summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/14271-0.txt
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '14271-0.txt')
-rw-r--r--14271-0.txt1478
1 files changed, 1478 insertions, 0 deletions
diff --git a/14271-0.txt b/14271-0.txt
new file mode 100644
index 0000000..9a9bbd0
--- /dev/null
+++ b/14271-0.txt
@@ -0,0 +1,1478 @@
+*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14271 ***
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+=PANAYAM NG TATLONG BINATA TINULA NI=
+
+_Cleto R. Ignacio_
+
+=CONCEPCION, MALABON, RIZAL=.
+
+BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO
+
+MAYNILA
+
+TEL. 3099.
+
+UNANG PAGKAPALIMBAG 1921
+
+_Rosario 225 Binundok_.
+
+
+
+TINIG KASALUKUYAN
+
+O
+
+=KUWENTO=
+
+NG
+
+=Tatlong Binatang=
+
+SI
+
+=Brillo, Electo at ni Brindo=
+
+
+IKALAWANG HATI
+
+
+
+BRILLO
+
+
+ May isa n~gang Haring balita sa yaman
+na nakahahan~ga ang kaugalian
+sa sakop nang Korte niya'y ibinawal
+ang gawang magsunong ó magpasánpasán.
+
+ Kaya n~ga't kaniya na ipinatawag
+ang tao sa Korteng man~ga mahihirap
+at ang bawa't isa'y binigyan nang pilak
+na sa hanap-buhay ay puhunang dapat.
+
+ At itinadhana sa nasasakupan
+na ang lahing hudio ang utusan lamang
+yaon ang mahigpit niyang kautusan
+naglagay nang taning sa simulang araw.
+
+ Sinomang sumuway doon sa tadhana
+may kakamtang dusa siyang ilinagda
+at siya ang lubos na nan~gan~gasiwa
+sa kanyang sakop na kinakalin~ga.
+
+ Tunay na kanyang ikinagagalak
+na ang sakop niya ay mayamang lahat
+at sa lahing iba'y tan~ging matatanyag
+ang ugali niya na pinalalakad.
+
+ Ang tanang kampon niya ay nan~gatutuwa
+sa dahilang sila'y mayayamang pawa
+ang salat na dati ay naging sagana
+at ang dating hamak ay naging dakila.
+
+ Laging gawa niya'y kapagka umaga
+ay hawak sa kamay yaong largavista
+at linilibot na ianatanaw niya
+ang loob nang Korte't magpahanggang villa.
+
+ Nang isang umaga'y nagkataon naman
+na nasa bintana siya't nanunun~gaw
+ay may isang taong hubad at may pasang
+bigkis, niyong kahoy na bilang kalakal.
+
+ Ang nasabing tao,y tinawag pagdaka
+at itinanong kung taga saan siya
+ang tugon ay taga labas niyong villa
+na tan~ging mahirap siya kay sa iba.
+
+ ¿Ikaw baga'y hindi nakatatalastas
+anang Hari nitong lahat kong palakad
+na tungkol ang ayos alila'y di dapat
+asalin nang tanang taga ritong lahat?
+
+ Sa balang sumuway na kahima't sino
+pilit tatanggapin parusang lagda ko
+sagot nang tinanong ay yaong utos mo
+ay hindi ko talos ang pagkatutoo.
+
+ Paano po ako'y may asawa't anak
+na hindi kakai't kami ay mahirap
+ay saang kukuha kung hindi maghanap
+nang ikabubuhay naming nararapat.
+
+ Matanto ang Hari ang ganoong sulit
+wika'y magtuloy kang dito ay pumanhik
+kahoy ay iwan mo't huwag nang umulit
+na gumawa nitong sa atas ko'y lihis.
+
+ Niyong mapanhik na'y pinaupo naman
+at ang mayordomo niya'y inutusan
+na magbalot siya nang isang balutan
+nang onzang ang haba'y higit isang dangkal.
+
+ At magbalot naman nang keso de plandes
+na sa ayos niyong onza ay iparis
+lihim na gawin mong huwag ipalirip
+at in~gatang huwag na may makamasid.
+
+ Kapag nayari na ay dalhan mo dito't
+huwag kang mabalam at hinihintay ko
+niyong mabalot na niyong mayordomo
+dinala sa Hari ang dalawang ito.
+
+ Sa Haring tanggapin ang tao'y tinawag
+dalawang balutang yao'y iginawad
+ito'y labis mo nang puhunaning dapat
+sa hanapbuhay mo't nang di naghihirap.
+
+ Ang kasipagan mo lamang ay dagdagan
+at ang iyong isip ay pakatalasan
+at magmula n~gayo'y huwag nang magpasan
+at tupdin ang aking mahigpit na bawal.
+
+ Matapos ang bilin ay napaalam na
+ang binigyan yamang taong taga villa
+sa kamay ay hawak balutang dalawa
+at doon sa hagda'y nanaog pagdaka.
+
+ Pagdating sa lupa'y kaniyang binuksan
+ang natuklas niya'y ang keso ang laman
+agad nang kinagat niya at tinikman
+ang lasa ay tunay na di maibigan.
+
+ Ang bigay na ito aniya ay aanhin
+asawa ko't anak ay dirin kakain
+anang Hari labis ko nang puhunani't
+kabuhayan namin ay dito kukunin.
+
+ Mahan~ga'y itapo't sagabal pa
+sa aking paguwi sa tahanang villa
+iniakmá nan~gang itatapon niya
+sa sundalong bantay na siya'y nakita.
+
+ Wika nang sundalo ang keso ay sayang
+ibigay sa akin kung ikaw ay ayaw
+taong taga villa'y ibinigay naman
+sampung niyong isang hindi binubuksan.
+
+ Nang maibigay na'y lumakad nagtuloy
+ang nasabing tao na bubulongbulong
+wika'y muli akong puputol nang kahoy
+na maipagbiling ipagpawing gutom.
+
+ At kahima't ako'y kaniyang hatulan
+nang dahil sa utos niya'y sumalangsang
+ay tututol ako't yaong ibinigay
+niya, ay pagkaing di ko maibigan.
+
+ Pagdating sa bahay ay itinanong na
+yaong pinagbilhan nang sintang asawa
+¿anong pagbibilhang itinugon niya
+kinuha nang Hari kahoy kong dinala?
+
+ Wika ay mahigpit na kaniyang bawal
+na huwag magayos alila sinoman
+na sa Korte niya ay nasasakupan
+at balang sumuway ay parurusahan.
+
+ Dalawang balutan ang bigay sa akin
+at wika'y labis nang doon ay magaling
+tanang sarisaring kabuhayan natin
+kaya't binalot pa na pinakagaling.
+
+ Niyong manaog na ako sa hagdanan
+nang nasa sa lupa na ay aking tinikman
+ang lasa'y maanta na nakasusuklam
+ikaw ma'y tunay mong di maiibigan.
+
+ Gayon man ay pilit akong maggagayak
+nang kahoy, at aking ititinda bukas
+kung tanun~gin ako'y ipatatalastas
+ang nasapit nang balutan niyang gawad.
+
+ Salita'y napatid at ipinatuloy
+yaong paghahanda nang dadalhing kahoy
+at nang maumaga'y tinupad ang layon
+na ang pagbibilha'y maipawing gutom.
+
+ Sa loob ng Korte nang dumating siya
+ay sa Hari namang agad na nakita
+kaya n~ga at siya'y tinawag pagdaka
+nang Hari't tinanong na gaya nang una.
+
+ Anang nasa villa'y ang nasa balutan
+na pagkaing iyong sa akin ay bigay
+pagdating sa lupa'y akin pong tinikman
+ang lasa'y tunay na di ko maibigan.
+
+ Kaya n~ga at niyong itatapong ko na'y
+hinin~gi nang bantay namang kapagdaka
+ibinigay ko nang lahat ang dalawa't
+di rin makakain naming magasawa.
+
+ Diyata't kapuwa ipinamigay mo
+anang Hari, yaong balutang bigay ko
+isa niyo'y onza't ang isa ay keso
+ay ibinigay mong lahat sa sundalo.
+
+ Ang kahalan~galan mo'y saan ihahangga
+at di pa binuksan sampu niyong isa
+di sana ang laman ay iyong nakita't
+di ipinamigay na karakaraka.
+
+ N~gayon ang sa iyo'y aking ibibigay
+biling kong mahigpit na iyong in~gatan
+at huwag na kitang makitang magpasan
+na pumasok dito magpakailan man.
+
+ Yaong mayordomo'y sa Haring tinawag
+at ipinakuha'y isang paang medias
+na yaong mahabang sa tuhod ay lampas
+punin nang salaping hanggang sa mabanat.
+
+ At sa pagkuha mo ang tao'y isama
+at ang ilalagay nang upang makita
+mayordomo nama'y sumunod pagdaka
+medias ay agad pinuno nang onza.
+
+ Sa Haring nagutos ay dinala naman
+anang Hari diyan sa tao ibigay
+niyong matanggap na ay pinagbilinang
+in~gatang mabuti't huwag pabayaan.
+
+ Matapos tanggapin ay napaalam na't
+nanaog sa hagdang tuwa'y sabihin pa
+lakad na matuling tumatakbo tila
+at nasang dumating sa sintang asawa.
+
+ N~guni't sa paglakad ay may sumusunod
+na may sawing isip sa kanyang likod
+at minamataan ang kanyang kilos
+upang ang adhikang lihis ay masunod.
+
+ Yaong sinusunda'y di namamalayang
+may tao doon sa kanyang likuran
+walang lin~gon likod sa dinadaanan
+at anaki walang bahala sa lagay.
+
+ Nang sa kabukiran siya ay malabas
+ay sinumpong niyong gawang pagbabawas
+sa bahay ay di na nakuhang umakyat
+at sa punong hagdan dala'y ilinapag.
+
+ Doon naisipang siya ay kumanlong
+sa isang malaking puno niyong kahoy
+at hindi akalang may nakanunuynoy
+nang salapi niyang daladalang yaon.
+
+ Kaya't niyong siya ay nakakanlong na
+taong sumusunod tumakbo pagdaka
+supot nang salaping iniwa'y kinuha
+n~guni't may-aring hindi nakikita.
+
+ Ang may-ari nama'y matapos magbawas
+ay tila anyo pang nagpapawing hirap
+dahil sa salaping pinasang mabigat
+bakit malayo rin naman ang linakad.
+
+ Saka niyong siya'y malipasang pagod
+ay binalikan na ang iniwang supot
+n~guni at wala at hindi natalos
+na kinuha niyong may masamang loob.
+
+ Nang makita niyang supot ay wala na
+ay agad tinawag ang sintang asawa
+at tinanong niya kundi kinukuha
+supot nang salapi na iniwan niya.
+
+ Doon sa hagdanan, pagka't hindi talos
+nang asawa, kaya ang mabiglang sagot
+di ko nakikita ang uwi mong supot
+sa pinagiwanan sampung nagkaayos.
+
+ Baka nahahaling lamang naman ikaw
+sa salaping iyong sinasabing taglay
+sagot nang maydala yao'y ibinigay
+sa akin, nang Haring makapanyarihan.
+
+ Sa asawang sagot ay bakit aniya
+sa puno nang hagdan ilinagay mo pa
+at hindi sa akin ibinigay mo na
+nang sa magnanakaw na hindi nakuha.
+
+ N~gayon ay ano pang iyong magagawa
+hirap nang makuha nang gayong nawala
+kung may mabalik ma'y bihirangbihira
+ang isa sa sampu'y turing lang dakila.
+
+ Ano'y nang madin~gig ang ganitong sagot
+nang asawa'y biglang hinin~ga'y nan~gapos
+dahil sa malabis na sukal nang loob
+kaya't sa batalan na lamang nasubsob.
+
+ Hinin~ga'y pumanaw na di na nagbalik
+sa di magkasiyang pighati sa dibdib
+dahil sa salaping iba ang nagkamit
+siyang naging daang hinin~ga'y napatid.
+
+ Ang isang tutoong dapat na pagtakhan
+ay nang nabuburol yaong abang bangkay
+ay may isang sulat na hawak sa kamay
+na hindi makuha nang asawang hirang.
+
+ Ipinamalita ang bagay na ito
+kaya't ang naglakbay ay maraming tao
+pawang nagsikuha ang bawa't dumalo
+ay walang binigyan na kahima't sino.
+
+ Sabihin pa bagang man~ga kaguluhan
+tanang tagaroong lahat ay dumalaw
+sampung Arzobispo doon ay naglakbay
+sulat ay kinuha'y di rin ibinigay.
+
+ Ang Hari na lamang ang tan~gi sa lahat
+na di kumukuha sa nasabing sulat
+ayon sa malaking adhika nang lahat
+na ang naalama'y pawang matalastas.
+
+ Yaong Arzobispo'y ang nasok sa budhi
+ipagsama naman ang mahal na Hari
+na siyang kukuha nang sulat na tan~gi
+na hawak nang bangkay na di mapagwari.
+
+ Kaya n~ga't ang Hari't sampung Arzobispo
+lumakad na abay ang man~ga konseho
+gayon din ang lahat nang man~ga soldado
+sa nasabing bangkay sila napatun~go.
+
+ Sa bahay nang sila ay mapaitaas
+kinuha nang Hari ang nasabing sulat
+na siyang sa kamay nang bangkay ay hawak
+binitiwang tambing namang agadagad.
+
+ Niyong makuha na ang nasabing liham
+binuksa't binasa nang Haring maran~gal
+nang matanto niya ang nan~galalaman
+nabuwal sa likmo siya't hinimatay.
+
+ Sumaklolong lahat ang man~ga konseho
+at gayon din naman yaong Arzobispo
+malaon din bago nakamalay-tao
+n~guni't di mapawi yaong panglulumo.
+
+ Binasa rin naman ang nasabing sulat
+niyong Arzobispo sa harap nang lahat
+kaya n~ga't natanto nang tanang kaharap
+ang man~ga salitang doo'y nasasaad.
+
+ Gayari ang man~ga wikang sinasaysay
+ikaw n~ga ay Haring makapangyarihan
+na dito sa lupa ay bantog sa yaman
+at pinipuntuho nang lahat mong kawal.
+
+ Tanang man~ga taong pinaghihirap ko'y
+pinipilit namang pinayayaman mo
+n~gayo'y kinuha kong buhay nitong tao
+ay muli mo naman na buhayin ito.
+
+ Kaya ang ginawa nang mahal na Hari
+ay sa Arzobispo ay isinangguni
+anang Arzobispo ikaw ay magwari
+pagka't sa matuwid ang gawa mo'y sawi.
+
+ Magmula na noo'y natanim sa loob
+nang mahal na Hari ang malaking takot
+yayamang kaniyang tunay na natalos
+na ang gawa niya ay laban sa Dios.
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Ito'y siyang saksing dapat na ilimbag
+sa ubod nang pusong di dapat maghan~gad
+niyong kayamanang di sariling hanap
+lalo na't sa gawang di mabuti buhat.
+
+ Ang man~ga may pilak na pinayayaman
+ang dukha at nagmamapuri sa lagay
+pinayamang yaon ay kung maging daang
+magpalalo'y siya ang may kasalanan.
+
+ Sapagka't mayroong mabuti kung dukha
+n~guni't kung yumama'y biglang nawawala
+ang di magkagayo'y bihirang bihira't
+kung minsa'y sanhi nang isinasama.
+
+ May taong mababang loob kung mahirap
+n~guni't kung yumaman ay nagmamataas
+walang lin~gong likod kung magsipan~gusap
+at napatatan~gay sa dahas nang pilak.
+
+ Nan~gararapat n~gang ating saklolohan
+ang nan~gasasalat na walang pagkunan
+n~guni't kung lalagay sa kapalaluan
+ay isang dakila namang kasalanan.
+
+ Anopa't marami ang dahil sa pilak
+sa Santong matuwid ay nan~galilinsad
+sa nasang yumaman nang ibang mahirap
+kaluluwa'y di na pansing mapahamak.
+
+ Kahi't kilala nang gawang nalilihis
+at nasasalansang sa utos nang lan~git
+ay ikinakanlong sa sariling isip
+ang kakamtang dusang walang kasingpait.
+
+ Huwag mong nasaing matamo ang pilak
+na mula sa ganang di karapatdapat
+at baka doong ka matulad kay Judas
+na nasa Infierno't walang hanggang hirap.
+
+
+
+BRINDO
+
+
+ At may isa namang dukhang magasawa
+na palaging salat yaong buhay nila
+at ang hanapbuhay ay di makasiya
+nang abang lalaki sa tuwituwi na.
+
+ Bakit ang tutoong nakapaghihirap
+lalaki'y natutong uminom nang alak
+kaya't palagi nang lasing na madalas
+na di magkawastong kumita nang pilak.
+
+ Kaya n~ga at yaong kapatid na lamang
+ang umaalalay sa ikabubuhay
+saka nan~ganak pa ang asawang hirang
+na nagpalugami sa karalitaan.
+
+ Nang may tatlong araw na nan~gan~ganak na
+ay dinalaw niyong kapatid na isa
+noo'y tunay siyang walang magagasta
+kaya't linimusan nang isang peseta.
+
+ Ang isang peseta ay nang maibigay
+ang abang lalaki pinakiusapan
+na siyang bumili nang ikabubuhay
+at lumakad na n~gang ang peseta'y taglay.
+
+ Nagkataon namang doon sa paglakad
+natapat sa isang tindahan nang alak
+may nagsisiinom kaya n~ga't tinawag
+pagka't dati niyang kainumang lahat.
+
+ Paglapit ay agad namang tinagayan
+nang makainom na'y nagusapusapan
+nang lumaonlao'y uminom na naman
+hanggang makaitlo bago tinigilan.
+
+ Nang di makalaban sa tapang nang alak
+sumuraysuray na't ulol ang katulad
+ang isang pesetang sa kamay ay hawak
+doon sa tindaha'y siyang ibinayad.
+
+ Lumakad na siya na hahapayhapay
+masulong maurong doon sa lansan~gan
+nang di makakaya ang lunong katawan
+nalugmok sa lupang tulad sa may damdam.
+
+ May dalawang oras ang bilang humigid
+yaong panglalata ay bago naalis
+nang humusayhusay yaong pagiisip
+saka nagunita yaong napagsapit.
+
+ Na walang kakanin ang asawa't anak
+pagka't ang pesetang dala'y ibinayad
+doon sa kanilang iniinom na alak
+kaya't naghinagpis na di hamakhamak.
+
+ Yaong asawa ko ay gutom nang gutom
+aniya, at ako'y hinihintay n~gayon
+n~guni't ang peseta'y ¿saan pa naroon
+nabayad sa alak na aming ininom?
+
+ Ang aking asawa'y ¿anong aasalin?
+bakit nan~ganak pa ay di kumakain
+kundan~gan ang aking gawang paglalasing
+sa nangyaring ito'y siyang naging dahil.
+
+ Wala naman akong sukat mautan~gan
+na maibibili nang ikabubuhay
+kung ako'y magbigti ay masama naman
+¿ay paanong aking gagawing paraan?
+
+ Habang lumalakad ay nagsasalita
+at mistulang ulol ang kahalimbawa
+napahihimutok tuwing magunita
+yaong napagsapit na kahiyahiya.
+
+ Sa di nagtitigil na linakadlakad
+ay dinating yaong baybayin nang dagat
+at doo'y kaniyang inabot nang malas
+yaong sarisaring bangkang nasasadsad.
+
+ Walang anoano'y ang nasok sa isip
+umupa nang isang bangka at sumilid
+at doon magaliw nang sukal nang dibdib
+na sa puso niya ay lumiligalig.
+
+ Ipinatuloy na ang sa lan~gong han~gad
+na siya'y nagbangka-bangkaan sa dagat
+na sa kalasin~ga'y ang naipan~gusap
+ay ang man~ga wikang di karapatdapat.
+
+ Kung sino aniyang makapagbibigay
+sa akin, nang yamang aking maibigan
+at kahi't n~gayon ma'y aming pagsulatan
+ang usap na aming pagkakasunduan.
+
+ Gayon ang laging isinisigaw niya
+habang namamangka't nagtutumayo pa
+walang anoano'y lumitaw pagdaka
+isang taong pan~git na walang kapara.
+
+ Naupo sa daong nang kaniyang bangka
+at ang sinabi niya'y inusisa
+tunay bang ibig mo na yumamang bigla
+na gaya nang iyong man~ga salita.
+
+ Oo anang lan~go't nasa ko'y n~gayon din
+kung iniibig mong ako'y payamanin
+anitong tumanong kung iyong susundin
+ang kahilin~gan ko yama'y tatamuhin.
+
+ Hustong isang taóng ay kung dumating na
+ikaw ay sa akin pilit na sasama
+n~guni't yayaman ka na walang pagsala
+at sa iyoy madla ang man~gagtataka.
+
+ At kung papayag ka'y iyong pifirmahan
+itong gagawin kong isang kasulatan
+tandang pagayon mo sa ating usapan
+na ikaw ay akin magpakailan man.
+
+ Inaayunan ko ang sagot nang lan~go
+gawin mo ang sulat at pifirma ako
+agad na ginawa naman nang Demonio
+na ang katuwaan ay di mamagkano.
+
+ Sulat nang mayari ay pinirmahan na
+saka iniabot ang isang pitaka
+isang pako't isang martilyo't ang wika'y
+ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa.
+
+ Ang pitakang ito'y ang iyong gagawin
+ilapat sa isang haligi ó dingding
+saka mo pakuan at iyong dukutin
+at madudukot mo ang yamang ibigin.
+
+ Sa dingding nang bangka'y ikinabit agad
+dinukot at wika'y onzang aking han~gad
+habang dumudukot ang ilinalabas
+ay onza, at bumabalong ang katulad.
+
+ Nang ang nadudukot na onza ay sampu
+ay yaong pagdukot niya'y inihinto
+at yaong pitaka niya'y itinago
+sampu nang martilyo't ang kasamang pako.
+
+ Agadagad nan~gang pumundo sa pampang
+at yaong may-ari nama'y inupahan
+bumili nang bigas na dalawang kaban
+at vaca at baboy ang biniling ulam.
+
+ Umupa nang man~ga isang magdadala
+at nang maglulutong kaniyang kasama
+na yao'y upahang buwanang talaga
+na sa bahay niya ay doon titirá.
+
+ N~guni at nang siya'y dumating sa bahay
+hapo na sa gutom ang asawang hirang
+anitong babae ay bakit nabalam
+diwa yata'y ikaw ay nakipagsugal.
+
+ Sagot nang lalaki ang iyong pesetas
+ay nabayad lamang na lahat sa alak
+ang kainumang ko ay niyong matapat
+ako sa tindaha'y kanilang tinawag.
+
+ Pinainom ako hanggang sa nalasing
+at sampung sila man ay nagsiinom din
+saka doon sila'y matulad sa akin
+peseta ko pala'y siyang uubusin.
+
+ Datapuwat n~gayo'y di masasalat na't
+ipagagawa ko'y malaking bahay pa
+sagot nang asawa'y saang ka kukuha
+diwa'y hanggang n~gayon ay nalalan~go ka.
+
+ Hindi ako lan~go't makikita mo rin
+kung makatapos nang tayo ay kumain
+kung hindi mangyari saka mo sabihin
+na ang salita ko ay salitang lasing.
+
+ Nan~gatigil sila't nagsikain naman
+nang di karaniwang masarap na ulam
+nang makakain na ay pinalatagan
+nang banig na suson ang kanilang bahay.
+
+ Ilinapat nan~ga doon sa haligi
+saka pinakuan na pinakabuti
+wika sa alila ikaw ay bumili
+nang dalawang kabang lalong malalaki.
+
+ Buong isang onza yaong ibinigay
+wika'y piliin mo ang lalong matibay
+at kung magkano ang kahalagahan
+bayaran mo't ikaw ay madali lamang.
+
+ Yaong inutusan pagdaka'y lumakad
+ang lasing ang akin namang ipahayag
+wika'y pawang onzang aking ilalabas
+at dinukot nan~ga na hindi naglikat.
+
+ Pagdukot ay onzang nakukuha naman
+at doon sa banig ay ilinalagay
+kaya sa pagdukot niyang walang humpay
+ang onza'y nabuntong halos di mabilang.
+
+ Anopa't malabis yaong pagtataka
+nang bagong pan~ganak na sintang asawa
+ang wika ay ako ang durukot muna
+nang siyang dumukot ay walang makuha.
+
+ Kaya ang asawa ang pinabayaang
+dumukot at siya ay nanood lamang
+gaya rin nang unang paglabas nang kamay
+onza ang sa banig ay inilalagay.
+
+ Nang dumating naman ang kabang dalawa
+ay ilinagay nang lahat yaong onza
+hanggang sa napuno ay di nagpahin~ga
+doon sa pitaka nang pagdukot niya.
+
+ Sila'y natulog na't nang kinabukasan
+maraming anluagi ang tinawag naman
+ang ipinagawa ay malaking bahay
+na sa bayang yao'y pinakamainam.
+
+ Tuloy nagpagawa nang sisidlang bató
+nang salapi't laki ay di gagaano
+at pinakatibay naman nang maestro
+na di mahahamak nang masamang tao.
+
+ Ginawang lalagyang yao'y nang mayari
+pitaka ay doon dinalang madali
+dinukot na gaya niyong dating gawi
+nitong lumilikha lamang nang salapi.
+
+ Walang sinisikap sa gabi at araw
+kundi ang dumukot nang salapi lamang
+kung kaya matigil ay kung napapagal
+at bago napuno'y may ilan ding buwan.
+
+ Pintong susonsuson ay isinira na
+may bilang limangpung susi't cerradura
+anopa't ang lahat ay nan~gagtataka
+sa bagong mayamang natan~gi sa iba.
+
+ Lahat nang magandang man~ga kasangkapan
+at gayon din naman ang man~ga sasakyan
+ay nasa kaniya at balang humiram
+sino ma'y di niya pinagkakaitan.
+
+ Ang may kailangan at ang nasasalat
+pagdaing ay agad niyang linilin~gap
+pawang bigay lamang at wala nang bayad
+pagka't siya'y lubhang sagana sa pilak.
+
+ N~guni't ang asawa ay di mapaghaka
+ang pitakang yaon kung saan nagmula
+kaya pinipilit na inuusisa
+sapagka't ang han~gad niya'y maunawa.
+
+ Hindi ipagtapat naman nang lalaki
+at ang kahihiyan ay nananatili
+hindi matiwasay sa araw at gabi
+ang kahihinatna'y naguguniguni.
+
+ Pagka't mahigit nang isang buwan lamang
+yaong taning nila na pinagusapan
+kaya n~ga't tutoong malaki ang lumbay
+na anhin mo'y yaong may malubhang damdam.
+
+ Sa babae namang kusang napapansin
+yaong kalumbayan nang asawang giliw
+kaya't inusisang pinalihim-lihim
+ang pitakang yaon kung saan nanggaling.
+
+ Mapiling pagtanong nang asawang kasi
+ang katutohanang lahat ay sinabi
+dahil sa peseta kung kaya nangyari
+ang kinahinatnan nang palad kong imbi.
+
+ Ayon sa hiya ko't naubos na lahat
+na aking nagugol ibayad sa alak
+ako'y walang kunan nang maibabayad
+kaya't sa Demonio ay nakipagusap.
+
+ Na ang aking kaluluwa at katawan
+ay naging kapalit ang pitakang iyan
+ang taning ay hustong isang taón lamang
+ako'y kukunin na na di maliliban.
+
+ At sa katunaya'y may kasulatan pa
+na ginawa't ako naman ay nagfirma
+kaya ang taning ay iisang buwan na
+at pilit na maghihiwalay kita.
+
+ Gayong pan~gun~gusap ano'y nang madin~gig
+nang asawang kasi pagdaka'y tuman~gis
+aniya ay ano't di mo na inisip
+ang daratning huling iyong masasapit.
+
+ Sa kayamanan n~ga'y magpapasasa ka
+sa huli ay hirap namang walang hangga
+sa yaman sa Mundo'y ipinalit mo na
+ang Dios na mulang tuwa at ginhawa.
+
+ Pagkapalibhasa ay may kabanalan
+ang babae agad namang nagkumpisal
+sa isa n~gang Pari na tutoong banal
+at isinangguni ang ganoong bagay.
+
+ Matanto nang Pari ang nangyaring yaon
+sandaling nagisip munang mahinahon
+siya'y nanalan~gin sa Dios na Poon
+nang matanto niya ang gagawing ukol.
+
+ Niyong matapos nang makapanalan~gin
+wika sa babae (aniya) ay n~gayon din
+sa iyong asawa ay iyong sabihing
+siya'y magkumpisal at aking hihintin.
+
+ Babae madaling umuwi sa bahay
+at sa asawa'y sinabi ang banay
+niyong matalastas ay sumama naman
+at noon din siya'y tambing nagkumpisal.
+
+ Sinabi ang yaring salitaan nila
+sampung kasulata't pagkapirma niya
+saka ang pitaka ay ipinakita
+gayon din ang pako at ang martilyo pa.
+
+ Ang hatol nang Pare ay magkukumpisal
+tuwing makalawa, at sa araw-araw
+ay magkukumunion huwag pasalahan
+ang pagdedevocion ay gayon din naman.
+
+ Tuloy sinootan nang larawang hayag
+nang puso ni Jesus at nang birheng liyag
+tanang katungkula'y ipinatalastas
+na huwag bayaang di ganaping lahat.
+
+ At yaong usapang araw kung dumating
+na sa Demonio nang siya'y kukunin
+huwag magpabayang di siya tawagin
+at ang buong kaya'y kanyang gagawin.
+
+ Madlang kabilina'y ginanap na pawa
+nitong sa Demonio'y humandog na kusa
+nang dumating yaong araw na tadhana
+Paring magtatanggol ay tinawag nan~ga.
+
+ Yaong Paring banal ay nang dumating na
+buong bahay nama'y benendita
+upang yaong tao ay huwag makuha
+nang Demonio't di makapasok siya.
+
+ Pulubing marami nagpatawag naman
+nang dumating doon ay pinagsabihan
+na halihaliling sila'y magdarasal
+tan~gi ang sa lupa kay sa nasa bahay.
+
+ Yaong Altar nama'y kusang iginayak
+na naroo'y tatlong larawang mag Anak
+na Jesus Maria y Josef ang tawag
+at saka ang pitong Arcangel na hayag.
+
+ Ano'y nang sumapit ang araw na taning
+Demoniong katipan nang tao'y dumating
+pagka't kailan~gang kanya nang kunin
+kaya't daladala ang may firmang papel.
+
+ Matanto nang Pari ay pinaluhod na
+ang taong kukunin niyong palamara
+saka sinubuan nang mahal na Hostia
+galit nang Demonio'y sabihin pa bagá.
+
+ Di ganiyan aniya ang ating usapan
+nang namamangka kang nasa karagatan
+kundi ang kita ay payamanin lamang
+at ikaw ay akin sa taning kong araw.
+
+ Pinayamang kita't ang iyong susundin
+ay layaw sa Mundo't sa katawang hiling
+di nating usapang lahat nang magaling
+na ukol sa Dios ang iyong gagawin.
+
+ Ang lilong Demonio'y hindi makalapit
+dahilan sa dasal na nauulinig
+kaya n~ga tutoong siya'y nagn~gan~galit
+sa ganoong ayos niyang namamasid.
+
+ Tinatawag niya't lumapit ang han~gad
+n~guni't yaong Pari ang siyang nan~gusap
+hayo't lumayo ka aniya sa Satanas
+at huwag paritong muli pang man~gahas.
+
+ N~guni't tumutol naman ang Demonio
+na ang wika'y siya ang kailan~gang ko
+tunay siyang aki't ang pagkatutoo'y
+may sulat at siya'y nakafirma dito.
+
+ Ang sagot nang Pari ay lumayas ka na
+Satanas at siya'y di mo makukuha
+kasulatang iyan ay walang halaga
+punitin mo't huwag ditong magbalik pa.
+
+ Wika nang Demonio'y ibigay sa akin
+ang pitakang iya't martilio'y gayon din
+at saka ang pako't aking pupunitin
+itong kasulatang kasunduan namin.
+
+ Inihagis nan~ga nang Pari ang wika
+hayo't umalis ka lilong magdaraya
+umalis nang galít na hindi kawasa't
+nagiwan nang bahó na walang kamukha.
+
+ Nang makaalis na yaong si Satanas
+doon sa iniwa'y ang sa Paring saad
+ang salaping iya'y gugulin mong lahat
+sa man~ga salanta at sa nasasalat.
+
+ Sa m~ga ulila at sa kailan~gan
+na nagsisigawa niyong kagalin~gan
+at ang paglalan~go'y iyong pagin~gatan
+nang di ka madaya nang Demoniong hunghang.
+
+ At sa katawan mo ay huwag alisin
+ang larawang puso nang nakop sa atin
+saka ang larawan niyong Inang Virge't
+ang pagdedevocio'y huwag lilimutin.
+
+ Tanang man~ga bilin ay pawang tinupad
+nang nasabing Pari kaya't napanatag
+nagbuhay Angel na at walang hinarap
+kundi ang maglingkod sa Dios na wagas.
+
+ Kaya't nang dumating ang tadhanang guhit
+ang bayang payapa'y kinamtang tahimik
+bagaman nalígaw sa daang matuwid
+ay natutuhan ding muling nanumbalik.
+
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Gayon din ang tunay na nakakapara
+nang nan~gahuhulog sa pagkakasala
+na nagsisuyo sila't pumifirma
+sa libro nang taksil na ating kabaka.
+
+ Ang firma ay kaya naaalis lamang
+at nan~gasisira yaong kasulatan
+kung ihin~ging tawad at ipagkumpisal
+ang sala't magsisi't tuloy pagtikahan.
+
+ Sapagkat ang Paring kay Kristong alagad
+sa tali nang sala'y silang kumakalag
+at kapag binigyan nila nang patawad
+umasang kay Kristo tayong tinatanggap.
+
+ Pagka't ang sinomang nasa salang mortal
+ang pinto nang lan~git nama'y nasasarhan
+n~guni't kundi iwan yaong kasalanan
+hirap sa Infierno'y siyang nalalaan.
+
+
+
+BRILLO
+
+
+ May isang sasakyang minsa'y naglalayag
+sa baybayin niyong malalim na dagat
+kapitá'y tutoong malaki ang sindak
+doon sa nasapit nilang pagkabagbag.
+
+ Demonio'y makita ang ganoong ayos
+sa kaniyang puno'y nuhang pahintulot
+at ang tutuksuhin nang taksil na loob
+ay yaong kapitáng doo'y naguutos.
+
+ Nang mabigyang tulot nama'y yumao na
+manunuksong ayos marinero siya
+at yaong sasakya'y tinun~go pagdaka't
+sa man~ga utusan siya'y nakisama.
+
+ At sa paguutos na kasalukuyan
+sa lahat nang man~ga naruroong utusan
+nang upang maligtas sa kapan~ganiban
+ang malulubog na kanilang sasakyan.
+
+ Marinero n~gang Demonio'y paglapit
+kapitán aniya'y ano po ang ibig
+sagot ay itali sa kahoy ang lubid
+nang tayo ay huwag malayo sa gilid.
+
+ Lubid ay kinuha't ang pinatun~guhan
+ay lugar na walang sukat pagtalian
+saka wiwikain doon sa kapitán
+dito'y walang kahoy na mapaggapusan.
+
+ Kung gawing kaliwa ang siyang sabihin
+ay sa dapat kanan ay doon dadalhin
+at pinagagalit na tikis ang dahil
+ang kapitá'y upang magkasalang tambing.
+
+ Ang ginagawa n~gang man~ga panunukso
+kapitá'y nayamot na di mamagkano
+kung walang taliang kahoy man ó bató
+itali kahi't sa sun~gay nang Demonio.
+
+ Gayong pan~gun~gusap ay niyong madin~gig
+niyong marinero'y iniwan ang lubid
+nagtaglay nang takot at ang sumaisip
+siya'y nakilala kung kaya nagalit.
+
+ Kung kaya sinabi na sa aking sun~gay
+itali't ako pa ang pahihirapan
+agad nang umalis at humarap naman
+doon kay Satanás yaong tampalasan.
+
+ ¿Wika ni Satanás ay anong lakad mo
+tugo'y nakilalang ako'y manunukso
+winika'y itali kahi't sa sun~gay ko
+kung walang taliang kahoy man ó bató.
+
+ Ang tinukso mo'y taong may Devocion
+na di madaraig at may magtatanggol
+yaon ang sa Mundo'y di napauulol
+at tunay na lingkod niyong Pan~ginoon.
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Dito'y dapat nating huluin sa loob
+na kapag ang tao ay lingkod nang Dios
+kahi't si Satanás ay nan~gin~gilabot
+at di madaraya nang sa Mundong adyok.
+
+ At nakikilalang yaong nanunukso'y
+isa sa kampon nang taga Infierno
+kaya nararapat na pakupkop tayo
+sa Dios at Inang Virgeng masaklolo.
+
+ Huwag pabayaan ang tayo ay magahis
+nang kaaway nating sadyang malulupit
+na walang adhika kundi ang magahis
+tayo't makasama nilang magkasakit.
+
+ Sapagka't kanilang kinaiinggitan
+ang tanang biyaya nang Dios na mahal
+na pinatatawad kung magkasala man
+ang nan~gagsisisi't sala'y ikumpisal.
+
+ Demonio'y minsan lamang na nagsukab
+sila'y ibinulid sa balon nang hirap
+at hindi nangyaring sila'y pinatawad
+at parusang walang hangga ang nalan~gap.
+
+
+
+BRINDO
+
+
+ At mayroon namang isang magasawa
+na ang anak nila ay lalaking isa
+at sa kabuhaya'y may lubos na kaya
+na hindi rin naman sukat kulan~gin pa.
+
+ Dapuwa't sa anak ay labis magmahal
+at tutoong sunod na sunod ang layaw
+na kahi't anomang gawing kasalanan
+hindi pinapalo kahi't pilantik man.
+
+ Kaya n~ga't lumaki ang kanilang anak
+na pagalagala't hindi naghahanap
+nang ikabubuhay na tungkuling dapat
+nang tao, kaya n~ga't kaiba sa lahat.
+
+ At sa kayamana'y labis na gumugol
+na ináaksayá sa pagayon-gayon
+niyong makaraan ang ilang panahon
+namatay ang Ina na nagkandongkandong.
+
+ Kaya ang natira'y ang Ama na lamang
+na siyang sa anak ay nagpapalayaw
+paglibot ang gawa sa gabi at araw
+palad nang matigil sa kanyang bahay.
+
+ Isang araw naman na pagkaumaga
+na pagkakain ay naglibot na siya
+dinatnan nang lagnat naman yaong Ama
+ang sakit nang ulo'y halos di mabata.
+
+ Di makuhang siya ay magluto naman
+nang pagkai't ayon sa matinding damdam
+sapagka't ang lagnat ay lubhang masásál
+saka masakit pa ang kasukasuan.
+
+ Nang dumating yaong naglibót na anak
+ay gutom sapagka't lampas na sa oras
+pagdating sa bahay ay agad nagbukas
+niyong paminggala't kakanin ang hanap.
+
+ Anopa at walang nakitang pagkain
+sapagka't ang Ama'y di makapagsaing
+pumasok na galit ay walang kahambing
+ang wika sa Ama'y bakit walang kanin.
+
+ Malubay na tugon niyong amang ibig
+di makapagsaing ako at maysakit
+hindi makaban~gon pagka't nan~gin~ginig
+yaring katawan ko sa lagnat na labis.
+
+ Sa anak na tugo'y magluluto lamang
+ang sakit na yaon ay dinadahilan
+ako ay gutom na ay walang daratnan
+nang pagkaing akin na inaasahan.
+
+ Di magsaing ka na ang sa Amang wika
+at tunay na ako'y di makagagawa
+at ang katawan ko ay malatang-malata't
+ulo ko'y masakit na hindi kawasa.
+
+ Magsasaing ako sa anak na sagot
+kita mo po't ako ay pagod na pagod
+lalo kung ganitong ako'y nayayamot
+maihahampas ko lamang ang palayok.
+
+ Kung hindi ka taong walang kahihiyan
+anang Ama't talos mo na ako'y may damdam
+may kakanin ka na't iluluto lamang
+ay di mo magawa't akong uutusan.
+
+ Madin~gig nang anak galit ay sabihin
+aniya'y ako pa palang hihiliin
+kahi't matuluyang ako'y di kumain
+ay ako ay hindi makapagsasaing.
+
+ Nagalit ang Ama't wika'y lapastan~gan
+at munti ma'y wala ka nang kahihiyan
+gala ka nang gala sa maghapong araw
+at di mailuto ang kakanin lamang.
+
+ Gayong pan~gun~gusap ano'y n~g madin~gig
+ang minamahal na anak ay nagalit
+at walang pitagang sa Ama'y lumapit
+yaong tampalasang alibughang isip.
+
+ Saka yaong Ama ay sinabunutan
+at hinila hanggang malapit sa hagdan
+ang kaawaawang Ama'y sumisigaw
+pagka't masasakit ang buong katawan.
+
+ Doon iniwan lamang yaong Ama
+at tuloy nanaog at umalis siya
+pagka palibhasa ay maraming kuwarta
+nang may isang linggo nama'y umuwi na.
+
+ Kaya n~ga at noong dumating sa bahay
+ay bangkay na lamang ang Amang dinatnan
+at dalawang araw nan~gang namamatay
+sa gutom na labis na di ano lamang.
+
+ Ano ang gagawin sapagka't patay na
+ay ipinalibing ang bangkay nang Ama
+sa apat katao siya ay umupa't
+nang oras ding yao'y ilinibing nila.
+
+ Nang mailibing na ang sa Amang bangkay
+siya'y nagiisang natira na lamang
+nagkaasawa ri't kapalibhasaan
+ay may kamunti pang natitirang yaman.
+
+ Isang lalaki rin yaong naging anak
+kawan~gis n~g Amang anhin mo'y pinilas
+at nang lumaki na'y tunay na kahuwad
+nang Ama, ang gawa at ugalig lahat.
+
+ At tunay n~gang lubos na pinakalakhan
+ang gumagala sa gabí at araw
+at kung oras siya na kakain lamang
+kaya umuuwi sa kanilang bahay.
+
+ Niyong lumaki na'y namatay ang Ina
+kaya't ang natira'y ay silang mag-ama
+haggang sa naging bagong-tao siya
+ang dating ugali ay di rin nagiba.
+
+ Isang araw yaong Ama ay dinatnan
+nang matinding lagnat na may kalubhaan
+masakit na lahat ang buong katawan
+at di makaban~gon doon sa hihigan.
+
+ Kaya sa hindi makayanang bathin
+yaong karamdama'y hahalihalinghing
+walang anoano nama'y sa darating
+ang anak sapagka't oras nang pagkain.
+
+ Pagpanhik sa bahay ay tinun~go niya
+yaong paminggala't kakaing talaga
+palayok nang buksan ay walang nakita
+kamunti nang sukat na makain baga.
+
+ Agad pinasok niya't kusang itinanong
+ang lutong pagkain kung saan naroon
+Ama ay bahagya na lamang tumugon
+aniya'y di ako makakilos n~gayon.
+
+ Sa anak na wika'y ang kamunting damdam
+ay minamalaki mona pong dahilan
+diwa ay talaga na lamang aayaw
+na ako'y pakanin at nanghihinayang.
+
+ Baga man ang Ama ay datay sa sakít
+ay napilitan ding dinayo nang galit
+dan~gan ang tao kang walang munting bait
+na nagsasalita'y hindi iniisip.
+
+ Nakikita mona na may damdam ako
+ang pagsasaing ko kaya ay paano
+nariyan ang bigas ay di iluto mo
+at huwag magsabi nang kung anoano.
+
+ Sa salitang yaong anak ay nayamot
+pagdaka'y tinangnan ang Ama sa buhok
+at kinaladkad na nang katakot-takot
+na hanggang sa lupa ay ipinanaog.
+
+ Niyong hinihilang malapit sa hagdan
+ang sigaw nang Ama ay dito na lamang
+sapagka't dito ko lamang inihanggan
+ang nuno mo niyong aking sabunutan.
+
+ Hindi rin nakinig ang kuhilang anak
+at doon sa hagda'y kinalakadladkad
+kaya't sa baytang ay nagkahampashampas
+nasisigaw tuloy sa malaking hirap.
+
+ At nasa lupa na'y kinakaladkad din
+ang hunghang na Ama nang anak na taksil
+at iniwan na n~gang hahalihalinghing
+at doon na lamang buhay ay nakitil.
+
+ Kaya n~ga't ang anak ay nang umuwi na
+dinatnan sa lupa ang bangkay nang Ama
+madlang nanunuod niyong datnan niya
+na hindi maisip yaong pagtataka.
+
+ Pagkamangha nila'y paganhing saysayin
+bangkay ay ginanap yaong paglilibing
+anak na naiwan ay di rin nagmaliw
+ang ugaling hayop ang siyang kahambing.
+
+ Yaong natitirang ari't kayamanan
+na minana doon sa Amang namatay
+ay naipagbili sampung pamamahay
+at naubos naman sa pagayon lamang.
+
+ Saka nang wala nang tunay na makain
+ang man~ga damit pa'y naipagbili rin
+nang walang pagkuha'y dito na umatim
+nang gutom na hindi makayang tiisin.
+
+ Ang ginalagala'y di rin nagtatahan
+at natun~go tuloy sa labas nang bayan
+at doon inabot niyong karamdaman
+nahiga sa lupa't di makagulapay.
+
+ Sapagkahiga ay walang anoano
+doo'y napalibot ang maraming aso
+linapita't asa'y patay nang tutoo
+kinagat na pinaghalihanan dito.
+
+ Katawa'y malata't mahinangmahina
+at hindi na halos makapagsalita
+kaya't ang pagbugaw niyang ginagawa'y
+di pansin nang asong nan~gagkakatuwa.
+
+ May limang dipá rin ang napaghilahan
+niyong man~ga asong nagkakaguluhan
+at bago pa nila nakilalang buháy
+ay nang mahalata nang ginalawgalaw.
+
+ Bagaman iniwan nang man~ga pagkagat
+ang dalawang paa'y tadtad na nang sugat
+lalo pang magulol ang matinding hirap
+at doon ang buhay na lamang nautas.
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Ito'y siyang tubo nang man~ga magulang
+na sa man~ga anak ay mapagpalayaw
+kahi't gumawa man niyong kasalanan
+ay di binibigyan nang kaparusahan.
+
+ Kapag namihasa sa ganoong gawa
+ay ulol at ulol ang nagiging samâ
+at sila ang bilang na nagpapalala
+nang ugaling lihis mulang pagkabata.
+
+ At kung tumanda na't saka susupilin
+ang asal na gayong karimarimarim
+wala nang panahon at kung pipilitin
+abang nagpalayaw ang patatan~gisin.
+
+
+
+
+BRILLO
+
+
+ May isang mag Inang sanggol n~g maiwan
+ang lalaking anak nang Amang namatay
+kaya n~ga't malabis yaong pagmamahal
+nang Inang may iwi sa anak na hiran.
+
+ Nang katabilan pa ang lagay nang bata
+na di mawatasan halos magsalita
+kapag inaglahi nang kahi't matanda
+ang itinuturo'y mahalay na wika.
+
+ Hanggang sa lumaki ay nakagawian
+pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay
+at kahi't sa harap niyong kamahalan
+ang ibinubuga'y kasalaulaan.
+
+ Di na alumana ang bagay na yaon
+na katulad niyong masidhing ulupong
+Ina'y isang araw nama'y nagkataon
+na may panauhing nan~gagkakatipon.
+
+ Anak ay dumating na galing sa sugal
+at sa pagkatalo siya'y nagkautang
+pagharap sa Ina ang wika ay bigyan
+siya, nang salapi't may pagbabayaran.
+
+ Ina ay tumanggi't walang ikakaya
+doon sa salaping hinihin~gi niya
+kamandag na in~gat nan~ga'y ibinuga
+niyong tinuruang anak na vivora.
+
+ Pinaglasayan na n~g wikang mahalay
+ang Ina, nang anak na walang pitagan
+Ina ay nagtaglay niyong kahihiyan
+sa nan~garuroong panauhing tanan.
+
+ Kaya't ang mahalay na sabi nang anak
+sa bibig nang Ina'y siya ring binigkas
+anak ay nagtindig na likmua'y hawak
+at doon sa Ina'y siyang ihahampas.
+
+ Tanang panauhin ay dumalo naman
+dahilan sa Ina na nagsisisigaw
+at lubhang malakas ang pananambitan
+nang nagturong Ina niyong kataksilan.
+
+ Kaguluhan nila'y kahi't naapula
+kapintasan nama'y sumabog sa madla
+anopa't ang lahat nang makaunawa'y
+Inang sinisising uliran nang sama.
+
+ Sila na ang lubos na naging hantun~gan
+nang lahat nang taksil na magmamagulang
+kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan
+ay di kabutihan kundi sa kasaman.
+
+ Yaong kapalaran kung sila'y dalawin
+ay di mamalagi at umaalis din
+parang sinasabik sa sandaling aliw
+at kung magdalita nama'y sapinsapin.
+
+ Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo
+sa maginang yao'y walang nabibigo
+ginagawa nilang aliwan nang puso
+yaong walang awang hirap kung bumugso.
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Kayong Ama't Ina na palatun~gayaw
+at mapagsalita nang wikang mahalay
+kayo ang sa anak ninyo'y umaaral
+nang lahat nang man~ga likong kaasalan.
+
+ At ang nagtuturo sa man~ga inanak
+nang bagay na man~ga di karapatdapat
+kayo rin sa huli naman ang lalan~gap
+nang bun~gang mapait sa binhing masaklap.
+
+ Tuwa mo'y kung ano nang bata pang munti
+sa pagtuturo mo nang salitang sawi
+kung lumaki nama't magkaroong sanhi
+ang tubo mo'y luha't pagdadalamhati.
+
+ Sapagka't kung ano ang punlang pananim
+ay siya rin namang bun~gang aanihin
+balang isang puno ay iyong timban~gin
+kung ilang ibayong papakinaban~gin.
+
+ Kaya karampatang in~gatan ang bata
+sa ano mang bagay na makasasama
+dito pa't sa isang buhay man ay huag
+ang ban~gis nang dusang pilit ilalagda.
+
+
+
+BRINDO
+
+
+ May katuwatuwang duling na dalawa
+na nagkasalubong sa paglakad nila
+binati n~g isa na tatawatawa
+nanan~gis kunuwang sumagot ang isa.
+
+ Wika nang isa ay anong buhay mo't
+ang lakad mo'y tila malayong tutoo
+tugo'y mahalaga ang lakad kong ito
+at ako'y nanggaling sa isang mediko.
+
+ Napasa mediko at ano ang dahil
+tugon ay ang sanhi ay sa mata natin
+at hinihiling kong ang ating paningin
+ay mangyari lamang kanilang baguhin.
+
+ ¿Ay ano ang naging panagot sa iyo?
+tugon ay wala nang daan pang mabago
+kanunuan natin ang may sala nito't
+naganyak nanuod doon sa Calvario.
+
+ Sa Poong kay Jesus nang nababayubay
+sa Cruz, at dahil sa sala nang tanan
+niyong malagot na ang hinin~gang tan~gan
+sa nin~gas nang kidlat sila'y nan~gasilaw.
+
+ Hindi magkawasto ang man~ga panin~gin
+at sa katakutang walang makahambing
+nan~gagtatakbuhang mata'y pasuliling
+at di matutuhan yaong tutun~guhin.
+
+ Katunaya'y noong si Kristo'y buhay pa
+ay wala nang gaya nitong ating mata
+si Kristong gagamot sapagka't patay na
+sa paggaling tayo'y wala nang pagasa.
+
+ Ito ang siya kong ikinalulumbay
+kailan ma't aking magunamgunam
+lagay natin n~gayo'y parang tinandaan
+niyong lihis nilang kagagawan.
+
+ Kundan~gan ang sila ay pakialami't
+walang kaguluhang di nakikipiling
+at nakikigaya pa sila marahil
+sa taksil na budhing man~ga mainggitin.
+
+ Naging pakinabang sa ganoong gawa
+ang tin~ging mabuti nila ay napasamâ
+sampung tayo n~gayo'y pinapalibhasa
+nang walang pitagang matabil na dila.
+
+ Dulo'y kundi tayo makapagpipigil
+laging basagulong makikita natin
+kaya wala tayong dapat na sisihin
+kundi silang naging sanhi nang hilahil.
+
+ Sila'y naglakad na't ang kalang makita
+ay linalapita't nananan~gis sila
+dahilan sa matang wala n~g pagasa
+na magkapanahong sila'y gumaling pa.
+
+ Balang makaalam nang kanilang sumbong
+man~ga katuwaan ay walang kaukol
+ang ganoong gawa nila ay patuloy
+hanggang sa kanilang bahay ay humantong.
+
+
+
+ELECTO
+
+
+ Matuwid ang gayong palagay n~g duling
+kung tunay na ating didilidilihin
+tanang may ugaling mapakialamin
+madalas maramay sa man~ga hilahil.
+
+ At sa nangyaring man~ga kaguluhan
+sila'y nalalahok kahi't di kaalam
+ang di umaalis sa loob nang bahay
+sa sandaa'y isa kung magkagayon man.
+
+ Yaong man~ga taong gawa'y man~gutiya't
+walang kilos na di pamamalibhasa
+anopa't ang gayong pamamalibhasa
+siyang nagkakamit nang labis nang pula.
+
+ Kaya kapatid kong man~ga ginigiliw
+gayong kagagawang lihis ay alisin
+at doon ay walang papakinaban~gin
+kundi yaong dusa't pulang sapinsapin.
+
+ Kinakailan~gan nating pagaralan
+ang turo ni Kristong kapakumbabaan
+sundin ang kaniyang man~ga bili't aral
+nang tayo'y masama sa payapang bayan.
+
+
+
+=KATAPUSAN=
+
+
+[Patalastas: Imprenta Libreria y Papeleria de P. Sayo]
+
+
+
+
+
+
+
+
+
+
+End of Project Gutenberg's Panayam ng Tatlong Binata, Ikalawang Hati,
+by Cleto R. Ignacio
+
+*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14271 ***