diff options
Diffstat (limited to '14205-0.txt')
| -rw-r--r-- | 14205-0.txt | 1414 |
1 files changed, 1414 insertions, 0 deletions
diff --git a/14205-0.txt b/14205-0.txt new file mode 100644 index 0000000..0a49d8e --- /dev/null +++ b/14205-0.txt @@ -0,0 +1,1414 @@ +*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14205 *** + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + +ANG KATIPUNAN + +ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI + +TUGMA NA SINULAT NI + +Gabriel Beato Francisco + +Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896 + +ICATLONG CASULATAN + +MAYNILA + +Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo. +1899. + + +=Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental= + + +Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay, +Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok. + + * * * * * + +Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang +ANG KAPATID NANG BAYAN. + + + + +=UNANG BAHAGUI= + + +Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang +cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing na cun +tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin +ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_. + + * * * * * + +=Música.= + + + + Ina naming Filipinas +sa sandaigdiga'y hayag, +ang cayaman at dilag +ualang sucat macatulad. + + Iyo namang caanacan +lahing sadya cung sa tapang, +di natatacot mamatay +at marunong magsangalang. + + Caya cayo lilo't tacsil +na castilang sinuñgaling, +dapat bayaran sa amin +inyong mga pag alipin. + + Lalo ang mga sucaban +na fraileng tampalasan, +ñgayon ay capanahunang +magbayad sa mga utang. + + +Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca +paguiguitna ang calahatan. + + +=Hablado.= + +Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng +gulay, na umaauit hangang tumatacbo. + + + + +UNANG DIGMA + +Sila rin + + +JOSEFO.--Hali ... mga ale!... + +LUSINO.--Dalí ... mamang cuán!... + +KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim +ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_) + +--cami'y balitaan!... ¿mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay +caya ó caya'y nasundan?... + +TOMASA.--Uala po!... (_gulat._) + +JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_). + +TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!... + +JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita. +(_hahakbang_ ...) + +TOMASA.--Uala po!... + +IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) + +JOSEFO.--!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!... + +TOMASA.--Uala po!... + +IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) + +JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caiñgat yaong mga lilo, tacsil, +buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac. + +TOMASA.--¡Ina co! + +JOSEFO.--Icao ay inanó at na paina!... + +LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi aanhin naming +magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya. + +TOMASA.--Cun gayo'y salamat!... + +IDENG.--Cami po'y paalam!... + +LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan. (_Lalayo ng caunti_) + +JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humiñgi +ng canin at ulam. + +LUSING.--Mga aling cuan!... mañgag hintay cayo!... + +KALINT.--Duluguí.... + +LUSINO. (_lalapit_)--Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng +itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo. + +TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha + +KALINT.--Iuan na ang lahat. + +LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag +(_sa cay Tomasa_) +--Ito'y quilala co na maraming anac +(_sa cay Ideng_) +--Si comare naman ay may amang bulag. + +JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa +inyo!... + +TOMASA.--Cami'y lalacad na. + +KALINT.--Mañgag tuling cayo. + +(_Muling lalacad ang mga manglalacó._) + + + + +ICALAUANG DIGMA + +Josefo at Lusino. + + +JOSEFO.--Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang duk-hang may laco +sa ulo. + +LUSINO--¡Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala +ualang maibili at ualang masila +uala naman tayong sucat na magaua +sa mga mayamang lubhang masagana. + + Caya ang marapat ating pagtiimin +bagang at panigbi na nagcacadiin +ang gauang masama na masamang gauin +ay ipaquibilang sa gauang magaling. + + Yamang na rito na sa galás at gulod +na guinagalaan mailap na hayop +ang ating catauang sa palad ay capus +at hindi na mulat sa gubat at bundoc. + + At cun tayo naman ay magpapabaya +sa lagay na yari na caaba-aba +ating tatamuhin sa guinala-gala +lasapin ang dalo'y malamig na luha. + + At sa abang anyo di co acalain +matuyo ang damó na lagui sa lilim +uala namang inot, usala namang cusim +at ualang masabing nag gauad hilahil. + + Liban sa nangyaring aco ay natacot +sa unós ng bagyong nacaquiquilabot +caya sumaisip na bago macurot +pailanlang muna sa patoc ng bundoc. + + At cung naacalang tutubo sa cutad +ang binhi ni ama sa punlang sincamas +daco aabutin ang pagcabagabag +at di sasapitin ang ganitong hirap. + + Ñgayon co dinamdam ang saquit ng bato +cun tumitimo na sa talampacan co +ñgayon na danasan pagtulog sa cubo +at ñgayon lumacás ang aquing pagtacbó. + +JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit +dahil sa hicayat ng isang caibig +ang mga tinuran ay napacatamis +at macahihibo sa pusong tahimic. +Aco na ñga sana'y di maniniuala +sa mga tinuran at isinalita. + +LUSINO.--¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng lanca? + +JOSEFO.--Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa, +Na dili umano pilit magbubuig +dito sa Maynila puno ng lansones +cahiman bumaba hangang himpapauid +hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit. + + Na ang ibubuñga maluoy sa uica +malunot sa sabi't mahulog sa lupa +caya mag tatamo ng mga biyaya +ang baua't maglinang sa mga tumana. + + At saca ñga ñgayon uala cahit isa +ang mayroon pusil at may escopeta +ualang cigarrillo, uala namang cuarta +at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta. + + Caya ang marapat ¡oh piling catoto.... +tayo ay sumagui sa may Ermitaño +ó cun dili naman at loloobin mo +tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató. + +(_Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay._) + + + + +ICATLONG DIGMA + +Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya rin +nang una. + + +LUSINO.--¡Tigni ... mga mamá!... + +JOSEFO.--Masdi ... mga ali!... +ang napadaluhong sa pagca lalaqui +cung mayroon muk-hang ipagcacapuri +sa Dios, sa patria at tauong marami. + + Caya ang marapat mga mamang cuan +ang itapong tiñgin cami'y balitaan +ng inyong naguita sa buong lansañgan +mula sa cay Cubau at ibang daanan. + +TOMASA.--Uala pong balitang sucat na masabi +liban na sa tugué na na ipagbili +ng higuit at labis sa halagang dati +sa daan, sa bayan at hangang palenque. + +LUSINO.--¡Ali!... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong +cadugtong nang buhay. + +TOMASA.--¿At ano pong bagay? + +LUSINO.--Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan. + +TOMASA.--Mayroon po + +LUSINO.--¿May sundalo ñga po baga? + +TOMASA.--¡Siya ñga po! at na sa Baranca nañgag-uupuan ang magcacasama +at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera. + +LUSINO.--Cun gayon catoto ay atin munang lisan +ang puno ng lanca't masayang batisan +ng upang tamuhin ang pagtatagumpay +sa bala ng mauser at iba pang bagay. + +JOSEFO.--Cun siyang magaling.... + +KALINT.--Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may +canyon, bandera pimpiang at bombillo. + +LUSINO.--¿Ano ang pasiya? + +JOSEFO.--Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan + +LUSINO.--Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na +hunghang. + + + + +IKAAPAT NA DIGMA + +Saca ang pinunong matapang sa patay. + + +JOSEFO.--Tanaui!... tanaui't di pa gumiguití +puñgapong sa gubat at viga sa lati +ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri +ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui. + + ¡Sinong mag-acalang ang tayog ng labong +tumuñgo sa lupa ng uala pang dahon!... +¿baquin caya baga biglang nalingatong +lahat ng casador ng ualang dagundong? + +KALINT.--Marahil ang supot na pinag lalagyan +ng bala't pólvorang ipinamamayan +ay punó ng abó't ualang ilalaban +sa ating sundalo at bayaning cawal. + +JOSEFO.--¡Di cung macaharap at tayo'y maquita +marahil ang tacbo ay laong lalo na +at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca +mamatay sa ihet at sa pagtataua!... + + ¡Hindi co masabi na sa pagcaduag +sa macacalaban na uala pang armas +ó sa catacutan na baca mautas +ang hiniñgang tan~gan nacacauag-cuag!... + + Sa pagcat ang guilas na ating quilala +sa mga castila na magcacasama +higuit sa bayani at lubhang bihasa +sa paquiquidigma at paquiquibaca. + +At saca ñga ñgayon ganito ang tacot +sa mga calaban na na sa tugatog. + +KALINT.--Caya ang marapat ihiñgi cay Santos +ng bala at pólvora ang búroc ng itlog. + +LUSINO.--¿Baquin caya baga ninasang mag tago +sa bañgin at gubat ng higuit sa pugo. + + + + +ICALIMANG DIGMA + +Josefo, Lusino at Kalintong + + +JOSEFO.--Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na +abang puso. + +LUSINO.--Ang magaling nito tayo ay gumaua +muog na mataas, matibay na cuta +sa tabi ng daan at piling ng langca +ng may pañgublihan ating mga digma. + + Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon +añgil ng mauser, siclab ng remington +sadyang pagtibayin at sa mga burol +ay may daang lihim na di manunuynoy. + +JOSEFO.--Maiguing acala. + +LUSINO.--Caya ang magaling +barreta at pala ñgayon din ay cunin +sa _Real batería_, at, ang unang hucayin +ang baybaying yaon. (_ituturo_) + +JOSEFO.--Dito ipapaling +Pagcat may lusutang bañgin at batisan +sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan +at may mga cahoy na lubhang malabay +na macalililim at may tatanauan. + + Caya ang mainam ay mayroong isa +sa cahoy na ito na may larga-vista +ng upang mamalas at caniyang maquita +lahat ng darating na macacabaca. + + Ang tatanod dito ay cung bababa man +ay pahahalili sa isang matapang +na di natatacot sa mga asuang +diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam. + +LUSINO.--Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na +sumunod. + + + + +ICAANIM NA DIGMA + +Sila rin, si Tibó at ang cawal. + + +JOSEFO.--¿Nañgasaan cayo? + +TIBÓ.--Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos + +JOSEFO.--Ang tactac at punque, pala at barreta +ay inyong caunin na magcacasama +tuloy na ilaquip ang palihoc at caua +ng may paglutuan itong ating tropa. + +TIBÓ.--Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (_aalis_) + +KALINT.--Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga +tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc. + + + + +IKAPITONG DIGMA + +Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal. + + +TIBÓ.--Nañgagsidating po ang pinag-utusan. + +LUSINO.--Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang +macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual. + +JOSEFO.--Sumulong na cayo,t humucay ng balon, +gumaua ng lapát, tumaga ng cahoy, +magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton +ng hindi masira sa bala ng caniyon. + + Subu'i! datapua!... +(_lalabnutin ang buhoc_)--¡ualang magagaua!... +¡huag sasayañgin ang ating adhica!... +¡huag acsayahin pagod sa acalá +ng macapagtayo ng muog at cuta!... + + ¿Cun ang itutulo ng pauis sa hucay +ng sancá sa cuta ay maipagpantay +ng bundoc at burol na matataniman +ng café, abacá at ibang halaman? + + ¿Di caya mag-ani ng maraming pilac +mahitic na puri't masaganang hiyas +at sa haharapi'y ating mamamalas +ang buig ng tua sa sañga ng galac? + + O cun dili caya'y ating ipagtanim +sa buquid, tumana at mga caiñgin +ng palay at tubó, úbe, gabe,t ságuing +sa taong susunod daming aanihin. + + At sa haharapin, isang piquit-mata +ay may titibaing puno ng abacá +may buñga ang café't ang puno ng manga +ay hitic na hitic ang lahat ng sañga. + + Subali sa cuta mataas na muog +pagod, camatayan siyang mapupulot +at ang pita't dadalhin ng culog +sa galás at parang, gulod at tugatog. + + Ñguni! ñguni! ñguni! (_labnot din ang buhok_) +ito ang magaling +higuit sa halaman ating aanihin +walang pañginoong aalinsunurin +at ualang castilang sucat umalipin. + + + + +ICAWALONG DIGMA + +Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tibó at ang cawal + + +JOSEFO.--Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may +calunuran. + +LUSINO.--Acó ay tatauag sa nañgag huhucay ng upang mataho,t, ating +maalaman (_Hihipan ang silbato lilitao si Tibó_) + +TIBÓ.--¡May ipag-uutos! + +JOSEFO.--¿Naglagay ng pinit +na sucat lusutan ang hañgin at inet +cun baga sumagui ang mga balauis +sa maog at cuta at mga belenes? + +TIBÓ.--Opo!... + +JOSEFO.--¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran? + +TIBÓ.--Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang +baon sa hucay. + +JOSEFO.--Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang +maquitang landas. + +LUSINO.--Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong +bayabas. + +KALINT.--¡Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo. + +TIBÓ.--¡Cayo'y aquing lisan!... + +KALINT.--Lumacad na cayo!... + + + + +ICASIYAM NA DIGMA + +Sila rin. + + +JOSEFO.--Capag na ibañgon ang lahat ng ito +may catatagan na ang mga sundalo. + + At di magagahis cahit pag-ubusan +ng maraming tucso na ating calaban +at di mapapasoc saan man magdaan +ang mga castilang tunay na caauay. + + Liban cung magahol sa tinga't pólvora +at sa ... cani't ulam cung nag babaca na +subali sa tapang na aquing naquita +itac ay catimbang ng mauser nila. + + At cun dili baga pauang magagaling +ang mga sundalo at bataan natin +ang guloc at pisao na tañging patalim +di maisusuro sa bala ng mauser. + + Sa pagca't maicli't macaaabot +sa caya ng mixtong malacas sa culog +matulin sa quidlat at cung macatuhog +ang pambugang mansa'y caquilaquilabot. + + Subali ang mixtong aquing isinaysay +at ang licsi, lacas, dahas, catapañgan +capag sinarili at pinanghauacan +pilit magagahis ng macacaauay. + + Caya ang marapat sa pagcat uala na +tayong gagamiti't gagauing sandata +liban sa itiric ang dalauang mata +sa nunuñgong lañgit at daquilang gloria. + + At sa Dios Ama at Divino Verbo +sa Vírgen Santísima at lahat ng santo +ating idalañgin ang lahat ng ito +cahimanauari tayo ay manalo. + +LUSINO.--Ang mauiuica co at maisasaysay +sa iyo catoto't piling caibigan +hangang masagunson bala ng calaban +mga bata natin padapain lamang. + + Saca cung lumalo putoc na sagunson +isibasib nila tabac na pang-lulong +hangang sa tumachó yaong mga buhong +huag ititiguil ang tagang palacol. + +JOSEFO.--Gayon ñga ang gaua!... caya cung uariin +ng aquing pasiya, puso at panimdim +mga buhay nilang catulad ng atin +iniaalay na sa mga patalim. + + At sa camatayan na lilibot-libot +sa bundoc, sa bayan at mga alaboc +na di tumitiquil sa mga pagdampot +sa buhay ng tauo na guising at tulog. + +LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid +sa mga caauay:--¡cun ano ang bilis +ng bala ng mauser, gayon din ang inet +ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid! + +KALINT.--¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay +ng mga catoto't aquing caibigan +¡marahil ay hindi!... ¡pauang cabambanan +at ang ibang turing ay capalaluan!... + + + + +ICASAMPUNG DIGMA + +Sila rin, saca si Tibó at ang cawal. + + +TIBÓ.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang +pagcacaayos. + +JOSEFO.--¿Tunay? + +TIBÓ.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng +gulod. + +JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco +ang lahat ng cawal na doo'y dumaló +dalhan pa ng alac na na sa sa frasco +Jerez, Manzanilla at anis del mono. +(_Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó_) + +TIBÓ.--Salamat! salamat! + +KAWAL.--Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying general!... + +KALINT.--Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin +magpacailan man. + +JOSEFO.--Yamang na bañgon na ang muog at cuta +ng magcacapatid na aba at duc-ha +sa awa ng Dios at Poong daquila +na dunong tumiñgi't paham cumaliñga. + + Tayo namang lahat magtica't manalig +sa lahat ng santos at mga angeles +ng upang abutin ang pita at nais +sa dacong ibayo ng mga pañganib. + +LUSINO.--Ang lalong mabuti tayo ay maghalal +isang pintacasing madadalañginan +sa lahat ng oras at sa paglalaban +ay iadya nauá sa mga caauay. + +JOSEFO.--Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin +angel ng príncipeng San Miguel Arcangel +ang siyang ihayag sa puso't panimdin +at siyang daiñgan saan man pumaling. + + Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi +sa lañgit at lupa ay di nagsagabi +at sa paglilincod sa Hari ng hari +palalong si Luzbel ay inalugami. + + Sa hirap, sa hapis at sa caabaan +at pinagpagdusa caloloua,t, catauan +sa alab ng apuy at sa casanaan +punong sinusunod noong mga hunghang. +Na mga demonio. + +KALINT.--¡Mabuti!... + +LUSINO.--¡Magaling!... + +KALINT.--Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing iniñgat ... +na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin. + +JOSEFO.--Cun ang pasiya co ang paaayunan +si Chito ang ating suutan't gayacan +sa pagcat ang sabi at uica sa tanan +siya'y may daluping pinanghahauacan. + + Na cun ga totoo ating masusuboc +sa paquiquibaca at paquiquihamoc +sa loob at labas ng alin mang muog. + +CHITO.--Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat +cun sa aquing galíng sila'y magugulat +sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat +ng dalauang mata ...! yao na ang quidlat. + + Na aquing dalupi at ang anting-anting +cun siyang umiral ay lalong magaling +dahil sa itaas, boong pañgonorio +ay malalaro cong catulad ng hañgin. + +KALINT.--Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong +caibigan. + +LUSINO.--Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca paliparing tulad ng +asuang. + + + + +ICALABING-ISANG DIGMA + +Sila rin. + + +JOSEFO.--¡Hayo na! ñgayon din!... Icao ay magsuot +ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios +ng upang magligtas ang boong tugatog +sa bala ng Mauser at mga dayucdoc. +(_susu-utan_) + +CHITO.--Sa aquin ay bagay ang gayac na ito. + +KALINT.--Di nababagay sa iyong pagcatauo. + +CHITO.--¿Baquin baga hindi ibig na catoto?... + +KALINT.--Dahil sa caduagan at icao'y tatacbó, +sa siclab ng gato at haguing ng bala +at sa maaamuy baho ng pulborá +lalo kung sacsaquin ng macacabaca. + +CHITO.--¿Di baga talos mo na di nagugulat +sa tonog ng culog at ningning ng quidlat +at di natatacot sa macacalamas +na may itác, pusil at anomang tabac? + +KALINT.--(_Sa calahatang tauo_) Matindi ang cábag nitong si catoto!... +at masamang hañgin ang na sa sa ulo! + +CHITO.--Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ... +subuquing totoo!... + +KALINT.--Ibig mo + +CHITO.--Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang +maañgal. + +KALINT.--Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang +mabuhay? + +CHITO.--Huag ang catauan ang iyong subuquin +cung mayroon tacot hinayang sa aquin +ang iyong unayan ng tagang madiin +itong baluti co na may anting-anting. + + At cung hindi tablan ng taga at sacsac +ay iyong barilin ng sa boong dahas +ng upang matalos ang buti cong hauac +at ng maniuala ang macamamalas. + +KALINT.--Tignan co! tignan co! aquing susubuquin +ang daluping ito na lubhang magaling +ng nawa'y mahaui ang dauag sa bañgin +na nacasusucal sa iyong panimdim. + +(_Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca +gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito +sa pagcat hindi tinablan._) + + +CHITO.--Cahiman mag-ubos ang galing at buti +hindi magcacagahi ang pagcalalaqui +di magugutlian ang taglay na puri +di masusugatan ang pagcabayani. + +KALINT.--Diyata! diyata! hindi co tatablan +ang daluping itong ualang cabuluhan +asahan catoto abó na ñgang tunay +itong baluti mong pinacacamaha. +(_Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito._) + +LUSINO.--Aco ñga! aco ñga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong +pina-iimbulog. + +CHITO.--Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mulá sa lamgam, +maliit na lamok. + +(_Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino +na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon._) + + + + +=ICALAUANG BAHAGUI= + + +Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay +nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis. + + + +=Hablado= + + +UNANG DIGMA + +Si Chito ay gayac lacayo, caya ñga ang cuaco at calicot ay capua biyas +ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo. + + +CHITO.--Magsiquilos cayo at nañgarito na culog sa Cartago at lintic sa +Grecia. (_Magugulo ang sayauan._) + +LUSINO.--¿At saan na roon? + +CHITO.--Sa Real batería. +(_Ang putucan ay maririñgig mula sa loob._) + +LUSINO.--Tauaguin sa batis ang mga babaye. + +KALINT.--¿Ano? + +LUSINO.--Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale +at dalauang bata na capua lalaqui. + +JOSEFO.--(_Papasoc na nag-cacandarapa_) + Magmadali cayo at nañgarito na +ang mga sundalo, casador at guardia +ang na sa cataua'y mauser at pistola +mayroong músico, tambor at corneta. + +DÁMASA.--¡Ina co! + +DORAY.--¡Ay Dios! + +JOSEFO.--Huag cayong matacot +huag pahinain ang sariling loob +sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc +ay may camatayan na lilibot-libot. + +KALINT.--¡Sulong na! (_Cay Dámasa_) + +DÁMASA. (Sa mga bata)--¡Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga +sundalo + +DORAY.--¡Ang aquing blanquete! + +IDENG.--Ang aquing postizo. + +CHITO.--¡Ang aquing calicot!... at ... ang aquing cuaco + +KALINT.--(_Sa mga babaye_) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip +ng hañgin na mulá sa timog? + +CHITO.--Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay +dalhin sa bundoc. + +DORAY.--¡Oho! + +CHITO.--Tila hindi!... + +KALINT.--¿At saan pa baga? + +CHITO.--Sa panibugho ñga sa sintang asaua + +(_Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac_). + +DÁMASA.--¡Lusino! ¡Lusino! ¿nasaan ca baga? +¡icaw ay umilag sa ulan ng bala!... +¡Lusino! ¡Lusino! cami ay itago +sa cugon, talahib at layac na tuyó. + +LUSINO.--Dito magsihiga!... sa pagcat malagó ang luya luyaha't +naglauit ang dapo (_Putucan_). +--Subsob na Dámasa! + +DÁMASA.--¿Saan baga Sinong? + +LUSINO.--¡Dito sa talahib!... dito! dito! dito! iyo ng isubsob matigas +mong ulo (_Mahihiga at tatabunan ng layac_) + +DÁMASA.--Lusino, halica! ¡halica Lusino! + +LUSINO.--Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag +mag-alala. + +CHITO.--Cahit humahañgi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na +nag baua. + + + + +ICALAWANG DIGMA + +Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit. + + +KALINT.--Yamang naliligpit ang mga babaye +tayo namang lahat sa gubat mañguble +pagcat ang calaban ay lubhang marami +at di mag gapi ng pagcabayani. + +LUSINO.--Cun gayon ang uica ¡abata! + +KALINT.--¡Abata! + +CHITO.--Huag acong iuan! (_babañgon_) + +LUSINO.--¡Huag cang sumama! + +CHITO.--Aquing ilalaban calicot cong dala! ¿Ito bagang talim ng aquing +nalicot di maipapantay sa talas ng guloc? + +KALINT.--Cung gayo'y abata! + +CHITO.--Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (_Sususuhan +at saca hihititin_) + +KALINT.--¡Madali! + +LUSINO.--¡Madali! + +CHITO.--Hintay cayo! hintay! +aco ay ñgañgañga ng upang tumagal +(_Babataquin ang languay at saca magcacalicot_) +at baca sacali tayo ay malaban +sa mga castila na pauang sucaban. + +KALINT.--¡Madali! + +LUSINO.--¡Madali! + +CHITO.--Hintay! hintay cayo! +madaling maluba ang ikmong Patero +at cung malalaban mahiguit sa ikmo +ang aquing gagauin sa lahat ng lilo. + + + + +ICATLONG DIGMA + +Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantería ay masasalubong ni +Tecla at ni Paco. + + +PEÑA.--Capagca umaga na macaliuay-uay +cami ay umalis sa cuartel general +na ang tica't nasa gubati't looban +lahat ng himacsic sa bundoc at parang. + + Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat, +matulis na bató, matinic na dauag +na sa baua't hakbang ay may nadudulas +at may nadadapa sa lumot at lusac. + + Dahil sa sinagui nayong Balangutan +na sacop ng Turic, lupang Capampañgan +hangang sa sinapit patoc ng Magalang +na lubhang mataas, malapad ang parang. + + At sa laquing pagod sa pagcacalakad +sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galás +ng aming sapitin licod ng Arayat +di na macahakbang ang paa sa dulas. + + Caya sa pag hacbang at mga pag liñga +sa bañgin, bulaos, sapa at tumana +cung aco'y maluhod at saca mahiga +hindi co na ibig bumañgon pang cusa. + + At sa gayong hirap uala cahit isa +matanaw na tauo at ualang maquita +isa man lang cubong mag-gauad guinhaua +sa malaquing pagal na aming dinala. + + Subali mayroon caming naririñgig +na putoc at siclab sa mga talahib +dapua hindi naman abutan ng masid +at hindi matunton ang landas at batis. + + Sa gayon ng gayon ibinalic cami +sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi +ng uala rin namang maquitang bubuli +siya ñgang pag-oui cahit hating-gabi. + +PACO.--Cun gayo'y humimpil at magpahiñgalay ng upang mahaui ang +matinding pagal. + +TEKLA.--Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang +bahay. + + + + +ICAAPAT NA DIGMA + +Dámasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito. + + +DORAY.--Mabuti at hindi aco'y na yuracan +ng mga sundalo ng sila'y magdaan +at di man naquita ang paa at camay +doon sa bulaos na quinasubsuban. + +KALINT.--Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa +pagcacatago. + +NONATO.--Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binañgaw at ñgayo'y +mabaho. + +CHITO.--Cun ako'y quinilos ay naquita sana +ng mga sundalo ang dahas at sigla +at tuloy na suboc ang aquing sandata +talim ng calicot higuit sa muhara. +(_Saca bubunutin ang talim ng calicot._) + + ¿Dito baga caya ay may pananalo +bayoneta, sable at armas de fuego? +sa banta co'y hindi ... lalo,t, cun ang itso +ay aquing bayuhin sa anyo cong ito. +(_Maninincayad saca magcacalicot._) + + At cun di matacot silang calahatan +sa aquing calicot na cahahañgaan +ito namang cuaco siyang sususuhan +hangang sa umalis at mañgagtacbuhan. + +DÁMASA.--(_Papasoc ng papatacbó at acay ang mga bata_) Dañgan ito! +(_babatucan si Chito_) + +CHITO.--¿Baquin? + +DÁMASA.--Dahil cay Cundendeng +at cay Lusinong nagtago sa bañgin +na di mailayo at casiping-siping +tulad sa pistola at sa pasang pusil +(_Si Chito ay mapapatañga_) + + Sa pagcahiga co sa pinagtaguan +aquing naquiquita lahat ng mag daan +caya n~ga marami ang dami ng hilang +ng mga sundalong pauang sandatahan. + + Sa bagay na yaon aco'y umaasa +di na mabubuhay, di na magquiquita +n~guni si Lusino ang na ala-ala +cung aquing maiua'y ¡pano caya baga!... + +CHITO.--¡Si Lusino! ¡at si!... (_taua_) caya di lumapit +sa inyong mag ina na na sa pañganib +dahil cay Cundendeng sininta ng labis +at di mailayó sa caniyang titig. + + Caya ñga cagabi siya ang casama +at doon nañgubli sa puno ng manga +at pagcacamulat ng canilang mata +ang unang ininom ay gatas ng vaca. + +DÁMASA.--Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay + +DORAY.--¡Aba! oo!... aba! at sa catunayan +hindi naquihamoc ng nag puputucan, +cami ni Kalintong ay pinabayaan. + + Caya ng maubos ang aming municion +aming hinahanap laguing liniliñgon +yaong si Cundende ang cacandong-candong +pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy. + + + + +ICALIMANG DIGMA + +Sila rin. + + +KALINT.--(_Papasoc ng papatacbo_) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig +at tila caauay itong nagbabalic. + +DORAY.--¡Jesús co! + +DÁMASA.--Jesus co! anong masasapit naming mag-iina?... ¡mataas na +lañgit!... + +DORAY.--¡Huag cang maiñgay!--¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin! +... (_tutuntong sa isang bato_). + +DÁMASA.--(_Magugulat_)--¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa +dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo! + +DORAY.--¡Halica at hindi!... at ang na sa una +ang iyong Lusino at ilang casama +na pauang may pasang pusil at sandata +at ang iba naman bitbit ay muhara. + +DÁMASA.--Salamat cun gayon. + + + + +ICAANIM NA DIGMA + +Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa. + + +JOSEFO.--(_sa cay Lusino_)--¡Catoto't caibigan! +mula sa malayo'y aquing natanauan +sinta mong asaua ay na hintacutan +sa mga sacuna at ating pagdatal. + +LUSINO.--¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay +hindi mahapis? + +JOSEFO.--Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong +ng dibdib. + +LUSINO.--¡Cung gayo'y ilihim!... ¡huag isalita ang boong nangyari sa +lilim ng lanca. + + + + +ICAPITONG DIGMA + +Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong + + +DÁMASA.--¡Catoto at casi!... ¡batis ng biyaya +¡aco ay haguisan ng ilang balita!... + + Ng tungcol sa digma na nacalingatong +sa parang at bundoc at loob ng nayon +na dili umano cayo'y nañga gahol +at nañgahirapan ... caya nag si urong. + + Sa bulaos, sapa at ibang cublihan +ng usang mailap na tubo sa parang +caya may nagtago sa gubat-gubatan +at lubhang pañganib nasapit ng buhay. + +LUSINO.--Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit +ang lahat ng cawal ay muling nag balic +at saca hinabol ang mga balauis +hangang sa S. Juan sila'y inihatid. + + At sa catunayan ay aquing nacuha +reló ng capitan, at sable ni Peña +gayon ang patupat, mariquit na pipa +saca ang bursigueng macapal ang suela. + +BETENG.--Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan +sa aquing na cuha na sadyang mainam +tigni at mambisa ang na sa catauan +puno ng galletas ibang cabuhayan. + + Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid +sa aquing catauan ay siguic na siguic +tignan at may lata, tinapay, matamis +at may medalla pang sa dibdib pang sabit. + + Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo +tabacong _Insular_ at anis del mono +bucod ang salapi at papel de Banco +bucod ang peseta't bucod ang mamiso. + +DÁMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan +ng mabibili sa pabañgo,t, suclay +saca sa banquete postiso,t, pamaypay. + +BETENG.--Ayaw aco, ayaw! + +DÁMASA.--Aco'y iyong bigyan. + +BETENG.--Ayaw aco, ayaw! + +LUSINO.--Bigyan na + +KALINT.--Bigyan na + +BETENG.--Bigyan co ng ano + +LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta + +BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco + +LUSINO.--Ayaw ca ñga ba + +BETENG.--Aba at nagalit ... toma! + +DÁMASA.--Ayaw co na. + +(_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_) + + + + +ICAWALONG DIGMA + +Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa +caramihan ng mga bahay na na sa itaas. + + +RICO.--Tomás! (_Hindi madidiñgig_) + +PEÑA.--Tomás! (_Sasagot mula sa malayo_) + +TOMÁS.--Señor! (_saca lalapit_) + +PEÑA.--¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa +caliua at na sa sa canan? + +TOMÁS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan. + + Isa'y alilisan malaquing camalig +dalawa ay bañgan ng palay at guilic +caya ñga sagana ang mga himacaic +at di magugutom cahit ang masapit. + +Abutin ng buan, bumilang ng taon +at gumala-gala sa bañgin at burol. + +PEÑA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy +ng ualang siluñga't di macapag pulong. +At ualang macain sa bundoc at parang +ang mga himacsic lilong katipunan. + +RICO.--Hayo na ... suluñgi! + +TOMÁS.--Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay +(_bubunutin ang pósporo at saca lalacad_) + +RICO.--Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na +maquita ang iyong urilat at bacas ng paa. + +TOMÁS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang. + +RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng +sundang. + +TOMÁS.--Capag sa castila ay mahihiualay. + + Aco'y matatacot sa magcacapatid +noong katipunan na pauang balauis +na uala ñgang gaua sa parang at buquid +cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit. + + Dañgan at ang culay tunay na tagalog +di maicaila at dito sumipot +tatalicdan co na't itulad sa hayop +tanang cababayan na pauang balacyot. + +Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya +tauaguing tagalog, tubo sa Maynila. + +RICO.--Cun gayon ay ¡Bravo! (_tatapiquin_) + +PEÑA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha! + +RICO.--¡Bravo! ¡bravo! + +PEÑA.--¡Bravo! ito ñga ang bata + +RICO.--Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at +tacsil. + +(_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na +tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni +tininteng Isiong at ilang capit bahay_) + + + + +ICASIYAM NA DIGMA + +Samantalang sinusunog. + + +JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic +ng mga sucabang mahiguit sa ganid. + + Quinuha sa caban cuartang naiipon +ang guinto'y sa pitac noong aparador +ang papel de Banco ay sa isang cahon +at ang mga pilac sa lalagyang baul. + + At saca sinunog damit na pangbahay +hinacot ang bigas na na sa bigasan +ang bañga'y inabó, at sa alilisan +hinacot ang pilon ng mga asucal. + + Saca ang calabaw, buo't mga guya +sa buquid at parang nag laboy, nag-gala +hinuli, inacay at ang boong nasa +iowi sa bayan, dalhin sa Maynila. + +ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing +ng corona. + +GORIA.--Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás ... +(_aagauin ang pagsasalita_) + +JUAN.--¡Sucat na! ¡sucat na!... + + Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin +abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin +cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil +lahat ng lalaqui huli't patayin. + + Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay +cumubli sa galás at gubat-gubatan +ng hindi abutin ng mga sucaban +na sadyang humanap ng icabubuhay. + +GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic +aquing mga carmen na na sa sa liig +dinurog, linuray, pinagpunit-punit +gayon ang estampang sa dinding nag sabit. + + Saca ng macuha ang aquing postiso +sa pinit ng silid, maliit na cuarto +guinuso't guiniic saca ibinató +sa dapugang calan na punó ng abó. + + Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa +blanquete co naman ang siyang nacuha +at inahilamus sa mukha at taiñga +at di co malaman ang naguing figura. + + + + +ICASAMPUONG DIGMA + +Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang. + + +URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa +unahan. + +GORIA.--Ayun ñga ang mga ... (_Ituturo_) + +JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na +nacaw. + +ISIONG.--At may naaancás na maraming saco +ng palay at bigás, darác, ipá't abó +at ang madaanang guya, bulabó't aso +ay inaacay din at itinatacbo. +(_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_) + +JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis +sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit +subali capagca Dios ang nagsulit +na magbubunga na mabuig na lansones. + + Tanda't mag-aani sa nayon at bayan +ang magcacapatid nitong katipunan +saca magsisisi ang lahat ng hunghang +gaya niyang lilong ating cababayan. + + At pacaasahang ualang pagbubula +itong sasabihin sa bató itaga +yamang di nasupil ng mga castila +ang bugsong nagdaan na camunsing baha. + + Di na maa-auat ang baha ng dugo +hangang sa umapaw sa luasan at hulo +at ang kalayaan na nasa ng puso +di na masusupil sa caniyang paglago. + + Caya cun ang aquing bañga't alilisan +inabó't sinunog ng mga sucaban +at ang pag aari sa loob ng bahay +quinuha, guinagá at canilang sinamsam. + + Hindi isasama niyaring aquing loob +at di dadalawin camunsi man lungcot +at cahit inacay ang lahat ng hayop +at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc. + + Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan +galit sa nagnacaw na mga sucaban +caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang +ang canilang samá ay baka tañgisan. + + O caya'y magsisi araw cung dumating +ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil +sa pagcat di taus sa puso't panimdim +ang guinaua nila na nacalalaguim. + + Laman ng catauan higuit sa quinurot +at di mangyayaring malibing sa limot +baca ang masapit matimbang sa hayop +ang canilang buhay na iimbog-imbog. + +ISIONG.--Sa aquin mga bulo dapat mag alala +si Rico't si Tomás capua palamara +pagca't ang panaho'y di maquiquita +cun saan hihimpil at saan hahanga. + +URBANO.--Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang +cubo. + +GORIA.--Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at +guinauang abó. + +JUAN.--Caya ang marapat huag ng habulin +lahat ng ninacaw guinagá sa atin +itac na mahaba ang siyang alamin +ng upang idiglay canilang quinain. + +URBANO.--Cung gayon ang uica ¡abata casuyo! +atin ng idamay dalisay na dugó +sa mga himacsic na sadyang nag bubo +ng yaman at buhay na pamimintuho. + + Sa nasang maalis sa caalipinan +at hañgad tamuhin yaong kalayaan +na atas ng Dios sa tauong sinoman +at cahit cañgino na caniyang quinapal. + + +=Uacas nang ikatlong kasulatan= + + + + + +End of Project Gutenberg's Ang Katipunan, by Gabriel Beato Francisco + +*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14205 *** |
