summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/14822-h
diff options
context:
space:
mode:
authorRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:45:27 -0700
committerRoger Frank <rfrank@pglaf.org>2025-10-15 04:45:27 -0700
commit22a4be39fe94d3a334a00a68e896d7cc3708f362 (patch)
treeafc97c896a48ac5d033f13de1e0f9e0e6e7c96ce /14822-h
initial commit of ebook 14822HEADmain
Diffstat (limited to '14822-h')
-rw-r--r--14822-h/14822-h.htm2325
-rw-r--r--14822-h/images/001.gifbin0 -> 78518 bytes
-rw-r--r--14822-h/images/005.pngbin0 -> 6625 bytes
3 files changed, 2325 insertions, 0 deletions
diff --git a/14822-h/14822-h.htm b/14822-h/14822-h.htm
new file mode 100644
index 0000000..23cb4c9
--- /dev/null
+++ b/14822-h/14822-h.htm
@@ -0,0 +1,2325 @@
+<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Transitional//EN"
+ "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd">
+<html xmlns="http://www.w3.org/1999/xhtml">
+<head>
+<meta name="generator" content="HTML Tidy, see www.w3.org" />
+<meta http-equiv="Content-Type"
+content="text/html; charset=UTF-8" />
+<title>The Project Gutenberg eBook of KARTILYANG MAKABAYAN, by
+HERMENEGILDO CRUZ.</title>
+<style type="text/css">
+/*<![CDATA[ XML blockout */
+<!--
+ P { margin-top: .75em;
+ text-align: justify;
+ margin-bottom: .75em;
+ }
+ H1,H2,H3,H4,H5,H6 {
+ text-align: center; /* all headings centered */
+ }
+ HR { width: 33%;
+ margin-top: 1em;
+ margin-bottom: 1em;
+ }
+ BODY{margin-left: 10%;
+ margin-right: 10%;
+ }
+ .linenum {position: absolute; top: auto; left: 4%;} /* poetry number */
+ .note {margin-left: 2em; margin-right: 2em; margin-bottom: 1em;} /* footnote */
+ .blkquot {margin-left: 4em; margin-right: 4em;} /* block indent */
+ .pagenum {position: absolute; left: 92%; font-size: smaller; text-align: right;} /* page numbers */
+ .sidenote {width: 20%; margin-bottom: 1em; margin-top: 1em; padding-left: 1em; font-size: smaller; float: right; clear: right;}
+
+ .poem {margin-left:10%; margin-right:10%; text-align: left;}
+ .poem br {display: none;}
+ .poem .stanza {margin: 1em 0em 1em 0em;}
+ .poem span {display: block; margin: 0; padding-left: 3em; text-indent: -3em;}
+ .poem span.i2 {display: block; margin-left: 2em;}
+ .poem span.i4 {display: block; margin-left: 4em;}
+ .poem .caesura {vertical-align: -200%;}
+ // -->
+ /* XML end ]]>*/
+
+</style>
+</head>
+<body>
+<div>*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14822 ***</div>
+
+<pre>
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+</pre>
+
+<br />
+<h1><a href="images/001.gif"><img src="images/001.gif" border="0"
+alt="KARTILYANG MAKABAYAN" width="279" height="410" /></a></h1>
+
+<h1>KARTILYANG MAKABAYAN</h1>
+
+<h3>M~GA TAN&Oacute;NG AT SAGOT UKOL</h3>
+
+<h3>KAY</h3>
+
+<h2>ANDRES BONIFACIO</h2>
+
+<h3>AT SA</h3>
+
+<h3>KATAASTAASAN, KAGALANGGALANG KATIPUNAN<br />
+N~G M~GA ANAK N~G BAYAN</h3>
+
+<h4><i>na nagturo at nagakay sa Bayang Pilipino sa Paghihimagsik
+laban sa kapangyarihang dayo</i></h4>
+
+<h3>SINULAT NI</h3>
+
+<h2>HERMENEGILDO CRUZ</h2>
+
+<h4>(<i>Ikalawang Tagapamatnugot n~g Kawanihan n~g
+Paggawa</i>)</h4>
+
+<h3>MAYNILA, S.P.</h3>
+
+<h3>1922</h3>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<p><i>Ang unang pagpapalimbag n~ga KARTILYANG MAKABAYANG
+it&oacute;, sa kapahintulutan n~g sumulat, ay ipinagawa n~g "Lupong
+Tagaganap" n~g ARAW NI BONIFACIO, 1922, upang ang salaping
+mapagbibilhan ay igugol sa bantayog (monumento) na itatayo sa pook
+na pinan~ganakan kay Andr&eacute;s Bonifacio. Ang bilang n~g saling
+ipinalimbag ay 5,000 at ang salaping kailan~gang likumin ukol sa
+nasabing pakay ay humigit kumulang sa P1,500.00.</i></p>
+
+<p><i>Maynila, 16 n~g Nobyembre, 1922.</i></p>
+
+RAMON FERNANDEZ,<br />
+<i>Pan~gulo</i>.<br />
+<br />
+FAUSTINO AGUILAR,<br />
+<i>Kalihim</i>.<br />
+<br />
+GUILLERMO MASANGKAY,<br />
+<i>Taga-In~gatyaman</i>.<br />
+<br />
+M~GA KAGAWAD:<br />
+<br />
+BIENVENIDO K. DOMINGO,<br />
+136 Tayuman, Tondo<br />
+<br />
+IGNACIO SOL CRUZ,<br />
+409 Calle Telio, Tondo<br />
+<br />
+PIO AREVALO,<br />
+1099 Antonio Rivera<br />
+<br />
+DOMINGO PONCE,<br />
+55 El Dorado, Quiapo<br />
+<br />
+ANDRES GOMEZ<br />
+127 Palomar, Tondo<br />
+<br />
+FAUSTO IGNACIO<br />
+2446 Oroquieta, Sta. Cruz<br />
+<br />
+VICENTE C. YUSON,<br />
+432 San Anton, Sampaloc<br />
+
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Ang kartilyang ito'y matatagpuan sa m~ga tindahan n~g aklat at
+sa bahay n~g m~ga kagawad n~g lupong inilathala. Kung pakiyawan ay
+maaaring tumun~go sa bahay ni G. Guillermo Masangkay, daang
+Alvarado, blg. 535, Maynila. Maybawas ang halag&aacute; kung
+pakiyawan. Ang m~ga taga lalawigan ay maaaring humin~gi na kasama
+ang halag&aacute;.</p>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<h2>TUNTUNIN</h2>
+
+<br />
+
+
+<h3><a href='#A'>Alay</a></h3>
+
+<h3><a href='#P'>Paunawa</a></h3>
+
+<h3><a href='#I'>I. Kung sino si Andr&eacute;s Bonifacio</a></h3>
+
+<h3><a href='#II'>II. Ang samahang nagturo at nagakay sa bayan sa
+paghihimagsik</a></h3>
+
+<h3><a href='#III'>III. Ang palatuntunan n~g "Katipunan"</a></h3>
+
+<h3><a href='#IV'>IV. M~ga aral n~g "Katipunan"</a></h3>
+
+<h3><a href='#V'>V. Ang pagpapalaganap n~g "Katipunan"</a></h3>
+
+<h3><a href='#VI'>VI. M~ga paraang ginagawa sa pagsapi sa
+"Katipunan"</a></h3>
+
+<h3><a href='#VII'>VII. Ang mahigpit na pakikibaka n~g "Katipunan"
+sa kanyang kabuhayan</a></h3>
+
+<h3><a href='#VIII'>VIII. Ang "Katipunan" at ang bayang
+maralita</a></h3>
+
+<h3><a href='#IX'>IX. Ang "Katipunan" at ang paguusig sa m~ga
+"mason"</a></h3>
+
+<h3><a href='#X'>X. Ang Paghihimagsik</a></h3>
+
+<h3><a href='#XI'>XI. Tagumpay at Pahimakas</a></h3>
+
+<h3><a href='#D'>Dek&aacute;logo ni Bonifacio</a></h3>
+
+<h3><a href='#M'>M~ga talang matatagpuan sa aklat na
+it&oacute;</a></h3>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="A" name='A'></a>
+
+<h1><a href="images/005.png"><img src="images/005.png" border="0"
+alt="TITLE" width="514" height="308" /></a></h1>
+
+<h4>Inaalay sa m~ga bata't kabinataang nagsisipagaral.</h4>
+
+<h4>H. Cruz Nob, 1922.</h4>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="P" name='P'></a>
+<h2>PAUNAWA</h2>
+
+<p>Isang araw, bago sumapit ang ika 30 n~g Nobyembre n~g taong
+1921, na ginawang araw na pan~gilin mula noon n~g ating m~ga
+Kinatawang tagapagbat&aacute;s, lumapit sa akin ang m~ga anak kong
+nagsisipagaral sa m~ga paaralang-bayan at ibinalita ang ganito:
+"Bukas&mdash;anil&aacute;&mdash;wala kaming pasok. Pist&aacute;
+daw, tatay, ni Bonifacio." At sak&aacute; pamanghang
+itinan&oacute;ng sa akin: "&iquest;Sino ba iyang si Bonifacio?"</p>
+
+<p>Wari ako'y natubigan....</p>
+
+<p>N~guni't hindi dapat pagtakhan ang pagkamanghang ya&oacute;n n~g
+m~ga bata, sapagka't sa ating m~ga paaralang-bayan, ang kabuhayan
+ni Andr&eacute;s Bonifacio at ang kasaysayan n~g "Katipunan" ay
+itinuturo n~g pahalaw lamang sa m~ga nagsisipagaral na n~g "septimo
+grado," na hindi ipinakikilala ang buong kasaysayan n~g "Katipunan"
+at gayon din ang kanyang makabayang palatuntunan at matataas na
+aral na ipinunla sa bayan, na siyang nagturo't nagakay sa m~ga
+pilipino sa pagguh&oacute; n~g kalupitan at pangbubusabos at
+nagtanim sa ating m~ga puso n~g manin~gas na damdamin n~g Kalayaan
+at Kasarinlan.</p>
+
+<p>Sa maiikling pan~gun~gusap, ay aking ipinatanto sa m~ga anak ko
+ang buong kabuhayan ni Andr&eacute;s Bonifacio at ang sanhi't
+katwiran kung bakit siya'y ibinubunyi n~g ating lahi't Pamahalaan.
+Akin ding ipinakilala sa kanila ang m~ga aral n~g "Katipunan"; at
+isinaysay ang kapakinaban~gang natam&oacute; n~g Bayang Pilipino sa
+paghihimagsik na pinamatnugutan n~g kapisanang yaong itinatag at
+pinan~guluhan ni Andr&eacute;s Bonifacio.</p>
+
+<p>&iquest;Di kay&acirc; isang pan~gan~gailan~gan na ang m~ga
+isinaysay kong yaon sa aking m~ga anak ukol sa dakila't maningning
+na kasaysayan n~g ating lahi, ay maipakilala rin naman sa madlang
+nagsisipagaral sa ating m~ga paaralan?</p>
+
+<p>It&oacute; lamang ang tan~gi kong han~gad sa pagsulat n~g
+munting aklat na ito.</p>
+
+<p>HERMENEGILDO CRUZ</p>
+
+Tundo, Maynila<br />
+Nobyembre, 1922<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="I" name='I'></a>
+<h2><b>I</b></h2>
+
+<h2>KUNG SINO SI ANDRES BONIFACIO</h2>
+
+<p>1.&mdash;<b>Sino si Andr&eacute;s Bonifacio?</b>&mdash;Siya'y
+is&aacute;ng tunay na pilipino na ipinan~ganak noong ika 30 n~g
+Nobiyembre n~g 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa
+harap n~g himpilan n~gay&oacute;n n~g pero-karil sa daang
+Azc&aacute;rraga, Tund&oacute;, Maynila. Ang kanyang am&aacute;'y
+nagn~gan~galang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay
+sastr&eacute; at ang kanyang ina nama'y Catalina de Castro. M~ga
+taal na taga Maynil&agrave;.</p>
+
+<p>2.&mdash;<b>Nagkaroon ba siya n~g m~ga Kapatid?</b>&mdash;Apat:
+sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at
+itong huli'y patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay
+siyang naging asawa n~g nasirang bayaning si Teodoro Plata,
+is&aacute; sa m~ga masikhay na kasama ni Andr&eacute;s
+Bonifacio.</p>
+
+<p>3.&mdash;<b>Ano ang kabuhayan ni Bonifacio?</b>&mdash;Ang
+kaniyang m~ga magulang ay m~ga taong dukha kaya't siya nama'y isang
+taong mahirap.</p>
+
+<p>4.&mdash;<b>Ano ang kanyang Napagaralan?</b>&mdash;Siya'y
+nagaral sa paaralan n~g gurong si G. Guillermo Osme&ntilde;a, sa
+pook n~g Meisik, Binundok, Maynila. Datapwa nang siya'y tumutuntong
+na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang m~ga magulang at dahil
+dito'y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo'y maalam nang bumasa
+at sumulat n~g wikang sarili (tagalog) at kastila.</p>
+
+<p>5.&mdash;<b>Ano ang kanyang ginawa n~g siya'y maulila
+na?</b>&mdash;Upang siya'y mabuhay at sampu n~g kanyang m~ga
+kapatid, binatak ang sariling buto't siya'y nagbili n~g m~ga
+tungkod (baston) at m~ga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob
+n~g kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay n~g kanyang
+m~ga kapatid.</p>
+
+<p>6.&mdash;<b>Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang
+mabuhay?</b>&mdash;Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat,
+siya'y nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan
+n~g ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan n~g nabanggit na
+bahay-kalakal sa pag-bibili n~g sahing, yantok, at iba pa.</p>
+
+<p>7.&mdash;<b>Nanatili ba siya sa tungkuling ito?</b>&mdash;Hindi.
+Nang lumipas ang ilang panahon siya'y naging kawani (personero) sa
+bahay-kalakal nina Fressell &amp; Co., na nalalagay sa daang Nueva,
+blg. 450. Maynil&agrave;. Ang sinasahod niya'y m~ga labingdalawang
+piso lamang sa isang buan. Patuloy pa rin siya sa paggawa n~g m~ga
+tungkod at pamaypay, na itinitinda n~g kanyang m~ga kapatid.</p>
+
+<p>8.&mdash;<b>Anong katan~gian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang
+tinataglay ni Bonifacio?</b>&mdash;Siya'y mahiliging magsulat sa
+sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito,
+nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa n~g m~ga
+tatak at paunawa sa m~ga kayong ipinagbibili rito sa atin.</p>
+
+<p>9.&mdash;<b>Siya ba'y mahiligin sa pagbabasa n~g m~ga
+aklat?</b>&mdash;Oo. N~guni't ang kaniyang kinahihimalin~gang
+basahin ay yaong m~ga aklat na nakapagtuturo n~g kabayanihan, tulad
+n~g Kasaysayan n~g himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira,"
+"Los Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang
+m~ga, aklat ni Rizal at ib&aacute; pa. Siya'y mahiliging totoo sa
+pagbabasa. May m~ga gabing halos di nakakatulog sa
+pagbabas&aacute;.</p>
+
+<p>10.&mdash;<b>Siya ba'y nagkaasawa?</b>&mdash;Oo. Ang naging
+kabyak n~g kanyang pus&oacute;'y pinapalayawan n~g Oriang (Gregoria
+de Jesus) na ang sagisag "Lakambini," tag&aacute; Kalookan. Sila'y
+nagkaroon n~g is&aacute;ng an&aacute;k na namatay.</p>
+
+<p>11.&mdash;<b>Ano't idinadakila n~g Bayang Pilipino si
+Andr&eacute;s Bonifacio at siya'y ipinalalagay na dakilang Bayani
+sa piling ni Rizal?</b> &mdash;Sapagka't siya ang nagtayo at
+nahalal na pan~gulo n~g "Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan n~g
+m~ga Anak n~g Bayan," na pinagkautan~gan n~g Bayang Pilipino n~g
+kabayanihan sa pagusig n~g kaniyang ikalalaya. "May-pagasa" ang
+sagisag niy&aacute; na "nangyari" bago siy&aacute; mamatay.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="II" name='II'></a>
+<h2><b>II</b></h2>
+
+<h2>ANG SAMAHANG NAGTURO AT NAGAKAY SA BAYAN SA PAGHIHIMAGSIK</h2>
+
+<p>12.&mdash;<b>Kailan at saan itinayo ang "Samahang Kataastaasan,
+Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan"?</b>&mdash;Noong
+ika 7 n~g Hulyo n~g 1892, sa bahay na kinatirhan ni Deodato
+Arellano, na nasa daang Azcarraga, bilang 64, Binundok,
+Maynila.</p>
+
+<p>13.&mdash;<b>Ano't itinayo ang Samahang
+binanggit?</b>&mdash;Ganit&oacute; ang nangyari: si Rizal ay
+lumunsad sa Maynila n~g ika 26 n~g Hunio n~g Taong 1892. Pagkaraan
+n~g mahigit sa isang lingg&oacute;, noong ika 6 n~g sumunod na
+buwan n~g Hulyo, si Rizal ay ipinatawag ni General Despujol na
+siyang pinaka-mataas na pinuno n~g Kastila dito sa atin noon at
+siya'y ipinapiit sa Fuerza de Santiago. Ang m~ga tunay na
+pan~gun~gusap ni Rizal sa nangyari, sa kanyang it&oacute; ay
+gayari, ayon sa sulat din niy&aacute;, na inihayag n~g kanyang
+matalik na kaibigan, ang nasirang si Mariano Ponce: "Noong
+miyerkoles&mdash;ani Rizal sa kanyang talaan&mdash;itinanong sa
+akin (ni General Despujol) kung ako'y nagpupumilit na magbalik sa
+Hongkong. Sinagot ko siya n~g oo. Makaraan ang ilang salitaan
+sinabi sa akin na ako raw ay maydalang m~ga proklama (m~ga pahayag)
+na kasama n~g aking m~ga damit at ariarian. Sinagot ko siy&aacute;
+n~g hindi. Itinanong sa akin kung kanino yaong m~ga unan at banig,
+isinagot kong sa aking kapatid. Dahil dito, ipinatanto sa aking
+ako'y kanyang ipabibilanggo sa Fuerza de Santiago." Si Rizal n~ga'y
+ibinilanggo. Nang maalaman ito ni Andr&eacute;s Bonifacio ay
+nagalab ang kanyang loob. Pinulong sina Ladislao Diwa, Valentin
+Diaz, Ildefonso Laurel at si Deodato Arellano sa bahay na binanggit
+na may bilang 64, daang Azcarraga, at itinatag nila ang
+"Katipunan," na siyang pamagat sa daglian n~g binanggit na
+samahan.</p>
+
+<p>14.&mdash;<b>Ano ang pakay n~g
+"Katipunan"?</b>&mdash;Pagsamasamahin ang kalooban n~g m~ga
+pilipino sa isang layunin, "upang sa pagkakaisang ito'y
+magkalak&aacute;s na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa
+kaisipan at matuklasan ang tunay na land&aacute;s n~g katwiran at
+kaliwanagan."</p>
+
+<p>15.&mdash;<b>Ano ang ibig sabihin niyang "matuklasan ang tunay
+na landas n~g katwiran at kaliwanagan"?</b>&mdash;Ang ibig sabihi'y
+iguho ang kapangyarihang makahari n~g Espa&ntilde;a na nakasasakop
+sa Pilipinas at ang bayan natin ay magsarili sa kanyang
+kapangyarihan.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="III" name='III'></a>
+<h2><b>III</b></h2>
+
+<h2>ANG PALATUNTUNAN N~G "KATIPUNAN"</h2>
+
+<p>16.&mdash;<b>May sarili bang palatuntunan ang
+"Katipunan"?</b>&mdash;Oo. N&aacute;it&oacute;:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p><b>Dakila ang pakay n~g "Katipunan"</b></p>
+
+<p>"Sa pagkakailan~gan na ang lahat na nag-iibig pumasok sa
+katipunang it&oacute;, ay magkaroon n~g lub&oacute;s na pananalig
+at kaisip&aacute;n sa m~ga layong tinutun~go at m~ga kaaralang
+pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanil&aacute; ang m~ga
+bagay na it&oacute;, at n~g bukas makalawa'y huwag silang magsisi
+at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang m~ga tutungkulin."</p>
+
+<p>"Ang kabagayang pinaguusig n~g Katipunang it&oacute; ay
+lub&oacute;s na dakila at mahalag&aacute;; papag-isah&iacute;n ang
+loob at kaisip&aacute;n n~g lahat n~g tagalog. (Sa salitang
+"tagalog", katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang
+it&oacute;; sa makatwid, "bisaya" man, "iloko" man, "kapangpan~gan"
+man atb., ay "tagalog" din.")</p>
+
+<p>"Alang-alang sa m~ga pagkukurong it&oacute;, kami'y payapang
+naghihintay n~ga pagwawagi n~g damdaming makabayan n~gayon at sa
+hinahar&aacute;p, sa pamagitan n~g isang mahigpit na panunumpa,
+upang sa pagkakais&aacute;ng ito'y magkalak&aacute;s na iwasak ang
+masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay
+na land&aacute;s n~g Katwiran at Kaliwanagan."</p>
+
+<p><b>Una sa lahat ang pagibig sa bayan</b></p>
+
+<p>"Dito'y is&aacute; sa m~ga kauna-unahang utos, ang tunay na
+pag-ibig sa bayang tinubuan at lub&oacute;s na pagdadamayan n~g
+isa't is&aacute;."</p>
+
+<p><b>Pantaypantay ang lahat</b></p>
+
+<p>"Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito'y
+magkakapant&aacute;y at tunay na magkakapatid."</p>
+
+<p><b>Ang buhalhal na kaugalian</b></p>
+
+<p>"Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang
+buhalh&aacute;l na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan n~g m~ga
+ban&aacute;l na utos n~g Katipunan."</p>
+
+<p>"Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'y
+kinasusuklaman; kaya't sa bagay na ito'y ipinaiilalim sa masigasig
+na pakikibalita ang kabuhayan n~g sino mang nag-iibig makianib sa
+Katipunang it&oacute;."</p>
+
+<p><b>Hindi tinatanggap ang m~ga taksil</b></p>
+
+<p>"Kung ang han~gad n~g papasok dito'y ang tumalast&aacute;s
+lamang n~g m~ga kalihiman nit&oacute;, o ang kilalanin ang m~ga
+naririto't n~g maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag
+magpatuloy, sapagka't dito'y banta&iacute;n lamang ay
+talast&aacute;s na n~g makap&aacute;l na nakikiramd&aacute;m sa
+kaniy&aacute;, at karakarakang nilalapatan n~g mabisang gamot, na
+la&aacute;n sa m~ga sukaban."</p>
+
+<p><b>Ayaw sa m~ga mabun~gan~ga</b></p>
+
+<p>"Dito'y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingn&aacute;n;
+kaya't hindi dapat pumasok ang di makagagawa, kahi't magaling
+magsalita."</p>
+
+<p><b>Hindi kaginhawahan kungdi kahirapan at mabibigat na
+tungkulin</b></p>
+
+<p>"Ipinauunawa rin, na ang m~ga katungkulang ginaganap n~g lahat
+n~g napapasok sa Katipunang it&oacute;, ay lubhang
+mabibig&aacute;t, lalong-lalo na kung gugunita&iacute;n na di
+mangyayaring maiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin
+n~g kakilakilabot na kaparusah&aacute;n."</p>
+
+<p>"Kung ang han~gad n~g papasok dito, ang siya'y abuluyan n~g
+ginhawa't malayaw na katahimikan n~g katawan, huwag magpatuloy,
+sapagka't mabig&aacute;t na m~ga katungkulan ang matatagpuan, gaya
+n~g pagtatangkilik sa m~ga naaapi at madaluhong n~g paguusig sa
+lahat n~g kasamaan; sa bagay na it&oacute; ay aabutin ang maligalig
+na pamumuhay."</p>
+
+<p>"Di kaila sa kan~gino pa m&aacute;n ang m~ga nagbalang
+kapahamak&aacute;n sa m~ga tagalog na nakaiisip nitong m~ga
+ban&aacute;l na kabagayan (at hindi man), at m~ga pahirap na
+ibinibigay n~g naghaharing kalupit&aacute;n, kalikuan at
+kasama&aacute;n."</p>
+
+<p><b>Ang halaga n~g "kuota"</b></p>
+
+<p>"Talast&aacute;s din naman n~g lahat ang pagkakailan~gan n~g
+salapi, na sa n~gayo'y is&aacute; sa m~ga unang lak&aacute;s na
+maaasahan; magbibig&aacute;y buhay sa lah&aacute;t; sa bagay na
+it&oacute;, kinakailan~gan ang lubos na pagtup&aacute;d sa m~ga
+pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan-buwan ay sikapat. Ang
+salaping it&oacute;'y ipinagbibigay alam n~g nag-iin~gat sa tuwing
+kapanahunan, buk&oacute;d pa sa mapagsisiyasat n~g sino man, kailan
+ma't ibigin. Di makikilos ang salaping ito, kung di pagkayarian n~g
+karamihan."</p>
+
+<p><b>Ipagtangkilik ang kagalin~gan</b></p>
+
+<p>"Ang lah&aacute;t n~g pinagsaysay ay dapat gunitain at
+mahinahong pagbulaybulayin, sapagka't di magagan&aacute;p at di
+matitiis n~g walang tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa ang tunay
+na adhikaing ipagtangkilik ang Kagalin~gan."</p>
+
+<p>"At n~g lalong mapagtimb&aacute;ng n~g sariling isip at
+kabaitan."</p>
+</div>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="IV" name='IV'></a>
+<h2><b>IV</b></h2>
+
+<h2>M~GA ARAL N~G "KATIPUNAN"</h2>
+
+<p>17.<b>&mdash;Bukod sa Palatuntunan, may m~ga sariling aral baga
+ang "Katipunan" sa Bayan?</b>&mdash;Oo. Tunghan ang m~ga
+sumusunod:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p><b>Ang dapat nating asalin sa kabuhayan</b></p>
+
+<p>"Ang kabuhayang hindi ginugugol sa is&aacute;ng malaki at
+ban&aacute;l na kadahilanan, ay kahoy na walang lilim, kung di
+damong makamandag."</p>
+
+<p><b>Kailan nagiging kabaitan ang gawang magaling</b></p>
+
+<p>"Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at
+hindi sa talagang nasang gumawa n~g kagalin~gan, ay di
+kabaitan."</p>
+
+<p><b>Ang tunay na kabanalan</b></p>
+
+<p>"Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa
+kapwa at ang isukat ang bawa't kilos, gawa't pan~gun~gusap sa
+talagang Katuwiran."</p>
+
+<p><b>Ang m~ga tao'y magkapantaypantay</b></p>
+
+<p>"Maitim man at maputi ang kulay n~g bal&aacute;t, lahat n~g
+tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y higt&aacute;n sa
+dunong, sa yaman, sa ganda ... n~guni't di mahihigt&aacute;n sa
+pagkatao."</p>
+
+<p><b>Ang may kaloobang dakila</b></p>
+
+<p>"Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa
+sarili; ang may hamak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili
+sa puri."</p>
+
+<p><b>Dapat magkaroon n~g isang pan~gun~gusap</b></p>
+
+<p>"Sa taong may hiya, salita'y panunumpa."</p>
+
+<p><b>Ang panahon ay ginto</b></p>
+
+<p>"Huwag mong sasayan~gin ang panahon; ang yamang nawala'y
+mangyayaring magbalik; n~guni't panahong nagdaan na'y di na muli
+pang magdaraan."</p>
+
+<p><b>Dapat sumapiling n~g inaapi</b></p>
+
+<p>"Ipagtang&oacute;l mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi."</p>
+
+<p><b>Ang matalino'y mahinahon</b></p>
+
+<p>"Ang taong matalino'y ang may pagiin~gat sa bawa't sasabihin, at
+marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim."</p>
+
+<p><b>Ang am&aacute; ay siyang pinaparisan n~g m~ga anak</b></p>
+
+<p>"Sa daang matinik n~g kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot n~g
+asawa't m~ga an&aacute;k; kung ang umaakay ay tun~go sa sam&acirc;,
+ang patutun~guhan n~g inaakay ay kasam&acirc;an din."</p>
+
+<p><b>Ang katungkulan n~g lalaki para sa babai</b></p>
+
+<p>"Ang babai ay huwag mong tign&aacute;ng is&aacute;ng bagay na
+liban~gan lamang, kungdi is&aacute;ng katuwang at karamay sa m~ga
+kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo n~g buong pagpipitagan ang
+kaniy&aacute;ng kahinaan, at alalahanin ang in&aacute;ng
+pinagbuhata't nagiwi sa iy&oacute;ng kasanggulan."</p>
+
+<p><b>Ang ayaw mong gawin sa iyo....</b></p>
+
+<p>"Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, an&aacute;k at kapatid, ay
+huwag mong gagawin sa asawa, an&aacute;k at kapatid n~g iba."</p>
+
+<p><b>Ang tunay na kamahalan n~g tao</b></p>
+
+<p>"Ang kamahalan n~g tao'y wala sa pagkahari, wala sa tan~gos n~g
+ilong at puti n~g mukha, wala sa pagkaparing "kahalili nang Diyos,"
+wala sa mataas na kalagayan sa balat n~g lupa; wag&aacute;s at
+tunay na mah&aacute;l na tao, kahi't laking gubat at wal&aacute;ng
+nabatid kungdi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may
+is&aacute;ng pan~gun~gusap, may dan~gal at puri; yaong di
+napa&aacute;api't di nakikiap&iacute;d, yaong marunong
+magdamd&aacute;m at marunong lumin~gap sa bayang tinubuan."</p>
+
+<p><b>Ang katumbasan n~g buhay na ginugol</b></p>
+
+<p>"Paglaganap n~g m~ga aral na it&oacute; at maningning na sumikat
+ang araw n~g mahal na Kalayaan dito sa kaab&acirc;ab&acirc;ng
+Sangkapuluan, at sabugan n~g matamis niyang liwanag ang
+nan~gagkais&aacute;ng magkalahi't magkakapatid n~g ligayang walang
+katapus&aacute;n, ang m~ga ginugol na buhay, pagod at m~ga tiniis
+na kahirapa'y labis n~g natumbas&aacute;n."</p>
+
+<br />
+
+
+<p><b>KASULATAN SA PAGSAPI</b></p>
+
+<p>"Kung lah&aacute;t n~g it&oacute;'y matarok na n~g nagiibig
+pumasok at inaakala niy&aacute;ng matutup&aacute;d ang m~ga
+t&uacute;tungkulin, maitatala ang kaniyang ninanas&acirc; sa
+kasun&oacute;d nito:</p>
+
+<p>"Sa Bg....</p>
+
+<p>Ako'y si ... taong tub&ograve; sa bayan n~g.... hukuman n~g ...
+ang katandaan ko ay.... taon, ang hanap buhay ... ang kalagayan ...
+at nananahanan sa ... daan n~g ...</p>
+
+<p>Sa aking pagkakabatid n~g kagalin~gan n~g m~ga nilalayon at m~ga
+aral, na inilalathala n~g KATIPUNAN n~g m~ga A.N.B., ninanais n~g
+loob ko ang makianib dito. Sa bagay na ito'y aking ipinamamanhik
+n~g boong pitagan, na marapating tanggapin at mapakibilang na isa
+sa m~ga anak n~g Katipunan: at tuloy nan~gan~gakong tutupad at
+paiilalim sa m~ga aral at m~ga Kautusang sinusunod dito.</p>
+
+<p>... ika ... n~g buwan n~g ... n~g taong 189....</p>
+
+<p>Nakabayad na n~g ukol sa pagpasok.</p>
+
+<p>Ang Tagain~gat n~g Yaman."</p>
+
+<br />
+
+
+<p><b>KASULATAN SA PANUNUMPA</b></p>
+
+<p>K.'. K.'. K.'. N.'. M.'. A.'. N.'. B.'.</p>
+
+<p>By....</p>
+
+<p>Aking ipinahahayag na sa kadahilanan n~g pagkapasok ko sa K.'.
+K.'. K.'. n~g m~ga A.'. N.'. B.'. ay naghandog ak&oacute; n~g
+is&aacute;ng mahalagang panunumpa sa n~galan n~g Bayang tinubuan,
+at sa harap n~g isang kagalanggalang na kapulun~gan nitong
+Katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat n~g
+minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol n~g kaniyang banal na
+kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot n~g
+hinin~ga. Sa bagay na it&oacute;, isinusumpa ko ring lubos na
+tutupad at susunod sa kaniyang Patnugutan at m~ga Kautusan.</p>
+
+<p>Sa katunayan nit&oacute;, aking itinala ang aking pan~galan n~g
+tunay na dugong tumatak&aacute;s sa aking m~ga ugat sa pahayag na
+it&oacute;.</p>
+
+<p>... ika ... araw n~g buwan n~g ... n~g taong 189....</p>
+
+<p>"Tinaglay ko ang pamagat na."</p>
+</div>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="V" name='V'></a>
+<h2><b>V</b></h2>
+
+<h2>ANG PAGPAPALAGANAP N~G "KATIPUNAN"</h2>
+
+<p>18.&mdash;<b>Sinosino ang nagpalaganap n~g
+"Katipunan"?</b>&mdash;Si Andr&eacute;s Bonifacio at ang kanyang
+m~ga tapat at masisikhay na kasama na paraparang dukha na katulad
+niya. Ang pinakabatikan sa lahat ay si Emilio Jacinto, na kalihim
+n~g Katipunan."</p>
+
+<p>19.&mdash;<b>Matuturin~gan ba natin kung sinosino
+sila?</b>&mdash;Oo. Ang unang tinanggap sa "Katipunan" ay si
+Restituto Javier, sa isang bahay sa daang Salinas (n~gayo'y Elcano)
+sa Tundo, na tahanan n~g is&aacute; sa m~ga nagtatag na si Valentin
+Diaz. Sumunod si Miguel Araulio, pamangkin n~g n~gayo'y Pangulo n~g
+Kataastaasang Hukuman. Pagkatapos ay sin&aacute; Aguedo del
+Rosario, Aurelio Tolentino, Guillermo Masangkay, Alejandro
+Santiago, Briccio Brigido Pantas, Jos&eacute; Turiano Santiago,
+Calixto Santiago, Emilio Jacinto, Nicomedes Carreon, Francisco
+Carreon, Mariano Carreon at iba pa.</p>
+
+<p>20.&mdash;<b>Mula ba n~g itatag ang "Katipunan" ay nagpatuloy sa
+pagpapalaganap ang m~ga nan~gan~gatawan?</b>&mdash;Hindi. Nang m~ga
+sumunod na buwan n~g pagkakatatag ay di nagpamalas n~g kanyang
+pagsulong, pagka't ang nais ni Bonifacio ay huw&aacute;g
+makapinsala sa pagpapalaganap n~g "Liga Filipina," na itinatag in
+Rizal at m~ga litaw na kababayan, karamihan ay mason, bago sumilang
+ang "Katipunan." Bago pa itatag ito ay may itinatag pang ibang
+kapisanan sina Bonifacio.</p>
+
+<p>21.&mdash;<b>Kailan pinan~gatawanan ang
+pagtatatag?</b>&mdash;Nang mapagkilala ni Andr&eacute;s Bonifacio
+na nawawalan n~g kabuluhan ang pagsisikap bagay sa "Liga." Kaya,
+naghalal na ang Katipunan n~g kanyang m~ga kinatawan sa
+is&aacute;ng bahay sa daang Oroquieta, nayon n~g Santa Cruz,
+Maynila. At n~g sumunod na taong 1894, ay napatatag na n~ga ang
+m~ga Balan~gay at Sangguniang Bayan.</p>
+
+<p>22.&mdash;<b>At ano pa ang kanilang ginawa?</b>&mdash;Itinatag
+na rin ang Tatlong Baytang n~g "Katipunan". Nait&oacute;:
+"Katipunan" ang pamagat n~g unang baytang. Kung nasa pulong ang
+m~ga kasama sa baytang na it&oacute;, ay gumagamit n~g is&aacute;ng
+kaputsang itim na may is&aacute;ng tri&aacute;ngulo na kinalalagyan
+n~g m~ga titik na "Z," "Ll" at "B," na ang kahulugan ay "Anak n~g
+Bayan." Sila'y may m~ga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan.
+Kapag binigk&aacute;s ang salitang "Anak" ang isinasagot n~g
+tinatanong ay "n~g Bayan." "Revolver," sandata o gulok ang
+tinataglay n~g m~ga nagsisidal&oacute; sa pulong n~g baytang na
+it&oacute;.</p>
+
+<p>"Kawal" naman ang pamagat n~g Ikalawang Baytang. Lungtian ang
+kulay n~g kaputsa na ang kahulugan ay pag-asa. Puti ang
+sint&aacute;s at m~ga titik n~g tri&aacute;ngulo. May suot na
+sint&aacute;s na lungtian na sa dulo ay may isang "medalla" na may
+isang "K" sa gitna at may sinag at sa dakong mababa ay nakakabit
+ang magkasab&aacute;t na isang watawat at espada. Ang m~ga
+hudy&aacute;t o mahal na salita'y "Gom-Bur-Za," na ang katutura'y
+Gomez, Burgos at Zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay n~g
+pamahalaang Kastila n~g ika 28 n~g Pebrero, 1872, kahima't di tunay
+ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila.</p>
+
+<p>Pinamagatang "Bayani" ang Ikatlong Baytang. Kaputsang
+pul&aacute; na may listong lungtian ang isinusuot n~g m~ga kasapi.
+"Rizal" ang hudyat na salita, bilang pagtulol sa walang katwirang
+pakakapabilangg&oacute; sa kanya. Itinatag n~g araw ding iyon (ika
+7 n~g Hulyo, 1892) ang "Katipunan." Ang m~ga kasapi sa ikatlong
+baytang na ito, ay siya lamang nakatatalos n~g m~ga tunay na
+adhikain n~g "Katipunan."</p>
+
+<p>23.&mdash;<b>Sa papaanong paraan nagkakakilanlanan ang m~ga
+magkakasama sa "Katipunan"?</b>&mdash;May is&aacute;ng paraan.
+Upang magkakilanlan ang m~ga magkakasapi ay itinatagop ang kanang
+kamay sa dibdib sa tapat n~g puso at kung gap&oacute;s&mdash;noong
+panahon n~g kastila'y ginagapos n~g abot-siko ang sino mang hulihin
+kah&iacute;'t sa anong kasalanan&mdash;ay itinitiklop ang m~ga
+daliri, maliban lamang ang hintuturo at ang kalingkin~gan na
+paraparang inauusli.</p>
+
+<p>24.&mdash;<b>Sinosino naman ang nagsisibuo n~g
+"Katipunan"?</b>&mdash;Sa bawa't bayan ay may m~ga "Balan~gay," at
+"Sangguniang Hukuman," na siy&aacute;ng kapangyarihang nagaayos at
+humahatol sa m~ga sigalot at alitan n~g magkakapatid sa loob n~g
+"Katipunan." Ang m~ga balan~gay ay nasasakupan n~g Kataastaasang
+Pan~guluhan na pangsangkapuluan.</p>
+
+<p>25.&mdash;<b>Sa papaanong paraan ginagawa ang pagkuha n~g
+kasapi?</b>&mdash;Sa bawa't pook ay nagtatayo n~g is&aacute;ng
+wari'y lupon na kung tawagin ay "Hasik" na binubuo n~g tatlo katao
+na parang tatlong tungko. Ang "Hasik" na ito ang siy&aacute;ng sa
+inot-inot ay nanghihikayat upang may sumapi sa "Katipunan."
+Pagdamidami na n~g m~ga kasangayon ay saka pa lamang itinatayo ang
+"Balan~gay" na pinamumunuan n~g is&aacute;ng lupon na ang m~ga
+tunkulin ay tulad din n~g sa Kataastaasang Lupon. Ang m~ga "Hasik"
+na yaon, ay di na ipinagpatuloy n~g malapit na ang tangkang panahon
+sa paghihimagsik, pagka't ang m~ga taong baya'y halos naguunahan
+nang sila'y mapabilang sa "Katipunan."</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VI" name='VI'></a>
+<h2><b>VI</b></h2>
+
+<h2>M~GA PARAANG GINAGAWA SA PAGSAPI SA "KATIPUNAN"</h2>
+
+<p>26.&mdash;<b>Papaano ang pagsapi?</b>&mdash;Sa pagtanggap n~g
+pakikisapi ay tinularan, bagama't di lub&oacute;s, ang ginagawa n~g
+"Masoner&iacute;a." Bawa't kasapi ay may mahigpit na tungkuling
+manghikayat n~g bagong makakasama at sa pananagutan niya ay
+inihaharap sa "Balan~gay" ang kanyang nahikayat. Datapwa, bago
+gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan
+at kabuhayan n~g isasapi at baka di kabag&aacute;ng n~g m~ga taong
+"Katipunan." Kung mapatunayan na siya'y may tapat na loob ay saka
+pa lamang gagawin ang pagtanggap.</p>
+
+<p>27.&mdash;<b>Papaano ang ginagawa sa pagtanggap?</b>&mdash;Ang
+bagong kasapi'y pinipirin~gan at ipinapasok sa is&aacute;ng silid
+na itiman ang kulay n~g m~ga panig at bahagya nang naiilawan,
+pagkatapus ay inaalisan n~g piring. Sa m~ga panig n~g silid ay may
+m~ga nasusulat na ganit&oacute;:</p>
+
+<p>"<i>Kung may lak&aacute;s at tapang, &igrave;kaw'y
+makatutuloy"</i></p>
+
+<p><i>"Kung ang paguusisa ang nagdal&aacute; sa iy&oacute; dito'y
+umurong ka."</i></p>
+
+<p><i>"Kung di ka marunong pumigil n~g iyong masasamang hilig,
+umurong ka; kailan man ang pintuan n~g May-kapangyarihan at
+Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Baya'y bubuksan dahil sa
+iy&oacute;.</i>"</p>
+
+<p>Sa ibabaw n~g is&aacute;ng dulang ay may is&aacute;ng bun~go,
+is&aacute;ng "revolver" at is&aacute;ng gulok. May is&aacute;ng
+papel na kinasusulatan n~g m~ga sumusunod na tanong:</p>
+
+<p><i>I&mdash;"An&oacute; ang kalagayan nit&oacute;ng Katagalugan
+n~g unang panahon?"</i> (Sa salitang <i>Katagalugan</i> ay kasama
+na ang <i>Kabisayaan, Kailokohan</i> at lahat na n~g
+Kapilipinuhan.)</p>
+
+<p><i>II&mdash;"An&oacute; ang kalagayan sa n~gayon?"</i></p>
+
+<p><i>III&mdash;"An&oacute; ang magiging kalagayan sa darating na
+panahon?"</i></p>
+
+<p>28.&mdash;<b>At ano-ano ang isinasagot sa m~ga tanong na iyan
+n~g ibig sumapi?</b>&mdash;Ang kasagutan, humigit kumulang n~g sino
+mang ibig sumapi, ay ganito:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p>Ukol sa unang tanong: Na, nang dumating dito sa atin ang m~ga
+Kastila n~g ika-16 n~g Marzo n~g taong 1521, ang m~ga pilipinong
+naninirahan sa m~ga baybayin ay may pagkaalam na sa maayos na
+kabuhayan at pamamayan. Noon n~ga, tayong m~ga pilipino ay may
+kalayaan na sa pamamayan; may m~ga kanyon; maalam na tayong magsuot
+n~g m~ga damit na sutla; nakikipagunawaan na tayo sa
+pan~gan~galakal sa m~ga karatig na bayan sa Asia. Tayo'y may
+sariling pananampataya o relihiyon, may sariling titik o sulat, na
+anopa't, lumalasap tayo n~g kalayaan at kasarinlan.</p>
+
+<p>Ukol sa ikalawang tanong: Na ang m~ga fraile na kung tawagin ay
+m~ga "kahalili" raw, sila n~g "Diyos", ay pawang kabalbalan ang
+itinuro sa m~ga pilipino. Hindi tayo tinuruan n~g tunay na
+Karunun~gan sa buhay at sapagka't kung tayo'y man~gatuto ay hindi
+nila mauulol at sa ganya'y di nil&aacute; mahuhuthot ang ating
+kayamanan. Ang itinuro sa atin n~g m~ga "fraile" ay ang maling
+pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos n~g sunod-sunod na m~ga
+pist&aacute; na kinahuhulugan n~g ating salapi at kayamanan sa
+kapakinaban~gan n~g m~ga "fraile" at Kombento. Ang m~ga "fraile" ay
+siyang mahigpit na kalaban n~g ikatatalino at ikabibihasa n~g
+pilipino (tagalog kung isulat n~g m~ga Katipunan) na sa katunaya'y
+ayaw sila na tayo'y man~gatuto n~g wikang kastila. Anopa't lahat na
+n~g karain~gan sa panglulupig, panggagahasa, m~ga kasagwaan,
+pagtin~gin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa m~ga Kastila
+na ginagawa n~g m~ga "fraile" ay siyang isinasaysay sa ikalawang
+tanong na ito. Sa kahulihuliha'y idinadaing din naman ang malabis
+na pagkiling n~g pamahalaang kastila sa m~ga "frayle," pagsunod sa
+kanilang m~ga bilin laban sa bayan, paniniwala sa m~ga sumbong n~g
+m~ga yaon, kahima't lisya sa matwid, at pagtanggi na ang m~ga
+pilipino ay bigyan n~g kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa n~g
+ikalulusog sa dunong, sa buhay at sa pan~gan~galakal.</p>
+
+<p>Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa
+m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na
+inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay
+mapapasaul&icirc; sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa
+ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez,
+Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan
+n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi
+ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral
+at pasy&aacute; n~g "Katipunan."</p>
+</div>
+
+<p>29.&mdash;<b>Kung makasagot na ba n~g ganyan ay tinatanggap
+na?</b>&mdash;Hindi pa rin. Ang kapatid na "Mabalasik" ay
+siy&aacute;ng nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang
+hakbang na yaon sa kanyang buhay. Ipinaaalaala na siya'y maaaring
+umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang
+kanyang buhay. Kung ang sumasapi ay magpumilit din sa paganib sa
+"Katipunan," ay saka siy&aacute; ihaharap, na may piring din, sa
+m~ga kapatid na nan~gagkakatipon nang siya'y tanggapin. Ang tapang
+at kabuoan n~g kanyang loob ay sinusubok sa ilang paraan. Minsa'y
+bigyan n~g gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa
+m~ga kalahi; naiyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na
+makukulong n~g apoy, na, sa pagsasalita n~g gayon, ay talagang
+nagsusunog n~g m~ga papel upang maramdaman ang init n~g nin~gas n~g
+sinusubukan. Kung hindi magpakitang takot, aalisan na n~g piring at
+palalagdain sa kasulatan n~g panunumpang inilathala sa unahan, na
+ang pinakatinta ay dugong kinukuha n~g is&aacute;ng palalim sa
+kanyang kaliwang bisig.</p>
+
+<p>30.&mdash;<b>Anong wika ang ginagamit n~g m~ga kasapi sa
+"Katipunan"?</b>&mdash;Ang tagalog; n~guni't ang kahulugan n~g
+ilang titik n~g abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat n~g
+m~ga kasulatan at gayon din sa paglagd&aacute; n~g kanilang m~ga
+sagisag. Ang titik na "a" ay ginawang "z", ang "c" at "q" ay
+ginawang "k", ang "i" ay "n", ang "l" at "ll" ay "j" ang "m" ay
+"v", ang "n" ay "ll", ang "o" ay "c" at ang "u" ay "x". Ang f, j,
+v, x at z n~g abakadang kastila ay itinakwil pagka't hindi
+kailan~gan. Sa maliwanag na ulat ay ganit&oacute; ang
+Abakad&aacute; (alfabeto) n~g "Katipunan" kung itutulad sa abakada
+n~g wikang Kastila.</p>
+
+<span style='margin-left: 0.5em;'><i>Abakada&nbsp; &nbsp; &nbsp;
+&nbsp; &nbsp; Abakada</i></span><br />
+<i>n~g kastila n~g "Katipunan</i>"<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>A ..................
+Z</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>B ..................
+B</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>C ..................
+K</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>D ..................
+D</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>E ..................
+Q</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>G ..................
+G</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>H ..................
+H</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>I ..................
+N</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>K ..................
+K</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>LL..................
+J</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>M ..................
+V</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>N ..................
+LL</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>O ..................
+C</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>P ..................
+P</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>Q ..................
+K</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>R ..................
+R</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>S ..................
+S</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>T ..................
+T</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>U ..................
+X</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>W ..................
+W</span><br />
+<span style='margin-left: 1.5em;'>Y ..................
+Y</span><br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VII" name='VII'></a>
+<h2><b>VII</b></h2>
+
+<h2>ANG MAHIGPIT NA PAKIKIBAKA N~G "KATIPUNAN" SA KANYANG
+KABUHAYAN</h2>
+
+<br />
+
+
+<p>31.&mdash;<b>Tinanggap ba n~g lahat na Pilipino ang m~ga
+Palatuntunan, Aral at Gawain n~g "Katipunan"?</b>&mdash;Hindi. Gaya
+n~g sinabi na, ang "Katipunan" ay itinatag noong ika 7 n~g Hulyo
+n~g 1892. Sa buong taong sumunod, 1893 ay hindi pa lumalaganap,
+sanhi sa maraming kadahilanan.</p>
+
+<p>32.&mdash;<b>Maari bang isaysay?</b>&mdash;Oo. Ang kaunaunahan
+ay ang kabaguhan n~g layunin at paraan n~g samahan, gaya n~g nakita
+na natin, ay may kahirapang ilaganap sa bala na kundi pipiliin muna
+bago hikayatin. Tan~gi sa rito, si Bonifacio na rin ang kusang
+nagpauntol-untol sa pamanhik n~g m~ga kababayang nagsisibuo
+no&oacute;n n~g "Liga Filipina," na lahat halos ay m~ga pilipinong
+litaw, nakakakaya't may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan
+n~g "Ligang" yaon, ay makukuha n~g bayang pilipino "sa loob n~g
+kapayapaan" ang pagsugpo sa masasama't hidwang pamamalakad dito sa
+atin n~g pamahalaang kastila at n~g m~ga "fraile." Ganit&oacute;
+ang pan~gunang layon n~g "Liga Filipina" na itinatag nina Rizal at
+m~ga kapatid niyang "mas&oacute;n" at ib&aacute; pa. Si Bonifacio
+man ay nag&iacute;ng kasapi rin doon.</p>
+
+<p>33.&mdash;<b>Di ba't ang "Katipunan" ay humuwad sa "Masoneria"
+n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin
+sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?</b>&mdash;Oo na n~ga. Subali't
+ang kapatiran n~g m~ga "mas&oacute;n," ay kasalun~gat ni Bonifacio
+ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa
+Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at
+kasamaang inaasal n~g m~ga "fraile" at n~g Pamahalaang Kastila sa
+pilipino. Ang "Masoneria" at ang "Katipunan" ay nagkakais&aacute;
+sa kanilang han~gad na pagtub&oacute;s sa Bayang Pilipino. Datapwa,
+ang una'y ibig makuha ang katubusang ya&oacute;n sa loob n~g
+kapayapaan sa pamamamagitan n~g pagpapalaganap n~g kaniyang
+magagand&aacute;'t makataong simulain; samantalang ang nais at
+han~gad n~g huli'y ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin
+lamang na ang m~ga naghahari noon dito sa atin&mdash;ang
+pamahalaang Kastila't m~ga "fraile"&mdash;ay hindi makuha sa samo,
+pakiusap at pan~gan~gatwiran, bagk&uacute;s ang itinutug&oacute;n
+sa ginawi n~g m~ga "masong" sin&aacute; Rizal, Del Pilar, Lopez
+Jaena, Regidor, Cortez at ib&aacute;'t ib&aacute; pa ay ang sila'y
+ipalagay na "kaaway n~g Espa&ntilde;a at n~g Dios," at marami sa
+kanil&aacute; at sa kanilang m~ga kabig ang napabilanggo, napatapon
+sa malalayong bayan at pinapagdusa sa m~ga bilangguan, kahima't
+walang nagawang kasalanan.</p>
+
+<p>34.&mdash;<b>Sa makatwid ang m~ga "mason" at ang m~ga mayamang
+pilipino'y hindi kaayon n~g "Katipunan"?</b>&mdash;Hindi, kundi
+bagk&uacute;s pang kasalun~gat. Nang lumalaganap na ang "Katipunan"
+ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang
+nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang
+mabalasik na pagpapalaganap ni Andr&eacute;s Bonifacio, di sa
+dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile,"
+kundi sapagka't kailan man ang m~ga "mas&oacute;n," ay "ayaw
+ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang
+tinatam&oacute;." Ang "Katipunan" nama'y ang ibig ay "n~gipin sa
+n~gipin," at ayaw gantihin n~g tinapay ang bat&oacute;, kundi
+bat&oacute; rin. Kaya nama't is&aacute; sa m~ga aral n~g
+"Katipunan" ay, nahahawig doon sa "ang di mo ibig na gawin sa iyo,
+ay huw&aacute;g mong gawin sa iyong kapwa."</p>
+
+<p>35.&mdash;<b>Maaari bang isaysay ang ilang pangyayari ukol
+diyan?</b>&mdash;Oo. N~guni't bago banggitin ang ilang pangyayari
+ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g "Masoner&iacute;a,"
+ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga
+manggagawang hamak, na ang kabuhaya'y "isang kahig, is&aacute;ng
+tuka"; pagka't upang maging "mason," isa sa m~ga pan~gunahing
+kailan~gan ay ang ikaw'y may sapat na kinikita upang buhayin ang
+iyong asawa't m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na
+isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa
+sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. Dahil dito ay sukat
+n~g mataho na ang m~ga "mas&oacute;n" ay m~ga taong nakakakaya at
+ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa
+"Masoner&iacute;a," na m~ga anak pawis, m~ga dukha't maralita.
+Sapagka't noo'y mayayaman at mahihirap na pilipino'y paraparang
+inaapi at pinahihirapan n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile"
+kung kaya't lahat ay nagtataglay n~g isang layunin: maputol lahat
+ang kaapihan. Nagkakaib&aacute; n~ga lamang sila sa kaparaanang
+ginagamit sa ikapagtatagumpay n~g kanilang layon.</p>
+
+<p>36.&mdash;<b>Ano ang ginawa n~g m~ga "mason" kay Bonifacio at sa
+"Katipunan"?</b>&mdash;Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay
+"mas&oacute;n" din. Siya'y "segundo vigilante" sa "Logia Taliba,"
+na ang "Venerable," ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis
+Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa "Katipunan"
+ay m~ga kamukha rin niyang "mas&oacute;n." Is&aacute;ng araw ay
+ipinatawag si Bonifacio n~g m~ga namumuno sa kanyang "logia" at,
+siya'y hinihikayat na itigil ang "Katipunan," pagka't ang katwiran
+n~g m~ga humihikayat sa kanya'y ang kawalan n~g m~ga baril, kanyon,
+sandata at salapi na totoong kinakailan~gan sa paghihimagaik na
+gagawin n~g "Katipunan," na kung mapipilan ay siyang lalong
+kasawian n~g bayang pilipino. Pagkatapos na marinig n~g am&aacute;
+n~g "Katipunan" ang gayong m~ga pan~gan~gatwiran, ay di umimik
+kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang
+pagsasalitang "Diyan na kay&oacute;, puro kayo wikang kastila."
+Isang araw nama'y nagsadya si Bonifacio sa bahay n~g nasirang si
+Antonio Luna upang ipatalast&aacute;s dito ang gagawing
+paghihimagsik n~g "Katipunan." Pagkatapos na mapakinggan ni Luna
+ang m~ga pan~gun~gusap ni Bonifacio, ay nagsabi:
+"&iquest;An&oacute; ang ating ilalaban, itong ating m~ga ...? Kung
+si Napoleon ay naging Napoleon, ay sapagka't bukod sa siya'y may
+pusong matapang, ay maytalino pa, at, bukod sa lahat n~g iya'y may
+salapi." Nang ipinakilala naman ni Bonifacio kay Francisco Roxas,
+is&aacute; rin sa m~ga ipinabaril n~g pamahalaang kastila, ang
+hinahan~gad n~g "Katipunan," ay sinabi ni Roxas na siya'y ayaw
+makinig n~g m~ga kabalbalan at kaululan.</p>
+
+<p>37.&mdash;<b>Si Rizal ba'y kasangayon sa paghihimagsik na ginawa
+n~g "Katipunan"?</b>&mdash;Hindi. Sa kaniyang m~ga aklat, tula at
+sulat, ay napagkikilalang ang adhikang katubusan n~g Pilipinas, ay
+ibig niyang makamtan sa pamamagitan n~g karunun~gan at kadakilaang
+asal muna n~g kanyang m~ga kalahi, bago isipin ang ib&aacute;ng
+paraan. Isang araw n~g buwan n~g Mayo n&aacute; 1896 ay sinugo ni
+Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela (it&oacute; lamang ang kasaping may
+t&iacute;tulo sa "Katipunan") na makipanayam kay Rizal sa
+pinagtapunan dito sa Dapitan, Mindanaw, upang ipatalast&aacute;s sa
+kany&aacute; ang nais n~g "Katipunan" na maghimagsik nang maiwasak
+ang kapangyarihan n~g Espa&ntilde;a dito sa Pilipinas. Si Rizal ay
+sumalun~gat sa ganyang nais. Kinabukasa'y dalidaling lumulan sa
+bapor ang sug&oacute; n~g am&aacute; n~g "Katipunan," at umuwi sa
+Maynila, bagama't may tangkang manatili pa n~g m~ga ilang araw
+d&oacute;on. Nang malaman ni Bonifacio ang ikinaaayaw ni Rizal sa
+paghihimagsik ay sinabi ang ganito: "&iquest;At saang aklat nabasa
+ni Rizal na bago maghimagsik ay kailan~gang magkaroon muna n~g
+sandata at salapi?"</p>
+
+<p>38.&mdash;<b>Ang ibig bang sabihin niya'y kalaban ni Rizal at
+n~g m~ga "mason" si Bonifacio at ang "Katipunan"?</b>&mdash;Malayo.
+Si Rizal at halos ang marami sa m~ga "mason" ay m~ga taong may
+taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang
+isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan
+muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa
+iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang
+nahihidwa sa m~ga aral n~g "Masoner&iacute;a" sa kanyang m~ga
+kampon. Datapwa, ang m~ga dukha, manggagawa, m~ga maralita, na m~ga
+hamak na taong bayan, dito sa atin at saan pa man, ay kapag niyakap
+ang isang gawain at napagkilalang kailan~gang gawin sa ikasusunod
+n~g isang dakilang layunin, ay di na nagtutumigil n~g pag-iisip at
+karakaraka'y ginagampanan sa pamamagitan n~g salitang
+"&iexcl;Bahala na!". Ang "bahala" nang ito, ay makikita natin na
+siyang nagligt&aacute;s sa bayang pilipino n~g m~ga panahong
+ya&oacute;n at naghat&iacute;d sa atin sa tagumpay. At iyan ding
+m~ga salitang iyan ang nagligtas sa ibang m~ga bayan sa kuko n~g
+m~ga manglulupig na hari't mahadlik&aacute;ng umiin&iacute;s sa
+m~ga anak-pawis at dukha.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="VIII" name='VIII'></a>
+<h2><b>VIII</b></h2>
+
+<h2>ANG "KATIPUNAN" AT ANG BAYANG MARALITA</h2>
+
+<p>39.&mdash;<b>Ano ang ginawa ni Bonifacio sa harap n~g
+pagsalun~gat ni Rizal at n~g iba pa sa paghihimagsik?</b>&mdash;Sa
+halip na umurong, ay bagk&uacute;s nagpakasiglang lalo sa pagtatag
+n~g m~ga balan~gay at sauggun&iacute;an n~g "Katipunan." Buong taon
+n~g 1895 at ang m~ga unang buwan n~g ta&oacute;ng sumunod, 1896, ay
+kanyang naitatag sa buong Maynila at m~ga lalawigang karatig ang
+maraming san~ga o balan~gay. Kung an&oacute; ang laki n~g kaayawan
+sa paghihimagsik n~g m~ga pilipinong litaw at nakakakaya't
+mayayaman ay siya namang higpit n~g pagyakap n~g m~ga maralita sa
+layunin n~g "Katipunan." Ang m~ga manggagawa, ang m~ga tagabukid at
+ang m~ga dukha, ay paraparang nagsisiluha kung sila'y
+pinaliliwanagan n~g m~ga adhikain at aral n~g "Katipunan" at
+naguunahan sa pagsap&iacute;.</p>
+
+<p>40.&mdash;<b>Sa papaano napatatag ang Pamunuan n~g
+Katipunan?</b>&mdash;Sa kapulun~gang idinaos n~g m~ga kinatawan n~g
+m~ga balan~gay noong 1 n~g Enero n~g 1896, ay na~gapahalal sa
+Kataastaasang Pan~guluhan n~g "Katipunan" ang m~ga sumusunod:
+Kataastaasang Pan~gulo, Andr&eacute;s Bonifacio; Kalihim, Emilio
+Jacinto; Tagain~gat-yaman, Vicente Molina; Tagausig, Pio
+Valenzuela; m~ga kawani: Pantaleon Torres, Hermenegildo Reyes,
+Francisco Carreon, Jos&eacute; Trinidad, Balbino Florentino at
+Aguedo del Rosario.</p>
+
+<p>41.&mdash;<b>At ang m~ga Balan~gay at
+Sanggunian?</b>&mdash;Napatatag na sa maraming pook n~g Maynila at
+m~ga bayang karatig. Ang m~ga pan~galang taglay ay yaong m~ga
+pan~galan o bagay na maykinaalam sa ating lahi at sa kalayaang
+ninanas&agrave;. Naito ang ilan: "Dapitan" (bayang pinagtapunan kay
+Rizal); "Laong-Laan" at "Dimas-Alang (m~ga lagda ni Rizal sa
+kaniyang m~ga isinulat sa m~ga pahayagan); "Katagalugan",
+"Katotohanan", "Kabuhayan", "Silan~ganan", "Pagtibayin",
+"Kailan~gan", "Bagong-Silang", "Di-Magpapatantan", "Di-Tutugutan",
+"Pinan~gin~ginigan" at iba't iba pa.</p>
+
+<p>42.&mdash;<b>Anong m~ga kaparaanan ang ginamit sa pagpapalaganap
+n~g "Katipunan"?</b>&mdash;Ang m~ga pakikipagpulong n~g lihim sa
+m~ga pook pook, suloksulok at bahay-bahay. Tan~gi sa rito, ay ang
+m~ga sulat at limbag na gawa ni Bonifacio, ni Emilio Jacinto at n~g
+iba pa, na walang lagda. Nagkaroon din ang "Katipunan" n~g sariling
+palimbagan at doo'y inilimbag ang dalawang bilang lamang n~g
+pahayagang tagalog na pinamagatang "Kalayaan," na inilathala n~g
+ika 1 n~g Enero n~g 1896. Isang 1000 ang sipi n~g unang bilang at
+2000 ang ikalaw&aacute;.</p>
+
+<p>43.&mdash;<b>Saan kinuha ang salaping ibinili sa
+Palimbagan?</b>&mdash;Isang araw ang kapatid ni Bonifacio na
+nagn~gan~galang Troadio ay galing sa Australia na may kasamang
+dalawang kababayang taga-Kapis na nagn~gan~galan Francisco Castillo
+at Camilo Iban. Ang dalawang ito'y tumama sa "loteria" n~g ilang
+libong piso. Nang mabalitaan ito ni Bonifacio sa pamamagitan n~g
+kanyang binanggit na kapatid ay hinikayat sa "Katipunan" ang
+dalawang yaon, na nagkaloob naman pagkatapos n~g halagang apat na
+raang pisong ibinili n~g palimbagan n~g masong si Antonio Salazar
+na mayari n~g "Bazar del Cisne," na ipinabaril din n~g m~ga
+kastila, at sa kanila rin galing ang salaping ibinili n~g m~ga
+titik sa palimbagan ni Isabelo de los Reyes, na ipinun&ocirc; sa
+m~ga titik n~g binanggit na palimbagan.</p>
+
+<p>44.&mdash;<b>San~gayon sa m~ga isinaysay, ay walang salapi ang
+"Katipunan" at sahol sa m~ga kagamitan sa kanyang layon, kung gayon
+ano't lumaganap?</b>&mdash;Ang m~ga kalupitan at paghamak na rin sa
+m~ga pilipino, n~g m~ga nakasasakop sa atin noon, ang
+nagpasigl&aacute; sa m~ga taongbayan upang sumapi sa "Katipunan."
+Bukod sa rito, si Bonifacio, ay talagang may sapat na talino sa
+paglikha n~g m~ga paraan na sukat makahikayat sa tao. Ipinasya
+niy&aacute; na sa tuwing magpupulong ang m~ga "balan~gay", ay
+buklatin ang kasaysayang batbat n~g hirap n~g Pilipinas at sa
+ganito'y paalalahanan ang m~ga kapatid sa kaabaan n~g katayuan n~g
+lupang-sarili. Tuwing darating ang ika 28 n~g Pebrero, ay nagdaraos
+n~g m~ga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong
+sina Gomez, Burgos at Zamora na ipinabitay n~g pamahalaang kastila
+sa sulsol n~g m~ga "fraile." Anopa't ang m~ga bagay na ganito, ang
+m~ga paguusig kina Rizal at m~ga kasamahan, na paraparang labag sa
+matwid, ay siyang lagi nang ipinagugunita upang magalab ang loob
+n~g m~ga kasapi. Bakit ang toto&oacute; ay talagang inis na't tigib
+na tigib ang pusong matiisin n~g m~ga pilipino sa madlang kaapihang
+ginagawa sa kanila n~g m~ga maykapangyarihan noon.</p>
+
+<p>45.&mdash;<b>Ang m~ga babai ba'y tinatanggap sa
+"Katipunan"?</b>&mdash;Hindi kabilang ang m~ga babai. Subali't ilan
+sa kanila, lalunglaluna ang m~ga asaasawa n~g m~ga nasa katipunan,
+ang nabigyan n~g tungkuling magagaan. Si G. Perfecta Simeon, sa
+halimbawa, ay ginawang taga-in~gat-yaman sa "Balan~gay
+Maluningning," na napatatag sa nayon n~g San Nicolas, Maynila.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="IX" name='IX'></a>
+<h2><b>IX</b></h2>
+
+<h2>ANG "KATIPUNAN" AT ANG PAGUUSIG SA M~GA MASON</h2>
+
+<p>46.&mdash;<b>Inusig ba n~g m~ga kastila't fraile ang m~ga mason
+dahil sa "Katipunan"?</b>&mdash;Oo. Anoman ang mangyaring pagtutol
+n~g m~ga pilipino sa m~ga kahidwaang inaasal n~g m~ga nakasasakop
+sa atin sa m~ga panahong yaon ay sa m~ga "mason" ibinibintang at
+ang m~ga ito ang pinagdadadakip at pinarurusahan.</p>
+
+<p>47.&mdash;<b>At sa anong dahil?</b>&mdash;Kailan~gan ang
+kaunting paliwanag. Sinabi na natin na ang m~ga "mason" ay di
+kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon n~g m~ga Katipunan. Alam
+na natin na, ib&aacute; ang "Masoner&iacute;a" sa "Katipunan," at
+ang "Liga Filipina" nama'y walang kinaalam sa dalawang nauna.
+Bawa't is&aacute; ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at
+adhikain. Subali't hindi maikakait na ang "Masoner&iacute;a" at ang
+kaniyang m~ga kampon ay sil&aacute;ng nagsabog sa m~ga kalahi n~g
+m~ga kurong dakila ukol sa ikatutub&oacute;s; sil&aacute;, ang m~ga
+mas&oacute;n, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban
+sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g
+kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga
+kasapi sa "Masoner&iacute;a," ay silang nagpakilala sa pamahalaan
+sa Espa&ntilde;a n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na
+siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at
+kabusabusan. "Ibig namin&mdash;ang hiling sa Espa&ntilde;a n~g m~ga
+mas&oacute;n&mdash;na ang aming baya'y maging karapatdapat, maging
+malaya't maginhawa, na sa kaniyang pan~ganorin ay tumanglaw ang
+maningning na araw n~g katarun~gan at kabihasnan. Ibig namin na
+dito'y maghari ang pagpapantay-pantay, ang tunay na kalayaan n~g
+mamamayan sa harap n~g m~ga mapagimbot, na nan~gabubuhay sa
+pagsugpu sa karapatan n~g bayan na dinidilig ang kanilang
+kaginhawahan n~g luha n~g bayang nagdaralita."</p>
+
+<p>48.&mdash;<b>Ang m~ga kahilin~gan bang iyan ay napagkilala n~g
+m~ga taong bayan?</b>&mdash;Hindi lamang nakilala kungdi
+nararamdaman nila sa sarili. Ang m~ga pagsusumikap na yaon n~g m~ga
+mason ay siyang ikinamulat n~g bayan sa kanyang aping kalagayan.
+Ito'y nalalaman n~g pamahalaang kastila at lalong natataho n~g m~ga
+"cura" sa bayan-bayan, pagka't sa bayang pinamumugaran n~g isang
+"logia" o n~g m~ga "mason," ang "cura" at ang m~ga kastila ay di
+lubhang nakapamayani sa kanilang m~ga masasamang gawa, sapagka't
+nahahadlan~gan sila n~g pagkakaisa n~g m~ga taong bayan sa pagtutol
+laban sa m~ga masasama nilang palakad. Napapansin din n~g m~ga
+"fraile" na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa
+kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa
+loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman
+nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga
+kandila, ang m~ga istamp&aacute;, ang m~ga bula, ang m~g novena, na
+kinakalakal n~g kombento.</p>
+
+<p>49.<b>&mdash;Kailan pa inusig ang m~ga mason?</b>&mdash;Ang
+masikhay na paguusig sa kanila, ay masasabing nagsimula noong taong
+1892 at sumidhi n~g mapatatag na ang "Katipunan" at si Bonifacio'y
+walang humpay sa pagpapalaganap n~g kanyang samahan. Paano'y alam
+n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" na si Bonifacio'y
+"mason," bukod sa ang layunin at m~ga ipinupunla n~g "Katipunan,"
+ay huwad sa "Masoneria." Kaya, lahat n~g kilos nina Bonifacio at
+m~ga kasamahan ay sa m~ga "mason" ibinabagsak, bakit ang am&aacute;
+naman n~g "Katipunan," sa nasa niyang magkasamasama ang lahat, sa
+lilim n~g watawat n~g samahang kaniyang pinamunuan, ay di lamang
+hindi nagpapasinun~galing sa gayong akala kundi bagkus pang
+pinagtitibay. Ang m~ga "mason," n~g m~ga panahong yaon, ay sila ang
+lumalagay na tagataguyod n~g kalayaan n~g bayan at sila'y
+pinagpipitaganan n~g maraming kababayan, lalonglalo na ang m~ga
+"masong" sin&aacute; Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at iba pa, na
+may m~ga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan n~g Pilipinas at
+lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis n~g kanilang
+kababayan.</p>
+
+<p>50.&mdash;<b>Hindi ba itinigil ang paguusig na yaon sa m~ga
+mason?</b>&mdash;Nang taong 1893 at n~g m~ga unang buwan n~g taong
+1894, ay napatigil ang m~ga paguusig sa kanil&aacute;. Palibhasa'y
+naipatapon na si Rizal sa Dapitan&mdash;na sa ganang m~ga kastila't
+fraile'y siyang pinakapuno n~g kilusan n~g m~ga "mason"&mdash;at
+naparusahan na ang m~ga inaakalang kinaalam sa pagtutol na
+ginampanan n~g m~ga pinaguusig na gaya nina Doroteo Cortes, Jose
+Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang taganas na
+m~ga "mason," ang m~ga kalaban n~g kalayaan n~g bayan ay
+napatahimik. Dahil dito'y muli na namang nagsikilos ang m~ga mason
+at binuhay na muli ang kanilang m~ga pagpupulong tun~go rin sa
+ikagagaling n~g sariling bayan.</p>
+
+<p>51.&mdash;<b>Nagtagal ba ang gayong
+katahimikan?</b>&mdash;Hindi. Nang taong 1895 ay muli na naman
+silang pinagusig. Ang kilusan sa paghihimagsik n~g "Katipunan" na
+noo'y lumaganap na sa m~ga taong bayan, lalonglaluna sa m~ga
+lalawigang tagalog, ay sa m~ga mason naman ipinagbintang. Sila na
+naman ang hinuli, pinahirapan at ipinagbibilanggo. Ang m~ga
+"convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang
+nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang
+linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa Espa&ntilde;a. Ang
+bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay
+n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong
+bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masoner&iacute;a." Dahil
+dito, marami rin sa m~ga mason na noong una'y di kasangayon ni
+Bonifacio sa paghihimagsik, ang tumulong na tuloy sa pagpapalaganap
+n~g "Katipunan."</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="X" name='X'></a>
+<h2><b>X</b></h2>
+
+<h2>ANG PAGHIHIMAGSIK</h2>
+
+<p>52.&mdash;<b>Ano ang ginawa n~g "Katipunan" sa harap n~g m~ga
+nangyayaring yaon?</b>&mdash;Inihanda na ang paghihimagsik. Si
+Bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ang madalas
+magsilabas sa m~ga bundok na nakalilibid sa Maynila at kanilang
+pinagaaralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay dito at ang
+magagawang kuta n~g kawal n~g "Katipunan" sa pakikilamas.</p>
+
+<p>53.&mdash;<b>Kailan nahuli ang m~ga kasapi sa
+"Katipunan"?</b>&mdash;Niyong ika 13 n~g Agosto n~g 1896 sa San
+Piro Makati. Bag&aacute; man m~ga kasapi sa "Katipunan" ang
+nan~gahuli, ay m~ga "mason" din, daw, alinsunod sa sulat n~g "cura"
+sa tinurang bayan na si Agustin Fernandez sa pinuno n~g Kastila
+rito sa Maynila na si Luengo. N~guni't bago pa mangyari ito, ang
+teniente n~g Guardia Civil na si Manuel Sityar, niyong ika 5 n~g
+buwan n~g Hulyo n~g ta&oacute;n ding yaon, 1896, ay sumulat na sa
+m~ga pinuno niya, sa Maynila, at ibinabalita na siya'y may
+natuklasang inihahandang paghihimagsik laban sa pamahalaan na ang
+man~ga san~ga ay nasa San Juan del Monte, San Felipe Nery,
+Pandakan, Marikina at Montalban. Ibinabalita rin na may m~ga ilang
+libo ang magsisipaghimagsik na nagsipanumpa sa pamamagitan n~g
+sarili nilang dugo na inilagda sa kasulatan nang sa gayo'y
+magtumibay sa pakikibaka hanggang sa matam&oacute; ang kasarinlan
+n~g Pilipinas.</p>
+
+<p>54.&mdash;<b>Umabot ba sa kaalaman ni Bonifacio ang ganyang m~ga
+ibinalita?</b>&mdash;Oo. Simula pa nang itinatag ang "Katipunan",
+ay nakahikayat na nang ilang kababayang nagsisipaglingkod sa m~ga
+kawanihan n~g pamahalaang kastila at gayon din ang ilan sa
+nagsisipaglingkod sa bahay n~g m~ga pinuno at sa m~ga "convento."
+Nang m~ga araw na yaon, ay nakapaglagay na ang "Katipunan" n~g
+kaniyang m~ga tiktik sa loob n~g pamahalaan na naghahatid kay
+Bonifacio n~g m~ga balitang kailan~gan nit&oacute;. Kaya, n~g
+malaman niyang natuklasan na ang "Katipunan" n~g may kapangyarihan,
+ay pinulong ang lahat n~g m~ga pan~gulo sa m~ga balan~gay at m~ga
+kasapi sa pook n~g Kankong, Kalookan, niyong ika 17 n~g Agosto n~g
+1896. Ang pulong ay sinimulan n~g ika 8 n~g umaga at natapos n~g
+magtatakipsilim na. Mainit at mahigpit ang kanilang pagtatalo. May
+m~ga ayaw munang gawin ang paghihimagsik sa kawalan n~g m~ga
+sandata't baril na ilalaban, n~guni't marami ang may ibig at ayaw
+nang magsiuwi sa kanikanilang bahay. Sa wak&aacute;s ay pinagtibay
+din at bilang saksi n~g pinagkasunduan, lahat ay nagsidukot at
+kinuha ang kanikanilang m~ga "cedula personal" at pinagpupunit,
+tandang hindi na sila babalik sa kanikanilang bahay. Pagkatapos ay
+nagpangkatpangkat na.</p>
+
+<p>55.&mdash;<b>Ano pa ang kanilang pinagtibay?</b>&mdash;Na
+salakayin ang Maynila n~g ika 30 n~g buwang binanggit. Datapwa, n~g
+matuklasan ni P. Mariano Gil, "cura" sa simbahan n~g Tundo, ang
+m~ga kasulatan n~g "Katipunan" at pati n~g batong pinaglilimbagan
+n~g "recibo" nito, dahil sa sumbong n~g isang nan~gan~galang
+Teodoro Pati&ntilde;o, na nakuha sa pagawaan n~g pahayagang "Diario
+de Manila," n~g ika 19 n~g buwang ding yaon, ang m~ga sundalo't
+"guardia civil" ay nagsisipagsiyasat sa m~ga palipaligid n~g labas
+n~g Maynila, kaya't n~g ika 23 n~g buwang ito ay nangyari ang unang
+labanan n~g m~ga iyon sa kawal n~g "Katipunan" sa Balintawak.
+Sinimulan na ang panghuhuli at pagpapahirap sa m~ga
+napagbintan~gan.</p>
+
+<p>56.&mdash;<b>Ano ang inilalaban n~g m~ga kasapi sa
+"Katipunan"?</b>&mdash;Ilang itak, bukaweng tinulisan, palasan,
+m~ga "revolver" na kinuha n~g m~ga Katipunan sa Maestranza, dalawa
+o tatlong baril na naagaw sa m~ga sundalo n~g pamahalaang
+kastila.</p>
+
+<p>57.&mdash;<b>Nagpatuloy ba sa ganito?</b>&mdash;Oo. N~guni't
+itinatag na ni Bonifacio ang kanyang pamahalaan sa "Pasong Tamo",
+Kalookan, at pagkatapos sa bundok n~g "Balara", Marikina. Mula doon
+ay siya'y naguutos sa tulong n~g kanyang m~ga kagawad. Ang
+pamahalaan n~g "Katipunan," ay di na sa samahang ito lamang kundi
+binigyan na n~g uring pangbansa. Ganit&oacute;: Presidente,
+Andr&eacute;s Bonifacio; Ministro de Estado, Emilio Jacinto;
+Ministro de Guerra, Teodoro Plata; Ministro de Gobernacion, Aguedo
+del Rosario; Ministro de Gracia y Justicia Briccio Pantas; Ministro
+de Hacienda, Enrique Pacheco; Secretario General, Daniel Tria
+Tirona at Tesorero General, Silverio Baltazar (Kapitan sa bayan n~g
+Kalookan).</p>
+
+<p>58.&mdash;<b>Ang pamahalaan bang iyan ang namatnugot n~g
+paghihimagsik?</b>&mdash;Oo. Datapwa, ang nais ni Bonifacio,
+bagaman si Rizal ay di nila kaayon, ay siya'y gawing pan~gulong
+pangdan~gal at siya'y magawang sanggunian, bagay itong di nangyari.
+Nang si Rizal ay dumating sa Maynila noong ika 5 n~g Agosto n~g
+1896 na galing sa Dapitan na pinagtapunan sa kanya, ay tinangka
+nina Bonifacio, Emilio Jacinto at ibang kasamahan na siya'y itanan.
+Si Emilio Jacinto ay nagsuot marinero at nagsadya sa lancha
+"Caridad" na kinalululanan ni Rizal sa paglunsad sa bapor
+"Espa&ntilde;a." Kunwa'y naglilinis, at sa isang pagkakataon ay
+ibinulong sa ating bayani: "Kung kayo po'y ibibilanggo, ay
+ililigt&aacute;s namin kayo. Kami'y nahahanda." Palibhasa'y umaasa
+si Rizal sa kalinisan n~g kanyang budhi sa matapat na pakikisama
+niya sa pamahalaan noon, sumagot n~g gayari: "Salamat. Huwag
+ninyong gawin iya sa akin. Bayaan ninyo't nalalaman ko ang aking
+gagawin." Dahil dito, ang nais na yaon nina Bonifacio ay di n~ga
+nangyari at sa gayo'y napilitang magkasya na sa sarisarili nilang
+pamamatnugot n~g "Katipunan."</p>
+
+<p>59.&mdash;<b>May m~ga palatuntunan ba ang
+paghihimagsik?</b>&mdash;Iilan lamang, yaong lubhang kinakailan~gan
+sa m~ga unang pagkilos. Pinasiyahan nila na ang magbabalita n~g
+pagsalakay sa Maynila, ay hihip n~g m~ga "tambuli" mula sa m~ga
+bundok na kinaroroonan n~g m~ga kawal. Ang hudyatan upang
+magkakilanlan ang magkakapatid ay ang salitang "Balan~gay" na dapat
+sagutin n~g "Marikit." Nang ika 27 n~g Agosto, 1896 ay lumipat si
+Bonifacio at ang kanyang m~ga kasamahan sa pook n~g "Balakbak,"
+nayon n~g "Hagdangbat&oacute;," at sa isang kamalig, ay kaniyang
+isinulat at ipinadala sa m~ga kinauukulan ang sumusunod na
+pahayag:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p><b>"m~ga maginoong namiminuno, kasapi at m~ga kapatid:</b></p>
+
+<p>"Sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito. Totoong
+kinakailan~gan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang
+walang pan~galang panglulupig na ginagawa sa m~ga anak n~g bayan,
+na n~gayo'y nagtitiis n~g mabibigat na parusa at paghihirap sa m~ga
+bilangguan, na, sa dahilang ito'y mangyaring ipatanto niny&oacute;
+sa lah&aacute;t n~g m~ga kapatid na sa araw n~g Sabado, ika 29 n~g
+kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin,
+kaya't kinakailan~gang sabaysabay na kumilos ang m~ga bayan-bayan
+at sabaysabay na salakayin ang Maynila. Ang sino pamang humadlang
+sa banal na adhikaing it&oacute; n~g bayan ay ipinalalagay na
+taksil at kalaban, maliban na n~ga lamang kung may sakit na
+dinaramdam o ang katawa'y maysala, at sila'y paguusigin alinsunod
+sa palatuntunang ating pinagiiral.&mdash;Bundok n~g Kalayaan, ika
+28 n~g Agosto n~g 1896&mdash;ANDRES BONIFACIO."</p>
+</div>
+
+<br />
+
+
+<p>60.&mdash;<b>Sinunod ba n~g bayan ang pahayag na
+iyan?</b>&mdash;Lahat n~g nakabatid ay nagsisunod. Kinabukasan n~ga
+n~g gabi, (29) ay nagkaroon na n~g labanan sa buong paligid n~g
+Maynila. Nang ika 30 n~g buang ito ay nagkaroon na n~g mahigpit na
+labanan sa Balintawak, sa San Juan del Monte at sa iba pang pook.
+Si Bonifacio ay nagpakita n~g di karaniwang katapan~gan at gayon
+din ang kanyang m~ga kasamahan. Nasupil nila at naagawan n~g ilang
+baril ang m~ga himpilan n~g guardia civil. Kaya noon din ay
+ipinasya ni General Blanco, kataastaasang puno n~g Kastila dito sa
+Pilipinas, na ipalagay na pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang
+Maynila, Bulakan, Kapampan~gan, Nueva Ecija, Tarlak, Laguna,
+Batan~gan at Kabite, at iniutos na bantayang mahigpit ang m~ga
+mamamayan.</p>
+
+<p>61.&mdash;<b>Ano pa ang ginaw&acirc; n~g pamahalaang kastila sa
+harap n~g m~ga pangyayaring yaon?</b>&mdash;Pinagdadakip ang lahat
+n~g kilalang mason o m~ga kamaganak at kaibigan nila at kinulong sa
+Bilibid, sa Fuerza de Santiago at sa ib&aacute; pang sukat
+kapiitan, gaya n~g silong n~g m~ga kuta (muralla) na nakakakulong
+sa loob n~g Maynil&agrave; (Intramuros). Ang m~ga mayayamang
+katulad n~g m~ga Yangko (ama); Roxas, Zamora, Bautista at iba't
+ib&aacute; pa'y pinaghuhuli at piniit sa bilangguan, at gayon din
+ang m~ga pilipinong napapatan~gi sa dunong at sa kabuhayan. Ang
+m~ga kasapi sa "Katipunan," ay pinagdadakip din at pinahirapan sa
+loob n~g bilangguan. Palibhasa'y nakilala na ang kaparaanang
+ginagaw&acirc; sa pagsapi,&mdash;dahil sa pagkatuklas n~g binanggit
+na "cura" sa Tundong si P. Mariano Gil,&mdash;lahat n~g m~ga
+manggagawa sa m~ga pagawaan, ang m~ga lalaking lumalakad sa m~ga
+lansan~gan sa Maynila at sa m~ga bayang katagalugan, ay is&aacute;
+is&aacute;ng nilililisan n~g manggas n~g baro n~g m~ga "guardia
+civil" at "veterana" at tinitignan kung may piklat na gurlis at
+ibinibilanggo. May m~ga ilan na nagkasugat o tinubuan kaya n~g
+galis sa bisig, kahit na di sa lugal na kinukudlitan sa pagkuna n~g
+dugo na inilalagda sa kasulatan n~g panunumpa n~g m~ga kasapi sa
+"Katipunan," ang ibinilango, pinahirapan at pinagbabaril sa
+Bagumbayan (Luneta) at sa loob n~g m~ga bilanguan.</p>
+
+<p>62.&mdash;<b>Ang m~ga mayayama't m~ga marurunong na pilipino ay
+di lamang ang hindi kasapi sa "Katipunan" kundi kasalun~gat pa
+mandin nito, &iquest;bakit sila pinagdadakip at pinabaril ang
+ilan?</b>&mdash;Si Bonifacio rin at ang "Katipunan" ang masasabing
+may kagagawan n~g gayong panghuhuli. Nang malaman ni Bonifacio na
+ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa
+paghihimagsik, siya'y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito'y
+mapadamay sa paguusig sa m~ga taga "Katipunan". Una, ay nang lalong
+masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga
+mayayaman't m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril,
+at, ikalawa't higit sa una'y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang
+apoy n~g paghihimagsik. Anopa't sa kanyang pagkatunay na
+manghihimagsik, ang ibig ni Bonifacio ay magkahalohalo na ang balat
+sa tinalupan. Kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya n~g
+pagsalakay sa Maynila, ay iniutos ni Bonifacio kina Emilio Jacinto
+at Guillermo Masangkay na isabog sa ilang pook n~g Maynila ang m~ga
+kasulatan na sadyang inihanda ni Bonifacio at nang m~ga alagad
+niya, na nagpapakilalang ang m~ga nan~gakalagda ay m~ga kinaalam at
+kasapi sa "Katipunan," bagaman ang totoo, ay hindi, at ang m~ga
+kasulatang yao'y ginawa lamang at hinuwaran ang lagda n~g ilang
+m~ga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo'y
+mapasubo o isubo sila sa ginampanang paghihimagsik n~g bayang
+maralita, sa ikabubuti n~g lahat.</p>
+
+<p>63.&mdash;<b>Iyan ba'y inihayag ni Bonifacio sa lahat n~g m~ga
+kasapi?</b>&mdash;Ang ginawa niyang panghuhuwad sa m~ga lagdang
+binanggit ay hindi inihayag, n~guni't talagang ipinababasa sa m~ga
+kasapi sa "Katipunan" at n~g sa gayo'y lalong lumakas ang loob n~g
+kaniyang m~ga alagad. Katunayan nito, ilan sa m~ga nahuli ang sa
+hirap sa m~ga pasakit ay nagtur&oacute; n~g nagtur&oacute; sa ilang
+taong litaw, bagama't ang ilan sa m~ga isinigaw ay sa gawa na
+lamang n~g higpit n~g m~ga parusa.</p>
+
+<p>64.&mdash;<b>At ano ba ang m~ga parusang iginagawad sa m~ga
+hinuhuli?</b>&mdash;Mahaba't ma'y kahirapang isaisahin. N~gunit ang
+karaniwan ay ang huwag pakanin n~g maghamaghapon; paluin sa
+talampakan; palakarin sa munggo, ibitin n~g patiwarik at biglang
+ibagsak; paluin n~g palasan n~g patihaya; duruin n~g aspile ang
+kuk&oacute;; inisin sa m~ga bartolina na maghamaghapong nakatayo;
+ilubog sa balon at makasandali'y han~guin at iba't iba pa. Sa
+katapustapusan ay barilin.</p>
+
+<p>65.&mdash;<b>Sino sino ang m~ga pinagbabaril?</b>&mdash;Hindi
+maaaring isiwalat. Marami. Sa m~ga kasapi sa "Katipunan" ay di na
+kailan~gan sabihin pa. N~guni't ang m~ga unang ipinabaril n~g
+pamahalaang kastila sa Luneta noong ika 4 n~g Septiembre n~g 1896,
+ika 5 at 1/2 n~g hapon, ay sin&aacute;: Sancho Valenzuela, Eugenio
+Silvestre, Modesto Sarmiento at Ramon Peralta. Ang m~ga masong
+binaril sa Maynila ay ito: Jose Rizal, Domingo Franco, Numeriano
+Adriano, Moises Salvador, Luis E. Villareal, Faustino Villaruel,
+Ramon Padilla, Jose Dizon at Antonio Zalazar. Sa m~ga lalawigan
+naman ang m~ga masong binaril o pinatay (marami ang sa hirap n~g
+m~ga parusa ay namamatay) sa gayon o ganitong kadahilanan ay ang
+sumusunod: Rosalio Silos, sa Mindanao; Lauro Dimayuga, sa
+Batan~gan: Domingo Cecilio, Ciriaco Sarile, Teodorico Lagonera,
+Pantaleon Belmonte, Quintin Tinio, Mamerto Natividad, at Marcos
+Ventus sa Nueva Ecija: Francisco Ta&ntilde;edo at Procopio Hilario
+sa Tarlak: Leon Hernandez sa Kamarines; at ang ilan sa m~ga binaril
+sa Kabite ay sina Victoriano Luciano, Maximo Inocencio, Feliciano
+Cabuco, Eugenio Cabezas, Hugo Perez, Maximo Gregorio, Jose Lallana,
+Severino Lapidario at Alfonso Ocampo.</p>
+
+<p>66.&mdash;<b>Ilang panahon nagtagal ang
+paghihimagsik?</b>&mdash;Mula n~g ika 29 Agosto n~g 1896 hanggang
+noong pumasok sa Maynila ang hukbo n~g m~ga amerikano noong ika 13
+n~g Agosto n~g 1898, bagaman n~g lagdaan ang "Pacto de
+Biak-na-Bato" noong ika 4 n~g Agosto n~g 1897, ay nahinto ang
+labanan na inulit uli n~g Mayo n~g taong sumunod, 1898, n~g
+nagbalik dito si Aguinaldo na buhat sa Hongkong. Dapat din sabihin
+na naririto na ang m~ga amerikano sa Maynila, ay nakikipaglaban pa
+ang kawal n~g paghihimagsik sa ilang bayan na hindi pa nahuhulog sa
+kamay n~g m~ga pilipino at sa katunaya'y ang ilan ay nagsisuko o
+napasuko nang naririto na sa Maynila ang hukb&oacute; n~g
+amerikano.</p>
+
+<p>67.&mdash;<b>Kailan dumating sa Pilipinas ang m~ga
+Amerikano?</b>&mdash;Noon n~g&acirc;ng unang araw n~g Mayo n~g
+1898. Nagbubukang liwayway n~g nagsipasok sa look n~g Maynila ang
+m~ga sasakyang-dagat na pangdima n~g Estados Unidos at
+kapagkaraka'y nilusob ang m~ga sasakyang dagat na pangdima n~g m~ga
+kastil&agrave; at m~ga ilang sandali lamang ay napipilan at
+napalubog itong m~ga huli. Sa look n~g Maynila ay namalagi ang m~ga
+sasakyang dagat na nagwagi hanggang noong ika 13 n~g Agosto n~g
+1898 na nilusob n~g hukbong amerikano ang Maynila at sa
+kanil&aacute; isinuko ang bayang ito n~g m~ga maykapangyarihang
+kastila n~g araw ding yaon.</p>
+
+<p>68.&mdash;<b>At ang hukbo n~g "Katipunan," ay ano ang ginawa n~g
+araw na yaon?</b>&mdash;Dapat munang sabihin na hindi na hukbo n~g
+"Katipuuan" ang m&aacute;itatawag sa m~ga kawal na yaong
+nagsipaghimagsik, sa dahilan noon ika 24 n~g Mayo n~g 1898, nang si
+Emilio Aguinaldo, ay magbalik sa Kabite na galing sa Hongkong (ika
+15 n~g Mayo, 1898), ay itinanghal niya ang kasarinlan n~g
+Pilipinas, na siya ang pinaka Dictador, kundi hukbo n~g Pamahalaang
+Pilipinong Naghihimagsik. Noong ika 12 n~g Hunyo n~g 1898, ay
+inihayag at itinanghal naman sa Kawit ang uri n~g Pamahalaang
+sarili n~g Sangkapuluang Pilipinas at susog dito'y itinatag ang
+Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik, na ang Pan~gulo ay si Emilio
+Aguinaldo. Ang m~ga kawal n~ga nito, ay nangakarating at
+nagsihimpil hanggang sa m~ga nayon n~g Maynila, gaya n~g
+Gagalan~gin, Cervantes, Sampalok, Santa Mesa, Pako at Ermita,
+kasabay halos n~g hukbong amerikano na nagsipasok n~g ika 13 n~g
+Agosto n~g 1898.</p>
+
+<p>69.&mdash;<b>Ano pa ang nangyari?</b>&mdash;Ang hukbo n~g
+Estados Unidos, ay nasa Maynila at Kabite (kabayanan) at ang
+hukbong pilipino nama'y siya n~gang sumasakop sa m~ga bayanbayan at
+nakikipaglabanan pa sa hukb&oacute; n~g m~ga kastila doon sa ilang
+bayang nasa kamay pa n~g m~ga ito. Nang ika 15 n~g Septiembre n~g
+1898, ay idinaos sa simbahan n~g Barasoain, Malolos, ang unang
+Kapulun~gang Bayan na binubuo n~g 85 kinatawan n~g m~ga lalawigan
+n~g Sangkapuluang Pilipinas. Nang ika 29 n~g Nobyembre n~g taon
+ding ito ay pinagtibay n~g kapulun~gang sinabi ang
+Pan~guluhang-batas (Constitucion) na paiiralin sa Pilipinas at n~g
+21 n~g Enero n~g 1899, ay inihayag na't pinairal ang binanggit na
+Pan~guluhang-batas at tuloy itinanghal ang Rep&uacute;blica
+Filipina sa simbahan n~g Barasoain, Malolos.</p>
+
+<p>70.&mdash;<b>Bakit namayani sa Pilipinas ang hukbo n~g Estados
+Unidos?</b>&mdash;Ganito ang nangyari: Nang ika 20 n~g Disyembre
+n~g 1898 ay pinagkasunduan n~g Espa&ntilde;a at Estados Unidos ang
+paghinto n~g kanilang digmaan, na nagmula n~g buwan n~g Abril n~g
+1898. Ang linagdaang yao'y pinagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos
+n~g ika 6 n~g Pebrero n~g 1899. Sa kasunduang ito'y ipinagkaloob
+n~g Espa&ntilde;a sa Estados Unidos ang Sangkapuluang Pilipinas.
+Nang ika 4 n~g Enero n~g 1899, ay iniutos n~g Pan~gulong Mckinley
+n~g Estados Unidos sa kay General Otis na siyang namiminuno sa
+hukbong amerikano sa Pilipinas na ipakilala sa m~ga pilipino ang
+kapangyarihan n~g Estados Unidos dito. Ang Pamahalaang pilipino ay
+tumutol at ayaw kilanlin ang nasabing kapangyarihan at karakaraka'y
+inihanda ang m~ga kawal sa pakikibaka. Lahat n~g katwiran n~g isang
+bayang natutong maghimagsik ay ginamit. Nang kagabihan n~g ika 4
+n~g Pebrero n~g 1899, isa sa m~ga pinuno n~g hukbong pilipino ang
+ibig bumagtas sa tulay n~g San Juan del Monte, n~guni't siya'y
+binaril n~g nakabantay doon na isang sundalong amerikano. Dito na
+nagsimula ang pakikibaka n~g hukbong amerikano laban sa hukbong
+pilipino na nagtagal n~g ilang taon, hanggang sa napipilan n~g
+lakas n~g malaki at mayamang Estados Unidos ang kamuraan at
+kahinaan n~g Republica Filipina.</p>
+
+<p>71.&mdash;<b>Kailan lamang nagsisuko ang lahat n~g ating
+kawal?</b>&mdash;Baga ma't si Emilio Aguinaldo ay nadakip n~g ika
+23 n~g Marso n~g 1901, sina general Lukban, sa Samar, at si Malvar,
+sa Batan~an, ay nagsilaban pa at nagsisuko na lamang na kasama ang
+kanilang m~ga kawal n~g talagang supil na supil na n~g kalaban at
+wala n~g makain. Ang una'y sumuko n~g Pebrero n~g 1902 at ang
+ikalawa ay n~g Hunyo n~g tinuran ding taon.</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="XI" name='XI'></a>
+<h2><b>XI</b></h2>
+
+<h2>TAGUMPAY AT PAHIMAKAS</h2>
+
+<p>72.&mdash;<b>Samakatwid ang panghihimagsik n~g "Katipunan" n~g
+Agosto n~g 1896, ay siyang pinanggalin~gan n~g Hukbo n~g Pilipino
+at siyang ginamit sa pagtatatag n~g Republica
+Filipina?</b>&mdash;Oo. At salamat sa paghihimagsik na yaon ay taas
+ang noo n~g bayan natin sa paghin~gi n~g kalayaan at kasarinlan.
+Anopa't ang isang bayang natutong maghimagsik dahil sa kanyang
+kasarinlan ay karapatdapat na mabuhay n~g malaya.</p>
+
+<p>73.&mdash;<b>Lahat ba'y kumikilala sa kadakil&agrave;an n~g
+ginawa ni Bonifacio at n~g "Katipunan" ukol sa
+Bayan?</b>&mdash;Nang m~ga unang araw ay hindi, lalunglaluna ang
+m~ga pusakal niyang kalaban na m~ga "fraile." Sa pahayagan n~g m~ga
+ito na ang pamagat ay "Libertas" ay sinabing kung ipagtatayo, raw
+n~g monumento si Andr&eacute;s Bonifacio ay mapan~gan~ganlang
+"monumento al crimen," at ang m~ga heswita nama'y ipinalalagay na
+ang am&aacute; n~g "Katipunan" ay isang "criminal" sa kasaysayan
+n~g Pilipinas na itinuturo nila sa m~ga bata sa Ateneo de Manila.
+Ito'y tinutulan n~g m~ga pahayagang pilipino at n~g ilang m~ga
+litaw na kababayan.</p>
+
+<p>74.&mdash;<b>Ano ang ginaw&agrave;ng paran~gal n~g bayan kay
+Bonifacio at sa "Katipunan"?</b>&mdash;Mula n~g taong 1901 sa isang
+pook nitong Maynila, sa daang Alvarado, ay nagdadaos
+ta&oacute;n-ta&oacute;n n~g paran~gal na alaala sa am&aacute; n~g
+"Katipunan." Untiunti ay lumalaki ang ginagawang yaon at
+lumalaganap sa ibang m~ga pook n~g Tundo. Nan~g ika 3 n~g
+Septiembre n~g 1911, sa balak n~g m~ga pahayagang tunay na
+makabayan na "El Renacimiento" at "Muling Pagsilang" at sa
+pagaambagambagan n~g m~ga taong bayan, ay itinayo ang bantayog sa
+Balintawak, na bilang alaala sa m~ga bayani n~g panghihimagsik n~g
+1896. Ang Legislatura Filipina naman, sa balak n~g Kapulun~gang
+Bayan, ay naglaan na n~g salaping igugugol sa isang bantayog sa
+nayon n~g Kalookan na kahahangganan n~g daang "Avenida Rizal,"
+bilang alaala at pagbubunyi n~g bayan kay Andr&eacute;s Bonifacio.
+At noong ika 30 n~g Nobyembre n~g 1920, ang Senador Lope K. Santos,
+ay nagharap sa Senado n~g isang mungkahing kautusan na
+itinatakdaang araw na pan~gilin ang ika 30 n~g Nobyembre, bilang
+alaala sa araw na iyan na kapan~ganakan ni Andr&eacute;s Bonifacio.
+Pinagtibay naman n~g Legislatura Filipina at ang bilang n~g batas
+ay 2946. Kay&acirc;, mula noong ika 30 n~g Nobyembre n~g taong
+1921, ay ginagawa n~g pan~gilin ang araw na ito sa taon-taon. Sa
+gayo'y napagtibay na n~g m~ga tunay na Kinatawang-bayang nagsisibuo
+n~g Senado at n~g C&aacute;mara de Representantes; ang mahalagang
+utang n~g Sangbayanang Pilipinas kay Andr&eacute;s Bonifacio at sa
+"Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan," na
+pinagmulan n~g tagumpay n~g minimithing Kasarinlan sa puso n~g
+lahat.</p>
+
+<p>75.&mdash;<b>Kailan namatay si Bonifacio at ano ang
+ikinamatay?</b>&mdash;Ang m~ga tan&oacute;ng na iyan ay mahabang
+salaysayin. Gayon man, ay pagaralan nating ipatanto ang ilang bagay
+ukol sa pagkapatay sa kanya. Sa dahilang hindi nagkakaisa noong
+m~ga unang buan n~g taong 1897, ang m~ga pinuno n~g Paghihimagsik,
+na nasa sa Kabite, na sina Bonifacio, Aguinaldo at iba pa ukol sa
+m~ga kaparaanan n~g kanilang ginagampanan, ay nagkaroon n~g m~ga
+hinanakitan sa loob ang isa't isa. Ang hinanakitang yao'y isinaysay
+ni Bonifacio na rin sa dalawa niyang sulat kay Emilio Jacinto, na
+ginawa sa Naik ukol sa ika 16 n~g Abril ang is&aacute; at ang
+is&aacute; nama'y ukol sa ika 24 n~g buan ding ito n~g taong 1897
+na yari sa Limbon. Anopa't sa ikalawang sulat ay sinasabing siya'y
+mayhinala na sina Aguinaldo at ang m~ga kapangkat nito'y ibig
+"isuko ang buong Revolucion."</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p>"Isang balitang nakasusuka&mdash;ang wika ni Bonifacio sa sulat
+niyang ito kay E. Jacinto&mdash;ay ang kataksilan n~g m~ga
+namiminuno sa "Magdalo". Sila'y napasakop sa kapatawaran (indulto)
+o kumamp&iacute; sa m~ga kastila. Ang tinurang m~ga puno ay sina:
+Daniel Tirona, Ministro de la Guerra; Jos&eacute; del Rosario,
+Ministro del Interior; Jos&eacute; (?) Cailles, Teniente general,
+at ang iba pang m~ga tag&aacute; Tans&aacute; at pati n~g "cura"
+roon, na m~ga alipuris ni Kapitang Emilio."</p>
+</div>
+
+<p>Nang 1896, ay may dalawang pangkat sa lalawigang Kabite na
+nagsisipamatnugot sa paghihimagsik doon. "Magdalo" ang pamagat n~g
+isa na pinan~gun~guluhan ni Baldomero Aguinaldo (kapatid ni
+Kapitang Emilio), at ang isa nama'y pinamagatang "Magdiwang," na
+pinan~gun~guluhan naman ni Mariano Alvarez. Ang nasasakupan n~g
+una'y ang m~ga bayang Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmari~nas,
+Silang, Mendez Nu&ntilde;ez at Amadeo, at ang nauukol naman sa
+huli'y ang iba pang m~ga bayan n~g tinurang lalawigan.</p>
+
+<p>Nang makapasok na ang hukb&oacute; n~g m~ga kastila sa maraming
+bayan n~g Kabite, mula n~g mapatay ang bayaning si Evangelista sa
+Sapote, n~g ika 17 n~g Pebrero n~g 1897, ang pangkat na "Magdalo"
+ay umurong sa San Francisco de Malabon at umanib sa pangkat na
+"Magdiwang." At upang magkaroon n~g pagkakaisa sa pamamatnugot n~g
+paghihimagsik doon, noong ika 12 n~g Marzo n~g 1897, ay nagdaos n~g
+isang pulong silang m~ga nagsisibuo n~g dalawang pangkat upang
+itatag ang isang Pamahalaang Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik sa
+"casa-hacienda" sa Tejeros. Ang nan~gulo ay si Andr&eacute;s
+Bonifacio na rin. Bago idaos ang halalan n~g m~ga magsisibuo n~g
+tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio na, anoman ang
+kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at ang
+kinalabasan ay it&oacute;: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano
+Trias, Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte;
+Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio
+ay Director del Departamento del Interior. Si Bonifacio ay hindi
+tumutol sa kinalabasan n~g halalan; n~gunit si Daniel Tirona, ay
+tumutol sa pakakahalal kay Bonifacio, at ipinalagay na "dapat
+ihalal si Jos&eacute; del Rosario sa tungkol na pinaglagyan kay
+Bonifacio," pagkat ang taong kanyang ipinalalagay ay "lalong
+maykaya kay sa napahalal, sa tungkuling hahawakan." Dito,
+uman&oacute;, nagpakita n~g hinanakit at poot si Bonifacio.
+Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang binanggit sa
+una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andr&eacute;s Bonifacio,
+Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte
+at Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan
+at ang isa't isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop
+n~g Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang
+tungkol. Sa sama n~g loob, ang ginawa ni Bonifacio at n~g dalawa
+niyang kapatid na sina Procopio at Ciriaco ay nilisan ang Kabite at
+pumatun~go sa m~ga bundok n~g San Mateo. Sila'y hinabol n~g m~ga
+kawal ni Aguinaldo. Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si
+Andr&eacute;s Bonifacio ay nagkaroon n~g tatlong sugat at siya'y
+binihag n~g m~ga humabol sa kanila pati n~g isa niyang kapatid.
+Dinala sila sa Naik at pagkatapos sa Marigundong. Tatl&oacute;
+naman ang nasugatan sa nagsihabol.</p>
+
+<p>76.&mdash;<b>At ano ang ginaw&acirc; sa kanila?</b>&mdash;Sa
+"Bundok Buntis" sila inihantong. Isang "Hukom n~g Digma" ang
+itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na
+kasalanang umano silang dalawa'y nagtatayo n~g isang lakas na
+isasalun~gat sa Paghihimagsik at nag-sisiiwas sa Pamahalaan n~g
+Paghihinmagsik. Ang tinurang hukom, ay pinan~gun~guluhan n~g
+binitay na si General Noriel at ang iba pang nagsisibu&oacute;, ay
+sin&aacute; Clemente J. Zulueta; Pedro Lipana, Juez Instructor;
+Santos Nocon, Fiscal; at m~ga saksi ay sina Agapito Bonzon at Pedro
+Sison. Ang tagapagtanggol ni Andr&eacute;s Bonifacio ay si Teodoro
+Gonzalez, na naging kalihim niya. Ang naging hatol n~g Hukuman ay
+ipadala silang magkapatid sa pook n~g Look, Batan~gan, up&aacute;ng
+doon sila mamalagi. Datapw&acirc;, dahil, uman&oacute;, sa
+matinding pagsalakay n~g hukb&oacute; n~g m~ga kastila at sa
+mahigpit na kahilin~gan n~g marami na di kaayon ni Bonifacio, ang
+magkapatid, ay binaril sa "Bundok Buntis," noong ika "10 n~g Mayo
+n~g 1897," is&aacute;ng araw bago mapasok n~g hukbong
+Kastil&agrave; ang Marigondong.</p>
+
+<p>Malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, n~g mabalitaan ang
+naging wak&aacute;s n~g buhay n~g Am&aacute; n~g
+"Kat&iacute;punan." Gayon man, ay hindi rin nagkapangkatpangkat ang
+m~ga kawal n~g Paghihimagsik at ang lahat ay kumilala sa m~ga
+nahalal na pinunong nagsisipamatnugot n~g Paghihimagsik sa ilalim
+n~g kataastaasang pan~gun~gulo ni Emilio Aguinaldo. May m~ga
+ib&aacute; pang balita ukol sa nangyaring iyan kay Bonifacio.
+Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang m~ga pangyayaring
+yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganit&oacute;:</p>
+
+<p>Na, sin&aacute; Bonifacio at m~ga kapatid ay hindi kaayon nina
+Aguinaldo at m~ga kapangkat nit&oacute; at ang gayo'y pinagmulan
+n~g samaan n~g loob n~g is&aacute;'t is&aacute;;</p>
+
+<p>Na, ang samaan n~g loob na yaon, ay tumimo sa puso ni Bonifacio,
+pagkaraan n~g halalang ginawa n~g m~ga Tagapamatnugot n~g
+Paghihimagsik;</p>
+
+<p>Na, si Bonifacio ay humiwalay sa Pamahalaang yaon, at ayaw
+kilanlin at sila'y lumaban sa humabol sa kanila;</p>
+
+<p>Na, siya'y hinatulan n~g is&aacute;ng sadyang Hukuman ukol sa
+m~ga panahong yaon, at siya't ang kanyang kapatid, ay binaril sanhi
+sa m~ga kadahilanang nabanggit na; at</p>
+
+<p>Bagaman nangyari ang m~ga malulungkot na bagay na yaon, ang
+Pamahalaang Tagapaghimagsik na binanggit, ay kinilala n~g m~ga
+pinamamahalaan at n~g madlang kampon; at ang Paghihimagsik na
+siyang pan~gunahing layon ni Bonifacio, ay naganap n~ga.</p>
+
+<p>77.&mdash;<b>An&oacute; ang palapalagay hinggil sa pakakapatay
+kay Bonifacio?</b>&mdash;Hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang
+kuro at palagay ukol sa pagkapatay na yaon sa Ama n~g ating
+Paghihimagsik. Nagkakasalun~gatan at nagkakaib&aacute;. May
+nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi. Si Jos&eacute;
+Clemente Zulueta ang siyang, uman&oacute;, nagsabi, na "Kailan~gan
+sa ikapagtatagumpay n~g Paghihimagsik ang pagkapatay kay Bonifacio,
+n~g m~ga panahong yaon": at ang kilalang mananalaysay na si
+Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol kay Bonifacio, na
+pinagkunan n~g ilang mahalagang salaysay n~g munting aklat na ito,
+ay wari'y nagpapakilala n~g pagsang-ayon sa kur&ograve;ng yaon ni
+Zulueta; subali't si Mabini, ang Dakilang Lumpo, ay kasalun~gat.
+Anit&oacute; sa kanyang tal&agrave;ang ukol sa Paghihimagsik:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p>"Sino mang sumuri&mdash;ang wika ni Mabini&mdash;ay walang
+matatagpuang bahagya mang katwiran na sukat magpagaan sa inasal na
+yaon ni Aguinaldo (kay Bonifacio). Si Andr&eacute;s
+Bonifacio&mdash;ang patuloy&mdash;ay d&icirc; maipalalagay na may
+mababang kakayahan at dunong sa sinoman sa m~ga napahalal sa pulong
+na yaon, (halalan n~g ika 12 n~g Marzo, 1897) bagk&uacute;s pa
+n~gang nagpakita n~g katalinuhan at kakayahang d&icirc; karaniwan
+sa kanyang pakakapagtatag n~g "Katipunan". Lahat n~g m~ga
+manghahalal ay paraparang m~ga kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at
+ni G. Mariano Trias na nan~gagkakais&aacute;, samantalang si
+Bonifacio ay pinagaalinlan~ganan, bagama't nagpakilala n~g
+is&aacute;ng malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya'y hindi
+tag&aacute; Kabite; iyan, ang sanhi n~g kanyang hinanakit. Ganoon
+pa man, ang paghihinanakit na ito ni Bonifacio ay d&icirc; niya
+ipinakilala sa anomang marahas na pagtutol, at sa katunaya'y n~g
+makita niyang sinoma'y d&icirc; nagsusumakit sa ikapagkakasundo
+nila, ay nagkasya na lamang sa pagalis sa lalawigan n~g Kabite
+up&aacute;ng tumun~go sa San Mateo na kasama ang kanyang m~ga
+kapatid. Kung aalagatain na si G. Aguinaldong nahalal na pinuno, ay
+siyang kaunaunahang dapat managot sa d&icirc; paggalang at pagsunod
+sa Pan~gulo n~g "Katipunan" na kanyang kinasasaipan; kung
+gugunitain na ang pagkakasundo nil&aacute; ay siyang tumpak na
+lunas sa mahigpit at maselang katay&ugrave;an n~g Paghihimagsik,
+ang sanhi n~g pagkakapatay (kay Bonifacio), ay d&icirc; maaring
+ipalagay kund&icirc; is&aacute;ng han~garin lubhang nakasisirang
+puri doon: sa ano't paano man ang gayong kapaslan~gan ay
+siy&aacute;ng kauunaunahang tagumpay n~g pagiimbot laban sa tunay
+na pagibig sa bayan...."</p>
+</div>
+
+<p>Sa pagaalaalang bak&aacute; hind&icirc; namin naisalin sa
+wik&agrave;ng sarili ang tunay na kahulugan n~g m~ga pan~gun~gusap
+ni Mabini, ay sipiin nating bu&ocirc;ngbu&ocirc; ang kanyang sulat
+sa wik&agrave;ng kastil&agrave;, na anya'y:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p>"La critica no encuentra justificaci&oacute;n ni siquiera
+atenuante para esta conducta del Sr. Aguinaldo. Andr&eacute;s
+Bonifacio no era menos instruido que cualquiera de los elegidos en
+la reuni&oacute;n mencionada, y habia demostrado sagacidad no
+com&uacute;n organizando el Katipunan. Todos los electores eran
+amigos de Don Emilio Aguinaldo y Don Mariano Trias que estaban
+unidos, mientras que Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar
+de haber demostrado un car&aacute;cter &iacute;ntegro, solamente
+porque no era de la provincia; asi se explica su resentimiento. Sin
+embargo esto no se manifest&oacute; por ning&uacute;n acto de
+violenta oposici&oacute;n, pues, viendo que nadie trabajaba por la
+reconciliaci&oacute;n, se content&oacute; con salir de la provincia
+para San Mateo en compa&ntilde;ia de sus hermanos. Cuando se
+considera que el Sr. Aguinaldo, jefe elegido, habia sido el primer
+responsable de insubordinaci&oacute;n al jefe del Katipunan a que
+pertenecia como miembro: cuando se reflexi&oacute;na que la
+reconciliaci&oacute;n era la &uacute;nica soluci&oacute;n apropiada
+al estado critico de la revoluci&oacute;n, el m&oacute;vil del
+asesinato no puede atribuirse sino a sentimientos que altamente
+deshonran a aquel: de todos modos semejante crimen constituye el
+primer triunfo de la ambici&oacute;n personal contra el verdadero
+patriotismo...."</p>
+</div>
+
+<p>Sa harap naman n~g matipuno at may katulisang m~ga pan~gun~gusap
+na iyan ni Mabini, ay nait&oacute; ang ilang katotohanan. Sa
+sariling tal&aacute;an n~g asawa ni Bonifacio, na ang sagisag ay
+"Lakambini," na ipinadala kay Emilio Jacinto, ay sinasabing si
+Coronel Agapito Bonson, ay siyang sa boong pitagan ay umanyaya sa
+kanyang asawa, "upang magawa ang pakikipagkasundo," anyaya ito na
+tinanggihan ni Bonifacio. Si Antonio Guevara naman, is&aacute; sa
+m~ga kaayon ni Bonifacio, sa is&aacute;ng sulat, kay Emilio Jacinto
+buhat sa Laguna, ika 3 n~g Mayo, 1897, ay nagsasabing sina Coronel
+Intong at ib&aacute; pang puno ay nagsadya sa bahay ni Bonifacio,
+upang hikayatin ito na mili n~g bayang ibig niyang karoroonan n~g
+sa gayo'y huwag silang magkahiwahiwalay. Hindi tinanggap ang gayong
+anyaya at payo, at sumagot n~g ganito:</p>
+
+<div class='blkquot'>
+<p>"Patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin.
+Di na ako manunumhalik kailan man, pagka't hindi ko na matitis ang
+m~ga ginaw&acirc; sa akin. Una'y pinagdadamutan kami sa kakanin, at
+&iquest;an&oacute; ang aking gagawin sa m~ga balo't nan~gaulila,
+ang m~ga anak at m~ga asawa, na nan~gatir&aacute; dahil sa labanan
+sa Malabon at Nobeleta? Inaakala ko&mdash;ang patuloy&mdash;na kung
+sa iny&oacute; mangyayari ang m~ga bagay na it&oacute; at buo ang
+inyong m~ga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din n~g yamot at
+hinawa. Ikalawa: naririnig ko rian na ak&oacute; raw ay isang taong
+walang kabuluhan dito sa lalawigan n~g Kabite at sa gayo'y dapat
+akong huw&aacute;g kilalanin. Sa ganito n~ga, ang marapat ay
+lisanin ko ito, yayamang di mawawalan n~g maaawa sa akin sa m~ga
+lalawigan n~g Maynil&agrave;, Bulak&aacute;n al Nueba Esiha." Ang
+sagot n~g m~ga kausap ay, "Kung gayon, ay kami'y magsisiuwi na
+pagka't ang m~ga tao nami'y hindi pa nagsisikain."</p>
+</div>
+
+<p>Katotohanan din naman na, kung napipilan ang paghihimagsik sa
+lalawigan n~g Kabite, ay nakaganti naman sa pagsalakay na ginawa sa
+m~ga kaaway sa Batan~gan, Laguna, Rizal, Bulakan, Bataan, Nueba
+Esiha, Kapangpan~gan, Tarlak, Pangasinan, at iba pa. Ito'y nangyari
+pagkatapos nang mapatay si Bonifacio. Sa makatuwid, ang pagkakaisa
+ay di nasira n~g gayong napakalungkot na pagkitil sa buhay n~g Ama
+n~g Paghihimagsik. Parapara pang nan~gagkaroon n~g ibang tapang,
+ayon sa m~ga nagaw&agrave;ng pagpapagupo sa hukb&oacute; n~g m~ga
+Kastila, na natatal&aacute; sa Kasaysayan, hanggang sa napilitang
+kilanlin n~g pamahalaang kastil&agrave; ang pamahalaan n~g
+Paghihimagsik sa tinatawag na kasunduan sa "Biak-na-Bato."</p>
+
+<p>Gaya n~g sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari
+hinggil sa pagkamatay kay Andr&eacute;s Bonifacio. N~guni't sa
+ano't paano man, ay minsan pang napatunayan na ang m~ga dakilang
+bayani n~g isang bayan o n~g isang adhikang matayog na
+pangpatub&oacute;s, katulad ni Andr&eacute;s Bonifacio, ay
+karaniwang namamatay sa "hindi talaga n~g Dios." At napatunayan din
+naman ang pagibig sa Tinubuan n~g m~ga kawal n~g "Katipunan" at
+gayon din n~g bayan sa pagsunod sa "iisang pamamanihala," bagama't
+kinitlan n~g buhay ang nagsikap, nagmunakala at nagsimul&acirc; n~g
+Paghihimagsik, at iyang kalinisan n~g adhik&agrave; n~g m~ga taong
+bayan sa pakikibaka dahil sa ikalalay&agrave; n~g lupang sarili, ay
+napatampok hanggang sa naihatid sa tagumpay ang Bayan.</p>
+
+<p>Samantala'y pabayaan na natin ang Istorya&mdash;na d&icirc;
+ma&agrave;ar&igrave;ng magbulaan at pabulaanan&mdash;na maalam
+maggawad n~g marah&aacute;s na parusa sa sinomang sa kanya'y
+magkulang, ang siyang magpasy&aacute; sa pagkamatay na iyan n~g
+Dakil&agrave;ng Dukh&acirc; n~g ating Lah&icirc;.</p>
+
+<p>78.&mdash;<b>May m~ga sulat bang naiwan si
+Bonifacio?</b>&mdash;Mayroon. M~ga pahayag ukol sa paghihimagsik,
+"Ang dapat mabatid n~g m~ga Tagalog," "Ang Pagibig sa Tinubuang
+bayan," (tula) at iba pa. N~guni't ang lalong pinakamahalaga, bukod
+sa palatuntunan at m~ga aral n~g "Katipunan," at ang "Katungkulang
+gagawin n~g m~ga An&aacute;g n~g Bayan," ay ang "Huling Paalam" ni
+Rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna n~g pagdadagundong n~g
+Paghihimagsik, na siyang inaawit n~g ating m~ga kawal n~g sila'y
+nakikipaglaban sa Kastil&agrave;.</p>
+
+<p>Naito ang pahimakas ni Rizal na isinatagalog niya:</p>
+
+<p><b>PAHIMAKAS NI DR. JOSE RIZAL</b></p>
+
+<span style='margin-left: 1em;'>Pinipintuho kong Bayan ay
+paalam,</span><br />
+lupang iniirog n~g sikat n~g araw,<br />
+mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan,<br />
+kalualhatiang sa ami'y pumanaw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Masayang sa iyo'y aking
+idudulot</span><br />
+ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;<br />
+maging marin~gal man at labis alindog<br />
+sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa pakikidigma at
+pamimiyapis</span><br />
+ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip,<br />
+walang agam-agam, maluag sa dibdib,<br />
+matamis sa puso at di ikahapis.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Saan man mautas ay di
+kailan~gan,</span><br />
+c&iacute;pres &oacute; laurel, lirio ma'y patun~gan<br />
+pakikipaghamok, at ang bibitayan,<br />
+yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ako'y mamatay, n~gayong
+namamalas</span><br />
+na sa silan~ganan ay namamanaag<br />
+yaong maligayang araw na sisikat<br />
+sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang kulay na pula kung
+kinakailan~gan</span><br />
+na maitim sa iyong liway-way,<br />
+dugo ko'y isabog at siyang ikinang<br />
+n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang aking adhika sapul
+magkaisip</span><br />
+n~g kasalukuyang bata pang maliit,<br />
+ay ang tanghaling ka at minsan masilip<br />
+sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Natuyo ang luhang sa mata'y
+nunukal,</span><br />
+taas na ang noo't walang kapootan,<br />
+walang bak&aacute;s kunot n~g kapighatian<br />
+gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa kabuhayang ko ang laging
+gunita</span><br />
+manin~gas na aking ninanasa-nasa<br />
+ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa<br />
+pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ikaw'y guminhawa laking
+kagandahang</span><br />
+ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,<br />
+hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang<br />
+bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung sa libin~gang ko'y tumubong
+mamalas</span><br />
+sa malagong damo mahinhing bulaklak,<br />
+sa man~ga labi mo'y mangyaring &iacute;lapat,<br />
+sa kaluluwa ko halik ay igawad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa aking noo nawa'y
+iparamdam,</span><br />
+sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,<br />
+ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay<br />
+at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Bayaang ang buwan sa aki'y
+ititig</span><br />
+ang liwanag niyang laml&aacute;m at tahimik,<br />
+liwayway bayaang sa aki'y ihatid<br />
+magalaw na sinag at han~ging hagibis.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung sakasakaling bumabang
+humantong</span><br />
+sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon<br />
+doon ay bayan humuning hinahon<br />
+at dalitin niya payapang panahon.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g
+araw</span><br />
+ula'y pasin~gawin noong kainitan,<br />
+magbalik sa lan~git n~g boong dalisay<br />
+kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Bayaang sino man sa katotong
+giliw</span><br />
+tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:<br />
+kung tungkol sa akin ay may manalan~gin<br />
+idalan~gin B&aacute;yan yaring pagka himbing.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Idalan~ging lahat yaong
+nan~gamatay,</span><br />
+nan~gagtiis hirap na walang kapantay;<br />
+m~ga in&aacute; naming walang kapalaran<br />
+na inahihibik ay kapighatian.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang m~ga bao't
+pinapan~gulila,</span><br />
+ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:<br />
+dalan~ginin namang kanilang m&aacute;kita<br />
+ang kalayaan mong, ikagiginhawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At kung ang madilim na gabing
+mapanglaw</span><br />
+ay lumaganap na doon sa libin~gan't,<br />
+tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,<br />
+huwag bagabagin ang katahimikan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang kanyang hiwaga'y huwag
+gambalain:</span><br />
+kaipala'y marin~gig doon ang taginting,<br />
+tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw,<br />
+ako. B&aacute;yan, yao't, kita'y aawitin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung ang libin~gan ko'y
+lim&oacute;t na n~g lahat</span><br />
+at wala n~g kruz at bat&oacute;ng m&aacute;bakas,<br />
+bayang lina~gin n~g taong masipag,<br />
+lupa'y asarolin at kanyang ikalat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At m~ga buto ko ay bago
+matunaw</span><br />
+m&aacute;owi sa wala at kusang maparam,<br />
+alab&oacute;k n~g iyong latag ay bayaang<br />
+siya ang babalang doo'y makipisan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung magka gayon na'y
+aalintanahin</span><br />
+na ako sa limot iyong ihabilin<br />
+pagka't himpapawid at ang pan~ganorin<br />
+m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matining na tun&oacute;g ako sa
+din~gig mo,</span><br />
+ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~g&oacute;,<br />
+ang &uacute;gong at awit, pag hibik sa iyo,<br />
+pag asang dalisay n~g pananalig ko..<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>B&aacute;yang iniirog, s&aacute;kit
+niyaring hirap,</span><br />
+Katagalugang kong pinakaliliyag,<br />
+dingin mo ang aking pagpapahimakas:<br />
+diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ako'y patutun~go sa walang
+busabos,</span><br />
+walang umiinis at verdugong hayop:<br />
+pananalig doo'y di nakasasalot,<br />
+si Bathala lamang doo'y haring lubos.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Paalam, magulang at m~ga
+kapatid</span><br />
+kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib<br />
+m~ga kaibigan bata pang maliit<br />
+sa aking tahanan di na masisilip.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pag pasalamatan at napahin~ga
+rin,</span><br />
+paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw.<br />
+paalam sa inyo m~ga ginigiliw:<br />
+&iexcl;mamatay ay siyang pagkagupiling!<br />
+ <br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="D" name='D'></a>
+<h2>KATUNGKULANG GAGAWIN N~G M~GA<br />
+ANAK N~G BAYAN</h2>
+
+<h3>(<i>Dek&aacute;logong sinulat ni Andr&eacute;s
+Bonifacio</i>)</h3>
+
+<p>I</p>
+
+<p>Ibigin mo ang Dios n~g boong puso.</p>
+
+<p>II</p>
+
+<p>Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring
+pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.</p>
+
+<p>III</p>
+
+<p>Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri't
+kaginhawahan ay ang ikaw'y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g
+Inang-Bayan.</p>
+
+<p>IV</p>
+
+<p>Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may
+hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at
+ginagawa.</p>
+
+<p>V</p>
+
+<p>Pagin~gatan mo, kapara n~g pagiin~gat sa sariling puri, ang m~ga
+pasya at adhikain n~g K.K.K.</p>
+
+<p>VI</p>
+
+<p>Katungkulan n~g lahat na, ang nabibin~git sa malaking
+kapahamakan sa pagtupad n~g kanyang tungkulin ay iligtas sukdang
+ikapariwara n~g sariling buhay at kayamanan.</p>
+
+<p>VII</p>
+
+<p>Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad n~g ating
+tungkol ay siyang kukunang halimbawa n~g ating kapwa.</p>
+
+<p>VIII</p>
+
+<p>Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at
+kapus-palad.</p>
+
+<p>IX</p>
+
+<p>Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na
+sanhi n~g pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa't m~ga
+anak, sa iyong kapatid at m~ga kababayan.</p>
+
+<p>X</p>
+
+<p>Parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang
+mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutun~go n~g K.K.K.
+ay m~ga biyaya n~g Dios; na anopa't ang m~ga ninasa n~g
+Inang-Bayan, ay m~ga nasain din n~g Dios.</p>
+
+<p>(<i>Salin n~g nasa sa wikang kastila</i>)</p>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<br />
+ <a id="M" name='M'></a>
+<h2>M~GA TALANG MATATAGPUAN SA AKLAT NA ITO</h2>
+
+<br />
+
+
+<p><b>1521.</b>&mdash;Ika <b>26 n~g Marzo</b>, kaunaunahang
+pagdatal sa Pilipinas n~g m~ga kastila.</p>
+
+<p><b>1863.</b>&mdash;Ika <b>30 n~g Nobyembre</b>, kapan~ganakan
+kay Andr&eacute;s Bonifacio.</p>
+
+<p>1872.&mdash;Ika 28 n~g Pebrero, pagbitay kin&aacute; Gomez,
+Burgos at Zamora.</p>
+
+<p>1892.&mdash;Ika 26 n~g Hunyo, paglunsad ni Rizal sa Maynila.</p>
+
+<p><b>1892.</b>&mdash;Ika <b>7 n~g Hulyo</b>, pagkakapabilanggo kay
+Rizal ni General Despujol, sa Fuerza de Santiago.</p>
+
+<p><b>1892.</b>&mdash;Ika <b>7 n~g Hulyo</b>, pagkakatatag n~g
+"Katipunan."</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 1 n~g Enero, pagkakahalal sa m~ga magsisibuo n~g
+Pan~guluhan n~g "Katipunan."</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 1 n~g Enero, unang labas n~g pahayagan n~g
+"Katipunan" na ang pamagat ay "Kalayaan."</p>
+
+<p>1896.&mdash;Buwan n~g Mayo, sinugo ni Bonifacio si Dr.
+Valenzuela kay Rizal.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 5 n~g Hulyo, sulat n~g pinuno n~g sibil na si
+Sityar sa m~ga pinunong kastila sa Maynila.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 5 n~g Agosto, paglunsad ni Rizal sa Maynila
+buhat sa Dapitan.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 5 n~g Agosto, tinangka n~g m~ga "Katipunan" na
+iligtas si Rizal.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 13 n~g Agosto, sulat n~g "cura" sa Sampiro kay
+Luengo.</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>17 n~g Agosto</b>, pulong na idinaos
+n~g "Katipunan" sa "Kankong."</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>19 n~g Agosto</b>, pagkatuklas n~g
+"Katipunan" ni P. Mariano Gil.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa
+Balakbak.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa
+paghihimagsik.</p>
+
+<p>1896.&mdash;Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g
+paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>29 n~g Agosto</b>, pagkakalabanang
+mahigpit n~g m~ga "Katipunan" at kawal n~g kastila sa Balintawak at
+iba pa.</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>30 n~g Agosto</b>, araw na ipinasyang
+pagsalakay sa Maynila.</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>30 n~g Agosto</b>, ipinasya ni General
+Blanco na gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila,
+Bulakan at iba pa.</p>
+
+<p><b>1896.</b>&mdash;Ika <b>4 n~g Septiembre</b>, kaunaunahang
+m~ga ipinabaril n~g m~ga kastila.</p>
+
+<p>1897.&mdash;Ika 17 n~g Pebrero, pagkakapasok n~g m~ga
+kastil&agrave; sa Sapote.</p>
+
+<p>1897.&mdash;Ika 17 n~g Pebrero, pagkapatay kay Evangelista.</p>
+
+<p><b>1897.</b>&mdash;Ika <b>12 n~g Marzo</b>, halalan sa
+"casa-hacienda" sa Tejeros, Kabite.</p>
+
+<p>1897.&mdash;Ika 24 n~g Abril, sulat ni Bonifacio kay Emilio
+Jacinto.</p>
+
+<p>1897.&mdash;Ika 3 n~g Mayo, sulat kay Emilio Jacinto ni Antonino
+Guevara.</p>
+
+<p><b>1897.</b>&mdash;Ika <b>10 n~g Mayo</b>, pagkabaril kay
+Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio.</p>
+
+<p><b>1897.</b>&mdash;Ika <b>4 n~g Agosto</b>, Kasunduan sa
+Biak-na-Bato.</p>
+
+<p>1898.&mdash;Abril, pagsimula n~g digmaan n~g Espa&ntilde;a at
+Estados Unidos.</p>
+
+<p>1898.&mdash;Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang
+dagat n~g m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila.</p>
+
+<p>1898.&mdash;Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila,
+buhat sa Hongkong.</p>
+
+<p><b>1898.</b>&mdash;Ika <b>24 n~g Mayo</b>, pagtanghal n~g
+paghimagsik at pagiging Dictador ni Aguinaldo.</p>
+
+<p>1898.&mdash;Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g
+Pamahalaang sarili.</p>
+
+<p><b>1898.</b>&mdash;Ika <b>13 n~g Agosto</b>, pagsuko n~g Maynila
+sa m~ga amerikano.</p>
+
+<p><b>1898.</b>&mdash;Ika <b>15 n~g Septiembre</b>, pagkakaraos n~g
+unang kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.</p>
+
+<p>1898.&mdash;Ika 29 n~g Nobyembre, pagkakapagtibay n~g
+pan~gulong-batas (Constitucion).</p>
+
+<p>1898.&mdash;Ika 20 n~g Disyembre, paghinto n~g digmaan n~g
+Espa&ntilde;a at Estados Unidos.</p>
+
+<p>1899.&mdash;Ika 4 n~g Enero, pagkakapagutos n~g Pan~gulong
+McKinley na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g
+Estados Unidos.</p>
+
+<p><b>1899.</b>&mdash;Ika <b>21 n~g Enero</b>, pagkakatatanghal n~g
+Republica Filipina sa Malolos.</p>
+
+<p><b>1899.</b>&mdash;Ika <b>4 n~g Pebrero</b>, simula n~g labanan
+n~g m~ga amerikano at pilipino.</p>
+
+<p>1899.&mdash;Ika 6 n~g Pebrero, pagkakapagtibay n~g Senado n~g
+Estados Unidos sa kasunduan n~g bayang ito at n~g Espa&ntilde;a
+ukol sa Pilipinas.</p>
+
+<p><b>1901.</b>&mdash;Ika <b>23 n~g Marzo</b>, pagkakadakip kay
+Emilio Aguinaldo.</p>
+
+<p>1901.&mdash;Abril, simula n~g hayagang pagpaparan~gal kay
+Bonifacio sa daang Alvarado.</p>
+
+<p>1902.&mdash;Pebrero, pagsuko ni General Lukban.</p>
+
+<p><b>1902.</b>&mdash;<b>Hunyo</b>, pagsuko ni General Malvar.</p>
+
+<p><b>1911.</b>&mdash;Ika <b>3 n~g Septiembre</b>, pagtatayo n~g
+bantayog sa m~ga Bayani n~g 96.</p>
+
+<p>1920.&mdash;Ika 30 n~g Nobyembre, paghaharap in Senador Lope K.
+Santos, n~g bill ukol sa kaarawan ni Bonifacio na n~gay&oacute;'y
+bat&aacute;s na blg. 2946.</p>
+
+<p><b>1921.</b>&mdash;Ika <b>30 n~g Nobyembre</b>, simula n~g
+pagiging araw na pan~gilin, alangalang kay Bonifacio.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>Ang "Kartilyang Makabayang" it&oacute;, ay ginaw&acirc; sa
+p&aacute;limbagan ni Juan Fajardo, daang Avenida Rizal 640, Santa
+Cruz, Maynila. Sinimul&aacute;n ang paggawa n~g ika 19 n~g
+Nobyembre n~g 1922, at natapos ang paglimbag nang ika 27 n~g
+tinurang buw&aacute;n at ta&oacute;n.</p>
+
+<hr style='width: 45%;' />
+<p>HALAGA:</p>
+
+P0.40 ang sipi<br />
+<br />
+P. 060 ang sipi na<br />
+sadyang balat<br />
+<br />
+Paraparang sadyang<br />
+papel<br />
+
+<div>*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14822 ***</div>
+</body>
+</html>
+
diff --git a/14822-h/images/001.gif b/14822-h/images/001.gif
new file mode 100644
index 0000000..2dd14e4
--- /dev/null
+++ b/14822-h/images/001.gif
Binary files differ
diff --git a/14822-h/images/005.png b/14822-h/images/005.png
new file mode 100644
index 0000000..42e742f
--- /dev/null
+++ b/14822-h/images/005.png
Binary files differ