summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/17257-8.txt
diff options
context:
space:
mode:
authorRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:50:41 -0700
committerRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:50:41 -0700
commitcabb2420953e9bf85735a421a3886be23d408f68 (patch)
tree34004c022b8f843129246f9df1d106c70252b445 /17257-8.txt
initial commit of ebook 17257HEADmain
Diffstat (limited to '17257-8.txt')
-rw-r--r--17257-8.txt2219
1 files changed, 2219 insertions, 0 deletions
diff --git a/17257-8.txt b/17257-8.txt
new file mode 100644
index 0000000..a07efd5
--- /dev/null
+++ b/17257-8.txt
@@ -0,0 +1,2219 @@
+The Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+
+Title: Isa Pang Bayani
+
+Author: Juan L. Arsciwals
+
+Release Date: December 8, 2005 [EBook #17257]
+
+Language: Tagalog
+
+Character set encoding: ISO-8859-1
+
+*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI ***
+
+
+
+
+Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online
+Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special
+thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save
+this book.
+
+
+
+
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+MAIKLING KASAYSAYAN
+
+=ISA PANG BAYANI ...=
+
+SINULAT NI
+
+=JUAN L. ARSCIWALS=
+
+(_Kasapi sa "Ilaw at Panitik"_)
+
+ * * * * *
+
+KASAYSAYANG MANGGAGAWA
+
+_na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang
+"Balintawak" ng 1915, sa ilalim ng
+sagisag na: "Maktan"_
+
+AT
+
+MGA PANGUNANG SALITA NI
+
+=_G. Carlos Ronquillo_=
+
+(Tagapamahala ng Taliba)
+
+=UNANG PAGKAPALIMBAG=
+
+_Maynila, S.P. 1915_
+
+IMPRENTA Y LIBRERIA
+
+DE
+
+_P. Sayo Vda. de Soriano_
+
+Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo.
+
+
+
+[Larawan: Juan L. Arsciwals]
+
+_Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga
+manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at
+kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng
+Kalubusan ay ni mamamanaag._
+
+=_Juan L. Arsciwals._=
+
+
+
+=Parang mga=
+
+=Pangunahing Talata=
+
+
+_Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng
+biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa
+tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming
+mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng
+masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't
+alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid
+na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at
+kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan;
+saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng
+manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay
+boong liwanag na naglalarawan._
+
+_May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang
+lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan
+ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba,
+ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit
+masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti.
+Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring
+sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng
+kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na
+sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de
+los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga
+J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C.
+Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio
+atbp._
+
+_Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng lahat.
+¿Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ¿sa
+paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung
+taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang
+sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino
+man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at
+kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang
+araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling
+tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang
+kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga_ Trade
+Unions, _kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa
+limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni
+Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi._
+
+_Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas
+ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na
+pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo,
+ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang
+makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay
+makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag
+nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang
+lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang
+puso ay titibay._
+
+_Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay
+kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni
+Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y
+lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan
+dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y
+magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning
+manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba
+pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito._
+
+_Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._
+
+=_Carlos Ronquillo._=
+
+25 Sept. 1915.
+
+
+
+
+
+Ilang salita muna ...
+
+Mga Manggagawa:
+
+
+Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na
+sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang
+pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa
+Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g
+libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang
+pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin
+ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong
+magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig.
+
+Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na ito
+sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong
+kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na
+pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamatáy n~g masisigla at mahahalagang
+kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos ay mailantad sa
+haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad.
+
+¡Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at
+kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang
+nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay
+magamot ang sakit na nasabi.
+
+Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay
+hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao ó
+Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa
+mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang
+pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang
+pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito.
+
+Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting
+Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang
+pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na
+nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin.
+
+Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa
+Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga
+nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa
+sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na
+anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang
+panaginip n~g sumulat ó isang pan~garap lamang n~g diwa kong
+umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g
+Puhunan....
+
+=_Juan L. Arsciwals._=
+
+Tundo, Maynila, S. P.
+
+Sept. 8, 1915.
+
+
+
+
+
+
+=I=
+
+
+Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga,
+sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g
+isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga
+manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata.
+
+Pulúpulutóng ang pagkakaáyos. May kanikaniyang usapan at may
+kanikaniyang pinagtatalunan.
+
+Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan
+ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik
+n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig
+malaman.
+
+Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita;
+nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g
+Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilan~gan n~g
+maraming kabai.
+
+Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakán n~g m~ga
+daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa
+na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na
+pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na
+kanilang pinapasukan.
+
+--¡Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon.
+
+--¿Anó kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g isá
+pa.
+
+At ang tanong na itó'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa
+m~ga kaharáp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin
+ang kasagutan.
+
+Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay
+ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na
+binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling.
+
+¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito?
+
+¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman?
+
+¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
+
+Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila
+upang mabatid natin.
+
+Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g
+isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y
+ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat
+n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.
+
+Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g pangulo
+n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay nagsipagpulong
+ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin.
+
+Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan
+n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang
+maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa
+bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang
+gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring
+gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid,
+ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasyá.
+
+Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan
+na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang
+ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa
+pagawaan at sa Kapisanan.
+
+Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa
+kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon
+n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga
+dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa
+iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga,
+ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa
+kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos
+n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan.
+
+Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa
+dumarating.
+
+Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita
+nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila,
+siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating
+nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha.
+
+--¡Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
+
+--Magsisilabás na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang
+itinutugón at inilulunas sa pagkainíp n~g madla.
+
+At parang itinaón sa huling tugon n~g ilán, sa pinto n~g pagawaan ay
+nagsilabas ang limá katao.
+
+--¡Narito na! ¡Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na
+naibigkás n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabás.
+
+Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na
+nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang
+dumarating na Lupon ay sinalubong.
+
+--M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang
+mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang
+malaking paglalaban.
+
+--¿Anó po ang nangyari?--¿Anó po ang kinasapitan?--ang sabáy-sabáy na
+tanun~gan n~g marami.
+
+--Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat;
+sila ay nagpapakatigás ...--ang tugón din n~g pan~gulo.
+
+--Kung gayon, tayo'y magsiaklás.--ang sigaw n~g isang manggagawa.
+
+--¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g
+marami.
+
+--M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--¡Tayo'y huminusay!
+Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang
+loob.
+
+--¡¡Welga!! ¡¡Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami.
+
+--¡¡Tayo'y magsiaklás...!!--ang ulit n~g ilan.
+
+--¡¡Magsiaklás!!--ang tugón n~g lahat.
+
+--Ang lahat ay magagawa--ang tugóng malakas din ni Mauro--subali't,
+kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y
+magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat.
+
+--¡Magpulong! ¡Magpulong!--ang sigawan n~g lahat.
+
+--Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo.
+
+--¡Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman.
+
+--¡Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla.
+
+At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang
+dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go.
+
+Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha
+sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás.
+
+Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na
+mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g
+mabiyayang araw n~g Katúbusan.
+
+
+
+
+
+=II=
+
+
+At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa
+kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g
+tao.
+
+Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod
+pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general."
+
+Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa
+palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang ilán pa rin sa m~ga
+bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob n~g
+pagawaan.
+
+Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gaguúsap pa
+muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang
+tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa
+mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan.
+
+Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y
+hindi na magkarinigan.
+
+--¡Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g
+isá.
+
+--¡¡Ituloy!!...--ang tugóng pasigaw din n~g karamihan.
+
+--At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat.
+
+Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig.
+
+At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat.
+
+At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat
+sa magsasalita.
+
+Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay
+ipinabatid, na ang pulong ay bukás na.
+
+At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at
+kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.
+
+Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g úpa ay
+ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat n~g Lupon ay ayaw
+dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigástigás
+sa kanilang nasa.
+
+--Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay nagsabi pa,
+na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang úpa ay maaaring huwag
+pumasok. Kayó--anyá--ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay
+makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong
+pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya;
+sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin.
+
+At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay
+ipinatuloy:
+
+--M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa?
+
+--¡¡Ayaw kami!!--ang sigawang napakalakás n~g lahat.
+
+--Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--¿ano ang ibig ninyong gawin?
+
+--¡Magsiaklás!...
+
+Itó ang sagutan n~g lahat.
+
+At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman.
+
+Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi
+na halos magkamayaw.
+
+Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa
+tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami
+sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa
+harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa
+madla'y sinabi:
+
+--Mga kapatid; kayo'y pumayapa.
+
+At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si
+Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang.
+
+Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig.
+
+At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita:
+
+--M~ga kamanggagawa:--anya sa buháy na tinig.--Sa haráp n~g
+napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay
+kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang
+bigát n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at
+huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin
+n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang
+kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang
+pagkilos at pagpapasyá. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa
+anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi;
+pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit,
+lubha na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g
+hinaharap natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating
+m~ga manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika
+ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan
+n~g úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan.
+Karapatan natin sa haráp n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na
+pinupuhunan natin ay tumbasán n~g sapát na kaupahán; at ang karapatang
+itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol
+hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót n~g kaya ... sukdang
+ikamatay.
+
+Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na
+palakpakang isinunód n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga
+pan~gun~gusap.
+
+Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy:
+
+--Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin,
+na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa
+pamamagitan n~g ipinan~gan~gahás nilang lakás, ang alin mang daing
+natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan
+natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa haráp
+n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ¿ay ano ang kailan~gan nating gawin?
+¡Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang
+lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiisá, pagka't
+tan~ging naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito n~ga ¿ay ano ang
+ibig ninyong gawin?
+
+--¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat.
+
+--Kayó ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa
+pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga
+natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at
+kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa m~ga
+anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g
+paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa
+Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit
+na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g
+matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit
+kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga anák-pawis ay ayaw
+na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay
+maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang
+pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang
+nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon,
+¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay
+kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g
+hirap. Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas
+sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang
+m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin
+naman n~g sa ating m~ga asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang
+magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang
+araw sa pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...!
+Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang
+aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay
+hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat
+n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga
+mamumuhunan.
+
+--¡¡Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami.
+
+--Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula sa
+araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga
+manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na
+muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay.
+¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang
+pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa
+atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami
+upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g
+bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga
+kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan!
+
+--¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!!--ang sigawan n~g lahat.
+
+--Sino man ay walang magtataksil.
+
+--¡Wala ni sino man!
+
+At ang aklasan mula noon ay napagtibay.
+
+Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring
+pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan.
+
+Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na
+taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan
+n~g kanilang ipakikipaglaban.
+
+Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang
+pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas.
+
+Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa,
+upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.
+
+Pagkatapos n~g ilang pagtatanóng na ginawa n~g matalinong
+Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat,
+ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang
+sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g
+bawa't panig.
+
+
+
+
+
+=III=
+
+
+Umaga n~g kinabukasan.
+
+Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas
+maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.
+
+Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa
+pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na
+gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga
+pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg n~g m~ga "chaveta" na
+ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "butó" n~g dahon n~g tabako,
+at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang
+di na naririnig.
+
+Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang
+ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita ang
+ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang
+"embasador."
+
+Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila,
+ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat
+sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa
+gawain n~g m~ga yuon.
+
+Ang kawikaang: _Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong
+katawan_ sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa
+paniniwala nilang iba sila.
+
+¡Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa
+ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...!
+
+Sapagka't, samantalang doón, sa boong _kaeorupahan_ at sa iba pang
+dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis
+ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang
+dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat
+na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat
+ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga
+yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan n~g
+Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't
+ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga
+dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga
+manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi
+ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás
+hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.
+
+At ... tayo'y magpatuloy....
+
+Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás,
+ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman
+ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan.
+
+Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.
+
+Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang _lamesang marmol_
+ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang
+Tagapamahala.
+
+Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan.
+
+--Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa
+taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan.
+
+At si Pablo (tawagin na natin n~g ganitó yamang siyang itinawag sa
+kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo.
+
+--Ipinatatawag daw po ninyo akó--ang simulang wika ni Pablo nang maupo
+na.
+
+--Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay
+na mahalaga akong sasabihin sa iyó.
+
+--¿Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tugón n~g kinakausap.
+
+--Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at
+hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon ka
+sa aking sasabihin.
+
+--Sabihin mo na po.
+
+--Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso"
+kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g
+kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala
+marahil n~g m~ga _walang utang na loob_ na iyan ay susuko kaming m~ga
+mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang
+pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang
+kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag
+kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan
+sa pagawaang ito--at sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka
+rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama.
+
+--Ako po'y ...
+
+--Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may
+pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay
+hindi makasasapát sa iyo at sa iyong asawa't m~ga anák. Dito, kung
+papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang
+magsisigawa rin ay bíbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang
+ibig mo; alalaong baga'y hindi ka _tatasahan_ sa m~ga "material" na
+gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating
+kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa
+kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba?
+
+Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang
+umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa
+takot sa m~ga nagsiaklás.
+
+Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip
+niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang
+samantalahin upang ikita n~g malaki.
+
+Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang
+mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan
+muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti
+ay winika n~g Tagapamahala.
+
+--Anó ang iyong sagót?
+
+At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang
+tugón:
+
+--Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ...
+
+--Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka n~g
+Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga batás ... Upang matangkilik ka at
+gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami
+rito n~g ilang pulis na tatanod.
+
+--Kung gayon po'y ...
+
+--Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang
+lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula
+na kayo.
+
+--Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang
+siya po ang nan~gun~gulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito
+ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba.
+
+--Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ...
+Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo.
+
+--Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauupán at
+pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na.
+
+--Oó--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsá,
+ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa
+m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang dalawang
+tiglilimang pisong papel.
+
+--Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na
+isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa.
+
+--¡Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap.
+
+Isang malakás na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang
+makalabas sa pinto si Pablo.
+
+--¡Nakabili na tayo! ¡nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa
+n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalakás ang pagtawa.
+
+Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at
+kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at
+binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang
+mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at
+sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na
+ipasok sa Pagawaang inaklasan.
+
+M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol
+sa Pilipinas.
+
+
+
+
+=IV=
+
+
+=Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari.
+
+Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan
+n~g sino mang manggagawang tabakero.
+
+Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo
+n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat
+n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay
+n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang
+pinagaklasan.
+
+Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang
+nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót n~g m~ga mamumuhunan.
+Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang laging panagót.
+
+Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang
+muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang
+tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang
+salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at
+lalong nagpapakatigás ang m~ga kalaban.
+
+Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga
+nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba.
+
+--Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na sa
+huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g
+dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala
+sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa m~ga
+mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa
+paglalaban. At huwag lamang na sawíng palad na pasukan n~g m~ga
+kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din
+naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat n~g inyong
+m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi.
+
+At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan n~g
+m~ga nagsiaklás.
+
+Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad
+na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang
+salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan.
+
+Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga
+kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang
+nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na
+itinatagal n~g aklasan.
+
+¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man
+lamang!
+
+At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.
+
+--¡Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang
+hatol sa lahat.
+
+--Oó; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tugón naman n~g
+marami.
+
+Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay!
+
+Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok sa
+maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing isá pa, buhat
+sa ibang ginagawan.
+
+¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni
+Pablo!
+
+¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin
+n~g ibá!
+
+¡Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managót sa napakaraming
+aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain
+n~g m~ga asawa't anák n~g nagsisiaklás.
+
+¡Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad!
+
+Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon
+n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at
+manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig.
+
+At samantala'y ...
+
+¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!
+
+Sa m~ga mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha sa
+pawisang noó n~g bawa't isá, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil
+na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga
+nagsiaklás.
+
+Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g
+ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa m~ga taksil na
+yaón.
+
+Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin,
+ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni
+Mauro.
+
+Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang
+payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa
+haráp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan.
+
+--Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapadának n~g
+kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin
+kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa
+nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. ¡Para sa m~ga manggagawang
+pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at
+lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang
+pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang
+ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa
+magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal;
+datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga
+pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at
+nalalaman ó kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang
+gagamit n~g gayong _sandata_ ... Kayo na ang magsabi. ¿Ano ang
+kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g
+dugo? Wala, kundi maghari ang lakás n~g m~ga batás sa ibabaw n~g
+sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at
+pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging
+sadlakan n~g paguyám at tagurian pa n~g _mamamatay_, unang-una na
+noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong
+pagpatáy. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di
+na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa;
+itatakwil at pawawalang kabuluhan sa haráp man n~g marami. Kaya n~ga
+m~ga kapatid; ¡saka ná! ¡Saka ná, kung makilala n~g m~ga manggagawang
+pilipino ang tunay niyang karapatan!
+
+Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at
+ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama.
+
+At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ...
+
+
+
+
+
+=V=
+
+
+At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa m~ga huling
+pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...?
+
+Alamin natin.
+
+Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g
+pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay
+Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na
+yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g
+hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay
+walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang
+layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy
+na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g Tagapamahala
+n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong ibinigay at n~g sampung
+pisong kaloob.
+
+Si Gervasio, sa haráp n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo,
+ay natilihan muna at di agad nakasagót; pinagbulaybulay sa isip niya
+ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang
+amuki n~g kaibigang humihikayat.
+
+Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay
+nagpatuloy:
+
+--Tingnan mo--anya--¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa
+kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y
+magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa
+iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw
+niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás. At
+tan~gi sa rito, ¿ano't _makikiloko_ ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa
+bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?
+
+--Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay
+nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa
+hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't
+hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan
+na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at
+makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa
+m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.
+
+Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang
+pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig.
+
+Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at
+ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na
+kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na
+pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g m~ga
+nakahahalinang amuki ni Pablo.
+
+Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita.
+
+--¿Paano ang iba kong kasamahan?
+
+--¿Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni
+Pablo.--¿Bakit mo sila _iintindihin_? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't
+isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang
+hanap at pagsisikap ...
+
+--¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...?
+
+--Walin mong kabuluhan--ang saló agad ni Pablo.
+
+--Aywan ko sa taong itó--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag
+Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang
+matawag na manunubos.
+
+--Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti. Ang
+iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya.
+¡Siya na iyang makámakabayan!
+
+At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp n~g dalawang tuksó ay wala
+na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang
+kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa
+gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad.
+
+At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking
+pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay
+n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan
+n~g marami.
+
+_Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang
+simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't
+sa wakás ay sinabi n~g boong siglá.
+
+--Ako ay umaáyon.
+
+At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin
+niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa
+Pilipinas.
+
+--Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--búkas n~g
+hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan
+pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan.
+
+--Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.
+
+--Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin.
+
+--Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring
+kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan.
+
+--Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin
+dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon
+ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón.
+
+--Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin.
+
+--Oó, darating akong walang sala.
+
+At noon din si Pablo ay nagpaalam.
+
+Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan
+n~g m~ga nagsiaklás ay di man lamang nakita.
+
+
+
+
+
+=VI=
+
+
+Sa haráp n~g kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo
+kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang
+magkakasama.
+
+Nakapatong sa ibabaw n~g _lamesa_ ang dalawang bisig at sa m~ga palad
+ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi.
+
+Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang
+napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapulás
+sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga.
+
+Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning
+pinagaaralan ...
+
+Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga
+manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na
+pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakatápang
+na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan n~g pagtataksil.
+
+Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang
+magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakasákit sa pagtataguyod n~g
+aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g
+m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang
+walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa
+masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga
+tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiaklás, sa kapakinaban~gan at
+kagalin~gan nilang sarili.
+
+Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang kaluluwa,
+sa m~ga katiwaliang namamalas.
+
+Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang
+malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa m~ga unang humawak n~g
+kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin
+at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis, bago'y ang kadalasang
+mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga
+itó sa maraming kilusang nangyari.
+
+At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa haráp n~g
+m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga anák-pawis, sa m~ga nagbabansag
+na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga manggagawa at sa
+m~ga nagkukunwaring umaákay sa m~ga ito, sa landas n~g pagkakaisá,
+sapagka't maliwanag na nakikita at nadadamá sa m~ga pangyayari, na,
+marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap n~g isang
+lihim na pagiimbót sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong
+dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g wastong paraan, upang ang
+marami at malalaking suliraning manggagawa sa Pilipinas ay malunasan.
+
+Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa
+namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga ito ay
+malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at
+nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g dan~gal
+at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling
+kapakanan at kagalin~gan.
+
+Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si
+Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di
+lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi
+isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa
+buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo
+at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa:
+
+--¿Bakit ka nalulungkot?--¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang
+bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?--ang sunodsunod na tanong
+ni Serafina.
+
+--Serafina ... Serafina ...--ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang
+kamay n~g asawa--¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang
+sinasapit n~g m~ga manggagawa!
+
+--¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá?
+
+--¡Nagkakaisa! Oó; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay
+siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga
+nagsiaklas sa pamamagitan n~g ...--at si Mauro, sa laki mandin n~g
+pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g
+kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.
+
+Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal sa
+kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g tungkulin
+niya, sa m~ga sandaling yaón ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y
+pinagbiyayaan n~g matatamis na halik.
+
+--Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin
+sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung
+ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay
+walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian n~g m~ga
+kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulun~gan man lamang kita sa
+paghahanap n~g lunas.
+
+--¡Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na
+ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay
+ang lahat. Umupo ka.
+
+Si Serafina ay umupo.
+
+At si Mauro ay nagsimula.
+
+--Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga
+manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang
+m~ga pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin ang
+tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa
+pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman ni
+Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat
+mandin n~g Tagapamahala n~g pagawaán, at ito naman ang siyang
+humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala
+nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't
+nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa
+n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa
+wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina,
+kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal!
+
+--Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man
+ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong
+sarili ay walang magagawa.
+
+--Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang
+magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang
+magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.
+
+--Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa,
+subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang
+layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong
+sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong
+tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g
+lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na
+ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya
+mang pagtataksil; at ang m~ga batang anák natin ay maiiwanan mo naman
+n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang
+kayamanan. Magbalik na silang lahat sa pagawaan n~g di natatamo ang
+tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa't, ikaw na asawa
+ko, ay hindi ko inaasahang gagawa n~g gayon, alangalang man lamang sa
+malinis na karan~galan na dapat mong ipamana sa ating m~ga anák.
+Dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat n~g sákit at
+paghihikahós sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakan~giti
+kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso n~g ating
+m~ga anák. Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp n~g kahit sino, na
+kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni
+sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din
+namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa
+kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ...
+
+--Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa haráp n~g m~ga kasawiang
+laging inaabot n~g maraming aklasan at n~g ano mang kilusang
+manggagawa, ang m~ga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong
+gagawing kalasag ...
+
+Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang
+paguusap n~g mag-asawa.
+
+Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si
+Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro.
+
+Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag
+tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang
+makiharáp sa kasama ni Gervasio ...
+
+Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala. Nararapat niyang tanggapin
+ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa
+pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung
+ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo.
+
+Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy.
+
+At nagsipanhik.
+
+
+
+
+
+=VII=
+
+
+Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga
+kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo.
+
+Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling
+nito.
+
+--¿Anó, kumusta, m~ga kasama...?--ang unang bati ni Mauro na
+nakan~giti--¿Anó ang inyong layon...?
+
+Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling
+ang m~ga matá kay Serafina.
+
+Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang
+pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi:
+
+--Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag
+kayong magalinlan~gan at sa haráp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan
+tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ...
+
+--¡Oh, hindi naman sa gayon!--ang sambót agad ni Gervasio.
+
+--Kung gayon ay sabihin na ninyo.
+
+At si Pablo ang nagpasimula.
+
+--Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang
+mahalagang bagay.
+
+--Siya n~ga:--ang ayon ni Gervasio.
+
+--Ipatuloy ninyo--ani Mauro naman.
+
+--Ang sanhi,--ani Pablo--ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa
+pagpasok.
+
+--¿Saan?--ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib.
+
+--Sa ating Pagawaan--ang tugon ni Gervasio.
+
+--¿Sa Pagawaan natin?
+
+--Oó,--ani Pablo naman.
+
+Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa
+marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi
+n~g dalawa.
+
+Napatindig sa kinauupán; at noo'y ibig na sanang daluhun~gin ang
+dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigát n~g sinabi;
+subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa m~ga pangyayaring di
+pamumun~gahan n~g anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y
+nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa n~g anomang
+malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang
+kasabay n~g pagupong muli.
+
+--Mga kasama: ¿sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman
+ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna?
+
+--Oó, nalaláman namin--ani Pablo.
+
+--¿Alin?
+
+--Ang aklasan.
+
+--Kung gayo't nalaláman ninyo, ay ¿anong m~ga matwid ang mailalahad
+ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko?
+
+--Ang sarili mo ring kagalin~gan--ang nakan~giting tugón pa ni Pablo.
+
+--Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong
+mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko
+matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang
+sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami.
+
+--¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong
+alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay.
+Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang n~g
+panahon; kaya't ¡bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong
+kagalin~gan, yayamang isang pagkakataóng dapat mong samantalahin ang
+pan~gakong binitiwan n~g may Pagawaan!
+
+--Siya n~ga naman--ang paayon ni Gervasio.
+
+--¿At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umáyon na?--ang tanong ni Mauro
+dito.
+
+--Oó;--ang tugóng may kasiglahan n~g tinanong.--ako'y umayon na,
+sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating
+pagmamatigás; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa.
+
+--Gervasio, Gervasio ...--ang ulitulit na tawag na may kahalong
+pagiring ni Mauro.--Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa
+naman n~g marami mong m~ga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol,
+ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas n~g
+pagiisá; ikaw na pinagkatiwalaan nila n~g lahat nilang pagasa ay siya
+n~gayong maglalagpak sa karan~galang malinis na dapat sanang dalhin at
+tamuhin nating lahat sa aklasang ito. Hindi ko hinihintay, oó; hinding
+hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di
+wastong paniniwala. ¡Sayang! Oó; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay
+may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi.
+
+--Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ...--ang
+nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap.
+
+--¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal?
+
+--Pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan n~g tagumpay--ang salo
+naman ni Pablo.
+
+--M~ga kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. Sa ganang
+akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking m~ga
+pananalig. Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong
+katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga n~gayon ay
+nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan n~g
+layon at simulaing ipinakikipaglaban.
+
+--Oó na n~ga--ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita--datapwa't ang
+lahat nang iyan ay kailan~gang in~gatan kung nakikitang may tagumpay
+na inaasahan sa huli ...
+
+--¿At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may m~ga taksil
+at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan n~g isang pan~gako n~g
+lalong dakila at mahalagang kilusan? ¿Paanong ibig ninyo, na ang alin
+mang aklasan ay magwagí, kung ang m~ga nan~gun~gulo at
+nagsisipan~gasiwa sa kapalaran at buhay n~g libolibong m~ga kapatid ay
+siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa n~g m~ga manggagawa?
+¡Oh! hindi, makalilibong hindi.
+
+--¡Mauro! ¡Mauro!--ang nagkapanabay n~g dalawa.
+
+--Ipatawad ninyo--ani Mauro--ang kaunting kabigatan n~g aking sinabi;
+subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ...
+
+--Huwag kang magalaala n~g anoman--ang tugon ni Pablo.--Kung sa bagay
+ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong m~ga binitiwang
+pan~gungusap; n~guni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang
+makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala
+mo ang kahalagahan n~g aming layon.
+
+--¡Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod--ang matigas ding tugon
+ni Mauro.
+
+--Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat
+unahin.
+
+--Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't
+nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling
+kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di
+isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan
+ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanaág ...
+
+--¿At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyán?--ang nakatawang tugón
+agad ni Gervasio.
+
+--Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man
+lamang sa pagbabagong buhay n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas.
+
+--¡Ha, ha, ha, ha,...!--ang halakhakang nagkapanabay n~g dalawa, at
+saka ang sabi ni Pablo:
+
+--Alalahanin mong may asawa ka at m~ga anák, na madadamay sa
+paghihikahos.
+
+Ang sandaling yaon, para kay Serafinang nakikinig at malaon na ring
+ibig na sumagót sa paguusap n~g tatlo; ang sandali n~gang yaon ay
+inakala niyang isa nang pagkakataóng dapat samantalahin upang
+maipakilala sa dalawa ang kaniyang linoloob; kaya't pagkatapos na
+matingnan si Mauro ay boong siglang sinabi:
+
+--M~ga ginoo: Dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni
+Mauro ay kinakailan~gan kong magsalita, yayamang nabanggit na rin
+lamang ninyo sa inyong m~ga pan~gan~gatwiran ang kanyang asawa't m~ga
+anak. Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa
+pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay
+siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig.
+Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong
+paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at
+mamamátay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa. Hindi namin
+kinakailan~gan ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay
+magiging kapalit n~g karan~galang malinis na dapat ipamana sa aming
+m~ga anák. Si Mauro ay hindi makagagawa n~g gayon. Ang karan~galan
+muna, bago ang lahat, m~ga ginoo. At ang lalaki ó amáng hindi marunong
+magtanggol sa karan~galang naaapi, magpakailan ma'y busabos, alipin at
+apiapihan.
+
+Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga
+palasong tumímo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay
+nan~gatubigan sa pagkakaupo.
+
+Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga
+pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g sakláp at paít.
+
+Sa pagkabanggit nila sa asawa't m~ga anák ni Mauro ay inaasahan nilang
+sila'y matutulun~gan n~g babai sa paglalahad n~g m~ga katwirang sukat
+makapagpabago n~g loob sa hinihikayat at kailan ma'y hindi nila
+inakala, na si Serafina ay magkaroón n~g tápang at sigla n~g puso sa
+paghahayag n~g m~ga damdaming pangbihira sa m~ga babaing pilipina.
+
+--Kayo po ang bahala ...--ang naitugón na lamang ni Pablo, pagkatapos
+n~g pagsasalita n~g babai.
+
+--Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y
+mailigtas sa paghihikahós--ang naisagót naman ni Gervasio.
+
+--Salamat sa inyong nasa, m~ga kasama:--ang tugon ni Mauro.--Datapwa't
+narinig na ninyo ang m~ga katwirang pinanghahawakan ni Serafina; at
+m~ga pan~gan~gatwirang lubos kong sinasangayunan sapagka't nasasalig
+sa aking m~ga paniwala at sa m~ga simulaing pinanghahawakan; kaya't
+ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na itó.
+
+--Kami'y sadyang magpapaalam na naman--ang nagkapanabay na tugón n~g
+dalawa sabay n~g pagtitindigan.
+
+Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod
+ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't
+bagay na makakaya.
+
+Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay
+na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa
+m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa
+napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatablán n~g isang
+malaking kahihiyán.
+
+Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa;
+inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay
+sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita
+niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti
+naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan.
+
+¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai!
+
+At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita.
+
+
+
+
+
+=IIX=
+
+
+Sumapit ang kinabukasan.
+
+Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na n~g
+maraming manggagawa.
+
+Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni
+Pablo sa ibang m~ga pagawaan.
+
+At siya, si Pablo, na pinan~gakuan n~g m~ga mamumuhunan n~g kung
+anoanong katan~gian, ay lalong napamahal sa m~ga ito, dahil sa kanyang
+ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap n~g m~ga tao; sipag na
+nakatulong nang malaki upang silang m~ga mamumuhunan ay magwagi sa
+ibabaw n~g m~ga nagsiaklás.
+
+At, ang m~ga pulés, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod
+sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naroón pa rin at di
+nagsisialis.
+
+Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga
+nagsiaklás.
+
+Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at
+pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok.
+
+At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong
+pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din
+nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa
+nagsisipasok.
+
+Sa lipunang ito n~g lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa
+pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok
+na n~g marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang
+baka kung sila'y magpapaumatumat ay hindi na tanggapin n~g m~ga,
+mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa
+ang karamihan n~g m~ga pagawaan n~g tabako ay inaabot n~g malaking
+panghihina sa kalakal.
+
+Nang m~ga unang sandali pa ay ibig na n~g ilan ang pumasok; subali't
+walang makapan~gahas na man~guna; ang kaunti pang karan~galang
+nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't
+magunita nilang ang ilan sa m~ga kasama ay mahigpit na tumututol.
+
+Itó ang sanhi n~g di matuloytuloy nilang pagsasagawa n~g m~ga
+binabalak na panunumbalik sa Pagawaan.
+
+Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay
+nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan
+n~g marami ay nagsitun~go.
+
+Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay
+tinanong ang nararapat na gawin.
+
+Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa
+pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala
+ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang
+paghikayat sa marami upang magsipasok na.
+
+Pagkatapos n~g ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yaón na
+binubuo n~g marami ay sumang-ayon na rin sa hikayat n~g dalawa,
+bagama't ang lipunan n~g ilan, na binubuo lamang yata n~g anim ó walo
+katao, ay nagmamatigás at ayaw sumang-áyon.
+
+Magsisialis na sana ang maraming yaón upang magsisama sa dalawa, nang
+dumating si Mauro at siyang ikinahinto muna.
+
+Inantabayanan nilang makalapit.
+
+--M~ga kasama:--ang unang bati ni Mauro pagkalapit.--¿Saan ang inyong
+tun~go?
+
+--Sa Pagawaan--ang sagutan n~g marami.
+
+--¿Magbabalik kayo? ¿at bakit?--ang may malaking panggigilalas na
+tanong pa ni Mauro.
+
+--Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan--anang ilan pa
+rin.
+
+--Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo?
+
+Oó;--ang sigawan n~g marami.
+
+--M~ga kapatid: ¡Kayo ang masusunod! Kung ibig na ninyong magbalik ay
+hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo n~g inyong loob. Subali't
+alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat
+taglayin sa m~ga darating na araw, sa harap n~g bayan, sa harap n~g
+Diyos at sa haráp n~g inyong sariling budhi. ¡Gawin n~g sino man ang
+maibigan! Datapwa't, ¡bumagsák sa ulo n~g m~ga may sala ang sumpa!...
+
+--¡Ulól! ¡Ulól!--ang sigaw n~g isang tinig.
+
+Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay
+pinagalagala ang m~ga matá niya.
+
+Isang bagay ang kanyang namalas.
+
+Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay
+nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang
+simulaing pinananaligan niya.
+
+Hawak n~g ilan, sa m~ga bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa
+paguusap.
+
+Si Mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo.
+
+--Ang m~ga taong ito po ay siyang sumigaw sa inyó n~g ulól--ang wika
+n~g isang may hawak sa bisig ni Pablo, sabay n~g pagbibitiw dito.
+
+--¿Totoó n~ga ba, kaibigang Pablo, na ikaw ang sumigaw?--ang
+nakan~giti pa ring tanóng ni Mauro.
+
+--Oó; ¿anó ang ibig mong gawin?--ang may pangdidilat pang tugón ni
+Pablo.
+
+--Wala--ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan.--Subali't, ¿anó ang
+dahil at ako'y tinawag mong ulól?
+
+--Sapagka't ibig namin--ang tugón naman ni Gervasio
+
+--Ulól ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama--ang sigaw pang muli ni
+Pablo.
+
+Sukat itó, upang ang higing n~g isang malakas na suntók na lumagpag sa
+mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat.
+
+Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't
+ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat.
+
+Ang pangkat n~g iilán, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa
+pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio.
+
+Sigawan at panakbuhan n~g m~ga babai at in~gay n~g m~ga nagaaway ang
+siyang sa m~ga pulés na bantay sa Pagawaan ay nakapagpadalo.
+
+At ang lahat ay ibig na magpulasan; subali't hindi nagawa, sanhi sa
+pagbabala n~g m~ga tanod n~g kapayapaan.
+
+Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa
+bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang
+dugo ang nakita n~g lahat.
+
+Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may m~ga sugat sa bisig at
+ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo,
+na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha....
+
+Sa gitna n~g gayong paglalaban ay si Mauro ang siyang unang tumanggap
+n~g isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang
+salagin n~g bisig na kaliwa, kaya't ito ang nasaktan din naman n~g
+malaki.
+
+May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang
+loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni
+Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi
+mandin n~g lintik na sinagupa ang kamay na mamamátay at mahigpit na
+hinawakan.
+
+Nagpan~gagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro
+ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma.
+
+Ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang
+nakapagpadilim sa m~ga panin~gin ni Mauro; umakyat halos sa kanyang
+ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso ...
+Kinakailan~gan na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling
+buhay na sa m~ga sandaling yao'y sumasapan~ganib.
+
+Kaya't pagkapasakamay niya n~g patalim na hawak ni Pablo ay maliksi na
+rin sanang itatarak dito; subali't isa pa ring bisig na may patalim
+ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya't itó na ang
+hinaráp; si Gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian.
+
+Sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in Gervasio, si
+Mauro ay nakailag; kaya't lumihis ang saksak na yaon. At pagkatapos,
+si Mauro naman ang gumanti.
+
+Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang
+patalim ni Mauro.
+
+At sabay sa pagbagsak n~g duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din
+naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay n~g isang di
+nakilala.
+
+At ang lahat ay naganap sa loob n~g isang kisapmatá lamang.
+
+At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang
+naagaw na kortapluma at puno n~g dugo.
+
+Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang
+binantayan.
+
+At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g
+m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na
+rin n~g ibang pulés na gumibik.
+
+Dalawang "ambulancia" ang dumating na maliksing tinawag n~g isang
+_detective_ at sa isang laan sa m~ga may sugat ay doon isinakay ang
+m~ga ito, at sa isá pa ay ang m~ga malalakas naman ...
+
+¡¡Kakilakilabot na bun~ga n~g di pagkakaunawaan n~g m~ga manggagawa sa
+kapwa manggagawa...!!
+
+
+
+
+
+=IX=
+
+
+Tatlong buwan ang lumipas buhat nang m~ga huling pangyayari.
+
+Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila
+Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan.
+
+At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may
+mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang
+dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g
+paglilitis.
+
+Ang ilan sa m~ga kasama pa nila ay pinakawalán na ring matagal,
+pagkatapos na makunan muna n~g ilang; m~ga tanóng na siyang ihaharap
+na, saksi sa araw n~g paglilitis.
+
+Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang
+m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g
+paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro.
+......................................................................
+......................................................................
+......................................................................
+......................................................................
+
+Ang araw n~g paglilitis ay sumapit.
+
+At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno
+sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis.
+
+Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák
+nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang
+asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man
+nangyaring kausapin.
+
+Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon
+gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa.
+
+Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan
+at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan
+nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang _abogado_ upang
+magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman.
+
+Sa haráp n~g kagalanggalang na Hukom ang lahat n~g kailan~gan ay
+ginawa at isinakatuparan n~g Tagausig-sala, at gayon din n~g
+Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ...
+
+Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya.
+Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay
+idaan ang lahat.
+
+Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina,
+ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si
+Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay
+isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay.
+
+--¡Katitiís ka, asawa ko...!--ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang
+sumasakáy na sa "ambulancia."
+
+--¡Mauro! ¡Mauro!--ang sigaw naman n~g kaawaawang babai.
+
+--¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!!--ang habol naman n~g m~ga anák.
+
+--¡Huwag kayong man~gahapis!--ang sa wakas ay nasabi na lamang ni
+Mauro sa boong pagdaramdam.
+
+At ang sasakyang ay matuling tumakbo.
+
+At si Serafina at ang kanyang m~ga anák ay nagsiuwi na rin.
+
+¡¡Kaawaawang magiiná!!
+
+ * * * * *
+
+Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang
+tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa
+halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim.
+
+At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala
+marahil sa gayong m~ga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang
+kilos na gawin n~g m~ga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu n~g
+pagtatatag n~g anomang kapisanan sa loob n~g pagawaan. Ibinaba pang
+muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola"
+at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima
+sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan.
+
+Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g
+bagay na magalin~gin n~g puhunan ...
+
+Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating.
+
+At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro
+sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa
+pagtataguyod n~g aklasan.
+
+Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking
+pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g
+sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika.
+
+¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni
+Mauro...!
+
+¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang
+pusong m~ga manggagawang yaon!
+
+¡Datapwa't wala na silang magagawa!
+.......................................................................
+.......................................................................
+.......................................................................
+.......................................................................
+
+At ang araw n~g paghatol ay dumating.
+
+At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g boóng
+pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na
+namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay
+ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang
+kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman.
+
+--¡Siyam na buwan at isang araw!--ang napabulalás na sabi ni Serafina,
+pagkarinig sa hatol, at sabay na nanan~gis.
+
+--Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw
+na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang
+asawa sa buháy na tinig--alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang
+simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't
+madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g
+m~ga batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp n~g aking
+bayan at sa haráp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ...
+
+--¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang m~ga anák mo!--ang panan~gis ni Serefina.
+
+--Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.
+
+At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga
+anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na
+_ambulancia_....
+
+At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo.
+
+Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya.
+
+¡Oh, ang tadhana!
+
+At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata
+at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang
+sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga
+pan~gun~gusap na itó:
+
+--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang
+ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís
+at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli
+niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang
+takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal
+nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan
+n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na
+kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang
+ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't
+sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon
+n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila.
+Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa
+ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming
+Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla.
+
+Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha
+n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw.
+
+Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay
+pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal.
+
+
+WAKAS
+
+
+
+
+MGA MALI SA PAGKALIMBAG
+
+Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin:
+
+XI 2 kahalán laga kahaláhalagá
+XI 5 nnoman anoman
+1 7 matanda't bata matatanda't bata
+14 2 Botika Morelos. Botika Morelos
+14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan
+24 2 n~g laha,. n~g lahat.
+24 3 tumaganap lumaganap
+24 12 n~g gayon n~g gayong
+24 13 tumayo at tumayo
+24 21-22 katahimikan. katahimikan
+25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang
+30 22 manggawa magagawa
+31 3 nakabukás ang nakabukás
+32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan
+49 11 nay Pagawaan may Pagawaan
+55 17 at kung kahit at kung bakit
+61 8-9 itaitagal itatagal
+63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag.
+63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina
+64 7 ipinatuloy pinatuloy.
+71 7 naguntos; naguutos;
+77 15 ikabaw ibabaw
+79 1 tabakero tabako
+80 24 ¿Kun gayon, ¿Kung gayon,
+81 12 sumpal!... sumpa!...
+81 16 aag ang
+94 1 sisanabi sinasabi
+
+
+
+_Mga Aklát ng Sumulat Nito_
+
+"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá
+"¡Sakim na Magulang!"............ 0.40 "
+"Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... 0.40 "
+
+
+[Patalastas]
+
+
+
+
+
+
+End of the Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals
+
+*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI ***
+
+***** This file should be named 17257-8.txt or 17257-8.zip *****
+This and all associated files of various formats will be found in:
+ https://www.gutenberg.org/1/7/2/5/17257/
+
+Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online
+Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special
+thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save
+this book.
+
+
+Updated editions will replace the previous one--the old editions
+will be renamed.
+
+Creating the works from public domain print editions means that no
+one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
+(and you!) can copy and distribute it in the United States without
+permission and without paying copyright royalties. Special rules,
+set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
+copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
+protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project
+Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
+charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you
+do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
+rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose
+such as creation of derivative works, reports, performances and
+research. They may be modified and printed and given away--you may do
+practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is
+subject to the trademark license, especially commercial
+redistribution.
+
+
+
+*** START: FULL LICENSE ***
+
+THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
+PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK
+
+To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
+distribution of electronic works, by using or distributing this work
+(or any other work associated in any way with the phrase "Project
+Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
+Gutenberg-tm License (available with this file or online at
+https://gutenberg.org/license).
+
+
+Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
+electronic works
+
+1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
+electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
+and accept all the terms of this license and intellectual property
+(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all
+the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
+all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
+If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
+Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
+terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
+entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.
+
+1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be
+used on or associated in any way with an electronic work by people who
+agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few
+things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
+even without complying with the full terms of this agreement. See
+paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project
+Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
+and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
+works. See paragraph 1.E below.
+
+1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
+or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
+Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the
+collection are in the public domain in the United States. If an
+individual work is in the public domain in the United States and you are
+located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
+copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
+works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
+are removed. Of course, we hope that you will support the Project
+Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
+freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
+this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
+the work. You can easily comply with the terms of this agreement by
+keeping this work in the same format with its attached full Project
+Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.
+
+1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern
+what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in
+a constant state of change. If you are outside the United States, check
+the laws of your country in addition to the terms of this agreement
+before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
+creating derivative works based on this work or any other Project
+Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning
+the copyright status of any work in any country outside the United
+States.
+
+1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg:
+
+1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate
+access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
+whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
+phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
+Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
+copied or distributed:
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
+from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
+posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
+and distributed to anyone in the United States without paying any fees
+or charges. If you are redistributing or providing access to a work
+with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
+work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
+through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
+Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
+1.E.9.
+
+1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
+with the permission of the copyright holder, your use and distribution
+must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
+terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked
+to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
+permission of the copyright holder found at the beginning of this work.
+
+1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
+License terms from this work, or any files containing a part of this
+work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.
+
+1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
+electronic work, or any part of this electronic work, without
+prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
+active links or immediate access to the full terms of the Project
+Gutenberg-tm License.
+
+1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary,
+compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
+word processing or hypertext form. However, if you provide access to or
+distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
+"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
+posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
+you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
+copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
+request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
+form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
+License as specified in paragraph 1.E.1.
+
+1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
+performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
+unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.
+
+1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing
+access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
+that
+
+- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
+ the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
+ you already use to calculate your applicable taxes. The fee is
+ owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
+ has agreed to donate royalties under this paragraph to the
+ Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments
+ must be paid within 60 days following each date on which you
+ prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
+ returns. Royalty payments should be clearly marked as such and
+ sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
+ address specified in Section 4, "Information about donations to
+ the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."
+
+- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
+ you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
+ does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
+ License. You must require such a user to return or
+ destroy all copies of the works possessed in a physical medium
+ and discontinue all use of and all access to other copies of
+ Project Gutenberg-tm works.
+
+- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
+ money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
+ electronic work is discovered and reported to you within 90 days
+ of receipt of the work.
+
+- You comply with all other terms of this agreement for free
+ distribution of Project Gutenberg-tm works.
+
+1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
+electronic work or group of works on different terms than are set
+forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
+both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
+Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the
+Foundation as set forth in Section 3 below.
+
+1.F.
+
+1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
+effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
+public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
+collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
+works, and the medium on which they may be stored, may contain
+"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
+corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
+property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
+computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
+your equipment.
+
+1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
+of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
+Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
+Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
+liability to you for damages, costs and expenses, including legal
+fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
+LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
+PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
+TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
+LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
+INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
+DAMAGE.
+
+1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
+defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
+receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
+written explanation to the person you received the work from. If you
+received the work on a physical medium, you must return the medium with
+your written explanation. The person or entity that provided you with
+the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
+refund. If you received the work electronically, the person or entity
+providing it to you may choose to give you a second opportunity to
+receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy
+is also defective, you may demand a refund in writing without further
+opportunities to fix the problem.
+
+1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth
+in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER
+WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
+WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.
+
+1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied
+warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
+If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
+law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
+interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
+the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any
+provision of this agreement shall not void the remaining provisions.
+
+1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
+trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
+providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
+with this agreement, and any volunteers associated with the production,
+promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
+harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
+that arise directly or indirectly from any of the following which you do
+or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
+work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
+Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.
+
+
+Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm
+
+Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
+electronic works in formats readable by the widest variety of computers
+including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists
+because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
+people in all walks of life.
+
+Volunteers and financial support to provide volunteers with the
+assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
+goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
+remain freely available for generations to come. In 2001, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
+and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
+To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
+and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
+and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.
+
+
+Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive
+Foundation
+
+The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
+501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
+state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
+Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification
+number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at
+https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
+permitted by U.S. federal laws and your state's laws.
+
+The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
+Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
+throughout numerous locations. Its business office is located at
+809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
+business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact
+information can be found at the Foundation's web site and official
+page at https://pglaf.org
+
+For additional contact information:
+ Dr. Gregory B. Newby
+ Chief Executive and Director
+ gbnewby@pglaf.org
+
+
+Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation
+
+Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
+spread public support and donations to carry out its mission of
+increasing the number of public domain and licensed works that can be
+freely distributed in machine readable form accessible by the widest
+array of equipment including outdated equipment. Many small donations
+($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
+status with the IRS.
+
+The Foundation is committed to complying with the laws regulating
+charities and charitable donations in all 50 states of the United
+States. Compliance requirements are not uniform and it takes a
+considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
+with these requirements. We do not solicit donations in locations
+where we have not received written confirmation of compliance. To
+SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
+particular state visit https://pglaf.org
+
+While we cannot and do not solicit contributions from states where we
+have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
+against accepting unsolicited donations from donors in such states who
+approach us with offers to donate.
+
+International donations are gratefully accepted, but we cannot make
+any statements concerning tax treatment of donations received from
+outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff.
+
+Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
+methods and addresses. Donations are accepted in a number of other
+ways including including checks, online payments and credit card
+donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate
+
+
+Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic
+works.
+
+Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
+concept of a library of electronic works that could be freely shared
+with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project
+Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.
+
+
+Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
+editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
+unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily
+keep eBooks in compliance with any particular paper edition.
+
+
+Most people start at our Web site which has the main PG search facility:
+
+ https://www.gutenberg.org
+
+This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
+including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
+Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
+subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.