diff options
Diffstat (limited to 'old/14215-8.txt')
| -rw-r--r-- | old/14215-8.txt | 2653 |
1 files changed, 2653 insertions, 0 deletions
diff --git a/old/14215-8.txt b/old/14215-8.txt new file mode 100644 index 0000000..6610024 --- /dev/null +++ b/old/14215-8.txt @@ -0,0 +1,2653 @@ +The Project Gutenberg EBook of Landas na Tuntunin, by José Morante + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + + +Title: Landas na Tuntunin + +Author: José Morante + +Release Date: November 30, 2004 [EBook #14215] + +Language: Tagalog + +Character set encoding: ISO-8859-1 + +*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK LANDAS NA TUNTUNIN *** + + + + +Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and the Project +Gutenberg Online Distributed Proofreading Team based on images +generously made available by the University of Michigan. + + + + + + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + + +TULÁNG KINATHA + +NI + +José Morante + +NA + +PINAMAGATANG + +LANDAS NA TUNTUNIN + +AT + +Dito'y matatausan ang LIWANAG n~g nan~ga-mulat sa KADIMLAN + +IKALAWANG PAGKALIMBAG + +MAYNILA, 1918. + +IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA + +NI + +J. MARTINEZ 34-36 P. Moraga, 108 P. Calderón at 253 Cabildo, +Intramuros TELÉFONOS 5005 y 3283 + + + + +Paunawà sa tanáng babasa + + + Manáng isang gabíng ako'y nag liliban +sa makawiwiling liwanag n~g Buan +kaguiat nagunitâ ang pinag-usapan +dalawang dalagang nagsasalitaan. + + Pinan~gahasan kong ilagdâ sa papel +ang lugód n~g puso, at anong gagauin +kung dí makatagal at kusang hapuin +ang isip, sa gayong lawig n~g baybain. + + Bakit sa panahong ito'y nararapat +na ang kahit sino'y magtaglay n~g in~gat +sa gugol na pagod, at may munting linsád +páasahan mo nang may kataling pintas. + + Kaya sa tulâ kong m~ga itititik +ang paunang samo, pantas na lilirip, +huag paghanapan n~g malasang tamis +ang bubót na bun~ga n~g unsiaming isip. + + Kung sa pag basa mo'y may mapansing hindí +tama ang sabi ko't sa isip mo'y malí, +huag hahatulan n~g sirá't ang hin~gi +sa pagtutulin mo ay magwari-wari. + + Sapagka't kung kaya gumugol n~g pagál +ang malampang isip kahit gumagapang, +adhika n~g puso'y maguing munting tuláy +sa tawiring hirap niyaring abang búhay. + + At kung wala ka mang mapupulon~g lugód +sa bun~ga n~g aking pinuhunang pagod, +ito'y mabuti ring aliwan n~g lungkot +lalo't dinadalaw n~g samá n~g loob. + + Ihahangang dito't ang boong pasiyá +ay nasasa iyo pantas na babasa, +sa isasariwâ at ikalalanta +ay naroroon din ang aking pag-asa. + + + + +=Punò nang salitâ= + +=Unang pankat= + + + Sa isang baybaing liban~gan n~g hapis +na nasasakupan n~g bayang Ercañés +nayong ma-alindog na nakakaratig +n~g lansan~gang ilog sa alat na tubig. + + Sa poók ding ito'y may isang bakuran +na katuatua't dami n~g halaman, +kaya't sa bulaklak na inia-alay +magtatamóng lugód ang matáng tatanáw. + + Sa kalaguitnaan halamanang ito +ay mayroon namang marikit na kubo +handang palamigan sa buan n~g Mayo +kun ang alinsan~gan ay sumisimbuyó. + + Dito ri't dí iba'y may himalang dikít +na isang dalagang matalinong isip, +anopa't sinoman sa makámamasid +ay mahahalatang may lumbay sa dibdib. + + Manáng isang dapit hapong makaraan +ang dalawang tugtog sa pala-orasán, +dalaga'y nanaog tangkáng maglilibang +sa magandang kubong talagang aliwan. + + Kapagdating doo'y biglang napahilig +kasabáy ang taghoy luhang nag babatis +¡ay amáng amá ko! ang inahihibik +¿ano't inulila ang anak mong ibig? + + ¡Ay amang ama kong nagpalâ sa akin +amáng nag alaga n~g kay inang lihim +dí ka na naawang iwan sa hilahil +akong abang bugtong sa sintang pananím! + + ¿Saan magpupuló't kan~ginong pagtanáw +pipitas n~g bun~ga n~g iyong palayaw? +wala na banta ko't hangang kamatayan +ang pagpapalâ mo'y di na maduduláng. + + At diyán sa iyong buhay na sinapit +ay walang wala nang oras na tahimik +at kulang ang aking luhang nagbabatis +sa tindí n~g dusa't bumubugsong sákit. + + ¡Ay amang ama ko kung magunamgunam +madlá mong pag-irog at pagpapalayaw +ay wala nang lan~git yaring abang búhay +kundí ang malipat sa payapang bayan! + + Hangang naririto sa bayang malungkot +at yaring búhay ko'y hindí nalálagot +ay hindí titiguil ang luhang bubuhos +sa hapdí n~g aking nasasaktang loob. + + ¡Hahanapin ko nang matagpô ang landas +na pinagdaanan n~g iyong pag lipat +sa kabilang mundo't aanhing magluát +ay walâ na akong amang lumilin~gap! + + Sa mawika ito hin~ga'y nagka-buhól +kaya n~ga't napatid ang masinsing taghóy, +ay siyang pagdating namáng nagkataón +katotong dalaga n~g na sa lingatong. + + Sa mamasda'y dagling nilugsó't dinamá +tinutóp ang noo't dibdib n~g may dusa +saka tinawagan, ang wika'y ¡Marcela! +siyang pagka-ugpong nan~giling hinin~gá. + + Mata'y idinilat at saka nagturing +--salamat, Dalmacia, at ikao'y dumating +ako'y nakalimot at ang muláng dahil +sa búhay n~g aking amang guiniguiliw. + + Pinatáy sa maling hatol n~g kastila +n~g dahil sa sumbong n~g masamang dila, +ito nama'y dina halos nawawala +sa piling n~g aking lihim na gunita. + + Oo dí ko sana dapat na damdamin +kun ang kamataya'y sa Dios nangaling, +n~guni't sa kánulo n~g dilang Luciper +¿aling pusong anak ang dí pupugnawin? + + Kaya wala na n~ga akong kahilin~gan +sa Dios kung hindí bawian n~g búhay, +pagka't ang malipat sa payapang bayan +ay wala nang pusong marunong mag damdam. + + Kaya n~ga, Dalmacia, ako'y nag a-agap +guiliw na kapatid n~g pag hin~ging tauad +sapagka't dí natin talastas ang oras +n~g kamatayan kong di na magluluat. + + Sa mawika ito Dalmacia'y nalugmok +nalaglág ang luha't nag buntong himutok +walang katuirang nagpapahintulot +na sa dalamhati búhay mo'y matapos. + + Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip +ang pagkalarawan n~g santong matuid, +na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git +ay walang wala nang aantaing bihis. + + Pawi ang lumbay mo at ipaubaya +sa Dios na Amá ang boong bahala, +walang mangyayari sa tahanang lupa +na hindí sa dunong niya nagmumula. + + Lisan ang pighatí at alalahanin +yaóng hulíng búhay nating lilipatin +dito'y walang utang na maitatakuil +sa Dios na hindí daratnán n~g sin~gil. + + Kung katotohanang nagbuhat sa upat +búhay n~g tatang mo ang pagka pahamak +asahan mo Selang hindí magluluat +darating ang ganti,t, oras na katapát. + + At doon sa iyong han~gád na mádalí +ang búhay mo't dahil sa laking pighati +iyong pagsisiha't baka maguing sanhí +n~g dí pagkakamit Bayang Luwalhati. + + Sukat hangang dito, giliw na kapatid, +dí naman pag-aral at pag-unang bait, +iyong pagpilitang iwaksí n~g isip +ang pighating laban sa Santong matuíd. + + Walang nararapat kundí ang umayos +sa kapangyarihan n~g lumik-hang Dios +sanlibo mang ama ang siyáng matapos +¿ano't daramdamin sa Lan~git na tulót? + + Pusong malulunod sa pighati't lumbay +sa laglág n~g payo'y kusang nanimbulan, +sa oras ding yao'y ipinagwaksihan +ang katalong sindak na kinakalaban. + + --Salamat sa iyo Dalmacia kong kasi +sa pagpapala mo't guinawang sakbibi +at kulang ang aking dilang magpupuri +sa dapat kilanling lubos mong kandili. + + Na dahil sa iyong payo't pag-aampon +ligalig n~g aking puso'y huminahon +kung dí mo dinatnán, banta ko'y nagtulóy +yaring abang búhay sa pagkakabuhol. + + N~guni ang hilíng ko'y isang kasayahan +na makapapawi sumimot n~g lumbay +--oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iyán +sa araw n~g bukas ay magagampanán. + + N~guni tulutan mo na kita'y lisanin +si ama't si ina'y iníp na sa akin +at baka ano nang kanilang isipin +magmula kan~gina n~g di ko pagdating. + + At bukod sa rito'y dapat ipagsabi +sa sintan~g ina mo, bagay na nangyari +at baka sakali na sa dakong hulí +ako ang patalba't buntuhán n~g sisi. + + Dí ligáw na balak, Dalmacia, kong mutia +n~guni at ako rin ang sumasangsala +sapagka't ang lumbay na gumagambala +ay wala na't n~gayo'y lubos na payapa. + + Kaya huag mo nang hatdán n~g balisa +ang dibdib n~g aking minumutiyang iná +at yaón ay isang makadáragdag pa +sa pighating dulot n~g pagkaulila. + + At huag mo sanang lisanin n~g biglá +akong bagong bagong ahon sa dalita +--Marcela'y bukas na tayo magpasasa +n~g balabalaking magbibigay tua. + + Kay ama't kay ina ang gagawing sanhí +na kitang dalawa'y dito mananahí +kaya paalam na't iwaksí n~g budhí +ang labág na iyong pagdadalamhati. + + Paasahan mo nang sa araw n~g bukas +bilang na iisa ang tugtog n~g oras +magbabalik ako't nang upáng magluát +sa kubo ring ito kita mag-uusap. + + --Maraming salamat kapatid na irog +ako sana'y huag makanlong sa limot +kung may búhay lakás naman ay mag-utos +at sa makakaya'y nahahandang lingkod. + + Abo't ang kamay ko't kita'y magyakapan +hagkan muna kita't ako nama'y hagkán +maguin~g tandang saksi n~g pagmamahalan +at sa tipáng oras kita'y ina-antay. + + + + +Ang pagbabalik ni Dalmacia + +=Ikalawang pankat= + + +DALMACIA.--Narito na ako Marcela. + +MARCELA.--¿Komusta? + +DALM.--Mabuting awa n~g Dios, walang ligamgam na anomán, itinanóng sa +akin na kun bakit ako naluatan kahapon, ang naguíng sagót ko'y +nagkawili lamang kita sa pag-uusap, na kun anó ang mabuting sukat +isiping paghahanap búhay; sa sagót kong ito'y nalaglág ang kanilang +luha at ako'y niyakap na pinakahigpít n~g aking iná, at ang idinugtong +na pan~gun~gusap naman nang aking amá ay ganito Pakingan mo at akin~g +kakantahín. + +MAR.--Oo n~ga, ang damdam ko'y makaliligaya. + + + Oh bunsong ligaya niyaring aming dibdib +bulaklak n~g tua't bun~ga n~g pag-ibig +iyong halamanin sa lináng n~g dibdib +itong tagubiling aking ihahasík. + + Unang una bunso'y tibayan ang loob +n~g m~ga pag-asa sa totoong Dios +at ang ikalawa'y huag kang lilimot +n~g m~ga pagtupád sa banál na utos. + + At ang pagka-awa sa kapua tawo +huag lilimutin, Dalmaciang anak ko, +at yaón ang binhíng pag-aanihan mo +sa kalilipatang huling Paraiso. + + Ang lahat n~g aking m~ga tagubilin +bunsó sa dibdib mo ay papagtibain +at ito ang gabáy na guguyabinín +hangang binibig-yan n~g búhay na angkín. + + Ikáw aming bunso'y magpapakatimbang +sa lakad n~g mundo't panahong niniral +kung sakasakali't makapag tagumpay +payapa ka rito't hangang hulíng búhay. + + Sa mundo'y pag di ka natutong nan~gilag +at dí tinalasan ang mata n~g in~gat +walang malay-malay nayapos ka't sukat +niyaong pan~ganyayang lihim na pahamak. + + Ang parang kapatid na pagsusuyuan +bunsó ko, Dalmacia'y pailagilagan, +sapagka't ang lihim niyang kalooban +ay di mo talastas ang patutun~guhan. + + At huag ka namang magpapakaniig +sa may asawa na n~g pakikipanig +sapagka't kung minsa'y pinapagdurun~gis +n~g palabintan~gin ang puring malinis. + + Sukat hangang dito, Dalmacia kong guiliw +tanáng mahalagang aking tagubilin, +sapagka't ang takda nitong búhay natin +ay di natatanto oras n~g pagdating. + + Yaóng ating bukid kung ako'y manaw na +ihanap n~g tawong marunong magsaka +na may sadyang bait na nakikilala +nang di ka dalawing n~g pagkakasala. + + At ang magsasaka, Dalmacia'y ganoón +marami ang m~ga ... liban sa dí gayon; +ang hahanapin mo'y ang tawong marunong +magmahal sa puri't may sariling hatol. + + At kung may panira namang ihahatid +na dinadaya ka sa ani n~g bukid +ay magpakunuá n~g malaking galit +nang may kamtang tuá ang may dalang inguit. + + Sapagka't an~g han~gád ay iyong bawiin +sa mabuti't siyá ang papagsakahin, +ito'y asahan mo't kung ga sa patalim +ay lalong matalas sa samáng gagawin. + + Hangang dito bunsó't kung baga sumapit +oras n~g búhay ko't sa mundo'y pag-alís +ay di kailan~gang iyong ipa-dapit +lalo't kapurihán ang nasa n~g dibdib. + + Huag na dí lamang mabaón sa hukay +ang kaawa-awang lupa kong katawan: +sa mawika ito nalaglág na namán +ang luha't gayari ang hulíng tinuran. + + Katiwala kami n~g iyong paglipat +doon kay Marcela, pagka't sa hinagap +kun bagay sa tibay hindí naman sukat +magagaping daglí n~g may lilong han~gad. + + Han~gang dito Sela't siyang pagkatiguil +niyong sa kay amang m~ga tagubilin +anaki sumilang ang m~ga bituin +at naliwanagan isip kong madilim. + +DALMACIA.--¿Anó baga Marcela ang lasáp mo sa m~ga tagubilin n~g aking +amá? + +MARCELA.--Makaliligayang m~ga pan~gun~gusap na dapat halamanin sa +lináng n~g malinis na pagtupád at papamun~gahin n~g bun~gang dapat +iyalay n~g sinomang tawo sa banál na hiling n~g Santong matuid: +mabuting amá at nau-ukol pakamahalin n~g isang irog na anak; datapua't +makalalansag sa dibdib nang may pag sintang anak sa giliw na ama. + +DALM.--Ah oo n~ga, tunay ang iyong turing, at ibinabalita ko sa iyo +n~gayon, na noóng inilalaglag n~g aking amá sa pangdin~gig ko ang +butil n~g magandang aral, ay tunay na sa balang sabi, ay nakikibagay +ang paták n~g matamís kong luha na ito'y ibinabalong niyaong guniguní, +na paano kaya kung dumating ang panahon n~g aking pagkaulila. ¿Gaano +kaya ang dami n~g kakabakahin kong digmá n~g hinagpis? Sa banta ko'y +di matatantusan at mapipilitang ilugmók sa ipagdaramdam ang magkaroon +man ako n~g matigas na puso at alipala'y di na mangyayaring sapitin ko +pa ang ako'y maiwan at ligaya ko na sa oras na yaon ang ako'y masama +sa lupang mapalad na kalilibin~gan n~g irog kong amá. Hangang dito +Marcela ang nangyari sa oras na ako'y pinan~gan~garalan; nguni't +pinapansin ko sa iyo n~gayon, na ¿kun bakit magmula kan~ginang ako'y +nagsasalita, ay nakikisabay namán ang pagdaloy n~g iyong m~ga luha sa +mata? + +MAR.--¡Ay Dalmacia! ¿Aling puso n~g may pagsintang anak ang di +bubugsuan n~g paghihinagpis at manariwang mulí ang nalalantang puno +n~g pighati? ¡Ay amang ama ko! ¿Saan ka naroon? + +DALM.--Marcela, maghusay ka n~ga n~g loob at maala-ala ko pala'y +kahapon ay humihiling ka sa akin n~g isang kasayahan, n~gayon ay wala +naman maiya-alay sa iyo kundi isang maikling kundiman. + +MAR.--Tunay n~ga ba? Salamat Dalmacia kun gayon ang kinasasabikán kong +kanta mong kundiman at upanding makaputol n~g muling nag usbong kong +kalumbayan, at kun magka gayo'y asahan mo namáng may kapalit akong +kákantahín sa iyo. + +DALM.--Ganoón ba? + +MAR.--Oo. + +DALM.--Kun gayo'y pakingan mong magalíng. + + Oh! m~ga bulaklak n~g nagtayong kahoy +at ikaw amihang malamig na simoy +magbalita kayo n~g aking pagtaghoy +sa kinalalag-yan n~g ihihinahon. + + Kayong sarisaring ibong lumilipad +at ang palay palay na han~ging habagat +ibalita ninyo ang daing n~g hirap +sa kinalag-yan n~g ipapanatag. + + At dí maglulubay ako n~g pagluhog, +kahima't dalita ang awang ihulog +ay di mag sasawa ako n~g pagpulot +at ituturing ding ligaya n~g loob. + + Halihalimbawang maguing takdang guhit +n~g kamatayan ko ang sa pusong nais +ay ituturing ding ligaya n~g dibdib +lalo't mahalatang nagdadalang hapis. + +DALM.--Tapós na Marcela ¿Anó bagá ang din~gig mo? + +MAR.--Marikit na pagkayari Dalmacia ang kundiman mong iyán ¿Sino bagá +ang may gawa n~g kathá? + +DALM.--Hindí ko masabi sa iyo, sapagka't iyán ay narinig ko lamang sa +isang taga.... + +MAR.--Banta ko'y isang pusong nakalutang sa maalong dagat n~g +karalitaan, na ang inahihibik ay mapasampa sa pampang n~g katiwasayan. + +DALM.--Tila n~ga; datapua't maala-ala ko pala'y ¿di baga ang wika mo +kan~gina'y pagkatapos ko n~g pagkantá ay ikaw naman? + +MAR--May nasubukan ka na ba? + +DALM--Wala n~ga, n~guni't baka mo malimutan. + +MAR--Kailan ma'y kawangis n~g guinto ang aking pan~gako, at nang +makilala mo'y iyong panain~gahan. + + * * * * * + + Sisimulan ko na, kapatid na guiliw +ang kantang kundimang iyong hinihiling +di anhi'y may dagat, na hayag ma'y lihim +mababaw ay hindi matarok ang lalim. + + Sa dalang hiwaga n~g nasabing dagat +dí man matákahin ay manguiguilalás +bato'y lumulutang na sakdal n~g bigát +at ang lumulubog ang magaang patpát. + + At ang m~ga isdang naglisaw sa tubig +makaliligayang malasin n~g titig +balang malalaki'y may tibong matulis +at ang balang munti ni walang palikpik. + + Kaya n~ga at walang pan~gambang sagpan~gín +at hindí gunita na makahihirin, +datapua't kung minsa'y nabubulunan din +kapág ang sisilá'y panabong sasamín. + + At sa dalampasig n~g nasabing dagat +sabihin ang dami n~g batong nagkalat +ang katakataka't kaguilaguilalás +munti ma't malakí, magkakasing bigát. + + Sa kalaguitnaan n~g dagat ay gayon +ang sabi, mayroong mataás na kahoy, +san~ga'y malalabay, daho'y mayamungmong +na nakalililim sa dagat na yaon. + + Sa puno n~g kahoy tubig na nunukal +walang kasingsaráp at sakdal n~g linaw +at sa dakong dulo'y kung anong dahila't +bibihirang tamís ang mánanamnamán. + + Ihahangang dito Dalmaciang kapatid +ang kantang kundimang nahiling n~g dibdib +yao'y malaon na sa tandaang isip +boong kahuluga'y di ko nababatid. + + --Marcela, ang iyong kinantang kundiman +panahong kastila ang tinatamaan +kung n~gayo'y hindi na, at ang umi-iral +balang may matuid ang ina-ayunan. + + Gayón man Marcela'y palalamnán ko rin +dagat na mababaw ay sakdal n~g lalim +yaong kababawang ipinagtuturing +ang asal n~g tawong natatanaw natin. + + At ang kalalimang hindí matatarok +ay ang lihim nilang nan~gasasa loob +at ang m~ga batóng hindí lumulubog +ang sa mayayamang katuirang buktót. + + Ang hindi pag lubog ay nakakatigan +n~g panuyo't suhol ang kapangyarihan +kun n~gayo'y wala nang pusong magdaram-dam +at ang naghahari'y Santong Katuiran. + + At ang lumulubog na magaang patpát +ay ang katuiran n~g tawong mahirap, +hindí palutan~gi't dahilán sa bigat +niyaong naglulubog na pabatong pilak. + + Sinasabing isdang nag lisaw sa tubig +na ang malalaki'y may tibong matulis, +masamang mayaman na ang ini-isip +sa búhay n~g dukha'y umapit manlupig. + + Isdang maliliit sa aking palagay +dili iba't tayong maralitang búhay +kahit may matuíd, ay napipilan +n~g masigláng lakás niyaong kayamanan. + + At ang punong kahoy na sakdal n~g tayog +ang Pamahalaang ating sinusunod +san~gáng malalabay ang nakalulukob +na kapangyarihan sa lahat n~g sakóp. + + At ang sinasabing tubig na nunukal +sa puno n~g kahoy ay sakdal n~g linaw, +ang tapát na hatol na dí nasisinsay +sa Santong matuid n~g kapangyarihan. + + San~gáng maliliit n~g nasabing kahoy +ay ang m~ga Juez, Kapitan at Hukom +na ang karaniwan ay nagsisihatol +n~g dí karampata't dahilan sa suhol. + + Na kapag hinatdán n~g paban~gong suob +at n~g sarisaring maligayang handog +ay tulad sa bakal nana palalambot +at nailalagay sa ibiguing hutok. + + Ang matang malinaw n~g Santong matuid +kusang binubulag dahil n~g pag-ibig +sa pilak, at di na halos ini-isip +ang kahihinatnán sa huling sasapit. + + Sinasabing batong magkakasing timbang +muntí sa malaki ang bigat at gaan +ang tawong nilikha sa aking palagay +guinoó ma't dili iisa rin lamang. + + ¡Ay mundo! ¡ay mundo! ¿kailan pa kaya +ang ipag babago n~g asal mong sama? +--Dalmacia'y malí ka n~g pag-uunawa +ang mundo'y talagang bayan n~g dalita. + + Sa mundo'y kung walang ipagpipighati +ay dapat tawaguing Bayan Lualhati, +kusang tapatin mo't kun sa aking wari +mundo'y parang batong kinukunang uri. + + N~g sa Dios Amá bagáng pagmamasíd +sa balang may pusong wagas at malinis +sa kaniyá ay laan ang payapang lan~git +at sa pag durusa ang balang may dun~gis. + + Kaya ang sinoman kung sa ganang akin +siyá ang bahala sa ibig puntahin +dalawa ang landas, datapua't bilin +huag pakaliwa't kanan ang tun~guhin. + + Lansan~gang kaliwa ang hindí pagsunód +n~g tawo sa bilin at utos n~g Dios +nag papakahimbing sa biyaya't lugód +na dí dinadalaw n~g gunita't takot. + + At ang daang kanan ang hindí páglihís +sa utos n~g Dios na bigay kay Moisés +ang magsipanuto doo'y magkakamit +niyaong lualhating walang kahulilip. + + Dan~gan n~ga kung bakit at di mágawian +n~g tawo sa mundo ang muntá sa kanan +--Marcela'y bihira't kun magkaroon man +ay di naghahan~gad n~g dan~gál at yaman. + + Pagka't mahaba nang panahon kapatid +ang dito sa mundo'y aking pagmamasid +ay wala pang tawong hindí nag-iibig +n~g yama't sa puri tin~galín n~g labis. + + Kun ang m~ga sadyang kunó ay ulirán +na sasalaminin n~g nan~gamamayan, +ay nan~gag bibilí n~g di karampatan, +niyang tindang sangkap sa pagka binyagan. + + Han~gád sa pagyaman kaya lumilihís +sa totoong landas n~g Santong matuid +ito'y siyang saksing dapat kunang linis +n~g nan~gádadayang ating pag-iisip. + + Kaya marami na ang ibig bumitaw +sa pagka romanong dating kinaguisnán +dahil sa halata na kinakalakal +ang religiong itong kalinislinisan. + + ¡Ay manong ang aming paumanhing hibík +n~g dí mabalisa kaming dating kabig! +magpakitang loob at huag lumihís +sa katotohanang landas n~g matuíd. + + Di bakit si Cristo niyaong nabubuhay +guinugol ang pagod hirap kamatayan +sa sang mundong tawo ay inia-alay +ang ganáp na awang dí han~gad sa yaman. + + Ang ugaling yao'y ¿naha't di mangyari +sa nan~gáriritong kuno'y kahalili +ni Cristo, ay bakit hindí bigyang saksí +n~g katotohanang pagkamakandili? + + Hindi't ang lagui naming namamasdan +ang kalakhang anyó sa nan~gamamayan +lalo't walang limos ang dukhang namatay +ni hindí na nila ibig bendicionan. + + Sa bagay ang isang tawong ililibing +bendiciona't dili yao'y iisa rin +at wala nang daang baguhi't sirain +hatol n~g Justiciang tapát na maglining. + + At kun ang bendición ang hagdang pagpanhik +sa pinagnanasang bayang matahimik +ay dí sana nila dapat ipagkait +yaong katungkulang ipagkakalan~git. + + Pagka't sila'y m~ga laáng mapagkupkup +timbulan n~g sala't n~g hindí malunod, +ay ¿bakit sa dukhang walang mailimos +ang bendición nila'y ipinagdadamót? + + Dito'y mababalak na ang pagkáukol +sa lan~git n~g tauo'y hindí sa bendición +kun hindí sa linis n~g puso naroon +ang ikararapat sa Dios na Poon. + + Sapagka't ang handang maligayang lan~git +ay hindí sa libing ang ipagkakamit +kung hindí sa gawa't wagas na pag ibig +sa Dios ang ating hagdan n~g pag panhic. + + Gawang kamangman~gan n~g linahi natin +balabaling puri ang dakilang libing +gugulin ang pilak sa walang hihinti't +ang tinatasaha'y bibig sa pagkain. + + --Dalmacia'y hintay n~ga't di na makatiis +ako sa lahat mong ipinagsusulit +¿ang lahat n~g yao'y ano't nababatid +ay isa ka lamang tubong taga bukit? + + --Tama ang sabi mo kapatid na hirang +na yao'y hindí ko dapat maalaman, +n~guni't ito'y m~ga dunong na palagay +na higuit sa Pari ang pinag aralan. + + Ako naman n~gayo'y lubós ang tiwala, +pagka't siya nilang m~ga guinagawa: +ang magpakahigpit, at ang pagka-awa +sa kapua tawo'y walang mahalata. + + Ugaling kastila'y dí binibitiwan +n~g m~ga Clerigong dito'y nan~gaiwan, +batang bagong anak na pabibinyagan +mag rerecargo na'y wala namang utang. + + Sa bayang Pulilan ang lalong masakláp +sangsalapi't walo ang sin~gil sa binyag, +yao'y tubig manding sa Jordang nagbuhat +kaya't mahalaga ang naguíguing bayad. + + Kagagawang yao'y ¿sino sa may isip +ang dí susungkuin n~g paghihinagpis? +at mapipilitang isigaw n~g hibik +ang m~ga paghamak sa wastong matuíd. + + Dito mamumulos ang paghihinala +na dí naman ganong sala ang magdaya +sapagka't ang m~ga may hawak n~g tan~ga +sa bawal ay siyang unang gumagawa. + + Akong nagsasabi hindí protestante +at sa romanista'y lubos ang pagkampí, +n~guni't hindi kayang bathing kong mangyari +na ang hindí tama'y siyang manatili. + + Paris n~g ugaling guinagawa n~gayon, +n~g maraming Pari, liban sa di gayon, +¿kung anong dahilan at pinasusuhol +ang may namatayang nagpapa-ataul? + + Ito nama'y hindí nagbigay gambala +sa kanila't tulong lamang n~g may awa +¿alín katuiran ang nagpanukalang +mag multa ang walang salang guinagawa? + + ¿Ang santong religion baga ang may halál +n~g ganoong m~ga palakad sa bayan? +sa banta ko'y hindí at ang kabanalan +ay dí nagnanasang mag imbot n~g yaman. + + Kung sa bagay amin namang natatatap +na kayo ay walang ibang paghahanap +at may ilang tawo na kinakagawad +na nan~gagaantay n~g ano pang bayad. + + At saka ang Pari nama'y may gutom din +na nagkakagugol tungkol sa pagkain, +¿dahil kaya roo'y di na salang hin~gín +ang labis na bayad sa takdang arancel? + + ¿Ito kaya'y hindí kusang pagsalansang +sa linis n~g utos ninyong sinumpaan? +ó baka sa amin lamang nababawal +at sa m~ga Pari hindi kasalanan. + + N~guni at ang inyo namang nakikita +sa bayad n~g Bayan ay labis labis na +may dakilang libing, kasál at binyag pa +may pamisa't saka sarisaring pista. + + Ito nama'y pawang pinagbabayaran +n~g dí naman mura't sa halagang mahal, +yaón sa wari ko ay labis na naman +aywan sa m~ga may han~gad sa yaman. + + Ang lahat n~g ito ay dapat damdamin +ninyo't mawiwikang kulang n~g pagtin~gín +--oo ang sagot ko, n~guni't pagwari-in +na ang nangyayari ang dapat sisihin. + + Dili baga kayo'y ilinagdang pastol +sa tanang alaga'y makapagtataboy +sa sawíng kalin~ga ay nan~gagsilaboy +at sa ibang sexta nasok napa-ampon. + + At ang katuirang isinásalita +ang sila ay walang aantaing pala +balát-kayong banál, buting pakunuwa +sa bulág na wari umang na paraya. + + At kung kaya kayo'y Kurang nan~gatanghal +na pinipintuho sa lahat n~g Bayan +dugo't, búhay hirap nami'y pinuhunan +saka n~gayo'y wala munti mang pagtanáw. + + Bagkus pang pahirap siyáng ginagawa +sa búhay n~g m~ga tawong maralita +ang limos sa patay na dating mababa +n~gayo'y tinaasa't hindí mapaghaka. + + ¿Anong dahil kaya n~g sumasa-isip +kabuhayan nila'y hindí naman guipít? +yao'y nau-ukol sa tawong balawís +at hindi sa m~ga sálaminan bait. + + Ang ganitong sabing pawang masasakláp +dí naman mangyaring mabig-yan kong salág +sa pagka't di lihim at natatalastas +n~g madlá, ang inyong hindí pagtatapat. + + Dahil dito'y siyáng sanhíng nag-aakay +n~g pagkabalisa sa kinamulatan, +sapagka't ang landas na talagang daan +n~g santong matuíd ay linilihisan. + + Ano pa't kung aking págunamgunamin +sanhing nagbibigay guló n~g panimdim +kung ano't sa m~ga ulirang susundin +doon tumutubo ang PUNO N~G DILIM. + + Ito sa dibdib ko ang matinding bikik +at dahil n~g aking luhang naguiguilid +kahimawari'y magsipanumbalik +ang nan~gáliligaw sa Daang Matuíd. + + Upanding kung tayo'y magka-ayos-ayos +sa pagkaka-sundo't magka-isang loob, +magban~gon ang ating Inang nakalugmók +sa nadustang búhay na kulunos-lunos. + + At dí mangyayaring itulot n~g lan~git +yaóng Kalayaang ninanaisnais +hangang naghahari ang kuhilang isip +sa atin, at saka ang ugaling inguít. + + Ganito ang siyang kutóg niyaring loob +hindí pan~gun~guna n~g dunong sa Dios +Marcela'y hin~gi kong bigyan mo n~g sagót +kun ang palagay ko'y hindi náaayos. + + --Dalmacia ay tama ang iyong palagay +aywang sa lalong pantas na magnilay +na dí itutulot yaóng Kalayaan +sa kulang n~g wasto't walang kahusayan. + + N~guni ¿ano bagang iyong napapansin +at magulong bayan ang ipinagturing? +--Marcela'y hindí mo pala nalilining +daming nag-iibig Punong kilalanin. + + Pinangugugulan n~g pagod at pilak +ang kilanling Puno't sa Baya'y matanyag +--Dalmacia'y dí natin mabibig-yang sukat +ang lihim n~g puso nila't hinahan~gad. + + At sakasakali na ang na sa isip +nitong sumasagui sa pag-uumibig +ang makapagsabog n~g malasang tamís +níyaong maligayang bun~ga n~g tangkilik. + + + + +_Ang pag-alis ni Dalmacia_ + + + Paalam na mutia't lilisanin irog +ang m~ga titig mong ligaya n~g loob +--oo datapua't huag isalimot +akong kapatid mong nahahandang linkod. + + O kun dili kaya ay dito na kita +matulog at bukas muwi n~g umaga +--Huag na't sakaling baka kumutog pa +ang kung ano't ano kay ama't kay ina. + + Adios Marcela.--Dalmacia,y matnubay +sa iyong paglakad ang kapayapaan +--ako ma'y gayondin, búhay mo'y in~gatan +sa gabing pagtulog n~g Angel na bantay. + + Na huag ka nawang dalawin n~g init +han~ging nagbubun~ga samang panaguinip +--ako ma'y gayondin ang taguríng hibík +abót ang kamay ko't magdaop n~g dibdib. + + Aalís na akong lin~gon ka n~g tanáw +titig ko Dalmacia ay pumapatnubay +malayong adios,--adios din namán +lupít n~g sakuna ay magpakundan~gan. + + + + +Ang pagbabalik ni Dalmacia n~g kinabukasan + +=Ikatlong pankat= + + + Narito na ako--Kita nama'y antay +¿anong búhay ninyo kagabing nagdaan? +--Sa awa n~g Dios ay walang ligamgam, +kan~ginang umaga'y tumangap n~g liham. + + Na ang sinásabi tungkol sa pag-ibig +padalá n~g isang binatang matalik +n~g tinatahak na n~g aking panitig +mahambal ang dating matipid kong dibdib. + + Na dahil sa hibík na kalaguimlaguim +nitong nagsasabing kinatawan papel +narito Marcela at iyong basahin +ikaw man banta ko ay mahahambal din. + + Ohó! at kung gayon ay makadudurog +n~g pusong matigas ang haing pag-luhog? +--Narito Marcela't sa kamay ko'y abót +ang makababaklang daing n~g pag-irog. + + Babasahin ko na, kapatid na guiliw +ang pag-sintang mana sa linahi natin +huag mababaklá ang iyong panimdim +sapagka't ang mundo'y lubhang sinun~galing. + + + + +_Palasinta n~g binatang si Constancio_ + + + Poon n~g pag-irog huag maguing sawí +ang hibik n~g pusong na sa sa pighatí +sapagka't ang sinta'y walang hinihin~gi +kundí ang li~ngap mong ilulualhati. + + Kaya huag mo po sanang ipagkait +ang lunas na awa sa aking pag-ibig +kung nasasadhán man ang pinto n~g dibdib +buksi't salubun~gin n~g iyong tangkilik. + + Yayamang sapagka't ang iniluluhog +sa m~ga yapak mo'y banál na pag-irog, +tipid n~g bighani mo po'y malamuyot +na isakandun~gan n~g lin~gap ang lingkod. + + Papagkamting palad ang sa pusong hibík +na ikaw ang maguing ligaya ó Lan~git +n~g dustang búhay ko't magpahangang guhit +ay paglingkuran kang kabiyak n~g dibdib. + + + + +_Nang matapos nang basahin ni Marcela ang padaláng sulat ni +Constancio_ + + + --Nákilala ko na ang saráp n~g daing +n~g nag-u-umanong puso sa pag-guiliw, +ikaw ang bahala nguni't pag-isipin +ang pang adyang dapat sa huling daratnin. + + Sa lakad n~g mundo'y panahong niniral +ang isang parista'y sukat katitimbang +ang lalong matatág ay nan~gahahapay +sa dunong n~g isip nilang mapanglinlang. + + --Tama ang sabi mo kapatid na liyág +na tayo sa mundo'y sukat kaí-in~gat, +n~guni't sa warí ko'y hindí masasalág +kapagtalagá nang tadhana n~g palad. + + At may matatandang nagsisipagsabi +at sampo n~g aklát ay namamarali, +tawo sa anomang bagay na mangyari +yao'y katutubong taglay sa paglakí. + + Dalmacia kung tungkol sa sinabi mo'y +hanapin n~ga natin ang pagkatotoó +n~g isang nangyaring dí anhi'y ganito +na ang nagsasabi ay Novelang libro. + + Kunó ay may isang principeng masiglá +nagtanong sa lalong pantas ó bihasa +ang wika'y turan mo na kung sino bagá +tun~go n~g palad ko sa pagaasawa. + + Sagót n~g tinanong--principeng maran~gal +ang takda n~g iyong daláng kapalaran +ay babaying pan~git at dí dugong mahal +yao'y asahan mo't siyang káraratnán. + + Ang dalagang ito'y isang fondadista +walang hanap búhay liban sa magtinda, +anitong principe--saan lugar baga +--Ay na sa sa libis n~g tuláy n~g quinta. + + Kung gayon ay ating saglít na parunan +ang tun~go n~g aking dalang kapalaran +at tatayahin ko kung may karampatang +masukob sa lilim n~g taglay kong dan~gal. + + Yaon na't sa quinta nang sila'y dumating +itong fondadista'y itinurong lihim +hindí iba't iyan, principeng butihin +ang takdá n~g iyong kapalarang angkin. + + Ako'y aalis na't ang bahala'y ikaw +mag-isip n~g lalong kagaling-galin~gan, +n~guni't ang hula ko'y hindi mabibigyan +n~g litis, at yaon ang pangyayarihan. + + Pinagmalas nan~ga't pinag-isip-isip +ang maguiguing kasing kabiyak n~g dibdib +ay walang makitang ipagkakalan~git, +nagbuntong hinin~ga't luha'y bumalisbis. + + Diyata't ang dugong sa korona galing +hamak na babae ang kakasamahin +dustang kapalara'y nang diko tangapin +mag-isip n~g lalong nararapat gawin. + + Nang hindí mangyari ang takda n~g palad +putlín ko ang ulo't yaon ang marapat; +linapitan na n~ga't liig ay tinigpas +nitong walang malay sa pagkapahamak. + + At ipinatapong madali sa ilog, +anopa't tinan~ga'y n~g matuling agos, +sa nangyaring yao'y sabihin ang lunos +n~g nan~garoroong matáng nanónood. + + Pinatay at sukat wala namang sala +ang kahabag-habag na abang dalaga, +¿alin kayang luha n~g makakikita +ang dí aakaing bumalong sa mata? + + Di naman mangyaring mabig-yan n~g ganti +palibhasa'y isang dakilang principe, +anopa't wala nang anomang nangyari +kung kahima't labag sa utos n~g Ley. + + Babaeng pinatay sa Novelang sulit +ay kusang nabuhay sa dunong n~g Langit +at muling naugpong pinutol na liig +napadpad sa ibang reino't dalampasig. + + Kagandahang palad nátagpo pagdaka +n~g isang lalaking namamalakaya +namangha ang boong págkatawo niya +at sinapantahang diwa'y taga gloria. + + Wika sa sarili mahaba nang araw +ang dito sa mundo'y aking pagkatahan +ay walang ganitong dilág kagandahan +aywan kung mayroon sa langit na bayan. + + Pagdaka'y binati n~g ganitong sabi: +Tabi sa dan~gal mo mahal na babae, +ikaw baga'y sino't anong layon dini +sa ganitong oras at lalim n~g gabi? + + --Huag maguing sawí ang aking panugón +sa kamahalan mo mamang tumatanong, +pinagmulan ko po'y hindí mapagnoynoy +gayon din ang aking dito'y pagkatuntong. + + Kabuhayang yarí di ko mapag-lirip +na diwa'y nagbuhat sa dunong n~g langit +pinagmulang baya'y di po maisulit +at n~gayon pa lamang ako nagka isip. + + Kaya ikaw na po ang siyang báhala +na dini sa abang búhay ko'y magpala; +ituring na anak sa pagaanduka +at kikilanlin kang amang nagkalin~ga. + + Kung gayo'y halina anang nakapulot +n~guni'y namamanghâ ang sa tawong loob, +pagdating sa bahay ay pinapagsoot +n~g damit na tuyó ang anak ni Venus. + + At isinalita sa asawang hirang +yaong pagkakuhang mahiwagang bagay, +sabihin ang tua't dî na ibig lisan +n~g dalawang mata yaong kagandahan. + + Nagsasama na n~gang bilang din sa anak; +at magulang namán ang gawang pagtupád +di ko pagaanhin dumating ang oras +lihim n~g Lumikha'y kusang mapatanyag. + + Mag-asawang hari ay sa pagpapacial +sa lansan~gang yao'y manáng naparaan +dilág n~g napulot ano'y nang mátanaw +ang matuling takbo ay pinapaghintay. + + Sa carrosa ay biglang umibís +at sa maralitang bahay ay pumanhík +ang kapangyariha'y hindí na nagamit +ang puso'y nabaghán sa himalang dikít. + + Ang mahal na hari tumanong pagdaka. +--ito baga'y anak ninyong mag-asawa? +sagot n~g tinanong--dakilang Monarka +iyan po'y pulut ko lamang sa aplaya. + + Na di ko mawari magpahanga n~gayon, +kabuhayan niya, haring pan~ginoon, +pagka't kailan mang kunang ko n~g tanong; +sabing talinghaga ang itinutugon. + + --Kun gayon--ang sagot n~g Sakramajestad +sa kalakhan nila'y paumanhing gawad +kami na ang inyong loobing mag-in~gat +at siyá ay aming paparahing anak. + + --Oo po hari ko--ang panagot namin +at sinong tatangui sa magandang hiling, +mabigat bigat man na kung sa dadalhin +ang atang mo'y pilit naming papasanin. + + Huag lamang haring ibintang n~g dibdib +na parang gusto na naming siya'y malís, +Mahal na babae tanto mo na't batid +itong sa Monarkang ipinamamanhik. + + Sagot n~g dalaga'y--may dí pangyayari +ang hindí pagayo'y lapastan~gang tanguí +ang damdam n~g puso'y di na nakaganti +sa anduka ninyo at pagkakandili. + + --Huag panimdimin at laking ligaya +niyaring aming loob ang mápabunyi ka +sa kandiling in~gat n~g ating Monarka +bakit walang anak ang mahal na Reyna. + + --Magaganap na po oh Sakramajestad +ang hiling n~g pusô--Maraming salamat +babae'y kinawit n~g Reyna at kagyat +isasa-agapay n~g kaniyang lakad. + + --Sumandaling hintay--ang ipinagsulit +sa kamay ni ama muna ay hahalik +gayondin sa aking inang nagtankilik +ipaalam na't kayo'y in~gatan ng Lan~git! + + Naghiwalay na n~gang luha'y nalalaglág +nitong maiiwa't magtatamong palad +ang mata n~g Reyna sa laki n~g galak +di na ibig lisan ang himalang dilág. + + Yaon na't tinungo ang Palacio real +kapagdating doo'y agad binihisan +n~g damit na piling dí sangkap ang dan~gal +ang kahalimbawa'y bitwing sumilang. + + Sa kinabukasan hari'y nagpalakad +n~g utos na gawing pilit ang pagtupad +na ang magsabing hindí niya anak +ay paakasahang buhay ang katapát. + + Nagpatabas nan~ga n~g damit princesa +pinili ang kayong lalong mahalagá +at kapagkayari'y ipinasuot na +walang dí hahan~ga sa himalang ganda. + + Nang princesa na n~ga siyang tinatanghal +sa sakop na Reyno n~g nagtatangkakal, +bilis n~g balita ay nan~gagliparan +sa iba't iba pang m~ga kaharian. + + Sigaw n~g balita'y ¿ano't nániniig +ang napapanahon sa nasang pag-ibig? +naroon ang ganda na sukat sa titig +ay magsisilayas ang lahat n~g sákit. + + Bubugtong na anak ang himalang ganda +ng nagkakandiling haring magasawa +nang ito'y márinig ay nagsigayak na +ang nangaguusig sa nasang pagsinta. + + May principe't duque, konde't kaballeros +na ang pagsasadya'y tungkol sa pag-irog +at gayon din namang balita'y umabot +sa taksíl na tawong principeng pumugot. + + Nagsadya rin naman na paris n~g iba +na ang tinutun~go'y ang nasang pagsinta +dilag n~g princesa'y n~g tamaang matá +tumapon ang isip sampong kalulwa. + + Anopa't sinupil nabihag ang dibdib +niyaong kay Kupidong dahás n~g pag-ibig +nang mag-uling loob nagsakdal sa lan~git +na panungtang palad ang magandang nais. + + Nan~gag-alay na n~ga n~g sinta't paglubog +ang nagsípagsadyá sa nasang pag-irog +kung anong hiwagang kaloob n~g Dios +ang naguing asawa'y ang principeng nugot. + + Ihahangang dito ang kináhinatnán +n~g abang dalagang kinitlán n~g búhay +¿ang principe baga'y kung kaya nákasal +ay talagang utos niyong kapalaran? + + --Ano pang liwanag iyong hahanapin +sa nangyaring yaon, kapatid na guiliw, +pinutlán n~g liig muling nabuhay rin +palibhasa'y siyang kapalarang taning. + + --Tama ang sabi mong nakasal kapatid +pagka't princesa nang kagandahang labis +kun ang dating búhay siyang ipipilit +makalilibo ma'y puputlan n~g liig. + + At may pangyayari kayang makasal pa +sa lalaking buháy babaeng patáy na +dito'y liwanagan mo n~ga sa dalawa +sa palad at gusto'y sinong nan~gauna? + + Itong kapalaran kung pag-iisipin +ay parang busabus n~g pag-ibig natin +at walang sarili siyang mararating +kun ang haring gusto'y siyang tumitiguil. + + Aywan sa ibang nangyayaring bagay +kung tungkol sa ating daláng kabuhayan +may dukhang nanakyat sa luklukang dan~gál +at may darakilang naaabá naman. + + Yaong sinasabing nan~gapapahamak, +nalunod ó kayâ natuka n~g ahas +baka naroroon ang kaya n~g lakas +niyaong sinasabing naghaharing palad. + + Nguni't sa kalakhan n~g haring pag-irog: +itong kapalaran ay naninikluhod +palibhasa'y siya'y nahahandang lingkod +sa anomang bagay na ipag-u-utos. + + --Makáhahalakhak kung pagwawariin +ang katuwiran mong panagot sa akin, +¿diyata't sa dahás n~g haring pag-guiliw, +itong kapalara'y talagang alipin? + + Huag kang palulong irog na kapatid +sa dunong ng iyong námamaling isip +itandâ sa noó at saka sa dibdib +na ang kapalaran ay hulog n~g Lan~git, + + Dí baga ang m~ga alay na pagluhog +sa isang babae'y halál n~g pag-irog +ay bakit kung hindí bigyang pahintulot +tátan~gá na lamang at maghihimutok. + + ¿Nasaan ang dahás n~g haring pag-ibig +na sinasabi mo guiliw kong kapatid? +ang kapangyariha'y bakit dí magamit +na ang sumasamong pagsinta'y ipilit. + + Asal n~g pag-ibig ang sumamosamò +at sa sinisinta'y maghandóg n~g suyò +tuíng máhaharáp sa lan~git n~g puso'y +nagpapakilala n~g pamimintuhò. + + Yaon man at hindí ipagkakaloob +n~g palad ay sayang ang puhunang pagod, +ihahangang dito kapatid na irog, +¿may matuid ka pa bagang isagagót? + + --Tamà ang tugon mo kung didingin lamang +n~guni't mayroon pang náninirang bágay +pagka't ang pinilit na ikinakasal +_nulo_ sa kastila kang ito'y pan~ganlan. + + Sapagka't ang dilág n~g pag-aasawa +buhat sa kasundo n~g pusong dalawa +kailan ma't hindí ganáp ang pagsinta +walang kabuluhan yaong pagsasama. + + Bakit nang panahong tayo'y maligalig +na ang pilipino'y magsipanghimagsik +ay daming babaeng nákasal sa pilit +¿yaon kaya'y palad na hulog ng Lan~git? + + Hinayang sa buhay ang sanhing pag-amin +takot sa maikling pamatay at baril, +n~gayon ang tanong ko, kapatid na guiliw +¿yaon kaya'y utos n~g palad na taning? + + --Di kung gayon pala itong kapalaran +ay walang sariling lakás na sinimpan, +sapagka't kung hindí humin~ging tulun~gan +n~g baril ay hindí mapilit ang ayaw. + + At bukod sa rito kapatid na irog +kun ang kapalara'y sa lan~git na hulog +di na mangyayaring daanin sa takot +pagka't yao'y bawal n~g banál na utos. + + Kaya't anhín ko mang tanun~gin ang isip +nag-áalan~ganing mayag yaring dibdib +na pawawalan mong lakás ang pag-ibig +at ang kapalara'y siyang mananaig. + + Ang bagay na ito'y sinabi ko lamang +di ka pinipilit na ako'y ayunan, +n~guni't sa sarili n~g bait na simpan +ikaw ang bahalang sa wasto'y magtimbang. + + At kung matagpuan n~g pantás mong isip +ang kalulunduan n~g hustong matuwid +hinahong papayag naman yaring dibdib +at tatangapin mo ang aking panalig. + + Bakit sa kanitang pagsasamang ganáp +itong pagtatalo'y hindi nárarapat +at saka himalang makita n~g lakás +n~g lampá tang isip ang ililiwanag. + + Itong atin n~gayong pagsasalitaan +n~g balabalaking magunitang bagay +ay para na bagang isang pagsasanay +n~g tumulín tulín isip tang mabagal. + + --Oo n~ga Marcela't yaon ang matuid +han~gang nabubuhay sa silong n~g lan~git, +ang tawo'y piliting dumunong ang isip +sa kapanahuna'y nang hindí maguipít. + + Mag-aral n~g m~ga wastong pan~gun~gusap +na makakalugdan n~g kinakaharap +at yaon ay isang karan~galang sangkap +n~g tao kahima't nagmula sa hamak. + + At ang pan~gun~gusap ay ipapanahon +huwag sa bala nang salita'y tútugón +at ang pagnanasang pan~ganlang marunong +lalong nagbabansag niyaong pagkagungong. + + Ang palalong anio't kilos na magaslaw +sa gawa at wika'y páilag-ilagan +sa isip na puri hindi't kapintasan +ang maguiguing bun~ga't tubong pakinabang. + + Ang pagmamabini't bala't kayong hinhin +kung dí katutubo naman ay wala ring +aantaing puri't bagkus babalutin +sa pula't siphayô n~g dilang matabil. + + Sampo pa n~g ama't inang nag-anduka'y +masasabisabing diwa'y nagpabaya, +at kung hindí gayo'y di naman lálalâ +ang lumaguing gawing may katalong pula. + + Ihahan~gang dito't dapat ding mag-in~gat. +ang tawo sa pulan~g nagsalasalabat +kung dí man máluklok sa dakilang taas +ay huag mangyaring malunod sa libák. + + --Ang lahat mong saysay Dalmaciang kapatid +ay dapat ilimbag sa ubod n~g dibdib, +n~guni't ang hiling ko'y huag ipagkait +¿naganti mo na ba ang padalang titik? + + --Hindi n~ga Marcela; ito'y isang bagay +na isasanguni sa pagmamahalan +at ipahahayag tanáng kalihiman +niyaring aking dibdib mula niyaong araw. + + Maniwala ka kapatid na guiliw +ang liham na yao'y mula nang tangapin +salamat at di mo palá nápapansin +na yaríng isip ko'y nagpaparang halíng. + + Sa alay na sintá ni Constancio't hibik +nag-aalan~gnin sana yaring dibdib, +n~guni't sa pasiyang hatol n~g pag-ibig +dí dapat itakuil ang sa pusong lan~git. + + Kaya buhat na n~ga n~g aking tan~gapin +ang padalang liham, kapatid na guiliw, +parang binabaka ang gulong panimdim +na dí matutuhan ang dapat kong gawin. + + Ito'y hindí sana dapat pamalayan +sa kahit kan~gino at kahalayhalay +na tayong babayi pala'y nagdaramdam +n~g matinding dusa sa nagugustuhan. + + N~guni't sa malinis na pagkakatali +n~g kanilang puso'y nuha't ang bighani +na pagtapatan ka't yaring dalamhati +n~g tungkol sa sinta'y magkalualhati. + + Upanding sa iyong magagandang hatol +ligalig n~g aking puso'y huminahon +sa padalang salat Cela'y nagtatanong +kung ano ang dapat na maguing panugon. + + --Diyán sa hiling mo guiliw na kapatid +na hatulan kita n~g itatahimik, +walang mágagawa yaring aking isip +kun ang iyong puso'y supil n~g pag-ibig. + + Sapagka't ang dahás n~g Haring pag-irog +ay dí gumagalang at dí natatakot, +walang katuirang ina-alinsunod +liban sa ang nasa lamang ang masunod. + + Pagpayuhan ka mán n~g lalong matuid +ang kalihiman mo'y hindí rin didinig +lunas na pagpulhan n~g itatahimik +ay ang katutubong sarili mong bait. + + At yaon ang siyang makapag titimbang +n~g lalong marapat sa kahihinatnan +yayamang sapagka't dati mo rin alam +ang lakad n~g mundo't panahong niniral. + + Iyong magagawa boong pag-iin~gat +kung may panimdim kang puri'y mapahamak +at ang kabaita'y siyang naghahawak +sa ikasasawi n~g dáratning palad. + + Ang sinomang tawo'y pagka't sinangkapan +n~g tatlong sandatang talagang panglaban +kailan ma't ito'y di mo bibitiwan +ay dapat umasang ipagtatagumpay. + + Sapagka't kung ito'y di mo isasalong +sa digma n~g mundong laláng n~g panahon +ay pakaasahan na ipagtatan~gol +ikaw sa lahat nang sakuna't lingatong. + + Huag maniwala ang lapok na loob +na tayong linikha'y may talagang signos +sapagka't ang tawo'y kung sumasa-Dios +ay walang pan~gamba't hindi matatakot. + + Kaya n~ga sa awa niyaong Matankilik +na nagpakaduk-ha ay doon manalig +na pagpinagtibay ang sariling bait +walang magagawa ang lilong pan~ganib. + + Tungkol sa hiling mong kita'y pagpayuhan +sukat hangang dito ang kaya ko lamang +at ang dakong hulí n~g káhihinatnán +ay wala sa aki't ikaw ang may tan~gan. + + Kaya hangang dito't asahang kalakip +sa makakayanan yaring aking dibdib +n~guni't sa tadhana n~g Haring pag-ibig +sarilinan tayo n~g mapagsasapit. + + --Salamat sa iyo kapatid na guiliw +sa m~ga hatol mong palagay sa akin, +na ang kabaitan ang papagtibain +at ang pag-aadya n~g Nakop sa atin. + + Paalam na muna ako at aalis +si ama't si ina'y nang dí nai-iníp +kung walang dahila'y asahang babalik +sa araw n~g bukas guiliw kong kapatid. + + --Adios Dalmacia't kung walang hilahil +inaantay kita sa araw mong taning +at ang taguri ko'y huag lilimutin +ang pagmamahalan magpahangang libing. + + + + +Ang pag babalik ni Dalmacia + +=Ikaapat na pankat= + + + Narito na ako kapatid na irog +¿anong buhay ninyo kagabing pagtulog? +--nagdaang payapa na awa ng Dios +¿kayo nama'y ano? Wala ring sigalót. + + N~guni't nang matapos kami n~g agahan +tumangap na mulí n~g padalang liham +na ang hinihiling niyaong karain~gan +ang magandang nasa'y bigyang kasagutan. + + Narito Marcela at iyong abutín +itong ikalawang hatid na pagdaing +--Dalmacia'y oo n~ga't aking babasahin +na kung anong bagay ang sa pusong hiling. + + + + +_Ang pagbasa ni Marcela sa pan~galawang hibik ni Constancio tungkol sa +pag-ibig._ + + + Nunulí na naman ang aking paghibik +sa m~ga yapak mo, Poon n~g pag-ibig, +na sa karain~ga'y huag ipagkait +ang lunas na awa sa may dusang dibdib. + + N~guni't kung hindí mo naman maaatim +ang lun~goy n~g puso't bawal n~g pag-amin +ay wala nang buhay na dapat ituring +at parang himbing na sa hantun~gang libing. + + Kaya kung sakali't nagaalan~gán man +sa hiling n~g aking nagdurusang buhay +mabighani ka ring iyong pagpayuhan +ang sariling puso't magtaglay n~g hambal. + + At nang sa dalita'y upang makahugot +ang nálulugami sa nasang pag-irog +ipagkatiwala sa hihinting sagót +ang iguiguinhawa niyaring abang lingkod. + + Ihahangang dito at pakahihintin +ang tapát mong hatol sa alay kong daing, +lakip ang kumusta't sa kayang pupulhin +ay natatalagang lingkod hangang libing. + + + + +_Sagót ni Marcela._ + + + Dalmaciang kapatid ang ganitong liham +ay paban~góng suob sa tinataghuyan, +upáng sa amuki n~g pagsintang alay +ang pinto n~g iyong bighani'y mabuksan. + + N~gayon ang tanong ko kapatid na guiliw +huag paglihima't magtapat sa akin +tungkol kay Constanciong handog na pagdaing +¿may palad na baga siyang tatangapin? + + --Sa tanong mo Cela'y bakit maglílin~gid +ang pagsasama ta'y higit sa kapatid +ang katotohana'y siyang isusulit +bagay sa binatang dulot na pag-ibig. + + Nang nakararaang di pa tinatangap +ang ina-asam kong pahatid na sulat +ay nau-una na siyang nakalimbag +sa lihim n~g aking katauhang bihag. + + At nang tangapin ko ang sinugong titik +walang paglulanan n~g tuá ang dibdib, +gayon man ay aking pinátipid tipid +na dí nagpamalay sa tawong naghatid. + + Anopa't ang aking ligayang tinangap +sa pagdating niyaong sinugong kalatas +di lubhang nalaon ay nan~gagsilipas +at ang humalili ligalig at sindak. + + Unang nagunita't sanhíng nakahadlang +ay ang pagka habág sa m~ga magulang +lapastan~gang anak ang di na tumanaw +sa hirap dálita nilang pinuhunan. + + Bukod pa sa rito'y nang mag-isip-isip +alab n~g gusto ko'y nasubhán n~g lamig +dahil sa balitang aking nadidin~gig +na ang tawong yao'y lahing mababagsík. + + Bulong n~g himaton kahit may asawa +sa ibang babayi ay nakikisama +dahil dito'y siyang niguil umantala +sa malagong tubo n~g aking pagsinta. + + Yao'y siyang sanhi't bilang na pumiguil +sa náunang siglá n~g aking pag-guiliw, +n~guni't maniwalang sumasalisi rin +sa buntong gunita na siya'y tangapin. + + N~gayon ko natantong ¿anong tinding bigat +iwaksi ang sintang diwa'y may kamandag? +na nananalatay sa lahat n~g ugat +kaya't di mangyaring biglaing makatkat. + + N~guni paghinahon bulág na pag-ibig +idila't ang iyong nadidimlang isip +kung papatulan mo ang hiling n~g dibdib +ay mahuhulog ka sa madlang pan~ganib. + + Kung naroroon na sa kamay n~g sukab +lahing mapaglilo sa asawang liyag +dí ang kailan~gang gagawing pang lunas +sa hapdí n~g puso'y luhang tatagaktak. + + Piguil aking loob at alalahanin +ang pagaasawa'y matinding dadalhín +kung makatagpo ka n~g ugaling taksil +magsisi ma'y huli't walang mararating. + + Lalo na't lalaking laguing mapagbintang +sa dí guinagawa'y paghihinalaan, +marahil ay di na panghihinayan~gan +sa ikadadalí ang lapok mong buhay. + + Lalagui ka na n~ga sa tinaghoy-taghoy +magsisi ma'y huli't wala nang panahon, +anopa't kaya ka lamang huminahon +kung maguing bangkay na't katawa'y maburol. + + Ito'y karaniwang aking namamalas +sa m~ga babaying sinasamang palad +siyang umi-iguib, kilik pa ang anak +na dí pinapansin n~g lalaking tamád. + + Sampong pagkabúhay na ipagtatawid +n~g asawa't m~ga bun~ga n~g pag-ibig +ang tungkuling yaon ay wala sa isip +at di nahihiya sa nakamamasid. + + Ang lahat n~g ito'y dapat isadili +na kahihinatnan n~g isang babayi +kung naroroon na'y walang mangyayari +liban sa managhoy ang iyong sarili. + + Sa lahat n~g ito katawan ko'y bakit +hangang may panaho'y milag sa pan~ganib +kun katungkulan man ang gawang umibig +huag kabibiglá at mag-isip-isip. + + Yaong kay Constanciong alay na pag-irog +na naguing bun~ga n~g aking pagtulog +pakapipiliting iwaksí sa loob +at sa dalamhati nang hindí mahulog. + + Sapagka't kung siya'y magmana n~g asal +sa m~ga linahi niyang pinagmulan +na nangbabayi at ang katungkulan +sa sintang asawa'y ipinamimigay. + + Di kung magkagayo'y alin pa ang háyap +niyaong dalamhati ang hindí susugat +dini sa puso ko at ¿gaanong antak +ang ipagdaramdam ng saliwang palad? + + Ang lalong marapat ako'y mamayapa +sa piling ni ama't inang nag-andukha +at doon na hihintin ang laáng tadhana +niyaong kamatayang pagpanaw sa lupa. + + ¿Sa madlang pasiyá niyaring aking dibdib +nararapat kaya Marcelang kapatid? +--Oo ang sagot ko't hindí nalilihis +kung may kapalarang matay sa tahimik. + + N~guni't itong tawo'y kung talagang laang +sa pag-aasawa'y mapa-abáng buhay, +ang mata n~g isip ay nabubulagan +sa masamang palad niyang káraratnan. + + Masdan mo Dalmacia't siyáng nangyayari +sa mapapasawing paris tang babayi, +kahima't mayaman at anak sa puri +sa sinta n~g dukha ay napahuhuli. + + Kaya ang sinoma'y bulaan ang bait +at ang matalinong m~ga pag-iisip +supil n~g tadhana't hindí magagamit +ang siya'y umilag sa maling pag-ibig. + + Daming pasalamat ang itinutungkol +sa kabaitan mong taglay ang hinahon +at dí nabalinong puso mo'y lumusong +sa hiling n~g mundo't udyók n~g panahon. + + Sapagka't ang isang babaeng gaya ta +talagang laán sa pagaasawa, +may napapa anyong palad sa guinhawa +bukod sa sariling kanlong n~g ligaya. + + Bakit ang madalás ay ang pagkukulang +n~g isang babayi sa asawang hirang, +anaki ang ibig ay siyang magtan~gan +n~g ipangyayari sa lahat n~g bagay. + + At pagbibintan~gán ang asawang liyag +n~g dí guinagawa at wala sa hagap +ito'y di lulubay n~g tínalak-talák +han~gál na babaying walang puring in~gat. + + May dí pagkabugnot at bigyan n~g tabig +kung nagupunó na sa di gawing galit, +yao'y hindí buhat sa talagang bagsik +kundí sa babaying samang bukang bibig. + + Halihalimbawang may katotohanan +ang bikig n~g pusong ipinagbibintang +yao'y hindí dapat ipagmaka-in~gáy +pagka't sa asawang pan~ganib n~g búhay. + + Kaya sino ko man irog na kapatid +na may asawa nang pinakai-ibig +kung may panibugho ka mang ini-isip +ay pakabalutin sa lihim n~g dibdib. + + Lalo't may asawa ang patatamaan +sa kutóg ng iyong malíng pagbibintang, +dí parang ikaw na ang nagpapatnubay +sa ikadadali niyaong kamatayan. + + Kung mapan~ganyaya ang asawang liyag +n~g dahil sa iyong dilang talipandas +¿maagaw mo pa kayang máiligtas +ang nása kamay na n~g pagka-pahamak? + + Kaya ang payo ko m~ga guiniguiliw +sa ubod n~g puso'y itandang magaling +kung mayroon ka mang panibugho'y tipdin +at saka ihibik sa oras na lihim. + + Na ang sabihin mo'y kulang ang ihalik +sa bakas n~g yapak, asawa kong ibig +tungkol sa anyo mong aking námamasid +n~gayon ang luhog ko'y limutin sa isip. + + Alalahanin mo, asawa kong hirang +na ako ang iyong katagni n~g búhay +ikaw ang sinta ko't kaisang katawán +kun ang pagsasama'y hindi durun~gisan. + + Kaya ako'y huag sanang pagliluhin, +pagka't ang damdam ko'y karamdaman mo rin +sa bawal kong ito't di ka papipiguil +magkukusa akong lulusong n~g libing. + + At dí makakayang itagal n~g dibdib +ang párusang ako'y dayain n~g ibig +at ito ang siyang sanhing maghahatid +niyaring abang búhay sa hantun~gang guhit. + + At ang pagkukulang n~g iyong pagtin~gin +sa m~ga anak ta'y ang ihahabilin +ang buntong hinin~ga, at anong gagawin +sinásamang palad sa amang nag-ankin. + + Masdan natin dito kung hindi lalambot +sa pusô n~g isang kasing ini-irog +at mabibighaning mahambal ang loob +lalo't ang luhà mo'y makitang nanagos. + + Kung sakasakali't hindí rin didin~gig +sa m~ga taghoy mo't malunos na hibík, +sukat sa magbata't idaing sa Lan~git +na siya'y loobing magbago n~g isip. + + Iligtas sa madlang abang na pan~gamba +ang kasing irog mong supíl n~g anyaya +n~g mundo't ilagay ang boong pag-asa +sa dunong na lihim n~g Lumik-hang Amá. + + At kung baga siya'y dí rin magbabago +n~g pagkálugami sa daya n~g mundo +ang loob mo'y huag namang mabubuyó +na sa dalamhati gumanting maglilo. + + Ang isang lalaki kahima't maglihim +dilág n~g asawa'y, lalong nagniningning, +n~guni't kung babayi ang siyang magtaksíl +ang abang lalaki'y nagmumuk-hang halíng. + + Titigas ang buhók at magbabalita +ang kulay at anyong siya'y nadadayâ +sa pagkakagayo'y ¿dí ka naman kaya +nagdadalang habág, babaying kuhila? + + Dilidilihin mo't ikaw ang may tan~gan +niyaong mahalagang putong na kinamtan, +na kapag nabagsak ito at pinugay +ay parang gumiba n~g isang Sambahan. + + Salamat na lamang kapatid na kasi +kung bigyang panahong magawa ang sisi +kamatayan nati'y hindí nagsasabi +n~g araw at oras na ipanagyayari. + + At magandang pala, irog na kapatid +kung pahahatdan kang babalá n~g Lan~git +at bigyang panahon na makapaglinis +upanding magtamo n~g bayang tahimik. + + Ihahangang dito't ako ma'y hindí pa +talastas ang dako n~g maguiguing hanga +kung may kapalaran sa pag-aasawa +ó hangang tumanda sa pagka dalaga. + + + + +_Ang pagsagót sa sulat ni Constancio._ + + + --Maalaala ko Marcelang kapatid +yaong kay Constanciong sulat na pahatid +ating bigyang sagót na ang ninanais +ay wala nang daang ipagkaka lan~git. + + --Oo n~ga Dalmacia't siyang katuiran +na dapat gantihin ang padalang liham, +muha ka n~g papel na pagsusulatan +na ang ninanasa ay wala nang daan. + + --Narito Marcela't sa kamay ko'y abót +ang pagsusulatan n~g aking panagót, +na ang sasabihin ay walin sa loob +yaong pinupulong awa sa pag-irog. + + --Dalmacia kung gayo'y tangní ang pangguhit +at u-ulatan ka n~g lampa kong isip +na ang balang malí huag itititik +hanapin ang hindí damdamin n~g dibdib. + + + + +_Ang panagót ni Dalmacia kay Constancio._ + + + Náhuling pagsinta sa kapanahunan +nang ako'y wala pang naguiguing katipán +kung n~gayo'y wala nang sukat maguing daan +pagka't sa puso ko ay may nagtatan~gan. + + Hindí taga rito't lalaking mabait +ang tinatahana'y bayang matahimik +pakumbabang loob at mapagtankilik +sa kapanahuna'y gagawin ang bagsík. + + --Kaya huag mo pong ipagdalang lunos +ang nabigong palad sa nasang pag-irog +di na mangyayaring ako'y makahagpos +sa kamay n~g aking kasing nagkukupkop. + + Sukat hangang dito't sa tadhanang laan +n~g Lan~git, ang tawo ay doon lumagay, +yaon ang payo ko't ang taguring ¡ay! +tayo'y manatili sa payapang búhay. + + * * * * * + + Sa lahat n~g aking inilagdang titik +¿anong palagay mo Dalmaciang kapatid? +--sa aki'y husto na't hindí nálilihís +tungkol kay Constanciong alay na pag-ibig. + + Cela'y tiklupin mo't sa pagbabalutan +lalagyan n~g guhit ang aking pan~galan +tandáng maguing saksing ako ang may bigay +sa tawong nagdalá n~g panugong liham. + + + + +_Ang pag owi ni Dalmacia._ + + + Oowí na ako't ang sadyang liwanag +nitong boong mundo'y ibig nang lumipas +--Oo n~ga Dalmacia't kung may búhay lakás +inaantay kita sa araw n~g bukas. + + + + +Ang pagbabalik ni Dalmacia sa tipáng kinabukasan. + +=Ikalimang Pankat.= + + + Malayo layo pa itong dumarating +ay nakan~giti na ang magandang n~gipin +itong dináratnan naman ay gayon ding +isinasalubong ang mukhang may alíw. + + Nagyakap na silang puspus n~g ligaya +parang pusong sabík sa dí pagkikita, +sa pagkakayapos nang magkabitaw na +kay Dalmacia'y nugnós ang buntong hinin~ga. + + Tanong ni Marcela'y--¿Ano ang dahilan +may karamdaman ka bagang tinataglay? +--Oo n~ga't kung bakit laguing dinadalaw +yaring aking loob niyaong agam-agam. + + Sa tuitui na'y laguing nái-isip +ang m~ga babalang pahatid n~g Lan~git +kung ano't ang aking luha'y naguiguilid +at napapanimdim ang huling sasapit. + + Kung kahima't kita'y nagsasalitaan +n~g balabalaking maisipang bagay +dí mo lamang pausíng madalás magdaan +sa aking gunita ang kutóg n~g lumbay. + + Ang lahat n~g ito'y kung aking damdamin +ay wala sa loob at dí pinapansin +n~g ibang kapua't nagpapakahimbing +sa layaw n~g mundong lubhang sinun~galing. + + --¿Ano ano namán kapatid na hirang +ang napapansin mo sa mundong kásaman? +--liban sa dí gayon daming nagnanakaw +ang ari n~g iba'y lupiguit ma-agaw. + + At sa pagsasamang tan~ging mahalaga +nagsisipaglilo ang isa at isa +at kung magkáminsan ay pinapatay pa +ang nakapipiguil sa masamang pita. + + Ang pananaghili at ang pagkainguit +sa palad n~g iba'y aewan kung bakit +naguiguing bisoól at matinding bikíg +sa puso n~g dugong may linahing inip. + + Ipinaghihigpit ng hin~gang payapa +yaong pagtatamóng palad n~g kapua +at pangugugulan n~g ikasisira +niyaong pan~gimbulo n~g asal kuhila. + + At saka kung aking pagkurukuruin +ang dí pagka ban~gon, Inang Bayan natin +imbót sa pagyaman, ang nakapipiguil, +n~g kuhilang anák na walang pagtin~gin. + + Ipinagbibili sa hindi halaga +ang m~ga damdaming pag-irog sa Iná +may asal Galalón ¿ano't hindi ka pa +tambin~gan n~g walang habag na parusa? + + Sa ugaling gayon may dí pagka poot +yaong nanunun~gong mahabaguing Dios +sa yaman at puring hamak inu-ubos +ang pagsusumakit nila't paglilingkod. + + Ito ang masaklap n~gayong umi-iral +na inu-ugali n~g maraming bayan +hindí magkáisa niyaong kalooban +at ang naghahari ang pag-iinguitan. + + Iba'y nagsasabing mag-atang n~g bigát +ay dí naman kaya n~g lampang balikat, +anopa't kung baga másunod ang han~gad +parusa n~g baya't damdaming pahirap. + + Ay manong damdamín ang aming pagluhog +pilitin ang tayo'y magka isang loob +upanding sakaling siyáng makalagót +sa tali n~g ating Inang nalulunos. + + Hangang dito Cela't may dí pag sisikip +ang poót sa tawo, n~g Amá sa Lan~git +linalapastan~gan ang Santong matuid +at ang kaliluhan ang nasang manaig. + + --¿Ano ano namán sintang kapatid ko +ang m~ga babaláng dí pansin n~g mundo? +--Unang unang aking tuturan sa iyo +kólerang nunuksá sa búhay n~g tawo. + + At ang ikalawa'y ang pagkakamatay +n~g kawakasin~g hayop sa ikabubuhay, +baboy, m~ga manók, at iba pang bagay +saka ang luluksóng salot sa halaman. + + Na diwa'y sa boong lupang Filipinas +ang hayop na ito ay lumalaganap +halamang dapuan sa boong magdamag +tapós na ang pagod at puhunang pilak. + + Napan~ganyaya na't wala nang hihintin +tulad sa nagdaang sinirang pananím +ang pag-asa'y lubos na may aanihin +at nang naglalaman ay saka kinitil. + + Sa lílimang bagay na aking tinuran +ika-anim yaóng away na nagdaan +¿ito kaya'y hindí dapat ipagnilay +n~g tawo't isipin huling kararatnán? + + Ang Dios ay Amá ng Santong matuid +na dí mangyayaring gumawa n~g lihís, +ang lahat n~g ito'y dapat isa-isip +at alálahanin ang huling sasapit. + + Kaya n~ga sa tanáng kapatid na hirang +ito'y dí pag-unang bait at pagaral, +pilitin na nating iwaksi't talikdan +ang inu-galing hindi karampatan. + + Ang pananaghili at ang pag-iimbót +sa ari n~g ibang namuhunang pagod, +huag pagpilitang ikaw ang mag-impok +at kahalay halay sa tawo't sa Dios. + + Alalahanin mong may sangkap ka naman +na ipagwawari sa lahat n~g bagay +may puring sariling dapat pag-in~gatan +at ang malalait na m~ga magulang. + + Pagkat kun ang tawo'y napapakasamá +na parang bulág na ang pagaakala +dalan~gin n~g lahi ay ¿manong mabiglá +ang kaniyang búhay na kahiya-hiya? + + Na dahil sa puri n~g minulang buhat +ay nan~gadadamay sa pula't paglibák +kaya hinihiling n~g lahat n~g anák +na siya sa mundo'y huag nang magluát. + + Kun ang kahinlugang dapat magmasakít +ay nananalan~ging búhay ay maligpit +ang di kamag-anak ¿anong máiisip +di ang daganán na n~g sangmundong sákit? + + At saka ang tawo'y kundí tatalikdan +ang pagkakasalang kinadudumugan +ay hindí malayo na tayo'y pahatdan +n~g parusang walang dalang pakundan~gan. + + Kaya n~ga sa tanóng guiliw na kapatid +ito'y hindí naman pan~gun~gunang bait +pilitin na nating limutin sa isip +ang lahat n~g gawang laban sa matuid. + + Man~gag-sipag-sisi't gugulin ang luha +n~g paghin~ging tawad sa Poong Maygawa +at magsi-pan~gakong di na magnanasa +sa linaguing gawíng asal na masamá. + + Upanding kung baga't makita n~g Dios +na tayong lahat na'y nagbabagong loob, +mahabág at di na ituloy ang poót +bagsík n~g parusang kakilakilabot. + + Kaya sino kamang nagpapakahimbing +sa layaw n~g mundo, dibdib mo'y pukawin +hangang may panahon ay samantalahin +yaong pagsisising lubos na taimtim. + + Yamang talastas mo na ang ating búhay +ay hindí lalagui sa lupang ibabaw +at may takdang guhit yaong kamatayan +na pagtuntong doo'y tapós na ang layaw. + + Kaluluwa natin ay pilit haharap +sa handang Hukoman na sakdal n~g taas +at uusisain ang lahat at lahat +inasal sa mundo't gawang hindí tapát. + + Gahanip mong sala'y walang mákakanlong +sa tunog n~g Juez na tatanong doon +at kung malining na'y gagawin ang hatol +sa dalawang bagay na maguiguing ukol. + + At sa pagdurusa'y kung doon mahulog +ang maguing pasiyá n~g hatol n~g Dios, +yaon ang dálitang kákilakilabot +at hirap na walang hangang pagkatapos. + + Kaya mabuti rin ang may binhing hasík +budbod na pananím sa bayan n~g Lan~git +upanding mag-ani n~g linamnam tamís +at kaligayahang walang kahulilip. + + Ang Imperiong yao'y hindí napapasok +n~g kahima't sino'y n~g ligalig lungkot +palibhasa'y bayan n~g santas at santos +na nan~gag-aalay n~g puri sa Dios. + + Doo'y walang gabi ang saad sa aklát +wala namang araw, buang sumisikat +ang kapangyarihan n~g Dios na wagás +ay labis sa madláng tanglaw na liwanag. + + Naroon din nama't iyong makikita +ang luklukang hayag n~g Vírgen María +alay ang maraming puri't pagsasayá +n~g m~ga Vírgenes sa payapang Gloria. + + Ang ligayang yao'y walang pagkatapos +walang pagkabago at lubos na lubos +hindi paris dito na sa munting lugód +dusang langkay langkay ang ganting kasunód. + + Kaya n~ga ang dapat ay magsamantalá +hangang may panaho'y talikdan ang sala +at huag páwili sa tamis n~g lasa +nitong bun~gang mundo't may lihim na paklá. + + Yao'y pawang daya't laláng na hikayat +n~g taga Averno, kaya n~ga ang dapat +gamitin ang tatlong katutubong sangkap +at ang kaluluwa'y nang dí mapahamak. + + Kun ang lakas natin ay mapipipilan +ay huminging tulong sa kapangyarihan +n~g Poong Lumikha, at dí papayagang +masupil n~g lilong digma n~g kaaway. + + Ating dalan~ginin n~g taós sa dibdib +yaong kamatayang sakdalan n~g tamís +kaluluwa nati'y nang upang magkamít +niyaong Luwalhating walang kahulilip. + + Sukat hangang dito, Marcela ang galáw +n~g m~ga pagpitás nitong lamang bayan, +ang magandang suyò nawa'y ipatnubay +n~g may awang Lan~git hangang nabubuhay. + + Ang ating harapin ay ang makatumbás +sa ama at inang namuhunang hirap +--Oo n~ga Dalmacia at kang matutupad +yao'y mamumun~ga n~g magandang palad. + + Nanatili nan~gang kanilang ilagan +ang madláng paraya nitong kamunduhan +at walang hinaráp kundí ang mag-alay +n~g magandang suyò sa m~ga magulang. + + + + +ISÁNG TAGUBILIN. + + + Sa bakás n~g yapak n~g kadalagahan +ang lumagdang isip nito'y nag-aalay +n~g munting gunita na kunang ulirán +yaon kay Marcela't kay Dalmaciang búhay. + + Kung baga sa isang Araw na sumikat +ay dí nan~gulimlim ang pagliliwanag +buhat sa mulâ pa n~g pagkakalapat +n~g kanilang dibdib na parang sinukat. + + Ang ali't alin mang datnán n~g ligamgam +ang sing-isang puso nila'y nagdaramdam +gayón sa ligaya namang kinakamtan +walang natatan~ging pagsasarilinan. + + Kung sakasakali at may maling isip +ang ali't alin mang sinsay sa matuid +ay nasasansala at naihahatid +hangang sa hantun~gan n~g itatahimik. + + Sila'y marurunong magbigay pitagan +sa bala't bala nang dapat na igalang +ito'y pakorona't putong na ban~gibang +sa puri n~g m~ga nagpalang magulang. + + Maiin~gat silang magbalot sa lihim +n~g puring hindí pa panahong sayan~gin +magagandang loob, marunong tumin~gin +sa búhay n~g dukhang dí gawing pansinin. + + Nan~gag-aabuloy n~g makayang habág +sa kahit sinomang lugami sa hirap, +hindí nabubuyó sa maling hikayat +n~g mapag anyayang isip sa pahamak. + + Ang magyao't dito at makipanayam +sa dí kaugali ay naguiguing bawal, +lalo na't ang gawi n~g mákakararal +ay manirang puri n~g sa ibang búhay. + + At kahit binaka n~g Haring pag-ibig +yaon kay Dalmaciang matibay na dibdib +ay hindí nangyari na ipinalupig +at ipinagtangól n~g sariling bait. + + Bilang naguing kutâ ay ang pagninilay +at ang pagka habág sa m~ga magulang, +pinilit ang loob na makipaglaban +sa dahas n~g sinta nama'y nagtagumpay. + + At ang nanatiling nasok sa panimdim +sa kay Jesucristo ang puso'y ihain +huag magasawa't baka ang sapitin +ay ang dalamhati sa kakasamahin. + + Sinabi kong ito'y dí naman paghadláng +sa m~ga dalagang panahong niniral +at ang matrimonio'y mahalagang bagay +kung sakasakali't mapag-iin~gatan. + + Yaón ang halamang habilin ni Cristo +pinangagalin~gan n~g tawo sa mundo +diyan nagbubuhat ang Papa't Obispo +Cardenal at saka ang m~ga Ministro. + + Anopa't kung bagá mapag-iin~gatan +ang pagkakalin~ga sa Santong halaman +dito pa sa lupa'y pakikinaban~gan +hangang sa lumipat n~g payapang bayan. + + N~guni't kun ang dahil n~g pag-aasawa +n~g isang babayi sanhi sa anyaya +n~g mundo, at hindí bibigyang halagá +ang pagmamahalan maha~ga'y hindí na. + + Kaya n~ga ó m~ga binibining hirang +kayo sa sariling laguing magninilay +at hingín sa Dios na paliwanagan +kun ang inyong isip ay pinagdidimlan. + + Muhang halimbawâ at kayo'y pumaris +doon kay Dalmaciang dunong na mag-isip +hindí nabighaning natol sa pag-ibig +at ang alaala'y ang huling sasapit. + + At kung mangyayari mahalintularan +yaong kay Marcelang mapayapang búhay +hindí nabighaning ang puso'y ibigay +sa parayang hilíng nitong kamunduhán. + + Ang pagka dalaga'y hihiguit pa mandin +sa apat na puong taón kung bilan~gin +walang hinaharáp kundí ang maghain +niyaong pagmamahal sa ináng nag-angkin. + + Kaya n~ga ó m~ga binibining irog +na ina-alayan niyaring paglilingkod +maraming salamat kung ang iyong loob +sa gandang anyaya'y magsi-alinsunod. + + Yaong pagsasamang walang kasing tamís +ni Marcela't saka ni Dalmaciang ibig +kunang halimbawa't nang upang magkámit +n~g kaaya-ayang búhay na tahimik. + + At kung magkagayo'y maraming salamat +sa napapanahon n~g PAMUMUKADKAD +kahimanawari'y mag si PAMULAKLAK +sabog kong tagurí n~g MAGANDANG PALAD. + + +WAKAS + + + + + + + + + +End of the Project Gutenberg EBook of Landas na Tuntunin, by José Morante + +*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK LANDAS NA TUNTUNIN *** + +***** This file should be named 14215-8.txt or 14215-8.zip ***** +This and all associated files of various formats will be found in: + https://www.gutenberg.org/1/4/2/1/14215/ + +Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and the Project +Gutenberg Online Distributed Proofreading Team based on images +generously made available by the University of Michigan. + + +Updated editions will replace the previous one--the old editions +will be renamed. + +Creating the works from public domain print editions means that no +one owns a United States copyright in these works, so the Foundation +(and you!) can copy and distribute it in the United States without +permission and without paying copyright royalties. Special rules, +set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to +copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to +protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project +Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you +charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you +do not charge anything for copies of this eBook, complying with the +rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose +such as creation of derivative works, reports, performances and +research. They may be modified and printed and given away--you may do +practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is +subject to the trademark license, especially commercial +redistribution. + + + +*** START: FULL LICENSE *** + +THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE +PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK + +To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free +distribution of electronic works, by using or distributing this work +(or any other work associated in any way with the phrase "Project +Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project +Gutenberg-tm License (available with this file or online at +https://gutenberg.org/license). + + +Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm +electronic works + +1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm +electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to +and accept all the terms of this license and intellectual property +(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all +the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy +all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. +If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project +Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the +terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or +entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. + +1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be +used on or associated in any way with an electronic work by people who +agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few +things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works +even without complying with the full terms of this agreement. See +paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project +Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement +and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic +works. See paragraph 1.E below. + +1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" +or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project +Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the +collection are in the public domain in the United States. If an +individual work is in the public domain in the United States and you are +located in the United States, we do not claim a right to prevent you from +copying, distributing, performing, displaying or creating derivative +works based on the work as long as all references to Project Gutenberg +are removed. Of course, we hope that you will support the Project +Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by +freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of +this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with +the work. You can easily comply with the terms of this agreement by +keeping this work in the same format with its attached full Project +Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. + +1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern +what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in +a constant state of change. If you are outside the United States, check +the laws of your country in addition to the terms of this agreement +before downloading, copying, displaying, performing, distributing or +creating derivative works based on this work or any other Project +Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning +the copyright status of any work in any country outside the United +States. + +1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: + +1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate +access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently +whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the +phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project +Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, +copied or distributed: + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + +1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived +from the public domain (does not contain a notice indicating that it is +posted with permission of the copyright holder), the work can be copied +and distributed to anyone in the United States without paying any fees +or charges. If you are redistributing or providing access to a work +with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the +work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 +through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the +Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or +1.E.9. + +1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted +with the permission of the copyright holder, your use and distribution +must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional +terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked +to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the +permission of the copyright holder found at the beginning of this work. + +1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm +License terms from this work, or any files containing a part of this +work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. + +1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this +electronic work, or any part of this electronic work, without +prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with +active links or immediate access to the full terms of the Project +Gutenberg-tm License. + +1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, +compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any +word processing or hypertext form. However, if you provide access to or +distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than +"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version +posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), +you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a +copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon +request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other +form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm +License as specified in paragraph 1.E.1. + +1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, +performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works +unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. + +1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing +access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided +that + +- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from + the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method + you already use to calculate your applicable taxes. The fee is + owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he + has agreed to donate royalties under this paragraph to the + Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments + must be paid within 60 days following each date on which you + prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax + returns. Royalty payments should be clearly marked as such and + sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the + address specified in Section 4, "Information about donations to + the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." + +- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies + you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he + does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm + License. You must require such a user to return or + destroy all copies of the works possessed in a physical medium + and discontinue all use of and all access to other copies of + Project Gutenberg-tm works. + +- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any + money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the + electronic work is discovered and reported to you within 90 days + of receipt of the work. + +- You comply with all other terms of this agreement for free + distribution of Project Gutenberg-tm works. + +1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm +electronic work or group of works on different terms than are set +forth in this agreement, you must obtain permission in writing from +both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael +Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the +Foundation as set forth in Section 3 below. + +1.F. + +1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable +effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread +public domain works in creating the Project Gutenberg-tm +collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic +works, and the medium on which they may be stored, may contain +"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or +corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual +property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a +computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by +your equipment. + +1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right +of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project +Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project +Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all +liability to you for damages, costs and expenses, including legal +fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT +LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE +PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE +TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE +LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR +INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH +DAMAGE. + +1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a +defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can +receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a +written explanation to the person you received the work from. If you +received the work on a physical medium, you must return the medium with +your written explanation. The person or entity that provided you with +the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a +refund. If you received the work electronically, the person or entity +providing it to you may choose to give you a second opportunity to +receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy +is also defective, you may demand a refund in writing without further +opportunities to fix the problem. + +1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth +in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER +WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO +WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. + +1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied +warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. +If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the +law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be +interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by +the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any +provision of this agreement shall not void the remaining provisions. + +1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the +trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone +providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance +with this agreement, and any volunteers associated with the production, +promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, +harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, +that arise directly or indirectly from any of the following which you do +or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm +work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any +Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. + + +Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm + +Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of +electronic works in formats readable by the widest variety of computers +including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists +because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from +people in all walks of life. + +Volunteers and financial support to provide volunteers with the +assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's +goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will +remain freely available for generations to come. In 2001, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure +and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. +To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation +and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 +and the Foundation web page at https://www.pglaf.org. + + +Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive +Foundation + +The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit +501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the +state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal +Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification +number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at +https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent +permitted by U.S. federal laws and your state's laws. + +The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. +Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered +throughout numerous locations. Its business office is located at +809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email +business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact +information can be found at the Foundation's web site and official +page at https://pglaf.org + +For additional contact information: + Dr. Gregory B. Newby + Chief Executive and Director + gbnewby@pglaf.org + + +Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation + +Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide +spread public support and donations to carry out its mission of +increasing the number of public domain and licensed works that can be +freely distributed in machine readable form accessible by the widest +array of equipment including outdated equipment. Many small donations +($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt +status with the IRS. + +The Foundation is committed to complying with the laws regulating +charities and charitable donations in all 50 states of the United +States. Compliance requirements are not uniform and it takes a +considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up +with these requirements. We do not solicit donations in locations +where we have not received written confirmation of compliance. To +SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any +particular state visit https://pglaf.org + +While we cannot and do not solicit contributions from states where we +have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition +against accepting unsolicited donations from donors in such states who +approach us with offers to donate. + +International donations are gratefully accepted, but we cannot make +any statements concerning tax treatment of donations received from +outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. + +Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation +methods and addresses. Donations are accepted in a number of other +ways including including checks, online payments and credit card +donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate + + +Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic +works. + +Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm +concept of a library of electronic works that could be freely shared +with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project +Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. + + +Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed +editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. +unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily +keep eBooks in compliance with any particular paper edition. + + +Most people start at our Web site which has the main PG search facility: + + https://www.gutenberg.org + +This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, +including how to make donations to the Project Gutenberg Literary +Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to +subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks. |
