summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/14271-h
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '14271-h')
-rw-r--r--14271-h/14271-h.htm1952
-rw-r--r--14271-h/images/001.jpgbin0 -> 164045 bytes
-rw-r--r--14271-h/images/001t.jpgbin0 -> 17827 bytes
-rw-r--r--14271-h/images/002.gifbin0 -> 114924 bytes
4 files changed, 1952 insertions, 0 deletions
diff --git a/14271-h/14271-h.htm b/14271-h/14271-h.htm
new file mode 100644
index 0000000..cb6b232
--- /dev/null
+++ b/14271-h/14271-h.htm
@@ -0,0 +1,1952 @@
+<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Transitional//EN"
+ "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd">
+<html xmlns="http://www.w3.org/1999/xhtml">
+<head>
+<meta name="generator" content="HTML Tidy, see www.w3.org" />
+<meta http-equiv="Content-Type"
+content="text/html; charset=UTF-8" />
+<title>The Project Gutenberg eBook of PANAYAM NG TATLONG BINATA ,
+by Cleto R. Ignacio.</title>
+<style type="text/css">
+/*<![CDATA[ XML blockout */
+<!--
+ P { margin-top: .75em;
+ text-align: justify;
+ margin-bottom: .75em;
+ }
+ H1,H2,H3,H4,H5,H6 {
+ text-align: center; /* all headings centered */
+ }
+ HR { width: 33%;
+ margin-top: 1em;
+ margin-bottom: 1em;
+ }
+ BODY{margin-left: 10%;
+ margin-right: 10%;
+ }
+ .linenum {position: absolute; top: auto; left: 4%;} /* poetry number */
+ .note {margin-left: 2em; margin-right: 2em; margin-bottom: 1em;} /* footnote */
+ .blkquot {margin-left: 4em; margin-right: 4em;} /* block indent */
+ .pagenum {position: absolute; left: 92%; font-size: smaller; text-align: right;} /* page numbers */
+ .sidenote {width: 20%; margin-bottom: 1em; margin-top: 1em; padding-left: 1em; font-size: smaller; float: right; clear: right;}
+
+ .poem {margin-left:10%; margin-right:10%; text-align: left;}
+ .poem br {display: none;}
+ .poem .stanza {margin: 1em 0em 1em 0em;}
+ .poem span {display: block; margin: 0; padding-left: 3em; text-indent: -3em;}
+ .poem span.i2 {display: block; margin-left: 2em;}
+ .poem span.i4 {display: block; margin-left: 4em;}
+ .poem .caesura {vertical-align: -200%;}
+ // -->
+ /* XML end ]]>*/
+
+</style>
+</head>
+<body>
+<div>*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14271 ***</div>
+
+<pre>
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+</pre>
+
+<h1><a href="images/001.jpg"><img src="images/001t.jpg" border="0"
+alt="Panayam ng Tatlong Binata" width="237"
+height="358" /></a></h1>
+
+<br />
+
+
+<h2>PANAYAM NG</h2>
+
+<h1>TATLONG BINATA</h1>
+
+<h3>TINULA NI</h3>
+
+<h2><i>Cleto R. Ignacio</i></h2>
+
+<h3>CONCEPCION, MALABON, RIZAL</h3>
+
+<h3>BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO</h3>
+
+<h3>MAYNILA</h3>
+
+<h3>TEL. 3099.</h3>
+
+<h2>UNANG PAGKAPALIMBAG 1921</h2>
+
+<h4><i>Rosario 225 Binundok</i></h4>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<br />
+
+
+<h2>TINIG KASALUKUYAN</h2>
+
+<h3>O</h3>
+
+<h2><b>KUWENTO</b></h2>
+
+<h3>NG</h3>
+
+<h1><b>Tatlong Binatang</b></h1>
+
+<h3>SI</h3>
+
+<h1><b>Brillo, Electo at ni Brindo</b></h1>
+
+<h2>IKALAWANG HATI</h2>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<h2>Talaan ng Nilalaman</h2>
+
+<h3><a href='#BRILLO1'>BRILLO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO1'>ELECTO</a></h3>
+
+<h3><a href='#BRINDO1'>BRINDO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO2'>ELECTO</a></h3>
+
+<h3><a href='#BRILLO2'>BRILLO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO3'>ELECTO</a></h3>
+
+<h3><a href='#BRINDO2'>BRINDO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO4'>ELECTO</a></h3>
+
+<h3><a href='#BRILLO3'>BRILLO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO5'>ELECTO</a></h3>
+
+<h3><a href='#BRINDO3'>BRINDO</a></h3>
+
+<h3><a href='#ELECTO6'>ELECTO</a></h3>
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRILLO1" name='BRILLO1'></a>
+
+<h2>BRILLO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brillo1" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>May isa n~gang
+Haring balita sa yaman</span><br />
+na nakahahan~ga ang kaugalian<br />
+sa sakop nang Korte niya'y ibinawal<br />
+ang gawang magsunong &oacute; magpas&aacute;npas&aacute;n.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga't kaniya na
+ipinatawag</span><br />
+ang tao sa Korteng man~ga mahihirap<br />
+at ang bawa't isa'y binigyan nang pilak<br />
+na sa hanap-buhay ay puhunang dapat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At itinadhana sa
+nasasakupan</span><br />
+na ang lahing hudio ang utusan lamang<br />
+yaon ang mahigpit niyang kautusan<br />
+naglagay nang taning sa simulang araw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sinomang sumuway doon sa
+tadhana</span><br />
+may kakamtang dusa siyang ilinagda<br />
+at siya ang lubos na nan~gan~gasiwa<br />
+sa kanyang sakop na kinakalin~ga.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tunay na kanyang
+ikinagagalak</span><br />
+na ang sakop niya ay mayamang lahat<br />
+at sa lahing iba'y tan~ging matatanyag<br />
+ang ugali niya na pinalalakad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang tanang kampon niya ay
+nan~gatutuwa</span><br />
+sa dahilang sila'y mayayamang pawa<br />
+ang salat na dati ay naging sagana<br />
+at ang dating hamak ay naging dakila.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Laging gawa niya'y kapagka
+umaga</span><br />
+ay hawak sa kamay yaong largavista<br />
+at linilibot na ianatanaw niya<br />
+ang loob nang Korte't magpahanggang villa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang isang umaga'y nagkataon
+naman</span><br />
+na nasa bintana siya't nanunun~gaw<br />
+ay may isang taong hubad at may pasang<br />
+bigkis, niyong kahoy na bilang kalakal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang nasabing tao,y tinawag
+pagdaka</span><br />
+at itinanong kung taga saan siya<br />
+ang tugon ay taga labas niyong villa<br />
+na tan~ging mahirap siya kay sa iba.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>&iquest;Ikaw baga'y hindi
+nakatatalastas</span><br />
+anang Hari nitong lahat kong palakad<br />
+na tungkol ang ayos alila'y di dapat<br />
+asalin nang tanang taga ritong lahat?<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa balang sumuway na kahima't
+sino</span><br />
+pilit tatanggapin parusang lagda ko<br />
+sagot nang tinanong ay yaong utos mo<br />
+ay hindi ko talos ang pagkatutoo.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Paano po ako'y may asawa't
+anak</span><br />
+na hindi kakai't kami ay mahirap<br />
+ay saang kukuha kung hindi maghanap<br />
+nang ikabubuhay naming nararapat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matanto ang Hari ang ganoong
+sulit</span><br />
+wika'y magtuloy kang dito ay pumanhik<br />
+kahoy ay iwan mo't huwag nang umulit<br />
+na gumawa nitong sa atas ko'y lihis.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong mapanhik na'y pinaupo
+naman</span><br />
+at ang mayordomo niya'y inutusan<br />
+na magbalot siya nang isang balutan<br />
+nang onzang ang haba'y higit isang dangkal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At magbalot naman nang keso de
+plandes</span><br />
+na sa ayos niyong onza ay iparis<br />
+lihim na gawin mong huwag ipalirip<br />
+at in~gatang huwag na may makamasid.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kapag nayari na ay dalhan mo
+dito't</span><br />
+huwag kang mabalam at hinihintay ko<br />
+niyong mabalot na niyong mayordomo<br />
+dinala sa Hari ang dalawang ito.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa Haring tanggapin ang tao'y
+tinawag</span><br />
+dalawang balutang yao'y iginawad<br />
+ito'y labis mo nang puhunaning dapat<br />
+sa hanapbuhay mo't nang di naghihirap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang kasipagan mo lamang ay
+dagdagan</span><br />
+at ang iyong isip ay pakatalasan<br />
+at magmula n~gayo'y huwag nang magpasan<br />
+at tupdin ang aking mahigpit na bawal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matapos ang bilin ay napaalam
+na</span><br />
+ang binigyan yamang taong taga villa<br />
+sa kamay ay hawak balutang dalawa<br />
+at doon sa hagda'y nanaog pagdaka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagdating sa lupa'y kaniyang
+binuksan</span><br />
+ang natuklas niya'y ang keso ang laman<br />
+agad nang kinagat niya at tinikman<br />
+ang lasa ay tunay na di maibigan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang bigay na ito aniya ay
+aanhin</span><br />
+asawa ko't anak ay dirin kakain<br />
+anang Hari labis ko nang puhunani't<br />
+kabuhayan namin ay dito kukunin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Mahan~ga'y itapo't sagabal
+pa</span><br />
+sa aking paguwi sa tahanang villa<br />
+iniakm&aacute; nan~gang itatapon niya<br />
+sa sundalong bantay na siya'y nakita.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Wika nang sundalo ang keso ay
+sayang</span><br />
+ibigay sa akin kung ikaw ay ayaw<br />
+taong taga villa'y ibinigay naman<br />
+sampung niyong isang hindi binubuksan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang maibigay na'y lumakad
+nagtuloy</span><br />
+ang nasabing tao na bubulongbulong<br />
+wika'y muli akong puputol nang kahoy<br />
+na maipagbiling ipagpawing gutom.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At kahima't ako'y kaniyang
+hatulan</span><br />
+nang dahil sa utos niya'y sumalangsang<br />
+ay tututol ako't yaong ibinigay<br />
+niya, ay pagkaing di ko maibigan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagdating sa bahay ay itinanong
+na</span><br />
+yaong pinagbilhan nang sintang asawa<br />
+&iquest;anong pagbibilhang itinugon niya<br />
+kinuha nang Hari kahoy kong dinala?<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Wika ay mahigpit na kaniyang
+bawal</span><br />
+na huwag magayos alila sinoman<br />
+na sa Korte niya ay nasasakupan<br />
+at balang sumuway ay parurusahan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Dalawang balutan ang bigay sa
+akin</span><br />
+at wika'y labis nang doon ay magaling<br />
+tanang sarisaring kabuhayan natin<br />
+kaya't binalot pa na pinakagaling.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong manaog na ako sa
+hagdanan</span><br />
+nang nasa sa lupa na ay aking tinikman<br />
+ang lasa'y maanta na nakasusuklam<br />
+ikaw ma'y tunay mong di maiibigan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayon man ay pilit akong
+maggagayak</span><br />
+nang kahoy, at aking ititinda bukas<br />
+kung tanun~gin ako'y ipatatalastas<br />
+ang nasapit nang balutan niyang gawad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Salita'y napatid at
+ipinatuloy</span><br />
+yaong paghahanda nang dadalhing kahoy<br />
+at nang maumaga'y tinupad ang layon<br />
+na ang pagbibilha'y maipawing gutom.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa loob ng Korte nang dumating
+siya</span><br />
+ay sa Hari namang agad na nakita<br />
+kaya n~ga at siya'y tinawag pagdaka<br />
+nang Hari't tinanong na gaya nang una.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anang nasa villa'y ang nasa
+balutan</span><br />
+na pagkaing iyong sa akin ay bigay<br />
+pagdating sa lupa'y akin pong tinikman<br />
+ang lasa'y tunay na di ko maibigan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga at niyong itatapong ko
+na'y</span><br />
+hinin~gi nang bantay namang kapagdaka<br />
+ibinigay ko nang lahat ang dalawa't<br />
+di rin makakain naming magasawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Diyata't kapuwa ipinamigay
+mo</span><br />
+anang Hari, yaong balutang bigay ko<br />
+isa niyo'y onza't ang isa ay keso<br />
+ay ibinigay mong lahat sa sundalo.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang kahalan~galan mo'y saan
+ihahangga</span><br />
+at di pa binuksan sampu niyong isa<br />
+di sana ang laman ay iyong nakita't<br />
+di ipinamigay na karakaraka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~gayon ang sa iyo'y aking
+ibibigay</span><br />
+biling kong mahigpit na iyong in~gatan<br />
+at huwag na kitang makitang magpasan<br />
+na pumasok dito magpakailan man.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong mayordomo'y sa Haring
+tinawag</span><br />
+at ipinakuha'y isang paang medias<br />
+na yaong mahabang sa tuhod ay lampas<br />
+punin nang salaping hanggang sa mabanat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa pagkuha mo ang tao'y
+isama</span><br />
+at ang ilalagay nang upang makita<br />
+mayordomo nama'y sumunod pagdaka<br />
+medias ay agad pinuno nang onza.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa Haring nagutos ay dinala
+naman</span><br />
+anang Hari diyan sa tao ibigay<br />
+niyong matanggap na ay pinagbilinang<br />
+in~gatang mabuti't huwag pabayaan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matapos tanggapin ay napaalam
+na't</span><br />
+nanaog sa hagdang tuwa'y sabihin pa<br />
+lakad na matuling tumatakbo tila<br />
+at nasang dumating sa sintang asawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~guni't sa paglakad ay may
+sumusunod</span><br />
+na may sawing isip sa kanyang likod<br />
+at minamataan ang kanyang kilos<br />
+upang ang adhikang lihis ay masunod.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong sinusunda'y di
+namamalayang</span><br />
+may tao doon sa kanyang likuran<br />
+walang lin~gon likod sa dinadaanan<br />
+at anaki walang bahala sa lagay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang sa kabukiran siya ay
+malabas</span><br />
+ay sinumpong niyong gawang pagbabawas<br />
+sa bahay ay di na nakuhang umakyat<br />
+at sa punong hagdan dala'y ilinapag.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Doon naisipang siya ay
+kumanlong</span><br />
+sa isang malaking puno niyong kahoy<br />
+at hindi akalang may nakanunuynoy<br />
+nang salapi niyang daladalang yaon.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya't niyong siya ay nakakanlong
+na</span><br />
+taong sumusunod tumakbo pagdaka<br />
+supot nang salaping iniwa'y kinuha<br />
+n~guni't may-aring hindi nakikita.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang may-ari nama'y matapos
+magbawas</span><br />
+ay tila anyo pang nagpapawing hirap<br />
+dahil sa salaping pinasang mabigat<br />
+bakit malayo rin naman ang linakad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Saka niyong siya'y malipasang
+pagod</span><br />
+ay binalikan na ang iniwang supot<br />
+n~guni at wala at hindi natalos<br />
+na kinuha niyong may masamang loob.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang makita niyang supot ay wala
+na</span><br />
+ay agad tinawag ang sintang asawa<br />
+at tinanong niya kundi kinukuha<br />
+supot nang salapi na iniwan niya.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Doon sa hagdanan, pagka't hindi
+talos</span><br />
+nang asawa, kaya ang mabiglang sagot<br />
+di ko nakikita ang uwi mong supot<br />
+sa pinagiwanan sampung nagkaayos.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Baka nahahaling lamang naman
+ikaw</span><br />
+sa salaping iyong sinasabing taglay<br />
+sagot nang maydala yao'y ibinigay<br />
+sa akin, nang Haring makapanyarihan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa asawang sagot ay bakit
+aniya</span><br />
+sa puno nang hagdan ilinagay mo pa<br />
+at hindi sa akin ibinigay mo na<br />
+nang sa magnanakaw na hindi nakuha.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~gayon ay ano pang iyong
+magagawa</span><br />
+hirap nang makuha nang gayong nawala<br />
+kung may mabalik ma'y bihirangbihira<br />
+ang isa sa sampu'y turing lang dakila.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ano'y nang madin~gig ang ganitong
+sagot</span><br />
+nang asawa'y biglang hinin~ga'y nan~gapos<br />
+dahil sa malabis na sukal nang loob<br />
+kaya't sa batalan na lamang nasubsob.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hinin~ga'y pumanaw na di na
+nagbalik</span><br />
+sa di magkasiyang pighati sa dibdib<br />
+dahil sa salaping iba ang nagkamit<br />
+siyang naging daang hinin~ga'y napatid.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang isang tutoong dapat na
+pagtakhan</span><br />
+ay nang nabuburol yaong abang bangkay<br />
+ay may isang sulat na hawak sa kamay<br />
+na hindi makuha nang asawang hirang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ipinamalita ang bagay na
+ito</span><br />
+kaya't ang naglakbay ay maraming tao<br />
+pawang nagsikuha ang bawa't dumalo<br />
+ay walang binigyan na kahima't sino.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sabihin pa bagang man~ga
+kaguluhan</span><br />
+tanang tagaroong lahat ay dumalaw<br />
+sampung Arzobispo doon ay naglakbay<br />
+sulat ay kinuha'y di rin ibinigay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang Hari na lamang ang tan~gi sa
+lahat</span><br />
+na di kumukuha sa nasabing sulat<br />
+ayon sa malaking adhika nang lahat<br />
+na ang naalama'y pawang matalastas.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong Arzobispo'y ang nasok sa
+budhi</span><br />
+ipagsama naman ang mahal na Hari<br />
+na siyang kukuha nang sulat na tan~gi<br />
+na hawak nang bangkay na di mapagwari.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga't ang Hari't sampung
+Arzobispo</span><br />
+lumakad na abay ang man~ga konseho<br />
+gayon din ang lahat nang man~ga soldado<br />
+sa nasabing bangkay sila napatun~go.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa bahay nang sila ay
+mapaitaas</span><br />
+kinuha nang Hari ang nasabing sulat<br />
+na siyang sa kamay nang bangkay ay hawak<br />
+binitiwang tambing namang agadagad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong makuha na ang nasabing
+liham</span><br />
+binuksa't binasa nang Haring maran~gal<br />
+nang matanto niya ang nan~galalaman<br />
+nabuwal sa likmo siya't hinimatay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sumaklolong lahat ang man~ga
+konseho</span><br />
+at gayon din naman yaong Arzobispo<br />
+malaon din bago nakamalay-tao<br />
+n~guni't di mapawi yaong panglulumo.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Binasa rin naman ang nasabing
+sulat</span><br />
+niyong Arzobispo sa harap nang lahat<br />
+kaya n~ga't natanto nang tanang kaharap<br />
+ang man~ga salitang doo'y nasasaad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayari ang man~ga wikang
+sinasaysay</span><br />
+ikaw n~ga ay Haring makapangyarihan<br />
+na dito sa lupa ay bantog sa yaman<br />
+at pinipuntuho nang lahat mong kawal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tanang man~ga taong pinaghihirap
+ko'y</span><br />
+pinipilit namang pinayayaman mo<br />
+n~gayo'y kinuha kong buhay nitong tao<br />
+ay muli mo naman na buhayin ito.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya ang ginawa nang mahal na
+Hari</span><br />
+ay sa Arzobispo ay isinangguni<br />
+anang Arzobispo ikaw ay magwari<br />
+pagka't sa matuwid ang gawa mo'y sawi.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Magmula na noo'y natanim sa
+loob</span><br />
+nang mahal na Hari ang malaking takot<br />
+yayamang kaniyang tunay na natalos<br />
+na ang gawa niya ay laban sa Dios.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO1" name='ELECTO1'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo1" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Ito'y siyang
+saksing dapat na ilimbag</span><br />
+sa ubod nang pusong di dapat maghan~gad<br />
+niyong kayamanang di sariling hanap<br />
+lalo na't sa gawang di mabuti buhat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang man~ga may pilak na
+pinayayaman</span><br />
+ang dukha at nagmamapuri sa lagay<br />
+pinayamang yaon ay kung maging daang<br />
+magpalalo'y siya ang may kasalanan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sapagka't mayroong mabuti kung
+dukha</span><br />
+n~guni't kung yumama'y biglang nawawala<br />
+ang di magkagayo'y bihirang bihira't<br />
+kung minsa'y sanhi nang isinasama.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>May taong mababang loob kung
+mahirap</span><br />
+n~guni't kung yumaman ay nagmamataas<br />
+walang lin~gong likod kung magsipan~gusap<br />
+at napatatan~gay sa dahas nang pilak.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nan~gararapat n~gang ating
+saklolohan</span><br />
+ang nan~gasasalat na walang pagkunan<br />
+n~guni't kung lalagay sa kapalaluan<br />
+ay isang dakila namang kasalanan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anopa't marami ang dahil sa
+pilak</span><br />
+sa Santong matuwid ay nan~galilinsad<br />
+sa nasang yumaman nang ibang mahirap<br />
+kaluluwa'y di na pansing mapahamak.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kahi't kilala nang gawang
+nalilihis</span><br />
+at nasasalansang sa utos nang lan~git<br />
+ay ikinakanlong sa sariling isip<br />
+ang kakamtang dusang walang kasingpait.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Huwag mong nasaing matamo ang
+pilak</span><br />
+na mula sa ganang di karapatdapat<br />
+at baka doong ka matulad kay Judas<br />
+na nasa Infierno't walang hanggang hirap.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRINDO1" name='BRINDO1'></a>
+
+<h2>BRINDO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brindo1" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>At may isa namang
+dukhang magasawa</span><br />
+na palaging salat yaong buhay nila<br />
+at ang hanapbuhay ay di makasiya<br />
+nang abang lalaki sa tuwituwi na.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Bakit ang tutoong
+nakapaghihirap</span><br />
+lalaki'y natutong uminom nang alak<br />
+kaya't palagi nang lasing na madalas<br />
+na di magkawastong kumita nang pilak.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga at yaong kapatid na
+lamang</span><br />
+ang umaalalay sa ikabubuhay<br />
+saka nan~ganak pa ang asawang hirang<br />
+na nagpalugami sa karalitaan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang may tatlong araw na
+nan~gan~ganak na</span><br />
+ay dinalaw niyong kapatid na isa<br />
+noo'y tunay siyang walang magagasta<br />
+kaya't linimusan nang isang peseta.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang isang peseta ay nang
+maibigay</span><br />
+ang abang lalaki pinakiusapan<br />
+na siyang bumili nang ikabubuhay<br />
+at lumakad na n~gang ang peseta'y taglay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nagkataon namang doon sa
+paglakad</span><br />
+natapat sa isang tindahan nang alak<br />
+may nagsisiinom kaya n~ga't tinawag<br />
+pagka't dati niyang kainumang lahat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Paglapit ay agad namang
+tinagayan</span><br />
+nang makainom na'y nagusapusapan<br />
+nang lumaonlao'y uminom na naman<br />
+hanggang makaitlo bago tinigilan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang di makalaban sa tapang nang
+alak</span><br />
+sumuraysuray na't ulol ang katulad<br />
+ang isang pesetang sa kamay ay hawak<br />
+doon sa tindaha'y siyang ibinayad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Lumakad na siya na
+hahapayhapay</span><br />
+masulong maurong doon sa lansan~gan<br />
+nang di makakaya ang lunong katawan<br />
+nalugmok sa lupang tulad sa may damdam.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>May dalawang oras ang bilang
+humigid</span><br />
+yaong panglalata ay bago naalis<br />
+nang humusayhusay yaong pagiisip<br />
+saka nagunita yaong napagsapit.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Na walang kakanin ang asawa't
+anak</span><br />
+pagka't ang pesetang dala'y ibinayad<br />
+doon sa kanilang iniinom na alak<br />
+kaya't naghinagpis na di hamakhamak.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong asawa ko ay gutom nang
+gutom</span><br />
+aniya, at ako'y hinihintay n~gayon<br />
+n~guni't ang peseta'y &iquest;saan pa naroon<br />
+nabayad sa alak na aming ininom?<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang aking asawa'y &iquest;anong
+aasalin?</span><br />
+bakit nan~ganak pa ay di kumakain<br />
+kundan~gan ang aking gawang paglalasing<br />
+sa nangyaring ito'y siyang naging dahil.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Wala naman akong sukat
+mautan~gan</span><br />
+na maibibili nang ikabubuhay<br />
+kung ako'y magbigti ay masama naman<br />
+&iquest;ay paanong aking gagawing paraan?<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Habang lumalakad ay
+nagsasalita</span><br />
+at mistulang ulol ang kahalimbawa<br />
+napahihimutok tuwing magunita<br />
+yaong napagsapit na kahiyahiya.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa di nagtitigil na
+linakadlakad</span><br />
+ay dinating yaong baybayin nang dagat<br />
+at doo'y kaniyang inabot nang malas<br />
+yaong sarisaring bangkang nasasadsad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Walang anoano'y ang nasok sa
+isip</span><br />
+umupa nang isang bangka at sumilid<br />
+at doon magaliw nang sukal nang dibdib<br />
+na sa puso niya ay lumiligalig.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ipinatuloy na ang sa lan~gong
+han~gad</span><br />
+na siya'y nagbangka-bangkaan sa dagat<br />
+na sa kalasin~ga'y ang naipan~gusap<br />
+ay ang man~ga wikang di karapatdapat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung sino aniyang
+makapagbibigay</span><br />
+sa akin, nang yamang aking maibigan<br />
+at kahi't n~gayon ma'y aming pagsulatan<br />
+ang usap na aming pagkakasunduan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayon ang laging isinisigaw
+niya</span><br />
+habang namamangka't nagtutumayo pa<br />
+walang anoano'y lumitaw pagdaka<br />
+isang taong pan~git na walang kapara.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Naupo sa daong nang kaniyang
+bangka</span><br />
+at ang sinabi niya'y inusisa<br />
+tunay bang ibig mo na yumamang bigla<br />
+na gaya nang iyong man~ga salita.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Oo anang lan~go't nasa ko'y n~gayon
+din</span><br />
+kung iniibig mong ako'y payamanin<br />
+anitong tumanong kung iyong susundin<br />
+ang kahilin~gan ko yama'y tatamuhin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hustong isang ta&oacute;ng ay kung
+dumating na</span><br />
+ikaw ay sa akin pilit na sasama<br />
+n~guni't yayaman ka na walang pagsala<br />
+at sa iyoy madla ang man~gagtataka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At kung papayag ka'y iyong
+pifirmahan</span><br />
+itong gagawin kong isang kasulatan<br />
+tandang pagayon mo sa ating usapan<br />
+na ikaw ay akin magpakailan man.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Inaayunan ko ang sagot nang
+lan~go</span><br />
+gawin mo ang sulat at pifirma ako<br />
+agad na ginawa naman nang Demonio<br />
+na ang katuwaan ay di mamagkano.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sulat nang mayari ay pinirmahan
+na</span><br />
+saka iniabot ang isang pitaka<br />
+isang pako't isang martilyo't ang wika'y<br />
+ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang pitakang ito'y ang iyong
+gagawin</span><br />
+ilapat sa isang haligi &oacute; dingding<br />
+saka mo pakuan at iyong dukutin<br />
+at madudukot mo ang yamang ibigin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa dingding nang bangka'y ikinabit
+agad</span><br />
+dinukot at wika'y onzang aking han~gad<br />
+habang dumudukot ang ilinalabas<br />
+ay onza, at bumabalong ang katulad.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang ang nadudukot na onza ay
+sampu</span><br />
+ay yaong pagdukot niya'y inihinto<br />
+at yaong pitaka niya'y itinago<br />
+sampu nang martilyo't ang kasamang pako.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Agadagad nan~gang pumundo sa
+pampang</span><br />
+at yaong may-ari nama'y inupahan<br />
+bumili nang bigas na dalawang kaban<br />
+at vaca at baboy ang biniling ulam.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Umupa nang man~ga isang
+magdadala</span><br />
+at nang maglulutong kaniyang kasama<br />
+na yao'y upahang buwanang talaga<br />
+na sa bahay niya ay doon titir&aacute;.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~guni at nang siya'y dumating sa
+bahay</span><br />
+hapo na sa gutom ang asawang hirang<br />
+anitong babae ay bakit nabalam<br />
+diwa yata'y ikaw ay nakipagsugal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sagot nang lalaki ang iyong
+pesetas</span><br />
+ay nabayad lamang na lahat sa alak<br />
+ang kainumang ko ay niyong matapat<br />
+ako sa tindaha'y kanilang tinawag.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pinainom ako hanggang sa
+nalasing</span><br />
+at sampung sila man ay nagsiinom din<br />
+saka doon sila'y matulad sa akin<br />
+peseta ko pala'y siyang uubusin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Datapuwat n~gayo'y di masasalat
+na't</span><br />
+ipagagawa ko'y malaking bahay pa<br />
+sagot nang asawa'y saang ka kukuha<br />
+diwa'y hanggang n~gayon ay nalalan~go ka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hindi ako lan~go't makikita mo
+rin</span><br />
+kung makatapos nang tayo ay kumain<br />
+kung hindi mangyari saka mo sabihin<br />
+na ang salita ko ay salitang lasing.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nan~gatigil sila't nagsikain
+naman</span><br />
+nang di karaniwang masarap na ulam<br />
+nang makakain na ay pinalatagan<br />
+nang banig na suson ang kanilang bahay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ilinapat nan~ga doon sa
+haligi</span><br />
+saka pinakuan na pinakabuti<br />
+wika sa alila ikaw ay bumili<br />
+nang dalawang kabang lalong malalaki.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Buong isang onza yaong
+ibinigay</span><br />
+wika'y piliin mo ang lalong matibay<br />
+at kung magkano ang kahalagahan<br />
+bayaran mo't ikaw ay madali lamang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong inutusan pagdaka'y
+lumakad</span><br />
+ang lasing ang akin namang ipahayag<br />
+wika'y pawang onzang aking ilalabas<br />
+at dinukot nan~ga na hindi naglikat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagdukot ay onzang nakukuha
+naman</span><br />
+at doon sa banig ay ilinalagay<br />
+kaya sa pagdukot niyang walang humpay<br />
+ang onza'y nabuntong halos di mabilang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anopa't malabis yaong
+pagtataka</span><br />
+nang bagong pan~ganak na sintang asawa<br />
+ang wika ay ako ang durukot muna<br />
+nang siyang dumukot ay walang makuha.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya ang asawa ang
+pinabayaang</span><br />
+dumukot at siya ay nanood lamang<br />
+gaya rin nang unang paglabas nang kamay<br />
+onza ang sa banig ay inilalagay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang dumating naman ang kabang
+dalawa</span><br />
+ay ilinagay nang lahat yaong onza<br />
+hanggang sa napuno ay di nagpahin~ga<br />
+doon sa pitaka nang pagdukot niya.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sila'y natulog na't nang
+kinabukasan</span><br />
+maraming anluagi ang tinawag naman<br />
+ang ipinagawa ay malaking bahay<br />
+na sa bayang yao'y pinakamainam.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tuloy nagpagawa nang sisidlang
+bat&oacute;</span><br />
+nang salapi't laki ay di gagaano<br />
+at pinakatibay naman nang maestro<br />
+na di mahahamak nang masamang tao.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ginawang lalagyang yao'y nang
+mayari</span><br />
+pitaka ay doon dinalang madali<br />
+dinukot na gaya niyong dating gawi<br />
+nitong lumilikha lamang nang salapi.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Walang sinisikap sa gabi at
+araw</span><br />
+kundi ang dumukot nang salapi lamang<br />
+kung kaya matigil ay kung napapagal<br />
+at bago napuno'y may ilan ding buwan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pintong susonsuson ay isinira
+na</span><br />
+may bilang limangpung susi't cerradura<br />
+anopa't ang lahat ay nan~gagtataka<br />
+sa bagong mayamang natan~gi sa iba.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Lahat nang magandang man~ga
+kasangkapan</span><br />
+at gayon din naman ang man~ga sasakyan<br />
+ay nasa kaniya at balang humiram<br />
+sino ma'y di niya pinagkakaitan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang may kailangan at ang
+nasasalat</span><br />
+pagdaing ay agad niyang linilin~gap<br />
+pawang bigay lamang at wala nang bayad<br />
+pagka't siya'y lubhang sagana sa pilak.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~guni't ang asawa ay di
+mapaghaka</span><br />
+ang pitakang yaon kung saan nagmula<br />
+kaya pinipilit na inuusisa<br />
+sapagka't ang han~gad niya'y maunawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hindi ipagtapat naman nang
+lalaki</span><br />
+at ang kahihiyan ay nananatili<br />
+hindi matiwasay sa araw at gabi<br />
+ang kahihinatna'y naguguniguni.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagka't mahigit nang isang buwan
+lamang</span><br />
+yaong taning nila na pinagusapan<br />
+kaya n~ga't tutoong malaki ang lumbay<br />
+na anhin mo'y yaong may malubhang damdam.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa babae namang kusang
+napapansin</span><br />
+yaong kalumbayan nang asawang giliw<br />
+kaya't inusisang pinalihim-lihim<br />
+ang pitakang yaon kung saan nanggaling.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Mapiling pagtanong nang asawang
+kasi</span><br />
+ang katutohanang lahat ay sinabi<br />
+dahil sa peseta kung kaya nangyari<br />
+ang kinahinatnan nang palad kong imbi.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ayon sa hiya ko't naubos na
+lahat</span><br />
+na aking nagugol ibayad sa alak<br />
+ako'y walang kunan nang maibabayad<br />
+kaya't sa Demonio ay nakipagusap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Na ang aking kaluluwa at
+katawan</span><br />
+ay naging kapalit ang pitakang iyan<br />
+ang taning ay hustong isang ta&oacute;n lamang<br />
+ako'y kukunin na na di maliliban.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa katunaya'y may kasulatan
+pa</span><br />
+na ginawa't ako naman ay nagfirma<br />
+kaya ang taning ay iisang buwan na<br />
+at pilit na maghihiwalay kita.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayong pan~gun~gusap ano'y nang
+madin~gig</span><br />
+nang asawang kasi pagdaka'y tuman~gis<br />
+aniya ay ano't di mo na inisip<br />
+ang daratning huling iyong masasapit.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa kayamanan n~ga'y magpapasasa
+ka</span><br />
+sa huli ay hirap namang walang hangga<br />
+sa yaman sa Mundo'y ipinalit mo na<br />
+ang Dios na mulang tuwa at ginhawa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagkapalibhasa ay may
+kabanalan</span><br />
+ang babae agad namang nagkumpisal<br />
+sa isa n~gang Pari na tutoong banal<br />
+at isinangguni ang ganoong bagay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matanto nang Pari ang nangyaring
+yaon</span><br />
+sandaling nagisip munang mahinahon<br />
+siya'y nanalan~gin sa Dios na Poon<br />
+nang matanto niya ang gagawing ukol.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong matapos nang
+makapanalan~gin</span><br />
+wika sa babae (aniya) ay n~gayon din<br />
+sa iyong asawa ay iyong sabihing<br />
+siya'y magkumpisal at aking hihintin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Babae madaling umuwi sa
+bahay</span><br />
+at sa asawa'y sinabi ang banay<br />
+niyong matalastas ay sumama naman<br />
+at noon din siya'y tambing nagkumpisal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sinabi ang yaring salitaan
+nila</span><br />
+sampung kasulata't pagkapirma niya<br />
+saka ang pitaka ay ipinakita<br />
+gayon din ang pako at ang martilyo pa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang hatol nang Pare ay
+magkukumpisal</span><br />
+tuwing makalawa, at sa araw-araw<br />
+ay magkukumunion huwag pasalahan<br />
+ang pagdedevocion ay gayon din naman.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tuloy sinootan nang larawang
+hayag</span><br />
+nang puso ni Jesus at nang birheng liyag<br />
+tanang katungkula'y ipinatalastas<br />
+na huwag bayaang di ganaping lahat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At yaong usapang araw kung
+dumating</span><br />
+na sa Demonio nang siya'y kukunin<br />
+huwag magpabayang di siya tawagin<br />
+at ang buong kaya'y kanyang gagawin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Madlang kabilina'y ginanap na
+pawa</span><br />
+nitong sa Demonio'y humandog na kusa<br />
+nang dumating yaong araw na tadhana<br />
+Paring magtatanggol ay tinawag nan~ga.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong Paring banal ay nang dumating
+na</span><br />
+buong bahay nama'y benendita<br />
+upang yaong tao ay huwag makuha<br />
+nang Demonio't di makapasok siya.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pulubing marami nagpatawag
+naman</span><br />
+nang dumating doon ay pinagsabihan<br />
+na halihaliling sila'y magdarasal<br />
+tan~gi ang sa lupa kay sa nasa bahay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong Altar nama'y kusang
+iginayak</span><br />
+na naroo'y tatlong larawang mag Anak<br />
+na Jesus Maria y Josef ang tawag<br />
+at saka ang pitong Arcangel na hayag.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ano'y nang sumapit ang araw na
+taning</span><br />
+Demoniong katipan nang tao'y dumating<br />
+pagka't kailan~gang kanya nang kunin<br />
+kaya't daladala ang may firmang papel.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Matanto nang Pari ay pinaluhod
+na</span><br />
+ang taong kukunin niyong palamara<br />
+saka sinubuan nang mahal na Hostia<br />
+galit nang Demonio'y sabihin pa bag&aacute;.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Di ganiyan aniya ang ating
+usapan</span><br />
+nang namamangka kang nasa karagatan<br />
+kundi ang kita ay payamanin lamang<br />
+at ikaw ay akin sa taning kong araw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pinayamang kita't ang iyong
+susundin</span><br />
+ay layaw sa Mundo't sa katawang hiling<br />
+di nating usapang lahat nang magaling<br />
+na ukol sa Dios ang iyong gagawin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang lilong Demonio'y hindi
+makalapit</span><br />
+dahilan sa dasal na nauulinig<br />
+kaya n~ga tutoong siya'y nagn~gan~galit<br />
+sa ganoong ayos niyang namamasid.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tinatawag niya't lumapit ang
+han~gad</span><br />
+n~guni't yaong Pari ang siyang nan~gusap<br />
+hayo't lumayo ka aniya sa Satanas<br />
+at huwag paritong muli pang man~gahas.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>N~guni't tumutol naman ang
+Demonio</span><br />
+na ang wika'y siya ang kailan~gang ko<br />
+tunay siyang aki't ang pagkatutoo'y<br />
+may sulat at siya'y nakafirma dito.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang sagot nang Pari ay lumayas ka
+na</span><br />
+Satanas at siya'y di mo makukuha<br />
+kasulatang iyan ay walang halaga<br />
+punitin mo't huwag ditong magbalik pa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Wika nang Demonio'y ibigay sa
+akin</span><br />
+ang pitakang iya't martilio'y gayon din<br />
+at saka ang pako't aking pupunitin<br />
+itong kasulatang kasunduan namin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Inihagis nan~ga nang Pari ang
+wika</span><br />
+hayo't umalis ka lilong magdaraya<br />
+umalis nang gal&iacute;t na hindi kawasa't<br />
+nagiwan nang bah&oacute; na walang kamukha.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang makaalis na yaong si
+Satanas</span><br />
+doon sa iniwa'y ang sa Paring saad<br />
+ang salaping iya'y gugulin mong lahat<br />
+sa man~ga salanta at sa nasasalat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa m~ga ulila at sa
+kailan~gan</span><br />
+na nagsisigawa niyong kagalin~gan<br />
+at ang paglalan~go'y iyong pagin~gatan<br />
+nang di ka madaya nang Demoniong hunghang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa katawan mo ay huwag
+alisin</span><br />
+ang larawang puso nang nakop sa atin<br />
+saka ang larawan niyong Inang Virge't<br />
+ang pagdedevocio'y huwag lilimutin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tanang man~ga bilin ay pawang
+tinupad</span><br />
+nang nasabing Pari kaya't napanatag<br />
+nagbuhay Angel na at walang hinarap<br />
+kundi ang maglingkod sa Dios na wagas.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya't nang dumating ang tadhanang
+guhit</span><br />
+ang bayang payapa'y kinamtang tahimik<br />
+bagaman nal&iacute;gaw sa daang matuwid<br />
+ay natutuhan ding muling nanumbalik.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO2" name='ELECTO2'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo2" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Gayon din ang tunay
+na nakakapara</span><br />
+nang nan~gahuhulog sa pagkakasala<br />
+na nagsisuyo sila't pumifirma<br />
+sa libro nang taksil na ating kabaka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang firma ay kaya naaalis
+lamang</span><br />
+at nan~gasisira yaong kasulatan<br />
+kung ihin~ging tawad at ipagkumpisal<br />
+ang sala't magsisi't tuloy pagtikahan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sapagkat ang Paring kay Kristong
+alagad</span><br />
+sa tali nang sala'y silang kumakalag<br />
+at kapag binigyan nila nang patawad<br />
+umasang kay Kristo tayong tinatanggap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagka't ang sinomang nasa salang
+mortal</span><br />
+ang pinto nang lan~git nama'y nasasarhan<br />
+n~guni't kundi iwan yaong kasalanan<br />
+hirap sa Infierno'y siyang nalalaan.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRILLO2" name='BRILLO2'></a>
+
+<h2>BRILLO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brillo2" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>May isang sasakyang
+minsa'y naglalayag</span><br />
+sa baybayin niyong malalim na dagat<br />
+kapit&aacute;'y tutoong malaki ang sindak<br />
+doon sa nasapit nilang pagkabagbag.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Demonio'y makita ang ganoong
+ayos</span><br />
+sa kaniyang puno'y nuhang pahintulot<br />
+at ang tutuksuhin nang taksil na loob<br />
+ay yaong kapit&aacute;ng doo'y naguutos.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang mabigyang tulot nama'y yumao
+na</span><br />
+manunuksong ayos marinero siya<br />
+at yaong sasakya'y tinun~go pagdaka't<br />
+sa man~ga utusan siya'y nakisama.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa paguutos na
+kasalukuyan</span><br />
+sa lahat nang man~ga naruroong utusan<br />
+nang upang maligtas sa kapan~ganiban<br />
+ang malulubog na kanilang sasakyan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Marinero n~gang Demonio'y
+paglapit</span><br />
+kapit&aacute;n aniya'y ano po ang ibig<br />
+sagot ay itali sa kahoy ang lubid<br />
+nang tayo ay huwag malayo sa gilid.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Lubid ay kinuha't ang
+pinatun~guhan</span><br />
+ay lugar na walang sukat pagtalian<br />
+saka wiwikain doon sa kapit&aacute;n<br />
+dito'y walang kahoy na mapaggapusan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung gawing kaliwa ang siyang
+sabihin</span><br />
+ay sa dapat kanan ay doon dadalhin<br />
+at pinagagalit na tikis ang dahil<br />
+ang kapit&aacute;'y upang magkasalang tambing.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang ginagawa n~gang man~ga
+panunukso</span><br />
+kapit&aacute;'y nayamot na di mamagkano<br />
+kung walang taliang kahoy man &oacute; bat&oacute;<br />
+itali kahi't sa sun~gay nang Demonio.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayong pan~gun~gusap ay niyong
+madin~gig</span><br />
+niyong marinero'y iniwan ang lubid<br />
+nagtaglay nang takot at ang sumaisip<br />
+siya'y nakilala kung kaya nagalit.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung kaya sinabi na sa aking
+sun~gay</span><br />
+itali't ako pa ang pahihirapan<br />
+agad nang umalis at humarap naman<br />
+doon kay Satan&aacute;s yaong tampalasan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>&iquest;Wika ni Satan&aacute;s ay
+anong lakad mo</span><br />
+tugo'y nakilalang ako'y manunukso<br />
+winika'y itali kahi't sa sun~gay ko<br />
+kung walang taliang kahoy man &oacute; bat&oacute;.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang tinukso mo'y taong may
+Devocion</span><br />
+na di madaraig at may magtatanggol<br />
+yaon ang sa Mundo'y di napauulol<br />
+at tunay na lingkod niyong Pan~ginoon.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO3" name='ELECTO3'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo3" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Dito'y dapat nating
+huluin sa loob</span><br />
+na kapag ang tao ay lingkod nang Dios<br />
+kahi't si Satan&aacute;s ay nan~gin~gilabot<br />
+at di madaraya nang sa Mundong adyok.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At nakikilalang yaong
+nanunukso'y</span><br />
+isa sa kampon nang taga Infierno<br />
+kaya nararapat na pakupkop tayo<br />
+sa Dios at Inang Virgeng masaklolo.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Huwag pabayaan ang tayo ay
+magahis</span><br />
+nang kaaway nating sadyang malulupit<br />
+na walang adhika kundi ang magahis<br />
+tayo't makasama nilang magkasakit.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sapagka't kanilang
+kinaiinggitan</span><br />
+ang tanang biyaya nang Dios na mahal<br />
+na pinatatawad kung magkasala man<br />
+ang nan~gagsisisi't sala'y ikumpisal.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Demonio'y minsan lamang na
+nagsukab</span><br />
+sila'y ibinulid sa balon nang hirap<br />
+at hindi nangyaring sila'y pinatawad<br />
+at parusang walang hangga ang nalan~gap.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRINDO2" name='BRINDO2'></a>
+
+<h2>BRINDO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brindo3" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>At mayroon namang
+isang magasawa</span><br />
+na ang anak nila ay lalaking isa<br />
+at sa kabuhaya'y may lubos na kaya<br />
+na hindi rin naman sukat kulan~gin pa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Dapuwa't sa anak ay labis
+magmahal</span><br />
+at tutoong sunod na sunod ang layaw<br />
+na kahi't anomang gawing kasalanan<br />
+hindi pinapalo kahi't pilantik man.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga't lumaki ang kanilang
+anak</span><br />
+na pagalagala't hindi naghahanap<br />
+nang ikabubuhay na tungkuling dapat<br />
+nang tao, kaya n~ga't kaiba sa lahat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa kayamana'y labis na
+gumugol</span><br />
+na in&aacute;aksay&aacute; sa pagayon-gayon<br />
+niyong makaraan ang ilang panahon<br />
+namatay ang Ina na nagkandongkandong.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya ang natira'y ang Ama na
+lamang</span><br />
+na siyang sa anak ay nagpapalayaw<br />
+paglibot ang gawa sa gabi at araw<br />
+palad nang matigil sa kanyang bahay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Isang araw naman na
+pagkaumaga</span><br />
+na pagkakain ay naglibot na siya<br />
+dinatnan nang lagnat naman yaong Ama<br />
+ang sakit nang ulo'y halos di mabata.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Di makuhang siya ay magluto
+naman</span><br />
+nang pagkai't ayon sa matinding damdam<br />
+sapagka't ang lagnat ay lubhang mas&aacute;s&aacute;l<br />
+saka masakit pa ang kasukasuan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang dumating yaong naglib&oacute;t
+na anak</span><br />
+ay gutom sapagka't lampas na sa oras<br />
+pagdating sa bahay ay agad nagbukas<br />
+niyong paminggala't kakanin ang hanap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anopa at walang nakitang
+pagkain</span><br />
+sapagka't ang Ama'y di makapagsaing<br />
+pumasok na galit ay walang kahambing<br />
+ang wika sa Ama'y bakit walang kanin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Malubay na tugon niyong amang
+ibig</span><br />
+di makapagsaing ako at maysakit<br />
+hindi makaban~gon pagka't nan~gin~ginig<br />
+yaring katawan ko sa lagnat na labis.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa anak na tugo'y magluluto
+lamang</span><br />
+ang sakit na yaon ay dinadahilan<br />
+ako ay gutom na ay walang daratnan<br />
+nang pagkaing akin na inaasahan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Di magsaing ka na ang sa Amang
+wika</span><br />
+at tunay na ako'y di makagagawa<br />
+at ang katawan ko ay malatang-malata't<br />
+ulo ko'y masakit na hindi kawasa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Magsasaing ako sa anak na
+sagot</span><br />
+kita mo po't ako ay pagod na pagod<br />
+lalo kung ganitong ako'y nayayamot<br />
+maihahampas ko lamang ang palayok.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kung hindi ka taong walang
+kahihiyan</span><br />
+anang Ama't talos mo na ako'y may damdam<br />
+may kakanin ka na't iluluto lamang<br />
+ay di mo magawa't akong uutusan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Madin~gig nang anak galit ay
+sabihin</span><br />
+aniya'y ako pa palang hihiliin<br />
+kahi't matuluyang ako'y di kumain<br />
+ay ako ay hindi makapagsasaing.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nagalit ang Ama't wika'y
+lapastan~gan</span><br />
+at munti ma'y wala ka nang kahihiyan<br />
+gala ka nang gala sa maghapong araw<br />
+at di mailuto ang kakanin lamang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Gayong pan~gun~gusap ano'y n~g
+madin~gig</span><br />
+ang minamahal na anak ay nagalit<br />
+at walang pitagang sa Ama'y lumapit<br />
+yaong tampalasang alibughang isip.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Saka yaong Ama ay
+sinabunutan</span><br />
+at hinila hanggang malapit sa hagdan<br />
+ang kaawaawang Ama'y sumisigaw<br />
+pagka't masasakit ang buong katawan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Doon iniwan lamang yaong
+Ama</span><br />
+at tuloy nanaog at umalis siya<br />
+pagka palibhasa ay maraming kuwarta<br />
+nang may isang linggo nama'y umuwi na.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga at noong dumating sa
+bahay</span><br />
+ay bangkay na lamang ang Amang dinatnan<br />
+at dalawang araw nan~gang namamatay<br />
+sa gutom na labis na di ano lamang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ano ang gagawin sapagka't patay
+na</span><br />
+ay ipinalibing ang bangkay nang Ama<br />
+sa apat katao siya ay umupa't<br />
+nang oras ding yao'y ilinibing nila.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang mailibing na ang sa Amang
+bangkay</span><br />
+siya'y nagiisang natira na lamang<br />
+nagkaasawa ri't kapalibhasaan<br />
+ay may kamunti pang natitirang yaman.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Isang lalaki rin yaong naging
+anak</span><br />
+kawan~gis n~g Amang anhin mo'y pinilas<br />
+at nang lumaki na'y tunay na kahuwad<br />
+nang Ama, ang gawa at ugalig lahat.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At tunay n~gang lubos na
+pinakalakhan</span><br />
+ang gumagala sa gab&iacute; at araw<br />
+at kung oras siya na kakain lamang<br />
+kaya umuuwi sa kanilang bahay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong lumaki na'y namatay ang
+Ina</span><br />
+kaya't ang natira'y ay silang mag-ama<br />
+haggang sa naging bagong-tao siya<br />
+ang dating ugali ay di rin nagiba.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Isang araw yaong Ama ay
+dinatnan</span><br />
+nang matinding lagnat na may kalubhaan<br />
+masakit na lahat ang buong katawan<br />
+at di makaban~gon doon sa hihigan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya sa hindi makayanang
+bathin</span><br />
+yaong karamdama'y hahalihalinghing<br />
+walang anoano nama'y sa darating<br />
+ang anak sapagka't oras nang pagkain.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagpanhik sa bahay ay tinun~go
+niya</span><br />
+yaong paminggala't kakaing talaga<br />
+palayok nang buksan ay walang nakita<br />
+kamunti nang sukat na makain baga.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Agad pinasok niya't kusang
+itinanong</span><br />
+ang lutong pagkain kung saan naroon<br />
+Ama ay bahagya na lamang tumugon<br />
+aniya'y di ako makakilos n~gayon.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa anak na wika'y ang kamunting
+damdam</span><br />
+ay minamalaki mona pong dahilan<br />
+diwa ay talaga na lamang aayaw<br />
+na ako'y pakanin at nanghihinayang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Baga man ang Ama ay datay sa
+sak&iacute;t</span><br />
+ay napilitan ding dinayo nang galit<br />
+dan~gan ang tao kang walang munting bait<br />
+na nagsasalita'y hindi iniisip.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nakikita mona na may damdam
+ako</span><br />
+ang pagsasaing ko kaya ay paano<br />
+nariyan ang bigas ay di iluto mo<br />
+at huwag magsabi nang kung anoano.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa salitang yaong anak ay
+nayamot</span><br />
+pagdaka'y tinangnan ang Ama sa buhok<br />
+at kinaladkad na nang katakot-takot<br />
+na hanggang sa lupa ay ipinanaog.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Niyong hinihilang malapit sa
+hagdan</span><br />
+ang sigaw nang Ama ay dito na lamang<br />
+sapagka't dito ko lamang inihanggan<br />
+ang nuno mo niyong aking sabunutan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hindi rin nakinig ang kuhilang
+anak</span><br />
+at doon sa hagda'y kinalakadladkad<br />
+kaya't sa baytang ay nagkahampashampas<br />
+nasisigaw tuloy sa malaking hirap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At nasa lupa na'y kinakaladkad
+din</span><br />
+ang hunghang na Ama nang anak na taksil<br />
+at iniwan na n~gang hahalihalinghing<br />
+at doon na lamang buhay ay nakitil.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya n~ga't ang anak ay nang umuwi
+na</span><br />
+dinatnan sa lupa ang bangkay nang Ama<br />
+madlang nanunuod niyong datnan niya<br />
+na hindi maisip yaong pagtataka.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pagkamangha nila'y paganhing
+saysayin</span><br />
+bangkay ay ginanap yaong paglilibing<br />
+anak na naiwan ay di rin nagmaliw<br />
+ang ugaling hayop ang siyang kahambing.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong natitirang ari't
+kayamanan</span><br />
+na minana doon sa Amang namatay<br />
+ay naipagbili sampung pamamahay<br />
+at naubos naman sa pagayon lamang.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Saka nang wala nang tunay na
+makain</span><br />
+ang man~ga damit pa'y naipagbili rin<br />
+nang walang pagkuha'y dito na umatim<br />
+nang gutom na hindi makayang tiisin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ang ginalagala'y di rin
+nagtatahan</span><br />
+at natun~go tuloy sa labas nang bayan<br />
+at doon inabot niyong karamdaman<br />
+nahiga sa lupa't di makagulapay.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sapagkahiga ay walang
+anoano</span><br />
+doo'y napalibot ang maraming aso<br />
+linapita't asa'y patay nang tutoo<br />
+kinagat na pinaghalihanan dito.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Katawa'y malata't
+mahinangmahina</span><br />
+at hindi na halos makapagsalita<br />
+kaya't ang pagbugaw niyang ginagawa'y<br />
+di pansin nang asong nan~gagkakatuwa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>May limang dip&aacute; rin ang
+napaghilahan</span><br />
+niyong man~ga asong nagkakaguluhan<br />
+at bago pa nila nakilalang buh&aacute;y<br />
+ay nang mahalata nang ginalawgalaw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Bagaman iniwan nang man~ga
+pagkagat</span><br />
+ang dalawang paa'y tadtad na nang sugat<br />
+lalo pang magulol ang matinding hirap<br />
+at doon ang buhay na lamang nautas.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO4" name='ELECTO4'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo4" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Ito'y siyang tubo
+nang man~ga magulang</span><br />
+na sa man~ga anak ay mapagpalayaw<br />
+kahi't gumawa man niyong kasalanan<br />
+ay di binibigyan nang kaparusahan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kapag namihasa sa ganoong
+gawa</span><br />
+ay ulol at ulol ang nagiging sam&acirc;<br />
+at sila ang bilang na nagpapalala<br />
+nang ugaling lihis mulang pagkabata.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At kung tumanda na't saka
+susupilin</span><br />
+ang asal na gayong karimarimarim<br />
+wala nang panahon at kung pipilitin<br />
+abang nagpalayaw ang patatan~gisin.<br />
+<br />
+<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRILLO3" name='BRILLO3'></a>
+
+<h2>BRILLO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brillo2" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>May isang mag Inang
+sanggol n~g maiwan</span><br />
+ang lalaking anak nang Amang namatay<br />
+kaya n~ga't malabis yaong pagmamahal<br />
+nang Inang may iwi sa anak na hiran.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Nang katabilan pa ang lagay nang
+bata</span><br />
+na di mawatasan halos magsalita<br />
+kapag inaglahi nang kahi't matanda<br />
+ang itinuturo'y mahalay na wika.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hanggang sa lumaki ay
+nakagawian</span><br />
+pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay<br />
+at kahi't sa harap niyong kamahalan<br />
+ang ibinubuga'y kasalaulaan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Di na alumana ang bagay na
+yaon</span><br />
+na katulad niyong masidhing ulupong<br />
+Ina'y isang araw nama'y nagkataon<br />
+na may panauhing nan~gagkakatipon.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anak ay dumating na galing sa
+sugal</span><br />
+at sa pagkatalo siya'y nagkautang<br />
+pagharap sa Ina ang wika ay bigyan<br />
+siya, nang salapi't may pagbabayaran.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ina ay tumanggi't walang
+ikakaya</span><br />
+doon sa salaping hinihin~gi niya<br />
+kamandag na in~gat nan~ga'y ibinuga<br />
+niyong tinuruang anak na vivora.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Pinaglasayan na n~g wikang
+mahalay</span><br />
+ang Ina, nang anak na walang pitagan<br />
+Ina ay nagtaglay niyong kahihiyan<br />
+sa nan~garuroong panauhing tanan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya't ang mahalay na sabi nang
+anak</span><br />
+sa bibig nang Ina'y siya ring binigkas<br />
+anak ay nagtindig na likmua'y hawak<br />
+at doon sa Ina'y siyang ihahampas.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tanang panauhin ay dumalo
+naman</span><br />
+dahilan sa Ina na nagsisisigaw<br />
+at lubhang malakas ang pananambitan<br />
+nang nagturong Ina niyong kataksilan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaguluhan nila'y kahi't
+naapula</span><br />
+kapintasan nama'y sumabog sa madla<br />
+anopa't ang lahat nang makaunawa'y<br />
+Inang sinisising uliran nang sama.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sila na ang lubos na naging
+hantun~gan</span><br />
+nang lahat nang taksil na magmamagulang<br />
+kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan<br />
+ay di kabutihan kundi sa kasaman.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong kapalaran kung sila'y
+dalawin</span><br />
+ay di mamalagi at umaalis din<br />
+parang sinasabik sa sandaling aliw<br />
+at kung magdalita nama'y sapinsapin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Anopa't ang lahat nang sa Mundong
+silo</span><br />
+sa maginang yao'y walang nabibigo<br />
+ginagawa nilang aliwan nang puso<br />
+yaong walang awang hirap kung bumugso.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+
+
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO5" name='ELECTO5'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo5" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Kayong Ama't Ina na
+palatun~gayaw</span><br />
+at mapagsalita nang wikang mahalay<br />
+kayo ang sa anak ninyo'y umaaral<br />
+nang lahat nang man~ga likong kaasalan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At ang nagtuturo sa man~ga
+inanak</span><br />
+nang bagay na man~ga di karapatdapat<br />
+kayo rin sa huli naman ang lalan~gap<br />
+nang bun~gang mapait sa binhing masaklap.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Tuwa mo'y kung ano nang bata pang
+munti</span><br />
+sa pagtuturo mo nang salitang sawi<br />
+kung lumaki nama't magkaroong sanhi<br />
+ang tubo mo'y luha't pagdadalamhati.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sapagka't kung ano ang punlang
+pananim</span><br />
+ay siya rin namang bun~gang aanihin<br />
+balang isang puno ay iyong timban~gin<br />
+kung ilang ibayong papakinaban~gin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya karampatang in~gatan ang
+bata</span><br />
+sa ano mang bagay na makasasama<br />
+dito pa't sa isang buhay man ay huag<br />
+ang ban~gis nang dusang pilit ilalagda.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="BRINDO3" name='BRINDO3'></a>
+
+<h2>BRINDO</h2>
+
+<br />
+<table summary="brindo4" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>May katuwatuwang
+duling na dalawa</span><br />
+na nagkasalubong sa paglakad nila<br />
+binati n~g isa na tatawatawa<br />
+nanan~gis kunuwang sumagot ang isa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Wika nang isa ay anong buhay
+mo't</span><br />
+ang lakad mo'y tila malayong tutoo<br />
+tugo'y mahalaga ang lakad kong ito<br />
+at ako'y nanggaling sa isang mediko.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Napasa mediko at ano ang
+dahil</span><br />
+tugon ay ang sanhi ay sa mata natin<br />
+at hinihiling kong ang ating paningin<br />
+ay mangyari lamang kanilang baguhin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>&iquest;Ay ano ang naging panagot
+sa iyo?</span><br />
+tugon ay wala nang daan pang mabago<br />
+kanunuan natin ang may sala nito't<br />
+naganyak nanuod doon sa Calvario.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sa Poong kay Jesus nang
+nababayubay</span><br />
+sa Cruz, at dahil sa sala nang tanan<br />
+niyong malagot na ang hinin~gang tan~gan<br />
+sa nin~gas nang kidlat sila'y nan~gasilaw.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Hindi magkawasto ang man~ga
+panin~gin</span><br />
+at sa katakutang walang makahambing<br />
+nan~gagtatakbuhang mata'y pasuliling<br />
+at di matutuhan yaong tutun~guhin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Katunaya'y noong si Kristo'y buhay
+pa</span><br />
+ay wala nang gaya nitong ating mata<br />
+si Kristong gagamot sapagka't patay na<br />
+sa paggaling tayo'y wala nang pagasa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Ito ang siya kong
+ikinalulumbay</span><br />
+kailan ma't aking magunamgunam<br />
+lagay natin n~gayo'y parang tinandaan<br />
+niyong lihis nilang kagagawan.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kundan~gan ang sila ay
+pakialami't</span><br />
+walang kaguluhang di nakikipiling<br />
+at nakikigaya pa sila marahil<br />
+sa taksil na budhing man~ga mainggitin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Naging pakinabang sa ganoong
+gawa</span><br />
+ang tin~ging mabuti nila ay napasam&acirc;<br />
+sampung tayo n~gayo'y pinapalibhasa<br />
+nang walang pitagang matabil na dila.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Dulo'y kundi tayo
+makapagpipigil</span><br />
+laging basagulong makikita natin<br />
+kaya wala tayong dapat na sisihin<br />
+kundi silang naging sanhi nang hilahil<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Sila'y naglakad na't ang kalang
+makita</span><br />
+ay linalapita't nananan~gis sila<br />
+dahilan sa matang wala n~g pagasa<br />
+na magkapanahong sila'y gumaling pa.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Balang makaalam nang kanilang
+sumbong</span><br />
+man~ga katuwaan ay walang kaukol<br />
+ang ganoong gawa nila ay patuloy<br />
+hanggang sa kanilang bahay ay humantong.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<a id="ELECTO6" name='ELECTO6'></a>
+
+<h2>ELECTO</h2>
+
+<br />
+<table summary="electo6" border="0" width="100%" cellpadding="0"
+cellspacing="1">
+<tr>
+<td width="28%"></td>
+<td width="72%"><span style='margin-left: 1em;'>Matuwid ang gayong
+palagay n~g duling</span><br />
+kung tunay na ating didilidilihin<br />
+tanang may ugaling mapakialamin<br />
+madalas maramay sa man~ga hilahil.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>At sa nangyaring man~ga
+kaguluhan</span><br />
+sila'y nalalahok kahi't di kaalam<br />
+ang di umaalis sa loob nang bahay<br />
+sa sandaa'y isa kung magkagayon man.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Yaong man~ga taong gawa'y
+man~gutiya't</span><br />
+walang kilos na di pamamalibhasa<br />
+anopa't ang gayong pamamalibhasa<br />
+siyang nagkakamit nang labis nang pula.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kaya kapatid kong man~ga
+ginigiliw</span><br />
+gayong kagagawang lihis ay alisin<br />
+at doon ay walang papakinaban~gin<br />
+kundi yaong dusa't pulang sapinsapin.<br />
+<br />
+<span style='margin-left: 1em;'>Kinakailan~gan nating
+pagaralan</span><br />
+ang turo ni Kristong kapakumbabaan<br />
+sundin ang kaniyang man~ga bili't aral<br />
+nang tayo'y masama sa payapang bayan.<br />
+</td>
+</tr>
+</table>
+
+<h3>KATAPUSAN</h3>
+
+<br />
+<hr style='width: 65%;' />
+<br />
+<h1><a href="images/002.gif"><img src="images/002.gif" border="0"
+alt="Patalastas" width="269" height="408" /></a></h1>
+
+<div>*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14271 ***</div>
+</body>
+</html>
+
diff --git a/14271-h/images/001.jpg b/14271-h/images/001.jpg
new file mode 100644
index 0000000..6b8c35c
--- /dev/null
+++ b/14271-h/images/001.jpg
Binary files differ
diff --git a/14271-h/images/001t.jpg b/14271-h/images/001t.jpg
new file mode 100644
index 0000000..4c6253c
--- /dev/null
+++ b/14271-h/images/001t.jpg
Binary files differ
diff --git a/14271-h/images/002.gif b/14271-h/images/002.gif
new file mode 100644
index 0000000..37958a3
--- /dev/null
+++ b/14271-h/images/002.gif
Binary files differ