summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/14205-0.txt
diff options
context:
space:
mode:
authorRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:43:56 -0700
committerRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:43:56 -0700
commit6232874d806905a6547b6609e2825f3a0c794b55 (patch)
tree0b8b91359043bb6e8eb17280fd6bbdae74698017 /14205-0.txt
initial commit of ebook 14205HEADmain
Diffstat (limited to '14205-0.txt')
-rw-r--r--14205-0.txt1414
1 files changed, 1414 insertions, 0 deletions
diff --git a/14205-0.txt b/14205-0.txt
new file mode 100644
index 0000000..0a49d8e
--- /dev/null
+++ b/14205-0.txt
@@ -0,0 +1,1414 @@
+*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14205 ***
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+ANG KATIPUNAN
+
+ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI
+
+TUGMA NA SINULAT NI
+
+Gabriel Beato Francisco
+
+Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896
+
+ICATLONG CASULATAN
+
+MAYNILA
+
+Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.
+1899.
+
+
+=Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental=
+
+
+Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay,
+Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok.
+
+ * * * * *
+
+Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang
+ANG KAPATID NANG BAYAN.
+
+
+
+
+=UNANG BAHAGUI=
+
+
+Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang
+cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing na cun
+tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin
+ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_.
+
+ * * * * *
+
+=Música.=
+
+
+
+ Ina naming Filipinas
+sa sandaigdiga'y hayag,
+ang cayaman at dilag
+ualang sucat macatulad.
+
+ Iyo namang caanacan
+lahing sadya cung sa tapang,
+di natatacot mamatay
+at marunong magsangalang.
+
+ Caya cayo lilo't tacsil
+na castilang sinuñgaling,
+dapat bayaran sa amin
+inyong mga pag alipin.
+
+ Lalo ang mga sucaban
+na fraileng tampalasan,
+ñgayon ay capanahunang
+magbayad sa mga utang.
+
+
+Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca
+paguiguitna ang calahatan.
+
+
+=Hablado.=
+
+Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng
+gulay, na umaauit hangang tumatacbo.
+
+
+
+
+UNANG DIGMA
+
+Sila rin
+
+
+JOSEFO.--Hali ... mga ale!...
+
+LUSINO.--Dalí ... mamang cuán!...
+
+KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim
+ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_)
+
+--cami'y balitaan!... ¿mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay
+caya ó caya'y nasundan?...
+
+TOMASA.--Uala po!... (_gulat._)
+
+JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_).
+
+TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!...
+
+JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita.
+(_hahakbang_ ...)
+
+TOMASA.--Uala po!...
+
+IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
+
+JOSEFO.--!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!...
+
+TOMASA.--Uala po!...
+
+IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
+
+JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caiñgat yaong mga lilo, tacsil,
+buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.
+
+TOMASA.--¡Ina co!
+
+JOSEFO.--Icao ay inanó at na paina!...
+
+LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi aanhin naming
+magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.
+
+TOMASA.--Cun gayo'y salamat!...
+
+IDENG.--Cami po'y paalam!...
+
+LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan. (_Lalayo ng caunti_)
+
+JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humiñgi
+ng canin at ulam.
+
+LUSING.--Mga aling cuan!... mañgag hintay cayo!...
+
+KALINT.--Duluguí....
+
+LUSINO. (_lalapit_)--Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng
+itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.
+
+TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha
+
+KALINT.--Iuan na ang lahat.
+
+LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag
+(_sa cay Tomasa_)
+--Ito'y quilala co na maraming anac
+(_sa cay Ideng_)
+--Si comare naman ay may amang bulag.
+
+JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa
+inyo!...
+
+TOMASA.--Cami'y lalacad na.
+
+KALINT.--Mañgag tuling cayo.
+
+(_Muling lalacad ang mga manglalacó._)
+
+
+
+
+ICALAUANG DIGMA
+
+Josefo at Lusino.
+
+
+JOSEFO.--Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang duk-hang may laco
+sa ulo.
+
+LUSINO--¡Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala
+ualang maibili at ualang masila
+uala naman tayong sucat na magaua
+sa mga mayamang lubhang masagana.
+
+ Caya ang marapat ating pagtiimin
+bagang at panigbi na nagcacadiin
+ang gauang masama na masamang gauin
+ay ipaquibilang sa gauang magaling.
+
+ Yamang na rito na sa galás at gulod
+na guinagalaan mailap na hayop
+ang ating catauang sa palad ay capus
+at hindi na mulat sa gubat at bundoc.
+
+ At cun tayo naman ay magpapabaya
+sa lagay na yari na caaba-aba
+ating tatamuhin sa guinala-gala
+lasapin ang dalo'y malamig na luha.
+
+ At sa abang anyo di co acalain
+matuyo ang damó na lagui sa lilim
+uala namang inot, usala namang cusim
+at ualang masabing nag gauad hilahil.
+
+ Liban sa nangyaring aco ay natacot
+sa unós ng bagyong nacaquiquilabot
+caya sumaisip na bago macurot
+pailanlang muna sa patoc ng bundoc.
+
+ At cung naacalang tutubo sa cutad
+ang binhi ni ama sa punlang sincamas
+daco aabutin ang pagcabagabag
+at di sasapitin ang ganitong hirap.
+
+ Ñgayon co dinamdam ang saquit ng bato
+cun tumitimo na sa talampacan co
+ñgayon na danasan pagtulog sa cubo
+at ñgayon lumacás ang aquing pagtacbó.
+
+JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit
+dahil sa hicayat ng isang caibig
+ang mga tinuran ay napacatamis
+at macahihibo sa pusong tahimic.
+Aco na ñga sana'y di maniniuala
+sa mga tinuran at isinalita.
+
+LUSINO.--¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng lanca?
+
+JOSEFO.--Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa,
+Na dili umano pilit magbubuig
+dito sa Maynila puno ng lansones
+cahiman bumaba hangang himpapauid
+hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit.
+
+ Na ang ibubuñga maluoy sa uica
+malunot sa sabi't mahulog sa lupa
+caya mag tatamo ng mga biyaya
+ang baua't maglinang sa mga tumana.
+
+ At saca ñga ñgayon uala cahit isa
+ang mayroon pusil at may escopeta
+ualang cigarrillo, uala namang cuarta
+at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta.
+
+ Caya ang marapat ¡oh piling catoto....
+tayo ay sumagui sa may Ermitaño
+ó cun dili naman at loloobin mo
+tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató.
+
+(_Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay._)
+
+
+
+
+ICATLONG DIGMA
+
+Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya rin
+nang una.
+
+
+LUSINO.--¡Tigni ... mga mamá!...
+
+JOSEFO.--Masdi ... mga ali!...
+ang napadaluhong sa pagca lalaqui
+cung mayroon muk-hang ipagcacapuri
+sa Dios, sa patria at tauong marami.
+
+ Caya ang marapat mga mamang cuan
+ang itapong tiñgin cami'y balitaan
+ng inyong naguita sa buong lansañgan
+mula sa cay Cubau at ibang daanan.
+
+TOMASA.--Uala pong balitang sucat na masabi
+liban na sa tugué na na ipagbili
+ng higuit at labis sa halagang dati
+sa daan, sa bayan at hangang palenque.
+
+LUSINO.--¡Ali!... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong
+cadugtong nang buhay.
+
+TOMASA.--¿At ano pong bagay?
+
+LUSINO.--Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan.
+
+TOMASA.--Mayroon po
+
+LUSINO.--¿May sundalo ñga po baga?
+
+TOMASA.--¡Siya ñga po! at na sa Baranca nañgag-uupuan ang magcacasama
+at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera.
+
+LUSINO.--Cun gayon catoto ay atin munang lisan
+ang puno ng lanca't masayang batisan
+ng upang tamuhin ang pagtatagumpay
+sa bala ng mauser at iba pang bagay.
+
+JOSEFO.--Cun siyang magaling....
+
+KALINT.--Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may
+canyon, bandera pimpiang at bombillo.
+
+LUSINO.--¿Ano ang pasiya?
+
+JOSEFO.--Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan
+
+LUSINO.--Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na
+hunghang.
+
+
+
+
+IKAAPAT NA DIGMA
+
+Saca ang pinunong matapang sa patay.
+
+
+JOSEFO.--Tanaui!... tanaui't di pa gumiguití
+puñgapong sa gubat at viga sa lati
+ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri
+ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui.
+
+ ¡Sinong mag-acalang ang tayog ng labong
+tumuñgo sa lupa ng uala pang dahon!...
+¿baquin caya baga biglang nalingatong
+lahat ng casador ng ualang dagundong?
+
+KALINT.--Marahil ang supot na pinag lalagyan
+ng bala't pólvorang ipinamamayan
+ay punó ng abó't ualang ilalaban
+sa ating sundalo at bayaning cawal.
+
+JOSEFO.--¡Di cung macaharap at tayo'y maquita
+marahil ang tacbo ay laong lalo na
+at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca
+mamatay sa ihet at sa pagtataua!...
+
+ ¡Hindi co masabi na sa pagcaduag
+sa macacalaban na uala pang armas
+ó sa catacutan na baca mautas
+ang hiniñgang tan~gan nacacauag-cuag!...
+
+ Sa pagcat ang guilas na ating quilala
+sa mga castila na magcacasama
+higuit sa bayani at lubhang bihasa
+sa paquiquidigma at paquiquibaca.
+
+At saca ñga ñgayon ganito ang tacot
+sa mga calaban na na sa tugatog.
+
+KALINT.--Caya ang marapat ihiñgi cay Santos
+ng bala at pólvora ang búroc ng itlog.
+
+LUSINO.--¿Baquin caya baga ninasang mag tago
+sa bañgin at gubat ng higuit sa pugo.
+
+
+
+
+ICALIMANG DIGMA
+
+Josefo, Lusino at Kalintong
+
+
+JOSEFO.--Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na
+abang puso.
+
+LUSINO.--Ang magaling nito tayo ay gumaua
+muog na mataas, matibay na cuta
+sa tabi ng daan at piling ng langca
+ng may pañgublihan ating mga digma.
+
+ Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon
+añgil ng mauser, siclab ng remington
+sadyang pagtibayin at sa mga burol
+ay may daang lihim na di manunuynoy.
+
+JOSEFO.--Maiguing acala.
+
+LUSINO.--Caya ang magaling
+barreta at pala ñgayon din ay cunin
+sa _Real batería_, at, ang unang hucayin
+ang baybaying yaon. (_ituturo_)
+
+JOSEFO.--Dito ipapaling
+Pagcat may lusutang bañgin at batisan
+sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan
+at may mga cahoy na lubhang malabay
+na macalililim at may tatanauan.
+
+ Caya ang mainam ay mayroong isa
+sa cahoy na ito na may larga-vista
+ng upang mamalas at caniyang maquita
+lahat ng darating na macacabaca.
+
+ Ang tatanod dito ay cung bababa man
+ay pahahalili sa isang matapang
+na di natatacot sa mga asuang
+diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam.
+
+LUSINO.--Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na
+sumunod.
+
+
+
+
+ICAANIM NA DIGMA
+
+Sila rin, si Tibó at ang cawal.
+
+
+JOSEFO.--¿Nañgasaan cayo?
+
+TIBÓ.--Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos
+
+JOSEFO.--Ang tactac at punque, pala at barreta
+ay inyong caunin na magcacasama
+tuloy na ilaquip ang palihoc at caua
+ng may paglutuan itong ating tropa.
+
+TIBÓ.--Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (_aalis_)
+
+KALINT.--Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga
+tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc.
+
+
+
+
+IKAPITONG DIGMA
+
+Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal.
+
+
+TIBÓ.--Nañgagsidating po ang pinag-utusan.
+
+LUSINO.--Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang
+macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual.
+
+JOSEFO.--Sumulong na cayo,t humucay ng balon,
+gumaua ng lapát, tumaga ng cahoy,
+magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton
+ng hindi masira sa bala ng caniyon.
+
+ Subu'i! datapua!...
+(_lalabnutin ang buhoc_)--¡ualang magagaua!...
+¡huag sasayañgin ang ating adhica!...
+¡huag acsayahin pagod sa acalá
+ng macapagtayo ng muog at cuta!...
+
+ ¿Cun ang itutulo ng pauis sa hucay
+ng sancá sa cuta ay maipagpantay
+ng bundoc at burol na matataniman
+ng café, abacá at ibang halaman?
+
+ ¿Di caya mag-ani ng maraming pilac
+mahitic na puri't masaganang hiyas
+at sa haharapi'y ating mamamalas
+ang buig ng tua sa sañga ng galac?
+
+ O cun dili caya'y ating ipagtanim
+sa buquid, tumana at mga caiñgin
+ng palay at tubó, úbe, gabe,t ságuing
+sa taong susunod daming aanihin.
+
+ At sa haharapin, isang piquit-mata
+ay may titibaing puno ng abacá
+may buñga ang café't ang puno ng manga
+ay hitic na hitic ang lahat ng sañga.
+
+ Subali sa cuta mataas na muog
+pagod, camatayan siyang mapupulot
+at ang pita't dadalhin ng culog
+sa galás at parang, gulod at tugatog.
+
+ Ñguni! ñguni! ñguni! (_labnot din ang buhok_)
+ito ang magaling
+higuit sa halaman ating aanihin
+walang pañginoong aalinsunurin
+at ualang castilang sucat umalipin.
+
+
+
+
+ICAWALONG DIGMA
+
+Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tibó at ang cawal
+
+
+JOSEFO.--Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may
+calunuran.
+
+LUSINO.--Acó ay tatauag sa nañgag huhucay ng upang mataho,t, ating
+maalaman (_Hihipan ang silbato lilitao si Tibó_)
+
+TIBÓ.--¡May ipag-uutos!
+
+JOSEFO.--¿Naglagay ng pinit
+na sucat lusutan ang hañgin at inet
+cun baga sumagui ang mga balauis
+sa maog at cuta at mga belenes?
+
+TIBÓ.--Opo!...
+
+JOSEFO.--¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran?
+
+TIBÓ.--Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang
+baon sa hucay.
+
+JOSEFO.--Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang
+maquitang landas.
+
+LUSINO.--Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong
+bayabas.
+
+KALINT.--¡Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo.
+
+TIBÓ.--¡Cayo'y aquing lisan!...
+
+KALINT.--Lumacad na cayo!...
+
+
+
+
+ICASIYAM NA DIGMA
+
+Sila rin.
+
+
+JOSEFO.--Capag na ibañgon ang lahat ng ito
+may catatagan na ang mga sundalo.
+
+ At di magagahis cahit pag-ubusan
+ng maraming tucso na ating calaban
+at di mapapasoc saan man magdaan
+ang mga castilang tunay na caauay.
+
+ Liban cung magahol sa tinga't pólvora
+at sa ... cani't ulam cung nag babaca na
+subali sa tapang na aquing naquita
+itac ay catimbang ng mauser nila.
+
+ At cun dili baga pauang magagaling
+ang mga sundalo at bataan natin
+ang guloc at pisao na tañging patalim
+di maisusuro sa bala ng mauser.
+
+ Sa pagca't maicli't macaaabot
+sa caya ng mixtong malacas sa culog
+matulin sa quidlat at cung macatuhog
+ang pambugang mansa'y caquilaquilabot.
+
+ Subali ang mixtong aquing isinaysay
+at ang licsi, lacas, dahas, catapañgan
+capag sinarili at pinanghauacan
+pilit magagahis ng macacaauay.
+
+ Caya ang marapat sa pagcat uala na
+tayong gagamiti't gagauing sandata
+liban sa itiric ang dalauang mata
+sa nunuñgong lañgit at daquilang gloria.
+
+ At sa Dios Ama at Divino Verbo
+sa Vírgen Santísima at lahat ng santo
+ating idalañgin ang lahat ng ito
+cahimanauari tayo ay manalo.
+
+LUSINO.--Ang mauiuica co at maisasaysay
+sa iyo catoto't piling caibigan
+hangang masagunson bala ng calaban
+mga bata natin padapain lamang.
+
+ Saca cung lumalo putoc na sagunson
+isibasib nila tabac na pang-lulong
+hangang sa tumachó yaong mga buhong
+huag ititiguil ang tagang palacol.
+
+JOSEFO.--Gayon ñga ang gaua!... caya cung uariin
+ng aquing pasiya, puso at panimdim
+mga buhay nilang catulad ng atin
+iniaalay na sa mga patalim.
+
+ At sa camatayan na lilibot-libot
+sa bundoc, sa bayan at mga alaboc
+na di tumitiquil sa mga pagdampot
+sa buhay ng tauo na guising at tulog.
+
+LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid
+sa mga caauay:--¡cun ano ang bilis
+ng bala ng mauser, gayon din ang inet
+ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!
+
+KALINT.--¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay
+ng mga catoto't aquing caibigan
+¡marahil ay hindi!... ¡pauang cabambanan
+at ang ibang turing ay capalaluan!...
+
+
+
+
+ICASAMPUNG DIGMA
+
+Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.
+
+
+TIBÓ.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang
+pagcacaayos.
+
+JOSEFO.--¿Tunay?
+
+TIBÓ.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng
+gulod.
+
+JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco
+ang lahat ng cawal na doo'y dumaló
+dalhan pa ng alac na na sa sa frasco
+Jerez, Manzanilla at anis del mono.
+(_Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó_)
+
+TIBÓ.--Salamat! salamat!
+
+KAWAL.--Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying general!...
+
+KALINT.--Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin
+magpacailan man.
+
+JOSEFO.--Yamang na bañgon na ang muog at cuta
+ng magcacapatid na aba at duc-ha
+sa awa ng Dios at Poong daquila
+na dunong tumiñgi't paham cumaliñga.
+
+ Tayo namang lahat magtica't manalig
+sa lahat ng santos at mga angeles
+ng upang abutin ang pita at nais
+sa dacong ibayo ng mga pañganib.
+
+LUSINO.--Ang lalong mabuti tayo ay maghalal
+isang pintacasing madadalañginan
+sa lahat ng oras at sa paglalaban
+ay iadya nauá sa mga caauay.
+
+JOSEFO.--Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin
+angel ng príncipeng San Miguel Arcangel
+ang siyang ihayag sa puso't panimdin
+at siyang daiñgan saan man pumaling.
+
+ Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi
+sa lañgit at lupa ay di nagsagabi
+at sa paglilincod sa Hari ng hari
+palalong si Luzbel ay inalugami.
+
+ Sa hirap, sa hapis at sa caabaan
+at pinagpagdusa caloloua,t, catauan
+sa alab ng apuy at sa casanaan
+punong sinusunod noong mga hunghang.
+Na mga demonio.
+
+KALINT.--¡Mabuti!...
+
+LUSINO.--¡Magaling!...
+
+KALINT.--Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing iniñgat ...
+na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin.
+
+JOSEFO.--Cun ang pasiya co ang paaayunan
+si Chito ang ating suutan't gayacan
+sa pagcat ang sabi at uica sa tanan
+siya'y may daluping pinanghahauacan.
+
+ Na cun ga totoo ating masusuboc
+sa paquiquibaca at paquiquihamoc
+sa loob at labas ng alin mang muog.
+
+CHITO.--Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat
+cun sa aquing galíng sila'y magugulat
+sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat
+ng dalauang mata ...! yao na ang quidlat.
+
+ Na aquing dalupi at ang anting-anting
+cun siyang umiral ay lalong magaling
+dahil sa itaas, boong pañgonorio
+ay malalaro cong catulad ng hañgin.
+
+KALINT.--Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong
+caibigan.
+
+LUSINO.--Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca paliparing tulad ng
+asuang.
+
+
+
+
+ICALABING-ISANG DIGMA
+
+Sila rin.
+
+
+JOSEFO.--¡Hayo na! ñgayon din!... Icao ay magsuot
+ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios
+ng upang magligtas ang boong tugatog
+sa bala ng Mauser at mga dayucdoc.
+(_susu-utan_)
+
+CHITO.--Sa aquin ay bagay ang gayac na ito.
+
+KALINT.--Di nababagay sa iyong pagcatauo.
+
+CHITO.--¿Baquin baga hindi ibig na catoto?...
+
+KALINT.--Dahil sa caduagan at icao'y tatacbó,
+sa siclab ng gato at haguing ng bala
+at sa maaamuy baho ng pulborá
+lalo kung sacsaquin ng macacabaca.
+
+CHITO.--¿Di baga talos mo na di nagugulat
+sa tonog ng culog at ningning ng quidlat
+at di natatacot sa macacalamas
+na may itác, pusil at anomang tabac?
+
+KALINT.--(_Sa calahatang tauo_) Matindi ang cábag nitong si catoto!...
+at masamang hañgin ang na sa sa ulo!
+
+CHITO.--Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ...
+subuquing totoo!...
+
+KALINT.--Ibig mo
+
+CHITO.--Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang
+maañgal.
+
+KALINT.--Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang
+mabuhay?
+
+CHITO.--Huag ang catauan ang iyong subuquin
+cung mayroon tacot hinayang sa aquin
+ang iyong unayan ng tagang madiin
+itong baluti co na may anting-anting.
+
+ At cung hindi tablan ng taga at sacsac
+ay iyong barilin ng sa boong dahas
+ng upang matalos ang buti cong hauac
+at ng maniuala ang macamamalas.
+
+KALINT.--Tignan co! tignan co! aquing susubuquin
+ang daluping ito na lubhang magaling
+ng nawa'y mahaui ang dauag sa bañgin
+na nacasusucal sa iyong panimdim.
+
+(_Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca
+gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito
+sa pagcat hindi tinablan._)
+
+
+CHITO.--Cahiman mag-ubos ang galing at buti
+hindi magcacagahi ang pagcalalaqui
+di magugutlian ang taglay na puri
+di masusugatan ang pagcabayani.
+
+KALINT.--Diyata! diyata! hindi co tatablan
+ang daluping itong ualang cabuluhan
+asahan catoto abó na ñgang tunay
+itong baluti mong pinacacamaha.
+(_Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito._)
+
+LUSINO.--Aco ñga! aco ñga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong
+pina-iimbulog.
+
+CHITO.--Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mulá sa lamgam,
+maliit na lamok.
+
+(_Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino
+na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon._)
+
+
+
+
+=ICALAUANG BAHAGUI=
+
+
+Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay
+nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis.
+
+
+
+=Hablado=
+
+
+UNANG DIGMA
+
+Si Chito ay gayac lacayo, caya ñga ang cuaco at calicot ay capua biyas
+ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo.
+
+
+CHITO.--Magsiquilos cayo at nañgarito na culog sa Cartago at lintic sa
+Grecia. (_Magugulo ang sayauan._)
+
+LUSINO.--¿At saan na roon?
+
+CHITO.--Sa Real batería.
+(_Ang putucan ay maririñgig mula sa loob._)
+
+LUSINO.--Tauaguin sa batis ang mga babaye.
+
+KALINT.--¿Ano?
+
+LUSINO.--Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale
+at dalauang bata na capua lalaqui.
+
+JOSEFO.--(_Papasoc na nag-cacandarapa_)
+ Magmadali cayo at nañgarito na
+ang mga sundalo, casador at guardia
+ang na sa cataua'y mauser at pistola
+mayroong músico, tambor at corneta.
+
+DÁMASA.--¡Ina co!
+
+DORAY.--¡Ay Dios!
+
+JOSEFO.--Huag cayong matacot
+huag pahinain ang sariling loob
+sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc
+ay may camatayan na lilibot-libot.
+
+KALINT.--¡Sulong na! (_Cay Dámasa_)
+
+DÁMASA. (Sa mga bata)--¡Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga
+sundalo
+
+DORAY.--¡Ang aquing blanquete!
+
+IDENG.--Ang aquing postizo.
+
+CHITO.--¡Ang aquing calicot!... at ... ang aquing cuaco
+
+KALINT.--(_Sa mga babaye_) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip
+ng hañgin na mulá sa timog?
+
+CHITO.--Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay
+dalhin sa bundoc.
+
+DORAY.--¡Oho!
+
+CHITO.--Tila hindi!...
+
+KALINT.--¿At saan pa baga?
+
+CHITO.--Sa panibugho ñga sa sintang asaua
+
+(_Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac_).
+
+DÁMASA.--¡Lusino! ¡Lusino! ¿nasaan ca baga?
+¡icaw ay umilag sa ulan ng bala!...
+¡Lusino! ¡Lusino! cami ay itago
+sa cugon, talahib at layac na tuyó.
+
+LUSINO.--Dito magsihiga!... sa pagcat malagó ang luya luyaha't
+naglauit ang dapo (_Putucan_).
+--Subsob na Dámasa!
+
+DÁMASA.--¿Saan baga Sinong?
+
+LUSINO.--¡Dito sa talahib!... dito! dito! dito! iyo ng isubsob matigas
+mong ulo (_Mahihiga at tatabunan ng layac_)
+
+DÁMASA.--Lusino, halica! ¡halica Lusino!
+
+LUSINO.--Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag
+mag-alala.
+
+CHITO.--Cahit humahañgi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na
+nag baua.
+
+
+
+
+ICALAWANG DIGMA
+
+Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit.
+
+
+KALINT.--Yamang naliligpit ang mga babaye
+tayo namang lahat sa gubat mañguble
+pagcat ang calaban ay lubhang marami
+at di mag gapi ng pagcabayani.
+
+LUSINO.--Cun gayon ang uica ¡abata!
+
+KALINT.--¡Abata!
+
+CHITO.--Huag acong iuan! (_babañgon_)
+
+LUSINO.--¡Huag cang sumama!
+
+CHITO.--Aquing ilalaban calicot cong dala! ¿Ito bagang talim ng aquing
+nalicot di maipapantay sa talas ng guloc?
+
+KALINT.--Cung gayo'y abata!
+
+CHITO.--Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (_Sususuhan
+at saca hihititin_)
+
+KALINT.--¡Madali!
+
+LUSINO.--¡Madali!
+
+CHITO.--Hintay cayo! hintay!
+aco ay ñgañgañga ng upang tumagal
+(_Babataquin ang languay at saca magcacalicot_)
+at baca sacali tayo ay malaban
+sa mga castila na pauang sucaban.
+
+KALINT.--¡Madali!
+
+LUSINO.--¡Madali!
+
+CHITO.--Hintay! hintay cayo!
+madaling maluba ang ikmong Patero
+at cung malalaban mahiguit sa ikmo
+ang aquing gagauin sa lahat ng lilo.
+
+
+
+
+ICATLONG DIGMA
+
+Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantería ay masasalubong ni
+Tecla at ni Paco.
+
+
+PEÑA.--Capagca umaga na macaliuay-uay
+cami ay umalis sa cuartel general
+na ang tica't nasa gubati't looban
+lahat ng himacsic sa bundoc at parang.
+
+ Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat,
+matulis na bató, matinic na dauag
+na sa baua't hakbang ay may nadudulas
+at may nadadapa sa lumot at lusac.
+
+ Dahil sa sinagui nayong Balangutan
+na sacop ng Turic, lupang Capampañgan
+hangang sa sinapit patoc ng Magalang
+na lubhang mataas, malapad ang parang.
+
+ At sa laquing pagod sa pagcacalakad
+sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galás
+ng aming sapitin licod ng Arayat
+di na macahakbang ang paa sa dulas.
+
+ Caya sa pag hacbang at mga pag liñga
+sa bañgin, bulaos, sapa at tumana
+cung aco'y maluhod at saca mahiga
+hindi co na ibig bumañgon pang cusa.
+
+ At sa gayong hirap uala cahit isa
+matanaw na tauo at ualang maquita
+isa man lang cubong mag-gauad guinhaua
+sa malaquing pagal na aming dinala.
+
+ Subali mayroon caming naririñgig
+na putoc at siclab sa mga talahib
+dapua hindi naman abutan ng masid
+at hindi matunton ang landas at batis.
+
+ Sa gayon ng gayon ibinalic cami
+sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi
+ng uala rin namang maquitang bubuli
+siya ñgang pag-oui cahit hating-gabi.
+
+PACO.--Cun gayo'y humimpil at magpahiñgalay ng upang mahaui ang
+matinding pagal.
+
+TEKLA.--Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang
+bahay.
+
+
+
+
+ICAAPAT NA DIGMA
+
+Dámasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito.
+
+
+DORAY.--Mabuti at hindi aco'y na yuracan
+ng mga sundalo ng sila'y magdaan
+at di man naquita ang paa at camay
+doon sa bulaos na quinasubsuban.
+
+KALINT.--Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa
+pagcacatago.
+
+NONATO.--Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binañgaw at ñgayo'y
+mabaho.
+
+CHITO.--Cun ako'y quinilos ay naquita sana
+ng mga sundalo ang dahas at sigla
+at tuloy na suboc ang aquing sandata
+talim ng calicot higuit sa muhara.
+(_Saca bubunutin ang talim ng calicot._)
+
+ ¿Dito baga caya ay may pananalo
+bayoneta, sable at armas de fuego?
+sa banta co'y hindi ... lalo,t, cun ang itso
+ay aquing bayuhin sa anyo cong ito.
+(_Maninincayad saca magcacalicot._)
+
+ At cun di matacot silang calahatan
+sa aquing calicot na cahahañgaan
+ito namang cuaco siyang sususuhan
+hangang sa umalis at mañgagtacbuhan.
+
+DÁMASA.--(_Papasoc ng papatacbó at acay ang mga bata_) Dañgan ito!
+(_babatucan si Chito_)
+
+CHITO.--¿Baquin?
+
+DÁMASA.--Dahil cay Cundendeng
+at cay Lusinong nagtago sa bañgin
+na di mailayo at casiping-siping
+tulad sa pistola at sa pasang pusil
+(_Si Chito ay mapapatañga_)
+
+ Sa pagcahiga co sa pinagtaguan
+aquing naquiquita lahat ng mag daan
+caya n~ga marami ang dami ng hilang
+ng mga sundalong pauang sandatahan.
+
+ Sa bagay na yaon aco'y umaasa
+di na mabubuhay, di na magquiquita
+n~guni si Lusino ang na ala-ala
+cung aquing maiua'y ¡pano caya baga!...
+
+CHITO.--¡Si Lusino! ¡at si!... (_taua_) caya di lumapit
+sa inyong mag ina na na sa pañganib
+dahil cay Cundendeng sininta ng labis
+at di mailayó sa caniyang titig.
+
+ Caya ñga cagabi siya ang casama
+at doon nañgubli sa puno ng manga
+at pagcacamulat ng canilang mata
+ang unang ininom ay gatas ng vaca.
+
+DÁMASA.--Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay
+
+DORAY.--¡Aba! oo!... aba! at sa catunayan
+hindi naquihamoc ng nag puputucan,
+cami ni Kalintong ay pinabayaan.
+
+ Caya ng maubos ang aming municion
+aming hinahanap laguing liniliñgon
+yaong si Cundende ang cacandong-candong
+pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy.
+
+
+
+
+ICALIMANG DIGMA
+
+Sila rin.
+
+
+KALINT.--(_Papasoc ng papatacbo_) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig
+at tila caauay itong nagbabalic.
+
+DORAY.--¡Jesús co!
+
+DÁMASA.--Jesus co! anong masasapit naming mag-iina?... ¡mataas na
+lañgit!...
+
+DORAY.--¡Huag cang maiñgay!--¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin!
+... (_tutuntong sa isang bato_).
+
+DÁMASA.--(_Magugulat_)--¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa
+dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo!
+
+DORAY.--¡Halica at hindi!... at ang na sa una
+ang iyong Lusino at ilang casama
+na pauang may pasang pusil at sandata
+at ang iba naman bitbit ay muhara.
+
+DÁMASA.--Salamat cun gayon.
+
+
+
+
+ICAANIM NA DIGMA
+
+Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa.
+
+
+JOSEFO.--(_sa cay Lusino_)--¡Catoto't caibigan!
+mula sa malayo'y aquing natanauan
+sinta mong asaua ay na hintacutan
+sa mga sacuna at ating pagdatal.
+
+LUSINO.--¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay
+hindi mahapis?
+
+JOSEFO.--Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong
+ng dibdib.
+
+LUSINO.--¡Cung gayo'y ilihim!... ¡huag isalita ang boong nangyari sa
+lilim ng lanca.
+
+
+
+
+ICAPITONG DIGMA
+
+Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong
+
+
+DÁMASA.--¡Catoto at casi!... ¡batis ng biyaya
+¡aco ay haguisan ng ilang balita!...
+
+ Ng tungcol sa digma na nacalingatong
+sa parang at bundoc at loob ng nayon
+na dili umano cayo'y nañga gahol
+at nañgahirapan ... caya nag si urong.
+
+ Sa bulaos, sapa at ibang cublihan
+ng usang mailap na tubo sa parang
+caya may nagtago sa gubat-gubatan
+at lubhang pañganib nasapit ng buhay.
+
+LUSINO.--Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit
+ang lahat ng cawal ay muling nag balic
+at saca hinabol ang mga balauis
+hangang sa S. Juan sila'y inihatid.
+
+ At sa catunayan ay aquing nacuha
+reló ng capitan, at sable ni Peña
+gayon ang patupat, mariquit na pipa
+saca ang bursigueng macapal ang suela.
+
+BETENG.--Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan
+sa aquing na cuha na sadyang mainam
+tigni at mambisa ang na sa catauan
+puno ng galletas ibang cabuhayan.
+
+ Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid
+sa aquing catauan ay siguic na siguic
+tignan at may lata, tinapay, matamis
+at may medalla pang sa dibdib pang sabit.
+
+ Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo
+tabacong _Insular_ at anis del mono
+bucod ang salapi at papel de Banco
+bucod ang peseta't bucod ang mamiso.
+
+DÁMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan
+ng mabibili sa pabañgo,t, suclay
+saca sa banquete postiso,t, pamaypay.
+
+BETENG.--Ayaw aco, ayaw!
+
+DÁMASA.--Aco'y iyong bigyan.
+
+BETENG.--Ayaw aco, ayaw!
+
+LUSINO.--Bigyan na
+
+KALINT.--Bigyan na
+
+BETENG.--Bigyan co ng ano
+
+LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta
+
+BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco
+
+LUSINO.--Ayaw ca ñga ba
+
+BETENG.--Aba at nagalit ... toma!
+
+DÁMASA.--Ayaw co na.
+
+(_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_)
+
+
+
+
+ICAWALONG DIGMA
+
+Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa
+caramihan ng mga bahay na na sa itaas.
+
+
+RICO.--Tomás! (_Hindi madidiñgig_)
+
+PEÑA.--Tomás! (_Sasagot mula sa malayo_)
+
+TOMÁS.--Señor! (_saca lalapit_)
+
+PEÑA.--¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa
+caliua at na sa sa canan?
+
+TOMÁS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.
+
+ Isa'y alilisan malaquing camalig
+dalawa ay bañgan ng palay at guilic
+caya ñga sagana ang mga himacaic
+at di magugutom cahit ang masapit.
+
+Abutin ng buan, bumilang ng taon
+at gumala-gala sa bañgin at burol.
+
+PEÑA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy
+ng ualang siluñga't di macapag pulong.
+At ualang macain sa bundoc at parang
+ang mga himacsic lilong katipunan.
+
+RICO.--Hayo na ... suluñgi!
+
+TOMÁS.--Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay
+(_bubunutin ang pósporo at saca lalacad_)
+
+RICO.--Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na
+maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.
+
+TOMÁS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang.
+
+RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng
+sundang.
+
+TOMÁS.--Capag sa castila ay mahihiualay.
+
+ Aco'y matatacot sa magcacapatid
+noong katipunan na pauang balauis
+na uala ñgang gaua sa parang at buquid
+cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit.
+
+ Dañgan at ang culay tunay na tagalog
+di maicaila at dito sumipot
+tatalicdan co na't itulad sa hayop
+tanang cababayan na pauang balacyot.
+
+Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya
+tauaguing tagalog, tubo sa Maynila.
+
+RICO.--Cun gayon ay ¡Bravo! (_tatapiquin_)
+
+PEÑA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha!
+
+RICO.--¡Bravo! ¡bravo!
+
+PEÑA.--¡Bravo! ito ñga ang bata
+
+RICO.--Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at
+tacsil.
+
+(_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na
+tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni
+tininteng Isiong at ilang capit bahay_)
+
+
+
+
+ICASIYAM NA DIGMA
+
+Samantalang sinusunog.
+
+
+JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic
+ng mga sucabang mahiguit sa ganid.
+
+ Quinuha sa caban cuartang naiipon
+ang guinto'y sa pitac noong aparador
+ang papel de Banco ay sa isang cahon
+at ang mga pilac sa lalagyang baul.
+
+ At saca sinunog damit na pangbahay
+hinacot ang bigas na na sa bigasan
+ang bañga'y inabó, at sa alilisan
+hinacot ang pilon ng mga asucal.
+
+ Saca ang calabaw, buo't mga guya
+sa buquid at parang nag laboy, nag-gala
+hinuli, inacay at ang boong nasa
+iowi sa bayan, dalhin sa Maynila.
+
+ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing
+ng corona.
+
+GORIA.--Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás ...
+(_aagauin ang pagsasalita_)
+
+JUAN.--¡Sucat na! ¡sucat na!...
+
+ Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin
+abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin
+cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil
+lahat ng lalaqui huli't patayin.
+
+ Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay
+cumubli sa galás at gubat-gubatan
+ng hindi abutin ng mga sucaban
+na sadyang humanap ng icabubuhay.
+
+GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic
+aquing mga carmen na na sa sa liig
+dinurog, linuray, pinagpunit-punit
+gayon ang estampang sa dinding nag sabit.
+
+ Saca ng macuha ang aquing postiso
+sa pinit ng silid, maliit na cuarto
+guinuso't guiniic saca ibinató
+sa dapugang calan na punó ng abó.
+
+ Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa
+blanquete co naman ang siyang nacuha
+at inahilamus sa mukha at taiñga
+at di co malaman ang naguing figura.
+
+
+
+
+ICASAMPUONG DIGMA
+
+Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.
+
+
+URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa
+unahan.
+
+GORIA.--Ayun ñga ang mga ... (_Ituturo_)
+
+JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na
+nacaw.
+
+ISIONG.--At may naaancás na maraming saco
+ng palay at bigás, darác, ipá't abó
+at ang madaanang guya, bulabó't aso
+ay inaacay din at itinatacbo.
+(_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_)
+
+JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis
+sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit
+subali capagca Dios ang nagsulit
+na magbubunga na mabuig na lansones.
+
+ Tanda't mag-aani sa nayon at bayan
+ang magcacapatid nitong katipunan
+saca magsisisi ang lahat ng hunghang
+gaya niyang lilong ating cababayan.
+
+ At pacaasahang ualang pagbubula
+itong sasabihin sa bató itaga
+yamang di nasupil ng mga castila
+ang bugsong nagdaan na camunsing baha.
+
+ Di na maa-auat ang baha ng dugo
+hangang sa umapaw sa luasan at hulo
+at ang kalayaan na nasa ng puso
+di na masusupil sa caniyang paglago.
+
+ Caya cun ang aquing bañga't alilisan
+inabó't sinunog ng mga sucaban
+at ang pag aari sa loob ng bahay
+quinuha, guinagá at canilang sinamsam.
+
+ Hindi isasama niyaring aquing loob
+at di dadalawin camunsi man lungcot
+at cahit inacay ang lahat ng hayop
+at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc.
+
+ Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan
+galit sa nagnacaw na mga sucaban
+caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang
+ang canilang samá ay baka tañgisan.
+
+ O caya'y magsisi araw cung dumating
+ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil
+sa pagcat di taus sa puso't panimdim
+ang guinaua nila na nacalalaguim.
+
+ Laman ng catauan higuit sa quinurot
+at di mangyayaring malibing sa limot
+baca ang masapit matimbang sa hayop
+ang canilang buhay na iimbog-imbog.
+
+ISIONG.--Sa aquin mga bulo dapat mag alala
+si Rico't si Tomás capua palamara
+pagca't ang panaho'y di maquiquita
+cun saan hihimpil at saan hahanga.
+
+URBANO.--Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang
+cubo.
+
+GORIA.--Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at
+guinauang abó.
+
+JUAN.--Caya ang marapat huag ng habulin
+lahat ng ninacaw guinagá sa atin
+itac na mahaba ang siyang alamin
+ng upang idiglay canilang quinain.
+
+URBANO.--Cung gayon ang uica ¡abata casuyo!
+atin ng idamay dalisay na dugó
+sa mga himacsic na sadyang nag bubo
+ng yaman at buhay na pamimintuho.
+
+ Sa nasang maalis sa caalipinan
+at hañgad tamuhin yaong kalayaan
+na atas ng Dios sa tauong sinoman
+at cahit cañgino na caniyang quinapal.
+
+
+=Uacas nang ikatlong kasulatan=
+
+
+
+
+
+End of Project Gutenberg's Ang Katipunan, by Gabriel Beato Francisco
+
+*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14205 ***