diff options
| author | Roger Frank <rfrank@pglaf.org> | 2025-10-15 04:42:42 -0700 |
|---|---|---|
| committer | Roger Frank <rfrank@pglaf.org> | 2025-10-15 04:42:42 -0700 |
| commit | f6971d75f84398988948555d12c69cbb2c52e255 (patch) | |
| tree | 3b4832c28d542f77350ffabe89c664a155b87a53 /13686-h | |
Diffstat (limited to '13686-h')
| -rw-r--r-- | 13686-h/13686-h.htm | 1608 | ||||
| -rw-r--r-- | 13686-h/images/005.png | bin | 0 -> 52962 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13686-h/images/005a.jpg | bin | 0 -> 30792 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13686-h/images/008.png | bin | 0 -> 35586 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13686-h/images/008a.jpg | bin | 0 -> 24325 bytes |
5 files changed, 1608 insertions, 0 deletions
diff --git a/13686-h/13686-h.htm b/13686-h/13686-h.htm new file mode 100644 index 0000000..e144a36 --- /dev/null +++ b/13686-h/13686-h.htm @@ -0,0 +1,1608 @@ +<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Transitional//EN" + "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd"> +<html xmlns="http://www.w3.org/1999/xhtml"> +<head> +<meta name="generator" content="HTML Tidy, see www.w3.org" /> +<meta http-equiv="Content-Type" +content="text/html; charset=UTF-8" /> +<title>The Project Gutenberg eBook of NANG BATA PA KAMI, by PURA L. +MEDRANO.</title> +<style type="text/css"> +/*<![CDATA[ XML blockout */ +<!-- + P { margin-top: .75em; + text-align: justify; + margin-bottom: .75em; + } + H1,H2,H3,H4,H5,H6 { + text-align: center; /* all headings centered */ + } + HR { width: 33%; + margin-top: 1em; + margin-bottom: 1em; + } + BODY{margin-left: 10%; + margin-right: 10%; + } + .linenum {position: absolute; top: auto; left: 4%;} /* poetry number */ + .note {margin-left: 2em; margin-right: 2em; margin-bottom: 1em;} /* footnote */ + .blkquot {margin-left: 4em; margin-right: 4em;} /* block indent */ + .pagenum {position: absolute; left: 92%; font-size: smaller; text-align: right;} /* page numbers */ + .sidenote {width: 20%; margin-bottom: 1em; margin-top: 1em; padding-left: 1em; font-size: smaller; float: right; clear: right;} + + .poem {margin-left:10%; margin-right:10%; text-align: left;} + .poem br {display: none;} + .poem .stanza {margin: 1em 0em 1em 0em;} + .poem span {display: block; margin: 0; padding-left: 3em; text-indent: -3em;} + .poem span.i2 {display: block; margin-left: 2em;} + .poem span.i4 {display: block; margin-left: 4em;} + .poem .caesura {vertical-align: -200%;} + // --> + /* XML end ]]>*/ + +</style> +</head> +<body> +<div>*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13686 ***</div> + +<pre> +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay +hindi na ginagamit.] +</pre> + +<br /> + + +<h2>PURA L. MEDRANO</h2> + +<br /> +<h1>NA~G BATA PA KAMI</h1> + +<br /> +<h3>PANGUNANG SALITA NI<br /> +Bb. Asuncion Palma</h3> + +<br /> +<h3>AT MGA KUROKURO NI<br /> +G. Ros Almario</h3> + +<br /> +<h4>AKLATANG BAYAN</h4> + +<br /> +<h4>I AKLAT<br /> +NG LUPON NG MGA PARALUMAN</h4> + +<br /> +<h3>1913</h3> + +<h4>Imprenta Sevilla Juan Luna 601, Tondo Manila.</h4> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="AKLATANG_BAYAN" name='AKLATANG_BAYAN'></a> +<h2>AKLATANG BAYAN</h2> + +<h2>MGA AKLAT SA LIMBANGAN</h2> + +Pura L. Medrano<br /> +EDENG II Bahagi n~g "NA~G BATA PA KAMI"<br /> +<br /> +Julian C. Balmaseda<br /> +SA BAYAN NI PLARIDEL (tula)<br /> +HIMIG SILAN~GAN (tula)<br /> +<br /> +Benito F. Urrutia<br /> +¿SINO A~G AMA KO? ¡PATAWAD!<br /> +BENY AT LILY<br /> +<br /> +Ros. Almario<br /> +NANG AKO'Y MAMATAY,<br /> +BAGONG PARI<br /> +<br /> +G. CHANCO<br /> +SA GITNA N~G LUSAK.<br /> +<br /> +<hr style='width: 65%;' /> +<h1>NA~G BATA PA KAMI</h1> + +<br /> +<h4>KATHA NI</h4> + +<h2>Pura L. Medrano</h2> + +<br /> +<h4>PANGUNANG SALITA NI</h4> +<h3>Bb. Asuncion Palma</h3> +<h4>AT<br /> +PANGWAKAS NI</h4> +<h3>Ros. Almario</h3> +<br /> +<h4>AKLATANG BAYAN.<br/> +I. AKLAT<br /> +<br /> +NG<br /> +<br /> +LUPON NG MGA PAKALUMAN</h4> + +<br /> +<h3>UNANG PAGKALIMBAG<br /> +<br /> +MAYNILA, 1913.</h3> + +<br /> +<h4>IMPRENTA SEVILLA<br /> +al lado del Puente de Jose Manila</h4> + +<br /> +<hr style='width: 65%;' /> +<h2>Talaan ng Nilalaman</h2> + +<br /> + + +<h3><a href='#LIHAM_SA_KUMATHA'><i>LIHAM SA KUMATHA</i></a></h3> + +<h3><a href='#I'>I. Mga Ala-ala ni Manuel Kay Edeng</a></h3> + +<h3><a href='#II'>II</a></h3> + +<h3><a href='#III'>III</a></h3> + +<h3><a href='#IV'>IV</a></h3> + +<h3><a href='#V'>V</a></h3> + +<h3><a href='#VI'>VI</a></h3> + +<h3><a href='#VII'>VII. Mga Ala-ala ni Edeng kay Manuel</a></h3> + +<h3><a href='#VIII'>VIII</a></h3> + +<h3><a href='#IX'>IX</a></h3> + +<h3><a href='#X'>X</a></h3> + +<h3><a href='#XI'>XI. Pangwakas</a></h3> + +<h3><a href='#Ilang_maralitang_kuro'><i>Ilang maralitang +kuro</i></a></h3> + +<h3><a href='#quotAKLATANG_BAYANquot'>"AKLATANG BAYAN"</a></h3> + +<hr style='width: 65%;' /> +<h1><a href="images/005.png"><img src="images/005a.jpg" border="0" +alt="Asuncion Palma" width="238" height="423" /></a></h1> + +<h4>Asuncion Palma</h4> + +<br /> +<br /> +<a id="LIHAM_SA_KUMATHA" name='LIHAM_SA_KUMATHA'></a> +<h2><b><i>LIHAM SA KUMATHA</i></b></h2> + +<br /> + + +<p>KAIBIGANG PURING;</p> + +<p>Ikaw ay nagkamali, oo, nagkamali kang lubha sa pagpili ng +maglalagay ng pang-unang salita sa iyong mahalagang aklat. Ako pa +naman ang napita mo, akong batid mong pahat na pahat tungkol sa +gawaing ito at bago pa lamang nakikisalamuha sa larangang ng +panulat. Kaya't nang sabihin mo sa aking ako ang ibig mong maglagay +ng pang-unang salita, ay nasabi ko sa sariling: "¿Kinukutya +kaya ako o binibiro lamang niya?" Kundi lamang kita nakikilalang +isang tapat na kaibigan, uliran sa pakikisama, at ako'y nananalig +na wala kang pusong sukat ipang-api sa akin ay pinatampuhan na sana +kita, sapagka't ¿sino ako upang siyang magbigay ng +pang-unang salita sa iyong aklat? ¿Anong ayos pa o ganda ang +maidaragdag ko sa iyong katha? Wala. Nguni't ang gawi hilig, kilos +at damdamin ng dalagang pilipina. Sa pagmamahal ni Edeng kay +Manuel, pagmamahal na binalot ng isang lihim na pag-ibig ay minsan +mo pang naipakilala ang isang pitak ng kaluluwa ng dalaga ng ating +bayan.</p> + +<p>Sa wakas ay ibig kong masabi sa iyo na, sa pagkakalathala ng +katha mong ito ay dalawang mahahalagang tagumpay ang iyong nakamit; +tagumpay ng iyong sarili sa iyong pagka manunulat at tagumpay ng +Aklatang Bayan sa pagka kasapi mo sa kanya.</p> + +<p>Bumabati at nakikikamay.</p> + +<br /> + + +<p>ASUNCION PALMA.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<h1><a href="images/008.png"><img src="images/008a.jpg" border="0" +alt="Pura L. Medrano" width="238" height="423" /></a></h1> + +<h4>Pura L. Medrano</h4> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="I" name='I'></a> +<h2>I</h2> + +<h2><i>MGA ALA-ALA NI MANUEL KAY EDENG.</i></h2> + +<br /> + + +<p>—¿...?</p> + +<p>—!...!</p> + +<p>—¿Hindi mo na naaalaala?</p> + +<p>Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo:</p> + +<p>Noo'y musmos pa tayo.</p> + +<p>Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay; +bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at +bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating +puso; nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang +tunay na pag-ibig.</p> + +<p>Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya +ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino +mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng +lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin.</p> + +<p>Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting +busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.</p> + +<p>Ako'y nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at +waring ako'y napa-angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung +bakit.</p> + +<p>¿Pag-ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? Kung +pag-ibig ay ¿paano ko maaalaman? At sakaling pag-ibig na +nga'y ¿ano ang maidudulot sa aking buhay? Ang sunod sunod +kong tanong sa sarili.</p> + +<p>Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang +kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at +hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At +... ¿naaalaala mo ba ang ating pinagusapan?</p> + +<p>Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan. Datapwa't nang +tayo'y maghiwalay, nang ako'y pauwi na sa amin, ang puso ko'y +naligalig at naramdaman kong may bagong damdaming tumubo sa lalong +pinakalihim niyang pitak.</p> + +<p>Buhat noon, saan mang dako ako mapatungo ay waring ikaw ang +aking nakikita, at sa lahat ng akin gawain, sa pag-aaral, sa +paglalaro, ay ikaw ang laging sumasaisip ko.</p> + +<p>Kung gabi at ako'y nahihilig na sa hihigan, sa piling ng +minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga +mata ko'y gising din ang aking diwa.</p> + +<p>At ilan pang araw na gayon ang aking dinanas.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="II" name='II'></a> +<h2>II</h2> + +<br /> + + +<p>Kami ng Nanay ko'y naparoon sa lalawigan ng hindi ako +nakapagpaalam sa iyo.</p> + +<p>Sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati. +Hindi pa kami dumadating sa aming paparoonan ay ninais ko nang +magbalik; nguni't kami'y nasa laot na, at dahil dito ano pa ang +aking gagawin kundi ang magtiis. At nagtiis nga ako't nasabi ko +tuloy sa aking sariling: "kay hirap pala nang malayo sa minamahal" +Oo, mahirap nga. At sukat bang pati ng malamig na simoy ng dagat na +dati kong kinawiwililihang sagapin ay kayamutan ko!</p> + +<p>Makailang araw, kami'y nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na +hindi mo namalayan, at buhat sa "azotea" ng aming bahay ay natanaw +kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata.</p> + +<p>Noo'y gabing maliwanag ang buwan at kayo'y nasa inyong +bakuran.</p> + +<p>Agad kitang pinaroonan. At nang ako'y iyong matanaw ay huminto +ka sa iyong paglalaro, humiwalay ka sa mga kasama, dalidali kang +naupo sa isang nakaalimbutod na ugat ng kahoy at saka +nangalumbaba.</p> + +<p>Naalaala ko ang aking pag alis ng walang paalam, at sisikdosikdo +ang loob kong lumapit sa iyo.</p> + +<p>Tumindig ka't tila hindi mo na ako ibig kausapin; at anyo kang +aalis, nguni't napigilan kita at nang titigan ko ang mukha mo'y +nabanaagan kong dumadaloy sa binurok mong pisngi ang luhang buhat +sa iyong pusong naghihinanakit.</p> + +<p>Ipinatalastas ko sa iyo na ang aming pagalis ay biglaan at ang +aking pagsama'y sa kaibigan ng tatay ko na ang aking ina'y huwag +mag-isa sa paglalayag. At palibhasa'y nahalata kong ayaw kang +maniwala, ay isinamo kong ako'y iyong patawarin.</p> + +<p>Sa aking pagmamakaawa'y nahabag ka. Pinaupo mo ako sa iyong tabi +at matagal tayong nagusap.</p> + +<p>—¿Pinatatawad mo ba ako?—ang una at kiming +tanong ko sa iyo.</p> + +<p>—Mamaya mo malalaman—ang tugon mo.</p> + +<p>—Ayoko ng mamaya pa—ang malambing na ulit ko.</p> + +<p>—Oo, pinatatawad kita—ang pangiting salo mo +naman.</p> + +<p>At ako'y natuwa nang gaya ng dati.</p> + +<p>Nang gabing iyon ay marami kang sinabi sa akin gayon din ako sa +iyo at kung hindi tayo pinagtuksuhanan ng ating mga kaibigang +napatigil sa paglalaro ng tubigan ay hindi pa tayo magkakatapos sa +paguusap sapagka't para tayong mga pinagpalang nagpapasasa sa +biyayang hulog ng langit. ¿Hindi ba Edeng?...</p> + +<p>At nagalit ka sa nagsipanukso sa atin, kaya't bubulongbulong +kang nakyat at ako nama'y maligayang umuwi sa amin.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="III" name='III'></a> +<h2>III</h2> + +<br /> + + +<p>Kinabukasan.</p> + +<p>Pagbabangon ko sa hihigan, ay una kong tinanaw ang durungawan ng +iyong silid. Nakabukas ang isang dahon at nakita kong bihis ka +na.</p> + +<p>Noo'y mag-iikapito na ng umaga, oras ng pagpapasukan sa +paaralan.</p> + +<p>Sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong +bahay na dala mo ang iyong mga aklat.</p> + +<p>Dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita +hanggang makarating ka sa paaralan. Sa tanghali'y binantayan kita +sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan.</p> + +<p>Gumabi.</p> + +<p>Maliwanag din ang buwan.</p> + +<p>Ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga +kababatang kalapit-bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay +sinimulan ang laro. Ngayo'y patintero, mamaya'y takip-silim at bala +nang maisip.</p> + +<p>Ako'y nanaog upang makihalo sa inyo; nguni't nang naroon na +ako't hanapin, kita, ay wala ka.</p> + +<p>Kumaba na naman ang dibdib ko at aking isinaloob na ikaw ay +nagtatampo pa sa akin, at dahil dito ay naitanong ko sa isang kapwa +bata kung saan ka naroon.</p> + +<p>—¡Hayún ay ... ayaw maglaro!—ang tugon +sa akin.</p> + +<p>Ako'y lumingon at nakita, kitang nakaupo sa hagdan ng inyong +"azotea".</p> + +<p>Linapitan kita't aniko'y:</p> + +<p>—¿Bakit ka nakaupo diyan?</p> + +<p>—Mangyari'y hinihintay kita—ang waring may lambing +na sagot mo.</p> + +<p>—¿Ayaw ka bang maglaro?-ang ulit ko na wala nang +pangambang may hinampo ka pa sa akin.</p> + +<p>—Maglalaro ako kung kasali ka—ang may ngiti mong +salo.</p> + +<p>—¡Naku!—ang pakunwa ko naman.</p> + +<p>—Oo,—ang mariin mong agaw na parang ibig mo nang +maghinanakit, kaya't sinagot kitang agad:</p> + +<p>—Sa totoo man ó hindi ang sinabi mo, ay dapat mong +malaman, na kung kaya ako naparitong maglaro ay dahil lamang sa +iyo.</p> + +<p>Tinitigan mo ako bago ka ngumiti ng ngiting may kasiyahang +loob.</p> + +<p>Tinawagan natin ang mga kasama at tayo'y tumayong pabilog at +pagdaka'y sinimulan mo ang "Pepe-serepe" at....</p> + +<p>¡Kay, pilya, pilya mo! sinadya mo pang ako ang mataya.</p> + +<p>Pagkatapos ay nagtakbuhan kayong ako ang inyong kasunod.</p> + +<p>Aywan kung bakit, at noo'y wala akong abutan sa inyo: kay +tutulin ninyong tumakbo, para kayong mga ibon.</p> + +<p>Sa ikatlong inanduyan ay nahapo ako at....</p> + +<p>—Batugan, batugan—ang sigawan ninyong lahat.</p> + +<p>Ako'y napahiya.</p> + +<p>Naawa ka sa akin, at binulungan mo ako ng:</p> + +<p>—"May mahuhuli ka na ngayon"—at saka patakbo kang +lumayo. Nguni't ilang hakbang lamang ay tumigil ka na at hindi pa +mandin kita nahahawakan ay sumigaw ka:</p> + +<p>—"Nahuli ako, nahuli ako"—at idinugtong mo pa ng +marahan ang ganito:—"Kaawaawa ka naman, tutubusin kita't +pagod na pagod ka na".</p> + +<p>Oo, patangpata na nga ako; danga't kasali ka, kundi'y umuwi na +sana ako sa ikalawang takbuhan pa lamang.</p> + +<p>Ang ating laro'y natapos ng gabing iyon, sapagka't sa nagsisunod +na gabi'y panay na salitaan ang ating ginawa. Nguni't ¿ano +ang ating napagusapan? ¿Panay pang kamusmusan na gaya ng mga +unang araw?</p> + +<p>Hindi na.</p> + +<p>¿Nagkatalastasan na kaya tayo ng itinitibok ng ating +puso?</p> + +<p>¡Aywan! datapwa't buhat noon ay unti-unti na tayong lumayo +sa, ating mga kababata, sapagka't palagi tayong pinagtututukso.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="IV" name='IV'></a> +<h2>IV</h2> + +<br /> + + +<p>Ang patintero, ang takip-silim at iba pang laro na +napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin +muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat +sa bulwagan ng inyong tahanan.</p> + +<p>At isang gabi na kayo ng mga tatay mo'y nagpasiyal sa Sta. Cruz +ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan.</p> + +<p>Noo'y del Pilar. Maraming tao, maraming marami. Ang mga periya'y +nagsisikip sa nagsisipag baka-sakaling sa pagtaya sa iba't ibang +sapalaran ay makatama ng relos, mañika at iba pa.</p> + +<p>Sa liwasan ni Goiti, sa harap ng simbahan at ibang lansangan ay +langkay langkay na nagsisipaglakad ang mga kawal ng pag-ibig, at +ang mga binatang kaagapay ng mga binibini'y bubulong bulong na +animo'y mga bubuyog kung dumadapo sa mababangong bulaklak.</p> + +<p>Nakita ko nga kayo sa harap ng simbahan: ang tatay mo'y mayroong +kausap at ikaw nama'y nagmamasid sa mga taong naglalakad.</p> + +<p>At baga man ako'y papauwi na, ay hindi ako nagtuloy, linapitan +ko kayo at matapos akong magpugay sa iyong mga magulang ay tinanong +kita ng marahan:</p> + +<p>—¿Kanina pa ba kayo rito?</p> + +<p>—Oo,—ang sagot mo.</p> + +<p>—¿Bakit ngayon ko lamang kayo nakita?—ang +ulit ko.</p> + +<p>—Mangyari'y hindi mo kami hinahanap—ang parang may +tampo mong pakli.</p> + +<p>¿Paano ko kayong hahanapin—ang salo ko +naman—sa hindi ko naaalamang paparito kayo?</p> + +<p>Ang tatay mo'y nagyayang makinig ng serenata. Tayo'y tumungo sa +kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari-saring opera at nang +tayo'y naroon na'y bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa +tapat ng La Perla.</p> + +<p>Inalok ko ang mga tatay mo't pagkatapos ay nilapitang kita, +at:</p> + +<p>—Ayoko—ang iyong pauna.</p> + +<p>—¿Bakit, ayaw ka ba nito? ¿ano ang iyong +ibig—ang malambing kong tanong sa iyo.</p> + +<p>—Wala—ang iwas mo.</p> + +<p>—¡Wala raw!—ang salo ko naman.</p> + +<p>—Wala nga—ang patibay mong mali.</p> + +<p>—¡Naku, ikaw naman! ¿Ano lamang eh? Sabi na, +hale, sabi na.—ang magiliw kong samo.</p> + +<p>—Kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at +masarap din sa akin—ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno +ng saya.</p> + +<p>At muli akong lumapit sa magmamane. Pumili ako sa isang bilao ng +dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa.</p> + +<p>—Iyan, iyan ang masarap—ang bigkas mong sabay sa +pagtanggap ng mansanas.</p> + +<p>—¿Totoo nga ba?—ang tanong ko naman.</p> + +<p>—Oo, sapagka't hindi ka bibili ng hindi masarap at ang +masarap sa iyo ay masarap din sa akin.</p> + +<p>Katatapos mo pa lamang mag-salita'y siya namang pagpaparinig ng +banda ng isang mainam na opera.</p> + +<p>Habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa +sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at +naalaala kong yao'y ang "Sandugong Panaginip".</p> + +<p>—Hindi mo ba naaalaala ang tugtuging iyan?—ang +tanong ko sa iyo.</p> + +<p>—¿Hindi ba iyan ang "Sandugo"?—ang balik mo +naman sa akin.</p> + +<p>—Iyan nga—ang masaya kong pakli—at +¿hindi kaya natin sapitin ang naging hangga ng pagiibigan ni +Tarik at ni Bitwin?</p> + +<p>Hindi ka nakakibo, parang naumid ang iyong dila't namutla ka, +sapagka't salitang pagiibigan ang iyong napakinggan sa aking bibig +na tila baga tayo'y mayroon nang salitaan.</p> + +<p>Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa +aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na +pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento +ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming +tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa +iyo kung yao'y pag-ibig na.</p> + +<p>Palibhasa'y hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag-sabing +PAGIBIG na nga at idinugtong ko pang "INIIBIG KITA".</p> + +<p>Makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. Ang masasaya mong +ngiti'y bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga +paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga +sinasabi; subali't nahalata kong nagtatampo ka't nalulumbay pa pag +hindi kita nadadalao.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="V" name='V'></a> +<h2>V</h2> + +<br /> + + +<p>Baga ma't ang masasaya mong ngiti'y iyong ipinagkait sa akin, ay +maligaya rin ako; oo, maligaya rin ako sapagka't nahalata kong +tumutugon ka sa tibok ng aking puso. Nguni't ang aking kaligayahan +ay naparam na animo'y aso sa bahagiang simoy ng hangin, sapagka't +nalipat kami ng bahay at may nagsabi sa amin ng ako'y palaging +nakakagalitan ng aking guro sa dahilan daw na ako'y madalas na +hindi makalisyon, at, sukat bang ang tatay ko'y maniwala at +ipinagbawal pa sa akin ang pagpapasyal...?</p> + +<p>¡Oh! anong lungkot ko noon!... Kung nakilala ko ang +dalahirang naghatid sa amin ng balitang iyon ay ... aywan: marahil +ay inaway ko; oo, pagka't ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa +akin ang kainitan ng ulo.</p> + +<p>Ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'y hindi naman nag-tagal; +ilang linggo lamang at ako'y pinahintulutan nang makapagpasyal na +gaya ng dati.</p> + +<p>Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't +¡naku! hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang +walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa +bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na +pintuan ang isang papel na kinababasahan ng SE ALQUILA.</p> + +<p>Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang +nakapagsabi kung saan kayo nalipat. Ako'y bumalik sa amin at +itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira.</p> + +<p>—Aywan ko—aniya—nagsi-alis ng hindi man lamang +nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan +ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario.</p> + +<p>Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap +sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko +maalaman kung saan kita susulatan.</p> + +<p>At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa +isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man +dalhin ng alon.</p> + +<p>At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis. +Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na +nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking +dinaramdam.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Madalas ba rito ngayon at noon mo pang araw +nakikilala?...</p> + +<p>Ang binatang iya'y isa sa mabubuti kong kaibigan, siya ang +umaliw sa akin at dahil sa kanya'y nagbawas ang aking pamimighati. +Datapwa't hindi nagbago ang aking pag-ibig sa iyo at bagkus pang +lumago at sa twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa +akong nagsusumigasig sa pag-aaral sapagka't hindi nawalay sa akin +ang paguusap na tayo'y magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang +aking napagaralan.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="VI" name='VI'></a> +<h2>VI</h2> + +<br /> + + +<p>Mahabang panahon ang dumaan.</p> + +<p>At isang gabing ako'y naglalakad sa daang Azcarraga ay nabasa ko +sa isang anunsiyong naka-dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng +ilaw sa lansangan, na ang pelikulang VIVIR PARA AMAR ay itatanghal +sa Dulaang Zorrilla.</p> + +<p>Ako'y napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito:</p> + +<p>"VIVIR PARA AMAR" ¿Mabuhay upang umibig? ¡Oh ...! +Panonoorin ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot +kong kabuhayan sa pag-ibig.</p> + +<p>At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo +kong pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos +pelikulang "VIVIR PARA AMAR".</p> + +<p>Ang mga ilaw ay nagliwanag. Ang mga mata ko'y aking pinagala sa +loob ng dulaan, at ¡oh, anong pagkakataon! Sa palkong +kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng +himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung +sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong +kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa +aking gunita ang nakaraang panahon.</p> + +<p>Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?...</p> + +<p>Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa +ibang salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay.</p> + +<p>Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama +ang ating mga mata.</p> + +<p>¡Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! Ang madilim +kong hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong +landas na patungo sa kaluwalhatian ng aking pag-ibig.</p> + +<p>—Maligaya na ako, maligaya na ako—ang bulong ko sa +aking sarili—maligaya na ako pagka't siya'y nakita kong muli. +Bukas, bukas na bukas ay paparoon ako sa kanyang bahay at sasabihin +ko ang lahat ng hirap na aking tinitiis. Siya'y malulungkot, +nguni't masasayahan agad pag sinabi kong naparam na ang lahat, +pagka't ang ligaya ko'y ligaya rin niya.</p> + +<p>Nguni't saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng +dusa; oo, sapagka't napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'y isang +lalaking balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig ... +¡Anong lungkot ng dumalaw sa aking kaluluwa ...! Ang +mahahayap na palaso ng panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay +sunodsunod na tumimo sa aking puso at dahil dito'y sinumpa ko ang +muli kong pagkakita sa iyo.</p> + +<p>Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong +nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa +pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko +nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling +kang lalaki sa inyong palko.</p> + +<p>—¿Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa +sarili—¿Kanya kayang asawa? ¿kanya kayang +katipan ó isang kaibigan lamang?</p> + +<p>Ang mga ilaw ay muling nagliwanag. Nilingon kita sa inyong palko +na parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng +parusa.</p> + +<p>Sa paglingon kong ito'y muling nagtama ang ating mga mata at sa +iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin.</p> + +<p>Noon di'y lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban +sa akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta +sa akin dahil sa ikaw ay mayroon nang asawa ó katipan: +datapwa't ako'y namali sapagka't matapos tayong magkamay ay +ipinakilala mo sa akin ang kapiling mong lalaki at noong ko natalos +na asawa pala ng kapatid inong matanda, at pinagsisihan ko ang +pagkakaroon ng maling hinala sa titig mong puno ng lugod.</p> + +<p>Makailang sandali'y nanariwa sa aking alaala ang mga nakaraang +panahon. Ibig ko na sanang noo'y itanong sa iyo kung ang aking mga +hirap na tinitiis ay gagantihin mo ng walang hanggang kaligayahan, +pagka't ibig kong noon di'y matalos kung ako'y mayroon pang pag-asa +at kung maipagpapatuloy ko ang aking naipahayag sa iyo noóng +tayo'y nakikinig ng serenata sa harap ng simbahan ng Sta. Cruz ... +nguni't ako'y nagpigil alangalang sa iyong mga kasama.</p> + +<p>Natapos ang palabas sa Cine.</p> + +<p>Inihatid ko kayo hangang sumapit sa inyong tahanan at bago tayo +naghiwalay ay nangako akong babalik kinabukasan.</p> + +<p>Ng gabing yao'y hindi ako nakatulog boong magdamag at sa +pag-asam ko ng bukas ay napagn~gitn~gitan ko ang aming orasan, +sapagka't matay ko mang nasain~g magtumulin sa kanyang pagtakbo'y +hindi nagbabago at para pang ako'y hinahamon sapagka't mapatayo +ako't mapahiga'y napapakinggan ko ang nakamumuhi niyang +tik-tak.</p> + +<p>Sa pagn~gin~gitn~git ko ay walang nangyari at nagtagumpay din +ang hindi mababagong lakad ng panahon.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Umaga.</p> + +<p>Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang +ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung +dalawin kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako +pagtalikod ko, kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko +ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Gabi.</p> + +<p>Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina. Pinaharap ka sa akin ng +iyong kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. At +buhat noo'y tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo +nagkita, tatlong buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag +pa sa dati ko nang tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng +aking ama.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Oo; kumulang humigit sa dalawang buwan. Nguni't isinulat +ko sa iyo nang siya'y mamatay, ¿bakit hindi mo +naaalaman?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>¡Ah! Kaya pala ni ang sulat na padala ko sa iyo nang ako'y +lumulan sa bapor na patungo sa bayan niyang kinamatayan ay hindi +nagkaroon ng sagot, ay naparoon kayo sa Silangan. Datapwa't bayaan +na natin ang kanyang pagkamatay at ibaling natin sa dati ang +salitaan:</p> + +<p>¿Naaalaala mo na ba ngayon, Edeng, ang mga araw na dumaan +ng ating kabataan? ¿Ang puso mo ba'y gaya rin ng dati na may +kalayaan sa pagtanggap ng pag-ibig? At ¿maitutuloy ko ba ang +ipinahayag ko sa iyo noong tayo'y nakikinig ng serenata sa tapat ng +simbahan ng Sta. Cruz?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Bukas mo na ako sasagutin? ¿Baka hindi?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Aasahan ko</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="VII" name='VII'></a> +<h2>VII</h2> + +<h2><i>MGA ALA-ALA NI EDENG KAY MANUEL.</i></h2> + +<br /> + + +<p>—Manuel, salamat sa pagpa-paalaala mo't nanariwa sa aking +gunita ang ating kahapon: ang maligaya nating kahapon.</p> + +<p>Naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw +ay naligo tayo sa dagat. Marami tayo, kasama natin pati mga pinsan +kong babae na kababata rin natin.</p> + +<p>Noo'y palaki ang tubig, ang pulo'y hindi natatanaw at upang +marating natin nang walang sagabal ay nanghiram tayo ng isang +malaking bangkang lunday.</p> + +<p>—Sa bangka'y masaya tayong lahat, lalong lalo na ikaw at +habang tayo'y nagpapaligid-ligid sa may pulo sa paghanap ng lugar +na mababaw, ay itinuturó mo sa akin ang mga ibong +nagliliparan sa kalawakan at ang mga isdang tulad nating malalaya't +masasayang naglulundagan sa ibabaw ng tubig.</p> + +<p>¡Kay saya saya natin! nguni't walang ano ano'y tumaob ang +bangka; ikaw ay nagulat at kaming mga babae'y napatili ng malakas +at makasandali'y naghalakhakan ang iba nating mga kasama. Ikaw ay +nayamot sapagka't nahalata mong sinadya nila ang pagtataob ng +bangka upang tayo'y pagalitin.</p> + +<p>Ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang +saglit, ang mga babae'y nagsamasama't ang mga lalaki nama'y +nagtulong-tulong sa paglimas ng bangka; datapwa't ikaw ay hindi +kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa.</p> + +<p>Matapos nilang limasin ang bangka ay sila'y nagsipaglanguyan at +kaming mga babae'y nagtimbulan at ikaw ay nagpakunwaring marunong +lumangoy ng hampas tikin; datapwa't naino naming nakasayad ang +iyong mga paa, at dahil dito'y pinagtuksuhanan ka't pinagsabuyanan +ka namin ng tubig.</p> + +<p>Nang may kalahati ng oras na tayo'y naliligo, ang mga pinsan +ko'y nagyayang umahon.</p> + +<p>Tayo'y lumulan sa bangka; n~guni't hindi ang pangpang ang ating +tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'y nalalapit na sa +baklaran ay nanginig ka; <i>buhat sa ulo hanggang paa</i>, sa takot +mong baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong +nalalaman.</p> + +<p>—Ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo.—Ang +sabay halos na sigawan ng ating mga kasama.</p> + +<p>—¡Ina ko! ang sigaw mong halos +paiyak—¡Ina ko, ayoko, huwag!</p> + +<p>Palibhasa'y patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay +nagsabi ka ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy.</p> + +<p>Makaraan ang ilang saglit ay nagyaya akong umuwi upang huwag +malubos ang sa iyo'y pagtakot nila. At nang tayo'y nasa pampang +na'y ibinalita sa atin ng isa ninyong alila na ang tatay mo'y +nagagalit sa iyo.</p> + +<p>Ikaw ay namutla pagka't ipinagbabawal sa iyo ang paliligo sa +dagat ay sumama ka pa sa amin.</p> + +<p>Sa inanyo mong kalunuslunos ay nahabag ako at nawika ko sa +sarili:</p> + +<p>"Kaawaawa naman, nagtiis na ng takot sa gitna ng dagat ay +makakagalitan pa" At nang tayo'y papauwi na, ay sinabi ko sa +iyong:</p> + +<p>—Huwag ka nang maliligo sa dagat, sapagka't ipinagbabawal +pala sa iyo ng iyong tatay.</p> + +<p>—Oo, kung hindi ka na rin maliligo—ang sagot mo.</p> + +<p>—Aba—ang salo ko naman—¿maaari bang +huwag akong maligo sa ako'y may sakit at ang pagpaligo sa dagat ay +nakagagaling sa akin?</p> + +<p>—A, sa makatwid ay maliligo rin ako.</p> + +<p>—Huwag, sundin mo ang iyong tatay.</p> + +<p>—Oo, susundin ko siya kung sa inyong bahay ka +maliligo.</p> + +<p>—¿Bakit,—ayaw ka bang gumaling ako?</p> + +<p>—¿Bakit ayaw?</p> + +<p>—Gayon pala'y....</p> + +<p>—Gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. Pagkatapos +ko ng "segunda enseñanza" ay magaaral ako ng "medicina" at +ako ang magpapagaling sa iyo.</p> + +<p>At samantala'y dumating tayo sa harap ng ating bahay. Ikaw ay +nagtuloy sa inyo at ako nama'y sa amin. Ikaw ay sinalubong ng galit +ng iyong tatay at ako nama'y ng maligayang ngiti ng minamahal kong +ina.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="VIII" name='VIII'></a> +<h2>VIII</h2> + +<br /> + + +<p>Buwan ng Mayo.</p> + +<p>Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at +ikaw nama'y labing apat.</p> + +<p>Ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo +nakikipaglaro ng tubigan ni takip-silim; hindi na tayo nagbibiruan +at para tayong matatandang <i>formal</i> na <i>formal</i> kung +mag-usap; datapwa't batang isip pa rin tayo, kaya't ang ating +napauusapan ay panay na kamusmusan.</p> + +<p>Sa boong Maynila nang mga araw na yaon ay nagsalabat ang Santa +Cruz de Mayo at sa gawing kaliwa ng bahay na aming tinirhan ay may +isang <i>lutrinang</i> hari ng gulo sapagka't panay na mga batang +lansangan ang nagsisiilaw, nguni't nang mga huling gabi, sa dakong +pagtatapos ay lumalaki at humuhusay sapagka't pinakialaman na ng +matatanda at nagpalaluan pa ang mga "Hermano Mayor."</p> + +<p>Nang huling araw ng pagdiriwang sa Santa Cruz de Mayong yaon ay +may namanhik sa aking tatay na ako'y maging <i>Reina Elena</i>. Ang +tatay ko'y pumayag at kinagabihan, ang aming bakuran ay napuno sa +mga batang manonood ng <i>lutrina</i>.</p> + +<p>Nang hapon ng araw na yaon ay masayang masaya ang ating daan; +tatlong banda ng musika ang nagtutugtugan sa harap ng bahay ng +"Hermano Mayor" na hindi rin nalalayo sa ating tinitirhan.</p> + +<p>Nang tumugtog ang ika anim; ang "Reina Sentenciada" ang "Haring +Constantino", ang mga <i>sagala't</i> iba pa, ay isa isang sinundo +ng tatlong bandang musica at ako ang ipinagpahuli sa lahat. Nguni't +ako'y nagulat nang makita kong ikaw ang "Haring Constantino."</p> + +<p>—Oy—ang bati ko sa iyo—¿bakit ikaw ang +<i>Hari</i>?</p> + +<p>—Mangyari'y ikaw ang <i>Raina</i>—ang sagot mo +naman.</p> + +<p>At tayo'y sandaling nagngitian, bago natin tinungo ang bahay ng +"Hermano Mayor" at di naglao'y inilabas ang prusisyon.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Kay daming taong nanonood. Lahat ay humahanga sa naggagandahang +mga sagala. Sa karamihin ng tao'y may ilang nanunumpit ng pabango +na parang nasisiyahang kung may sagalang tinatamaan sa mata.</p> + +<p>Ikaw ay galit na galit nang mga sandaling iyon.</p> + +<p>—Pag ikaw ang sinumpitang bulong mo sa akin—ay +pagtatatagain ko sila.</p> + +<p>—Huwag—ang salo ko naman—huwag at baka ka nila +pagtulungtulungan.</p> + +<p>—Pag may tangan akong sable'y magsampu man sila'y hindi +ako matatakot.</p> + +<p>Bahagya mo pa lamang katatapos na mangusap ay siyang pagtama sa +aking mata nang hindi ko na naaalaala ngayon kung tubig ó +pabango na aking ikinapatili ng malakas at ako'y napapikit sa +hapdi, Makailang sandali'y dumilat ako at ang una kong nakita'y +ikaw na anyong mananaga.</p> + +<p>—Manuel—ang sigaw ko—pabayaan mo sila.</p> + +<p>Ako'y pinakinggan mo at nang humarap ka sa akin ay walang +pinag-iwan sa isang haring maawain ang tingin ko sa iyo at nang +ako'y lapitan mo ay binulungan kita ng gayari:</p> + +<p>—Kamukhang-kamukha ka ng haring Constantino.</p> + +<p>—¡Naku! nanunuya ka pa, ah.</p> + +<p>—Sumama ka sa amin mamaya at ipakikila ko sa iyo ang +larawang ibinigay sa akin ng amain kong pari.</p> + +<p>—Sasama ako.</p> + +<p>—Iyong makikita.</p> + +<p>—¿Baka hindi?</p> + +<p>—Oo, ipakikita ko sa iyo.</p> + +<p>At isang oras pa ang dumaan bago ipinasok ang prusisyon.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Nang gabing yaon ay hindi ko naipakita, sa iyo ang larawan, +sapagka't nang ipasok ang prusisyon ay dinala pa tayo sa bahay ng +"Hermano Mayor" at doon ko naalaman na ikaw pala ang humiling upang +gawing kang Haring Constantino.</p> + +<p>—"Presentado, alsado"—ang biro ko sa iyo.</p> + +<p>—Nagprisinta nga ako pagka't ikaw ang Elena at ibig kong +mapanood ng mga tao na tayo'y mga <i>hari</i> kahi't na sa Santa +Cruz de Mayo lamang.</p> + +<p>—Hambog—ang biro ko pa.</p> + +<p>Hindi ka nakasagot sapagka't inanyayahan tayong maghapunan ng +"Hermano Mayor" at para pang sinadya na tayo'y pinagtapat ng upo, +kaya't habang tayo'y naghahapunan ay kung makailan kong maino na +nangungunot ang iyong noo.</p> + +<p>Pagkatapos ng hapunan ay pinanood natin ang pagaagawan sa bitin +at matigas kong katatawa, sapagka't sa gitna ng balag ay may isang +malaking palayok na nakabitin at ang akala ng lahat ay matamis +lamang ang laman datapwa't nang malaglag at pagdumugan ng mga +bata'y naghalakhakan ang nagsipagbitin ng palayok na iyon at +makailang sandali'y naghiwa hiwalay ang nagsisipag-agawan: may +patakbong lumalayo, may nagkukusot ng katawan at may naglululundag +na animo'y nagsasayaw sa pagka't ang palayok palang iyon, bago +ibinitin, ay maghapon munang inilagay sa langgaman.</p> + +<p>Matapos ang agawan ay umuwi tayo, datapwa't hindi ka nananhik sa +aming bahay pagka't malapit nang tumugtog ang ika sampu at +ibinulong mo na lamang sa akin na ipakita ko sa iyo ang larawan +pagbalik mo sa susunod na gabi.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="IX" name='IX'></a> +<h2>IX</h2> + +<br /> + + +<p>Hinggil sa aming pagparoon sa lalawigan ay naaalaala ko na aking +isinulat sa iyo, aywan lamang kung ang liham ko'y dumating sa iyong +mga kamay ó kinusa mo ang hindi pagtugon, sapagka't +<i>namuti</i> ang mga mata ko sa kaaantay ng iyong sagot.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Hindi mo tinanggap? Marahil; datapwa't huwag mong +sabihing hindi mo naalaman kung saang lalawigan kami naparoon +sapagka't ang iyong tatay ay nakapaghatid pa sa amin hanggang sa +sasakyan. Hindi maaaring hindi nasabi sa iyo, oo; hinding +hindi.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Hindi raw!... ¡Nakapagtataka! ¿Diyata't +hindi man lamang nabanggit ng tatay mo ang bayan naming pinaroonan? +¿Diyata't hindi nasabi sa iyo, ni sa nanay mo?</p> + +<p>Oh! Hindi nga marahil! Oo: sapagka't malapit, na ang akala ng +iyong ama'y ako lamang ang kinagigiliwan mo ng mga araw na yaon at +inalala niya marahil na masisira ang iyong pag-aaral ó +susunod ka sa amin kung ipabatid sa iyo ang pinaroonan naming +lalawigan.</p> + +<p>Nguni't siya'y namali, kung gayon ang kanyang paniwala, +sapagka't ipinatalastas man sa iyo ay hindi ka aalis ng Maynila, ni +hindi masisira ang iyong pag-aaral dahil sa naiwan dito ang iyong +langit, ang paraluman ng iyong gunita ... Huwag kang magkaila, +huwag; mayroon akong katunayan....</p> + +<p>Sinabi mo na may nagbalita sa iyong tatay na palagi kang +nakakagalitan ng iyong mga guro sa dahilang malimit kang hindi +makalisyon at dahil sa balitang iyon ay ipinagbawal niya sa iyo ang +pagpapasiyal kaya't napaalis kami ng hindi mo naaalaman.</p> + +<p>¿Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging +dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? ¿Hindi kaya totoo +ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa +iyo?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan +na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong +huli.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa +akin? Sasabihin ko sa iyo:</p> + +<p>Nang kayo'y may tatlong araw nang nakalilipat sa ibang bahay ay +may nagsadya sa amin na isang binatang balingkinitan ang katawan, +mataas, malago ang buhok, matangos ang ilong at matingkad pa sa +kayumangging kaligatan kulay at siyang nagsabi sa akin na si Enchay +daw at ikaw ay nagmamahalan. Ako'y nagalit mandin at waring pati +niya'y kinayamutan ko.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>Aywan, hindi ko masabi kung nagalit nga ako at kung ako'y +nagalit ay hindi ko masasabi ang dahilan, sapagka't nang mga araw +na yao'y musmos pa ako at ang mga musmos ay madaling magalit at +madali namang matawa. Makailang araw ay muli akong nakabalita na +kayo nga ni Enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos +sapagka't may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'y +hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'y naghahanda +ng paglalakbay sa Batangan.</p> + +<p>Ang sulat ko'y hindi mo sinagot hanggang kami'y lumulan sa +sasakyan, at iyo'y isang katunayan pa na talagang ako'y wala nang +kabuluhan sa iyo ng mga araw na iyon.</p> + +<p>Ang lungkot ko'y gayon na lamang, at lalong lalo na nang kami'y +naglalayag, sapagka't nagunita kong sa lalawiga'y walang kasayahang +gaya sa Maynila. Dito'y panay na kaligayahan ang aking naranasan; +subali't doo'y panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw +at gabi.</p> + +<p>Ako nga'y malungkot at napatulo pa ang aking luha. +¿Nguni't naroroon na'y ano pa ang aking gagawin!? ¡at +mayroon man ay wala nang mangyayari!</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Dumating kami sa Batangan.</p> + +<p>Mahusay ang Panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang +amihan.</p> + +<p>Noo'y linggo ng umaga at sa pantalan pa lamang ay sinalubong na +kami ng aming mga kamaganak na doon nananahanan at kami'y dinala sa +bahay ni G.X. na may dalawang anak na dalaga at kinagabiha'y +hinarana kami ng mga binatang tagaroon at gayon din sa nagsisunod +na gabi.</p> + +<p>Ang lungkot kong nagsimula nang kami pa'y naglalayag ay naparam +at nasabi kong "masaya rin pala sa lalawigan".</p> + +<p>Datapwa't hindi naglaon ang aking kasayahan. Kami'y lumipat sa +bukid dahil sa damdam ng aking ama at noon na na nagsimula ang +pagkaulila ko sa lahat ng bagay at ang pagdama ko ng tunay na lagim +sa buhay.</p> + +<p>Naroon na'y ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! At nagtiis +nga ako. Datapwa't nang may apat na buwan na kami roo'y inisip ng +tatay ko ang kami'y bumalik sa bayan sa pagka't siya'y magaling na +sa kanyang sakit at nagpapalakas na lamang.</p> + +<p>Nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'y lumigaya +at nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng +kaginhawahan. Sa bayan, ¡oh, sa bayan! nororoon ang ligaya, +doo'y masayang lahat ang tao; nguni't dito dito sa bukid ay bihira +ang tao mong makikita na hindi dumadaing sa sungit ng palad na +nagtataboy sa kanila sa kabundukan upang doo'y humanap ng +ikabubuhay at sa gabi ay wala kang mapapakinggan kundi huni lamang +ng libo-libong kulilig.</p> + +<p>Makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid.</p> + +<p>Sa baya'y nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang +kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'y maari ding +mabuhay na gaya ng kabuhayan sa Maynila at higit pa, sapagka't +bihira ang gabing walang harana, at madalas ang <i>buencomer</i> sa +tabi ng ilog ó kaya'y sa palayan.</p> + +<p>Nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang +sulat. Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang +tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon +pala'y kay Enchay, upang ipagbigay—alam sa akin na kayo'y +magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral.</p> + +<p>¿Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? +¿Pinasasakitan kaya ako?</p> + +<p>Siya'y namali. Wala tayong <i>salitaan</i> nang kami'y paroon sa +lalawigan. Siya, ni sino man, ay walang katunayang +máihaharap na tinanggap ko ang iyong pag-ibig at ngayo'y +hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang ating napaguusapan noong +araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin masasabing inibig kita +sa hayagan ó sa lihim man, sapagka't noo'y musmos pa ako at +wala akong muwang sa ngalang pagiibigan. Nguni't kung ang mga +pagkalungkot ko pag tayo'y hindi nagkikita ay nagkakahulugan ng +pag-ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. Nguni't +¿hindi ba't ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa +magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid?</p> + +<p>Sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay +namali siya, si Enchay sapagka't nang tanggapin ko ang kanyang +liham ay nalimot ko na ang nakaraang panahon.</p> + +<p>Kaya't nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin:</p> + +<p>"¿At maano sa akin? ¿Mawawalan ba ako?"</p> + +<p>Makaisang lingo'y na katanggap ako uli ng liham din niya'y at +iba naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'y tunay na nayamot +pagka't bawa't talata'y may salitang napakarumi at kung isipisipin +ko ang kahulugan ay sa akin patama. Gayon ma'y hindi ko sinagot, at +¿bakit ko sasagutin? Ay ¿di pinantayan ko pa ang baba +niyang singbaba ng nakasusuklam na lusak?...</p> + +<p>Ako'y hindi mataas magsalita. ¿Ano ang aking ipagmamataas +sa ang uri ko'y mababa rin namang katulad ng iba? Datapwa't ang +kanyang ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay +nakasasama ng sikmura.</p> + +<p>Hindi ko nga siya sinagot at siya'y pinatawad ko pa, at kung +kami'y magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng +loob.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="X" name='X'></a> +<h2>X</h2> + +<br /> + + +<p>Ang tatay ko'y lumakas.</p> + +<p>Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang +paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... +Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing +laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa +iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang +katotohanan.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang +ang iyong iniibig? Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig +magsinungaling ¡inaku! hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag +kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay +nang ako'y padalhan ng sulat....</p> + +<p>At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Wala? ¿Bakit ka namula? Talagang may sala +ka.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang +ngayon?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin? Oo, sasagutin +kita; datapwa't tugunin mo muna ako:</p> + +<p>Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong +karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, +akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng +dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ¿Bakit +niya naalamang lumigaw ka sa akin?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Aywan? Wala kang pinag-iwan sa ilang taga bukid +na nakikilala namin; huli na'y nagkakaila pa. At hindi ako +nagtataka, sapagka't ang taong nagkukubli ng katotohanan ay +talagang ganyan at matapang pa kung minsan, hindi yata?</p> + +<p>¡Naku! kung gaya ng dati na tayo'y mga musmos, ay +tatawagin ko ang ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang +bulaan, ang sinungaling, narito ¡itignan ninyo!</p> + +<p>Nguni't napapalayo ako. Pagbalikan natin ang iyong tanong.</p> + +<p>Manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga +iya'y mababasa mo ang aking sagot ... Huwag mong buklatin dito, sa +inyong bahay mo na basahin ... ¡Ah! Huwag sana, at kung may +tutol ka'y sa ibang araw ka na parito....</p> + +<p>Hindi kita itinataboy. Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka +hindi ka magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong +ama at ang kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto. +Tomas?</p> + +<p>Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na +si Enchay ay ¿bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang +pinaglalaanan mo ng iyong karrera?</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Ako raw at hindi si Enchay! Oy, manong matahan ka....</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>Uuwi kana? Mabuti nga't nang maalaman mo ang laman ng mga liham +na iyan....</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Oo hanggang bukas.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XI" name='XI'></a> +<h2>XI</h2> + +<h2><i>PANGWAKAS</i></h2> + +<br /> + + +<p>Nang si Manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas +sa, tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat +ay nag-buntong hininga at nasabi sa sariling:</p> + +<p>"Nahuli ako; nguni't iisa ang ipinahahatid kong liham ay +¿bakit naging tatlo...?"</p> + +<p>Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang +sila'y nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y +sinundan pa ng dalawa.</p> + +<p>Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at +dahil dito'y nalungkot ng gayon na lamang.</p> + +<p>—"¡Oh ...!" ¡Kahiyahiya kay Edeng!—ang +bulong sa sarili—Isinumpa ko pa naman na liban sa kaniya'y +wala na akong inibig at ipinagmatigas ko pang siya'y hindi +nawawalay sa aking gunita ... ¿Ano kaya ang kanyang palagay +sa akin ngayon ...? ¿Isang bulaan? ¿isang +sinungaling?</p> + +<p>At ang mukha'y tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap +na kinahihiyaan.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng +iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa +ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng.</p> + +<p>Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang +iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng +at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.</p> + +<p>Noo'y nagdadalaga na si Edeng. At nang mahalatang ito at si +Manuel ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang +kanyang pagliyag.</p> + +<p>Ang pagkakalipat ng bahay nina Manuel ay siyang sinamantala ng +binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga +kasangkapan at dahil dito'y kinagiliwan ni Don José at ni +Aling Mirang na mga magulang ni Manuel.</p> + +<p>Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang +at ang kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. José +ay kaniyang kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi +makalisiyon, kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at +nang sina Edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na +lumigaw kay Enchay.</p> + +<p>Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at +nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay +makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid.</p> + +<p>Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi +nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan +upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa +kaniyang nilalangit.</p> + +<p>Nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa Maynila at +nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si Edeng ng dalawang +liham ni Enchay.</p> + +<p>Si Manuel at si Enchay ay nagkaibigan nga, datapwa't hindi +naglao't ito'y umibig, sa iba. At nang ikakasal na sa kanyang +bagong kasi ay ipinamanhik sa ating binata na isauli kay Manuel ang +isang liham na kanyang tinanggap; nguni't ang liham na iyon ay +hindi dumating sa kinauukulan.</p> + +<p>Nang sina Edeng ay lumuwas dito sa Maynila ay ibinalitang agad +ang paglililo ni Enchay at si Manuel daw ay may bagong +nililigawan.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Isang pagkakataon. Ang dating magkakilala'y nagkita sa teatro, +at kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon +sa dulaan, sapagka't ibinalita ni Edeng.</p> + +<p>Ang ating binata'y dalidaling nagpaalam upang ang liham ni +Manuel kay Enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay +humuwad ng mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman +ang nilalaman sa tunay na liham ni Manuel.</p> + +<p>At gayon nga ang nangyari.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Nang gabing si Manuel ay umalis sa bahay ni Edeng, na taglay ang +tatlong liham, ang ating dalaga'y nilapitan ng kanyang ina:</p> + +<p>—Edeng—ani aling Juana—¿Ano ang +pinaguusapan ninyo ni Manuel?</p> + +<p>—Wala po—ang tugon ni Edeng.</p> + +<p>—¿Wala? ¿Akala mo yata'y hindi ko naaalaman +ang dahilan ng pagparito ni Manuel? Natatalastas ko na siya'y +nangingibig sa iyo noon pang araw at pagiibigan ang iyong +pinaguusapan.</p> + +<p>—Hindi po nanay. Ang napaguusapan po nami'y ang +pagpapatintero, ang pagtatakip-silim at iba pang laro <i>nang bata +pa kami</i>.</p> + +<p>—Huwag kang maglihim. Magsabi ka nang totoo kung ibig mong +huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa +rati.</p> + +<p>—Totoo pong wala kaming napaguusapan tungkol sa +pagiibigan.</p> + +<p>¿Diyata'y hindi ka magsasabi ng totoo?... Sabihin mo +¿ano ang inyong pinaguusapan ni Manuel ¿Bakit +napaparito gabi gabi?</p> + +<p>Si Edeng ay hindi sumagot, ang ina'y nagalit at nagpatuloy:</p> + +<p>---¿Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay +Manuel?...</p> + +<p>¿Ayaw mo akong sagutin?—ang ulit ng ina na lalo +pang galit—¿Ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay +Manuel?... Hindi mo ba nalalaman na ang binatang iya'y mason +¿Hindi mo ba nalalaman na ang mga mason ay eskumulgado at +ang nakikipagkaibigan sa mga eskumulgado'y walang kaligtasan?</p> + +<p>—Hindi po.</p> + +<p>—Nguni't ngayong naalaman mo na, ay ayokong siya'y +kakaharapin mo at pagparito uli ay sasabihin kong huwag na siyang +magpaparito sa ating bahay, naaalaman mo?</p> + +<p>-Opo.</p> + +<p>Si Aleng Juana'y isang babaeng may mabuting puso at mainam na +makipagkapwa tao, datapwa't totoong napakabanal at ito ang tanging +maipipintas sa kanya.</p> + +<p>Si Manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang +mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni't nang huling gabi +ng paguusap nina Edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi +malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si Manuel ay +mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang. Kung ang +balitang yaon ay natanggap nang unang gabi nang pagkikita nina +Edeng sa dulaan, ay natira na lamang sila marahil sa pananabik sa +mga pagkakataong ikapagkakausap.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Ang pinto ng tahanan ni aling Juana ay nakapinid para kay +Manuel; subali't bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na +bahagi at dahil dito'y palaging malungkot si Edeng; sapagka't sa +mula't mula pa'y tinubuan ng wagas na pag-ibig kay Manuel, at hindi +na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'y +mga bata pa.</p> + +<p>Datapwa't nang sila'y magkita't magkausap ay hindi nagpahalata +kay Manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. At kung tunay +na siya'y inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal +sapúl pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa +libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso.</p> + +<p>Si Manuel ay gayon din. At kung nangibig man kay Enchay ay dahil +lamang sa sulsol ng isang kaibigan at upang may mapagparaanan ng +panahon.</p> + +<p>Bagama't si Edeng at si Manuel ay hindi nagkakausap ay +nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang +maligaya sapagka't alam ng bawa't isa na wagas na pag-irog ang +katapat ng kanilang walang kasinglaking pag-ibig at may pag-asa sa +isang nakangiting hinaharap at sa luwalhati ng kanilang lihim na +pagmamahalan.</p> +<br/> +<p><b>WAKAS.</b></p> + +<p><b>Tundo, Sept. 5, 1913.</b></p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="Ilang_maralitang_kuro" name='Ilang_maralitang_kuro'></a> +<h2><i>Ilang maralitang kuro</i></h2> + +<br /> + + +<p>Aling Puring:</p> + +<p>Noong isang linggo pong ako'y dalawin ng maingat kong +manggagamot, ay tatlong mahalagang bagay ang ipinagbilin sa akin: +"Huwag kang magbabasa—ang wika—huwag kang magiisip, +huwag kang magsusulat". Sa mga tagubilin niyang ito ay sandali +akong natigilan, bago marahang nakasagot ng "opo". Mangyari'y +kasalukuyang binabasa ko pa naman noon ang inyong mahalagang aklat +kaya't sa isipan kong hapo'y buhay na buhay pang gumagalaw ang mga +larawan nina Edeng at Manuel, at waring sa aking pangdinig ay +humahayuhay ang kanilang matatamis na bigkas, mga bigkas musmos na +naghihiwatig ng dalawang pusong nasasaputan pa ng kawalang malay, +ng kulay na puti ng mga kaluluwang di pa napupukaw ng mapangligalig +na araw ng buhay.</p> + +<p>Dahil dito'y sasandaling nakapanira sa alaala ko ang mga +tagubilin ng aking manggagamot. At babahagya pa siyang nakalalayo +sa amin, ay muli ko na namang kinuha ang inyong nabitiwan kong +aklat upang ipatuloy ang pagbasa. Naraanan ko ng buong lugod ang +mga talatang naglalarawan ng mga "kamusmusan" nina Edeng at Manuel, +ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong +ganap na tagalog gaya ng taguan, piko-piko, tubigan, at dumating +ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti-unti nang +nangasisipasok sa mapanghalinang "buhay ng damdamin". Pagdating ko +rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya't buong +pananabik kong sinundan si Edeng at Manuel hanggang sa makarating +sa huli.</p> + +<p>At ¿ano ang naging kuro ko pagkatapos ng pagbasa?</p> + +<p>Huwag ninyong sapantahain na ang sasabihin ko'y likha lamang ng +ating pagkikilalang matalik; hindi po, sapagka't labis kong +natatalastas na ang isang "epiloguista'y" hindi kaibigan ng sino +man, kundi isang kapangyarihang "nagpaparusa" sa may sala at +nagbibigay ng gantingpala sa mga magalangin sa kanyang mga +batas.</p> + +<p>Narito po ang maralita kong pasya:</p> + +<p>Na, ang inyong aklat ay busog na busog sa mga kagandahang dapat +taglayin ng isang nobela: luwag sa pananalita, ayos sa +pagsasalaysay at taas at linis sa mga isipan. Ang kabuuan ng aklat +ay maiwawangis sa isang halamang hitik sa mga bulaklak ng pusong +tunay na tagalog, pusong gaya ng kay Edeng na pinagtipunan ng yumi +at hinhin, ng hinhin at bait, bait at hinhing aring ari lamang ng +mga dalaga sa lupaing ito.</p> + +<p>Kung ang lahat ng mga aklat na susulatin natin ay maitutulad sa +aklat na ito—aklat na naglalarawan ng isang buhay at mga +pangyayaring may tatak tagalog, tagalog na uri't lasang tagalog din +ay hindi sasalang sa araw ng bukas ay buong dangal na nating +masasabi na may wika tayong talagang sarili at damdami't diwa na +ating atin din.</p> + +<p>Aling Puring: sa wakas ay ipahintulot ninyong umasa ako ngayon +pa, na sa mga papuring nasabi ko na rito sa inyo! ay mairaragdag sa +mga hinaharap na araw itong mga sumusunod: ORIGINALIDAD sa +pananalita at liwanag sa paglarawan.</p> + +<p>Ros. ALMARIO.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="quotAKLATANG_BAYANquot" name='quotAKLATANG_BAYANquot'></a> +<h2>"AKLATANG BAYAN"</h2> + +<p>LUPON NG MGA PARALUMAN.</p> + +<p>Asuncion Palma</p> + +<p>Asuncion Manahan</p> + +<p>Emiliana Santos</p> + +<p>Engracia Jacinto</p> + +<p>Dolores Chanco</p> + +<p>Dolores Medrano</p> + +<p>Isidra Reuto</p> + +<p>Pilar Navarrete</p> + +<p>Pilar Reuto</p> + +<p>Pura L. Medrano</p> + +<p>Silvinia Chanco</p> + +<p>Victoria Santos</p> + +<br /> + + +<p>PAMUNUAN</p> + +<p>Pura L. Medrano, Pangulo</p> + +<p>Asuncion Palma, Kalihim</p> + +<p>Dolores Chanco, Ingat Yaman</p> + +<br /> + +<div>*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13686 ***</div> +</body> +</html> + diff --git a/13686-h/images/005.png b/13686-h/images/005.png Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..008dd40 --- /dev/null +++ b/13686-h/images/005.png diff --git a/13686-h/images/005a.jpg b/13686-h/images/005a.jpg Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..a4abd09 --- /dev/null +++ b/13686-h/images/005a.jpg diff --git a/13686-h/images/008.png b/13686-h/images/008.png Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..6ab30ad --- /dev/null +++ b/13686-h/images/008.png diff --git a/13686-h/images/008a.jpg b/13686-h/images/008a.jpg Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..f5028fe --- /dev/null +++ b/13686-h/images/008a.jpg |
