summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/13686-h
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '13686-h')
-rw-r--r--13686-h/13686-h.htm1608
-rw-r--r--13686-h/images/005.pngbin0 -> 52962 bytes
-rw-r--r--13686-h/images/005a.jpgbin0 -> 30792 bytes
-rw-r--r--13686-h/images/008.pngbin0 -> 35586 bytes
-rw-r--r--13686-h/images/008a.jpgbin0 -> 24325 bytes
5 files changed, 1608 insertions, 0 deletions
diff --git a/13686-h/13686-h.htm b/13686-h/13686-h.htm
new file mode 100644
index 0000000..e144a36
--- /dev/null
+++ b/13686-h/13686-h.htm
@@ -0,0 +1,1608 @@
+<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Transitional//EN"
+ "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd">
+<html xmlns="http://www.w3.org/1999/xhtml">
+<head>
+<meta name="generator" content="HTML Tidy, see www.w3.org" />
+<meta http-equiv="Content-Type"
+content="text/html; charset=UTF-8" />
+<title>The Project Gutenberg eBook of NANG BATA PA KAMI, by PURA L.
+MEDRANO.</title>
+<style type="text/css">
+/*<![CDATA[ XML blockout */
+<!--
+ P { margin-top: .75em;
+ text-align: justify;
+ margin-bottom: .75em;
+ }
+ H1,H2,H3,H4,H5,H6 {
+ text-align: center; /* all headings centered */
+ }
+ HR { width: 33%;
+ margin-top: 1em;
+ margin-bottom: 1em;
+ }
+ BODY{margin-left: 10%;
+ margin-right: 10%;
+ }
+ .linenum {position: absolute; top: auto; left: 4%;} /* poetry number */
+ .note {margin-left: 2em; margin-right: 2em; margin-bottom: 1em;} /* footnote */
+ .blkquot {margin-left: 4em; margin-right: 4em;} /* block indent */
+ .pagenum {position: absolute; left: 92%; font-size: smaller; text-align: right;} /* page numbers */
+ .sidenote {width: 20%; margin-bottom: 1em; margin-top: 1em; padding-left: 1em; font-size: smaller; float: right; clear: right;}
+
+ .poem {margin-left:10%; margin-right:10%; text-align: left;}
+ .poem br {display: none;}
+ .poem .stanza {margin: 1em 0em 1em 0em;}
+ .poem span {display: block; margin: 0; padding-left: 3em; text-indent: -3em;}
+ .poem span.i2 {display: block; margin-left: 2em;}
+ .poem span.i4 {display: block; margin-left: 4em;}
+ .poem .caesura {vertical-align: -200%;}
+ // -->
+ /* XML end ]]>*/
+
+</style>
+</head>
+<body>
+<div>*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13686 ***</div>
+
+<pre>
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
+hindi na ginagamit.]
+</pre>
+
+<br />
+
+
+<h2>PURA L. MEDRANO</h2>
+
+<br />
+<h1>NA~G BATA PA KAMI</h1>
+
+<br />
+<h3>PANGUNANG SALITA NI<br />
+Bb. Asuncion Palma</h3>
+
+<br />
+<h3>AT MGA KUROKURO NI<br />
+G. Ros Almario</h3>
+
+<br />
+<h4>AKLATANG BAYAN</h4>
+
+<br />
+<h4>I AKLAT<br />
+NG LUPON NG MGA PARALUMAN</h4>
+
+<br />
+<h3>1913</h3>
+
+<h4>Imprenta Sevilla Juan Luna 601, Tondo Manila.</h4>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="AKLATANG_BAYAN" name='AKLATANG_BAYAN'></a>
+<h2>AKLATANG BAYAN</h2>
+
+<h2>MGA AKLAT SA LIMBANGAN</h2>
+
+Pura L. Medrano<br />
+EDENG II Bahagi n~g "NA~G BATA PA KAMI"<br />
+<br />
+Julian C. Balmaseda<br />
+SA BAYAN NI PLARIDEL (tula)<br />
+HIMIG SILAN~GAN (tula)<br />
+<br />
+Benito F. Urrutia<br />
+&iquest;SINO A~G AMA KO? &iexcl;PATAWAD!<br />
+BENY AT LILY<br />
+<br />
+Ros. Almario<br />
+NANG AKO'Y MAMATAY,<br />
+BAGONG PARI<br />
+<br />
+G. CHANCO<br />
+SA GITNA N~G LUSAK.<br />
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<h1>NA~G BATA PA KAMI</h1>
+
+<br />
+<h4>KATHA NI</h4>
+
+<h2>Pura L. Medrano</h2>
+
+<br />
+<h4>PANGUNANG SALITA NI</h4>
+<h3>Bb. Asuncion Palma</h3>
+<h4>AT<br />
+PANGWAKAS NI</h4>
+<h3>Ros. Almario</h3>
+<br />
+<h4>AKLATANG BAYAN.<br/>
+I. AKLAT<br />
+<br />
+NG<br />
+<br />
+LUPON NG MGA PAKALUMAN</h4>
+
+<br />
+<h3>UNANG PAGKALIMBAG<br />
+<br />
+MAYNILA, 1913.</h3>
+
+<br />
+<h4>IMPRENTA SEVILLA<br />
+al lado del Puente de Jose Manila</h4>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<h2>Talaan ng Nilalaman</h2>
+
+<br />
+
+
+<h3><a href='#LIHAM_SA_KUMATHA'><i>LIHAM SA KUMATHA</i></a></h3>
+
+<h3><a href='#I'>I. Mga Ala-ala ni Manuel Kay Edeng</a></h3>
+
+<h3><a href='#II'>II</a></h3>
+
+<h3><a href='#III'>III</a></h3>
+
+<h3><a href='#IV'>IV</a></h3>
+
+<h3><a href='#V'>V</a></h3>
+
+<h3><a href='#VI'>VI</a></h3>
+
+<h3><a href='#VII'>VII. Mga Ala-ala ni Edeng kay Manuel</a></h3>
+
+<h3><a href='#VIII'>VIII</a></h3>
+
+<h3><a href='#IX'>IX</a></h3>
+
+<h3><a href='#X'>X</a></h3>
+
+<h3><a href='#XI'>XI. Pangwakas</a></h3>
+
+<h3><a href='#Ilang_maralitang_kuro'><i>Ilang maralitang
+kuro</i></a></h3>
+
+<h3><a href='#quotAKLATANG_BAYANquot'>"AKLATANG BAYAN"</a></h3>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<h1><a href="images/005.png"><img src="images/005a.jpg" border="0"
+alt="Asuncion Palma" width="238" height="423" /></a></h1>
+
+<h4>Asuncion Palma</h4>
+
+<br />
+<br />
+<a id="LIHAM_SA_KUMATHA" name='LIHAM_SA_KUMATHA'></a>
+<h2><b><i>LIHAM SA KUMATHA</i></b></h2>
+
+<br />
+
+
+<p>KAIBIGANG PURING;</p>
+
+<p>Ikaw ay nagkamali, oo, nagkamali kang lubha sa pagpili ng
+maglalagay ng pang-unang salita sa iyong mahalagang aklat. Ako pa
+naman ang napita mo, akong batid mong pahat na pahat tungkol sa
+gawaing ito at bago pa lamang nakikisalamuha sa larangang ng
+panulat. Kaya't nang sabihin mo sa aking ako ang ibig mong maglagay
+ng pang-unang salita, ay nasabi ko sa sariling: "&iquest;Kinukutya
+kaya ako o binibiro lamang niya?" Kundi lamang kita nakikilalang
+isang tapat na kaibigan, uliran sa pakikisama, at ako'y nananalig
+na wala kang pusong sukat ipang-api sa akin ay pinatampuhan na sana
+kita, sapagka't &iquest;sino ako upang siyang magbigay ng
+pang-unang salita sa iyong aklat? &iquest;Anong ayos pa o ganda ang
+maidaragdag ko sa iyong katha? Wala. Nguni't ang gawi hilig, kilos
+at damdamin ng dalagang pilipina. Sa pagmamahal ni Edeng kay
+Manuel, pagmamahal na binalot ng isang lihim na pag-ibig ay minsan
+mo pang naipakilala ang isang pitak ng kaluluwa ng dalaga ng ating
+bayan.</p>
+
+<p>Sa wakas ay ibig kong masabi sa iyo na, sa pagkakalathala ng
+katha mong ito ay dalawang mahahalagang tagumpay ang iyong nakamit;
+tagumpay ng iyong sarili sa iyong pagka manunulat at tagumpay ng
+Aklatang Bayan sa pagka kasapi mo sa kanya.</p>
+
+<p>Bumabati at nakikikamay.</p>
+
+<br />
+
+
+<p>ASUNCION PALMA.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<h1><a href="images/008.png"><img src="images/008a.jpg" border="0"
+alt="Pura L. Medrano" width="238" height="423" /></a></h1>
+
+<h4>Pura L. Medrano</h4>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="I" name='I'></a>
+<h2>I</h2>
+
+<h2><i>MGA ALA-ALA NI MANUEL KAY EDENG.</i></h2>
+
+<br />
+
+
+<p>&mdash;&iquest;...?</p>
+
+<p>&mdash;!...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Hindi mo na naaalaala?</p>
+
+<p>Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo:</p>
+
+<p>Noo'y musmos pa tayo.</p>
+
+<p>Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay;
+bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at
+bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating
+puso; nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang
+tunay na pag-ibig.</p>
+
+<p>Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya
+ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino
+mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng
+lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin.</p>
+
+<p>Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting
+busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.</p>
+
+<p>Ako'y nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at
+waring ako'y napa-angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung
+bakit.</p>
+
+<p>&iquest;Pag-ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? Kung
+pag-ibig ay &iquest;paano ko maaalaman? At sakaling pag-ibig na
+nga'y &iquest;ano ang maidudulot sa aking buhay? Ang sunod sunod
+kong tanong sa sarili.</p>
+
+<p>Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang
+kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at
+hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At
+... &iquest;naaalaala mo ba ang ating pinagusapan?</p>
+
+<p>Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan. Datapwa't nang
+tayo'y maghiwalay, nang ako'y pauwi na sa amin, ang puso ko'y
+naligalig at naramdaman kong may bagong damdaming tumubo sa lalong
+pinakalihim niyang pitak.</p>
+
+<p>Buhat noon, saan mang dako ako mapatungo ay waring ikaw ang
+aking nakikita, at sa lahat ng akin gawain, sa pag-aaral, sa
+paglalaro, ay ikaw ang laging sumasaisip ko.</p>
+
+<p>Kung gabi at ako'y nahihilig na sa hihigan, sa piling ng
+minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga
+mata ko'y gising din ang aking diwa.</p>
+
+<p>At ilan pang araw na gayon ang aking dinanas.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="II" name='II'></a>
+<h2>II</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Kami ng Nanay ko'y naparoon sa lalawigan ng hindi ako
+nakapagpaalam sa iyo.</p>
+
+<p>Sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati.
+Hindi pa kami dumadating sa aming paparoonan ay ninais ko nang
+magbalik; nguni't kami'y nasa laot na, at dahil dito ano pa ang
+aking gagawin kundi ang magtiis. At nagtiis nga ako't nasabi ko
+tuloy sa aking sariling: "kay hirap pala nang malayo sa minamahal"
+Oo, mahirap nga. At sukat bang pati ng malamig na simoy ng dagat na
+dati kong kinawiwililihang sagapin ay kayamutan ko!</p>
+
+<p>Makailang araw, kami'y nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na
+hindi mo namalayan, at buhat sa "azotea" ng aming bahay ay natanaw
+kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata.</p>
+
+<p>Noo'y gabing maliwanag ang buwan at kayo'y nasa inyong
+bakuran.</p>
+
+<p>Agad kitang pinaroonan. At nang ako'y iyong matanaw ay huminto
+ka sa iyong paglalaro, humiwalay ka sa mga kasama, dalidali kang
+naupo sa isang nakaalimbutod na ugat ng kahoy at saka
+nangalumbaba.</p>
+
+<p>Naalaala ko ang aking pag alis ng walang paalam, at sisikdosikdo
+ang loob kong lumapit sa iyo.</p>
+
+<p>Tumindig ka't tila hindi mo na ako ibig kausapin; at anyo kang
+aalis, nguni't napigilan kita at nang titigan ko ang mukha mo'y
+nabanaagan kong dumadaloy sa binurok mong pisngi ang luhang buhat
+sa iyong pusong naghihinanakit.</p>
+
+<p>Ipinatalastas ko sa iyo na ang aming pagalis ay biglaan at ang
+aking pagsama'y sa kaibigan ng tatay ko na ang aking ina'y huwag
+mag-isa sa paglalayag. At palibhasa'y nahalata kong ayaw kang
+maniwala, ay isinamo kong ako'y iyong patawarin.</p>
+
+<p>Sa aking pagmamakaawa'y nahabag ka. Pinaupo mo ako sa iyong tabi
+at matagal tayong nagusap.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Pinatatawad mo ba ako?&mdash;ang una at kiming
+tanong ko sa iyo.</p>
+
+<p>&mdash;Mamaya mo malalaman&mdash;ang tugon mo.</p>
+
+<p>&mdash;Ayoko ng mamaya pa&mdash;ang malambing na ulit ko.</p>
+
+<p>&mdash;Oo, pinatatawad kita&mdash;ang pangiting salo mo
+naman.</p>
+
+<p>At ako'y natuwa nang gaya ng dati.</p>
+
+<p>Nang gabing iyon ay marami kang sinabi sa akin gayon din ako sa
+iyo at kung hindi tayo pinagtuksuhanan ng ating mga kaibigang
+napatigil sa paglalaro ng tubigan ay hindi pa tayo magkakatapos sa
+paguusap sapagka't para tayong mga pinagpalang nagpapasasa sa
+biyayang hulog ng langit. &iquest;Hindi ba Edeng?...</p>
+
+<p>At nagalit ka sa nagsipanukso sa atin, kaya't bubulongbulong
+kang nakyat at ako nama'y maligayang umuwi sa amin.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="III" name='III'></a>
+<h2>III</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Kinabukasan.</p>
+
+<p>Pagbabangon ko sa hihigan, ay una kong tinanaw ang durungawan ng
+iyong silid. Nakabukas ang isang dahon at nakita kong bihis ka
+na.</p>
+
+<p>Noo'y mag-iikapito na ng umaga, oras ng pagpapasukan sa
+paaralan.</p>
+
+<p>Sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong
+bahay na dala mo ang iyong mga aklat.</p>
+
+<p>Dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita
+hanggang makarating ka sa paaralan. Sa tanghali'y binantayan kita
+sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan.</p>
+
+<p>Gumabi.</p>
+
+<p>Maliwanag din ang buwan.</p>
+
+<p>Ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga
+kababatang kalapit-bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay
+sinimulan ang laro. Ngayo'y patintero, mamaya'y takip-silim at bala
+nang maisip.</p>
+
+<p>Ako'y nanaog upang makihalo sa inyo; nguni't nang naroon na
+ako't hanapin, kita, ay wala ka.</p>
+
+<p>Kumaba na naman ang dibdib ko at aking isinaloob na ikaw ay
+nagtatampo pa sa akin, at dahil dito ay naitanong ko sa isang kapwa
+bata kung saan ka naroon.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Hay&uacute;n ay ... ayaw maglaro!&mdash;ang tugon
+sa akin.</p>
+
+<p>Ako'y lumingon at nakita, kitang nakaupo sa hagdan ng inyong
+"azotea".</p>
+
+<p>Linapitan kita't aniko'y:</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Bakit ka nakaupo diyan?</p>
+
+<p>&mdash;Mangyari'y hinihintay kita&mdash;ang waring may lambing
+na sagot mo.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Ayaw ka bang maglaro?-ang ulit ko na wala nang
+pangambang may hinampo ka pa sa akin.</p>
+
+<p>&mdash;Maglalaro ako kung kasali ka&mdash;ang may ngiti mong
+salo.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Naku!&mdash;ang pakunwa ko naman.</p>
+
+<p>&mdash;Oo,&mdash;ang mariin mong agaw na parang ibig mo nang
+maghinanakit, kaya't sinagot kitang agad:</p>
+
+<p>&mdash;Sa totoo man &oacute; hindi ang sinabi mo, ay dapat mong
+malaman, na kung kaya ako naparitong maglaro ay dahil lamang sa
+iyo.</p>
+
+<p>Tinitigan mo ako bago ka ngumiti ng ngiting may kasiyahang
+loob.</p>
+
+<p>Tinawagan natin ang mga kasama at tayo'y tumayong pabilog at
+pagdaka'y sinimulan mo ang "Pepe-serepe" at....</p>
+
+<p>&iexcl;Kay, pilya, pilya mo! sinadya mo pang ako ang mataya.</p>
+
+<p>Pagkatapos ay nagtakbuhan kayong ako ang inyong kasunod.</p>
+
+<p>Aywan kung bakit, at noo'y wala akong abutan sa inyo: kay
+tutulin ninyong tumakbo, para kayong mga ibon.</p>
+
+<p>Sa ikatlong inanduyan ay nahapo ako at....</p>
+
+<p>&mdash;Batugan, batugan&mdash;ang sigawan ninyong lahat.</p>
+
+<p>Ako'y napahiya.</p>
+
+<p>Naawa ka sa akin, at binulungan mo ako ng:</p>
+
+<p>&mdash;"May mahuhuli ka na ngayon"&mdash;at saka patakbo kang
+lumayo. Nguni't ilang hakbang lamang ay tumigil ka na at hindi pa
+mandin kita nahahawakan ay sumigaw ka:</p>
+
+<p>&mdash;"Nahuli ako, nahuli ako"&mdash;at idinugtong mo pa ng
+marahan ang ganito:&mdash;"Kaawaawa ka naman, tutubusin kita't
+pagod na pagod ka na".</p>
+
+<p>Oo, patangpata na nga ako; danga't kasali ka, kundi'y umuwi na
+sana ako sa ikalawang takbuhan pa lamang.</p>
+
+<p>Ang ating laro'y natapos ng gabing iyon, sapagka't sa nagsisunod
+na gabi'y panay na salitaan ang ating ginawa. Nguni't &iquest;ano
+ang ating napagusapan? &iquest;Panay pang kamusmusan na gaya ng mga
+unang araw?</p>
+
+<p>Hindi na.</p>
+
+<p>&iquest;Nagkatalastasan na kaya tayo ng itinitibok ng ating
+puso?</p>
+
+<p>&iexcl;Aywan! datapwa't buhat noon ay unti-unti na tayong lumayo
+sa, ating mga kababata, sapagka't palagi tayong pinagtututukso.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="IV" name='IV'></a>
+<h2>IV</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Ang patintero, ang takip-silim at iba pang laro na
+napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin
+muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat
+sa bulwagan ng inyong tahanan.</p>
+
+<p>At isang gabi na kayo ng mga tatay mo'y nagpasiyal sa Sta. Cruz
+ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan.</p>
+
+<p>Noo'y del Pilar. Maraming tao, maraming marami. Ang mga periya'y
+nagsisikip sa nagsisipag baka-sakaling sa pagtaya sa iba't ibang
+sapalaran ay makatama ng relos, ma&ntilde;ika at iba pa.</p>
+
+<p>Sa liwasan ni Goiti, sa harap ng simbahan at ibang lansangan ay
+langkay langkay na nagsisipaglakad ang mga kawal ng pag-ibig, at
+ang mga binatang kaagapay ng mga binibini'y bubulong bulong na
+animo'y mga bubuyog kung dumadapo sa mababangong bulaklak.</p>
+
+<p>Nakita ko nga kayo sa harap ng simbahan: ang tatay mo'y mayroong
+kausap at ikaw nama'y nagmamasid sa mga taong naglalakad.</p>
+
+<p>At baga man ako'y papauwi na, ay hindi ako nagtuloy, linapitan
+ko kayo at matapos akong magpugay sa iyong mga magulang ay tinanong
+kita ng marahan:</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Kanina pa ba kayo rito?</p>
+
+<p>&mdash;Oo,&mdash;ang sagot mo.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Bakit ngayon ko lamang kayo nakita?&mdash;ang
+ulit ko.</p>
+
+<p>&mdash;Mangyari'y hindi mo kami hinahanap&mdash;ang parang may
+tampo mong pakli.</p>
+
+<p>&iquest;Paano ko kayong hahanapin&mdash;ang salo ko
+naman&mdash;sa hindi ko naaalamang paparito kayo?</p>
+
+<p>Ang tatay mo'y nagyayang makinig ng serenata. Tayo'y tumungo sa
+kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari-saring opera at nang
+tayo'y naroon na'y bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa
+tapat ng La Perla.</p>
+
+<p>Inalok ko ang mga tatay mo't pagkatapos ay nilapitang kita,
+at:</p>
+
+<p>&mdash;Ayoko&mdash;ang iyong pauna.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Bakit, ayaw ka ba nito? &iquest;ano ang iyong
+ibig&mdash;ang malambing kong tanong sa iyo.</p>
+
+<p>&mdash;Wala&mdash;ang iwas mo.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Wala raw!&mdash;ang salo ko naman.</p>
+
+<p>&mdash;Wala nga&mdash;ang patibay mong mali.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Naku, ikaw naman! &iquest;Ano lamang eh? Sabi na,
+hale, sabi na.&mdash;ang magiliw kong samo.</p>
+
+<p>&mdash;Kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at
+masarap din sa akin&mdash;ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno
+ng saya.</p>
+
+<p>At muli akong lumapit sa magmamane. Pumili ako sa isang bilao ng
+dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa.</p>
+
+<p>&mdash;Iyan, iyan ang masarap&mdash;ang bigkas mong sabay sa
+pagtanggap ng mansanas.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Totoo nga ba?&mdash;ang tanong ko naman.</p>
+
+<p>&mdash;Oo, sapagka't hindi ka bibili ng hindi masarap at ang
+masarap sa iyo ay masarap din sa akin.</p>
+
+<p>Katatapos mo pa lamang mag-salita'y siya namang pagpaparinig ng
+banda ng isang mainam na opera.</p>
+
+<p>Habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa
+sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at
+naalaala kong yao'y ang "Sandugong Panaginip".</p>
+
+<p>&mdash;Hindi mo ba naaalaala ang tugtuging iyan?&mdash;ang
+tanong ko sa iyo.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Hindi ba iyan ang "Sandugo"?&mdash;ang balik mo
+naman sa akin.</p>
+
+<p>&mdash;Iyan nga&mdash;ang masaya kong pakli&mdash;at
+&iquest;hindi kaya natin sapitin ang naging hangga ng pagiibigan ni
+Tarik at ni Bitwin?</p>
+
+<p>Hindi ka nakakibo, parang naumid ang iyong dila't namutla ka,
+sapagka't salitang pagiibigan ang iyong napakinggan sa aking bibig
+na tila baga tayo'y mayroon nang salitaan.</p>
+
+<p>Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa
+aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na
+pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento
+ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming
+tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa
+iyo kung yao'y pag-ibig na.</p>
+
+<p>Palibhasa'y hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag-sabing
+PAGIBIG na nga at idinugtong ko pang "INIIBIG KITA".</p>
+
+<p>Makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. Ang masasaya mong
+ngiti'y bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga
+paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga
+sinasabi; subali't nahalata kong nagtatampo ka't nalulumbay pa pag
+hindi kita nadadalao.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="V" name='V'></a>
+<h2>V</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Baga ma't ang masasaya mong ngiti'y iyong ipinagkait sa akin, ay
+maligaya rin ako; oo, maligaya rin ako sapagka't nahalata kong
+tumutugon ka sa tibok ng aking puso. Nguni't ang aking kaligayahan
+ay naparam na animo'y aso sa bahagiang simoy ng hangin, sapagka't
+nalipat kami ng bahay at may nagsabi sa amin ng ako'y palaging
+nakakagalitan ng aking guro sa dahilan daw na ako'y madalas na
+hindi makalisyon, at, sukat bang ang tatay ko'y maniwala at
+ipinagbawal pa sa akin ang pagpapasyal...?</p>
+
+<p>&iexcl;Oh! anong lungkot ko noon!... Kung nakilala ko ang
+dalahirang naghatid sa amin ng balitang iyon ay ... aywan: marahil
+ay inaway ko; oo, pagka't ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa
+akin ang kainitan ng ulo.</p>
+
+<p>Ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'y hindi naman nag-tagal;
+ilang linggo lamang at ako'y pinahintulutan nang makapagpasyal na
+gaya ng dati.</p>
+
+<p>Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't
+&iexcl;naku! hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang
+walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa
+bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na
+pintuan ang isang papel na kinababasahan ng SE ALQUILA.</p>
+
+<p>Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang
+nakapagsabi kung saan kayo nalipat. Ako'y bumalik sa amin at
+itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira.</p>
+
+<p>&mdash;Aywan ko&mdash;aniya&mdash;nagsi-alis ng hindi man lamang
+nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan
+ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario.</p>
+
+<p>Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap
+sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko
+maalaman kung saan kita susulatan.</p>
+
+<p>At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa
+isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man
+dalhin ng alon.</p>
+
+<p>At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis.
+Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na
+nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking
+dinaramdam.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Madalas ba rito ngayon at noon mo pang araw
+nakikilala?...</p>
+
+<p>Ang binatang iya'y isa sa mabubuti kong kaibigan, siya ang
+umaliw sa akin at dahil sa kanya'y nagbawas ang aking pamimighati.
+Datapwa't hindi nagbago ang aking pag-ibig sa iyo at bagkus pang
+lumago at sa twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa
+akong nagsusumigasig sa pag-aaral sapagka't hindi nawalay sa akin
+ang paguusap na tayo'y magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang
+aking napagaralan.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VI" name='VI'></a>
+<h2>VI</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Mahabang panahon ang dumaan.</p>
+
+<p>At isang gabing ako'y naglalakad sa daang Azcarraga ay nabasa ko
+sa isang anunsiyong naka-dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng
+ilaw sa lansangan, na ang pelikulang VIVIR PARA AMAR ay itatanghal
+sa Dulaang Zorrilla.</p>
+
+<p>Ako'y napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito:</p>
+
+<p>"VIVIR PARA AMAR" &iquest;Mabuhay upang umibig? &iexcl;Oh ...!
+Panonoorin ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot
+kong kabuhayan sa pag-ibig.</p>
+
+<p>At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo
+kong pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos
+pelikulang "VIVIR PARA AMAR".</p>
+
+<p>Ang mga ilaw ay nagliwanag. Ang mga mata ko'y aking pinagala sa
+loob ng dulaan, at &iexcl;oh, anong pagkakataon! Sa palkong
+kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng
+himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung
+sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong
+kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa
+aking gunita ang nakaraang panahon.</p>
+
+<p>Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?...</p>
+
+<p>Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa
+ibang salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay.</p>
+
+<p>Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama
+ang ating mga mata.</p>
+
+<p>&iexcl;Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! Ang madilim
+kong hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong
+landas na patungo sa kaluwalhatian ng aking pag-ibig.</p>
+
+<p>&mdash;Maligaya na ako, maligaya na ako&mdash;ang bulong ko sa
+aking sarili&mdash;maligaya na ako pagka't siya'y nakita kong muli.
+Bukas, bukas na bukas ay paparoon ako sa kanyang bahay at sasabihin
+ko ang lahat ng hirap na aking tinitiis. Siya'y malulungkot,
+nguni't masasayahan agad pag sinabi kong naparam na ang lahat,
+pagka't ang ligaya ko'y ligaya rin niya.</p>
+
+<p>Nguni't saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng
+dusa; oo, sapagka't napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'y isang
+lalaking balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig ...
+&iexcl;Anong lungkot ng dumalaw sa aking kaluluwa ...! Ang
+mahahayap na palaso ng panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay
+sunodsunod na tumimo sa aking puso at dahil dito'y sinumpa ko ang
+muli kong pagkakita sa iyo.</p>
+
+<p>Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong
+nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa
+pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko
+nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling
+kang lalaki sa inyong palko.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa
+sarili&mdash;&iquest;Kanya kayang asawa? &iquest;kanya kayang
+katipan &oacute; isang kaibigan lamang?</p>
+
+<p>Ang mga ilaw ay muling nagliwanag. Nilingon kita sa inyong palko
+na parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng
+parusa.</p>
+
+<p>Sa paglingon kong ito'y muling nagtama ang ating mga mata at sa
+iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin.</p>
+
+<p>Noon di'y lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban
+sa akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta
+sa akin dahil sa ikaw ay mayroon nang asawa &oacute; katipan:
+datapwa't ako'y namali sapagka't matapos tayong magkamay ay
+ipinakilala mo sa akin ang kapiling mong lalaki at noong ko natalos
+na asawa pala ng kapatid inong matanda, at pinagsisihan ko ang
+pagkakaroon ng maling hinala sa titig mong puno ng lugod.</p>
+
+<p>Makailang sandali'y nanariwa sa aking alaala ang mga nakaraang
+panahon. Ibig ko na sanang noo'y itanong sa iyo kung ang aking mga
+hirap na tinitiis ay gagantihin mo ng walang hanggang kaligayahan,
+pagka't ibig kong noon di'y matalos kung ako'y mayroon pang pag-asa
+at kung maipagpapatuloy ko ang aking naipahayag sa iyo no&oacute;ng
+tayo'y nakikinig ng serenata sa harap ng simbahan ng Sta. Cruz ...
+nguni't ako'y nagpigil alangalang sa iyong mga kasama.</p>
+
+<p>Natapos ang palabas sa Cine.</p>
+
+<p>Inihatid ko kayo hangang sumapit sa inyong tahanan at bago tayo
+naghiwalay ay nangako akong babalik kinabukasan.</p>
+
+<p>Ng gabing yao'y hindi ako nakatulog boong magdamag at sa
+pag-asam ko ng bukas ay napagn~gitn~gitan ko ang aming orasan,
+sapagka't matay ko mang nasain~g magtumulin sa kanyang pagtakbo'y
+hindi nagbabago at para pang ako'y hinahamon sapagka't mapatayo
+ako't mapahiga'y napapakinggan ko ang nakamumuhi niyang
+tik-tak.</p>
+
+<p>Sa pagn~gin~gitn~git ko ay walang nangyari at nagtagumpay din
+ang hindi mababagong lakad ng panahon.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Umaga.</p>
+
+<p>Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang
+ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung
+dalawin kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako
+pagtalikod ko, kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko
+ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Gabi.</p>
+
+<p>Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina. Pinaharap ka sa akin ng
+iyong kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. At
+buhat noo'y tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo
+nagkita, tatlong buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag
+pa sa dati ko nang tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng
+aking ama.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;...?</p>
+
+<p>&mdash;Oo; kumulang humigit sa dalawang buwan. Nguni't isinulat
+ko sa iyo nang siya'y mamatay, &iquest;bakit hindi mo
+naaalaman?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&iexcl;Ah! Kaya pala ni ang sulat na padala ko sa iyo nang ako'y
+lumulan sa bapor na patungo sa bayan niyang kinamatayan ay hindi
+nagkaroon ng sagot, ay naparoon kayo sa Silangan. Datapwa't bayaan
+na natin ang kanyang pagkamatay at ibaling natin sa dati ang
+salitaan:</p>
+
+<p>&iquest;Naaalaala mo na ba ngayon, Edeng, ang mga araw na dumaan
+ng ating kabataan? &iquest;Ang puso mo ba'y gaya rin ng dati na may
+kalayaan sa pagtanggap ng pag-ibig? At &iquest;maitutuloy ko ba ang
+ipinahayag ko sa iyo noong tayo'y nakikinig ng serenata sa tapat ng
+simbahan ng Sta. Cruz?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Bukas mo na ako sasagutin? &iquest;Baka hindi?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Aasahan ko</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VII" name='VII'></a>
+<h2>VII</h2>
+
+<h2><i>MGA ALA-ALA NI EDENG KAY MANUEL.</i></h2>
+
+<br />
+
+
+<p>&mdash;Manuel, salamat sa pagpa-paalaala mo't nanariwa sa aking
+gunita ang ating kahapon: ang maligaya nating kahapon.</p>
+
+<p>Naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw
+ay naligo tayo sa dagat. Marami tayo, kasama natin pati mga pinsan
+kong babae na kababata rin natin.</p>
+
+<p>Noo'y palaki ang tubig, ang pulo'y hindi natatanaw at upang
+marating natin nang walang sagabal ay nanghiram tayo ng isang
+malaking bangkang lunday.</p>
+
+<p>&mdash;Sa bangka'y masaya tayong lahat, lalong lalo na ikaw at
+habang tayo'y nagpapaligid-ligid sa may pulo sa paghanap ng lugar
+na mababaw, ay itinutur&oacute; mo sa akin ang mga ibong
+nagliliparan sa kalawakan at ang mga isdang tulad nating malalaya't
+masasayang naglulundagan sa ibabaw ng tubig.</p>
+
+<p>&iexcl;Kay saya saya natin! nguni't walang ano ano'y tumaob ang
+bangka; ikaw ay nagulat at kaming mga babae'y napatili ng malakas
+at makasandali'y naghalakhakan ang iba nating mga kasama. Ikaw ay
+nayamot sapagka't nahalata mong sinadya nila ang pagtataob ng
+bangka upang tayo'y pagalitin.</p>
+
+<p>Ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang
+saglit, ang mga babae'y nagsamasama't ang mga lalaki nama'y
+nagtulong-tulong sa paglimas ng bangka; datapwa't ikaw ay hindi
+kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa.</p>
+
+<p>Matapos nilang limasin ang bangka ay sila'y nagsipaglanguyan at
+kaming mga babae'y nagtimbulan at ikaw ay nagpakunwaring marunong
+lumangoy ng hampas tikin; datapwa't naino naming nakasayad ang
+iyong mga paa, at dahil dito'y pinagtuksuhanan ka't pinagsabuyanan
+ka namin ng tubig.</p>
+
+<p>Nang may kalahati ng oras na tayo'y naliligo, ang mga pinsan
+ko'y nagyayang umahon.</p>
+
+<p>Tayo'y lumulan sa bangka; n~guni't hindi ang pangpang ang ating
+tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'y nalalapit na sa
+baklaran ay nanginig ka; <i>buhat sa ulo hanggang paa</i>, sa takot
+mong baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong
+nalalaman.</p>
+
+<p>&mdash;Ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo.&mdash;Ang
+sabay halos na sigawan ng ating mga kasama.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Ina ko! ang sigaw mong halos
+paiyak&mdash;&iexcl;Ina ko, ayoko, huwag!</p>
+
+<p>Palibhasa'y patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay
+nagsabi ka ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy.</p>
+
+<p>Makaraan ang ilang saglit ay nagyaya akong umuwi upang huwag
+malubos ang sa iyo'y pagtakot nila. At nang tayo'y nasa pampang
+na'y ibinalita sa atin ng isa ninyong alila na ang tatay mo'y
+nagagalit sa iyo.</p>
+
+<p>Ikaw ay namutla pagka't ipinagbabawal sa iyo ang paliligo sa
+dagat ay sumama ka pa sa amin.</p>
+
+<p>Sa inanyo mong kalunuslunos ay nahabag ako at nawika ko sa
+sarili:</p>
+
+<p>"Kaawaawa naman, nagtiis na ng takot sa gitna ng dagat ay
+makakagalitan pa" At nang tayo'y papauwi na, ay sinabi ko sa
+iyong:</p>
+
+<p>&mdash;Huwag ka nang maliligo sa dagat, sapagka't ipinagbabawal
+pala sa iyo ng iyong tatay.</p>
+
+<p>&mdash;Oo, kung hindi ka na rin maliligo&mdash;ang sagot mo.</p>
+
+<p>&mdash;Aba&mdash;ang salo ko naman&mdash;&iquest;maaari bang
+huwag akong maligo sa ako'y may sakit at ang pagpaligo sa dagat ay
+nakagagaling sa akin?</p>
+
+<p>&mdash;A, sa makatwid ay maliligo rin ako.</p>
+
+<p>&mdash;Huwag, sundin mo ang iyong tatay.</p>
+
+<p>&mdash;Oo, susundin ko siya kung sa inyong bahay ka
+maliligo.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Bakit,&mdash;ayaw ka bang gumaling ako?</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Bakit ayaw?</p>
+
+<p>&mdash;Gayon pala'y....</p>
+
+<p>&mdash;Gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. Pagkatapos
+ko ng "segunda ense&ntilde;anza" ay magaaral ako ng "medicina" at
+ako ang magpapagaling sa iyo.</p>
+
+<p>At samantala'y dumating tayo sa harap ng ating bahay. Ikaw ay
+nagtuloy sa inyo at ako nama'y sa amin. Ikaw ay sinalubong ng galit
+ng iyong tatay at ako nama'y ng maligayang ngiti ng minamahal kong
+ina.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VIII" name='VIII'></a>
+<h2>VIII</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Buwan ng Mayo.</p>
+
+<p>Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at
+ikaw nama'y labing apat.</p>
+
+<p>Ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo
+nakikipaglaro ng tubigan ni takip-silim; hindi na tayo nagbibiruan
+at para tayong matatandang <i>formal</i> na <i>formal</i> kung
+mag-usap; datapwa't batang isip pa rin tayo, kaya't ang ating
+napauusapan ay panay na kamusmusan.</p>
+
+<p>Sa boong Maynila nang mga araw na yaon ay nagsalabat ang Santa
+Cruz de Mayo at sa gawing kaliwa ng bahay na aming tinirhan ay may
+isang <i>lutrinang</i> hari ng gulo sapagka't panay na mga batang
+lansangan ang nagsisiilaw, nguni't nang mga huling gabi, sa dakong
+pagtatapos ay lumalaki at humuhusay sapagka't pinakialaman na ng
+matatanda at nagpalaluan pa ang mga "Hermano Mayor."</p>
+
+<p>Nang huling araw ng pagdiriwang sa Santa Cruz de Mayong yaon ay
+may namanhik sa aking tatay na ako'y maging <i>Reina Elena</i>. Ang
+tatay ko'y pumayag at kinagabihan, ang aming bakuran ay napuno sa
+mga batang manonood ng <i>lutrina</i>.</p>
+
+<p>Nang hapon ng araw na yaon ay masayang masaya ang ating daan;
+tatlong banda ng musika ang nagtutugtugan sa harap ng bahay ng
+"Hermano Mayor" na hindi rin nalalayo sa ating tinitirhan.</p>
+
+<p>Nang tumugtog ang ika anim; ang "Reina Sentenciada" ang "Haring
+Constantino", ang mga <i>sagala't</i> iba pa, ay isa isang sinundo
+ng tatlong bandang musica at ako ang ipinagpahuli sa lahat. Nguni't
+ako'y nagulat nang makita kong ikaw ang "Haring Constantino."</p>
+
+<p>&mdash;Oy&mdash;ang bati ko sa iyo&mdash;&iquest;bakit ikaw ang
+<i>Hari</i>?</p>
+
+<p>&mdash;Mangyari'y ikaw ang <i>Raina</i>&mdash;ang sagot mo
+naman.</p>
+
+<p>At tayo'y sandaling nagngitian, bago natin tinungo ang bahay ng
+"Hermano Mayor" at di naglao'y inilabas ang prusisyon.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Kay daming taong nanonood. Lahat ay humahanga sa naggagandahang
+mga sagala. Sa karamihin ng tao'y may ilang nanunumpit ng pabango
+na parang nasisiyahang kung may sagalang tinatamaan sa mata.</p>
+
+<p>Ikaw ay galit na galit nang mga sandaling iyon.</p>
+
+<p>&mdash;Pag ikaw ang sinumpitang bulong mo sa akin&mdash;ay
+pagtatatagain ko sila.</p>
+
+<p>&mdash;Huwag&mdash;ang salo ko naman&mdash;huwag at baka ka nila
+pagtulungtulungan.</p>
+
+<p>&mdash;Pag may tangan akong sable'y magsampu man sila'y hindi
+ako matatakot.</p>
+
+<p>Bahagya mo pa lamang katatapos na mangusap ay siyang pagtama sa
+aking mata nang hindi ko na naaalaala ngayon kung tubig &oacute;
+pabango na aking ikinapatili ng malakas at ako'y napapikit sa
+hapdi, Makailang sandali'y dumilat ako at ang una kong nakita'y
+ikaw na anyong mananaga.</p>
+
+<p>&mdash;Manuel&mdash;ang sigaw ko&mdash;pabayaan mo sila.</p>
+
+<p>Ako'y pinakinggan mo at nang humarap ka sa akin ay walang
+pinag-iwan sa isang haring maawain ang tingin ko sa iyo at nang
+ako'y lapitan mo ay binulungan kita ng gayari:</p>
+
+<p>&mdash;Kamukhang-kamukha ka ng haring Constantino.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;Naku! nanunuya ka pa, ah.</p>
+
+<p>&mdash;Sumama ka sa amin mamaya at ipakikila ko sa iyo ang
+larawang ibinigay sa akin ng amain kong pari.</p>
+
+<p>&mdash;Sasama ako.</p>
+
+<p>&mdash;Iyong makikita.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Baka hindi?</p>
+
+<p>&mdash;Oo, ipakikita ko sa iyo.</p>
+
+<p>At isang oras pa ang dumaan bago ipinasok ang prusisyon.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Nang gabing yaon ay hindi ko naipakita, sa iyo ang larawan,
+sapagka't nang ipasok ang prusisyon ay dinala pa tayo sa bahay ng
+"Hermano Mayor" at doon ko naalaman na ikaw pala ang humiling upang
+gawing kang Haring Constantino.</p>
+
+<p>&mdash;"Presentado, alsado"&mdash;ang biro ko sa iyo.</p>
+
+<p>&mdash;Nagprisinta nga ako pagka't ikaw ang Elena at ibig kong
+mapanood ng mga tao na tayo'y mga <i>hari</i> kahi't na sa Santa
+Cruz de Mayo lamang.</p>
+
+<p>&mdash;Hambog&mdash;ang biro ko pa.</p>
+
+<p>Hindi ka nakasagot sapagka't inanyayahan tayong maghapunan ng
+"Hermano Mayor" at para pang sinadya na tayo'y pinagtapat ng upo,
+kaya't habang tayo'y naghahapunan ay kung makailan kong maino na
+nangungunot ang iyong noo.</p>
+
+<p>Pagkatapos ng hapunan ay pinanood natin ang pagaagawan sa bitin
+at matigas kong katatawa, sapagka't sa gitna ng balag ay may isang
+malaking palayok na nakabitin at ang akala ng lahat ay matamis
+lamang ang laman datapwa't nang malaglag at pagdumugan ng mga
+bata'y naghalakhakan ang nagsipagbitin ng palayok na iyon at
+makailang sandali'y naghiwa hiwalay ang nagsisipag-agawan: may
+patakbong lumalayo, may nagkukusot ng katawan at may naglululundag
+na animo'y nagsasayaw sa pagka't ang palayok palang iyon, bago
+ibinitin, ay maghapon munang inilagay sa langgaman.</p>
+
+<p>Matapos ang agawan ay umuwi tayo, datapwa't hindi ka nananhik sa
+aming bahay pagka't malapit nang tumugtog ang ika sampu at
+ibinulong mo na lamang sa akin na ipakita ko sa iyo ang larawan
+pagbalik mo sa susunod na gabi.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="IX" name='IX'></a>
+<h2>IX</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Hinggil sa aming pagparoon sa lalawigan ay naaalaala ko na aking
+isinulat sa iyo, aywan lamang kung ang liham ko'y dumating sa iyong
+mga kamay &oacute; kinusa mo ang hindi pagtugon, sapagka't
+<i>namuti</i> ang mga mata ko sa kaaantay ng iyong sagot.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Hindi mo tinanggap? Marahil; datapwa't huwag mong
+sabihing hindi mo naalaman kung saang lalawigan kami naparoon
+sapagka't ang iyong tatay ay nakapaghatid pa sa amin hanggang sa
+sasakyan. Hindi maaaring hindi nasabi sa iyo, oo; hinding
+hindi.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Hindi raw!... &iexcl;Nakapagtataka! &iquest;Diyata't
+hindi man lamang nabanggit ng tatay mo ang bayan naming pinaroonan?
+&iquest;Diyata't hindi nasabi sa iyo, ni sa nanay mo?</p>
+
+<p>Oh! Hindi nga marahil! Oo: sapagka't malapit, na ang akala ng
+iyong ama'y ako lamang ang kinagigiliwan mo ng mga araw na yaon at
+inalala niya marahil na masisira ang iyong pag-aaral &oacute;
+susunod ka sa amin kung ipabatid sa iyo ang pinaroonan naming
+lalawigan.</p>
+
+<p>Nguni't siya'y namali, kung gayon ang kanyang paniwala,
+sapagka't ipinatalastas man sa iyo ay hindi ka aalis ng Maynila, ni
+hindi masisira ang iyong pag-aaral dahil sa naiwan dito ang iyong
+langit, ang paraluman ng iyong gunita ... Huwag kang magkaila,
+huwag; mayroon akong katunayan....</p>
+
+<p>Sinabi mo na may nagbalita sa iyong tatay na palagi kang
+nakakagalitan ng iyong mga guro sa dahilang malimit kang hindi
+makalisyon at dahil sa balitang iyon ay ipinagbawal niya sa iyo ang
+pagpapasiyal kaya't napaalis kami ng hindi mo naaalaman.</p>
+
+<p>&iquest;Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging
+dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? &iquest;Hindi kaya totoo
+ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa
+iyo?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan
+na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong
+huli.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;...?</p>
+
+<p>Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa
+akin? Sasabihin ko sa iyo:</p>
+
+<p>Nang kayo'y may tatlong araw nang nakalilipat sa ibang bahay ay
+may nagsadya sa amin na isang binatang balingkinitan ang katawan,
+mataas, malago ang buhok, matangos ang ilong at matingkad pa sa
+kayumangging kaligatan kulay at siyang nagsabi sa akin na si Enchay
+daw at ikaw ay nagmamahalan. Ako'y nagalit mandin at waring pati
+niya'y kinayamutan ko.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;...?</p>
+
+<p>Aywan, hindi ko masabi kung nagalit nga ako at kung ako'y
+nagalit ay hindi ko masasabi ang dahilan, sapagka't nang mga araw
+na yao'y musmos pa ako at ang mga musmos ay madaling magalit at
+madali namang matawa. Makailang araw ay muli akong nakabalita na
+kayo nga ni Enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos
+sapagka't may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'y
+hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'y naghahanda
+ng paglalakbay sa Batangan.</p>
+
+<p>Ang sulat ko'y hindi mo sinagot hanggang kami'y lumulan sa
+sasakyan, at iyo'y isang katunayan pa na talagang ako'y wala nang
+kabuluhan sa iyo ng mga araw na iyon.</p>
+
+<p>Ang lungkot ko'y gayon na lamang, at lalong lalo na nang kami'y
+naglalayag, sapagka't nagunita kong sa lalawiga'y walang kasayahang
+gaya sa Maynila. Dito'y panay na kaligayahan ang aking naranasan;
+subali't doo'y panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw
+at gabi.</p>
+
+<p>Ako nga'y malungkot at napatulo pa ang aking luha.
+&iquest;Nguni't naroroon na'y ano pa ang aking gagawin!? &iexcl;at
+mayroon man ay wala nang mangyayari!</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Dumating kami sa Batangan.</p>
+
+<p>Mahusay ang Panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang
+amihan.</p>
+
+<p>Noo'y linggo ng umaga at sa pantalan pa lamang ay sinalubong na
+kami ng aming mga kamaganak na doon nananahanan at kami'y dinala sa
+bahay ni G.X. na may dalawang anak na dalaga at kinagabiha'y
+hinarana kami ng mga binatang tagaroon at gayon din sa nagsisunod
+na gabi.</p>
+
+<p>Ang lungkot kong nagsimula nang kami pa'y naglalayag ay naparam
+at nasabi kong "masaya rin pala sa lalawigan".</p>
+
+<p>Datapwa't hindi naglaon ang aking kasayahan. Kami'y lumipat sa
+bukid dahil sa damdam ng aking ama at noon na na nagsimula ang
+pagkaulila ko sa lahat ng bagay at ang pagdama ko ng tunay na lagim
+sa buhay.</p>
+
+<p>Naroon na'y ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! At nagtiis
+nga ako. Datapwa't nang may apat na buwan na kami roo'y inisip ng
+tatay ko ang kami'y bumalik sa bayan sa pagka't siya'y magaling na
+sa kanyang sakit at nagpapalakas na lamang.</p>
+
+<p>Nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'y lumigaya
+at nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng
+kaginhawahan. Sa bayan, &iexcl;oh, sa bayan! nororoon ang ligaya,
+doo'y masayang lahat ang tao; nguni't dito dito sa bukid ay bihira
+ang tao mong makikita na hindi dumadaing sa sungit ng palad na
+nagtataboy sa kanila sa kabundukan upang doo'y humanap ng
+ikabubuhay at sa gabi ay wala kang mapapakinggan kundi huni lamang
+ng libo-libong kulilig.</p>
+
+<p>Makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid.</p>
+
+<p>Sa baya'y nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang
+kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'y maari ding
+mabuhay na gaya ng kabuhayan sa Maynila at higit pa, sapagka't
+bihira ang gabing walang harana, at madalas ang <i>buencomer</i> sa
+tabi ng ilog &oacute; kaya'y sa palayan.</p>
+
+<p>Nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang
+sulat. Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang
+tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon
+pala'y kay Enchay, upang ipagbigay&mdash;alam sa akin na kayo'y
+magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral.</p>
+
+<p>&iquest;Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay?
+&iquest;Pinasasakitan kaya ako?</p>
+
+<p>Siya'y namali. Wala tayong <i>salitaan</i> nang kami'y paroon sa
+lalawigan. Siya, ni sino man, ay walang katunayang
+m&aacute;ihaharap na tinanggap ko ang iyong pag-ibig at ngayo'y
+hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang ating napaguusapan noong
+araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin masasabing inibig kita
+sa hayagan &oacute; sa lihim man, sapagka't noo'y musmos pa ako at
+wala akong muwang sa ngalang pagiibigan. Nguni't kung ang mga
+pagkalungkot ko pag tayo'y hindi nagkikita ay nagkakahulugan ng
+pag-ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. Nguni't
+&iquest;hindi ba't ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa
+magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid?</p>
+
+<p>Sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay
+namali siya, si Enchay sapagka't nang tanggapin ko ang kanyang
+liham ay nalimot ko na ang nakaraang panahon.</p>
+
+<p>Kaya't nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin:</p>
+
+<p>"&iquest;At maano sa akin? &iquest;Mawawalan ba ako?"</p>
+
+<p>Makaisang lingo'y na katanggap ako uli ng liham din niya'y at
+iba naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'y tunay na nayamot
+pagka't bawa't talata'y may salitang napakarumi at kung isipisipin
+ko ang kahulugan ay sa akin patama. Gayon ma'y hindi ko sinagot, at
+&iquest;bakit ko sasagutin? Ay &iquest;di pinantayan ko pa ang baba
+niyang singbaba ng nakasusuklam na lusak?...</p>
+
+<p>Ako'y hindi mataas magsalita. &iquest;Ano ang aking ipagmamataas
+sa ang uri ko'y mababa rin namang katulad ng iba? Datapwa't ang
+kanyang ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay
+nakasasama ng sikmura.</p>
+
+<p>Hindi ko nga siya sinagot at siya'y pinatawad ko pa, at kung
+kami'y magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng
+loob.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="X" name='X'></a>
+<h2>X</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Ang tatay ko'y lumakas.</p>
+
+<p>Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang
+paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera....
+Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing
+laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa
+iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang
+katotohanan.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang
+ang iyong iniibig? Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig
+magsinungaling &iexcl;inaku! hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag
+kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay
+nang ako'y padalhan ng sulat....</p>
+
+<p>At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Wala? &iquest;Bakit ka namula? Talagang may sala
+ka.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang
+ngayon?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin? Oo, sasagutin
+kita; datapwa't tugunin mo muna ako:</p>
+
+<p>Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong
+karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan,
+akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng
+dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Isinusumpa mong hindi ka kaalam? &iquest;Bakit
+niya naalamang lumigaw ka sa akin?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Aywan? Wala kang pinag-iwan sa ilang taga bukid
+na nakikilala namin; huli na'y nagkakaila pa. At hindi ako
+nagtataka, sapagka't ang taong nagkukubli ng katotohanan ay
+talagang ganyan at matapang pa kung minsan, hindi yata?</p>
+
+<p>&iexcl;Naku! kung gaya ng dati na tayo'y mga musmos, ay
+tatawagin ko ang ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang
+bulaan, ang sinungaling, narito &iexcl;itignan ninyo!</p>
+
+<p>Nguni't napapalayo ako. Pagbalikan natin ang iyong tanong.</p>
+
+<p>Manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga
+iya'y mababasa mo ang aking sagot ... Huwag mong buklatin dito, sa
+inyong bahay mo na basahin ... &iexcl;Ah! Huwag sana, at kung may
+tutol ka'y sa ibang araw ka na parito....</p>
+
+<p>Hindi kita itinataboy. Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka
+hindi ka magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas.</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong
+ama at ang kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto.
+Tomas?</p>
+
+<p>Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na
+si Enchay ay &iquest;bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang
+pinaglalaanan mo ng iyong karrera?</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Ako raw at hindi si Enchay! Oy, manong matahan ka....</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>Uuwi kana? Mabuti nga't nang maalaman mo ang laman ng mga liham
+na iyan....</p>
+
+<p>&mdash;&iexcl;...!</p>
+
+<p>&mdash;Oo hanggang bukas.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="XI" name='XI'></a>
+<h2>XI</h2>
+
+<h2><i>PANGWAKAS</i></h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Nang si Manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas
+sa, tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat
+ay nag-buntong hininga at nasabi sa sariling:</p>
+
+<p>"Nahuli ako; nguni't iisa ang ipinahahatid kong liham ay
+&iquest;bakit naging tatlo...?"</p>
+
+<p>Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang
+sila'y nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y
+sinundan pa ng dalawa.</p>
+
+<p>Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at
+dahil dito'y nalungkot ng gayon na lamang.</p>
+
+<p>&mdash;"&iexcl;Oh ...!" &iexcl;Kahiyahiya kay Edeng!&mdash;ang
+bulong sa sarili&mdash;Isinumpa ko pa naman na liban sa kaniya'y
+wala na akong inibig at ipinagmatigas ko pang siya'y hindi
+nawawalay sa aking gunita ... &iquest;Ano kaya ang kanyang palagay
+sa akin ngayon ...? &iquest;Isang bulaan? &iquest;isang
+sinungaling?</p>
+
+<p>At ang mukha'y tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap
+na kinahihiyaan.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talag&aacute;ng
+iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa
+ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng.</p>
+
+<p>Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang
+iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng
+at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.</p>
+
+<p>Noo'y nagdadalaga na si Edeng. At nang mahalatang ito at si
+Manuel ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang
+kanyang pagliyag.</p>
+
+<p>Ang pagkakalipat ng bahay nina Manuel ay siyang sinamantala ng
+binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga
+kasangkapan at dahil dito'y kinagiliwan ni Don Jos&eacute; at ni
+Aling Mirang na mga magulang ni Manuel.</p>
+
+<p>Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang
+at ang kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. Jos&eacute;
+ay kaniyang kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi
+makalisiyon, kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at
+nang sina Edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na
+lumigaw kay Enchay.</p>
+
+<p>Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at
+nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay
+makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid.</p>
+
+<p>Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi
+nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan
+upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa
+kaniyang nilalangit.</p>
+
+<p>Nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa Maynila at
+nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si Edeng ng dalawang
+liham ni Enchay.</p>
+
+<p>Si Manuel at si Enchay ay nagkaibigan nga, datapwa't hindi
+naglao't ito'y umibig, sa iba. At nang ikakasal na sa kanyang
+bagong kasi ay ipinamanhik sa ating binata na isauli kay Manuel ang
+isang liham na kanyang tinanggap; nguni't ang liham na iyon ay
+hindi dumating sa kinauukulan.</p>
+
+<p>Nang sina Edeng ay lumuwas dito sa Maynila ay ibinalitang agad
+ang paglililo ni Enchay at si Manuel daw ay may bagong
+nililigawan.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Isang pagkakataon. Ang dating magkakilala'y nagkita sa teatro,
+at kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon
+sa dulaan, sapagka't ibinalita ni Edeng.</p>
+
+<p>Ang ating binata'y dalidaling nagpaalam upang ang liham ni
+Manuel kay Enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay
+humuwad ng mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman
+ang nilalaman sa tunay na liham ni Manuel.</p>
+
+<p>At gayon nga ang nangyari.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Nang gabing si Manuel ay umalis sa bahay ni Edeng, na taglay ang
+tatlong liham, ang ating dalaga'y nilapitan ng kanyang ina:</p>
+
+<p>&mdash;Edeng&mdash;ani aling Juana&mdash;&iquest;Ano ang
+pinaguusapan ninyo ni Manuel?</p>
+
+<p>&mdash;Wala po&mdash;ang tugon ni Edeng.</p>
+
+<p>&mdash;&iquest;Wala? &iquest;Akala mo yata'y hindi ko naaalaman
+ang dahilan ng pagparito ni Manuel? Natatalastas ko na siya'y
+nangingibig sa iyo noon pang araw at pagiibigan ang iyong
+pinaguusapan.</p>
+
+<p>&mdash;Hindi po nanay. Ang napaguusapan po nami'y ang
+pagpapatintero, ang pagtatakip-silim at iba pang laro <i>nang bata
+pa kami</i>.</p>
+
+<p>&mdash;Huwag kang maglihim. Magsabi ka nang totoo kung ibig mong
+huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa
+rati.</p>
+
+<p>&mdash;Totoo pong wala kaming napaguusapan tungkol sa
+pagiibigan.</p>
+
+<p>&iquest;Diyata'y hindi ka magsasabi ng totoo?... Sabihin mo
+&iquest;ano ang inyong pinaguusapan ni Manuel &iquest;Bakit
+napaparito gabi gabi?</p>
+
+<p>Si Edeng ay hindi sumagot, ang ina'y nagalit at nagpatuloy:</p>
+
+<p>---&iquest;Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay
+Manuel?...</p>
+
+<p>&iquest;Ayaw mo akong sagutin?&mdash;ang ulit ng ina na lalo
+pang galit&mdash;&iquest;Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay
+Manuel?... Hindi mo ba nalalaman na ang binatang iya'y mason
+&iquest;Hindi mo ba nalalaman na ang mga mason ay eskumulgado at
+ang nakikipagkaibigan sa mga eskumulgado'y walang kaligtasan?</p>
+
+<p>&mdash;Hindi po.</p>
+
+<p>&mdash;Nguni't ngayong naalaman mo na, ay ayokong siya'y
+kakaharapin mo at pagparito uli ay sasabihin kong huwag na siyang
+magpaparito sa ating bahay, naaalaman mo?</p>
+
+<p>-Opo.</p>
+
+<p>Si Aleng Juana'y isang babaeng may mabuting puso at mainam na
+makipagkapwa tao, datapwa't totoong napakabanal at ito ang tanging
+maipipintas sa kanya.</p>
+
+<p>Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang
+mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi
+ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi
+malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay
+mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang. Kung ang
+balitang yaon ay natanggap nang unang gabi nang pagkikita nina
+Edeng sa dulaan, ay natira na lamang sila marahil sa pananabik sa
+mga pagkakataong ikapagkakausap.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Ang pinto ng tahanan ni aling Juana ay nakapinid para kay
+Manuel; subali't bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na
+bahagi at dahil dito'y palaging malungkot si Edeng; sapagka't sa
+mula't mula pa'y tinubuan ng wagas na pag-ibig kay Manuel, at hindi
+na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'y
+mga bata pa.</p>
+
+<p>Datapwa't nang sila'y magkita't magkausap ay hindi nagpahalata
+kay Manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. At kung tunay
+na siya'y inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal
+sap&uacute;l pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa
+libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso.</p>
+
+<p>Si Manuel ay gayon din. At kung nangibig man kay Enchay ay dahil
+lamang sa sulsol ng isang kaibigan at upang may mapagparaanan ng
+panahon.</p>
+
+<p>Bagama't si Edeng at si Manuel ay hindi nagkakausap ay
+nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang
+maligaya sapagka't alam ng bawa't isa na wagas na pag-irog ang
+katapat ng kanilang walang kasinglaking pag-ibig at may pag-asa sa
+isang nakangiting hinaharap at sa luwalhati ng kanilang lihim na
+pagmamahalan.</p>
+<br/>
+<p><b>WAKAS.</b></p>
+
+<p><b>Tundo, Sept. 5, 1913.</b></p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="Ilang_maralitang_kuro" name='Ilang_maralitang_kuro'></a>
+<h2><i>Ilang maralitang kuro</i></h2>
+
+<br />
+
+
+<p>Aling Puring:</p>
+
+<p>Noong isang linggo pong ako'y dalawin ng maingat kong
+manggagamot, ay tatlong mahalagang bagay ang ipinagbilin sa akin:
+"Huwag kang magbabasa&mdash;ang wika&mdash;huwag kang magiisip,
+huwag kang magsusulat". Sa mga tagubilin niyang ito ay sandali
+akong natigilan, bago marahang nakasagot ng "opo". Mangyari'y
+kasalukuyang binabasa ko pa naman noon ang inyong mahalagang aklat
+kaya't sa isipan kong hapo'y buhay na buhay pang gumagalaw ang mga
+larawan nina Edeng at Manuel, at waring sa aking pangdinig ay
+humahayuhay ang kanilang matatamis na bigkas, mga bigkas musmos na
+naghihiwatig ng dalawang pusong nasasaputan pa ng kawalang malay,
+ng kulay na puti ng mga kaluluwang di pa napupukaw ng mapangligalig
+na araw ng buhay.</p>
+
+<p>Dahil dito'y sasandaling nakapanira sa alaala ko ang mga
+tagubilin ng aking manggagamot. At babahagya pa siyang nakalalayo
+sa amin, ay muli ko na namang kinuha ang inyong nabitiwan kong
+aklat upang ipatuloy ang pagbasa. Naraanan ko ng buong lugod ang
+mga talatang naglalarawan ng mga "kamusmusan" nina Edeng at Manuel,
+ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong
+ganap na tagalog gaya ng taguan, piko-piko, tubigan, at dumating
+ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti-unti nang
+nangasisipasok sa mapanghalinang "buhay ng damdamin". Pagdating ko
+rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya't buong
+pananabik kong sinundan si Edeng at Manuel hanggang sa makarating
+sa huli.</p>
+
+<p>At &iquest;ano ang naging kuro ko pagkatapos ng pagbasa?</p>
+
+<p>Huwag ninyong sapantahain na ang sasabihin ko'y likha lamang ng
+ating pagkikilalang matalik; hindi po, sapagka't labis kong
+natatalastas na ang isang "epiloguista'y" hindi kaibigan ng sino
+man, kundi isang kapangyarihang "nagpaparusa" sa may sala at
+nagbibigay ng gantingpala sa mga magalangin sa kanyang mga
+batas.</p>
+
+<p>Narito po ang maralita kong pasya:</p>
+
+<p>Na, ang inyong aklat ay busog na busog sa mga kagandahang dapat
+taglayin ng isang nobela: luwag sa pananalita, ayos sa
+pagsasalaysay at taas at linis sa mga isipan. Ang kabuuan ng aklat
+ay maiwawangis sa isang halamang hitik sa mga bulaklak ng pusong
+tunay na tagalog, pusong gaya ng kay Edeng na pinagtipunan ng yumi
+at hinhin, ng hinhin at bait, bait at hinhing aring ari lamang ng
+mga dalaga sa lupaing ito.</p>
+
+<p>Kung ang lahat ng mga aklat na susulatin natin ay maitutulad sa
+aklat na ito&mdash;aklat na naglalarawan ng isang buhay at mga
+pangyayaring may tatak tagalog, tagalog na uri't lasang tagalog din
+ay hindi sasalang sa araw ng bukas ay buong dangal na nating
+masasabi na may wika tayong talagang sarili at damdami't diwa na
+ating atin din.</p>
+
+<p>Aling Puring: sa wakas ay ipahintulot ninyong umasa ako ngayon
+pa, na sa mga papuring nasabi ko na rito sa inyo! ay mairaragdag sa
+mga hinaharap na araw itong mga sumusunod: ORIGINALIDAD sa
+pananalita at liwanag sa paglarawan.</p>
+
+<p>Ros. ALMARIO.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="quotAKLATANG_BAYANquot" name='quotAKLATANG_BAYANquot'></a>
+<h2>"AKLATANG BAYAN"</h2>
+
+<p>LUPON NG MGA PARALUMAN.</p>
+
+<p>Asuncion Palma</p>
+
+<p>Asuncion Manahan</p>
+
+<p>Emiliana Santos</p>
+
+<p>Engracia Jacinto</p>
+
+<p>Dolores Chanco</p>
+
+<p>Dolores Medrano</p>
+
+<p>Isidra Reuto</p>
+
+<p>Pilar Navarrete</p>
+
+<p>Pilar Reuto</p>
+
+<p>Pura L. Medrano</p>
+
+<p>Silvinia Chanco</p>
+
+<p>Victoria Santos</p>
+
+<br />
+
+
+<p>PAMUNUAN</p>
+
+<p>Pura L. Medrano, Pangulo</p>
+
+<p>Asuncion Palma, Kalihim</p>
+
+<p>Dolores Chanco, Ingat Yaman</p>
+
+<br />
+
+<div>*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13686 ***</div>
+</body>
+</html>
+
diff --git a/13686-h/images/005.png b/13686-h/images/005.png
new file mode 100644
index 0000000..008dd40
--- /dev/null
+++ b/13686-h/images/005.png
Binary files differ
diff --git a/13686-h/images/005a.jpg b/13686-h/images/005a.jpg
new file mode 100644
index 0000000..a4abd09
--- /dev/null
+++ b/13686-h/images/005a.jpg
Binary files differ
diff --git a/13686-h/images/008.png b/13686-h/images/008.png
new file mode 100644
index 0000000..6ab30ad
--- /dev/null
+++ b/13686-h/images/008.png
Binary files differ
diff --git a/13686-h/images/008a.jpg b/13686-h/images/008a.jpg
new file mode 100644
index 0000000..f5028fe
--- /dev/null
+++ b/13686-h/images/008a.jpg
Binary files differ