diff options
Diffstat (limited to '14270-0.txt')
| -rw-r--r-- | 14270-0.txt | 1330 |
1 files changed, 1330 insertions, 0 deletions
diff --git a/14270-0.txt b/14270-0.txt new file mode 100644 index 0000000..ad838c9 --- /dev/null +++ b/14270-0.txt @@ -0,0 +1,1330 @@ +*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14270 *** + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + + +=PANAYAM NG TATLONG BINATA TINULA NI + +_Cleto R. Ignacio_ + +CONCEPCION, MALABON, RIZAL=. + +BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO + +MAYNILA + +TEL. 3099. + +UNANG PAGKAPALIMBAG 1921 + +_Rosario 225 Binundok_. + + + +TINIG KASALUKUYAN + +O + +=KUWENTO= + +NG + +=Tatlong Binatang= + +SI + +=Brillo, Electo at ni Brindo= + + + + +UNANG HATI + +=PAUNAWA= + + + + _Bagaman di ninyo gawi ang maglibang +sa gawa nang isang walang wastong malay +na gaya ko nangang hindi nasilayan +ni munting banaag niyong karunungan_. + + _Paanhin mo'y laking tuwa na nang dibdib +na handugan kita nang pamawing hapis +utang kong dakila kundi ipagkait +ang iyong hinahong manga paglilirip_. + + _Labis ang saganang pasasalamat ko +kundi ka mayamot at pagtamanan mo +na basahin yaring alay ko sa inyo +ulirang usapan nang binatang tatlo_. + + _At mapagkukunan mo rin nang uliran +kung hindi ka lubhang may pagkapihikan +at di lahi niyong mahilig sa bagay +na likuin kahi't matuwid na daan_. + + _Sabi ko'y tigila't ang pantas mong lining +ang may kaya'y sukat pakatalastasin +ang sirang talata'y gawin ang ibigi't +ang tula'y huwag mo lamang na baguhin_. + + + + + +=BRILLO= + + + May isang binatang mahirap ang buhay +na nasok sa Hari nang paninilbihan +ayon sa kaniyang kabaitang sakdal +sa Hari't sa Reynang kinagigiliwan. + + Lubos ang kanilang pagkakatiwala +at di nasubukan nang lihis na gawa +kaya't ilinagay nilang magalaga +niyong sa Princesang halamang sagana. + + Nakalugdan naman bunying Princesa +yaong kabaita't kasipagan niya +at sampo pa niyong man~ga piling Dama +pagka't ayos mahal kahi't taong mura. + + Bakit may taglay ring munting kagandahan +ang kiyas at tindig ay timbang na timbang +mabuting man~gusap kaya't kaulayaw +na lagi nang Dama't nang Princesang mahal. + + N~gala'y si Honrado nang abang binata +ulila sa Ama't kapatid ma'y wala +kaya ang kaniyang kaupahang madla +ang sumusahod ay Inang nagaruga. + + Siya ay maagang nagpapahin~galay +at kung hatinggabi nagdidilig naman +pagka't nagsisimba kung madaling araw +at ito'y siya nang pinagkaratihan. + + Pagdating sa hardin siya'y mamimitas +niyong sarisaring maban~gong bulaklak +saka sa Princesa ay dadalhing agad +doon ginagawa ang balang iatas. + + Kung nagaayos nang bulaklak ay siya +ay hinihilin~gan nang Princesa't Dama +na magsalita nang buhaybuhay baga +na ikaaaliw niyong lungkot nila. + + Madalas din niyang magina kasagutan +sa Princesa't Dama kung hinihilin~gan +na baka ang aking hindi karunun~gang +magaalita'y inyo namang pagsawaan. + + Tugon n~g Princesa'y kung gayong dahil +wika ko sa iyong huwag kang manimdim +parang kita mo na yaring loob namin +na kasing isa nang kalooban mo rin. + + Kinakatha niyang isinasalaysay +ay ang isang abâ at isang may dan~gal +na kahi't sing isa yaong katauhan +ay sahol ang uri nang hamak sa mahal. + + Kaya ang pagsinta n~g may uring hamak +gaano mang laki ay di maisaad +kawan~gis nang isang maban~gong bulaklak +na sa sarile nang tangkay nalalagas. + + Anopa't sa tuwing siya'y hihilin~gan +na magsalita nang man~ga buhaybuhay +nagpapahalata niyong kalagayan +nang lihim na sinta niyang inin~gatan. + + Sa gayong palaging man~ga bigkas niya +napapansin naman nang bunying Princesa +kaya n~ga at pilit na tinanong siya +na kung sino yaong dukhang sinisinta. + + Hiling mo pong ito'y kung ipatanto ko +ay kamatayang ko't sukal nang loob mo +titiisin ko na karatnan ma'y ano't +huwag nang maturang taksil pa sa iyo. + + Anitong Princesa'y kung sa ganang akin +ang nais mong sinta'y di ko hahabagin +n~guni at paano ang aking gagawin +ay kamatayan mo kung kita'y giliwin. + + Pagka't di papayag ang Hari kong Ama +na sa dugong hamak ako'y magasawa +at di sasalang ipapapatay niya't +laking kadustaan sa cetro't korona. + + Kaya kung ang iyong pagsinta ay tunay +at ibig mong ako'y maging kapalaran +ay pagpilitan mong humanap nang dan~gal +nang ang pagsinta mo ay hindi masayang. + + Sa dahilang kapag dugo nang mataas +ikaw, sa kay Ama'y kusang mararapat +at siya'y wala na namang ipipintas +sampung tanang man~ga konseherong lahat. + + Dama'y nan~ga dingig ang sinabing ito +silang lahat nama'y pawang nan~gagpayo +anila'y humanap nang karangalan mo +na maglakbay kahit sa ibang Reyno. + + Yaong si Honrado'y sa laking paggiliw +ang payo nang Dama'y kusang minagaling +at pinasiya nang lubos sa panimdim +na man~gibang lahi't dan~gal ay hanapin. + + Lalo ang Princesang mahigpit ang atas +na huwag bayaang araw ay lumipas +sa laking hinayang sa pusong matapat +niyong si Honradong loob na banayad. + + Wika nang Princesa'y ang taning kong bigay +sa iyo ay hustong limang taon lamang +sa parurunan mo ay huwag mabalam +nang hindi mainip akong maghihintay. + + Oras na daraa'y panghinayan~gan mo +ayon sa malaking awa ko sa iyo +pahalagahan mo ang bilin kong ito't +laging gunitaing naghihintay ako. + + Yayamang kung gayon kay Honradong saad +na ang pagirog ko'y iyong minatapat +ay magpupumilit na ako'y hahanap +niyong karan~galan buhay ma'y mautas. + + Loobin na wari nang Dios na Poon +at Virgen Mariang dating mapagampon +sa madlang sakuna ako'y ipagtanggol +at ang aking nasa'y kamtan ding hinahon. + + Kaya n~ga sa lahat ako ay paalam +at pipiliting kong kumita pang dan~gal +at itulot nawa niyong kalan~gitan +na magkikita rin tayong mahinusay. + + Siya'y lumakad na't sa Ina'y humarap +at ipinamalay ang sa pusong han~gad +bagaman sa dibdib nang Ina'y masaklap +ay napaayon din sa pita nang Anak. + + Lumuhod na siya't humalik nang kamay +Ina'y lumuluha na binendisyonan +maganap ang lahat niyang kailan~gan +yamao't sa harap nang torre nagdaan. + + Kasalukuyan n~gang ang Princesa't Dama'y +na sa durun~gawa't hinihintay siya +ang lagak na wika'y paalam aniya +at magkapalad ding tayo ay magkita. + + Ang Princesa't Dama'y dinayo nang lunos +sa pagalis niyong may magandang loob +n~guni't kailan~gan naman nang pagirog +yaong karan~galan ikapapanulos. + + Tuloy ang kanyang mabilis na lakad +niyong paglalakbay sa tun~go nang han~gad +doon sa sasakyan siya'y nakiusap +na maging utusan, kahit walang bayad. + + Pinaayunan din yaong hiling niya +kaya n~ga't sa daong lumulan nagdaka +linisan ang kaniyang bayang Castilla +at tinun~go niya yaong Inglaterra. + + Di lubhang nalaon ay dumating naman +sila, at sumadsad sa dalampasigan +nagkataong noong siya ay dumatal +ay may embajadang sa guerra ang pakay. + + Kasalukuyan nang tinitipong lahat +ang man~ga sundalong sa digma'y lalabas +sa puno nang hukbo siya ay humarap +hin~gi ay masama kung magiging dapat. + + Tinanggap at siya'y tinuruan tuloy +sa pagsusundalo kung may kayang ukol +at nang makilalang may ganap na dunong +binigyang tunkuling sa kanya'y ayon. + + Kaya't kasama na hukko'y nang lumakad +sa man~ga Persiano ay nakipaglamas +ang General nila'y kinapos nang palad +sa pakikibaka buhay ay nautas. + + Nang matanto niyang patay ang General +umuna sa hanay siya at sumigaw +nang wikang iubos ang lakas at tapang +at ating lusubing lahat ang kaaway. + + Saka sinibasib nang katakottakot +hukbo nang Persiano'y nagkasabogsabog +babakang General nila ay nakubkob +nabihag sapagka't di nakapaglagos. + + Ang di nakatakbong kawal na kalaban +ay nakasama nang bihag na General +nang magbalik na sila sa kaharian +ay hindi masayod yaong kasayahan. + + Tuloy inusisang General nang hukbo +pagdaka anila'y napatay sa kampo +siyang nagpauna yaong si Honrado +at aming inusig ang man~ga Persiano. + + Sa mabuti niyang ginawang paraan +man~ga loob naming lahat ay tumapang +kaya n~ga't ang hindi sumukong kalaban +nalagak sa kampo ang kanilang bangkay. + + Yaong kay Honradong katapan~ga't liksi +dinaig ang gayong kalabang marami +sa balitang Paris ay di mahuhuli +yaong karahasang di sukat masabi. + + Emperador naman tuwa'y sabihin pa +kaya't si Honrado'y tinawag pagdaka +binigyan nang tusóng karan~galan baga +na isa sa m~ga Generales niya. + + Ipinakilala sa madla rin naman +ang bagong General na ganap ang tapang +magmula na noo'y pinagkatakutan +yaong Inglaterra nang man~ga kaaway. + + Totoong namahal yaong si Honrado +doon sa Monarka't man~ga konsehero +gayon din sa lahat nang man~ga soldado +pagka't may dan~gal na'y mababa ring tao. + + Ang dalawang taon ay nang makaraan +ang Francia'y kanya na nabalitaan +na sa man~ga turko,y makikipaglaban +dahil sa sigalot na di magkahusay. + + Nuhang pahintulot siya sa Monarka +na punong pan~gulo niyong Inglaterra +inayunan naman yaong hiling niya +kaya n~ga't sa Francia'y tumun~go pagdaka. + + Nang sa Emperador sa Francia'y maharap +ay ipinagsabi ang kanyang han~gad +mahinahon namang siya ay tinanggap +at ang kalagayan niya'y natalastas. + + Kabilang na isa siya sa General +na sa man~ga Turko'y makikipaglaban +at ang hukbo niyang unang sasalakay +at yaon ang yaring pinagkasunduan. + + Lumakad noon di't tinun~go pagdaka +yaong m~ga morong kanilang kabaka +makaitlong hintong nagpamuok sila +hanggang sa kinamtan nila ang biktorya. + + Nagbalik na silang nagsisipagdiwang +habang lumalakad ay isinisigaw +nang lahat ang wikang mabuhay mabuhay +ang ating bayaning bantog na General. + + Sa labas nang bayan sila ay humantong +ang kalakhang hukbo nama'y sumalubong +kasama rin doon yaong Emperador +man~ga pagsasayá ay walang kaukol. + + Yaong Emperador ay agad niyakap +ang General niya't tuwa'y dili hamak +malabis ang puri at pasasalamat +sa General niyang may loob na tapat. + + O konseheros ko anang Emperador +sa inyo ay aking kahilin~gan n~gayon +na siya ay aking bibigyan nang tusong +Generalisimo, hintay ko ang tugon. + + Emperador namin ang sagot nang lahat +sunod po ang aming loob na matapat +noon din ang tusó'y agad iginawad +at ipinagbiba nang puspos na galak. + + Matapos tanggapin yaong karan~galan +doo'y nalagak din na mahabang araw +malibang panahon ay nabalitaan +Rusia ay gueguerra sa man~ga Masulman. + + Humin~gi ring tulot siya n~ga sa Francia +at linakbay yaong Imperyo nang Rusia +at sa Emperador humarap pagdaka +at hinin~ging siya'y isama sa guerra. + + Nang mapagkilala'y tinanggap ding agad +niyong Emperador na labis nang galak +ang kalakhang hukbo ay nang maigayak +sa taning na araw sila'y nagsilakad. + + Sa luwal na laa'y nang dumating sila +tumigil at sila'y nagpaembahada +sa man~ga Musulmang lumabas pagdaka +at pasisimulan ang pagbabatalya. + + Di lubhang nalaon nama'y napaluwal +at ginanap nan~ga yaong paglalaban +at namook namang leon ang kabagay +itong si Honradong bayaning General. + + Sa di nagtitigil nilang paglalamas +yaong man~ga bangkay sa lupa'y nagkalat +ang man~ga Musulma'y sa malaking sindak +ay nan~gagalsuko't sila'y napabihag. + + At sampu pa niyong pan~gahas na Sultan +sumuko't, nagbayad nang malaking yaman +sila'y umuwi nang dala ang tagumpay +at nan~gagsasayáng hindi ano lamang. + + Yaong Emperador at tanang ginoo +ay nagsisalubong doon sa nanalo +ang nagsasaliwang sigawan nang tao +ay wikang mabuhay ang pan~gulong hukbo. + + Bunying Emperador ay niyakap naman +yaong si Honrado't saka ang tinuran +salamat ó bantog na aking General +sa iyong dakilang iwing katapan~gan. + + Mula n~gayo'y ikaw ang siyang pan~gulo +bilang na General nang aking Imperyo +tanggapin mo n~gayon itong kaloob ko +na tusón nang pagka Generalisimo. + + Tuloy ang winika sa basalyong tanan +hayo't ipagbiba ang ating General +at ayon sa taglay niyang katapan~gan +ang sigaw nang lahat mabuhay mabuhay. + + Anopa't ang baya'y nalimutan halos +sa boong magdamag ang gawing matulog +dahil sa General na naging kilabot +tuwa at pagpuri ay hindi masayod. + + Yaong si Honrado'y tutoong namahal +sa Emperador at sa tao mang bayan +n~guni't si Honrado'y naninimdim nama't +tapos na ang taning nang Princesang mahal. + + Kaya n~ga at gulong lagi ang panimdim +niyong naghihintay na Princesang giliw +sa araw at gabi ay di magupiling +niyong kay Honrado na hindi pagdating. + + Bakit n~ga ang Hari na kaniyang Ama +ay ipinagyaring ipakakasal siya +sa Konde Milano, n~guni't naabala't +isang taóng taning ang hinin~gi muna. + + Sa hiling na yaon ang Ama'y pumayag +at di muna ibig habagin ang Anak +kung kaya tumaning ang himalang dilag +ay sa paghihintay sa nalayong dilag. + + Nang limang taón na't labingisang buwan +ang sa kay Honradong pan~gin~gibang bayan +ang tatlong Imperyo'y pinagpaalaman +nang paguwi sa kaniyang kaharian. + + May isang buwan ding araw na mahigit +bago napatuloy gayak sa pagalis +dahil sa kasamang magsisipaghatid +na man~ga maginoo at soldadong kabig. + + Tatlong Imperyo ay may kanikaniya +na man~ga sasakya't inihatid nila +tulo'y nagpasabi doon sa Kastilya +yaong tatlong man~ga bantog na Monarka. + + Na darating yaong bantog na General +ay gawin ang lubos na man~ga pagtanaw +tangkilikin nila't in~gatan ang buhay +at gugulin yaong lubos na pagtanaw. + + Kaya't sa Kastilya'y naghandang magaling +nang isasalubong doon sa pagdating +sarisaring arko at sutlang panabing +sa buong lansan~gang nagbibigay aliw. + + Araw na panahon sa dalampasigan +ang Princesa naman ay ikinakasal +sapagka't tapos na ang tadhanang araw +ay wala nang sukat magawang dahilan. + + Sa araw na yao'y dalawa ang sayá +una'y sa General saka sa Princesa +man~gagsasaliwan ang man~ga musika +at putok nang kanyon doon sa muralya. + + Nan~gagsisalubong ang tanang ginoo +doon sa Kastilya't ang man~ga soldado +at itinuloy na sa Real Palasyo +na itinalaga nila kay Honrado. + + Isa man ay walang nakakikilala +doon sa General na balitang sigla +anopa't ang lahat ay nan~gagsasayá +tan~ging nalulungkot lamang ang Princesa. + + Na nakasal doon sa di kasing giliw +kung kaya malaking lumbay sa panimdin +sa naging esposo niya ay hiniling +isang buwang siya'y huwag kausapin. + + Hayaang sa torre siya ay tumahan +sa piling nang Damang dating kaalakbay +tinulutan naman yaong kahilin~gan +kaya n~ga't sa torre doon din lumagay. + + Nang naroroon na ang bunying Princesa +ay ipinahayag sa kanyang Dama +anhin ko man yaong dumating aniyang +General, ay yaong ating kakilala. + + Sapagka't General sa tatlong Imperio +gayon ang balita nang lahat nang tao +kundi siya'y ano't maglalakbay dito +saka di kilala nang kahima't sino. + + Anang man~ga Dama ay baka siya n~ga +kung gayon ay tunay na kaawaawa +at wala nang palad na napakaaba +na gaya nang gayong pagkapan~ganyaya. + + Sumunod sa iyong dan~gal ay hanapin +saka daratnang kang may iba nang giliw +kan~gino ma'y walang matinding damdamin +na gaya nang gayong hirap na daratnin. + + Usap nila'y patdin at ang isalaysay +ay yaong dumating na bunying General +hindi makilala ang tunay na n~gala't +Konde de Kastilya kung tawagin lamang. + + N~guni't nagpasabi yaong Haring Ama +na makipagkita ang Dama't Princesa +sa General na panauhin nila't +ugali nang man~ga mahal na talaga. + + Samantalang di pa dumarating naman +ang bunying Princesa ay napagusapan +nang man~ga konseho't nang tan~ging General +at naibalita yaong pagkakasal. + + Nang sa kay Honradong balita'y matatap +ang masidhing lumbay sa puso'y tumarak +kundi nahihiya sa man~ga kaharap +ang luha'y ibig nang sa mata'y pumulas. + + Saka nang tanggapin nang Princesa't Dama +ang bilin nang Hari ay nagsigayak na +at sa palasyo ay nan~gaglakbay sila't +bilang sa General makikipagkita. + + Nang mapanhik sila doon sa palasyo +agad nakilala yaong si Honrado +nang Princesa't Dama kaya n~ga't nanglumo +ang puso't sa lumbay na di mamagkano. + + Walang maibati yaong man~ga Dama +doon sa General, kundi ang kumusta +sapagka't talastas nilang parapara +na kumitang dan~gal, ayon sa Princesa. + + At nang magkaroon nang malaking dan~gal +datnan ang Princesa'y na sa ibang kamay +gaanong bubugso kayang kalumbayan +sa dibdib nang abang sawing kapalaran. + + Hindi nakatagal ang matang tumitig +nang bunying Princesa sa malaking hapis +kaya't napaalam na tigib nang hapis +na ang dalamhati ay di maisulit. + + Pagdating sa torre nang bunying Princesa +sa lahat nang Dama'y ang sinabi niya +ang ginawang ito nang Hari kong Ama'y +ikamamatay ko na walang pagsala. + + Isang taóng taning kaya ko hinin~gi +upang ang dahila'y kanyang mawari +di ko maisaad naman yaong sanhi +at baka siya pang lalong ikasawi. + + Mawiwikang bakit nakipagsuyuan +sa dugong mababang walang kamahalan +kaya ang bibig ko ay hindi mabuksan +sa takot kung ako ay makagalitan. + + Ang buong may sala'y ako rin at ako +sa naabang palad niyong si Honrado +ang hiling kong dan~gal ay niyong matamo +sinta ko'y luoy nang dumating dito. + + Pagsunod kay Ama ang naging salabid +na ako'y nakasal sa di iniibig +ito'y siyang sanhi nang ikapapatid +nang kaawaawang buhay kong nalait. + + Si Honrado nama'y sa malaking lumbay +sa Hari't konseho siya'y napaalam +hinanap ang kubo niyong Inang hirang +at niyong makita'y humalik nang kamay. + + Ina ni Honrado'y lubos na nagtaka +anak na General ay di makilala +kung hindi ang n~gala'y nang ipahayag na +kaya di masabi ang tinamong sayá. + + Ligaya nang Ina'y paganhing isaysay +gaya ni Honradong sapupo nang lumbay +agadagad siyang gumawa nang liham +gayari ang sabing nan~gapapalaman. + + Alan~gan mang kahi't sa kamahalan mo +na pahatdan liham nang imbing lagay ko +ay aking hinamak ang lahat nang ito +ayon sa hirap kong nagbuhat sa iyo. + + Di ko sana ibig masalang ang sugat +nang puso kong lalang n~g sinta mong sukab +paanhin mo'y di na matiis ang antak +at yaring hinin~ga'y ibig na pumulas. + + Tunay ang pagasang wagas sa panimdim +na ako ang iyong kasing isang giliw +sa utos mong dan~gal ay aking hanapin +kaya pinuhunan ang buhay na angkin. + + Sa awa nang lan~git ay aking kinamtan +ang lalong dakilang man~ga karan~galan +at ako'y naligtas sa kapahamaka't +nang dumating dito ay walang kamatayan. + + Diwa'y hinan~gad mo na malayo ako +at nang mapanulos sa kasintahan mo +di ka na nahabag sa ginawang ito +na akong aba na'y siyang pinag ilo. + + Wariin mong mula niyon lisanin ka +na ako'y mawalay sa dalawang mata +walang kaaliwan ang taglay kong dusa +kundi ang gunitang sa iyo'y suminta. + + Siyang naging dahil nang hirap kong ito +ang tapat na aking pagsunod sa iyo +katuwiran kaya itong ginawa mo +dugo ka pa namang turing maginoo. + + Hindi ko na sana ibig ipamalay +sa iyo nang una ang sintang sinimpan +baka siya ko pang lalong ipagdamdam +at saka ito rin ang kinahinatnan. + + Puso ko'y panatag at hindi gunita +na iyong asalin ang gawang magdaya +tinabunan mong sa limot ang awa, +at ako'y linunod sa dagat nang luha. + + Bakit naisip pa kaya ang magbalik +dito sa Kastilya nang palad kong amis +yayamang ang aking kasuyuang dibdib +n~gayo'y sa iba nang kandun~gan nahilig. + + Aanhin ko itong man~ga karan~galan +na atas nang sinta kaya pinaglakbay +General man akong balita nang tapang +n~guni't sa pagsinta'y kusang nalupaypay. + + Patawad patawad Princesa at Dama +ang pinagtiyagang ilubog sa dusa +¿anong kataksilan sa pagkikilala +ang gawa kong hindi ninyo minaganda? + + ¡Maanong bahid man ay pinamalayan +sa akin, ang inyong man~ga kasuklaman +huwag itinaboy sa kapahamakan +sa malayo't maging dito'y kamatayan. + + Ang sinisisi ko'y ako ri't di iba +na kusang nadaya ay di alumana +nasabik ang puso sa maling pagasa +di magtiis namang buhay ay mapaka. + + Hanggang dito't yamang wala n~g panahon +itong nalugami sa pagkaparool +akong inayop mo'y di na malalaon +sa dustang libin~ga'y pilit na hahantong. + + Sulat ay sinarha't ipinadala na +sa may dalamhating mahal na Princesa +nang tanggapin nama't laman ay mataya +malaong oras ding nawalang hinin~ga. + + Yaong man~ga Damang nan~gagsisaklolo +ay labis nang awa nila kay Honrado +saka sa Princesa sa nangyaring ito +na napagbintan~gan ay hindi tutoo. + + Makamalay tao ang nawalang isip +luha'y tumutulong gumawa nang titik +upang mailuwal ang laman nang dibdib +at nang matutulan ang bintang na lihis. + + + +KASAGUTAN + + + Honrado ay mali ang iyong paratang +na yaong hiling kong pagkita nang dan~gal +sa iyo ay isang pagdaraya lamang +ang gayo'y huwag mong isagunamgunan. + + Kung mabubuksan mo lamang yaring dibdib +ang katutoha ana'y iyong malilirip +kung tunay n~ga akong taksil sa pagibig +na gaya nang iyong tadhana sa titik. + + Labis ang sa iyo'y aking paghihintay +at ikaw ang sinta na inaasahan +n~guni at si Ama ang may kaibigán +na siyang pumilit na ako'y pakasal. + + Gayon ma'y sa paghihintay ko sa iyo +isang taóng taning yaong hinin~gi ko +at inaasahan yaong pagdating mo +ganap na'y di ka pa dumarating dito. + + Halata nang lahat na lubhang matamlay +ang aking pagsunod nang kami'y pakasal +di lamang mangyaring si Ama'y masuway +pagka't masasawi ako sa katwiran. + + Saka nabalitang dito ay darating +General na n~galan ay di nalilining +nasok sa loob kong ikaw na marahil +kaya nang kasal na ako ay tumaning. + + Isang buwang huwag na pakialaman +ako at dito rin sa torre tatahan +at nang makita kong ikaw ang dumatal +ang katauhan ko'y nanaw sa katawan. + + Nang dumalaw kami at nang lisanin ka +luha'y di mapigil sa taglay kong dusa +sampu nang lahat kong kaakbay na dama +at sanhi sa iyong naulilang sinta. + + Honrado ay walang bahid pagsusukab +yaring aking puso tungkol sa pagliyag +at sa katunayan niyaring pan~gun~gusap +sangla yaring buhay na n~gayo'y lilipas. + + At kung linoob man n~g giliw kong Ama +na ako sa ibig niya magasawa +di rin mangyayaring kanyang makasama +ako at sa hukay ay mahihimbing na. + + Lalo ko pang tuwa kung magkakagayon +at maiisban na ako nang linggatong +sa hindi ko nasa'y yamang napalulong +aking lilisanin naman ang panahon. + + Baga man at turing na ako'y nakasal +ang kalinisan ko'y di nadurumihan +sapagka't sa aking puso ay masukal +ang pakikiisa sa di kasintahan. + + Kaya ang samo ko'y patawarin ako +sa isa nang buhay magkikita tayo +doo'y walang salang makikilala mo +kung talagang ako ay taksil sa iyo. + + Mayari ang sulat ay ipinadala +sa tapat na loob na kaniyang Dama +nang sa kay Honradong laman ay mabasa +ang sakit nang puso ay naululan pa. + + Saka n~g sa Damang saysayin ang bagay +niyong sa Princesang laging paghihintay +yaong si Honrado ay sinisi naman +ang pagkalaon sa ibang kaharian. + + Tanang bagaybagay nang maibalita +ay naghiwalay nang kapuwa may luha +na tulad sa isang buhay ang nawala +at bató nang dibdib ang hindi maawa. + + Nang dumating doon sa torre ang Dama +usap ay sinabi doon sa Princesa +ay lalong lumala ang sa pusong dusa +at ang dalamhating di sukat makaya. + + Ito na ang mulang ipinagkaramdam +nang pusong nalugmok sa kapighatian +kaya't hiniling nang siya'y magkumpisal +at sa kamataya'y humanda ang buhay. + + Kaya n~ga't ang tuwa ay biglang lumipas +at sa kalumbayan sila'y nan~galagak +Princesa'y humin~gi nang tawad sa lahat +sa hanay nang madla, buhay ay nautas. + + Sabihin ang lumbay at man~ga pagtan~gis +nang mahal na Hari sa Anak na ibig +at sa puso niya ay lumiligalig +ang pagaasawang parang ipinilit. + + Pagka't mula nang kanyang ipakasal +siyang naging sanhing ipinagkaramdam +kaya n~ga at siya'y kahit nakasal man +ang naging asawa'y di nakaulayaw. + + At di ko nakitang dinalaw nang tuwa +at sa kalumbaya'y nalugaming kusa +kahima't tipirin ay nahahalata +yaong kalungkutang di ko mapaghaka. + + Matinding damdamin naman nang asawa +na nakasal sila ay di nagkasama +saka biglangbiglang siya'y nan~gulila +ito ang tunay na dalamhati niya. + + Pananaghoy nila muna'y aking lisan +gaya nang kanilang ilibing ang bangkay +kasama ang lahat nang kaginoohan +ang tanang soldado ay gayon din naman. + + Ang Hari at saka ang bunying asawa +na ikinamatay nang abang Princesa +saka si Honrado't tanang kawal niya +sa libing na yao'y kaalakbay sila. + + Hanggang sa dumating doon sa Simbahan +at sa laang tumba'y ilagay ang bangkay +ginawa ang madlang man~ga katungkulan +na pananalan~gin sa man~ga namatay. + + Tanang kailan~gan ay nang maganap na +ay ibinaba nang bangkay nang Princesa +at binendisyonan niyong Haring Ama +at nakipagkamay naman ang asawa. + + Gayon din ang lahat nang kaginoohan +parapara sila na nakipagkamay +tan~gi si Honradong bayaning General +na siya n~ga lamang kahulihulihan. + + Kamay ni Honrado ay niyong igawad +kamay nang Princesa'y iniabot agad +at saka ang man~ga mata'y idinilat +nagbuntong hinin~ga't gayari ang saad: + + Ikaw n~ga ang sintang tunay kong katipan +na siya kong laong pinahintayhintay +at saka kasal na nang dito'y dumatal +ako sa hindi ko kinagigiliwan. + + N~guni at sa ating suyuang maganda +tapat sa puso ko na di magiiba +kaya n~ga n~gayon din ay magkumpisal ka +at malilibing din na kasunod kita. + + Anopa't ang tana'y pawang nanggilalas +na nan~gakakitang doon ay kaharap +at sampo nang Hari ay nakatalastas +na yaon ang siyang kasuyo nang anak. + + Matapos isulit ang ganoong bagay +muling ipinikit ang mata nang bangkay +si Honrado nama'y agad nagkumpisal +at di rin nalao't nakitil ang buhay. + + Nang mailibing na yaong si Honrado +umuwi noon din ang man~ga soldado +sa kanikanilang pinagmulang Reyno +at ibinalita ang nangyaring ito. + + Tatlong Emperador ay sa kagalitan +nagpaembahada silang sabaysabay +at pinaguusig ang nawalang buhay +nang lubhang bayaning kanilang General. + + Sa takot nang Haring hindi hamakhamak +ay sa Emperador na tatlo'y humarap +mahinahon niyang inahin~ging tawad +ang pagiibigang di niya talastas. + + Kung ang anak niya ay nagpahiwatig +na may katipanan siyang iniibig +di ko pipiliti't baka n~ga masapit +ay ang gaya n~gayong buhay ay napatid. + + Ang tatlong Monarka ay dinin~gig naman +ang sa Haring samo't man~ga karain~gan +yaon din ang mulang ipinagkaramdam +nang Hari at siya ay nakitlang buhay. + + + + + +ELECTO + + + Walang katuwiran anak ay pilitin +sa bagay na pakikipagisang giliw +karampatan munang sila ay tanun~gin +ang isa at isa'y nang walang sisihin. + + Katungkulan din n~ga na ipili nila +nang lalong mabuti na maging asawa +kailan~gan naman ang ipakilala +yaong tutun~guhing hindi natataya. + + Lubha pa kung tunay nilang nalilirip +na ang kasintahan ay ugaling pan~git +sawayin at bigyang hatol na matuwid +at in~gatang huwag daanin sa galit. + + Yaong malubay na pagpapaunawa +at huwag ang man~ga salitang gahasa +pagmura't tun~gayaw at man~ga pagsumpa +na bagkus nakapaguulol nang sama. + + At kung ang anak pa ay walang pitagan +sasagutsagutin ang isang magulang +nang kasakitsakit na paglapastan~gan +sa dapat suyuin nila at igalang. + + Bakit karaniwan nang man~ga inanak +kapag nasansala sa adhikang linsad +itinatakwil na nila ang paglin~gap +sa utang na walang katapatang bayad. + + + + + +BRINDO + + + May isang soldado ang Haring maran~gal +na wala nang Ama't mahirap ang buhay +ang nagaaruga ay Ina na lamang +sa bugtong na anak niyang minamahal. + + Hindi ibig halos mawalay sa titig +ang kaniyang bunsong pinakaiibig +dan~gan di mangyaring siya ay mapalit +ay hahalinhan na't hirap ay mabihis. + + Sa pagsusundalo'y nang ilan nang buwan +tumanggap nang atas nang haring maran~gal +sa puno nang torre nang Princesang mahal +kabilang na isa sa man~gagbabantay. + + N~g araw ring yaon sila'y lumakad na't +tinun~go ang torre nang bunying Princesa +nang dumating doo'y tinamaang mata +sa Princesang dilag na kaayaaya. + + Kaya't mula noon sa puso'y natanim +yaong sa Princesang kagandaha't ningning +at siyang nagbigay guló sa panimdim +na sa gabi't araw ay di magupiling. + + Inakala niyang gumawa nang titik +at doon sa torre ay kusang ihagis +n~guni't lubos namang siya'y nan~gan~ganib +na baka ang bunying Princesa'y magalit. + + Anopa at siya'y walang maisipan +na yaong pagsinta'y magkaroong daan +kaya't walang munting oras na tiwasay +sa gayon ang puso niya't kalooban. + + Kung nagiging bantay siyang mahalili +sa laang bantayang tapat niyong torre +siya ay tatanaw tanaw na parati +sa bintana't ayon sa laking pagkasi. + + Lalo na kung lagi niyang nakikita +na nakapanun~gaw ang bunying Princesa +ay halos di ibig mawalay sa mata +sa laking pagirog na hindi makaya. + + Maupo't tumindig nama't magpasyal +Princesa ang siyang tinitingnan tingnan +sa Princesang hindi naiino naman +pagkapalibhasa'y di namamalayan. + + Sa malaon niyang pagbabantay doon +sa torreng may bilang sa tatlo nang taon +walang gawa kundi ang tumaghoy taghoy +sa sarili niya't ang wika ay gayon. + + Kung natatanto mo lamang yaring hirap +Princesa kong sinta at tinawag tawag +puso mo ma'y batong buhay na matigas +sa man~ga daing ko'y pilit maaagnas. + + Wala ni munti mang oras na itigil +ang hibik ko't buntong hinin~gang malalim +dahil sa pagsintang di ikagupiling +at man~ga pagluhog na hindi mo lining. + + Mata kong sa iyo'y laging nakatitig +na nagbabalita nang aking pagibig +ay di mo man pansin bago'y tumatan~gis +itong nagdurusa'y di mo nalilirip. + + Kung nanunun~gaw ka sa iyong bintana +ang hinahalaw mo'y ang ikatutuwa +n~guni't di makita ang linuhaluha +nitong sa dilag mo'y nan~gan~gayupapa. + + Nagwawala ka n~gang bahala sa lagay +at nagpapasasa sa kaligayahan +bago'y di mo tantong nasa kalumbayan +akong sumintang di maipamalay. + + Hirap na gumiliw nang isang mababa +sa uring mataas na tinitin~gala +namamalas mo nang mata'y lumuluha +ay tikis mong winawala ring bahala. + + Tantuin mong yaring dusang tinataglay +ay magiging landas niyaring kamatayan +pagka't sa puso ko'y pan~gakong matibay +na tataghuyang kasukdang maging bangkay. + + Malasin nang inyong masaghayang titig +ang tatapong buhay dahil sa pagibig +at wala nang lunas sa sukat ikapit +kundi ang lin~gap mong nasa kong makamit. + + Ang lalong masarap na man~ga pagkain +at lahat nang tuwa'y tapos na sa akin +ikaw na n~ga lamang ang makapipigil +sa dustang libin~gang laang tutun~guhin. + + Di na malalao't iilan nang araw +sa Mundo, ang aking pakikipanayam +inot inot ko na na nararanasan +na itong puso ko'y may malubhang damdam. + + Pagka't ang hinin~ga'y laging nan~gan~gapos +sa di pagkakai't di pagkakatulog +ako'y nanghihina't di na ibig halos +magluat nang aking buhay na maayop. + + Ang gayong pagtaghoy na di naglilikat +na walang bahagyang pagitan ang oras +inot inot na n~gang napawi ang lakas +at ang humalili ay pan~gan~gayayat. + + Makita nang puno yaong kalagayan +ay ipinapasok agad sa hospital +at doon ginamot yaong karamdaman +n~guni't lumalalang lalo't di humusay. + + Kaya't sa sundalong hiniling pagdaka +na siya'y ihatid sa kanyang Ina +nang araw ring yaon ay ipinadala +sa dahilang tantong mahina na siya. + + Sa Inang makita ang bugtong na anak +luha'y di napigil sa malaking habag +anya'y ang nasapit nang imbi mong palad +n~gayon ay tunay na pawang buto't balat. + + Ang kalagayan mo'y kung aking pagmasdan +kundi humihin~ga'y mistula nang bangkay +¿ano baga kaya ang naging dahilan +niyang marawal mo na kinahinatnan? + + Tugon nang sundalo'y oh Ina kong giliw +ang damdam kong ito'y wala nang paggaling +ang lahat mang gamot ay kahit ubusin +ay wala nang daang ilunas sa akin. + + N~gayon ay wala na akong kailan~gan +kung hindi ang ako'y makapagkumpisal +ang kaluluwa ko ay bago pumanaw +ay mapawing lahat yaring kasalanan. + + Gayong kahilin~ga'y sinunod nang Ina +tumawag nang Pareng kahilin~gan niya +nang dumating naman ay nagkompisal na +at saka tuloy na nagkomunion pa. + + Kahilin~gang yao'y matapos tanggapin +sa irog na Ina naman ay nagbilin +Ina ko aniya ay huwag limutin +itong kamunti ko na ipagbibilin. + + Na kung makitil na yaring aking buhay +medikong marunong ang tawagin lamang +at ang aking dibdib ay agad pabuksa't +kunin ang puso ko at iyong in~gatan. + + Huwag pabayaan mapalibang oras +na di ang dibdib ko'y agad ipabiyak +puso ko'y itago sa lalagyang dapat +bilang alaalang sa iyo po'y lagak. + + Ang tugon nang Ina ay aking susundin +bunso ko ang iyong mahigpit na bilin +di lubhang nalaon buhay ay nakitil +nang ang karamdaman ay sa sinta dahil. + + Man~ga pananaghoy nama'y sabihin pa +nang kaawaawang Inang naulila +mulang pagka bata'y dinulangdulang na +ang kabaitang sumunod sa kaniya. + + Sabihin pa baga ang man~ga pagtan~gis +at man~ga pagluha at hinibikhibik +at halos mawaray ang kaniyang dibdib +nang pagkaulila sa anak na ibig. + + Bagaman malaking dalamhati niya +pinaram ding agad at naalaala +ang bilin nang anak kaya't kapagdaka +pantas na mediko siya'y tumawag na. + + Nang dumating doo'y agad pinabuksan +yaong dibdib niyong sa anak na bangkay +ang puso'y kinuha't kusang pinagyaman +at itinago na sa loob nang kaban. + + Saka yaong bangkay nama'y ilinibing +ang Inang may lumbay nama'y kasama rin +yaong panambitan at dinaingdaing +nang naiwang Ina ay di maiturin. + + Niyong nalilibing na ilan nang buwan +ang sundalong anak niyang minamahal +Inang naulila'y naisip-isipan +na tingnan ang pusong inin~gat sa kaban. + + Binuksan na niya't agad na kinuha +at sa pagkabalot ay inalis niya +n~guni't di masayod yaong pagtataka +doon sa iniwang bilang alaala. + + Pusong nababalot ay kusang nagmaliw +at ang nahalili'y batong nagniningning +iba't ibang kislap ang kulay na angkin +na sa matang titig ay nakaaaliw. + + Ang Inang may lumbay ay di mapaghaka +ang nangyaring yaong anaki'y himala +agad pumasok sa kanyang gunita +na yao'y isang mahalagang mutya. + + Kaya't minagandang kaniyang ialay +sa Hari ang batong puspos karikitan +binalot na niya na pinakainam +at saka dinala sa Haring maran~gal. + + Ang tuwa nang Hari naman ay sabihin +doon sa alay na batong nagniningning +kinuha at saka binigyan noon din +niyong kayamanang makakayang dalhin. + + Sa labis na pagkamangha at ligaya +na di pagsawaan nang titig nang mata +kaya't ang ginawa ay ipinadala +doon sa kaniyang anak na Princesa. + + Lugod nang Princesa naman ay sabihin +nang makita yaong batong nagniningning +matay nang kaniyang pagwariwariin +ay di mapagsiyang lubos sa panimdim. + + Sa ibabaw niyong mesa'y ilinagay +naupo sa silya't minamasdanmasdan +hindi maisulit ang kaligayahan +sa kislap nang batong iba't ibang kulay. + + Nang minamalas niya'y walang anoano +ay naging puso ang maningning na bato +at doon sa mesa ay lumukso lukso +at nanaghoy nan~gang ang wika'y ganito. + + Pakatantoin mo oh Princesang mahal +na sanhi sa iyo ang ikinamatay +na sininta kita nang higit sa buhay +ay hindi nangyaring aking ipamalay. + + Tuwing sa bintana ay manunun~gaw ka +at tamaang titig niyaring man~ga mata +ay nauululang lagi yaring dusa +na nasa puso kong di mo natataya. + + Banta ko'y kung ito lamang madirin~gig +ang man~ga daing ko at hinibikhibik +ay kahit hindi mo gawi ang mahapis +ay sisibulan ding habag iyang dibdib. + + ¡Prlncesa kong sinta'y saan ilulun~goy +yaring kahirapang narating ko n~gayon +di kana naawa sa tinaghoytaghoy +nitong sumisintang sa libing humantong! + + Diyata't ang aking tunay na paggiliw +ay minatamis mong mahimlay sa libing +muntima'y di kana nahabag sa akin +at binayaan mong hinin~ga'y makitil. + + Tugon nang Princesa ¿ikaw baga'y sino? +ako anya'y isang hamak na sundalo +at doon sa tore nagbabantay ako +kaya ko namasdan ang karikitan mo. + + Di ko kasalanan wika nang Princesa +ang pagkamatay mong sanhi sa pagsinta +at ang pagsuyo mo'y di ko natataya +saka una'y ikaw ay di ko kilala. + + Mangyayari kayang aking mawawari +ang kahirapan mong sa akin ang sanhi +ni sa gunita ko'y hindi sumasaging +sundalo'y sintahin ako ni aglahi. + + Sapagka't sinoma'y nakatatalastas +na bawal suminta tungkol dugong hamak +sa man~ga may taglay na uring mataas +at may pan~ganib pang búhay ay mautas. + + Gayon ma'y ang buong may sala ay ikaw +na ang pagibig mo'y di ipinamalay +kung iyong sinabi nang ikaw ay buháy +banday baga akong di ka kaawaan. + + Di nagsapalarang ipinaunawa +sa akin, ang iyong sintang inadhika +nang upang ang iyong matinding dalita +ay naibsáng ko kahi't babahagya. + + Ang kahihinatnan ay ano pa n~gayon +nang iyong pagsinta na ilinulun~goy +ibig ko mang dinggin ang iyong pagtaghoy +di na mangyayari't wala nang panahon. + + Walang sinisisi ako kundi ikaw +sa iyong nasapit na pagkaparawal +n~gayo'y ibig ko mang hirap mo'y lunasan +¿anong gagawing ko'y puso ka na lamang? + + Dan~gan ang palad mo ang talagang kapos +di laang magtamong tuwa sa pagirog +nang pusong puso na'y saka pa luluhog +na wala nang sukat ikasayáng loob. + + Madla mong pagsamo ay kahi't ubusin +malubha mong damdam ay di na gagaling +pagka't hinamak mo ang buhay na angkin +na ipinarool lamang sa paggiliw. + + Sisihin mo n~gayon ang sariling isip +at hindi na araw ito nang pagibig +ang tatamuhin mong damay sa paghibik +ang idalan~ging ka sa Dios sa lan~git. + + Tugon n~g Princesa'y sa pusong mabatyag +tumaghoytaghoy na't ang wika'y ay palad +ang dukhang suminta sa uring mataas +damay sampung buhay ay di rin katumbas. + + Yayamang wala nang sukat pang mangyari +kundi ang tuman~gistan~gis sa sarili +at kahi't anomang gawing pagsisisi +di na maiuli buhay na naputi. + + Ang tao n~ga palang mahirap ang buhay +saka ang puso pa ay pahihirapan +ay siyang matinding nagiging dahilan +nang pagkalugami nang hinin~gang tan~gan. + + Puso'y tumigil na niyong paghalinghing +yamang walang daang magtamo pang aliw +nauli sa dating batong nagnininghing +na gaya nang unang ligaya sa tin~gin. + + + + + +ELECTO + + + Kaya nararapat na pakain~gatan +nang man~ga lalaki't maging babae man +tungkol sa pagsinta'y kinakailan~gan +na kung lalapit ma'y doon sa kabagay. + + Yaong lumiligaw na man~ga mahirap +sa man~ga may dan~gal maging sa may pilak +kapintasan lamang yaong hinahanap +o ang matawanan nang makatatatap. + + Ang karaniwan nang gayon kung umibig +ay di nagninilay ang mahulong isip +ang di man~ga himlay at sa sintang labis +karaniwang tubo'y nan~gagkakasakit. + + Sa hidwang tan~ging man~ga kaisipan +niyong sumisinta sa hindi kabagay +nagugugol lamang yaong kapagalan +at nalulugso pa kung minsan ang buhay. + + Dapat pagaralang anomang gagawin +kinakailan~gang pagbagaybagayin +nang di ikahiya sa matang titin~gin +at kahi't sino ma'y nang walang wikain. + + Pagka't karaniwan n~g sa Mundong lakad +pag di gawa niya ay madla ang pintas +kahi't lalong lihim ay inihahayag +at nagmamapuri sa nakatatatap. + + + +=Wakas nang unang hati=. + + +[Patalastas: Imprenta Libreria y Papeleria de P. Sayo] + + + + + +End of Project Gutenberg's Panayam ng Tatlong Binata, Unang Hati +by Cleto R. Ignacio + +*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 14270 *** |
