBRERIA + +DE + +_P. Sayo Vda. de Soriano_ + +Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo. + + + +[Larawan: Juan L. Arsciwals] + +_Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga +manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at +kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng +Kalubusan ay ni mamamanaag._ + +=_Juan L. Arsciwals._= + + + +=Parang mga= + +=Pangunahing Talata= + + +_Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng +biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa +tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming +mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng +masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't +alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid +na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at +kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; +saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng +manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay +boong liwanag na naglalarawan._ + +_May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang +lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan +ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, +ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit +masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. +Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring +sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng +kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na +sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de +los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga +J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. +Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio +atbp._ + +_Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng lahat. +¿Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ¿sa +paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung +taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang +sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino +man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at +kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang +araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling +tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang +kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga_ Trade +Unions, _kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa +limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni +Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi._ + +_Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas +ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na +pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, +ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang +makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay +makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag +nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang +lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang +puso ay titibay._ + +_Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay +kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni +Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y +lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan +dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y +magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning +manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba +pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito._ + +_Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._ + +=_Carlos Ronquillo._= + +25 Sept. 1915. + + + + + +Ilang salita muna ... + +Mga Manggagawa: + + +Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na +sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang +pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa +Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g +libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang +pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin +ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong +magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig. + +Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na ito +sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong +kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na +pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamatáy n~g masisigla at mahahalagang +kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos ay mailantad sa +haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad. + +¡Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at +kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang +nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay +magamot ang sakit na nasabi. + +Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay +hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao ó +Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa +mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang +pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang +pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito. + +Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting +Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang +pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na +nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin. + +Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa +Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga +nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa +sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na +anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang +panaginip n~g sumulat ó isang pan~garap lamang n~g diwa kong +umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g +Puhunan.... + +=_Juan L. Arsciwals._= + +Tundo, Maynila, S. P. + +Sept. 8, 1915. + + + + + + +=I= + + +Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, +sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g +isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga +manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata. + +Pulúpulutóng ang pagkakaáyos. May kanikaniyang usapan at may +kanikaniyang pinagtatalunan. + +Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan +ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik +n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig +malaman. + +Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; +nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g +Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilan~gan n~g +maraming kabai. + +Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakán n~g m~ga +daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa +na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na +pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na +kanilang pinapasukan. + +--¡Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon. + +--¿Anó kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g isá +pa. + +At ang tanong na itó'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa +m~ga kaharáp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin +ang kasagutan. + +Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay +ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na +binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling. + +¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito? + +¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman? + +¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip? + +Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila +upang mabatid natin. + +Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g +isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y +ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat +n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa. + +Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g pangulo +n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay nagsipagpulong +ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin. + +Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan +n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang +maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa +bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang +gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring +gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, +ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasyá. + +Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan +na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang +ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa +pagawaan at sa Kapisanan. + +Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa +kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon +n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga +dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa +iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga, +ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa +kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos +n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan. + +Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa +dumarating. + +Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita +nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, +siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating +nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. + +--¡Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami. + +--Magsisilabás na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang +itinutugón at inilulunas sa pagkainíp n~g madla. + +At parang itinaón sa huling tugon n~g ilán, sa pinto n~g pagawaan ay +nagsilabas ang limá katao. + +--¡Narito na! ¡Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na +naibigkás n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabás. + +Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na +nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang +dumarating na Lupon ay sinalubong. + +--M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang +mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang +malaking paglalaban. + +--¿Anó po ang nangyari?--¿Anó po ang kinasapitan?--ang sabáy-sabáy na +tanun~gan n~g marami. + +--Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; +sila ay nagpapakatigás ...--ang tugón din n~g pan~gulo. + +--Kung gayon, tayo'y magsiaklás.--ang sigaw n~g isang manggagawa. + +--¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g +marami. + +--M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--¡Tayo'y huminusay! +Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang +loob. + +--¡¡Welga!! ¡¡Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami. + +--¡¡Tayo'y magsiaklás...!!--ang ulit n~g ilan. + +--¡¡Magsiaklás!!--ang tugón n~g lahat. + +--Ang lahat ay magagawa--ang tugóng malakas din ni Mauro--subali't, +kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y +magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat. + +--¡Magpulong! ¡Magpulong!--ang sigawan n~g lahat. + +--Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo. + +--¡Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman. + +--¡Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla. + +At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang +dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go. + +Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha +sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás. + +Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na +mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g +mabiyayang araw n~g Katúbusan. + + + + + +=II= + + +At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa +kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g +tao. + +Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod +pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general." + +Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa +palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang ilán pa rin sa m~ga +bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob n~g +pagawaan. + +Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gaguúsap pa +muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang +tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa +mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan. + +Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y +hindi na magkarinigan. + +--¡Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g +isá. + +--¡¡Ituloy!!...--ang tugóng pasigaw din n~g karamihan. + +--At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat. + +Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig. + +At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat. + +At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat +sa magsasalita. + +Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay +ipinabatid, na ang pulong ay bukás na. + +At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at +kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan. + +Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g úpa ay +ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat n~g Lupon ay ayaw +dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigástigás +sa kanilang nasa. + +--Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay nagsabi pa, +na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang úpa ay maaaring huwag +pumasok. Kayó--anyá--ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay +makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong +pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya; +sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin. + +At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay +ipinatuloy: + +--M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa? + +--¡¡Ayaw kami!!--ang sigawang napakalakás n~g lahat. + +--Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--¿ano ang ibig ninyong gawin? + +--¡Magsiaklás!... + +Itó ang sagutan n~g lahat. + +At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman. + +Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi +na halos magkamayaw. + +Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa +tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami +sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa +harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa +madla'y sinabi: + +--Mga kapatid; kayo'y pumayapa. + +At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si +Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang. + +Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig. + +At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita: + +--M~ga kamanggagawa:--anya sa buháy na tinig.--Sa haráp n~g +napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay +kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang +bigát n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at +huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin +n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang +kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang +pagkilos at pagpapasyá. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa +anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi; +pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, +lubha na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g +hinaharap natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating +m~ga manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika +ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan +n~g úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan. +Karapatan natin sa haráp n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na +pinupuhunan natin ay tumbasán n~g sapát na kaupahán; at ang karapatang +itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol +hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót n~g kaya ... sukdang +ikamatay. + +Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na +palakpakang isinunód n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga +pan~gun~gusap. + +Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy: + +--Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin, +na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa +pamamagitan n~g ipinan~gan~gahás nilang lakás, ang alin mang daing +natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan +natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa haráp +n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ¿ay ano ang kailan~gan nating gawin? +¡Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang +lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiisá, pagka't +tan~ging naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito n~ga ¿ay ano ang +ibig ninyong gawin? + +--¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat. + +--Kayó ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa +pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga +natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at +kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa m~ga +anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g +paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa +Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit +na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g +matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit +kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga anák-pawis ay ayaw +na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay +maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang +pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang +nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, +¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay +kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g +hirap. Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas +sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang +m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin +naman n~g sa ating m~ga asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang +magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang +araw sa pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...! +Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang +aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay +hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat +n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga +mamumuhunan. + +--¡¡Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami. + +--Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula sa +araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga +manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na +muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. +¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang +pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa +atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami +upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g +bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga +kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan! + +--¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!!--ang sigawan n~g lahat. + +--Sino man ay walang magtataksil. + +--¡Wala ni sino man! + +At ang aklasan mula noon ay napagtibay. + +Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring +pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan. + +Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na +taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan +n~g kanilang ipakikipaglaban. + +Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang +pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas. + +Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa, +upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari. + +Pagkatapos n~g ilang pagtatanóng na ginawa n~g matalinong +Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat, +ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang +sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g +bawa't panig. + + + + + +=III= + + +Umaga n~g kinabukasan. + +Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas +maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa. + +Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa +pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na +gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga +pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg n~g m~ga "chaveta" na +ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "butó" n~g dahon n~g tabako, +at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang +di na naririnig. + +Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang +ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita ang +ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang +"embasador." + +Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, +ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat +sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa +gawain n~g m~ga yuon. + +Ang kawikaang: _Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong +katawan_ sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa +paniniwala nilang iba sila. + +¡Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa +ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...! + +Sapagka't, samantalang doón, sa boong _kaeorupahan_ at sa iba pang +dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis +ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang +dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat +na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat +ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga +yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan n~g +Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't +ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga +dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga +manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi +ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás +hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan. + +At ... tayo'y magpatuloy.... + +Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás, +ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman +ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan. + +Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go. + +Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang _lamesang marmol_ +ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang +Tagapamahala. + +Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan. + +--Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa +taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan. + +At si Pablo (tawagin na natin n~g ganitó yamang siyang itinawag sa +kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo. + +--Ipinatatawag daw po ninyo akó--ang simulang wika ni Pablo nang maupo +na. + +--Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay +na mahalaga akong sasabihin sa iyó. + +--¿Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tugón n~g kinakausap. + +--Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at +hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon ka +sa aking sasabihin. + +--Sabihin mo na po. + +--Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" +kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g +kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala +marahil n~g m~ga _walang utang na loob_ na iyan ay susuko kaming m~ga +mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang +pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang +kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag +kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan +sa pagawaang ito--at sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka +rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. + +--Ako po'y ... + +--Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may +pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay +hindi makasasapát sa iyo at sa iyong asawa't m~ga anák. Dito, kung +papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang +magsisigawa rin ay bíbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang +ibig mo; alalaong baga'y hindi ka _tatasahan_ sa m~ga "material" na +gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating +kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa +kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba? + +Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang +umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa +takot sa m~ga nagsiaklás. + +Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip +niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang +samantalahin upang ikita n~g malaki. + +Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang +mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan +muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti +ay winika n~g Tagapamahala. + +--Anó ang iyong sagót? + +At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang +tugón: + +--Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ... + +--Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka n~g +Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga batás ... Upang matangkilik ka at +gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami +rito n~g ilang pulis na tatanod. + +--Kung gayon po'y ... + +--Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang +lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula +na kayo. + +--Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang +siya po ang nan~gun~gulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito +ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba. + +--Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... +Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo. + +--Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauupán at +pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na. + +--Oó--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsá, +ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa +m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang dalawang +tiglilimang pisong papel. + +--Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na +isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa. + +--¡Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap. + +Isang malakás na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang +makalabas sa pinto si Pablo. + +--¡Nakabili na tayo! ¡nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa +n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalakás ang pagtawa. + +Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at +kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at +binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang +mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at +sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na +ipasok sa Pagawaang inaklasan. + +M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol +sa Pilipinas. + + + + +=IV= + + +=Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. + +Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan +n~g sino mang manggagawang tabakero. + +Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo +n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat +n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay +n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang +pinagaklasan. + +Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang +nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót n~g m~ga mamumuhunan. +Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang laging panagót. + +Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang +muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang +tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang +salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at +lalong nagpapakatigás ang m~ga kalaban. + +Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga +nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. + +--Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na sa +huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g +dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala +sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa m~ga +mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa +paglalaban. At huwag lamang na sawíng palad na pasukan n~g m~ga +kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din +naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat n~g inyong +m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi. + +At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan n~g +m~ga nagsiaklás. + +Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad +na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang +salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan. + +Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga +kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang +nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na +itinatagal n~g aklasan. + +¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man +lamang! + +At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis. + +--¡Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang +hatol sa lahat. + +--Oó; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tugón naman n~g +marami. + +Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay! + +Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok sa +maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing isá pa, buhat +sa ibang ginagawan. + +¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni +Pablo! + +¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin +n~g ibá! + +¡Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managót sa napakaraming +aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain +n~g m~ga asawa't anák n~g nagsisiaklás. + +¡Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad! + +Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon +n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at +manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig. + +At samantala'y ... + +¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis! + +Sa m~ga mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha sa +pawisang noó n~g bawa't isá, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil +na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga +nagsiaklás. + +Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g +ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa m~ga taksil na +yaón. + +Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin, +ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni +Mauro. + +Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang +payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa +haráp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan. + +--Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapadának n~g +kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin +kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa +nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. ¡Para sa m~ga manggagawang +pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at +lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang +pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang +ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa +magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal; +datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga +pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at +nalalaman ó kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang +gagamit n~g gayong _sandata_ ... Kayo na ang magsabi. ¿Ano ang +kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g +dugo? Wala, kundi maghari ang lakás n~g m~ga batás sa ibabaw n~g +sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at +pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging +sadlakan n~g paguyám at tagurian pa n~g _mamamatay_, unang-una na +noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong +pagpatáy. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di +na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; +itatakwil at pawawalang kabuluhan sa haráp man n~g marami. Kaya n~ga +m~ga kapatid; ¡saka ná! ¡Saka ná, kung makilala n~g m~ga manggagawang +pilipino ang tunay niyang karapatan! + +Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at +ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama. + +At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ... + + + + + +=V= + + +At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa m~ga huling +pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...? + +Alamin natin. + +Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g +pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay +Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na +yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g +hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay +walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang +layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy +na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g Tagapamahala +n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong ibinigay at n~g sampung +pisong kaloob. + +Si Gervasio, sa haráp n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo, +ay natilihan muna at di agad nakasagót; pinagbulaybulay sa isip niya +ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang +amuki n~g kaibigang humihikayat. + +Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay +nagpatuloy: + +--Tingnan mo--anya--¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa +kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y +magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa +iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw +niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás. At +tan~gi sa rito, ¿ano't _makikiloko_ ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa +bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo? + +--Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay +nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa +hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't +hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan +na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at +makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa +m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din. + +Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang +pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig. + +Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at +ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na +kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na +pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g m~ga +nakahahalinang amuki ni Pablo. + +Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita. + +--¿Paano ang iba kong kasamahan? + +--¿Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni +Pablo.--¿Bakit mo sila _iintindihin_? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't +isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang +hanap at pagsisikap ... + +--¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...? + +--Walin mong kabuluhan--ang saló agad ni Pablo. + +--Aywan ko sa taong itó--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag +Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang +matawag na manunubos. + +--Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti. Ang +iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya. +¡Siya na iyang makámakabayan! + +At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp n~g dalawang tuksó ay wala +na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang +kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa +gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad. + +At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking +pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay +n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan +n~g marami. + +_Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang +simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't +sa wakás ay sinabi n~g boong siglá. + +--Ako ay umaáyon. + +At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin +niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa +Pilipinas. + +--Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--búkas n~g +hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan +pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. + +--Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro. + +--Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin. + +--Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring +kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan. + +--Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin +dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon +ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón. + +--Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin. + +--Oó, darating akong walang sala. + +At noon din si Pablo ay nagpaalam. + +Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan +n~g m~ga nagsiaklás ay di man lamang nakita. + + + + + +=VI= + + +Sa haráp n~g kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo +kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang +magkakasama. + +Nakapatong sa ibabaw n~g _lamesa_ ang dalawang bisig at sa m~ga palad +ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi. + +Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang +napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapulás +sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga. + +Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning +pinagaaralan ... + +Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga +manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na +pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakatápang +na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan n~g pagtataksil. + +Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang +magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakasákit sa pagtataguyod n~g +aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g +m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang +walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa +masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga +tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiaklás, sa kapakinaban~gan at +kagalin~gan nilang sarili. + +Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang kaluluwa, +sa m~ga katiwaliang namamalas. + +Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang +malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa m~ga unang humawak n~g +kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin +at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis, bago'y ang kadalasang +mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga +itó sa maraming kilusang nangyari. + +At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa haráp n~g +m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga anák-pawis, sa m~ga nagbabansag +na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga manggagawa at sa +m~ga nagkukunwaring umaákay sa m~ga ito, sa landas n~g pagkakaisá, +sapagka't maliwanag na nakikita at nadadamá sa m~ga pangyayari, na, +marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap n~g isang +lihim na pagiimbót sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong +dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g wastong paraan, upang ang +marami at malalaking suliraning manggagawa sa Pilipinas ay malunasan. + +Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa +namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga ito ay +malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at +nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g dan~gal +at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling +kapakanan at kagalin~gan. + +Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si +Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di +lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi +isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa +buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo +at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa: + +--¿Bakit ka nalulungkot?--¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang +bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?--ang sunodsunod na tanong +ni Serafina. + +--Serafina ... Serafina ...--ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang +kamay n~g asawa--¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang +sinasapit n~g m~ga manggagawa! + +--¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá? + +--¡Nagkakaisa! Oó; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay +siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga +nagsiaklas sa pamamagitan n~g ...--at si Mauro, sa laki mandin n~g +pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g +kanyang sulatán at tuloy na napayukayok. + +Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal sa +kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g tungkulin +niya, sa m~ga sandaling yaón ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y +pinagbiyayaan n~g matatamis na halik. + +--Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin +sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung +ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay +walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian n~g m~ga +kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulun~gan man lamang kita sa +paghahanap n~g lunas. + +--¡Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na +ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay +ang lahat. Umupo ka. + +Si Serafina ay umupo. + +At si Mauro ay nagsimula. + +--Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga +manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang +m~ga pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin ang +tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa +pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman ni +Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat +mandin n~g Tagapamahala n~g pagawaán, at ito naman ang siyang +humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala +nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't +nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa +n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa +wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina, +kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal! + +--Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man +ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong +sarili ay walang magagawa. + +--Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang +magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang +magiging palad n~g m~ga darating na kilusán. + +--Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa, +subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang +layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong +sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong +tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g +lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na +ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya +mang pagtataksil; at ang m~ga batang anák natin ay maiiwanan mo naman +n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang +kayamanan. Magbalik na silang lahat sa pagawaan n~g di natatamo ang +tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa't, ikaw na asawa +ko, ay hindi ko inaasahang gagawa n~g gayon, alangalang man lamang sa +malinis na karan~galan na dapat mong ipamana sa ating m~ga anák. +Dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat n~g sákit at +paghihikahós sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakan~giti +kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso n~g ating +m~ga anák. Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp n~g kahit sino, na +kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni +sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din +namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa +kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ... + +--Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa haráp n~g m~ga kasawiang +laging inaabot n~g maraming aklasan at n~g ano mang kilusang +manggagawa, ang m~ga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong +gagawing kalasag ... + +Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang +paguusap n~g mag-asawa. + +Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si +Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. + +Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag +tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang +makiharáp sa kasama ni Gervasio ... + +Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala. Nararapat niyang tanggapin +ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa +pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung +ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo. + +Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy. + +At nagsipanhik. + + + + + +=VII= + + +Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga +kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo. + +Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling +nito. + +--¿Anó, kumusta, m~ga kasama...?--ang unang bati ni Mauro na +nakan~giti--¿Anó ang inyong layon...? + +Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling +ang m~ga matá kay Serafina. + +Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang +pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi: + +--Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag +kayong magalinlan~gan at sa haráp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan +tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ... + +--¡Oh, hindi naman sa gayon!--ang sambót agad ni Gervasio. + +--Kung gayon ay sabihin na ninyo. + +At si Pablo ang nagpasimula. + +--Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang +mahalagang bagay. + +--Siya n~ga:--ang ayon ni Gervasio. + +--Ipatuloy ninyo--ani Mauro naman. + +--Ang sanhi,--ani Pablo--ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa +pagpasok. + +--¿Saan?--ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib. + +--Sa ating Pagawaan--ang tugon ni Gervasio. + +--¿Sa Pagawaan natin? + +--Oó,--ani Pablo naman. + +Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa +marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi +n~g dalawa. + +Napatindig sa kinauupán; at noo'y ibig na sanang daluhun~gin ang +dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigát n~g sinabi; +subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa m~ga pangyayaring di +pamumun~gahan n~g anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y +nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa n~g anomang +malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang +kasabay n~g pagupong muli. + +--Mga kasama: ¿sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman +ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna? + +--Oó, nalaláman namin--ani Pablo. + +--¿Alin? + +--Ang aklasan. + +--Kung gayo't nalaláman ninyo, ay ¿anong m~ga matwid ang mailalahad +ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko? + +--Ang sarili mo ring kagalin~gan--ang nakan~giting tugón pa ni Pablo. + +--Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong +mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko +matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang +sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami. + +--¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong +alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay. +Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang n~g +panahon; kaya't ¡bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong +kagalin~gan, yayamang isang pagkakataóng dapat mong samantalahin ang +pan~gakong binitiwan n~g may Pagawaan! + +--Siya n~ga naman--ang paayon ni Gervasio. + +--¿At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umáyon na?--ang tanong ni Mauro +dito. + +--Oó;--ang tugóng may kasiglahan n~g tinanong.--ako'y umayon na, +sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating +pagmamatigás; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa. + +--Gervasio, Gervasio ...--ang ulitulit na tawag na may kahalong +pagiring ni Mauro.--Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa +naman n~g marami mong m~ga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol, +ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas n~g +pagiisá; ikaw na pinagkatiwalaan nila n~g lahat nilang pagasa ay siya +n~gayong maglalagpak sa karan~galang malinis na dapat sanang dalhin at +tamuhin nating lahat sa aklasang ito. Hindi ko hinihintay, oó; hinding +hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di +wastong paniniwala. ¡Sayang! Oó; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay +may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi. + +--Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ...--ang +nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap. + +--¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal? + +--Pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan n~g tagumpay--ang salo +naman ni Pablo. + +--M~ga kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. Sa ganang +akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking m~ga +pananalig. Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong +katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga n~gayon ay +nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan n~g +layon at simulaing ipinakikipaglaban. + +--Oó na n~ga--ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita--datapwa't ang +lahat nang iyan ay kailan~gang in~gatan kung nakikitang may tagumpay +na inaasahan sa huli ... + +--¿At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may m~ga taksil +at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan n~g isang pan~gako n~g +lalong dakila at mahalagang kilusan? ¿Paanong ibig ninyo, na ang alin +mang aklasan ay magwagí, kung ang m~ga nan~gun~gulo at +nagsisipan~gasiwa sa kapalaran at buhay n~g libolibong m~ga kapatid ay +siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa n~g m~ga manggagawa? +¡Oh! hindi, makalilibong hindi. + +--¡Mauro! ¡Mauro!--ang nagkapanabay n~g dalawa. + +--Ipatawad ninyo--ani Mauro--ang kaunting kabigatan n~g aking sinabi; +subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ... + +--Huwag kang magalaala n~g anoman--ang tugon ni Pablo.--Kung sa bagay +ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong m~ga binitiwang +pan~gungusap; n~guni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang +makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala +mo ang kahalagahan n~g aming layon. + +--¡Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod--ang matigas ding tugon +ni Mauro. + +--Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat +unahin. + +--Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't +nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling +kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di +isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan +ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanaág ... + +--¿At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyán?--ang nakatawang tugón +agad ni Gervasio. + +--Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man +lamang sa pagbabagong buhay n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas. + +--¡Ha, ha, ha, ha,...!--ang halakhakang nagkapanabay n~g dalawa, at +saka ang sabi ni Pablo: + +--Alalahanin mong may asawa ka at m~ga anák, na madadamay sa +paghihikahos. + +Ang sandaling yaon, para kay Serafinang nakikinig at malaon na ring +ibig na sumagót sa paguusap n~g tatlo; ang sandali n~gang yaon ay +inakala niyang isa nang pagkakataóng dapat samantalahin upang +maipakilala sa dalawa ang kaniyang linoloob; kaya't pagkatapos na +matingnan si Mauro ay boong siglang sinabi: + +--M~ga ginoo: Dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni +Mauro ay kinakailan~gan kong magsalita, yayamang nabanggit na rin +lamang ninyo sa inyong m~ga pan~gan~gatwiran ang kanyang asawa't m~ga +anak. Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa +pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay +siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig. +Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong +paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at +mamamátay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa. Hindi namin +kinakailan~gan ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay +magiging kapalit n~g karan~galang malinis na dapat ipamana sa aming +m~ga anák. Si Mauro ay hindi makagagawa n~g gayon. Ang karan~galan +muna, bago ang lahat, m~ga ginoo. At ang lalaki ó amáng hindi marunong +magtanggol sa karan~galang naaapi, magpakailan ma'y busabos, alipin at +apiapihan. + +Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga +palasong tumímo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay +nan~gatubigan sa pagkakaupo. + +Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga +pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g sakláp at paít. + +Sa pagkabanggit nila sa asawa't m~ga anák ni Mauro ay inaasahan nilang +sila'y matutulun~gan n~g babai sa paglalahad n~g m~ga katwirang sukat +makapagpabago n~g loob sa hinihikayat at kailan ma'y hindi nila +inakala, na si Serafina ay magkaroón n~g tápang at sigla n~g puso sa +paghahayag n~g m~ga damdaming pangbihira sa m~ga babaing pilipina. + +--Kayo po ang bahala ...--ang naitugón na lamang ni Pablo, pagkatapos +n~g pagsasalita n~g babai. + +--Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y +mailigtas sa paghihikahós--ang naisagót naman ni Gervasio. + +--Salamat sa inyong nasa, m~ga kasama:--ang tugon ni Mauro.--Datapwa't +narinig na ninyo ang m~ga katwirang pinanghahawakan ni Serafina; at +m~ga pan~gan~gatwirang lubos kong sinasangayunan sapagka't nasasalig +sa aking m~ga paniwala at sa m~ga simulaing pinanghahawakan; kaya't +ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na itó. + +--Kami'y sadyang magpapaalam na naman--ang nagkapanabay na tugón n~g +dalawa sabay n~g pagtitindigan. + +Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod +ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't +bagay na makakaya. + +Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay +na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa +m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa +napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatablán n~g isang +malaking kahihiyán. + +Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa; +inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay +sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita +niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti +naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan. + +¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai! + +At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita. + + + + + +=IIX= + + +Sumapit ang kinabukasan. + +Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na n~g +maraming manggagawa. + +Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni +Pablo sa ibang m~ga pagawaan. + +At siya, si Pablo, na pinan~gakuan n~g m~ga mamumuhunan n~g kung +anoanong katan~gian, ay lalong napamahal sa m~ga ito, dahil sa kanyang +ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap n~g m~ga tao; sipag na +nakatulong nang malaki upang silang m~ga mamumuhunan ay magwagi sa +ibabaw n~g m~ga nagsiaklás. + +At, ang m~ga pulés, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod +sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naroón pa rin at di +nagsisialis. + +Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga +nagsiaklás. + +Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at +pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok. + +At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong +pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din +nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa +nagsisipasok. + +Sa lipunang ito n~g lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa +pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok +na n~g marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang +baka kung sila'y magpapaumatumat ay hindi na tanggapin n~g m~ga, +mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa +ang karamihan n~g m~ga pagawaan n~g tabako ay inaabot n~g malaking +panghihina sa kalakal. + +Nang m~ga unang sandali pa ay ibig na n~g ilan ang pumasok; subali't +walang makapan~gahas na man~guna; ang kaunti pang karan~galang +nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't +magunita nilang ang ilan sa m~ga kasama ay mahigpit na tumututol. + +Itó ang sanhi n~g di matuloytuloy nilang pagsasagawa n~g m~ga +binabalak na panunumbalik sa Pagawaan. + +Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay +nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan +n~g marami ay nagsitun~go. + +Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay +tinanong ang nararapat na gawin. + +Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa +pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala +ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang +paghikayat sa marami upang magsipasok na. + +Pagkatapos n~g ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yaón na +binubuo n~g marami ay sumang-ayon na rin sa hikayat n~g dalawa, +bagama't ang lipunan n~g ilan, na binubuo lamang yata n~g anim ó walo +katao, ay nagmamatigás at ayaw sumang-áyon. + +Magsisialis na sana ang maraming yaón upang magsisama sa dalawa, nang +dumating si Mauro at siyang ikinahinto muna. + +Inantabayanan nilang makalapit. + +--M~ga kasama:--ang unang bati ni Mauro pagkalapit.--¿Saan ang inyong +tun~go? + +--Sa Pagawaan--ang sagutan n~g marami. + +--¿Magbabalik kayo? ¿at bakit?--ang may malaking panggigilalas na +tanong pa ni Mauro. + +--Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan--anang ilan pa +rin. + +--Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo? + +Oó;--ang sigawan n~g marami. + +--M~ga kapatid: ¡Kayo ang masusunod! Kung ibig na ninyong magbalik ay +hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo n~g inyong loob. Subali't +alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat +taglayin sa m~ga darating na araw, sa harap n~g bayan, sa harap n~g +Diyos at sa haráp n~g inyong sariling budhi. ¡Gawin n~g sino man ang +maibigan! Datapwa't, ¡bumagsák sa ulo n~g m~ga may sala ang sumpa!... + +--¡Ulól! ¡Ulól!--ang sigaw n~g isang tinig. + +Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay +pinagalagala ang m~ga matá niya. + +Isang bagay ang kanyang namalas. + +Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay +nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang +simulaing pinananaligan niya. + +Hawak n~g ilan, sa m~ga bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa +paguusap. + +Si Mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo. + +--Ang m~ga taong ito po ay siyang sumigaw sa inyó n~g ulól--ang wika +n~g isang may hawak sa bisig ni Pablo, sabay n~g pagbibitiw dito. + +--¿Totoó n~ga ba, kaibigang Pablo, na ikaw ang sumigaw?--ang +nakan~giti pa ring tanóng ni Mauro. + +--Oó; ¿anó ang ibig mong gawin?--ang may pangdidilat pang tugón ni +Pablo. + +--Wala--ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan.--Subali't, ¿anó ang +dahil at ako'y tinawag mong ulól? + +--Sapagka't ibig namin--ang tugón naman ni Gervasio + +--Ulól ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama--ang sigaw pang muli ni +Pablo. + +Sukat itó, upang ang higing n~g isang malakas na suntók na lumagpag sa +mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat. + +Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't +ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat. + +Ang pangkat n~g iilán, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa +pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio. + +Sigawan at panakbuhan n~g m~ga babai at in~gay n~g m~ga nagaaway ang +siyang sa m~ga pulés na bantay sa Pagawaan ay nakapagpadalo. + +At ang lahat ay ibig na magpulasan; subali't hindi nagawa, sanhi sa +pagbabala n~g m~ga tanod n~g kapayapaan. + +Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa +bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang +dugo ang nakita n~g lahat. + +Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may m~ga sugat sa bisig at +ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo, +na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha.... + +Sa gitna n~g gayong paglalaban ay si Mauro ang siyang unang tumanggap +n~g isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang +salagin n~g bisig na kaliwa, kaya't ito ang nasaktan din naman n~g +malaki. + +May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang +loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni +Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi +mandin n~g lintik na sinagupa ang kamay na mamamátay at mahigpit na +hinawakan. + +Nagpan~gagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro +ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma. + +Ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang +nakapagpadilim sa m~ga panin~gin ni Mauro; umakyat halos sa kanyang +ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso ... +Kinakailan~gan na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling +buhay na sa m~ga sandaling yao'y sumasapan~ganib. + +Kaya't pagkapasakamay niya n~g patalim na hawak ni Pablo ay maliksi na +rin sanang itatarak dito; subali't isa pa ring bisig na may patalim +ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya't itó na ang +hinaráp; si Gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian. + +Sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in Gervasio, si +Mauro ay nakailag; kaya't lumihis ang saksak na yaon. At pagkatapos, +si Mauro naman ang gumanti. + +Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang +patalim ni Mauro. + +At sabay sa pagbagsak n~g duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din +naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay n~g isang di +nakilala. + +At ang lahat ay naganap sa loob n~g isang kisapmatá lamang. + +At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang +naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. + +Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang +binantayan. + +At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g +m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na +rin n~g ibang pulés na gumibik. + +Dalawang "ambulancia" ang dumating na maliksing tinawag n~g isang +_detective_ at sa isang laan sa m~ga may sugat ay doon isinakay ang +m~ga ito, at sa isá pa ay ang m~ga malalakas naman ... + +¡¡Kakilakilabot na bun~ga n~g di pagkakaunawaan n~g m~ga manggagawa sa +kapwa manggagawa...!! + + + + + +=IX= + + +Tatlong buwan ang lumipas buhat nang m~ga huling pangyayari. + +Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila +Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan. + +At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may +mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang +dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g +paglilitis. + +Ang ilan sa m~ga kasama pa nila ay pinakawalán na ring matagal, +pagkatapos na makunan muna n~g ilang; m~ga tanóng na siyang ihaharap +na, saksi sa araw n~g paglilitis. + +Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang +m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g +paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro. +...................................................................... +...................................................................... +...................................................................... +...................................................................... + +Ang araw n~g paglilitis ay sumapit. + +At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno +sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis. + +Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák +nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang +asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man +nangyaring kausapin. + +Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon +gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa. + +Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan +at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan +nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang _abogado_ upang +magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman. + +Sa haráp n~g kagalanggalang na Hukom ang lahat n~g kailan~gan ay +ginawa at isinakatuparan n~g Tagausig-sala, at gayon din n~g +Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ... + +Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya. +Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay +idaan ang lahat. + +Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, +ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si +Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay +isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay. + +--¡Katitiís ka, asawa ko...!--ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang +sumasakáy na sa "ambulancia." + +--¡Mauro! ¡Mauro!--ang sigaw naman n~g kaawaawang babai. + +--¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!!--ang habol naman n~g m~ga anák. + +--¡Huwag kayong man~gahapis!--ang sa wakas ay nasabi na lamang ni +Mauro sa boong pagdaramdam. + +At ang sasakyang ay matuling tumakbo. + +At si Serafina at ang kanyang m~ga anák ay nagsiuwi na rin. + +¡¡Kaawaawang magiiná!! + + * * * * * + +Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang +tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa +halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. + +At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala +marahil sa gayong m~ga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang +kilos na gawin n~g m~ga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu n~g +pagtatatag n~g anomang kapisanan sa loob n~g pagawaan. Ibinaba pang +muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" +at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima +sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan. + +Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g +bagay na magalin~gin n~g puhunan ... + +Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating. + +At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro +sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa +pagtataguyod n~g aklasan. + +Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking +pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g +sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika. + +¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni +Mauro...! + +¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang +pusong m~ga manggagawang yaon! + +¡Datapwa't wala na silang magagawa! +....................................................................... +....................................................................... +....................................................................... +....................................................................... + +At ang araw n~g paghatol ay dumating. + +At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g boóng +pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na +namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay +ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang +kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman. + +--¡Siyam na buwan at isang araw!--ang napabulalás na sabi ni Serafina, +pagkarinig sa hatol, at sabay na nanan~gis. + +--Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw +na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang +asawa sa buháy na tinig--alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang +simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't +madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g +m~ga batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp n~g aking +bayan at sa haráp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ... + +--¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang m~ga anák mo!--ang panan~gis ni Serefina. + +--Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila. + +At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga +anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na +_ambulancia_.... + +At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo. + +Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya. + +¡Oh, ang tadhana! + +At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata +at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang +sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga +pan~gun~gusap na itó: + +--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang +ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís +at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli +niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang +takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal +nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan +n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na +kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang +ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't +sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon +n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila. +Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa +ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming +Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla. + +Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha +n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw. + +Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay +pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal. + + +WAKAS + + + + +MGA MALI SA PAGKALIMBAG + +Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin: + +XI 2 kahalán laga kahaláhalagá +XI 5 nnoman anoman +1 7 matanda't bata matatanda't bata +14 2 Botika Morelos. Botika Morelos +14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan +24 2 n~g laha,. n~g lahat. +24 3 tumaganap lumaganap +24 12 n~g gayon n~g gayong +24 13 tumayo at tumayo +24 21-22 katahimikan. katahimikan +25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang +30 22 manggawa magagawa +31 3 nakabukás ang nakabukás +32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan +49 11 nay Pagawaan may Pagawaan +55 17 at kung kahit at kung bakit +61 8-9 itaitagal itatagal +63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag. +63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina +64 7 ipinatuloy pinatuloy. +71 7 naguntos; naguutos; +77 15 ikabaw ibabaw +79 1 tabakero tabako +80 24 ¿Kun gayon, ¿Kung gayon, +81 12 sumpal!... sumpa!... +81 16 aag ang +94 1 sisanabi sinasabi + + + +_Mga Aklát ng Sumulat Nito_ + +"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá +"¡Sakim na Magulang!"............ 0.40 " +"Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... 0.40 " + + +[Patalastas] + + + + + + +End of the Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals + +*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI *** + +***** This file should be named 17257-8.txt or 17257-8.zip ***** +This and all associated files of various formats will be found in: + https://www.gutenberg.org/1/7/2/5/17257/ + +Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online +Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special +thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save +this book. + + +Updated editions will replace the previous one--the old editions +will be renamed. + +Creating the works from public domain print editions means that no +one owns a United States copyright in these works, so the Foundation +(and you!) can copy and distribute it in the United States without +permission and without paying copyright royalties. Special rules, +set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to +copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to +protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project +Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you +charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you +do not charge anything for copies of this eBook, complying with the +rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose +such as creation of derivative works, reports, performances and +research. They may be modified and printed and given away--you may do +practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is +subject to the trademark license, especially commercial +redistribution. + + + +*** START: FULL LICENSE *** + +THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE +PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK + +To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free +distribution of electronic works, by using or distributing this work +(or any other work associated in any way with the phrase "Project +Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project +Gutenberg-tm License (available with this file or online at +https://gutenberg.org/license). + + +Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm +electronic works + +1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm +electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to +and accept all the terms of this license and intellectual property +(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all +the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy +all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. +If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project +Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the +terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or +entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. + +1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be +used on or associated in any way with an electronic work by people who +agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few +things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works +even without complying with the full terms of this agreement. See +paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project +Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement +and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic +works. See paragraph 1.E below. + +1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" +or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project +Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the +collection are in the public domain in the United States. If an +individual work is in the public domain in the United States and you are +located in the United States, we do not claim a right to prevent you from +copying, distributing, performing, displaying or creating derivative +works based on the work as long as all references to Project Gutenberg +are removed. Of course, we hope that you will support the Project +Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by +freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of +this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with +the work. You can easily comply with the terms of this agreement by +keeping this work in the same format with its attached full Project +Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. + +1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern +what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in +a constant state of change. If you are outside the United States, check +the laws of your country in addition to the terms of this agreement +before downloading, copying, displaying, performing, distributing or +creating derivative works based on this work or any other Project +Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning +the copyright status of any work in any country outside the United +States. + +1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: + +1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate +access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently +whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the +phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project +Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, +copied or distributed: + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + +1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived +from the public domain (does not contain a notice indicating that it is +posted with permission of the copyright holder), the work can be copied +and distributed to anyone in the United States without paying any fees +or charges. If you are redistributing or providing access to a work +with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the +work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 +through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the +Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or +1.E.9. + +1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted +with the permission of the copyright holder, your use and distribution +must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional +terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked +to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the +permission of the copyright holder found at the beginning of this work. + +1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm +License terms from this work, or any files containing a part of this +work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. + +1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this +electronic work, or any part of this electronic work, without +prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with +active links or immediate access to the full terms of the Project +Gutenberg-tm License. + +1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, +compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any +word processing or hypertext form. However, if you provide access to or +distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than +"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version +posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), +you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a +copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon +request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other +form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm +License as specified in paragraph 1.E.1. + +1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, +performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works +unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. + +1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing +access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided +that + +- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from + the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method + you already use to calculate your applicable taxes. The fee is + owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he + has agreed to donate royalties under this paragraph to the + Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments + must be paid within 60 days following each date on which you + prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax + returns. Royalty payments should be clearly marked as such and + sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the + address specified in Section 4, "Information about donations to + the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." + +- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies + you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he + does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm + License. You must require such a user to return or + destroy all copies of the works possessed in a physical medium + and discontinue all use of and all access to other copies of + Project Gutenberg-tm works. + +- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any + money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the + electronic work is discovered and reported to you within 90 days + of receipt of the work. + +- You comply with all other terms of this agreement for free + distribution of Project Gutenberg-tm works. + +1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm +electronic work or group of works on different terms than are set +forth in this agreement, you must obtain permission in writing from +both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael +Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the +Foundation as set forth in Section 3 below. + +1.F. + +1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable +effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread +public domain works in creating the Project Gutenberg-tm +collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic +works, and the medium on which they may be stored, may contain +"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or +corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual +property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a +computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by +your equipment. + +1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right +of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project +Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project +Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all +liability to you for damages, costs and expenses, including legal +fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT +LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE +PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE +TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE +LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR +INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH +DAMAGE. + +1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a +defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can +receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a +written explanation to the person you received the work from. If you +received the work on a physical medium, you must return the medium with +your written explanation. The person or entity that provided you with +the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a +refund. If you received the work electronically, the person or entity +providing it to you may choose to give you a second opportunity to +receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy +is also defective, you may demand a refund in writing without further +opportunities to fix the problem. + +1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth +in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER +WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO +WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. + +1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied +warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. +If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the +law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be +interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by +the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any +provision of this agreement shall not void the remaining provisions. + +1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the +trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone +providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance +with this agreement, and any volunteers associated with the production, +promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, +harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, +that arise directly or indirectly from any of the following which you do +or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm +work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any +Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. + + +Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm + +Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of +electronic works in formats readable by the widest variety of computers +including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists +because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from +people in all walks of life. + +Volunteers and financial support to provide volunteers with the +assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's +goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will +remain freely available for generations to come. In 2001, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure +and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. +To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation +and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 +and the Foundation web page at https://www.pglaf.org. + + +Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive +Foundation + +The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit +501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the +state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal +Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification +number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at +https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent +permitted by U.S. federal laws and your state's laws. + +The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. +Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered +throughout numerous locations. Its business office is located at +809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email +business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact +information can be found at the Foundation's web site and official +page at https://pglaf.org + +For additional contact information: + Dr. Gregory B. Newby + Chief Executive and Director + gbnewby@pglaf.org + + +Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation + +Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide +spread public support and donations to carry out its mission of +increasing the number of public domain and licensed works that can be +freely distributed in machine readable form accessible by the widest +array of equipment including outdated equipment. Many small donations +($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt +status with the IRS. + +The Foundation is committed to complying with the laws regulating +charities and charitable donations in all 50 states of the United +States. Compliance requirements are not uniform and it takes a +considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up +with these requirements. We do not solicit donations in locations +where we have not received written confirmation of compliance. To +SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any +particular state visit https://pglaf.org + +While we cannot and do not solicit contributions from states where we +have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition +against accepting unsolicited donations from donors in such states who +approach us with offers to donate. + +International donations are gratefully accepted, but we cannot make +any statements concerning tax treatment of donations received from +outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. + +Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation +methods and addresses. Donations are accepted in a number of other +ways including including checks, online payments and credit card +donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate + + +Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic +works. + +Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm +concept of a library of electronic works that could be freely shared +with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project +Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. + + +Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed +editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. +unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily +keep eBooks in compliance with any particular paper edition. + + +Most people start at our Web site which has the main PG search facility: + + https://www.gutenberg.org + +This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, +including how to make donations to the Project Gutenberg Literary +Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to +subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks. |
