summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/16446-8.txt
diff options
context:
space:
mode:
authorRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:48:52 -0700
committerRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:48:52 -0700
commit0a959227c99804fb88ce7de89c48d93c3a350eda (patch)
tree3341be15fe7e52a52f16e4f7059d4629c15dc2ba /16446-8.txt
initial commit of ebook 16446HEADmain
Diffstat (limited to '16446-8.txt')
-rw-r--r--16446-8.txt3126
1 files changed, 3126 insertions, 0 deletions
diff --git a/16446-8.txt b/16446-8.txt
new file mode 100644
index 0000000..5e0dc37
--- /dev/null
+++ b/16446-8.txt
@@ -0,0 +1,3126 @@
+The Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De Leon
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+
+Title: Buntong Hininga
+ Mga Tulang Tagalog
+
+Author: Pascual De Leon
+
+Release Date: August 5, 2005 [EBook #16446]
+
+Language: Tagalog
+
+Character set encoding: ISO-8859-1
+
+*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG HININGA ***
+
+
+
+
+Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
+Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
+scans provided by University of Michigan.
+
+
+
+
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+=BUNTONG HININ~GA=
+
+MGA TULANG TAGALOG
+
+NI
+
+=PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_
+
+_Mánunulat sa páhayagang "Ang Mithi" ("El Ideal")
+at kasapi sa "Aklatang Bayan"_
+
+UNANG PAGKÁPALIMBÁG=
+
+_Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tundó_
+
+=_MAYNILA, K.P.--1915._=
+
+
+
+
+PANGBUN~GAD
+
+
+=PANGBUN~GAD=
+
+
+_Pasleo: Pagdamutan ang
+nakayang handog n~g kapatid
+sa kapatid_:
+
+
+ _Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya:
+may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa,
+may puri, may lahi't may bahay... datapwa,
+ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula_.
+
+ * * * * *
+
+ _Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto;
+di takót sa dunong; di gulát sa tayo;
+sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go,
+n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko._
+
+ * * * * *
+
+ _Pano, sa ang tula sa isáng panulat
+ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak...
+sa isáng makata ang tula'y: ˇlahát-lahát!_...
+
+ * * * * *
+
+ _Ayán si Pasleo: ayá't ang namana
+niyáng Diwa't Puso'y ipinababasa...
+Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá_...
+
+
+=_Pedro Gatmaitan._=
+_Maynila, Sept., 1915_.
+
+
+
+
+I.
+
+BUNTONG HININ~GA
+
+=BUNTONG HININ~GA=...
+
+
+ Ako'y nagtataka! Aywan ko kung bakit
+nagbabago yaring damdamin ko't isip,
+ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git
+ang gawang mamuhay sa laot n~g hapis.
+
+ Aywan ko kung bakit! Sa aki'y pumanaw
+ang lahat n~g tamis nitong kabuhayan,
+sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay,
+sa aki'y pag-api ang lahat n~g bagay!...
+
+ Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga,
+balot n~g pan~garap at pagdadalita
+ang palad n~g tao kung magkabisala!
+Pawang agam-agam ang laman n~g lupa...!
+
+ Walang kilos na di paghamak sa akin,
+walang bagay na di anyaya n~g lagim,
+walang dulot na di sa aking panin~gi'y
+aninong malungkot n~g m~ga hilahil.
+
+ Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat
+sa kabuhayan ko't matimtimang palad;
+Samantalang ako'y inaalapaap
+ay masasabi kong: ˇLahat ay pan~garap!...
+
+
+
+
+=ˇHINAGPIS=.....!
+
+
+I.
+
+ Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam
+ang hindi pag-imik kung naguulayaw;
+ako'y pinipipi n~g aking paggalang,
+n~g aking pagsuyong mataos, dalisay.
+
+II.
+
+ Pinunit sa harap upang makilala
+ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta,
+diyan masusubok ang mithi ko't pita,
+diyan masisinag ang luksang pag-asa.
+
+III.
+
+ Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap
+ay dapat matirik sa dusta kong palad!
+Ako ang pulubing sa tinawag-tawag
+ay lalong inapi... binigyang bagabag...!
+
+IV.
+
+ Di ko akalaing ang lan~git n~g puso
+ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho,
+di ko akalaing sa likod n~g samyo
+n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...!
+
+V.
+
+ Animo'y nagtikom sa gayong sandali
+ang pintong maramot n~g awa't lwalhati,
+sa aki'y para nang ang kahilihiling
+sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!
+
+VI.
+
+ N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit
+sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git,
+kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik,
+ay maging saksi pa ang aking _hinagpis_.
+
+
+
+
+ˇDALAMHATI!...
+
+
+I.
+
+ Aninong malungkot noong kahirapan
+ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban,
+ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang
+kaya't ulap waring dagling napaparam.
+
+II.
+
+ Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib
+sa munting paghakbang ay silo n~g sakit,
+umiibig ka na n~g buong pagibig
+ay ayaw pang dinggin ˇay himalang lan~git!
+
+III.
+
+ Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak
+kundi pa matulog at saka man~garap,
+gayon man, kung minsa'y paos na nanawag
+sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap.
+
+IV.
+
+ Sa paminsanminsan, sa aking gunita
+m~ga pagsisisi yaong tumutudla.
+Bakit pa lumaki't natutong human~ga't
+ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha?
+
+
+
+
+=ˇAKO=...!
+
+
+(... estoy enfermo y pálido
+de tanto no dormir...
+ACUŃA.)
+
+ Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila
+Ibong walang laya't lagas na sampaga,
+Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y
+Lason at patalim ang magpapabawa.
+
+ Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong,
+Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy,
+Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon
+At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.
+
+ ˇAno't ganito na ang pasan kong hirap!
+ˇAno't ganito na ang aking pan~garap!
+Ang lahat n~g bagay ay napatatawad,
+żPatawarin kaya ang imbi kong palad?
+
+ Gabi-gabi ako'y hindi matahimik
+Na parang sa aki'y mayrong nagagalit,
+Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig
+Sa kabuhayan kong di man managinip.
+
+
+
+
+=ˇULAP=...!
+
+
+I.
+
+ Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag,
+sa sinamo-samo n~g dusta kong palad
+ay palaging dilim at libin~gang ulap
+ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat.
+
+II.
+
+ Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig,
+lahat na'y nasukat nitong pagtitiis,
+lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git
+maging ang parusang pagkalupit-lupit.
+
+III.
+
+ Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot
+n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog
+ay sadyang hindi pa binabagong lubos,
+waring inu-uri ang aking pag-irog...
+
+IV.
+
+ N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw
+ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan?
+at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan
+ang pintong may susing katumbas n~g buhay.
+
+V.
+
+ Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw
+ay isang pulubing dumadaing-daing
+na sa kanyang taghoy at pananalan~gin
+ay walang maawang maglimos n~g aliw!
+
+VI.
+
+ Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo,
+kanyang tinatarok ang luha n~g puso,
+kanyang binabasa sa pamimintuho
+yaong katunayan n~g sinamo-samo.
+
+VII.
+
+ Samantalang ako'y tumatawag-tawag,
+lumuluha-luha sa gitna n~g hirap,
+ay walang kapiling maging sa pan~garap
+liban sa anino n~g m~ga bagabag.
+
+VIII.
+
+ Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa
+ang nagpapasasang aking dinadama,
+n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y
+ang ulap na iya'y magiging ligaya.
+
+
+
+
+=ˇANG LUHA NG HIBANG=.....!
+
+
+ Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't
+tumataghoy-taghoy na nakaaawa.
+Malasin ang hibang, ang sira ang diwa,
+ang taong nanan~gis sa gabing payapa
+na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa.
+
+ Malasin ang ayos n~g kahabaghabag
+n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap;
+malasin ang luha, ang luha n~g palad,
+ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag
+na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap.
+
+ Tuman~gis na muli! At saka humibik
+na mandi'y puputok ang latok na dibdib;
+kanyang ipinukol ang mata sa lan~git
+kasabay ang sabing:--"żKailan pa sasapit
+ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"?
+
+ "ˇOh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa,
+żkailan mo tutubsin ang puso sa dusa?
+żkailan papalitan n~g tunay na saya
+ang nagluluksa kong ulilang pagsinta
+na nananambitan...!"--at saka tumawa.
+
+ Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman,
+hantun~gan n~g aking buong kabuhayan!
+kung hinihiling mo'y tulang tula lamang
+n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan,
+naito't dinggin mo ang tula n~g buhay.
+
+ "Halika! halika! Tangapin mo n~gayon
+ang tula n~g aking pusong lumalan~goy;
+basahing madali't dingging mahinahon
+ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy,
+ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol.
+
+ "Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api,
+walang awang tala sa pagkaduhagi,
+halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi,
+ang halík n~g han~gin ay pawa kong saksí
+sa panunumpa kong kita'y kinakasi.
+
+ Halika't sinagin sa luha n~g puso
+ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo,
+halika't basahin sa pamimintuho
+ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo
+na nananawagan hanggang masiphayo",
+. . . . . . . . . . . . . .
+. . . . . . . . . . . . . .
+. . . . . . . . . . . . . .
+ Dito na natapos yaóng panambitan,
+dito na naputol ang pananawagan
+n~g sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang,
+n~g pusong ginahís at pinagkaitan
+niyang luwalhating katumbas n~g buhay.
+
+ ˇAnóng hirap pala n~g gawang humibik
+sa isang ayaw mang tumugo't makiníg!
+ˇAnóng hirap pala n~g gawang umibig
+lalo't aapihín sa silong n~g lan~git
+n~g hiníhibikang pinapanaginip.....!
+
+
+
+
+=ˇKURUS AT LIBIN~GAN..!=
+
+(PAMAMANGLAW)
+
+(Irog: Kung ang kalungkutan
+ko'y tinutugon n~g iyong
+damdamin ay pamuli't muling
+basahin mo lamang ang
+awit na ito. At ako'y talagang
+may ugali na _matapang_ sa
+likod, at _duwag_ sa harap.)
+
+
+I.
+
+ Narito't malasin itong kalagayan
+At tutop ang noó sa kapighatian,
+Aking binabakas yaong kasayahang
+Nasulat sa dahon nitong kabuhayan.
+
+II.
+
+ Hindi makakatkat ang m~ga talata
+Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya,
+At kung mayroon pang tagistis n~g luha
+Ay luhang nanggaling sa pagkariwara.
+
+III.
+
+ Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad
+Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat,
+Diyan makikita ang mukhang may hirap
+At pusong malaong lunod sa pan~garap.
+
+IV.
+
+ Diyan mamamalas ang isang larawang
+Sipi sa ulila't payapang libin~gan,
+Diyan makikita ang dusta kong buhay
+Na sawang-sawa na sa kawáy n~g hukay.
+
+V.
+
+ Hindi ko matalos itong nangyayari't
+Ang namamalas ko'y dilím na parati,
+Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi,
+Kurus sa baunan n~g naduduhagi.
+
+VI.
+
+ Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi
+Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi,
+Parang nananadyang sa aki'y bumati
+Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati.
+
+VII.
+
+ Nais kong umibig. N~guni't natatakot
+Na ako'y umibig at saka lumuhog,
+Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos
+Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.
+
+VIII.
+
+ Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis
+Sa harap n~g isang hindi umiibig,
+Wala nang parusang gaya n~g tumitig
+Sa sun~git n~g dilím n~g gabing tahimik.
+
+IX.
+
+ Sukat na sa akin ang ako'y malagak
+Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap,
+Sukat nang masabing lagi kang pan~garap.
+At matitiis na ang pasang bagabag.
+
+X.
+
+ Walang kailan~gang mamatay sa dusa
+Huwag ang bawiin ang pagkikilala,
+Aking katuwaan kung ikaw'y makita
+Sa piling n~g aliw na di magbabawa.
+
+XI.
+
+ Aking matitiis na sarilihin ko
+Ang lahat n~g pait sa buhay na ito
+Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó
+Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.
+
+XII.
+
+ Ipalalagay kong masayang aliwan
+Ang namamalas kong kurus at libin~gan,
+Sapagka't sa aki'y darating ang araw
+At diyan uuwi ang hiram kong buhay.
+
+XIII.
+
+ Di ko pinupukaw ang pagkamapalad
+Niyang iyong buhay na bagong ninikat,
+Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap
+Ay maghahari din ang ningning na in~gat.
+
+XIV.
+
+ Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining.
+Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw,
+Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling
+Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw.
+
+XV.
+
+ Matapos mabasa ang awit n~g buhay
+Ay limutin mo na ang aking kundiman,
+Sapagka't ayokong mahawa kang tunay
+Sa taglay kong lungkot at kapighatian.
+
+
+
+
+=KUNG AKO'Y SINO=...
+
+
+I.
+
+ Huwŕg nang itanong; iyong akalaing
+akong naghahayag n~g maraming lihim
+ay isang binihag n~g m~ga hilahil,
+isang kaluluwang busabos n~g lagim,
+isang nan~gan~garap sa ganda mong kimkim,
+isang tumatan~gis, isang dumadaing,
+isang nagaalay n~g kanyang paggiliw,
+isang umaasang hindi hahabagin.
+
+II.
+
+ At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta!
+ako ang tutugon sa mithi mo't pita...ˇ
+Ninanais mo bang ako'y makilala...?
+Kung gayo'y makinig:--Akong sumasamba
+sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y
+pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa,
+ako ang linikhang uhaw sa ginhawa't
+may ulap na lagi ang aking pag-asa.
+
+III.
+
+ At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap
+magtamong biyaya sa iyong paglin~gap...
+Isang umaawit n~g lihim at hayag,
+isang kandong kandong n~g m~ga bagabag,
+isang nasasabik uminom, lumasap
+sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak,
+isang binabayo n~g m~ga pahirap,
+isang umiibig sa iyó n~g ganap.
+
+
+
+
+=Si Puring...!=
+
+
+ Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap
+ó nananaginip sa Sangmaliwanag
+ay di babawiin itong pag-uulat
+sa isang dalagang may magandang palad.
+
+ May tikas-bayani at tindig Sultana,
+may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga,
+may samyong kundimang hindi magbabawa
+datnan ma't panawan n~g gabi't umaga.
+
+ Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y
+sapat nang bumihis sa pusong naluha,
+ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y
+makaliligaya sa m~ga kawawa.
+
+ Si _José Vendido'y_ subukang buhayi't
+sa diwatang ito'y pilit na gigiliw,
+paano'y may gandang batis n~g tulain,
+paano'y may yuming aklat n~g damdamin.
+
+
+
+
+=ˇNOON=...!
+
+
+ Noon, ikaw'y aking minamalasmalas
+sa pusod n~g gayong tahimik na gubat,
+ang iyong larawan noo'y nasisinag
+sa linaw n~g batis na awit n~g palad.
+
+ Ikaw'y namimili n~g batong mainam
+at nilalaro mo ang m~ga halaman,
+sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan
+n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay.
+
+ Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi
+n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi,
+paano'y may galing ang iyong daliri't
+ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi.
+
+ Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga,
+naguhit sa pitak ang isang diwata,
+aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga!
+Subali't Mayumi, żikaw'y maaawa?
+
+ Magsabi ang aklat na iyong binasa
+kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa,
+magsabi ang gubat kung hindi natayang
+ang tulog kong puso'y iyong binalisa.
+
+ Mayumi, buhayin ang yumaong araw
+sa tabi n~g batis at lilim n~g parang,
+kung magunita na'y dapat mong malamang
+naririto akong tigib kalumbayan.
+
+
+
+
+=Bagong Taon=...
+
+
+ Hindi ko matalos kung ang aking puso'y
+Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
+Ako'y naririto't ikaw ay malayo
+Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.
+
+ Inaasahan ko n~g buong pagasa
+Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
+Kung magkakagayo'y iyong makikita
+Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.
+
+ Ako, sakali mang iniwan sa hirap
+Ay nagsasaya rin kahit sa pan~garap,
+Sapagka't nais ko na iyong mamalas
+Na ako'y marunong magdalá n~g palad.
+
+ At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo
+Ay pawang ligaya ang hinahan~gad ko
+Na iyong tamuhin sa buhay na ito
+Kahit pan~garap daw ang lahat sa mundo.
+
+
+
+
+KUNDIMAN NG PUSO
+
+ˇ...............!
+
+
+ Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga,
+laman n~g tulain, hamog sa umaga,
+awitan n~g ibong kahalihalina,
+bulong n~g batisang badha n~g ligaya.
+ Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas,
+upang magkadiwa ang aking panulat,
+sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat
+upang ikabuhay n~g imbi kong palad.
+ Ikaw ang may sala! Bulaang makata
+ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa,
+bulaang damdamin ang di magtiwala
+sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa.
+ Yamang ginulo mo ang aking isipan
+at naging n~giti ka sa aking kundiman,
+bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay
+ang buong palad kong tan~ging iyo lamang.
+ Napakatagal nang ikaw'y natatago
+sa pitak n~g aking lumuluhang puso,
+ang iyong larawa'y talang walang labo
+at siyang handugan n~g aking pagsuyo.
+ Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay
+ang kabuhayan kong walang kasayahan,
+kung masasamid ka'y iyo nang asahan
+na ikaw ang aking laging gunamgunam.
+ Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig
+ang isang makatang hibang sa pagibig,
+bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git
+at mababakas mong ako'y umaawit.
+
+
+
+
+=ˇALA-ALA....!=
+
+
+ Huwág mong isiping kita'y linilimot,
+huwag mong asahang ang aking pag-irog
+ ay wala't kupas na
+ sa kimkim mong ganda,
+huwag, aking kasi. Walang pagkatapos
+ang tibok n~g pusong napabubusabos.
+
+ Ikaw'y nagmalaki! Ako'y di binati
+at parang hindi na kakilalang tan~gi,
+ ganyan n~gang talaga
+ ang taong maganda,
+mapagmalakihin sapagka't may uri
+na lubhang mataas kay sa isang Hari.
+
+ Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y
+hindi man n~gitian, gayong kakilala,
+ hindi ba't diwata
+ ikaw nitong diwa?
+Hindi ba't batisan ikaw n~g pag-asa
+at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga?
+
+ Tapunan n~g malas ang masayang araw
+na ako'y busabos niyang kagandahang
+ pumukaw na muli
+ sa aking kudyapi,
+doo'y mababakas ang isang larawang
+ako'y nakaluhod at nananambitan.
+
+ Iyan ang larawan n~g isang makata
+na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa,
+ Iyan ang umawit
+ sa lahat n~g sakit
+na taglay n~g pusong laging lumuluha
+at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.
+
+ N~gayo'y naririto't muling umaawit
+ang iyong makatang inapi't hinapis,
+ habang inaapi'y
+ lalong lumalaki
+sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig
+pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git.
+
+
+
+
+=Saksi=...!
+
+
+I.
+
+ Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis
+at ukulang tan~gi n~g aking pagibig,
+pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git
+na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.
+
+II.
+
+ Nananalig akong napakadalisay
+n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan,
+kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay
+hanggang sa sumapit ang dakilang araw.
+
+III.
+
+ Pagaaralan ko, hanggang makakaya
+na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa,
+pagiin~gatan kong huwag kang magdusa
+kung na sa sa akin ang iyong ligaya.
+
+IV.
+
+ Kaya't aking irog: Ikaw'y pumanatag;
+at kung sakali mang tayo'y mabagabag
+ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag
+pagka't ang lan~git ma'y nagaalapaap..!
+
+
+
+
+=Kundiman=...!
+
+
+ Dalagang butihin: Huwag kang human~ga
+kung iyong makitang ang mata'y may luha,
+ang kabuhayan ko'y hindi maapula
+sa ikatatamo n~g tan~ging biyaya.
+
+ Ang luha sa mata'y laging bumabalong,
+ang aking damdamin ay linilingatong,
+ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon,
+ang ayos n~g lahat ay parang kabaong.
+
+ Sa aking paghiga'y laging nakikita
+ang iyong larawan, dakilang dalaga
+ikaw'y maniwalang ako'y umaasa
+na di aabutin ako n~g umaga.
+
+ Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap
+kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad,
+ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap
+ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap.
+
+
+
+
+=Ang iyong pangako=
+
+_Sa iyo, Pitiminí_.
+
+
+Bago ka umalis at naglakbay baya'y
+may naging pan~gakong sa aki'y iniwan
+pan~gakong sa aki'y naging bagong araw
+na nikat sa gitna n~g katanghalian,
+paano'y pan~gakong sa katotohana'y
+nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan.
+
+Ikaw'y napalayo. Ako'y ilinagak
+sa lan~git n~g isang masun~git na palad
+napatulad ako sa kimpal n~g ulap
+na walang bituwing magarang ninikat,
+ang kabuhayan ko'y naging isang dagat
+na di matatawid kahit sa pan~garap.
+
+Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit
+at buong lakas ko ang siyang ginamit
+ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib
+ay siyang timbulang kawáy n~g pagibig,
+noon ko nalamang ang taglay kong hapis
+ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git.
+
+Pinagtiisan kong labanan ang aking
+pasanpasang hirap at m~ga damdamin,
+ang kawikaan ko'y ang gabing malalim
+na napakasun~git ay natatapos din.
+Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin
+ay magiging sayáng hindi magmamaliw.
+
+Walang saglit na di ang iyong pan~gako
+ang napapasulat sa aklat n~g puso,
+walang araw na di ang aking pagsuyo
+ay sabik sa tuwang kapintupintuho
+kaya't nangyayaring madalas maligo
+itong aking palad sa luhang nunulo.
+
+Isinulit mo pang sa iyong pagdating
+ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin,
+ang aking pagasang puyapos n~g dilim
+ay kinabakasan n~g bahagyang aliw,
+paano'y umasang iyong tutubusin
+ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing.
+
+Magmula na noo'y naging maliwanag
+ang lan~git n~g pusong nagaalapaap,
+ang kurus na aking laging namamalas
+sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak,
+sa aking panin~gin ay naging watawat
+na kulay lungtiang kapan~gapan~garap!
+
+Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita!
+ang lamang palagi nitong alaala'y
+ang iyong pan~gakong hindi magbabawa
+na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana,
+n~gunit hinding hindi. Ang aking pagasa'y
+iyong ipinako sa kurus n~g dusa.
+
+Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot
+ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot?
+At sa pagkabigo'y hindi ba himutok
+ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos?
+Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog
+sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.
+
+Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't
+balisang balisa sa kapighatian,
+at hanggang hindi mo binibigyang tibay
+ang naging pan~gako sa dusta kong buhay
+ang kaluluwa ko'y magiging larawan
+n~g nakalulumong kurus at libin~gan.
+
+
+
+
+ˇANG REYNA ELENA.....!
+
+
+ Ayu't lumalakad. Magarang magarang
+animo'y bituing nahulog sa lupa,
+kung minsa'y nagiging hibang itong diwa
+at kung magkaminsa'y para akong bata,
+paano'y hindi ko masukat sa haka
+ang nararapat kong ihaing paghan~ga.
+
+ Kung kita'y itulad sa dakilang araw
+at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan,
+ay masasabi mong ako'y walang galang
+at ako ay bihag niyong gunam-gunam.
+Subali't butihin! Ang aking tinuran
+ay tibok at utos n~g katotohanan.
+
+ Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali,
+naman sa pan~garap, ako'y isang Hari;
+kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi,
+hamog sa umaga, ban~gong walang pawi,
+ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi
+at ang nagsasabi'y nabatu-balani.
+
+ Hanggang tumataas iyang kalagayan
+nama'y naiingit itong kapalaran,
+ang gunitain ko ay baka mawalay
+sa puso mo't diwa ang aking pan~galan,
+kung magkakagayon, irog ay asahang
+sa aki'y babagsak ang Sangkatauhan.
+
+ Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna,
+pagka't sa ayos mo'y isa kang Zenobia,
+may puso kang Judith, may n~giting Ofelia,
+may diwang de Arco't may samyo kang Portia,
+samantalang ako, akong umaasa'y
+isa lamang kawal na lunód sa dusa.
+
+ Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing
+wala nang itagal ang aking damdamin,
+kung magdaramot ka, Reyna kong butihin
+at di mahahabag sa pagkahilahil
+ay iyong asahang ang aking paggiliw
+ay magkakalbaryong walang págmamaliw.
+
+
+
+
+=ˇHuwag kang manganib...!=
+
+(SAGOT SA LIHAM MO)
+
+
+I.
+
+ Maasahan mo ang aking pag-ibig,
+ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git,
+hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis
+ang iyong pan~gala'y laging na sa isip.
+
+II.
+
+ Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot
+ang ganda mong iyang sipi sa kampupot,
+ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog
+ay na sa sa iyo't hindi mauubos.
+
+III.
+
+ Nang matunghayan ko ang padalang liham,
+luha ko'y tumulo sa kapighatian,
+paano'y gumuhit sa aking isipan
+na: _ang tagumpáy ko'y iyong kamatayan_.
+
+IV.
+
+ Di ko akalaing iyong ikahapis
+ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig,
+ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit,
+ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git.
+
+V.
+
+ Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi,
+timbulan n~g puso n~g naruruhagi,
+panilo sa m~ga tapat na lalaki,
+pag-asa n~g palad na di mapuputi.
+
+VI.
+
+ Huwag mong isiping ako'y magsasawa
+sa ating suyuang busog sa biyaya,
+ang iyong larawa'y laging na sa diwa't
+ang iyong pan~galan ay aking dambana.
+
+VII.
+
+ Aking natunghayan sa padalang sulat
+ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap.
+Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!
+Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap!
+
+VIII.
+
+ Magtiis ka irog! Darating ang araw
+na ikaw at ako ay magkakapisan,
+ang ulap sa ati'y biglang mapaparam
+at magliliwanag ang Sangkatauhan.
+
+IX.
+
+ Huwag kang man~ganib! Darating sa atin
+ang isang sandaling batis n~g paggiliw,
+diyán matataya ang di magmamaliw
+na aking paglin~gap sa pagkabutihin.
+
+X.
+
+ At kung katunayan n~g aking pag-ibig
+ang hinihintay mong sa iyo'y isulit
+ay narito akong gaya mong may hapis
+at isinusumpa ang nunun~gong lan~git.
+
+
+
+
+=ˇLihim ng mga titig!...=
+
+
+ Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git
+ang lihim na saklaw niyang m~ga titig,
+isang suliraning nagpapahiwatig,
+n~g maraming bagay, n~g luha't pag-ibig.
+
+ Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,
+pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw
+n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman
+ang ibig sabihin at pita n~g buhay.
+
+ Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,
+minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho,
+minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso
+nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.
+
+ Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim,
+at maraming bagay ang ibig sabihin,
+n~guni't sa palad ko'y isang suliraning
+nagkakahulugang ako'y ginigiliw.
+
+
+
+
+ˇCHOLENG...!
+
+
+(Tan~ging sinulat upang
+ihandog sa kaarawan mo--
+ika 13 n~g Nov.)
+
+
+I.
+
+ Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya,
+talutot na ginto n~g isang sampaga,
+kalupi n~g buhay, hamog sa umaga,
+Bathalang ang awa'y hindi magbabawa,
+kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y
+halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa,
+timbulan n~g palad sa m~ga parusa,
+tinig na mayumi n~g mahinhing maya.
+
+II.
+
+ Larawang kalasag sa m~ga pasakit,
+tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git,
+halamang magarang sa paligid-ligid
+ay m~ga bulaklak na kaakitakit,
+bundok na palaging sa libis ay batis
+na maiinuman n~g budhing malinis,
+dagat na payapang katapat n~g lan~git
+na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.
+
+III.
+
+ Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling,
+sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin,
+isang Sinukuang anang salaysayi'y
+babaing bumihag sa libong damdamin,
+usok n~g kamanyang na di magmamaliw,
+Lan~git na masaya at Buwang butihin,
+Olimpong mayaman sa m~ga awitin,
+buhay na badhaan n~g isang paggiliw.
+
+IV.
+
+ Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag
+ang lamang biyayang tugon sa pan~garap,
+m~ga kayamanang hindi matitinag,
+sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas,
+talang nagsasayang may mayuming sinag,
+aklat na talaan n~g aliw n~g palad,
+dahon n~g kaluping yaong nasusulat
+ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.
+
+V.
+
+ Tingkad n~g pagasa, tuhog n~g kampupot,
+kudyapi n~g palad, tamis n~g pagirog,
+watawat na sipi sa lalong matayog
+na kaligayahang hindi mauubos,
+haligi n~g buhay na di matutupok
+n~g apoy n~g samang dito'y nagsianod,
+bathala n~g gandang kung siyang magutos
+sa matatakuti'y mawawalang takot.
+
+VI.
+
+ Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't
+laman n~g panulat na kahilihili,
+iyan ang larawang aking binabati
+at isang dalagang hiyas nitong Lahi,
+iyan ang diwatang ang paguugali'y
+mayamang talaan n~g saya't lwalhati,
+iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y
+pawang kapalarang walang pagkapawi.
+
+VII.
+
+ At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya
+ang maiaalay sa isang himala?
+Walang wala Choleng! Hindi m~ga tula,
+ni hindi pan~garap sa gitna n~g tuwa,
+kundi m~ga mithing: _buhay_, _lakás_, _tyaga_,
+ang sa talaan mo ay man~gapatala,
+iyan ang mabuting kalasag na handa
+upang sapitin mo ang inaadhika.
+
+VIII.
+
+ Basahin pa Choleng sa aklat n~g buhay
+ang tingkad n~g aking dalan~ging dalisay;
+"Buhay mo'y maglayag sa kaligayahang
+pan~garap n~g lahat sa Sangkatauhan.
+Isang pagtatapat: Sa lupang ibabaw
+ang palad n~g madla ay isang digmaan,
+ang iyong paglakad ay pakain~gata't
+ang buhay n~g tao'y panaginip lamang.
+
+
+
+
+TINDING...
+
+
+ Magsabi ang Lan~git kundi ikaw'y talang
+Nagbigay sa akin n~g tuwa't biyaya,
+Magsabi ang lahat kung hindi diwata
+Ikaw n~g lalo mang pihikang makata.
+
+ Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y
+Natuto sa iyong huma~ga't sumamo,
+Sisihin ang iyong dikit na nagturo
+Sa kabuhayan ko, n~g pamimintuho.
+
+ At sino sa iyo ang hindi hahan~ga?
+Ikaw'y paralumang batis n~g biyaya,
+Pakpak n~g pan~garap at Reyna n~g awa.
+
+ Ang dilim n~g gabi sa aki'y natapos,
+N~gumiti sa tangkay ang m~ga kampupot,
+Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.
+
+
+
+
+Noo'y isang hapon...
+
+(Kay......................)
+
+
+ Noo'y isáng hapon! Ikaw'y nakadun~gaw
+At waring inip na sa lagay n~g araw,
+Ang ayos mo noon ay nakalarawan
+Sa puso kong itong tigíb kalumbayan.
+
+ Anománg gawin ko'y hindi na mapawi
+Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi,
+ˇItóng aking pusong nagdadalamhati'y
+Tinuruan mo pang umibig na tan~gi!
+
+ Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi
+Sa iyo ang aking tunay na pagkasi
+Ay pagka't ang aking puso ay napipi
+Sa haráp n~g dikít na kawiliwili.
+
+ Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos
+Ang aking panulat at aking pag-irog;
+Ang aking panitik: walang pagkapagod,
+Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.
+
+ Kung pan~garapin ko ang lamlam n~g araw
+At nagíng anyo mo sa pagkakadun~gaw
+Ay minsang sumagi sa aking isipang
+"żIkaw kaya'y aking magíng Paraluman?"
+
+
+
+
+Daglian...
+
+(Sa iyo rin...)
+
+
+ Kung sa iyong pag-iisá
+O sa iyong pagbabasá
+Ay may matutunghayan ka
+Na tunay na sumisintá,
+Yaón ay wala nang ibá
+Kungdi akong nagbabatá.
+
+ Akin na n~gang naiulat
+sa iyo, ang aking palad,
+N~guni't ang aking panulat
+Ay di makapagsisiwalat
+N~g _layon_ ko at _pan~garap_.
+Kakambal ko kaya'y hirap?
+
+ Tinding: ikaw'y maniwala
+Na ang aking puso't diwa
+Sa iyo'y sangla kong pawa;
+Ang puso ko'y humahan~ga,
+N~guni't umíd itong dila,
+Ito kaya'y malikmata?
+
+ Ang may pagsintang malabis
+Ay umid at nahahapis,
+Ligaya na n~gang masilip
+Yaong kanyang nilalan~git,
+żTubsin mo kaya sa sakit
+Ang pagkasi kong malinis?
+
+
+
+
+Unang damdamin!
+
+(Sa iyo.....)
+
+
+I.
+
+ Bathala n~g ganda! Hindi kailan~gang
+sa aki'y magtaka sakaling alayan
+n~g paos na tinig n~g aking kundiman,
+pagka't alam mo nang diwata kang tunay.
+
+II.
+
+ Ikaw ang pumukaw sa aking panulat
+upang maawit ko ang yumi mong in~gat,
+ikaw ang sa aking kalupi n~g palad
+ay unang nagtitik n~g isang pan~garap.
+
+III.
+
+ Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing
+ikaw ang bathalang pumukaw sa akin,
+ikaw ang nagbukas sa aking damdamin
+n~g lihim at unang pinto n~g paggiliw.
+
+IV.
+
+ Kundi kasalanan ang gawang tuman~gis
+ay ibilang mo nang kita'y iniibig
+at kung ang luhog ko'y iyong ikagalit
+ay ibibilang kong isang panaginip.
+
+
+
+
+ˇINFIERNO....!
+
+
+ Tinatakhan mo ba ang aking pag-irog?
+Dinaramdam mo ba ang aking paglimot?
+Huwag kang mamangha't di mo masusubok
+ang kadalisayan n~g aking pagluhog.
+
+ Sa aki'y di sukat ang m~ga babae,
+sa aki'y di sukat ang iyong pagkasi,
+ako'y inianak sa pagkaduhagi
+kaya't magagawa ang minamabuti.
+
+ Ako'y malilimot kung siya mong nais
+at pakasumpain sa silong n~g lan~git,
+ikaw'y may laya pang sa iba'y umibig
+pagka't may ganda kang hiraman n~g awit.
+
+ Subali't alaming... ikaw'y masasayang
+kung mahihilig ka sa ibang kandun~gan,
+sapagka't ang ating nan~gagdaang araw
+ay di malalanta sa iyong isipan!
+
+ Ang lahat sa lupa'y iyong mahahamak
+at maaari kang magbago n~g palad,
+n~guni't susundan ka sa iyong paglakad
+n~g isang anino n~g ating lumipas.
+
+ Iyong magagawa ang ako'y limutin
+at matitiis ko ang pagkahilahil,
+iyo mang isangla ang iyong paggiliw
+sa ibang binata'y... di ko daramdamin!
+
+ Kung tunay mang _lan~git_ ang iyong pagkasi'y
+isang _Infierno_ ring aking masasabi,
+bihira sa m~ga magandang babae
+ang di salawaha't taksil sa lalaki.
+
+ Limutin mo ako kung siya mong nasa't
+saka pa umibig sa ibang binata,
+ang pagtataksil mo'y di ko iluluha
+pagka't ang babae'y taong mahiwaga.
+
+ Ang paglilihim mo'y aking kamatayan,
+ang ginagawa mo'y parusa n~g buhay,
+kundi ka tutupad sa bilin ko't aral
+ay ako'y walin na sa iyong isipan.
+
+ Di ko tinatakhan ang palad n~g tao
+sapagka't ang lahat ay mayrong Kalbaryo
+kung ang aking puso'y iyong _Paraiso_,
+ang iyong pag-ibig ay aking _Infierno_.
+
+
+
+
+ˇKamanyang...!
+
+
+I.
+
+Ang hapong malamlam ay naging tadhana
+n~g bagong panahon sa aklat n~g diwa,
+ang gabing madilim na di nagsasawa
+sa pagmamaramot sa m~ga biyaya
+ay naging umagang sa aking akala'y
+batbat n~g bulaklak na lubhang sagana,
+ang buwang mayuming ayaw magmagara
+ay naging dalagang kaagáw n~g tala.
+
+II.
+
+Ang m~ga aliw-iw n~g palalong tubig
+sa kabuhayan ko'y naging m~ga tinig
+n~g lalong mapalad sa silong n~g lan~git,
+ang kulay n~g hirap na namimiyapis
+ay biglang nagmaliw na di ko malirip,
+ang mundo kong batbat n~g luha at sakit
+ay naging mundo na n~g Haring makisig
+ó isang palásyong malayo sa hapis.
+
+III.
+
+Ang tikóm na labi n~g m~ga sampaga'y
+namukád na bigla't naglabing ligaya,
+ang dilim at ulap n~g aking pagasa'y
+naging bagong araw na di magbabawa,
+ang kukó n~g hirap at, ban~gis n~g dusa'y
+naging m~ga hamog sa dapit umaga,
+ang guhit at ulos n~g m~ga parusa'y
+naging m~ga n~giti n~g bagong Ofelia.
+
+IV.
+
+Huwag kang magtaka, dalagang mayumi
+sakaling sabihing sa aki'y napawi
+ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati,
+sapagka't sa n~gayo'y aking napaglimi
+na iyong pagsilang nang buong lwalhati
+ang m~ga nabagong nadama't nasuri,
+ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y
+tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati.
+
+V.
+
+At n~gayo'y araw mo! Darakilang araw
+ang siyang sumaksi sa iyong pagsilang,
+at yamang ganito'y aking katungkulang
+ikaw ay suubin n~g aking kundiman
+bagama't, alam kong ang awit n~g buhay
+ay awit n~g m~ga naaaping tunay
+bagama't talos kong ang "lira" kong tan~gan
+ay hamak na "kurus" sa isang libin~gan.
+
+VI.
+
+Walang kailan~gan! At tila n~ga dapat
+na ika'w batiin n~g aking panulat:
+Dakilang dalaga, ang Sangmaliwanag
+ay busog sa silo at m~ga bagabag,
+tayo'y isinilang upang makilamas
+sa n~gitn~git n~g dilim at sigwa n~g palad,
+matapos batii'y iyong isahagap
+na ang buhay natin ay isang pan~garap.
+
+
+
+
+Ang abaniko mo...
+
+(_Sa isang bulaklak._)
+
+
+ Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw
+ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
+parang isang "mundo, ang pinagagalaw
+n~g napakaputi't nilalik mong kamay.
+
+ Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
+nang ako'y daran~gin n~g dila n~g init,
+diyan napasama ang patak n~g pawis,
+diyan napalipat ang pisn~gi n~g lan~git.
+
+ Anopa't sa aki'y naging malikmata
+ang buhay kong iyong binigyang biyaya,
+nalimot kong minsang ang tao sa lupa
+ay may kamataya't sariling tadhana.
+
+ Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi
+at bagong umaga ang siyang naghari,
+ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
+sa akin ang m~ga taong mapagsurí.
+
+ Subukang igawad ang Sangkatauhan
+at hindi sasaya itong kabuhayan,
+n~guni't kung ang iyong "abanikong tan~gan,
+patay ma'y baban~go't ikaw'y aawitan.
+
+ Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
+upang ang lan~git ko'y mawalan n~g ulap,
+ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,
+ako'y dinaraíg n~g m~ga pan~garap.
+
+
+
+
+Kung ikaw'y umibig
+
+(_Sa aking Reyna._)
+
+
+ Huwag nang sabihing ang tan~ging Julieta
+n~g isang Romeo'y batis n~g ligaya,
+huwag nang banggitin ang isang Ofelia't
+hindi mapapantay sa irog kong Reyna.
+
+ Subukang buhayin ang lima mang Venus
+at di maiinggit ako sa pagluhog,
+tinatawanan ko si Marteng umirog
+sa isang babaeng lumitaw sa agos.
+
+ Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig,
+ang kinis n~g noong wari'y walang hapis,
+ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git
+ay isinangla mo kung ikaw'y umibig.
+
+ Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya,
+ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga,
+kung magkakapisan ang ating pag-asa
+ay magiging mundong walang bahid dusa.
+
+ Hindi mo pansin na ako'y lalaki,
+hindi mo naisip na ikaw'y babae,
+paano'y talagang kung ikaw'y kumasi
+sa tapat na sinta'y nagpapakabuti.
+
+ Gabing maliwanag at batbat n~g tala,
+maligayang Edeng bahay n~g biyaya,
+iyan ang larawang hindi magtitila
+n~g iyong pag-ibig sa balat n~g lupa.
+
+ Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip,
+ang mundo'y di mundo n~g hirap at sakit,
+aking mapapasan ang bigat n~g lan~git
+kung sasabihin kong: _Kung ikaw'y umibig_.
+
+
+
+
+Tag-ulan...
+
+
+ May nan~gagsasabing masama ang ulan,
+may nan~gagagalit sa lusak na daan,
+ako ang tanun~gi't... aking isasaysay
+na ang tan~ging _gloria'y_ ang pagtatampisaw.
+
+ Ang m~ga halama'y nan~gananariwa
+sa patak n~g ulang hindi nagtitila,
+ang aking pagkasing ibig mamayapa
+kung ganyang tagula'y nagbabagong diwa.
+
+ Walang kailan~gang sa aki'y magtago
+ang mukha n~g araw na di ko makuro,
+sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho
+upang pasayahin ang kimkim kong puso.
+
+ Walang kailan~gang sa Sangmaliwanag
+ay laging maghari ang dilim at ulap,
+ang patak n~g ulan sa imbi kong palad
+ay ban~gong masansang na di man~gun~gupas.
+
+ Kung may mag-uulat na sa kalan~gitan
+ay may unos, baha, at patak n~g ulan,
+ay kunin na ako't hindi mamamanglaw
+pagka't masasama sa kawal n~g banal.
+
+ Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git,
+lihim na biyaya sa m~ga ninibig,
+laman n~g panulat sa m~ga pag-awit,
+sariwang bulaklak sa pitak n~g isip.
+
+ Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin
+at ayaw sumunod sa aking paggiliw,
+ang patak n~g ula'y sukat ang malasin
+upang ang _lira_ ko'y sumuyo't sumaliw.
+
+ Kung sakasakaling ako'y maging bangkay
+at saka ilagak sa isang mapanglaw
+na labi n~g libing... mangyaring ang ula'y
+bayaang tumagos sa aking katawán.
+
+
+
+
+II.
+
+PAGSISISI......
+
+(TULANG MAY ANIM NA BAHAGI.)
+
+_ I.--Nasilaw sa dilím.
+ II.--Ang hamak na palad.
+III.--Gayon man, gayon ma'y...
+ IV.--Ang panghihinayang...
+ V.--Kung ikaw'y binata...
+ VI.--Sa abó baban~gon..._
+
+
+
+
+ˇPAGSISISI.....!
+
+Sa iyo
+
+=_Nasilaw sa dilim_=...
+
+
+I.
+
+ Anang m~ga tao: _Ang m~ga makata'y
+Sadyang isinilang upang magsiluha._
+Nang una'y ayokong dito'y maniwala
+Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama.
+
+ Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil,
+May luhang nagmula sa pagkahilahil,
+May sa pagkaapi sa isang giniliw,
+May sa pagkalayo sa inang butihin.
+
+ Ang luha n~g aking nagsisising puso
+Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo,
+Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo,
+Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.
+
+ Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya
+Na ang tao'y mayrong _balon_ n~g parusa,
+Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't
+Bumawi sa akin n~g aking ligaya.
+
+ Talagang ang tao'y sadyang walang tigil,
+Namali nang minsa'y ibig pang ulitin,
+Ang tanaw sa _mundo'y mundong_ walang lihim
+At sa _Dios_ ay _Dios_ na di matandain.
+
+ Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't
+Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa,
+Dito kung mayron mang sampagang dakila
+Ay may tinik namang pamutol n~g nasa.
+
+ Ang pagkamasakim sa ban~go at puri
+Ang isinasama n~g lalong mabuti,
+Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y
+Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki.
+
+ Oh! _ban~gong_ pan~garap n~g uhaw na puso!
+Oh! _puring_ nagbuwal sa lalong maamo!
+Kayo ang _berdugong_ may bihis-pagsuyo
+N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo.
+
+ Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't
+Ang uhaw sa puri n~g isang dalaga'y
+Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't
+Siyang nagsasabog niyong m~ga Troya.
+
+ Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala
+Na ang nagawa ko'y kahiban~gang pawa,
+N~gayon ko natantong _birhen_ kang dakila,
+May wagas kang puso't banal na akala.
+
+ Ako'y naririto't pinagsisisihan
+Ang aking nagawang m~ga kasalanan,
+Aking babaunin hanggang sa libin~gan
+Ang hinanakit mo't magagandang aral.
+
+ Talagang nalisya ang aking pan~garap,
+Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat,
+żAno't ikaw pa n~ga yaong binagabag
+Gayong ikaw'y isang _anghel_ na mapalad?
+
+ Pawiin sa puso ang m~ga nangyari
+At iyong alaming may ban~go ka't puri,
+Samantalang gayon, ako'y nagsisisi
+At binabawi ko ang m~ga sinabi.
+
+ N~guni't isang tanong: żKaya ang patawad
+Sa namaling puso ay iyong igawad?
+Ang m~ga _luha_ ko'y siyang ihuhugas
+Sa napaligaw ko't nagsisising palad.
+
+ * * * * *
+
+
+=_Ang hamak na palad_...=
+
+
+II.
+
+ Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa
+sa nagsisi ko nang lakad at akala,
+aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala
+sa m~ga nasayang at natak kong luha.
+
+ Kung natatalos mo ang luhang nasayang
+sa mata ko't pusong laging naglalamay,
+sana'y nasabi mong mayrong katunayan
+ang dinaranas kong m~ga kahirapan.
+
+ Ang hinanakit mo, sumbat at paglait
+ay pawang nakintal sa dila ko't isip,
+at ang ating lihim sa silong n~g lan~git
+ay siyang sa aki'y nakakaligalig.
+
+ Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin
+nang upang ihayag ang buo kong lihim,
+lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil
+sa napakabatang puso mo't paggiliw.
+
+ Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat
+ang kawikaan mo, ako'y isang hamak,
+ang naging ganti mo sa aking paglin~gap
+ay isang _libin~gan_ at _kurus_ n~g hirap.
+
+ Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos
+umibig sa isang Reyna n~g Kampupot,
+ang _hamak_ na palad ay dapat umirog
+sa kaisa niyang _hamak_ di't _busabos_.
+
+ żMaaari kayang ang isang _granada'y_
+maihulog sa di gusto n~g _princesa?_
+żmaaari kayang ang isang sampaga'y
+makuha at sukat n~g taong bala na?
+
+ Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri,
+ikaw'y isang lan~git na kahilihili
+at ako ay isang hamak na pusali,
+ikaw ay sariwa at ako'y unsyami.
+
+ Ang panghihinayang ang siyang nagtulak
+na kita'y mahalin n~g buo kong palad.
+Ang panghihinayang ang siyang nagatas
+na kita'y itala sa aking pan~garap.
+
+ Kung ikaw sa akin ay walang hinayang
+sa aki'y sayang ka at sayang na tunay,
+sabihin na akong kasakimsakiman
+at ikaw sa iba'y di mapapayagan.
+
+ Lalo pang mabuting kanin ka n~g lupa
+kay sa mahulog ka sa ibang binata,
+żIba pa ang iyong bibigyang biyaya
+gayong ako'y uhaw sa iyong kalin~ga...?
+
+ Ipinipilit mong tayo'y pupulaan
+kung sa lihim nati'y mayrong makamalay,
+żat sinong pan~gahas ang pagsasabihan.
+nitong ating lihim sa sangkatauhan?
+
+ Ako'y nagsisisi't nabigyang bagabag
+na naman ang iyong tahimik na palad,
+kundan~ga'y ang iyong ban~gong walang kupas
+sa pagiisa ko'y siyang nasasagap!
+
+ Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin
+kahit nalalaban sa aking damdamin,
+n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin
+ang papanaw ko nang ulilang paggiliw.
+
+
+ * * * * *
+
+
+=_Gayon man, gayon ma'y _...=
+
+
+III.
+
+ Kung may kasayahan ang tao sa lupa
+naman ay mayron ding pagkabigo't luha.
+Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala
+ay laruan lamang n~g kanyang tadhana.
+
+ Yamang walang taong likas na mabuti't
+walang nan~gamaling hindi nan~gagsisi.
+Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y
+itatakwil ko na ang aking pagkasi.
+
+ Lulunurin ko na sa hukay n~g puso
+ang aking yayaong nasawing pagsuyo,
+ipagluluksa ko ang pagkasiphayo
+n~g aking pag-ibig na di mo inako.
+
+ Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat
+na puno n~g aking sariling bagabag,
+pag-aaralan kong lumaban sa hirap
+yamang siyang takda n~g buhay ko't palad.
+
+ Aking natatantong walang pagkasayang
+sa iyo ang aking maralitang buhay,
+sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw,
+sa iyo'y lwalhati ang _kurus_ ko't _hukay_.
+
+ Kung ikaw ay walang hinayang sa aki't
+wala pang hinayang sa aking paggiliw,
+ay iyong asahang aking sasapitin
+ang ninanasa mong balón n~g hilahil.
+
+ żDi mo nalalamang itong umi-ibig
+sa lahat n~g bagay ay di nan~gan~ganib,
+ang kamatayan ma'y kanyang malalait
+kundi na makaya ang taglay na hapis?
+
+ Gayon man, gayon ma'y hindi masisira
+sa akin ang iyong hiling at pithaya,
+gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang
+maghandog n~g iyong ikapapayapa.
+
+ N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap
+sa aking namali't nagsising pan~garap?
+żmanumbalik kaya at hindi kumupas
+ang iyong pagtin~gin sa imbi kong palad?
+
+ Iyan ang isa pang di ko ikatulog
+gayong nagsisi na ang aking pagirog,
+iyan ang sa aki'y nagbibigay takot,
+iyan ang sa n~gayo'y di ko mapag-abot.
+
+ Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap
+ay magbabago na sa imbi kong palad,
+ang kawikaan mo'y ang isang nabasag
+mabuo ma'y mayrong natitirang lamat.
+
+ Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan
+kung ganyan ang iyong magiging isipan,
+n~guni't alamin mong malinis na tunay
+ang isang maruming nagbago n~g buhay.
+
+ Magpahangga n~gayo'y iyong mawiwika
+na ikaw'y akin pang _sinisintang kusa_,
+magiging totoo ang iyong hinala
+kung ang puso'y muling hagkan n~g paghan~ga.
+
+ Kung muling gumiit ang panghihinayang
+ikaw ay muli kong sisintahing tunay,
+ang isa pa'y iyo namang nalalamang
+ang _pagsisisi_ ko'y _pagbibigay_ lamang!
+
+
+ * * * * *
+
+
+=_Ang panghihinayang_...=
+
+
+IV.
+
+ May ilang araw nang ako'y kalung kalong
+n~g bisig n~g dusa't kamay n~g linggatong
+may ilang araw nang sa mata'y nanalong
+ang pait n~g luhang usbong n~g paglun~goy.
+
+ Nakikita, mo mang ako'y tumatawa
+nama'y tawang pilit at busog sa dusa,
+di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya,
+may n~giting singpait n~g luha't parusa.
+
+ Ang nakakatulad nitong aking buhay
+ay mundong ulila sa sikat n~g araw,
+katulad ko'y isang _prinsipeng_ mayaman
+na uhaw at salat sa aliw at layaw.
+
+ Upang pumanatag ang aking pagluha'y
+aking kailan~gan ang lin~gap mo't awa,
+awang magbibigay n~g yutang biyaya,
+awang sa lungkot ko'y tan~ging papayapa.
+
+ Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay
+sa nais na kita'y mapagbigyan lamang,
+kung susunurin ko itong kalagaya'y
+di ka malilimot hanggang kamatayan.
+
+ żPaano ang aking gagawing paglimot
+sa iyong ang ban~go'y higit sa kampupot?
+Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok,
+ay sinong banal pa ang hindi iirog?
+
+ żSa puti n~g iyong kamay na nilalik,
+sa m~ga labi mong may pulot at init,
+sa m~ga paa mo't binting makikinis
+ay sinong pihikan ang hindi iibig?
+
+ Kung sinusukat ko ang ganda mong ari,
+puso ko'y ninibok at nananaghili,
+aking nasasabing _Talo ko ang Hari
+kung ako ang iyong mamahál na tan~gi_!
+
+ Ang panghihinayang ang siyang sa aking
+puso'y bumabayo't sumusupilsupil,
+kung ikaw'y bigla ko't buong makakai'y
+kinain na kita nang ikaw'y malihim.
+
+ Huwag mong sabihin na ako'y gahaman
+kung kagahaman n~ga ang layon ko't pakay,
+para ko sabihin ang katotohana'y
+walang taong hindi may _imbot_ sa buhay...
+
+ Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig
+ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit,
+ang m~ga sumbat mo nama'y itititik
+sa dahon n~g aking lagás na pagibig.
+
+ Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa
+sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa,
+sa iyo sisikat ang isang umaga
+na dala ang aking magiging ligaya.
+
+ Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y
+saksi ang halik kong iyong itinago.
+halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y
+nakintal na tanda n~g aking pagsuyo.
+
+ Kung kulang ka pa ring tiwala buhay,
+ako'y magtitiis sa kapighatian,
+magtitiis ako, kahit nalalamang
+ang _lungkot_ n~g tao'y isang _karamdaman_.
+
+ * * * * *
+
+
+=_Kung ikaw'y binata_=...
+
+
+V.
+
+ Gaya nang hula ko: ikaw'y untiunting
+nalayo sa aki't nagtatampong wari,
+ikaw'y umilap at nabibighaning
+ako'y pakanin mo n~g dusa't aglahi.
+
+ Panibagong lungkot na naman ang aking
+naragdag sa iyong pihikang damdamin,
+talaga na yatang ang aking paggiliw
+ay di matutubos sa _sala't hilahil_.
+
+ Ninanais ko nang ako'y makaguhit
+n~g bagong palad kong walang bahid dun~gis
+ay kung bakit ako'y lalong nabibin~git
+sa pagkakasala at ikatatan~gis...!
+
+ Hanggang nagiin~gat itong kabuhaya'y
+lalong nabubulid sa kapighatian,
+hanggang ninanais yaong kalinisa'y
+lalong dumurun~gis itong kapalaran...
+
+ Hindi ko malaman itong nangyayari
+sa kabuhayan kong bihag mong parati,
+ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y
+puno na n~g aking m~ga pagsisisi.
+
+ Aking nalalamang hindi makukuha
+n~g pagsisisi ko itong m~ga sala,
+n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y
+mag-abang sa iyo, n~g awa't ligaya.
+
+ Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y
+sapagka't _lunas_ ka sa aking pagluha,
+ikaw sa _lungkot_ ko'y kamay n~g biyaya,
+ikaw sa _uhaw_ ko'y hamog na mabisa.
+
+ Para ka mawaglit sa aking isipa'y
+kailan~gan ko pa ang isang libin~gan,
+at para maubos ang aking kundima'y
+magbalik ka muna sa pinanggalin~gan.
+
+ Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig
+n~g isang pagsintang singlawak n~g lan~git
+n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis
+sa pagmamahal kong wagas at malinis?
+
+ żNalulungkot ka ba? Di ko akalaing
+iyong ikalungkot ang aking paggiliw,
+di ko inasahang _dun~gis_ na ituring
+ang pagmamahal kong may wastong layunin.
+
+ żAt kung ikaw kaya ang naging lalaki't
+ako ang pinalad na maging babae,
+kung hinahamak ko ang iyong pagkasi
+ay ilang puso mo ang di maruhagi?
+
+ Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata
+ang hirap sa mundo nang lumuhaluha,
+sana'y natalos mong ang lalong dakila
+ay nagiging taksil sa laki n~g nasa.
+
+ Huwag kang malungkot! Busugin sa layaw
+ang uhaw sa iyong aking kabuhayan,
+sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw,
+sa m~ga pisn~gi mo, ako'y mabubuhay.
+
+ Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig
+ay pagibig ko rin ang siyang lilinis,
+at kung nahawa ka sa taglay kong hapis,
+hapis mo't hapis ko ay magiging lan~git.
+
+ * * * * *
+
+
+=_Sa abo babangon_=...
+
+
+VI.
+
+ Sa huli'y natumpak itong aking puso't
+natutong tumupad sa aral mo't samo
+titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y
+malibing sa hukay n~g pagkasiphayo.
+
+ N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y
+singdilim n~g iyong tinamong damdamin,
+n~gayon ko natalos na ako'y sinupil
+n~g matinding udyok n~g isang paggiliw.
+
+ Yamang sumikat na sa puso ko't isip
+ang kaliwanagang bumihis sa hapis,
+ay masasabi kong ang aking pagibig
+ay handang lumagak sa pananahimik.
+
+ Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang
+sa n~galan n~g ating pagkakapatiran,
+kinikilala ko itong kamalian
+na siyang naglagpak sa aking pan~galan.
+
+ Ituring sa wala ang m~ga nangyari't
+iguhit sa tubig ang m~ga nasabi,
+ang laki at alab n~g aking pagkasi,
+n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi.
+
+ Hindi pagkan~galay n~g aking panitik
+ang naging dahilan n~g pananahimik,
+kung hindi sa nasang huwag maligalig
+ikaw pa n~g aking bulag na pagibig.
+
+ Napagaralan kong ikaw'y isang talang
+kakambal n~g aking damdamin at diwa,
+aking natutuhang tumpak n~ga at tama
+ang m~ga aral mong mahalagang pawa.
+
+ Ang m~ga lungkot mo ay aking damdamin
+at ang damdaming ko ay damdamin mo rin,
+ang _akin_ ay _iyo't_ ang _iyo_ ay _akin_
+at tayong dalawa'y may isang layunin.
+
+ Huwag nang ituring na ako'y kalaban
+pagka't nagbago na ang aking isipan,
+ang puso ko n~gayon ay naliwanagan
+pa kislap n~g iyong mahalagang aral.
+
+ Dapat nang lumaki ang iyong pagasa
+sa pagliliwayway n~g bagong umaga,
+ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't
+ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa.
+
+ Magkakahiwalay itong ating palad
+na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag,
+ikaw'y magtatago't... sa pamamanang
+at may ibayo kang gayuma't pan~garap.
+
+ Samantalang ako'y tan~ging magtatago
+sa utos sa akin n~g Hukóm na Puso,
+sa pagliliwayway ay talang malabo
+ang makakatulad n~g aking pagsuyo.
+
+ Napakapait man sa aking pagibig,
+kita'y iwawalay sa pitak n~g isip,
+sa abo n~g aking papanaw na awit
+ay baban~gon itong buhay kong malinis.
+
+ Kung walang tiwala sa aking sinabi'y
+saksi ko ang bagu't bagong mangyayari,
+kung muling malisya ang aking pagkasi'y
+tugunin n~g _sumpa_ itong pagsisisi.
+
+
+
+
+III.
+
+ALBUM NG DALAGA...
+
+HANDOG:
+
+=_Kay Bb. Concepcion T. Garcia_.=
+
+_San Nikolas, Maynila_.
+
+
+
+
+Album ng Dalaga...
+
+I.
+
+=_Simula_.=
+
+_La princesita está bella_.
+
+Ruben Dario.
+
+ Ipahintulot mo, dalagang mayumi,
+Na ilarawan ko ang ganda mong ari,
+Ipahintulot mong awitin kong lagi
+Ang kagandahan mong makahibang-pari.
+
+ Bulaan ang madlang balitang _Prinsesa_
+Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa,
+At para sa akin, ikaw'y siyang _Reyna_
+N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga.
+
+ Ang kaharian mo'y iyang kagandahan,
+Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay,
+Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman.
+
+ Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen,
+Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin,
+Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.
+
+
+
+II.
+
+=Ang mga buhok mo=..._
+
+_Tu pelo es una nube del Oriente_.
+
+Salvador Rueda.
+
+ Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas
+Kung nakasalalay sa iyong balikat,
+M~ga ulang waring di lupa ang hanap
+Kundi sampagitang humahalimuyak.
+
+ Sa itim ay gabing walang buwa't tala,
+Sa haba ay halos humalik sa lupa,
+Sa lago'y halamang malago't sariwa,
+Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga.
+
+ Naging katulad ka niyong Penelopeng
+may timtimang pusong miminsang kumasi't
+Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.
+
+ Sa haba n~g iyong buhok nakilala
+Ang kadalisayan n~g pagkadalaga
+At ang kahabaan n~g isang pag-asa.
+
+
+
+III.
+
+=_Ang mga mata mo..._=
+
+_Cantar quise tus ojos_.
+
+=Campoamor=.
+
+ Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y
+Ipinanghiram ka n~g mata sa tala,
+Dalawang bituing sa hinhi'y sagana
+Ang naging mata mong mayaman sa awa.
+
+ Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip
+Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git,
+Mababaw na dagat ang nasa sa gilid
+Na ang naglalayag ay pusong malinis.
+
+ Di ayos matalim, ni hugis matapang,
+Ni hindi maliit, ni di kalakihan,
+Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay.
+
+ Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag,
+Kalinisa't puri ang namamanaag,
+Umaga ang laging handog mo sa palad.
+
+
+
+
+IV.
+
+=_Ang mga pisngi mo_=.
+
+_Naciente luz te corona_.
+
+Espronceda.
+
+ Ang lahat n~g buti'y natipon na yata
+Sa kabataan mong ilag sa paraya,
+Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga
+Ay nakahihibang at nakahahan~ga.
+
+ Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo,
+Mayumi, manipis at hindi palalo,
+Ang san~gahang ugat kahit humahalo,
+Ay napapabadha't... di makapagtago.
+
+ Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala
+Ako'y mamamangha kung aking makita
+Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela.
+
+ Naiinggit ako sa paminsanminsan
+Sa dampi n~g han~ging walang-walang malay,
+Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..!
+
+
+
+V.
+
+=_Ang mga labi mo_=.
+
+_Los labios del arcangel en sus labios_...
+
+Menendez Pelayo.
+
+ Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git,
+Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis,
+Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig
+Labing mababan~go, sariwa't malinis.
+
+ Labi n~g sampagang may pait at awa,
+Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya,
+Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa,
+Pook na tipanan n~g hamog at diwa.
+
+ Tagapamalita n~g lihim n~g puso,
+May _oo_ at _hindi_, may _tutol_ at _samo_,
+May buhay at palad, may tula't pagsuyo.
+
+ An~g m~ga labi mo'y may pulót na tan~gi
+Kung iyan ang aking pagkaing palagi'y
+Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.
+
+
+
+
+VI.
+
+=_Ang mga kamay mo_=.
+
+_Pudiera yo tu mano de azucena
+Besar solo una vez_..!
+
+Heine.
+
+ Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis
+Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik,
+Garing na mistula sa puti at linis,
+Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig.
+
+ Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya
+Ay di hugis tikin, ni hubog kandila;
+Ang ayos at hugis ay bagay at tama
+Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.
+
+ Ang makakandong mo't maaalagaan,
+Ang mahahaplos mo't mahihiranghirang,
+Ang kahit patay na'y muling mabubuhay.
+
+ Mahagkan ko lamang ang iyong daliri,
+Sa kapwa makata, ako'y matatan~gi
+At marahil ako'y isa na ring Hari.
+
+
+
+
+VII.
+
+=_ˇAng mga paa mo..!_=
+
+_Tus pequeńos pies
+Son tropos
+Para mis piropos_.
+
+Machado.
+
+ Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko
+Ay naguguhit din ang m~ga paá mo,
+Paang mapuputing nakababalino
+Sa isip at buhay n~g payapang tao.
+
+ Paáng makikinis at makaulul-palad,
+Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat,
+Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad,
+Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak.
+
+ Parang m~ga paá n~g nababalitang
+Cleopatra at Leda n~g panahong luma,
+Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.
+
+ Naiinggit ako sa bawa't yapaka't
+siyang nagsasawa sa paá mong hirang,
+żAno't di pa ako ang maging tuntun~gan?
+
+
+
+
+VIII.
+
+=_Wakas..._=
+
+_Tan dulce, tan bella,
+tan tierna, tan pura._
+
+J. de dios Peza.
+
+ Talagang natipon ang lahat n~g buti
+Sa kabataan mong di pa kumakasi,
+Ang lahat n~g yaman n~g isang babae
+Ay nasa sa iyong sariwang parati.
+
+ Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay,
+Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan,
+Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay
+Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay.
+
+ Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad,
+Ang kagandahan mo'y aking ikakalat
+Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag.
+
+ Kung may naghahanap sa bukang liwayway
+Sa kabataan mo ay matatagpuan,
+ˇDi ko malilimot ang ganda mong iyan!
+
+
+
+
+ANG PANYO...
+
+
+I.
+
+Pamahid n~g luha kung ginigiyagis
+ n~g masidhing panglaw,
+pamawi n~g luhang sadyang tumitigis
+ sa pusong luhaan,
+isáng kasangkapang ipinananakíp
+ sa mukhang may lumbay,
+isáng mahiwagang tagapaghiwatig
+ n~g lihim na saklaw
+n~g pusong sapupo n~g isáng pag-ibig
+ sa gitna n~g buhay.
+
+II.
+
+Panakíp sa bibig kung may simpang hiya
+ sa kinákaharáp,
+isáng kagamitáng kung walang tiwala'y
+ pangbalot n~g sulat,
+at páunang saksing minsang lumilikha
+ n~g lúbusang galák,
+na mandi'y nánabi n~g masuyong wikang
+ tugon sa pan~garap:--
+_Sa inyong ibiga'y ang unang magdaya'y
+ pan~gan~ganlang sukáb_.
+
+III.
+
+Isáng kasangkapang ang nagkakalayo'y
+ pinapaglalapít
+kung binabalaan at sinisiphayo
+ n~g _isáng_ may galit;
+tagapamalitang may giliw at suyo
+ kung naghihiwatig
+sa nagkakalayo't nagtitipáng puso
+ dahil sa pag-ibig.
+Iyán ang halagá at bisa n~g panyo
+ sa silong n~g Lan~git.
+
+IV.
+
+Ang panyo'y pamahid sa luhaáng matá
+ n~g lahát at lahát,
+ang panyó ay piping nakapagbabadya
+ n~g bawa't máhan~gád,
+ang lahat n~g galáw na inyong makita'y
+ may lihim na sangkap,
+katugón n~g mithi n~g m~ga ninintang
+ hindi magkáusap;
+may lihim na uring kalakip ang dusa
+ at maging n~g galák.
+
+V.
+
+Ang panyong idampi sa labi, sa bibíg,
+ ay may kahulugáng:--
+_kitá'y sinisinta, kitá'y iniibig
+ hanggang sa libin~gan;_
+at sakasakaling sa matá ipahid:--
+ _ako'y namamanglaw
+kung di ka makita, kung di ka masilip
+ n~g dusta kong buhay;_
+at sakasakaling ihaplos sa dibdib:--
+ _ako'y mamamatáy_.
+
+VI.
+
+May tan~ging halagá at tagláy na galíng
+ ang lahat n~g panyo,
+kaya't minimithing halos na agawin
+ n~g m~ga nunuyo,
+minsang magpatibók sa m~ga damdaming
+ patáy sa pagsamo,
+malimit lumikha n~g isang paggiliw
+ at pamimintuho't
+madalas tumubos sa piping pagdaing
+ n~g luhaáng puso.
+
+
+
+
+ˇAng Pamaypay!
+
+
+ Ang lahat at lahat sa Sangkatauhan
+ay may kanya-kanyang uri't kalagayan,
+may ibig sabihin ang lahat n~g bagay
+na abot ó hindi n~g damdam at malay,
+ang panyo'y may lihim sa nagiibigan
+gaya n~g bulaklak at m~ga halaman,
+itong abaniko'y isang kasangkapang
+pangdagdag sa puso n~g init at buhay.
+
+ Sa Aklat n~g Puso't Aklat n~g Paggiliw
+yaong abaniko'y may ibig sabihin,
+may sariling uri't sariling tuntunin
+may sariling layon at sariling lihim,
+sa Talatin~gigan n~g m~ga Damdamin
+ang wikang Pamaypay ay tuwa't hilahil,
+palad at tagumpay, at kung kukurui'y
+taga pamalita niyong bukas natin.
+
+ Kalihim n~g Puso't Patnubay n~g Palad,
+n~giti n~g liwayway sa likod n~g ulap,
+sa gitna n~g buhay ay "isang watawat
+na kulay lungtiang pakpak n~g pan~garap,
+sagisag n~g hinhin n~g m~ga mapalad,
+baluti n~g m~ga babaeng banayad,
+kublihan n~g mukhang maramot maglagak
+n~g masayang n~giting yaman n~g panulat.
+
+ Isang kasangkapang gamit n~g babae
+at kung magkaminsa'y pati n~g lalaki,
+bibig na malayang nakapagsasabi
+n~g _oo_ at _hindi_ n~g _sama_ at _buti_,
+isang kasangkapang sa nagsisikasi'y
+papel at panulat, gayuma't buhawi,
+sangla n~g pag-ibig, na namamayani
+sa lahat n~g pusong bihag na parati.
+
+ Ang bawa't ikilos n~g isang pamaypay
+ay may isang wika, uri t kahulugan,
+parang isang aklat na nagsasalaysay
+n~g hirap at tuwa, n~g aliw at panglaw;
+kung iyong dalasin ang m~ga paggalaw
+ang ibig sabihin: _Kita'y minamahal_;
+kung biglang isara: _Ako'y nasusuklam,
+huwag nang lumapit at nang di magdamdam_.
+
+ Yaong abanikong idampi sa labi,
+ang ibig sabihi'y _Ikaw ang lwalhati_,
+kung minsang itago'y _Hindi maaari
+ang iyong pagkasi't ang sa pusong susi'y
+hawak na n~g isang pan~garap kong lagi_,
+at kung pisil-pisil n~g m~ga daliri'y:
+_inaantay kita't ang ama kong Hari'y
+wala at sa monte'y nagbakasakali_.
+
+ Kung kagat ang borlas--_Ako'y nahahapis
+dahil sa ginawang sa ati'y paglait_,
+kung buksang marahan--_Huwag kang man~ganib
+at ang ating ulap ay magiging lan~git_,
+kung buksang pabigla--_Sila'y nagagalit
+dahil sa sulat mong kanilang nalirip_,
+kung biglang ilaglag--_Si Kulasa'y bwisit
+at siyang nagsumbong nang tayo'y magniig_.
+
+ Idampi sa pisn~gi--_Huwág kang matulog
+at sa sine Luna, kami ay papasok_,
+idampi sa dibdib--_Ako'y nagseselos
+dahil sa kasamang tila lumuluhog_,
+kung biglang ipukol--_Sa iba ibuhos
+ang iyong pagsinta. Ikaw'y pahinuhod_!
+. . . . . . . . . . . . . .
+Itong abaniko'y Dila sa Pag-irog,
+Talatang may dusa, kamanyang, kampupot.
+
+
+
+
+IV.
+
+ANG ALBUM NI INA ...
+
+(_Ala-ala sa aking inang pumanaw: Rosa San
+Miguel ni de Leon, tagá Samal, Bataan at namatáy
+sa Tundo, Maynila, noong taong 1902_.)
+
+
+
+I.
+
+=_Ang aking Ina_=.
+
+
+ Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw
+Ay inang mayumi't lubhang maramdamin,
+Inang hindi yuko sa m~ga hilahil,
+Inang mapagbata at siya kong virgen.
+
+ Mayrong isang Diyos na kinikilala,
+May isang dakilang pananampalataya,
+Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga,
+Ang galit ay awa't sa poot ay tawa.
+
+ Siya ang dakilang Batas sa tahanan,
+Kamay na masipag, Kampana n~g buhay,
+Susi n~g pag-ibig na kagalanggalang.
+
+ Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti,
+Ang dukha't mayaman ay kapuripuri
+Palibhasa'y inang may puso't pagkasi.
+
+
+
+II.
+
+=_Pag-ibig ni Ina_=.
+
+
+ Ang puso ni ina'y kaban n~g paglin~gap,
+May dalawang tibok na karapat-dapat,
+Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad
+At ang isa nama'y sa amin nalagak.
+
+ Noong nabubuhay ang ina kong irog
+Ang kanyang pagkasi'y samyo n~g kampupot,
+Ang lakas n~g puso'y parang nag-uutos
+Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...
+
+ Pagibig ni ina ang siyang yumari
+N~g magandang bahay na kahilihili,
+At nawag sa palad na katan~gitan~gi.
+
+ Timtimang umirog! Hanggang sa libin~ga'y
+Dala ang pagkasing malinis, dalisay,
+Dala ang damdaming kabanalbanalan.
+
+
+
+
+III.
+
+=_Ang halik ni Ina_=.
+
+ Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha
+Kung may dala-dalang damdamin at awa,
+Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa
+Na may laging laang halik at kalin~ga.
+
+ Sa halik ni Ina ay doon nalagas
+Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad,
+Sa halik ni ina'y aking napagmalas
+Na ako'y _tao_ na't dapat makilamas.
+
+ Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y
+Bibig na sinipi kina Clara't Sisa
+Kaya't mayrong bisang kahalihalina.
+
+ Ang halik n~g ina'y apoy sa pagsuyo,
+Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't
+Liwanag sa m~ga isipang malabo.
+
+
+
+IV.
+
+=_Ugali ni Ina_=.
+
+
+ Kung mamamana ko lamang ang ugali
+Ni inang sa aki'y nagpala't nag-ari'y
+Marami sa akin ang mananaghili't
+Sa aki'y tatan~ga lamang yaong Hari.
+
+ Ang asal ni ina'y aklat n~g paglin~gap,
+Salaming malinaw, ban~gong walang kupas,
+Suhay n~g mahinhin, sulo n~g mapalad,
+Mundong walang gabi, gabi n~g walang ulap.
+
+ Ang salitang damot ay di kakilala,
+Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya't
+Tan~ging kayamanan ang pakikisama.
+Sa kanya ay Diyos ang m~ga pulubi,
+Ang dukha ay Hari't Kristo ang duhagi,
+Iyan ang ugali n~g ina kong kasi.
+
+
+
+V.
+
+=_Ang awit ni Ina_=.
+
+
+ Nang buhay si ina't ako'y kilik-kilik
+ako'y pinagsawa sa alo at awit,
+malaki na ako't may sapat n~g isip
+ay inaalo pa nang buong pag-ibig.
+
+ Ang musmos na patak n~g nulo kong luha
+sa kanya'y kundima't awiting dakila,
+makarinig lamang n~g iyak n~g bata
+sa aki'y lalapit at maguusisa.
+
+ Ako'y kakalun~gin at ipaghehele,
+ang awit-tagalog ay mamamayani
+hanggang sa magsawa't ako'y mapabuti.
+
+ Ang awit ni ina'y laging yumayakap,
+sa m~ga awitin n~g aking panulat
+kaya't ang awit ko'y mayumi't banayad.
+
+
+
+VI.
+
+=_Libingan ni Ina_=.
+
+
+ Ang buhay n~g tao'y parang isang araw
+Na kung mayrong bago'y mayrong nan~gan~galay,
+Ang palad ni ina'y di na nakalaban
+Kaya't napatalo sa tawag n~g hukay.
+
+ Ang buhay ni inang inutang sa lupa'y
+Sa lupa rin namang nabayad na kusa,
+Ang m~ga mata kong maramot sa luha
+Noo'y naging dagat na kahan~gahan~ga.
+
+ ˇWala na si ina! Ang lahat sa amin
+Ay n~giti n~g dusa't kaway n~g hilahil,
+Lubog na ang araw na kagiliwgiliw.
+
+ Nagtaglay si ina n~g dalawang hukay:
+Ang isa'y sa lupang sanglaan n~g buhay,
+Ang isa'y sa aking pusong gumagalang.
+
+
+
+
+VII.
+
+=_Ang aral ni Ina_=.
+
+
+ Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan
+Ay malaking gusi n~g mayamang aral:
+--Anak ko: hanapin iyang karunun~gan,
+Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay.
+ --Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas,
+Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat,
+Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas,
+Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak.
+ --Ang palalong tao'y halakhak n~g han~gin,
+Ang aping mabait ay dapat lin~gapin
+At pagkailagan iyang sinun~galing.
+ --Huwag kakayahin ang hindi mo kaya,
+Nang ikaw'y malayo sa pula at tawa,
+Umibig sa baya't magpakabait ka".
+
+
+
+VIII.
+
+=_Bulaklak kay Ina_=.
+
+
+ Wala na si ina! Gayon ma'y naiwan
+sa akin ang kanyang mahalagang aral,
+aral na sa ningning ay ningning n~g araw,
+aral na sa buti'y palad, diwa't yaman.
+
+ Larawang larawan lamang ang nalagak
+sa akin n~g siya'y pumanaw at sukat,
+larawan ni inang yaman n~g panulat,
+larawang kakambal n~g aking pan~garap.
+
+ Darakilang ina: ang iyong libin~ga'y
+sinasabugan ko n~g tala't kundiman,
+n~g awit na siyang bulaklak n~g buhay.
+
+ Sa harap n~g iyong larawang dakila
+ay may nagninin~gas na isang kandila
+panulat n~g iyong anak na naluha.
+
+
+
+
+MGA PAPURI'T PARAN~GAL
+
+SA KUMATHA NITO
+
+
+Pagkatapos tunghayan...
+
+_Sa makatang_
+_Pascual de León_
+
+Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bun~gad,
+Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak,
+Ito'y halamanang mayaman sa lahat,
+Mayaman sa tamís, sa tuwa't pan~garap.
+
+Sa m~ga talulot nito'y sumusun~gaw
+Ang diwa n~g isang apó ni Baltazar,
+At sa m~ga dahong sariwa't makulay
+Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy.
+
+Malungkot kung minsan, kung minsa'y masayá,
+N~guni't kadalasa'y uhaw sa pag-asa;
+Sa han~gad ay labis, at labis sa kaya,
+Subali't sa tuwa'y ulilang-ulila.
+
+Makatang Pasleo: Ang aking _Bulaklak_
+Ay narito't handog sa una mong aklát.
+
+BENIGNO R. RAMOS (_Ben Ruben_)
+
+Bulakan, Bul., 1915.
+
+
+
+Ramo de Laurel
+
+_Para el poeta vernacular_,
+ _=Pascual de Leon=_.
+
+ Para tu jóven frente de tagalo poeta,
+De poeta que entona sus versos de pasión,
+Ofrezco una corona de flores de violeta
+Y entónate mi lira su mágica canción.
+
+ Es tu canto armonioso inspiración de ondinas,
+Es tu verbo potente como el brillo del sol,
+Y tus musas son todas dalagas filipinas
+Que habitan en las ondas azules del pansol.
+
+ Tu lira multiforme con sus cuerdas de oro
+Tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro,
+Tiene dulces lamentos y suspiros de miel.
+
+ Tiene versos de rosa que disipan tristezas
+De las bellas morenas filipinas princesas
+Que te ofrecen sonrientes un _ramo de laurel_.
+
+=_Octavio C. Madrid_=.
+
+Septiembre 18, 1915.
+
+
+
+
+PANUOB...
+
+_Sa katotong makatang_
+ _=Pascual de Leon=_.
+
+ Hayan ang makata. Haya't umaawit
+n~g m~ga kundimang pang-lupa't pang-lan~git,
+hawak ang kudyaping malambing ang tinig
+at pinangsasaliw sa ligaya't sakit.
+
+ żKung siya ay sino? Iyan ang makatang
+ang tula't tulain ay matalinghaga,
+m~ga lungkot, dusa, daing, hirap, luha,
+Galit, sumpa't lambing ang puso at diwa.
+
+ Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw
+n~g tubig sa wawa, sa sapa't batisang
+Balana'y sumimsim sa tamis na taglay.
+
+ Hayan ang makata. Kayó ang magsabi
+Kundi siya'y dapat na _Dan~gal at Puri_
+at maging _putong_ pa n~g Wikang sarili.
+
+HERMÓGENES T. REYES.
+
+(Sa _Ilaw at Panitik_)
+
+Tundó, Set., 1915.
+
+
+
+
+ˇBulalakaw...!
+
+_Sa Katotong_
+ _=Pascual de Leon=_.
+
+ Sa harap n~g iyong magarang pagsikat
+ay pinaglaho mo ang aking liwanag.
+Araw kang nagban~gon sa himlayang palad
+at kinasilawan n~g aking banaag.
+
+ Sa lan~git mo, ako ay balan~gáw lamang,
+sa ilaw mo, akó ang aninong tunay...
+Diwa mo sa aking diwa ay isilay
+at aawitin ko ang iyong pan~galan.
+
+ Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang
+umawit sa lihim n~g m~ga hiwaga,
+ako'y kasama mong hahanap n~g pala.
+
+ Sa iyong hantun~gang lan~git n~g pagasa
+ay doón nároon ang m~ga sampaga...
+Pupulin mo't yao'y sa WIKA mong mana!
+
+CIRIO H. PAŃGANIBAN.
+
+(Sa _Ilaw at Panitik_)
+
+Bukawe, Bul., 1915.
+
+
+
+Mga mali sa pagkakalimbag
+
+Nababasa Dapat basahin Dahon
+
+luwalhati _lwahati_ 10
+mayroong _mayrong_ 12
+liyaga _ligaya_ 15
+hangtun~gan _hantun~gan_ 15
+kalika't _halika't_ 16
+magalak _malagak_ 19
+Sukat na sinta! _Sukat na n~ga sinta_! 21
+sigaw _sigwa_ 51
+maamo _maaamo_ 67
+virgen _birhen_ 75
+pagkabutihin _sa pagkabutihin_ 75
+nu ve _nube_ 75
+Paano _Pano_ 77
+Besarlo _Besar solo_ 78
+Tagpan _Takpan_ 79
+Naiingit _Naiinggit_ 79
+Paano'y _Pano'y_ 79
+Tu dulce _Tan dulce_ 79
+magpatibook _magpatibok_ 82
+nagbabakasakali _nagbakasakali_ 84
+
+
+_Basahin ang =Martir del Golgota=, isang mainam
+na aklat na nahahati sa dalawang toma_.
+
+_Ipinagbibili sa lahat n~g Aklatan_.
+
+[Patalastas: Ideal Studio, Chineleria "Katipiran"]
+
+[Patalastas: Manuel De Leos Sastre]
+
+
+
+
+
+
+End of the Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De Leon
+
+*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG HININGA ***
+
+***** This file should be named 16446-8.txt or 16446-8.zip *****
+This and all associated files of various formats will be found in:
+ https://www.gutenberg.org/1/6/4/4/16446/
+
+Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
+Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
+scans provided by University of Michigan.
+
+
+Updated editions will replace the previous one--the old editions
+will be renamed.
+
+Creating the works from public domain print editions means that no
+one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
+(and you!) can copy and distribute it in the United States without
+permission and without paying copyright royalties. Special rules,
+set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
+copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
+protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project
+Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
+charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you
+do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
+rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose
+such as creation of derivative works, reports, performances and
+research. They may be modified and printed and given away--you may do
+practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is
+subject to the trademark license, especially commercial
+redistribution.
+
+
+
+*** START: FULL LICENSE ***
+
+THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
+PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK
+
+To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
+distribution of electronic works, by using or distributing this work
+(or any other work associated in any way with the phrase "Project
+Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
+Gutenberg-tm License (available with this file or online at
+https://gutenberg.org/license).
+
+
+Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
+electronic works
+
+1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
+electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
+and accept all the terms of this license and intellectual property
+(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all
+the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
+all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
+If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
+Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
+terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
+entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.
+
+1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be
+used on or associated in any way with an electronic work by people who
+agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few
+things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
+even without complying with the full terms of this agreement. See
+paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project
+Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
+and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
+works. See paragraph 1.E below.
+
+1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
+or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
+Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the
+collection are in the public domain in the United States. If an
+individual work is in the public domain in the United States and you are
+located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
+copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
+works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
+are removed. Of course, we hope that you will support the Project
+Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
+freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
+this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
+the work. You can easily comply with the terms of this agreement by
+keeping this work in the same format with its attached full Project
+Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.
+
+1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern
+what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in
+a constant state of change. If you are outside the United States, check
+the laws of your country in addition to the terms of this agreement
+before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
+creating derivative works based on this work or any other Project
+Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning
+the copyright status of any work in any country outside the United
+States.
+
+1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg:
+
+1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate
+access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
+whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
+phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
+Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
+copied or distributed:
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
+from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
+posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
+and distributed to anyone in the United States without paying any fees
+or charges. If you are redistributing or providing access to a work
+with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
+work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
+through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
+Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
+1.E.9.
+
+1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
+with the permission of the copyright holder, your use and distribution
+must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
+terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked
+to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
+permission of the copyright holder found at the beginning of this work.
+
+1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
+License terms from this work, or any files containing a part of this
+work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.
+
+1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
+electronic work, or any part of this electronic work, without
+prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
+active links or immediate access to the full terms of the Project
+Gutenberg-tm License.
+
+1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary,
+compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
+word processing or hypertext form. However, if you provide access to or
+distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
+"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
+posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
+you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
+copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
+request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
+form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
+License as specified in paragraph 1.E.1.
+
+1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
+performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
+unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.
+
+1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing
+access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
+that
+
+- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
+ the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
+ you already use to calculate your applicable taxes. The fee is
+ owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
+ has agreed to donate royalties under this paragraph to the
+ Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments
+ must be paid within 60 days following each date on which you
+ prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
+ returns. Royalty payments should be clearly marked as such and
+ sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
+ address specified in Section 4, "Information about donations to
+ the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."
+
+- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
+ you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
+ does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
+ License. You must require such a user to return or
+ destroy all copies of the works possessed in a physical medium
+ and discontinue all use of and all access to other copies of
+ Project Gutenberg-tm works.
+
+- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
+ money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
+ electronic work is discovered and reported to you within 90 days
+ of receipt of the work.
+
+- You comply with all other terms of this agreement for free
+ distribution of Project Gutenberg-tm works.
+
+1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
+electronic work or group of works on different terms than are set
+forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
+both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
+Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the
+Foundation as set forth in Section 3 below.
+
+1.F.
+
+1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
+effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
+public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
+collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
+works, and the medium on which they may be stored, may contain
+"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
+corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
+property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
+computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
+your equipment.
+
+1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
+of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
+Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
+Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
+liability to you for damages, costs and expenses, including legal
+fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
+LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
+PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
+TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
+LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
+INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
+DAMAGE.
+
+1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
+defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
+receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
+written explanation to the person you received the work from. If you
+received the work on a physical medium, you must return the medium with
+your written explanation. The person or entity that provided you with
+the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
+refund. If you received the work electronically, the person or entity
+providing it to you may choose to give you a second opportunity to
+receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy
+is also defective, you may demand a refund in writing without further
+opportunities to fix the problem.
+
+1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth
+in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
+WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
+WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.
+
+1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied
+warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
+If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
+law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
+interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
+the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any
+provision of this agreement shall not void the remaining provisions.
+
+1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
+trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
+providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
+with this agreement, and any volunteers associated with the production,
+promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
+harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
+that arise directly or indirectly from any of the following which you do
+or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
+work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
+Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.
+
+
+Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm
+
+Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
+electronic works in formats readable by the widest variety of computers
+including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists
+because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
+people in all walks of life.
+
+Volunteers and financial support to provide volunteers with the
+assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
+goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
+remain freely available for generations to come. In 2001, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
+and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
+To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
+and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
+and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.
+
+
+Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive
+Foundation
+
+The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
+501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
+state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
+Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification
+number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at
+https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
+permitted by U.S. federal laws and your state's laws.
+
+The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
+Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
+throughout numerous locations. Its business office is located at
+809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
+business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact
+information can be found at the Foundation's web site and official
+page at https://pglaf.org
+
+For additional contact information:
+ Dr. Gregory B. Newby
+ Chief Executive and Director
+ gbnewby@pglaf.org
+
+Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation
+
+Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
+spread public support and donations to carry out its mission of
+increasing the number of public domain and licensed works that can be
+freely distributed in machine readable form accessible by the widest
+array of equipment including outdated equipment. Many small donations
+($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
+status with the IRS.
+
+The Foundation is committed to complying with the laws regulating
+charities and charitable donations in all 50 states of the United
+States. Compliance requirements are not uniform and it takes a
+considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
+with these requirements. We do not solicit donations in locations
+where we have not received written confirmation of compliance. To
+SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
+particular state visit https://pglaf.org
+
+While we cannot and do not solicit contributions from states where we
+have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
+against accepting unsolicited donations from donors in such states who
+approach us with offers to donate.
+
+International donations are gratefully accepted, but we cannot make
+any statements concerning tax treatment of donations received from
+outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff.
+
+Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
+methods and addresses. Donations are accepted in a number of other
+ways including including checks, online payments and credit card
+donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate
+
+
+Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic
+works.
+
+Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
+concept of a library of electronic works that could be freely shared
+with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project
+Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.
+
+Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
+editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
+unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily
+keep eBooks in compliance with any particular paper edition.
+
+Most people start at our Web site which has the main PG search facility:
+
+ https://www.gutenberg.org
+
+This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
+including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
+Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
+subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.
+
+*** END: FULL LICENSE ***
+