diff options
Diffstat (limited to 'old/13773-8.txt')
| -rw-r--r-- | old/13773-8.txt | 5833 |
1 files changed, 5833 insertions, 0 deletions
diff --git a/old/13773-8.txt b/old/13773-8.txt new file mode 100644 index 0000000..5576ff1 --- /dev/null +++ b/old/13773-8.txt @@ -0,0 +1,5833 @@ +The Project Gutenberg EBook of Ang Mestisa, by Engracio Valmonte + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + + +Title: Ang Mestisa + Ikalawang Bahagi (Second Volume) + +Author: Engracio Valmonte + +Release Date: October 17, 2004 [EBook #13773] + +Language: Tagalog + +Character set encoding: ISO-8859-1 + +*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG MESTISA *** + + + + +Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders. +Produced from page scans provided by University of Michigan. + + + + + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + + +=ANG MESTISA= + +=Mga iba pang Aklat ni E.L. Valmonte= + +=ILAW NG KATOTOHANAN= (Unang bahagi) Aklat na naghahatid n~g +liwanag sa isip at umaakay sa kaluluwa sa landas n~g tapat na +pagkakilala sa Diwa at Buhay n~g Sangmaliwanag. Kahinahinayang na di +mabasa. P0.80 ang bawa't sipi. + + +=Tinatapos sa Limbagan=: + +"=Ang Mestisa=" (Unang Bahagi) Ikalawang pagpapalimbag. + +"=Mga Inang Walang Anak=" + +"=Lupit ng Tadhana=" + +"=Ilaw ng Katotohanan=" +(Pan~galawang bahagi) + + + +=NOBELA + +ANG MESTISA +(Ikalawang Bahagi) + +KATHA NI + +ENGRACIO L. VALMONTE +"Kasapi sa Aklatang Bayan" + +Unang Pagkapalimbag + +Hunio, 1920= + +IMP. ILAGAN Y CIA. 775 Juan Luna, Tundo, Maynila Telépono 8836 + + +=Handog= + +_Sa karapatdapat na Pan~gulo n~g Aklatang Bayan na si G. Precioso +Palma._ + +=Ang Maykatha= + + + + +XV + +¿MAPALAD KAYA SI TIRSO? + + +"Kahi't saang tumatahip na lupa ako maparoo'y hintayin mo ang sulat +ko, bago ka lumiham sa akin." + +Ang hindi pagkakaroon n~g katuparan n~g ganyang pan~gakong iniwan ni +Teang kay Tirso ay di sasalang lumilikha na n~g kabalisahan sa +kalooban n~g makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang +araw sa gitna n~g kanyang mainip na paghihintay. Nang gabing marinig +niya ang ganyang mahigpit na pan~gako sa bibig n~g kanyang kasi, ay di +niya inakalang pakatatagal na n~g gayon n~g hindi siya tatanggap n~g +sulat, palibhasa, kung totoong sa Nueba Esiha lamang ang uwi, ay di +naman kalayuang gaano ang nasabing lalawigan upang mabilan~gan n~g +maraming araw ang lakad n~g koreo hanggang Maynila. N~guni't n~gayong +panay na "wala po" ang isinasagot sa kanya n~g tagadalang-sulat kailan +pa ma't ito'y kanyang abatan sa pagdating at pagtanun~gan n~g bagay na +inaantabayanan, ayawayaw man niyang maghinala ay hindi rin siya +makalaban sa sarisaring bintang na naguumukilkil sa kanyang ulo. + +Kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong pangyayari +na pagkakapariwara n~g matimyas na pagasa n~g isang lalaking paris +niya na mapalayo sa kinaroroonan n~g kanyang giliw. Ang dalaga at ang +binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na paguulayaw, ay +nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, mananatili kapwa sa +kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling tibok n~g puso. Ang lalaki +ay maiiwang buongbuo ang pagasa sa pan~gako n~g babae: magtataman sa +pagaaral, lilimutin ang pagbubulagsak, magbabawas n~g nilibotlibot at +pagaaksaya n~g panahon, sa paguupanding pagdating n~g tipanan, +pagkatapos n~g pagaaral ay lalo siyang magiging karapatdapat sa mata't +pagmamahal n~g kanyang liyag. Datapwa't ang babae, na kapatid n~g +kahinaang loob at hinlog n~g pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, +lumilimot sa pan~gako at kumikita n~g bagong ligaya sa lilim n~g +pakikipagsuyuan sa iba. ¡Oh, gaanong pagasa n~g lalaki ang nalibing sa +laot n~g kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin n~g di iilang +babae!... + +At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang binatang +nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. Tulad sa +karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding walang tan~ging kasama +sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan +n~g budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni +Teang. Subali't ... ¿nasaan ang katuparan n~g pan~gakong iniwan sa +kanya n~g babaeng ito? ¿Bakit walang sulat? ¿Siya kaya,--si Tirso,--ay +magiging isa rin diyan sa m~ga lalaking nawalatan n~g dibdib at +nalurayan n~g puso sa ulos n~g balaraw na walang pan~gigiming +itinatarak n~g babae? ¿At si Teang kaya naman ay isa pa ring babaeng +katulad n~g di iilang kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap n~g +bangkay n~g m~ga pusong kanilang pinaglalaruan?... + +--¡Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ...--ang nawiwika n~g +naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang +pagninilaynilay. + +At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na hinala, +ay ang ganitong kanya ring nawiwika: + +--Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g +pan~gan~galaga n~g kanyang ina. + +Kung nababanggit namang ganito ang ina ni Teang, ay kasunod nang agad +na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya n~g matandang; iyon +dahil sa kanyang pagkamason. Ang kanyang pagkamason ay bikig na +humahalang sa lalamunan n~g naturang matandang nabubulagan n~g +pananampalataya't nahihibuan n~g m~ga tagapan~galaga n~g kadiliman, +kaya't kailan man ay hindi n~ga yata makatutuloy na maluwag sa loob +ang kanyang malinis na pakay. At dito siya untiunting nahihila n~g +pagaakalang marahil ang babaeng pinagsisimpanan niya n~g lahat ay +nagbabago na n~ga n~g loob at tumataliwakas sa kanilang salitaan. +Subali't ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na +maaari pang talimuwan~gin kung ibig: yao'y isa nang sumpang hindi +mababawi, isang pagkakabuhol n~g palad na di na muling makakalag. +¡Diyata't ang kapangyarihan n~g magulang ay makapanghihinaig pa't +makawawalang halaga sa sinumpaan ni Teang na pakikiisang palad sa +kanya? + +Dito ay di na maitugon ni Tirso ang hindi ikapangyayari n~g ganyang +hinuha. Nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan n~g isang +magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha't kilalanin, +kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. Isang kawikaang +kagalanggalang ang nagsasabing "sampu mang asawa ay makikita kung +mawala, datapwa't hindi ang isang magulang." Nakilala ni Tirso si +Teang na isang anak na may likas na pagkamagalan~gin sa kalooba't +pasya n~g magulang saka nagtataglay pa n~g isang pananampalatayang di +kuno'y nasusumang sa ganang kanya. ¿Maliwanag pa kayang hinagapin, sa +gayong paghihintay na walang napapala kundi pagkabigo, na ang +pagkakaibang iyan n~g kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing +sanhi n~g pagayaw n~g ina, ay siya rin namang maging dahil n~g di +pagdating n~g sulat na pinakahihintay? + +Singkad na isang linggo ang nagdaang kay Tirso ay walang iniiwan kundi +ang m~ga bakas n~g kalumbayang halos ikasaid n~g kanyang paniniwala sa +kabanalan n~g kaluluwa n~g babaeng pinaguukulan niya n~g boong +pagirog. + +Samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay Teang, saka ang +hindi pagkaganap n~g pan~gako ni Tirsong paglalathala sa pahayagan n~g +larawan n~g marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa timpalak ay +hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi gayon din sa +m~ga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa di iilang +kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata. + +Sa tanggapan n~g m~ga tagapan~gasiwa n~g karnabal sa Luneta ay +nan~gahahanay na n~g boong ayos ang nagpapan~gagaw sa gandang m~ga +larawan n~g m~ga kandidatang nan~gagsipagwagi sa timpalak n~g isa't +isang pahayagan, bukod-tan~ging hindi mahan~gaan n~g balanang +nagsasadya roon ang larawan n~ga ni Teang. + +Nang araw na iyon, tanghali n~g ika 31 n~g Disyembre. huling araw n~g +nanghihimakas na taong 1915, at samantalang si Tirso'y walang kibong +nakapan~galumbaba sa isa sa m~ga bukas na durun~gawan n~g kanyang +tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking malayolayo +pa'y nagtaastaas na n~g kamay at humuhudyat sa kanya. At kanyang +nakilala na ang m~ga dumarating ay ilang kaibigang kawal n~g panulat, +ilang kasamahan sa laran~gan n~g Panitikang Tagalog. + +--¡Panhik kayo, m~ga kasama!--isinalubong ni Tirso sa nagsisirating. + +--¿May aginaldo bang nakahanda?--agad itinanong buhat sa lupa n~g +isang singliit ni Paguia. + +--Kahi't wala ay mayroon din ...--pan~giting naitugon n~g maybahay na +makata. + +--¡Huwag kang magbiro't sadyang totohanan itong lakad namin!--anang +isa namang singlaki ni Sochong. + +At noon di'y sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. +Matulin namang sinalubong ni Tirso. + +At ... ¡sabihin pa! Ang m~ga manunulat, na kung sabihin n~g iba'y m~ga +hibang, ulol, sinun~galing, nguni't ang totoo'y "nakapagguguho n~g +kahakaharian at nakapagbaban~gon n~g sangbasangbayanan", wika n~ga n~g +isang guro, kung magkasamasama't magpalagayan ay talo pa iyang tunay +na magkapatid na ipinan~ganak n~g iisang ina. Sa kanila, ay wala +niyang pagtutumpik. Bawa't salitang gamiti'y kataga n~g katapatang +loob, bigkas n~g kaisang damdamin, pahayag n~g panibulos na +pagtitiwala. Kaya't sa paguusap nilang yaon ay pawang n~giti n~g saya +at sigla n~g pagbibiro ang naghari sa lahat. + +--Silveira,--ang pagkapanhik n~g lahat ay sinabi n~g nakasalaming +kamukha ni Tirso,--Bagong Taon bukas, at sukat nang mahulaan mo ang +bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. ¿Ano ang aginaldo namin? + +--¡Bukas pa pala naman ang Bagong Taon, eh, n~gayon pa'y aginaldo na +ang inyong itinatanong!--ipinakling natatawa n~g tinukoy. + +--Higit sa panghihin~gi n~g aginaldo, ang ipinarito nami'y isang +paninin~gil,--isinambot naman n~g isang singtaba ni Kando. + +--¡Magbayad ang may utang!--isinusog pa n~g malakas tatawang kaboses +ni Sauro. + +--¡Sa ako'y walang utang na dapat pagbayaran!--ang tugon n~g makata. + +--¿Wala? ¿Nasaan ang larawan n~g ating reyna Dorotea?--ang tanong pang +tila nanunumbat n~g mataba. + +--¡Ah! ...--ang nasambit na lamang ni Tirso. + +--¡Eh! ...--ang tudyo n~g isa. + +--¡Ih! ...--ang katlo n~g isa pa. + +--¡Oh! ...-ang habol pa rin n~g isa. + +--¡Uh! ...--isinusog naman n~g iba. + +At ang malakas na tawana'y nagsumikip sa loob n~g bahay. + +--¿Nahan ang pan~gako mong larawan?--ang halos panabay pang iniusisa +n~g m~ga panauhin paghulaw n~g tawanan. + +Biglang nagtago ang m~ga badha n~g n~giting nagsipanun~gaw sa m~ga +labi n~g makata. At nakapagpanumbalik n~g lungkot sa diwa niya ang +gayong binanggit at ipinagkatawanan pa n~g kanyang m~ga kaharap. ¡Oh, +kung natatalos lamang n~g langkay na yaon n~g m~ga palabiro ang bagay +na nagpapaulap sa kanyang gunamgunam! + +--M~ga kasama,--ang itinugon ni Tirsong walang kan~gitin~giti,--tila +sa bagay na iya'y talagang masisira ako, n~guni't ... hindi ako ang +maysala. + +--¡Magpapakasira, saka maghihinaw!... + +--¡Talagang sinun~galing na makata! + +--¡Saka maramot! + +--¡At manunuba pa! + +--¡Palibhasa'y hindi ninyo nalalaman ang nangyayari!--ang tan~ging +naipakli ni Tirso. + +--¿At talaga bang may "nangyayari" na? ¡Kaya pala!... + +--¡Ha-ha-ha-ha! + +Wala; anhin mang timban~gin ni Tirso ay hindi makagigitaw at lulunurin +lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya sa harap n~g +kawang yaon n~g m~ga may kato sa katawan. Mahan~ga'y magsawalang kibo +na lamang.... + +Nasa sandaling iyon n~g pagkatila hinahalong binusa ang m~ga panauhin +n~g makata,--na, mayroong bumubuklat sa m~ga dahong sariwa n~g kanyang +kalupi, kaluping kinatitipunan n~g sarisaring hiyas at kayamanan n~g +tulang tagalog, mayroong naghahamon n~g ahedres, domino at dama, saka +mayroon pang nagaagawan sa paghanap n~g larawan ni Teang sa makapal na +_album_ na inabutang nasa ibabaw n~g sulatan--nang walang anoano'y +nakarinig sila n~g m~ga kaluskus n~g isang sasakyang biglang tumigil +sa tapat n~g bahay. + +Ang lahat ay dumun~gaw. Datapwa't nakita nilang ang tinurang sasakya'y +muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan n~g isang babaeng +nagtatago n~g mukha't ayaw manding pakilala. + +--¿Sino iyon?--ang naging tanun~gan n~g isa't isa,--¡Ah, marahil siya +ang ating reyna Dorotea! + +At noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa +lupa. + +At nang kanilang dunghali'y natunghan ang isang babaeng anyong alila +na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo n~g m~ga bulaklak. Ang +mukha n~g babaeng iyon ay dating kilala ni Tirso, kaya't oras na +makita'y dagli siyang nanaog na sumalubong. Ang m~ga pilyong panauhin +naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nan~gagsipanaog din, +sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin n~g gayong +biyayang balot n~g hiwaga. + +N~guni't ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. At maliksing umalis +oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, +saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto +n~g naturang makata. + +--¡Makatang mapalad!--ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong +handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si +Teang. + +At sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may lakip +pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong kayarian n~g +bagay na yaong likhang di sasala n~g m~ga kahan~gahan~gang kamay n~g +isang tunay na alagad n~g arte. + +--¡Pagkagandaganda!--ang wika na namang namutawi sa bibig n~g +tanan--¡Singganda n~g puso n~g babaeng nagbigay! + +At si Tirso, na pinaghaharian n~g ilang lihim na paghahaka, ay di +makahuma. + +¡Talagang maganda nga't kalugodlugod ang handog na iyon! Isang munting +pangnan na yari sa panay na bulaklak, m~ga saglitsaglít na bulaklak +n~g m~ga sariwa't nagbaban~guhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, +kampupot, ilangilang, rosas-de-pasion, alehandria, kamuning at kung +anoano pang hiyas n~g m~ga halamanan sa Singgalong; na binagayan n~g +man~gilann~gilang dahon n~g papwa, malba-rosa, at m~ga baging n~g +kadena-de-amor; na walang tan~ging laman kundi isang kalapating +singputi n~g gatas, na sa kanyang makinis na tuka'y taglay ang isang +munting tarhetang may ginintuang titik. + +Ang tarhetang ito'y pinagsambilatan n~g m~ga kaibigan ni Tirso, +palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga n~g handog +na yaon. + +At sa isang daan n~g mata'y ganito ang nabasa n~g lahat: + + + _Sa karangalan n~g makatang kapatid n~g m~ga salamisim kay Tirso + Silveira: alangalang sa kadakilaan ng Bagong Taon. Kalakip ang + pusong nagtatangi ni + + ELSA BALBOA 12-31-15_ + + +Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga kaibigan +ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. Mula sa silong +hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang inaatupag. + +--¡Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong ikaaabot kay +Silveira!--ang wika n~g pandak. + +--¡Tatawagin pa ba namang "mapagwaging makata," kung hindi talagang +karapatdapat sa ganyang palayaw!--ang agaw naman n~g tila higante sa +taas at laki. + +--¡Mabuhay ang mapalad! ¡Mabuhay ang mapagwagi!--ang katlo pa n~g +nakasalamin. + +--"¡Mamatay!" at hindi "¡mabuhay!" ang isisigaw ko, kapag ako'y hindi +ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan na si Elsa Balboa, +--isinabad pa rin n~g malakas tatawa.--¡Ay Elsa! ... ¡Ay, +Balboa!... + +-¿Di mo ba nakikilala ang Elsang iyan?--ang halos magkatiyap na tanong +sa nagsalita n~g kanyang m~ga kasamahan.--¡_Atrasado_ ka rin +pala!--idinugtong pa. + +--¿Sino n~ga ba ang babaeng ito? + +--¡Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan +dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao! + +--¡Ah! ¿Ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan n~g "Aklatang +Bayan"? ¡_Balu ku na ketang misterio_! + +Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si +Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso +Silveira. Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi +ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa +dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea +Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y +isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na +iniaalay. ¡Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili +n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip! + +At si Tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay n~g taga +kamanunulat niya, ay gumamit noon n~g lubos na paglilihim. At sa +tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa +niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa +nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang +hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na +napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa +mestisang kay Elsa. + +Pagkapanaog n~g m~ga panauhi'y saka lamang inilabas na binasa ni Tirso +ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya n~g alila n~g kaibigang +mestisa. At ganito ang natunghayan: + + + TIRSO: + + Ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong + kasaysayan? Kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na + makisalo sa akin mamayang gabi,--yamang gabi rin lamang ito ng + mga pagpupuyat,--at sa pagsasalo nati'y saka ko ibabalita sa iyo + ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas + hangga't may panahon. + + Pagkakai'y magpapasyal pa tayo sa Escolta, at manonood sandali ng + sayawan sa Plaza Moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa + Pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang + tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid. + + Kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa + sa mga ninanasa nitong "kapatid" mong walang itinatangi sa ubod + ng kanyang puso kundi isa.... + + Naghihintay, + + ELSA. + + Habol--Tanggapin mo sa maydala nito ang isang "maralitang handog" + ...--AKO RIN. + + +Isang kibit lamang n~g balikat ang ginawa ni Tirso pagkatalos sa +laman n~g sulat, saka pan~giting nasabi ang ganitong m~ga kataga: + +--¿May katuwiran na n~ga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, +dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?... + + + + +XVI + +"¡KAY GANDA MO, ELSA!" + + +Kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan n~g bawa't bagay na +nangyayari ang makasusubaybay sa lakad n~g katan~gitan~ging buhay ni +Elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa't gawi, +kilos at pan~gu~gusap n~g matalinong mestisa ay dili ang hindi +nasasalig sa alinman sa m~ga sadya niyang layon at lihim na han~garin. +Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na +lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g +_martir_ na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad +matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang +ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa +Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang +magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong +Bagong Taon. + +Minarapat n~ga n~g mestisa na ang makatang sa palagay niya'y +nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa +Pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya n~g pagkakataon na mailipat +sa kabatiran n~g tinukoy na makata ang balitang kanyang natanggap +tungkol sa nangyari sa San Lazaro. + +At, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na +ang puso sa di masayod na kagalakan. Para na niyang natatanaw, kahi't +malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas n~g kanyang m~ga gagawin. + +--Inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni Tirso ang aking +sulat,--ang naibulong sa sarili sa gitna n~g kanyang pagmumuni.--Kapag +nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'y talaga na lamang na sa +kasawian ako nauukol.... + +Nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang +pagsasalo, ang kapatid niya't hipag ay hindi daratnan ni Tirso sa +bahay, sapagka't ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa n~g araw na +iyo'y magpapauna na sa Pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang +bagay na iaalay sa maypiging. Kung si Elsa ay maiiwan, ay sapagka't +gayon ang kanyang pinakikunang hilin~gin sa kapatid at hipag, at di +umano'y ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon n~g ilang +binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. At ang gayo'y +kanyang binalangkas, upang madulutan n~ga n~g kasiyahan ang m~ga mithi +n~g kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya n~g kaligayaha't +tamis n~g buhay. + +Hangga't hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso't +kalooban n~g makatang kinahihiban~gang labis n~g kanyang boong +pagkababae, at hangga't nagugunita niyang may isang "mulalang taga +lalawigan", na kinabubulagan n~g m~ga panin~gi't "tila" +nagkakapan~galan sa pitak n~g dibdib n~g nabanggit na makata, sa +pakiramdam n~g mestisa ay palusong na yata sa libin~gan ang tun~go n~g +kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw n~g ligaya sa +pakikihalubilo sa daigdigang ito. At yamang nalalaman niyang gayon, ay +kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, upang +maiwasan ang bumabalang kapariwaraan. + +"...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig niya sa +isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: kinakailan~gang +gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g pagkakataon. +Nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan n~g walang +kasingdubdob na pagibig sa makatang si Tirso; nahahabilin naman sa +isip niya ang paglikha n~g tanang kaparaanang kailan~gan upang +masunduan ang ikapagtatagumpay n~g pagibig na iyan. Ang tunay na +katamisang idinudulot n~g pagibig ay di maaaring sayurin n~g kahi't +sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa makipot na galawang gawa +n~g pagpapakunwari, n~g pagbabalobalo at n~g kung sabihi'y pakikibagay +sa lakad n~g kaugalian. Ang hinhin, yumi, kahihiyaan ... ¿ano ang m~ga +katagang ito kundi m~ga patibong lamang na nililikha n~g Kapisanan +upang mapagkasanhian n~g pagkaduhagi n~g m~ga kaloobang madaling +malamuyot at n~g m~ga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat +n~g buhay? Ang tunay na tamis n~g buhay ay wala sa parating +pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa m~ga dalisay na itinitibok +n~g damdamin. Namamali iyang m~ga nagpapalagay na kabanalan n~g isang +babae ang tuwina'y kikimikimi, hindi makapagpahayag n~g kanyang +isinasaloob, ilas na parati sa bahagyang silay n~g mata n~g kapwa ... +Ang nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang +anomang baga'y at gawang nan~gan~gahulugan n~g pagkakasala. N~guni't +¿pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag n~g pusong +dumaramdam n~g paggiliw? Ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa iniaatas +n~g pusong iyan. + +--¡Nararapat nang mawakasan ang m~ga paghihirap kong ito!--ang +nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang +sarilingsarili n~g kanyang pagkamestisa. + +At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, si +Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang kabalisahang +hindi mailin~gid. + + * * * * * + +Sa loob n~g bahay ay lumabas-masok siyang kung minsa'y sasayawsayaw at +kung minsan nama'y huhunihuni n~g alinman sa m~ga kundimang kanyang +nakakagiliwan. Mayamaya'y siyang lalapitan ang bukas na pianong parang +nagyayaya, at sandaling titipa ang maliliksing daliring tila m~ga +kandila, samantalang ang m~ga mata'y ipapakong walang kurap halos sa +papel n~g tugtuging lahad ang m~ga dahon. Ang inaagpan~gan niya n~g +gayong pagtugtog ay isang _fox trot_[A] na naglalarawan n~g sarili +niyang haka. + + Kung ang mga ibon at maging halaman +ay nagkakalaya sa pagiibigan, +ang isang mestisa'y dapat ding magnawnaw +ng mga biyaya ng Katalagahan. + + Ang mestisa'y may pagirog na kaparis ng balana, +at anak din ni Bathalang tumanggap ng isang mana; +mana'y dapat na gamitin ng ayon sa pinipita +ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa. + + Sa harap ng Batas ng Pagkakalikha. +babae't lalaki ay pantaypantay nga; +kung gayon, mestisa, di dapat lumuha +sa piling ng ibang kapwa mo diwata. + +Kapagkuwa'y siya namang haharapin ang malaki't malinaw na salamin, at +dito'y waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang +gawin sa kanyang maganda nang pusód, kung ilan pang daan n~g espongha +ang marapat niyang gamitin upang mawalan n~g balantan ang pulbos n~g +kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang +ipalamuti sa kanyang baling-kinitang pan~gan~gatawan upang maging +kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang +kinahuhumalin~gan n~g kanyang pagibig. + +Nahagisan n~g tin~gin ni Elsa ang isang alilang babae na patagong +sumisilip sa pinto n~g kusina na wari'y nan~gin~gimbulo sa kanyang +pagbikas, at kanyang tinanong: + +--¿Maganda na ba ako? + +--Wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid,--ang may +lakip na n~giting itinugon n~g alila. + +--¿Kung ikaw ba'y lalaki ay mahahalina ka na sa akin? + +--¡Patay na lamang po ang hindi tablan n~g pagkahalina! + +At ikinasiya n~g mestisa ang m~ga patunay na narinig sa alilang yaong +babae ring paris niya. + +Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga +kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay +panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g +m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na +pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama +noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring +magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman. + +--Kung dito po sa malapit sa ati'y walang mabibili +niyan,--ipinasubaling tugon n~g m~ga inuutusan. + +--Kahi't doon sa palengke'y sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'y +makapaghihintay na ako. + +At nawala noon din sa harap ni Elsa ang kanyang mababait na alagad. + +Nang mapanaog ang m~ga alila ay wala na siyang sukat pan~gilagan sa +loob n~g bahay. + +Binuksan ni Elsa ang isang lagpas taong aparador na sikip na sikip sa +kanyang mahahalagang kasuutan. Kumuha n~g isang sayang sutla; isinunod +ang isang may burdang baro; saka ang panyong nauukol na pangalampay. +Inilaglag sa sahig ang nasa katawan. At iyon ang inihalili. Lumakad. +Lumin~gon sa likod. Lumin~gay. Kumendeng ... At nagparaandaan sa harap +n~g isang malaking salamin, at binikasang maigi ang kanyang anyo. +Bawa't lupi n~g panyo'y iniayos na mabuti; bawa't lukot n~g baro ay +main~gat na pinantay: at ang mahabang buntot n~g saya ay boong husay +na binitbit n~g kamay na kaliwa. + +Datapwa't ... ¡ayaw niya niyon! Hindi iyon ang dapat niyang +ipasalubong kay Tirso. Kung kapagkaraka'y gayak na siya, mawiwika +nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis. + +Naglabas na naman n~g iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang +pangbahay ang napiling kunin. At gaya n~g una, ay isaisang inilaglag +ang kasuutang nasa katawan. N~guni't hindi rin tumama sa kanyang loob +ang damit na huling pinili, kaya't di na naman ipinagpatuloy ang +pagsusuot. + +¿Alin n~ga kaya ang kanyang marapat gamítin? + +Narinig niyang tinugtog n~g isang orasang nakasabit sa dingding ang +ikapito n~g gabi; at napadun~gaw siyang saglit sa bintana, gawa n~g +pagkainip, wari sa paghihintay sa kanyang tinipanang makata. + +--Wala pa,--ang nasabi,--marahil ay mahahatinggabihan n~g dating ni +Tirso, yamang ang m~ga tao'y nalalaang magpuyat n~gayon dahil sa +pagsalubong sa bumubun~gad na Bagong Taon. + +At pagalis sa durun~gawan ay napataas ang kanyang tin~gin sa mukha n~g +salaming kaharap. At kanyang nakitang sa boong hugis n~g katawan niya +ay walang nalalabing tagapagkubli n~g kahihiyaan liban sa isang +manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na nakaluwa ay +nagtatapos ang luwang sa may kalamnan n~g binting yari mandin sa +lalikan. Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang +pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: + + Sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang +maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; +ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran +nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang. + + Bulaan ang paroparong di maaakit sa bulaklak. +pag ang ganda't kulay nito ay may tamis na kalangkap; +gamogamo'y hamak lamang, pag ang ilaw'y walang ningas, +datapwa't kung may sindi na'y bayani ring matatawag. + + May halamang gabigabi'y tikom nga ang mga dahon. +parang taong natutulog na nahapo sa maghapon; +n~guni't tao't halaman ma'y nagigising, nagbabangon. +pag ang araw'y may sikat nang sa lahat na ay pagukol. + +Katiyap n~g panghuling alin~gawn~gaw n~g tulang itong bininigkas sa +sarili ay naulinigan n~g mestisa ang ilang sunodsunod na yabag n~g +m~ga paang mandi'y pumapanhik sa hagdan. Siya noo'y nabubun~gad sa +pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit n~g tin~gi'y hindi +mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. At nakilala +n~ga: ang makatang hinihintay na darating. + +--¡Ah!... + +--¡Oh!... + +Sa pagsasagupa n~g kanilang m~ga mata, dalaw at dadalawi'y kapwa +napatdahan n~g dila't tila nan~gapatulos sa kanikanyang +kinatatayuan.... + +Inibig ni Elsa na tumakbong magtago o magtun~go sa may sisidlan n~g +damit, datapwa't ang kanyang m~ga paa'y hindi naian~gat sa +pagkakayapak sa ibabaw n~g tabla. + +Si Tirso nama'y nagtangkang manaog na walang paalam upang makaiwas sa +gayong napakatuksong pagkakataon. Subali't walang anoano'y tinanggap +n~g kanyang m~ga tayn~ga ang ganitong malambing na tawag n~g birheng +iyon na wari'y naghihimala sa harap niya: + +--¡Magtuloy ka, Tirso! + +At ang lalaki'y napalin~gon sa kabila. At ang babae, sa gayong +pagkakimi, ay madaling nakahalata. Kaya't sa nakakikiliting kilos ay +itinanong n~g boong lamyos: + +--¿May hinihintay ka bang kasama? + +At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling inilantad +ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, n~guni't noon di'y +waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't ang m~ga ito ay +mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na siya namang +ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing: + +--¿At ikaw ba ay napuwing? + +At ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo +sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya n~g di mailarawang m~ga +tibukin. + +Sinaksihan n~g m~ga namamalikmatang balintataw ni Tirso ang +banaybanay na pagan~gat at pagdipa n~g dalawang bisig ni Elsa, na, +nang m~ga unang sandali'y nagmistulang lawin na dadagit n~g sisiw, +datapwa't kaginsaginsa ay nagsalan~gaylan~gayang mandi'y lumalan~goy +sa gitna n~g alapaap. + +--Nagiisa ka yata ...--pautal halos na namitiw sa m~ga labi n~g +lalaki, pagkalipas n~g saglit na walang imikan. + +--¿At kung nagiisa man?--isinambot n~g mestisang sinundan n~g isang +hakbang na papalapit sa kausap.--¿Nahahalayan ka bang makiharap sa +akin n~g sarilihan'?--idinugtong pang punongpuno n~g lambing. + +--Hindi naman, Elsa ...--tan~ging naitugong lipos n~g pagkakimi n~g +makatang pinaghaharian n~g kabaklahan. + +Mabilis na gaya n~g isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na nagdaan +sa papawirin n~g alaala ni Tirso ang larawang mistula n~g kanyang +kabiyak n~g dibdib na hindi niya matulusan kung saan naroroon. + +--¡Teang! ...--ang naibulong na lamang sa sarili. + +Datapwa, ang paglalatang n~g budhi n~g mestisa ay patuloy na walang +untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa kanyang +maaaring lakumin. + +--Halika sa loob, Tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap +sa akin sa ganitong ayos,--anya.--Masok ka, at may m~ga kalugodlugod +na balita akong iuulat sa iyo. + +Pagkarinig sa gayong binigkas n~g dalaga, isang pagkahalinang hindi +mapaglabanan ang kaagad naramdaman n~g makata sa kaibuturan n~g +kanyang sumisikdong puso. Kaya't pigil halos ang paghin~gang sumunod +sa nais n~g magandang si Elsa. + +Dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'y tinatanuran n~g isang +nakapatun~gong salamin ang napili nilang pagtigisahan. At pagkahilig +sa tinurang likmuan ay si Elsa ang unang nagbukas n~g pananalita. + +--¡Pinapagtataka mo akong lubha sa m~ga kilos na iyong ipinamamalas +sa akin!--ang wika.--Natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking +anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa m~ga tulain. Datapwa, +sa di iilang pangyayari'y napagkilala kong ikaw ay isa pa pala riyan +sa m~ga kawal n~g pagpapakunwari ... Gayon man, ay pakikibagayan din +kita.... + +--¡Elsa! + +--¿Na ikinahihiya mo ang ganito kong ayos na iyong nataunan sa iyong +pagdating? Magdadamit ako, kung gayon. + +Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang +magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong +kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... +Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ¡Oh, +gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata! + +--¿Di ba tayo pasasa Pandakan?--ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, +nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang +sasabihin. + +--Oo n~ga,--isinagot n~g mestisa,--n~guni't mamayang maghahatinggabi, +pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali +n~g sayawan sa Plaza Moraga. + +--Kung gayon, ay tayo na. + +--Bago tayo lumakad ay ibig ko munang man~gako ka: ¿hindi mo na kaya +ako lilisaning walang paalam na gaya n~g iyong ginawa noong tayo'y +nakaautong magtun~go sa Luneta? + +Hindi naikubli ni Tirso ang isang n~giting may lihim na kahulugan, +bago nakapakli. + +--Ibig kong ibalita sa iyo, Elsa,--anya,--na sa m~ga sandaling ito +marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan n~g "Club Filipino", +at gaya n~g pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. Gayon ma'y +wala ako sa sayawang iyon at n~gayo'y nasa piling mo, alangalang sa +isa mong hiling na samahan kita sa Pandakan. Sa pangyayaring ito, ay +dapat nang mahulaan mo na kahi't abutin tayo roon n~g umaga, ay +nalalaan akong hindi magsasawa ni lalayo sa iyong piling. + +--¿Diyata? ¿At sino ang kapareha mo? + +--¡Sino pa! Walang iba kundi ang aking mabait at butihing kaibigang +nagpahatid sa akin kanina n~g isang mahalagang aginaldo, ang +pinakatatan~ging mestisa na kausap ko n~gayon.... + +--¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing +kalagayan!... + +--¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan? + +--Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang +sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya.... + +--Alalahanin mong may sulat ka sa akin tungkol sa sayawan sa Pandakan; +anyayahan kita sa klub ay sasabihin mo na lamang na talagang binibigo +ko ang iyong m~ga lakad. + +--Tirso, tila bumabait ka na n~gayon.... + +--Mangyari'y nagaaral sa m~ga turo mo.... + +Sa lihim na pitak n~g dibdib ni Elsa ay dumalaw noon ang ilang +tilamsik n~g liwayway na waring naghatid sa kanyang kaluluwa n~g m~ga +unang balita n~g isang kapalarang di maglalao't mapapakanya. Nang +sandaling iyon ay naitanong ni Elsa sa kanyang sarili kung tunay nang +ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay n~g ibang +damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya n~g una, kundi papalapit +na't magbibigay kasiyahan sa kanyang m~ga lihim na pan~garap. +Tiningnan niya si Tirso n~g isang tin~ging parang nan~gun~gusap. At +ang bilang naging tugon n~g makata: + +--¡Kay ganda mo, Elsa! + +Kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita n~g mestisa na +siya ay nakarinig na n~g gayong hayagang pagpuri n~g makatang si +Tirso, kundi nang gabing iyon. ¿Magdudulot na n~ga kaya n~g masaganang +ani ang m~ga pananim ni Elsang inaalagaan sa pitak n~g kanyang +dibdib?... + +--Maalaala ko pala,--ang mayamaya'y narinig kay Tirso,--¿di ba't wika +mo sa iyong sulat na ako'y babalitaan mo n~g ilang bagay na mahalaga +ukol sa aking kasaysayan, kaya mo ninasang n~gayo'y maparito ako? + +--Oo n~ga,--ang amin n~g dalaga,--n~guni't nagaalaala akong baka hindi +mo na naman paniwalaan.... + +--¿At bakit hindi? Huwag lamang bang hindi ikaw ang magbabalita eh.... + +--¡Nanuya ka na naman! + +--Sabihin mo na n~ga, Elsa. + +--Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan. + +--¡Ayoko! + +--¡Anhin ko kung ayaw ka! ¡Di mo matatamo ang mahalagang balitang may +kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! + +At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik. + +--¿May kinaalaman kay Teang?--itinanong na agaran. + +--Hindi ako nagbibiro,--ang matatag na sambot n~g mestisa. + +--¿Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon? + +--Sinasabi ko sa iyong mamaya na. + +--Kung gayo'y tayna sa Pandakan. + +--Subali't ... ayoko na yatang sa Pandakan tayo magtun~go. + +--¿Ibig mo sa aming klub? Mabuti, kung magkagayon. N~guni't lalong +mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito. + +--¿Sa klub at saka sa Pandakan pa? + +--Una muna sa "Club Filipino", saka kapag maghahatinggabi na'y tumawid +tayo sa Pandakan. + +Ikinatuwa n~g mestisa ang mungkahi n~g makata. At noon di'y inilabas +na ang kanyang mahahalagang hiyas, isinakatawan ang m~ga ito, at +pagkatapos ay isinuot ang kanyang bagong sapatos na kakulay n~g ginto. + +Dumating ang m~ga alila na taglay ang m~ga ipinabili ni Elsa. + +--Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang Silveira,--ang +manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa kanyang kasama, +pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili. + +--Kapag naghintay ay talagang may darating ...--itinugon namang lihim +n~g pinagsabihan. + +At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g +mestisa ang loob n~g kabahayan. + +--Naito ang mansanas,--ang magiliw na alok ni Elsa sa kanyang +panauhin. + +--Nagpabili ka pa pala niyan,--ang nawika ni Tirso pagkamalas sa +ipinagaanyaya n~g mestisa. + +--Nagpabili ako nito, Tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay +mahulaan ko ang iyong m~ga niloloob.... + +--¿Sa paanong paraan? + +--Kung mamasarapin mo ang m~ga _frutas_ na ito, ay ituturing kong +mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; datapwa't kung +mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay ko namang +magpaunlak ka ma'y napipilitan lamang.... + +--¡Mabuting panghuhula! At sa panghuhula mong iya'y walang pagsalang +matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong ikagagalak ko ang +pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, sapagka't kakanin ko +n~g boong pananabik ang ... iyong mansanas. + +Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso. + +Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa. + +--Natatandaan mo marahil na sa sulat ko'y nasasabing magsasalo tayo sa +gabing ito,--anya, samantalang tinatapos sa bibig ang huling kagat n~g +isang mansanas na kanyang tinalupan.--Ang pagsasalong iya'y matutuloy; +hindi n~ga lamang dito kundi sa isa sa m~ga _hotel_ o _restaurant_ sa +Maynila, sapagka't hindi na napigil ang pagpapauna sa Pandakan kanina +pa n~g m~ga kapatid ko. + +--Tayna, kung gayon,--tan~ging naipulas sa bibig ni Tirso.--May +kalesang naghihintay sa atin sa daan. + +--¿Mayroon ba? + +--Óo. + +At pagkapagiwan n~g ilang tagubilin sa m~ga alila, ang mestisa't ang +makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim n~g +gabi.... + + + + +XVII + +¡ANG BUWISIT NA _NEGRO_! + + +Ang kalesang sinasakyan ni Elsa at ni Tirso na isang _de primerang_ +walang taglay na bilang sa likod at hila n~g isang masipag na +kastanyong ayaw manding madiktan n~g pamalo sa katawan, ay sinusundan +n~g dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat n~g gusali +n~g "Germinal" at paakyat sa tulay n~g Ayala, nang masalubong n~g isa +pa ring kalesang kinalululanan naman n~g dalawang lalaking sa wika ni +Cervantes naguusap. + +Pagkalampas n~g sasakyan nina Tirso ay halos nagkasabay ang pagulat na +turing n~g dalawang lalaking kasalubong: + +--¡Si Silveira at ang mestisa! + +At kapwa hinabol n~g tanaw ang kanilang nakita. + +At ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto. + +--¿Nakilala ba ninyong mabuti? Dr. Nicandro?--itinanong n~g nasa kanan +sa kanyang kaagapay. + +--Kailan ma'y hindi ako pinagdadayaan n~g m~ga mata ko, G. +Martinez,--ang naging sagot n~g nasa kaliwa. + +--Sa pagkatin~gin ko man ay sila rin. + +--Kung gayo'y madali tayong magpihit at sila'y tultulan natin. + +--Mabuti n~ga,--at sa isang tukoy sa tagapagpalakad n~g sasakya'y +sinabi:--Kutsero, _vuelta_. + +N~guni't ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi kadaglidagling +nakukuha sa m~ga pabiglabiglang ubos. Nagumurong pa muna sa m~ga tabi +n~g bakod na parang tumututol sa m~ga hampas na tinatanggap sa +kutsero bago pumayag na bumalik n~g lakad at muling tumakbo. + +Nang makapihit ang sasakyan ni Dr. Nicandro at ni Martinez ay di na +nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina +Tirso at Elsa. Gayon ma'y pinilit nilang magdagdag n~g bilis ang +mabilis nang takbo n~g kanilang kabayo, sa nais na mapalapit din sa +tatlong nagpapalusutan. + +--¡Palo, kaibigan!--ang utos pang nagkakanggagahol ni Martinez sa +kutsero. + +--¡Buwisit na kabayo!--ang payamot namang saad ni Dr. Nicandro na +sinasabayan pa n~g kamot n~g ulo. + +--¡Pagkabagalbagal! + +--Babayaran ka namin n~g _doble_, abutan lamang natin ang isa sa +tatlong kalesang iyon,--sinabi pa ni Martinez sa kutsero. + +At ang kutsero, sa panghahawak sa karan~galan n~g pan~gun~gusap n~g +m~ga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang n~g sunod +sa bawa't sa kanya'y sabihin, samantalang ang likod n~g kabayo'y +siyang nag-uumasó halos sa malimit na lagpak n~g pamalo. + +--¡Kaliwa! + +--¡Kanan! + +Ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina Martinez na iisa na +lamang ang kalesang kanilang nasusundan. At nagtibay sa kanilang +paniwala na iyon ang kinasasakyan n~ga n~g makata't n~g mestisa. Ang +iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na nila mabakas. + +--¡Habol, at malapit na tayo!--ani Dr. Nicandro. + +--¡Huwag na tayong hihiwalay sa sinusundang iyan kahi't saan +makarating!--ang wika naman n~g isa. + +Samantala, ang m~ga sanhing naguutos n~g gayong pagtultol n~g dalawang +lalaking magkasama sa lakad n~g sasakyan nina Elsa at Tirso, ay +mapagkikilala sa ganito nilang salitaan: + +--N~gayon tayo dapat maniwala sa kutob n~g ating loob,--ang sabi n~g +isa kay Martinez. + +--Siya n~ga po, Dr. Nicandro,--ang ayon n~g kapiling.--at ito po'y +hindi na kutob lamang n~g loob, kundi isang katotohanan nang +itinatalampak n~g m~ga pangyayari sa ating m~ga mata. + +--Ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong aking +napagsapit,--ang wika pa n~g manggagamot habang nagkukumamot halos ang +kanilang kabayo. + +--¿Bakit po? + +--Sapagka't gayong sa "Club Nacionalista" ay may nahalata na ako ay +kung ano't hindi pa nagbago n~g loob sapul noon. + +--¿At matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan? + +--Mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine "Ideal". +¿Kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa +nasabing mestisa? + +-¿Ako? ¡Oh, di ko na ibig alalahanin, doktor! Sukat ang nalalaman na +ninyong kapwa tayo sinawi n~g ating pagasa, at wala na. Sa ganang +aki'y wala na n~ga pong nalalabi kundi ang masunduan ko n~gayon kung +saan naroroon ang pugad na pinagpapasasaan n~g aliw n~g dalawang ibong +iyan.... + +--¡Kundan~gan naman kasi'y nagpakahilam tayo sa babaeng iyan! ¡Parang +ipinagtatanong pa natin kung ano ang mestisa!... + +--N~guni't kung ang babae po ay di ko pinagn~gin~gitn~gitan; at ang +kanyang pagpapahalaga sa iba ay walang anoman sa akin na gaya rin n~g +pagkawalang anoman n~g pagkahalina ninyo sa kanya. ¿At di ba ninyo +natatantong tayo ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay n~g di +mabilang na m~ga lalaking paris natin na naaakit din ni Elsa sa +minsang pagbabati o sa isang pagkakatitigan kaya? At ang kilos na iyan +ni Elsa ay siyang talagang kilos na sarili n~g mestisa. + +--¿Samakatwid ay kay Silveira kayo nagtatanim? + +--Paano po'y pinamuhunanan ko n~g magandang loob ang lalaking iyan, +saka ganito ang iginanti sa akin.... + +--¡Ah, magkasama n~ga raw yata kayo sa "Philippine Law School"! + +--Tangi po sa riya'y nakatukatulong din niya ako sa kanyang m~ga lakad +para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman. + +--¿At may nililigawan pa bang iba? + +--Di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na. + +--¿At saka n~gayo'y si Elsa Balboa naman ang kasama? + +--¡Iyan po ang labis kong ipinagdurugo n~g puso! + +--Tunay n~ga palang ang _poeta_ ay walang kabusugan, walang hindi +pinipintuho, walang hindi inaawitan n~g kanilang m~ga tulain. ¡Paano +ka n~ga ba sa m~ga taong iyan! + +--¡Pasasaan ba't hindi ako makagaganti! + +Pagsapit dito n~g salitaan n~g dalawa, ay namalas nilang ang +sinusunda't ayaw hiwalayang sasakyan ay biglang nagtigil sa isa sa +m~ga tagong lansan~gan sa Sampalok. + +--¡Aha, at dito pala!--ang sabi ni Martinez, kasabay n~g pigil sa +balikat n~g kutsero. + +-¡Nalalaman na natin n~gayon!--ang susog naman ni Dr. +Nicandro.--Kutsero, huwag tayong pakalapit at baka makita nila. + +N~guni't ang kabayong nagn~gin~gitn~git mandi'y hindi napigil n~g +nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang n~g kanilang +kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni Tirso at ni +Elsa. Sa gayo'y kapwa walang maalamang gawin sa pan~gun~gubli, dahil +sa malaking pagaalaalang sila'y makikita n~g makata at n~g mestisa, +kung ang m~ga ito'y magsiibis sa sasakyan. Datapwa't wala nang +magagawa; nagkasubuan na. Maghintay na lamang sa pagibis n~g dalawa. +Ang dilim n~g gabi ay maaari na marahil na maglin~gid sa kanila sa +m~ga mata ni Tirso at ni Elsa. + +Nang m~ga sandaling hinihintay nina Martinez at Dr. Nicandro ang +panunod na pagpanaog sa sasakyan n~g mestisa't n~g makata, ay siyang +paglunsad sa malapit sa kanila n~g isang malaki't mabigat na katawan +n~g isang lalaking ang kulay n~g mukha ay nakikipan~gagaw sa dilim n~g +gabi. + +--¡Isang matabang negro!--ang naibulong na punongpuno n~g mangha n~g +kutsero sa dalawa niyang sakay. + +--¡Negro! ¡Negro n~ga!--ang hindi naman magkantututong sambot n~g +dalawa. + +At noon di'y namasdan nilang sila'y nilapita't kinikilala n~g tinurang +_negro_. At pagkalapit sa kanila'y tumanong: + +--_What are you doin, here, hombre? Por que sigue conmigo_? + +Ang kutsero, sa kabiglaana't pagaakalang siya ang tinatanong, ay halos +mautal sa pagsagot n~g: + +--No gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre.... + +Salamat sa ganitong nakatatawang tugon n~g kutserong nahintakutan n~ga +yata sa itim at laki n~g tinukoy na amerikano, si Martinez at si Dr. +Nicandro ay kapwa malamig ang loob na humin~gi n~g nauukol na +paumanhin matapos na ipaliwanag ang kanilang pagkakamali. Ang +amerikano'y anyong nagalinlan~gan pa sa m~ga ipinahayag n~g dalawang +magkasama, subali't dahil sa napaghalatang sila'y m~ga tao ring may +pinagaralan, alangalang sa kanilang malinis at sanay na paggamit n~g +inggles, saka sa mabuting ayos n~g kanilang pananamit na di mahihintay +sa m~ga may masasamang loob na dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, +ay nagkibit na lamang n~g balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang +bahay na nakaurong sa daan. + +Gayon na lamang ang nangyaring tawanan n~g m~ga naliho n~g kadiliman +n~g gabi. At habang nililisan nila ang pook na yaon, ang +pagn~gin~gitn~git n~g loob ay pinararaan sa matunog na halakhakan. + +--¿_Pero_ wala ka bang nakitang isang babae't isang lalaki sa m~ga +nasalubong natin sa may tapat n~g "Germinal"?--itinanong ni Martinez +sa kutserong nagtututop n~g tiyan sa di mapigil na tawa. + +--Mayroon n~ga po.... + +--¿Ay saan nagtun~go? + +--Aywan po ba; ang boong asa ko'y talagang ang nasusundan natin. + +At si Dr. Nicandro'y halos hindi makapagsalita sa pagiihit n~g tawa. + +--¿Ano, G. Martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa Pasay upang matiyak +kung siya n~ga o hindi ang ating nakita?--ang tanong makailang saglit. + +--Hindi na po kailan~gan,--ang tanggi n~g tinukoy.--¿At di ba kayo +naniniwalang talagang siya at si Silveira ang nasalubong natin? + +--Naniniwala rin, n~guni't ¿nasaan sila? ¿Ano't isang matabang _negro_ +ang nakatun~go natin pahinto n~g ating sasakyan? + +--¡Ang buwisit na _negro_! + +At sumunod na naman ang pagkakain~gay n~g tawanan. + +Sa mungkahi ni Martinez, ay minarapat n~g dalawang makikisig na +binatang kabilang sa, hanay n~g m~ga nabibighani n~g dilag ni Elsa +n~guni't di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang _bar_ sa Santa Cruz +upang kung mangyayari'y lunurin ang malaking pagkabigong kanilang +kinamtan sa loob n~g ilang kopita n~g alinmang inuming pumapaso sa +lalamuna't dumadarang sa diwa. Anopa't dahil n~ga sa kabiguang iyon at +pagkapahiya pa sa harap n~g isang amerikanong itim, ang +pagkamanggagamot ni Dr. Nicandro ay walang nagawa kundi makiayon sa +gayong mungkahi n~g kasama. + + * * * * * + +Sinarili ni Martinez at ni Dr. Nicandro ang isang munting mesa na nasa +isang dulo n~g tindahang iyon n~g sarisaring alak, n~g sa isipan +nila'y walang namumugad kundi ang larawan ni Elsa at ni Tirso na +magkapiling n~g boong laya, sa loob n~g isang kalesang aywan nila kung +saan nagtun~go. + +Ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa liwasang +Goiti. At sapagka't nagkakilala sila sa sayawan sa "Club Nacionalista" +nang isang gabing kasama ni Martinez si Elsa, ang ginawa n~g +manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito n~g ang mestisang sinabi ang +tukoy n~g kanyang pakikipagusap. + +Sa pagniniig nilang iyon ay dili ang hindi sila nagkatapatan n~g +kanikanyang loob hinggil kay Elsa, at napagkaisahan n~ga tuloy na +sila'y magsadya kapwa sa Pasay, at magpasumalang maganyaya sa mestisa +sa pakikigalak sa Bagong Taong bumubun~gad, + +Si Martinez na sadyang may ugaling di makapagsarili n~g lihim, at si +Dr. Nicandro na masasabi namang halos mahibanghibang na sa n~galan at +larawan n~g mestisa, ay kapwa hindi gumamit noon n~g pagkakaila at ang +tuyo at lagay n~g isa ay ganap na sumakaalaman n~g isa pa. Anopa't sa +wakas n~g kanilang salitaang iyon ay lubusang napagtalastas n~g isa't +isa na sila ay kapwa nabibilang sa m~ga lalaking gayong +pinagpapakitaan n~g mabuting loob ni Elsa ay kung ano't hindi naman +magkamit n~g kanilang minimithimithi. At kapwa sila umamin, lubha pa +nitong masalubong n~ga nilang kasarilihan ni Elsa sa dilim n~g gabi si +Tirso, na ang m~ga lakad n~g makatang ito ay talagang malayo na ang +nararating na kung pakahahabulin pa nila'y dili ang hindi mangyari ang +sila'y uyamuyamin at n~gisihan na lamang. + +--Wala na tayong nararapat gawin, G. Martinez, kundi ang pawiin na sa +ating alaala ang mestisang iyan, ang wika n~g manggagamot nang +maparaan sa lalamunan ang unang tungga n~g nakalalasing na inumin. + +--¡Ah! Kung sa ganang akin n~ga ay walangwala na ang lahat,--iniayon +naman n~g pinagpayuhan.--N~guni't ang hindi lamang yata karakarakang +mapaparam sa gunita ko ay ang di mabuting iginanti sa akin n~g +lalaking pinautan~gan ko n~g magandang kalooban: si Silveira. Ang +ginawi n~g lalaking ito anhin ko mang limii'y humihin~gi n~g nababagay +na kapalit, n~g nauukol na paghihiganti.... + +--¡Hintay kayo!--biglang inihadlang ni Dr. Nicandro sa pan~gun~gusap +ni Martinez, at ang m~ga mata'y palihim na itinudla't saka binawi sa +dalawa pang lalaking nasa isang mesitang di lubhang kalayuan sa +kanila,--Sa may tinatalikuran nati'y tila nauulinigan kong ang +pinaguusapa'y dili iba't ang pinaguusapan din natin. ¿Ibig ba ninyong +makimatyag? + +Ang dalawa ay kapwa nanahimik at tinalasan n~g tayn~ga ang sinasabi +n~g nasa kanilang likuran na nang kanilang lin~guni'y hindi naman +namukhaan. + +At ang narinig nila: + +--¡Ganoon ang lalaki! ¡Nasusulit ang pagod! Hindi paris mong sa +pamamalakaya sa mestisang iyan ay panay na "talo" at walang +"panalo".... + +--Ang sabihin mo'y lalong mapalad siya kaysa akin. ¿At ano? Kung ako +ang nasa katayuan ni Silveira, ¡hindi ko masabi kung saan na kami +nakarating! + +--¿Ibig mo bang sabihi'y hindi mo magagawa ang paris n~g ginagawa ni +Silveira? + +--Ang sinasabi ko ay magagawa ko ang paris n~g iyong hinahan~gaan sa +kanya, kung ako ang nagkaroon n~g kapalarang maghari sa kalooban at +pagibig ni Elsa. + +--¡Ikaw pala! Sa salitaang nauukol sa babaeng mestisa, ay di na +kailan~gan ang paghahanap o paghihintay n~g kapalaran. Ang +pagkakapalad n~g isang gaya natin sa harap n~g mestisa, ay di sa +mestisa nanggagaling kundi sa atin din. Ang mestisa ay hindi kagaya +n~g ating m~ga babaeng ibig na'y ayaw pa. Ang kaibang sangkap n~g dugo +n~g isang paris ni Elsa ang nagbibigay sa kanya n~g kaibhan sa wagas +na pilipina. Kung sa bagay ay di ko natatalos ang "hulo at luwasan" +n~g m~ga lakad sa kanya ni Silveira, n~guni't gayon ma'y hinuhulaan +kong kung nagkapalad man ang lalaking iyan ay sapagka't natutuhan +niyang tugunan ang m~ga lihim na han~garin n~g mestisa. Nalurok +niyang si Elsa ay may kaluluwa na laging nauuhaw sa hamog n~g +kabataan, na ang puso'y lahad na parati sa dilig n~g sarisaring aliw +na idinudulot n~g kamunduhan; si Silveira nama'y walang sinayang na +pagkakataon, at ang lahat n~g iyo'y kanyang inihahandog n~g ubos kaya + ... At kung kayo n~g makatang iya'y may pagkakaiba, ay sa dakong iyan +kayo talagang nagkakalayo. + +--N~guni't si Elsa Balboa ay hindi paris n~g balanang mestisa. Sa +dinamidami n~g naaamuyan kong nan~gin~gibig sa kanya, ay iisa lamang +naman si Silveira na nakalalamang sa akin. Di siya katulad n~g ibig +mong ilarawan na may pusong tuwina'y may pitak sa sangdaan mang +pan~galan. + +--Kung bagaman ay sa dahilang hangga n~gayo'y nagiisa pa rin si +Silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak n~g dugo ni Elsa. +Subukin mong gawin ang m~ga "kasanayan" n~g makatang iyan, at makikita +mong ako'y hindi nagpapakalabis sa aking m~ga hakahaka. + +--¡Aywan n~ga ba sa mestisang iyan!... + +--Paris n~gayon: ¿ano ang napanood natin? Samantalang ikaw at ang +tanang paris mong tutulogtulog ang damdami't waring naglalaway sanhi +sa pagkatin~gala sa isang manggang nakabitin sa puno, si Silveira +naman ay boong pagwawaging nagdaan sa harap nati't kakawit-bisig ang +mestisa na pumanhik sa isang _hotel_.... + +Pagkarinig nina Dr. Nicandro't Martinez sa dakong ito n~g salitaan n~g +dalawang lalaking hindi nakikilala, bagaman alan~gang asalin n~g gaya +nila ay kapwa sila nagtangkang makilahok sa gayong paguusap, upang +kung sakasakali'y kanilang matalos kung aling _hotel_ ang binanggit na +iyon. Datapwa't hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang +nagsilabas noon din sa pintuan n~g tindahan ang m~ga lalaking +kinaringgan n~g gayong salitaan. + +--¡Si Elsa at si Silveira sa _hotel_ sa ganitong oras! +--ang pakagat-labing nasambit ni Martinez.--¡Ah, talagang ang +kapalaran ay kanila na! + +--Kaya dapat na tayong magpugay sa kanila,--ang wika naman n~g +manggagamot. + +--N~guni't kung hindi ang buwisit na _negro_, sana'y hindi nila tayo +napaglihuan. + +At ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin. + +Sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok n~g kasaliwaan ay +nagkaisang magpapauwi na kapwa n~g bahay at hindi na tuloy +makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat n~g dako. + + + + +XVIII + +MGA PUSONG NAGLALAMAY + + +--Kinakailangang gamitin ko na n~gayon ang lahat n~g paraang aking +magagamit sa ikapagwawagi n~g aking m~ga adhika,--ang naibulong ni +Elsa sa kanyang sarili samantalang pinagmamasdan niya ang masasayang +kilos ni Tirso nang sila ay nagsasalo n~g boong lugod sa isa sa m~ga +mesa n~g "Hotel de Francia". + +At may katuwiran si Elsa upang magsaloob n~g ganyang balak. Ang +damdamin at palagay na kanyang nadadama sa bawa't kilos at +pan~gun~gusap n~g makata nang gabing iyon, ay talagang di na kagaya +n~g dating may lamig n~g yelo n~g pagkawalang pakiramdam, kundi may +init na n~g apoy n~g isang kaloobang pinapagaalimpuyo n~g lihim na +pagiimbot. Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila sa +kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g bahabahagyang +pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya +noon n~g m~ga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'y +makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; at ang malimit na paglalagay +sa pinggan niya n~g sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang +mahigpit na pagtanggi't pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't +pakibalitaan si Teang; ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit +sa kailan~gan upang siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili +ang hindi n~ga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g +kanyang pagkamestisa. + +--At ang paraang dapat kong gamiti'y ang lunurin siya sa galak, +lasin~gin ang puso niya sa alak n~g aliw at kung mangyayari'y suubin +ang kaluluwa niya n~g kamanyang n~g ligaya, hanggang sa pumaimbuyog sa +lawak n~g pan~gan~garap ang kanyang diwang kapatid n~g m~ga +salamisim,--ang wika pa ni Elsa, habang tanggap siya n~g tanggap sa +bawa't putaheng sa kanya'y idulot n~g makatang kapiling. + +Sinabayan muna n~g mestisa ang pagtagay n~g _valdepeñas_ ni Tirso bago +muling ipinagpatuloy ang lihim na pagduduklay sa sarili n~g ganito: + +--Ang ginawa n~g pari sa hihigan ni Teang na natutop ni manang Magda +sa tahanan ni tia Basilia ay mabuting ipaghintay ko na muna n~g ibang +pagkakataon para ibalita sa kanya sa ayos na magalin~gin ko. Kung +iyo'y n~gayon ko sasabihin, anomang balatkayo'y hindi makagigitaw at +ang dibdib niya'y papasuking walang sala n~g malaking kalumbayan. Kung +magkagayon ay nan~gan~ganib akong maparam na nama't sukat ang ganitong +kanyang m~ga kilos at palagay na sa masid ko'y nan~gan~gako n~g aking +nalalapit na tagumpay.... + +--Elsa,--ang sa malambing na tinig ay itinawag sa kanya n~g makatang +kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang pagmumunimuni. +--¿Nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob n~g m~ga taong nakamamalas +sa ganito nating anyo?... + +At ang tanong na iyo'y lalo pang nagparamdam n~g kasiglahan n~g pagasa +sa m~ga lamad n~g puso n~g dalaga at siyang nagpapula n~g kanyang +mukha sa sandaling iyon. Kaikailan man ay di siya nakaririnig n~g +gayong pan~gun~gusap na iniuukol sa kanya ni Tirso. Subali't ¿ano ang +marapat niyang itugon? + +--Hulaan mo n~ga, Elsa, ang iniisip n~gayon n~g m~ga taong iyang +nagtin~gintin~gin sa atin,--ang pan~giti pang saad n~g makata, kasabay +ang panakaw na pagpupukol n~g sulyap sa m~ga iba pang taong +nagpapasikip sa malaking _hotel_ na iyon. + +--¿Hulaan ko?--ang sa di kawasa'y ipinakli n~g mestisa,--Ang aking +hula ay iniisip nilang sila'y nakakikita n~g isang lalaki at isang +babae na nagsasalo sa mesitang itong ating pinaghaharapan.... + +--¡Mabuting panghuhula! N~guni't hindi iyan ang ibig kong marinig sa +iyo.... + +--¿At alin pa? + +--Nakakikita n~ga sila n~g isang babae't isang lalaki sa mesitang ito; +n~guni't ang kung ano ang kanilang ipinalalagay na sanhi n~g ganitong +pagsasalo ay siyang ibig kong hulaan mo. + +--¿Sanhi n~g pagsasalo? ¡Alin pa kung hindi ang pagkain! + +--¡Kay pilyapilya mo! + +--¿At ano? ¿hindi ba tama ang aking hula? + +--Pagkain n~ga ... subali't ¿magano ang palagay nila sa atin? Alalaong +baga: ¿magkapatid o magkaibigan? ¿magkaibigan o magsinggiliw, +¿magsinggiliw o magkaaway? + +--¡Magkaaway!... + +--¡Diyan ka natalo! + +--¿Ikaw: ano ang hula mo? + +--¿Ang hula ko? Ang hula ko'y ... itinuturing nilang tayo ay dalawang +pusong iisa ang tibukin.... + +--¡Tirso!... + +--¿At ano? ¿Hindi? + +--Makikita mo't iiwan kita, kapag ganyan pagkapilyopilyo mo.... + +--¿Iiwan mo ako? ¿At kanino ka sasama? + +--¡Salbahe! + +--¿Kung kanino n~ga, eh? + +--¡Sa lelang mong panot! + +--¡Pilya! + +At biglang itinungga ni Tirso ang nalalabing laman n~g kopang nasa +harap niya. Pagkatapos ay nagmukhang malungkot, saka itinanong sa +mestisa: + +--¿Kung iiwan mo n~ga ako, Elsa, ay kanino ka sasama? + +--¿Nahihibang ka ba, Tirso? ¿Ano ang nangyayari sa iyo? + +--¿Malinaw ang aking pagiisip. Datapwa't nais ko lamang na magkaroon +na n~g wakas ang m~ga pagaalinlan~gan ko.... + +Sumikdo ang dibdib ni Elsa. + +--¿Pagaalinlan~gang paano?--kanyang itinanong.--¡Sukat na n~ga, Tirso, +iyang m~ga kaululan! Limutin mo muna ang iyong pagkamakata.... + +--¡Kaululan ... pagkamakata!... + +--Ako'y bantad na sa iyo.... + +--¿Bantad na paano? + +--Na ako'y may labis nang pagkakilala na ikaw ay nagsasalitang +lumilipad sa malayo ang isip.... + +--Iyan ang hindinghindi mo mapatutunayan. + +--Ako ay may pinagbabatayang m~ga pangyayari.... + +--¿Pangyayaring ano? + +--Itigil mo na muna iyang kaululan, sabi eh ... Ang isipin mo ay kung +saan tayo nararapat dumalo pagkakain natin: o sa Pandakan na o magdaan +pa kaya sa inyong klub. + +--Sa klub muna namin. + +--Maging saan man ang tun~go nati'y dapat mong paggayakan kung ano ang +imamatuwid mo, sakaling makarating sa m~ga tayn~ga ni Teang ang +ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan n~g gabing ito. + +--Si Teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung saan siya +naroroon sa m~ga oras na ito. + +--¿Wala na sa iyo? ¿Ay kapag naalaman mo kung saan siya naroroon? + +--Magkagayon ma'y wala akong sukat na ikabahala. + +--¿Tunay? + +--¡Tunay na tunay! + +At ang mestisa ay nan~giti. At ang makata ay napatitig. + +--Sabihin mo n~ga, Elsa, kung saan naroon si Teang.--ani Tirso +mayamaya. + +--¿Sabihin ko sa iyo?--ang tanong n~g dalaga. + +--Kahi't wala na siyang anoman sa aki'y ibig ko lamang matalos ang +kinadoroonan niya. + +--¡Talagang may pagmamalasakit! + +--Wala, Elsa.... + +--Hamo't mayamaya, at kung hindi matuloy ay sa iba nang araw. + +Nagkataon namang sa lalapit ang tagapaglingkod na may idinudulot na +malamig na sorbetes, bilang pangwakas na nasasaysay sa di +pangkaraniwang _menu_ na inihandang pangbagong taon n~g "Hotel de +Francia." + +Nang sila ay manaog sa gusaling yaon, ay kasunod na nila ang kung +anoanong bulun~gan n~g m~ga taong mapagbigay n~g kahulugan sa kahi't +anong makitang kilusan n~g isang babae't isang lalaki na gaya na n~ga +n~g kina Tirso at Elsa. + +--¡Masama ang lagay n~g dalawang iyon! + +--Malamang na malayo ang abutin n~g kanilang m~ga lakad.... + +--Pagkakabisala'y may maipagsusulit silang masarap na ... Bagong Taon +n~gayon sa kanikanilang m~ga magulang. + +--¡Ang asal n~ga naman n~g kabataan sapanahong ito! + +--¡Sa aba n~g m~ga ina at ama na naninibulos n~g pagtitiwala sa +kabaitan n~g anak! + + * * * * * + +At ang mestisa't ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha na sa +di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa Plaza Moraga hanggang sa +pasalapang na dulo n~g Escolta. + +Sa m~ga pook na sinabi, gaya n~g ginagawa sa taon-taon, nang gabing +iyo'y lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako nagbuhat, +m~ga taong paraparang kinababadhaan sa mukha n~g kagalakang hindi +masayod. Sa magkabilang bangketa at hanggang sa gitna n~g lansan~gan +ay salusalubong ang m~ga nagbibiruan n~g boong tiwala. Naghihiyawang +animo'y m~ga kawal na galing sa pinagwagihang digma. May pinatutunog +n~g ubos lakas na m~ga pakakak o tambol, lata o anomang bagay na +makatutulong sa kaingayan. Naghahagisan n~g _confetti_ hanggang sa +man~gapuwing at man~gasamid. Nagsisiluan n~g mahahabang _serpentina_. +Lumalakad n~g papasingpasing; umaanyo n~g katawatawa; nagpapahid sa +mukha n~g kung anoanong kulay; n~gumin~gisi, sumisigaw, +humahalaklak ... Anopa't kung ang Bathalang sinasamba n~g m~ga taga +mundong ito ay siyang tunay na Bathalang nakababatid n~g tanang +ginagawa n~g Kanyang m~ga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag +n~g Kanyang poot ang gayong pagdurumog n~g Kamaynilaan sa walang habas +na pagdiriwang bilang tanda raw n~g pasasalamat sa Kanya tuwing +sasapit ang paghahalili n~g m~ga taóng binibilang sa kabuhayan n~g +m~ga tao. At ang bayang ito ay di na sana Niya inibig na ipadalaw na +lagi sa sarisaring salot at kapan~ganyayaang gaya n~g kolera, +pagsasalat sa ani at pangdadayupay n~g m~ga dayuhan.... + +Subali, sa may napapala o wala man, sa natatalos o hindi ni Bathala +ang gayong inaasal, ang totoo'y mistulang ulol n~ga ang lahat kapag +gayong gabi na n~g pagsalubong sa Bagong Taon. Sa m~ga, bahaybahay ay +halos m~ga sanggol lamang na walang isip ang natitira sa higaan. +Babae't lalaki, lipas ma't nasa kapanahunan, ay dili ang hindi +nagbabata n~g puyat at nakakayag na magsadya sa Escolta at sa +pakikipaggiitan sa kapal n~g tao'y doon na naghihintay n~g pagtugtog +n~g ika-12 n~g hatinggabi. Pagsapit n~g oras na ito, ay +nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan n~g himpapawid +ang m~ga sipul n~g m~ga pagawaan at sasakyang dagat; ang m~ga +batin~gaw ay magsisiawit n~g ubos kaya mula sa kanikanilang +kinalalagyan sa m~ga taluktok n~g simbahan, hudyat na nagbabalita sa +lahat na bagong yugto na naman n~g panahon ang humahandog sa buhay n~g +tao. + +At si Elsa at si Tirso ay nagdaan pa n~ga muna sa Escolta na kaparis +n~g balana. + +Ang buhok n~g mestisa ay sinaliksik at ginusot n~g m~ga saboy n~g +_confetti_; ang m~ga tayn~ga ni Tirso ay nabin~gaw halos sa itinututok +na sigaw n~g m~ga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit n~g +bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata n~g di gagaanong +pagkalukot n~g damit at pagkalupiras halos n~g boong katawan ... Gayon +man ay lalo pa silang nagalak, katulad n~g madlang nakasalamuha nila. +At kung hindi lamang totohanan nang wala silang daan upang masilip man +lamang ang sayawang ginagawa sa binilogbilog n~g liwasang Moraga, +disi'y nalimutan na nila ang pagsasadya sa Pandakan, matapos na +magpalipas n~g m~ga lima o sampung tugtugin sa sayawan sa balitang klub +sa Avenida Rizal. + + * * * * * + +Ibinabalita na n~gang kasalukuyan n~g m~ga sipul n~g pagawaan n~g yelo +n~g pamahalaan at n~g m~ga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid n~g +ilog Pasig ang maluwalhating pagpasok n~g taong 1916, nang si Elsa at +si Tirso ay magkakawit ang m~ga palad na sumasakay sa isang munting +bangka na, animo'y maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw n~g +mahinhing agos n~g ilog sa may Nagtaha na ang tubig noo'y nakikikulay +sa kadiliman. + +--¡Elsa, lumigaya ka nawa sa Bagong Taong ito! + +--¡Tirso, maging mapalad ka sana sa m~ga pan~garap mo! + +Dinatnan n~g dalawa ang isang lalaking may kagulan~gan na, na sa anyo +at pagbabansag ay napagkilala nilang siyang tagapagpalakad n~g +tinurang sasakyan. Ayon sa pahayag n~g lalaking iyon, ang bangka niya +ay isa sa labingdalawang bangkang sadyang inilaan n~g maypiging sa +Pandakan upang ipaglingkod na talaga sa tanang dumating na panauhin. +At ang ganyang pahayag ay pinatitibayan naman n~g m~ga napapansin n~g +magkasama na m~ga palamuting palaspas n~g niyog, maliliit na watawat +at m~ga parol hapóng walang sindi, saka tanikalang papel na nagsalabat +sa lahat n~g panig n~g nasabing bangka. + +Narinig ni Tirso na painong itinanong ni Elsa sa matanda: + +--¿Bakit po wala kayong ilaw? + +At ang naging sagot n~g pinagtanun~gan: + +--Kanina pong maagaaga pa'y mayroon, n~guni't pawang nan~gamatay sa +hihip n~g han~gin. + +Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa dahil +sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang nagpapahayag na ang +mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari sa kaibuturan n~g puso +niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g tungkol sa ilaw ay malamyos +na bumulong sa kanyang kapiling. + +--¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw?--anya. + +--¿Nadidimlan ka ba sa piling ko? + +Si Elsa'y biglang nakaramdam n~g kaba n~g dibdib. ¿Ano na kaya ang +ibig sabihin n~g gayong pagtatanong?... + +--Sabihin mo, Elsa,--ang wika na namang narinig sa lalaki,--¿natatakot +ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot n~g kadiliman at sa loob n~g +isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw n~g tubig? + +At ang mestisa ay nangliliit manding sumagot n~g bahagyang: + +--Hindi naman, Tirso.... + +--Kung hindi, ay ¿bakit mo pa pinapansin ang kawalan n~g ilaw? + +--Mangyari ay madilim. + +--Tayo, Elsa, ang hindi ko malaaman kung kailan pa mangyayaring +magkaisa n~g iniisip at dinaramdam.... + +--¿At hindi ba totoong madilim? + +--¡Aywan n~ga ba sa iyo! Sa ganang akin, kahi't natuturang madilim na +ganyan ang gabi,--kung ganitong kasama kita, kasarilihan sa laot n~g +katahimikan at lin~gid sa mata n~g m~ga makasalanang tao, ay ... +kalabisan na lamang ang liwanag n~g iba pang ilaw. + +Mistulang nasusian ang bibig ni Elsa. Kaikailan man sa malimit na +pagtitiwala niya n~g kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni Tirso, ay +noon lamang siya totohanang sinidlan n~g takot sa makatang ito. + +Kinusa niya ang pagliham kay Tirso upang ito ang kanyang makasama sa +pagdalo sa Pandakan, pagkapalibhasa'y hinahan~gad niyang pataban~gin +ang loob n~g nasabing makata sa pagkababae ni Teang sa bisa n~g +ibabalita niyang "himala ni pari Casio" na napatanghal sa bahay n~g +kanyang ale: at ang pagtabang n~g loob ay kanyang hinahan~gad, upang +mapapagiba niya n~g hilig ang m~ga pan~garap n~g makatang iyan, +matutong umunawa sa masisidhing pitlag n~g kanyang puso, at kung +mayayari'y matuto ring magpahalaga't tumugon n~g nararapat sa lihim na +pita n~g kanyang kaluluwa. Ang ganitong tun~guhin ay siyang namumugad +sa kanyang isipan, kung kaya't nang mapanhikan ni Tirsong siya'y +nakasuot pangloob lamang ay hindi na siya nagkubli. Ito rin ang +nagatas sa kanyang matiwalang pagsalo sa makatang iyan sa _hotel_. At +siya rin namang nagbigay sa kanya n~g balak na kung maaari'y lunurin +na niya noon sa alak n~g aliw ang boong pagkalalaki n~g tinurang +makata upanding magkamit na lamang n~g kasiyahan ang kanyang m~ga +hinahan~gad. Subali't n~gayong ang kanyang pain ay tila hihigitin na, +at ang ibong pagkailapilap ay waring darapo na rin sa iniuumang niyang +bitag, ay aywan ba niya't kung bakit siya na rin ang nagkagayong +nasindakan n~g loob, napatdahan n~g dila at pinanglamigan n~g boong +katawan. Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang +pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal +na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... + +--¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama?--ang naitanong na lamang +makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka. + +--Malayolayo pa rin po,--itinugon n~g matandang nakapatag n~g upo sa +isang dulo n~g sasakyan at walang tahan n~g kasasagwan. + +At si Tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: + +--¿Ikinaiinip mo na ba, Elsa, itong pamamangka natin? + +At ang mestisa'y pumakli: + +--Baka ako'y pinakahihintay na n~g aking kapatid.... + +--Sinasabi ko na n~ga ba't talagang nagkakalayo tayong lagi n~g +pagaakala!--pabuntonghinin~ga pang saad n~g makata. Saka +idinugtong:--Samantalang ang ibig mo ay agad tayong makaahon sa +pampang, di ko na lamang naman anhi'y huwag nang matapos ang +pamamangka nating ito.... + +--Tirso, di ko pala dapat paniwalaan ang sinabi mo kanina nang tayo'y +nasa bahay pa.... + +--¿Alin iyon? + +--Yaong winika mong kahi't abutin tayo n~g umaga sa pakikipagsayaw sa +Pandakan, ay natatalaga ka ring makikipagtagalan at di magsasawa. +¿Alin pang sayawan ang tinukoy mong kahi't abutin n~g umaga, kung +ganyang nasa pamamangka palang ganito ang iyong loob? + +--Nasabi ko iyon sa kahulugang saan man tayo makarating at saan man +tayo maparoon ay natatalaga akong umagahin sa iyong piling ... At +sapagka't dito man sa bangka ay nasa piling mo rin ako, kaya baga +aking pinanghihinayan~gan ang madaling ikatatapos n~g ating +pamamangkang ito. + +--N~guni't sayawan at hindi pamamangka ang ating ipinarito.... + +--Sa ganang aki'y iisa ang katuturan niyan, kailan pa ma't tayo rin +ang magkapiling, ang magkapareha, ang magkaakbay ... At kung ako'y +pamimiliin mo kung alin sa pagsasayaw at sa pamamangka ang aking ibig, +ay masasabi ko sa iyo n~g boong pagtatapat na ibig ko na ang ganitong +pagsasarili natin sa ibabaw n~g payapang tubig kaysa magtun~go pa sa +maalin~gasn~gas na sayawan. + +Hindi na maalaman n~g babae kung ano ang kanyang isasagot. + +Ang himig n~g m~ga katagang iyan, na bagama't marahang ibinubulong sa +kanya'y naririnig naman n~g boong linaw hanggang sa liblib na liha n~g +kanyang puso, ay labis na nakababalisa sa kaluluwa niya at nagdudulot +sa kanyang diwa n~g di mapaglabanang pan~gamba. + +Nang ang makatang yao'y anyong nagbibin~gibin~gihan sa m~ga silakbo +n~g kanyang naglalatang na damdamin, marahil ang m~ga katagang iyan at +hindi iba ang pinananabikan niyang marinig. N~guni't ngayong ang m~ga +iya'y boong lambing nang umaalin~gawn~gaw sa kanyang m~ga pangulinig, +nanggagaling sa m~ga labing hirati sa pag-awit n~g mapapanglaw na +hibik n~g puso't taghoy n~g kaluluwa, n~gayon n~ga, ang pagkababae +niya ay kung ano't parang tinatawag n~g kapan~ganyayaang sukat +ikabalino n~g lalong matining na kalooban. + +Nagunita ni Elsa na ang lalaking yaon na kinahahabilinan noon n~g boo +niyang puri ay may kinabibighaniang ibang alindog: si Teang. At ang +tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap n~g naturang +lalaki sa anyong sukat ipamutla n~g mukha't ipangrimarim n~g budhi, ay +hindi pa niya nagaganap. ¿Hindi kaya isang marun~gis na pagiimbot +lamang ang umaaling iyon kay Tirso upang gumamit n~g gayong m~ga +bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?... + +Tila ang m~ga napagdaranasan ay nagtuturo kay Elsa na ang pagiin~gat +kailan ma'y hindi kalabisan, at ang malabis na pagtitiwala sa lalaki +kung minsa'y maaaring magbudlong sa babaeng gaya niya sa ban~gin n~g +pagkapariwara.... + +--¿Ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni +Balagtas at n~g kanyang Selia?--ang narinig na naman ni Elsa na +itinatanong ni Tirso na nakapalin~gon sa matanda. + +--Hindi po,--ang naging sagot,--tila po ang nababanggit sa "Florante +at Laura" ay ang m~ga ilog n~g Kahilom at Beata. + +--¿Malayo po ba tayo n~gayon sa m~ga ilog na iyon?--ang usisa pa ni +Tirso. + +--Sa Beata po ay malapit na, n~guni't ang Kahilom ay may kalayuan pa. + +At ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong n~g makata. + +--Elsa,--anya,--¿nalalaman mo ba kung bakit pinakikibalitaan ko ang +m~ga ilog na nilakbay n~g Hari n~g m~ga, Makatang Tagalog? + +--¿Bakit n~ga? + +--Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung tayo ay nasa +alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at ... ikaw naman +ang aking Selia. + +--N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay ¿nasasabi bang +siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia? + +--Hindi. + +--Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay +si Balagtas. + +--¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? + +--Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong +ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito +ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... + +--¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa +katotohanan! Si Teang ay malayo na, nagpakalayolayo upang patibayan +ang wika ko sa iyo na ang pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at +sa kalaliman n~g hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang +tan~ging pinaghihin~gahan n~g lalong dalisay kong damdamin. ¿May iba +pa kayang Selia ang makata sa sandaling ito, Elsa, liban sa iyo? + +Minsan pang natigilan ang mestisa. Nagaagawan sa kanyang panimdim ang +pagibig at pan~gamba. Iniibig niya si Tirso; n~guni't sa dahilang di +niya hinihintay na magkakaroon n~g gayong pagtuturing ang makatang ito +sa gabing iyon n~g kanilang paglalamay, ay nan~gan~gamba naman siyang +baka iyo'y kung ano nang babala n~g kanyang kapariwaraan. + +Salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay ginambala n~g +mahinang salita n~g matandang tagapagpalakad n~g bangka. + +--Sadsad na po tayo. + +At siya n~ga naman. Nang lin~gunin ni Elsa't ni Tirso ang dakong dulo +n~g bangka, ay naanag-agan nilang isang dangkal na lamang halos ang +layo sa lunsarang pampang. + +Sa gayo'y maluwag nang nakahin~ga ang dalaga. + +Ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw n~g isang malalim na +buntonghinin~ga. + +--Pandakan na po,--ang saad n~g matanda;--at ang bahay na iyong +natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutun~guhan. + +--Marami pong salamat,--ang nagkapanabay na sambot n~g magkasama. + +Mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumi~gaw: + +--¿Elsa? + +At ang tinig ay nakilala n~g mestisa: sa kanyang kapatid. + +--Oo, ako n~ga,--itinugong kakabakaba ang dibdib sa pagdadalang takot. + +At ang tumawag ay napaharap noon din sa dalawa. + +--¿Sino ang kasama mo?--ang may katigasan pang tanong n~g sumalubong. + +--Si ... Tirso,--ang sagot n~g dalaga. + +--Ako,--ang pakilala naman n~g makata. + +At, noon din ay samasamang lumakad ang tatlo n~g ang sinoman sa +kanila'y hindi nagbibitiw n~g kahi't isang salita.... + + + + +XIX + +PAGIBIG AT DALAMHATI + + +Malungkot si Elsa. + +Ang mukha niyang datidati'y pinaaaliwalas n~g nagtatamisang n~giti na +malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'y +pinapan~gulimlim n~g isang kalumbayang tinutugunan sa puso n~g +mapapait na tibukin. Ang m~ga balintataw niyang may kislap n~g tala ay +nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa +sun~git n~g kapighatian. + +At ang sanhi n~g lahat ay mapagkikilala sa isinasaysay n~g kalatas na +itong kanyang sinusulat sa gayong pagiisa sa loob n~g kanyang tahimik +na silid: + +"Pasay, Enero I, 1916." + +"TIRSO:" + +"Aywan kung nahulaan mo ang tunay na kahulugan n~g m~ga kilos na ating +napuna sa kapatid ko kagabing tayo'y magkaakbay na umahon sa Pandakan, +N~guni't ang totoo, ay tinanggap ko sa kanya, oras na pagkauwi namin +n~g bahay at pagkatalikod mo, ang di maulatang galit na kanyang +ibinabaw sa akin dahil sa pagkabalam n~g ating dating sa bayang +sinabi." + +"¡Oh, gayon na lamang ang iyak ko!" + +"Kung hindi pa ako nakalasap n~g di gagaanong mabuting pagtin~gin at +pagpapalayaw n~g kapatid kong ito, marahil ay di ko pa pakadaramdamin +ang ganitong poot niya sa akin ... ¡Pagkahiraphirap n~ga n~g ganitong +napagsapit ko!" + +"At sapagka't kung tutuusi'y ikaw lamang, Tirso, ang tan~ging +pinagbuhatan n~g lahat n~g ito, ay itulot mong sa iyo ko rin tan~ging +isiwalat ang binabata kong hirap, upang kung tunay na nagbubuhat sa +ubod n~g iyong mahabaging puso ang m~ga pamimigkas na iyong +ipinasinaya sa akin kagabi, ay matapunan mo ako mula riyan sa iyong +katiwasayan hanggang dini sa laot n~g walang kahulilip na pagluha, n~g +iyong mapagkandiling paglin~gap...." + +"Lin~gapin mo n~ga, Tirso, ang ganitong kalagayan kong napagsapit +alangalang sa iyo ... Alangalang sa iyo sapagka't ang pagiisa kong +kasama mo nang tayo'y mainip na salubun~gin n~g kapatid ko sa lunsaran +sa Pandakan ay siyang pinagmulan n~g lahat niyang pagkagalit sa akin." + +"Dapat kong ipagtapat, Tirso, na nakagawa n~ga ako n~g malaking +pagkakasala. Nang sila n~g hipag ko ay bago magtun~go sa bayang nasabi +ay hiniling ko sa kanilang ako'y iwan na at may katipanan lamang na +ilang kaibigan dalaga na sa gabi na darating doon. Naniwala sila. At +pinakahintay n~gang darating ako sa Pandakan n~g ang kasama'y m~ga +babae ring paris ko. Datapwa't nagdatin~gan daw roong sunodsunod ang +madlang pananuhin at ang tanang kakilala namin, anino ko man anya'y +hindi nila makita at sinoman sa m~ga yao'y walang makapagsabi kung +ako'y saan naroon at kung darating pa o hindi na." + +"May palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko +pagsipot n~g kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na lalo +sa kainipan at kung anoanong sapantaha n~g aking kapatid. Bakit ay +mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya n~g mata't nagtila +kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, n~guni't ang kung +bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod liripin." + +"Laban sa dating lubusang pagtitiwala niya sa aking pinagaralan, ay +itinanong sa akin n~g kapatid ko, sa ayos na kapitapitagan at +nakapangyayari, kung ano ang di sasalang sinasapantaha n~g balanang +nakabatid sa gayong ating ginawa, na anopa't para bang inilagay sa +alinlan~gan ang kalinisan n~g pagkababae ko buhat sa gabing iyon...." + +"Tinunton at pinanghinayan~gan ang m~ga pagpapalayaw na kanyang +ipina-utang sa akin, at sa paniwala raw niya'y labis ang aking +napagaralan upang mapagtalastas ko ang pan~git at kapuripuri, ang +masama at mabuti. N~guni't ang ginawa ko raw na iyon ay dapat lamang +umanong hintin sa m~ga babaeng talipandas, halaghag at walang +pinagpapakundan~ganang pan~galan sa harap n~g Kapisanan." + +"Bakit ang isa pa ay kulang na lamang ang ako'y itulak sa hagdanan +upang masabing ako ay itinataboy. At halos tiyakin na sa aking +ikinahahalay na n~g kanyang pan~galan ang pananatili ko sa lilim n~g +tahanang ito...." + +"Ang lalong masakit nito ay ang ginawa niyang walang pigil na +pagsasalita sa akin sa naririnig n~g aking hipag, n~g hipag kong +matagaltagal na ring may hinalang lihim sa ating m~ga palagayan. +Limpaklimpak daw na kahihiyaan ang itinapon ko sa harap n~g m~ga taong +dumalo sa Pandakan...." + +"Ako ay ipinagtanggol na mabuti in Dioni, n~g mabait at mapagmahal na +hipag ko: datapwa't ang pamamagitan niya't malulubay na paliwanag ay +nagparang tubig lamang na nabuhos sa buslong butas. Ang kagalitan n~ga +n~g kapatid ko ay di nakarinig sa m~ga katuwiran n~g sinoman sa aming +dalawang babae...." + +"Sa lahat n~g ito, Tirso, ay lubos na lubos ang kanyang paniwala na +ako ay nagpain n~g puri sa iyo at ... pinagsamantalahan mo naman. Nang +magmatuwid ako, ay sinabi pang kung talaga raw na nakapananagutan ako +sa aking ginagawa ay makita niya kung paano ang gagawin kong +pagbaban~gon sa aming pan~galang inilagpak ko kagabi sa lusak n~g +dilang kapulaan." + +"N~gayon, Tirso, ay nasa iyo ang karapatan sa pagpapasya. +Kapagkarakang magkakilala tayo ay di ko na pinagalinlan~ganan ang +busilak mong budhi at gintong kalooban. At kung tunay na +nagsipamuhatan sa guwang n~g iyong dibdib ang m~ga kataga mong +ipinasinaya sa akin magmula sa bahay, pati sa kalesa, sa _hotel_ at +hanggang sa bangka ... at kung hindi pagsasamantala lamang ang ginawa +mong malimit na pagpisil sa m~ga kamay ko ... ay panahon nan~ga n~g +ayong marapat kang mapukaw, mahabag at matutong human~go sa akin sa +kinasadlakan kong kahihiyaan. ¡Ah, Tirso! Tahasang sinasabi ko na di +ako maaaring mamalagi sa ganitong buhay na pinaghatdan mo sa akin...." + +"Inuulit kong ikaw n~ga, Tirso, ang sanhi at kadahilanan n~g lahat na +ito. Kung hindi sa malaking pagtitiwala ko sa kabayanihan n~g puso +mo,--bakit ba't di ko pa ipagtatapat, ay sa ako'y sadyang kalaban n~g +pagpapakunwari,--ay hindi sana ako bumalangkas n~g kasinun~galin~gan +sa harap n~g kapatid ko't hipag, at disi'y di ka naman nagkaroon n~g +maliligayang sandali sa pan~gan~garap n~g gising sa piling ko +kagabi...." + +"Kung sa bagay, ay di n~ga kaila sa iyo ang aking pagkamestisa. +N~guni't hindi maikakait n~g sinoman na sa m~ga ugat ko'y tumatakbo +rin naman ang dugong pilipino. Ang pagkakaroon ko n~g kahi't gapatak +n~g dugong ito ay sapat upang angkinin ko rin ang likas na ugali n~g +babaeng pilipina, na kung ganitong napapan~gat na sa kapulaa't +nagiging sanhi n~g m~ga pan~git na sabisabi, ay gumagamit n~g +karapatan sa paghanap n~g katubusan sa kamay n~g lalaking puno at +dahil n~g ganitong kinahinatnan." + +"Ako n~ga, Tirso, ay binawian n~gayon n~g pagmamahal n~g bugtong kong +kapatid, at anya'y ipinalalagay na n~g madlang taong nagtitipon sa +Pandaka't nakahiging sa pangyayaring iyon, na ako raw ay isa na lamang +alibughang walang puri, samantalang hindi mo inilalawit ang aking +kaligtasan...." + +"Dumudulog n~ga sa iyo n~gayon, Tirso, ang abang babaeng sinundo mo sa +kanyang tahanan, iyong iniangkas sa kalesa, kinasalo mo n~g boong +lugod sa _hotel_ at katalamitam mo't tan~ging kaakbay sa pakikigiit sa +kapal n~g tao sa Escolta, kaparepareha mo sa sayawan sa inyong klub +at sa wakas ay kapilingpiling mo n~g boong laya sa pamamangka sa ilog +sa Pandakan...." + +"Ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si Balagtas at ako ang iyong +Selia. Ipinagunita ko naman sa iyo ang n~galan ni Teang, n~g babaeng +hinan~gaan mo sa simbahan Datapwa't walang gayon ang ginawa mong +pagpapatibay na ... ako na lamang ang tan~ging laman n~g iyong dibdib +at kaaliwan n~g iyong puso. At n~gayong nanghahawak ako sa gayong m~ga +winika mo, ay ¿babayaan mo kaya ako, mabait na makatang nagsuob at +gumising sa puso ko n~g m~ga tulain sa buhay?..." + +"Sa ano't paano man ang kapasyahan mo, ay ipinamamanhik ko sa iyong +sagutin mo lamang ang napalawig na liham na ito, kapagkarakang mabasa +mo na, upang sa ganya'y mapagtalastas ko kung ako ay totohanan na +n~gang sawi sa mata n~g Kapisanan, at kung ikaw nama'y sadyang may +maran~gal na budhing tan~gi at ibangiba sa karamihan n~g m~ga lalaking +paris mo." + +"¿Di mo kaya ako hahabagin?" + +"Salamat kung gayon...." + +"Naghihintay n~g boong lungkot," + +"ELSA BALBOA." + +Matapos lagdaan n~g nan~gin~ginig na m~ga kamay n~g mestisa ang +mahabang kalatas na ito, ay minsan pang ibinaling sa dakong puno ang +kanyang m~ga namumugtong mata at muli pang pinaraanan n~g masiyasip na +pagbasa, bago nagbitiw n~g isang pahimutok na buntonghinin~gang +kinalalangkapan n~g di masukatang sukal n~g loob. + +--Nahahabilin sa sulat na ito ang lahat kong pagasa,--ang +nanghihin~gapos niyang wika, kapag nabigo pa ako rito ay tapos na sa +akin ang lahat.... + +Kapagkuwa'y naglabas n~g isang munting sobre, ito ay sinulatan, tuloy +diniktan n~g nauukol na selyo, at noon di'y tumawag n~g isang utusan +upang ipahulog sa koreo ang kanyang ginawa. + +Ang kanyang kapatid na katatapos pagsikpan n~g dibdib dahil sa sasal +n~g poot, ay nanaog umagangumaga pa n~g araw na iyon at ayon sa +iniwang sabi'y sa palaisdaan na niya sa Malabon magpaparaan n~g +pananghalian. Si Dioni namang may likas na mababang luha na madaling +dumadamay sa sinomong dinaratnan n~g ligalig sa buhay, ay maghapong +halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong maitatagal +kung makarating sa kanyang m~ga pangulinig at mamalas n~g kanyang m~ga +panin~gin ang tinan~gistan~gis n~g kanyang magandang hipag. + +Mahigit sa kailan~gang panahon n~ga ang nagamit ni Elsa sa +pagsisiwalat n~g tanang dalamhati n~g kaluluwa niya sa kalatas na +kanyang ipinadala kay Tirso. + +N~guni, sa halip na kilalaning paggalang sa kalubhaan n~g m~ga +sandaling tinatawid niya ang katuturan n~g di pan~gan~gahas ni Dioni +na gumambala sa kanyang kusang pagtatago sa silid, na siyang tan~ging +tunay na ibig sabihin n~g ginawa n~g hipag niyang ito, ay ipinalagay +ni Elsa na marahil ay nasusuklam na n~ga sa kanya pati ni Dioning sa +una't una pa'y pinakamahal na niya't itinuring na katapatang lihim na +walang kasingbait. At dahil sa ganitong pagpapalagay ay lalo +nang-naputos n~g luksa ang kanyang puso at lalo nang naganyong +libin~gan ang tanang namamalas n~g kanyang luhaluhaang m~ga +balintataw.... + +Sa laki n~g hinanakit sa kanyang hipag na sinasapantahang nagiiba n~g +loob sa kanya't pumapanig sa asawa, ay ipinagbiling ni Elsa sa alilang +pinagbigyan n~g sulat na si Dioni'y papasukin sandali't mayroon lamang +siyang sasabihing ilang bagay na lihim. + +At, babahagya pang nasusun~gaw sa ginto ang mukhang malamlam n~g hipag +na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na animo'y batang +paslit na nilisan n~g magiiwi. At mababa rin namang sandali ang +namagitan, bago nakuhang magsalita n~g ganito: + +--¡Naku, Dioni! ¡Pati ikaw naman yata!... + +At ang hipag n~g mestisa ay natuluan pagdaka n~g luha sa malaking +pagkalunos. + +--Elsa, wala kang dapat ipaghinala sa akin,--tan~ging naisambot. + +--¿Hindi ba't pati ikaw ay nagagalit na sa akin?--ang malumbay na +tanong n~g dalaga. + +--Hindi, at minamahal din kitang kagaya n~g dati. + +--Salamat, Dioni, kung gayon ... N~guni't ¿bakit kaya baga't nakaraan +ang singkad na maghapong kibuin dili mo ako sa ganitong pamamahay ko +sa di maulatang kapanglawan?... + +--Nahahambal lamang akong totoo sa nanyayari sa iyo.... + +--Nabahambal ka, ¿samakatwid ay di mo sinasabing ikinahihiya mo ang +pananatili ko sa lilim n~g bubong n~g bahay na ito? + +--Hindinghindi, Elsa, at ikaw'y kapatid ko ring pinaguubusan n~g +mabuting pagtin~gi't lubos na pagmamahal. + +--Subali't ang kapatid ko, si kuyang, ay ... ¡galit na galit sa akin! + +--Siya lamang ang nagagalit sa iyo.... + +--At sukat ang gayong pagkagalit niya, upang ako ay huwag nang +bilan~gan n~g maraming araw sa tahanang ito.... + +--¿Saan ka paroroon? + +--Aywan, Dioni, at ang lalaking puno at dahil n~g ganitong napagsapit +ko ay akin nang sinulatan n~gayon. + +--¿Sinulatan mo si Tirso? + +--Oo.... + +--¿At sa anong bagay? + +--Bagay sa nararapat niyang gawin upang ako ay mahan~go sa ganitong +kapulaan.... + +Napamata na lamang si Dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag n~g +mestisa. Ang m~ga unang kutob n~g loob niya hinggil sa gayo't ganitong +maaaring maging katuturan n~g kilusa't palagayang malimit niyang +mapuna sa hipag niya't kay Tirso, n~gayo'y hindi kutob lamang kundi +isang katotohanan nang pinatitibaya't siyang inaamin n~g kanyang +kausap. Dahil sa gayong ginawang pagliham sa makatang hinihinala na +n~ga niyang namamalakay sa bahay na iyon, ay maliwanag na nadama niya +ang kaselanan n~g m~ga sandaling tinatawid n~g kanyang hipag, +palibhasa siya man, si Dioni, nang magdaan na sa mapan~ganib na +katayuang paris niyon, ay gayon ding pagsulat kaagad ang ginawa, +pagsulat na siya tuloy ikinabunsod na maaga n~g kanyang pagaasawa sa +kapatid ni Elsa. + +--¿Iiwan mo na n~ga ba ako, kapatid ko?--ang makasandali'y boong +kalumbayang itinanong sa mestisa. + +--Siyang tan~ging marapat kong gawin upang manumbalik ang dating +payapang buhay ni kuyang.... + +--Elsa, kung kinikilala't minamahal mo ang iyong kaisa-isang kapatid, +ay hindi mo siya nararapat pakitikisan. Kinagalitan ka niya, hindi +sapagka't talagang ikinasusuya na ang iyong pamamalagi sa lilim n~g +kanyang kalin~ga, kundi alangalang din sa ikapapanuto n~g malinis na +pagkababae mo. + +--N~guni't ako ay wala nang kasingdumi sa tin~gin niya.... + +--Hindi naman, Elsa, ipinakita lamang sa iyo ang kamalian mo. At +walang taong hindi nagkamali. + +Tumagaltagal din ang salitaang iyon n~g dalawang maghipag na kapwa +sinasakbibi n~g dalamhati ang m~ga puso. + +At hindi nagkawakas ang hinikbihikbi n~g isa't isa sa kanila, kundi +nang marinig nang tumatawag buhat sa hagdanan ang kapatid ni Elsang +asawa ni Dioni. + +Nagwalawalaang sumalubong ang asawa sa kanyang dumating na giliw, +samantalang pinapananauli sa kanyang maaliwalas na mukha ang masayang +anyo na di sukat kahalataan n~g anoman. + +Si Elsa naman ay kusang nagpaiwang nagiisa sa loob n~g kanyang silid, +na, nang sandaling iyo'y bahabahagya nang nilalaganapan n~g dilim, +upang kung mangyayari'y mabigyan niya n~g maluwag na pagkakataon ang +pakikipagbulun~gan sa dalamhati n~g kaluluwa niyang ginugutay n~g +bagabag.... + + + + +XX + +SI TEANG AT ANG "HIMALA" + + +Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez +at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. + +Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g +biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon +na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang. +Datapwa't ang sikdo n~g dibdib ay tinugunan noon din n~g isang +pamumutlang bumakas na maliwanag sa kanyang mukha, kaya't nahulaang +madali ni Martinez ang pagkabigong tinanggap n~g makata. + +--Hindi yata dumating,--ang painong turing n~g binatang kapapanhik. + +--¿Alin?--pakailang tanong n~g maybahay. + +--Ang sulat na hinihintay mo,--ang wika pa ni Martinez. + +--Ako'y walang hinihintay,--lalo pang pakailang iwas n~g makata.--¿At +sino naman ang susulat sa akin sa m~ga araw na ito? + +--Si Teang ... si Elsa.... + +--Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa.... + +Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni Martinez +ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? ¡Talagang hindi +namamali n~g hinala si Martinez! + +Si Martinez ay naparoong daladala sa isip ang isang lihim na tangka +n~g paghihiganti sa lalaking ikinalupig n~g kanyang m~ga lakad sa +mestisa, gayong pinautan~gan niya n~g tulong ukol naman kay Teang. At +ang narinig niyang sinabi ni Tirso ay parang paghahamon sa ikatutuloy +n~g kanyang tangka. + +Subali, ang totoo, sa harap n~g makatang magiliw ring naganyaya sa +kanya hanggang sa silid na sulatan niyon, ay natutubigan siya mandi't +hindi matutuhan kung ano't kung alin ang sasandatahin niya sa gayong +balak. + +Sa hindi niya pagimik na parang nawawalan, ay si Tirso ang nagsalita. + +--Matagaltagal nang hindi mo ako binabalitaan n~g tungkol sa iyong +kababayan ...--ang wika. + +At si Martinez ay lihim na namuhi. + +--¿Ano pa ang kailan~gan sa iyo?--itinanong na tuyongtuyo. + +--¿Bakit?--anang makata.--¿Alan~gan na ba akong magpatuloy n~g +pakikipagkilala sa kanya? + +--Hindi sa alan~gan, kundi sa dalawang dahila'y wala nang kailan~gang +balitaan pa kita n~g anomang natutungkol sa kanya: una, sapagka't wika +mo'y si Elsa at hindi si Teang ang hinihintay mong susulat sa iyo at +ikalawa, sapagka't si Teang nama'y ... malayo na sa mararating n~g +m~ga gunita mo. + +--¿Si Teang ay malayo na sa mararating n~g m~ga gunita ko? + +--Siyang totoo. + +--Martinez, ¿ano ang ibig mong sabihin? + +--Silveira, ang ibig kong sabihi'y ang paris n~g iyong narinig. + +--¿Tinatalinghagaan mo ba ako? + +--Hindi; at ang m~ga sinasabi ko ay maliliwanag. + +--Kung maliliwanag ay sukat sanang mawatasan ko kaagad ang tukoy n~g +iyong pan~gun~gusap, n~guni't ang totoo ay nalilito ako. + +--Wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; n~guni't +kung sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si +Teang sa mararating n~g m~ga gunita mo, ay wala akong dapat gawin +kundi isa: ang ipaala-ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay n~g +kanyang ninang sa San Lazaro. + +--¿At saan naroon? + +--¡Aywan kay pari Casio! + +--¿Ha? + +Napuna ni Martinez ang untiunting pagkainis n~g kausap. Ang n~galan ni +pari Casio ay nang oras na iyon na lamang niya naisip, at kung gayong +tila ang natuklasan niya'y magkakabisa, ay kailan~gan nang ipatuloy +yamang nasimulan na. ¿Subali't ano kaya ang kanyang kakathain hinggil +kay Teang at sa binanggit niyang pari? ¡Ah, may nadampot siya! At ang +kanyang isinagot: + +--¿Ikaw ba, Silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi't balita +lamang, tungkol sa _milagrong_ nangyari kina donya Basilia? + +Lalong nagibayo ang bakla n~g panimdim n~g makata. At itinanong: + +--¿_Milagro_? ¿Kailan? + +--Nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang +babaeng ipinagtatanong mo. + +--Iulat mo, Martinez. + +--Iulat ay huwag na. Sasabihin ko na lamang sa iyo, kung talagang wala +kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang pagkakilala sa babaeng +sayang at naging aking kababayan. ¡Naku, Silveira, may katotohanan +pala ang bulun~gang kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari Casio at +kay Teang! + +--¿Ano?... + +--¡Ano pa raw! ¡Tanun~gin mo si manang Magda, at siya ang nakatutop sa +bayaning pari sa tulugang katre n~g kanyang anak na dalaga! + +--¡Martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong sinasabi'y...! + +At biglang dinaluhong ni Tirso at ginagap sa dalawang balikat ang +binatang iyong naparoon yata upang umaglahi n~g walang kasingsakit sa +kanyang kapalaran. + +N~guni't si Martinez, na talagang inaalihan noon n~g malaking +paghahan~gad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang umagaw +n~g kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na kilos n~g +kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw n~g nalalapit na +pagwawagi. + +--¡Ikaw ang bahala, Silveira! ¡Kung ayaw kang maniwala, ay mapanisan +ka n~g laway n~g dilat ang iyong m~ga mata! + +Nakaramdam si Tirso n~g isang malaking pagkahapo n~g katawan. Sa +kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil n~g pawis, samantalang +ang m~ga litid n~g dalawang paa'y tila bahabahagyang tinatakasan n~g +lakas. Makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang +katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya. At ang iba pang +ibig sanang sabihin ay ipinahayag na lamang sa pamamagitan n~g ilang +buhol n~g buntonghinin~gang sakdal n~g pait. + +--N~guni't hintay,--ang bawi ni Martinez mapamayamaya.--Hindi ko +makita ang bagay kung bakit ipagdaramdam mo n~g ganyan ang gayo't +ganitong "kababalaghan" ni pari Casio at ni Teang, ay sa n~gan~gayon +pa lamang halos ay sinasabi mong si Elsa ang hinihintay mong susulat +sa iyo. ¿Hindi ba totoong si Teang ay inibig mo sa isang saglit +lamang, samantalang ang magandang mestisa'y siyang talang +nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala? + +Hindi na sumagot si Tirso. Di na lamang niya anhin ay matapos na ang +gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. Sa bawa't dalawa o +tatlong sabihin ni Martinez ay palad nang siya'y magbitiw n~g isang +kataga. Salamat na lamang at ang isa ay para namang nasiyahan na sa +nangyari kay Tirso, kung kaya't pagkaraan n~g m~ga, sampung minuto sa +pagbubuklat n~g ilang aklat na kanyang natunghan sa sulatan, ay +nagpaalam na't di umano'y may lalakarin siyang bagay na mahalaga sa +bahay n~g isa pang kasama. + +Pagkaalis ni Martinez ay sarisaring mapapait na gunitain ang sumilid +sa panimdim n~g makata. Ang balitang natanggap kay Martinez ay lumikha +n~g isang malaking sugat sa guwang n~g kanyang puso, sugat na walang +tan~ging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: o pagusigin +niya kahi't saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang +kapurihan upang papanagutin sa bigat n~g salang ginawa sa kanya, o +yao'y ilibing niya sa hukay n~g limot na parang hindi niya naging +kakilala kailan man. Datapwa't maging alinman naman sa dalawang ito ay +tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'y kung magpapakapusok siyang +magusig kay Teang sa m~ga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong +ang pagtatapos n~g kanyang pagaaral, at kung limutin nama'y lalong +hindi mangyayari pagka't buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang +higpit n~g kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. ¿Paano ang +mabuti niyang gawin? + +Unaunang marapat niyang matiyak ay kung, hanggang saan ang taglay na +katotohanan n~g m~ga ipinahayag sa kanya ni Martinez. Kinakailan~gan +niya ang patotoo n~g kahi't isa man lamang saksi, kung baga sa isang +usaping nililitis sa hukuman, upang mabigyan niyang halaga ang m~ga +balitang kanyang tinanggap. At sa bagay na ito'y ¿sino ang kanyang +lalapitan? ¿Sino ang makapagbibigay n~g patibay na kinakaila~gan niya? + +Sa katatanong n~g ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni Tirso ang +mestisang si Elsa, ang pamangking buo ni donya Basilia. Tunay na si +Elsa at si Teang ay untiunting pinapaglayo n~g m~ga hiwaga n~g puso, +n~guni't sa dahilang ale n~g una ang may-ari n~g bahay na sinasabing +pinangyarihan n~g "himalang" ibinalita ni Martinez ay dili ang hindi +kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa n~g anomang tandang sukat +mapagkakilanlan kung tunay o hindi ang sinasabing "himala". Bakit ay +nagunita pa ni Tirso na kaya raw siya inanyayahan ni Elsang sumama sa +Pandakan n~g gabing kalilipas, ay sa dahilang may ibig ibalita sa +kanyang ilang ulat na may kinaalaman kay Teang at sa kanya. ¿Isa +lamang kayang biro n~g mestisa ang gayong pahayag? + +Naalaala ni Tirso ang sulat na tinanggap na galing kay Elsa. Madali +niyang dinukot sa isang kahon n~g kanyang sulatan na pinagtaguan niya +upang iyo'y huwag nang makilala ni Martinez, at pagdaka'y binuksan. + +¡Ah, anong kalatas na pagkahabahaba ang kanyang nabasa! ¡Anong +pagkalungkotlungkot na m~ga katagang animo'y sigaw na napaaawa n~g +isang inabot n~g sigwa sa laot n~g dagat! + +Sinasabi n~g kalatas na yaong ang sigwa ay kay Tirso nagbuhat, +¿nababagay n~ga kayang ang makatang ito ang sumaklolo't sumagip kay +Elsa? + +Sa laran~gan n~g pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso n~g +tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran n~g makatang si Tirso ay isa +nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapan~galawa sa tanang +nangyayari, at kung sakali't mayroon ay bihirangbihira. + +Sa isang dako'y ipinagtatalo n~g kanyang loob ang hindi pagkatupad n~g +kapan~gakuang iniwan sa kanya n~g babaeng pinagsanglaan n~g walang +tubos n~g kanyang kaisa-isang pusong namana sa magulang, saka ang m~ga +balitang tungkol sa babaeng iya'y inihatid sa kanya n~g isang binatang +itinuturing na kaibigan; samantalang sa kabila nama'y hayan ang +kalatag n~g mestisang sa mula't mula pa n~g kanilang pagkikilala'y +wala nang ipinatamasa sa kanya liban sa di karaniwang pagtatan~gi't +tuwina'y pagkahalina sa anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang m~ga +tula ... Samantalang ang m~ga pangyayari at ang m~ga natatanggap na +balita'y nagtataboy sa kanya upang pagbuntuhan niya n~g n~gitn~git at +ikahiya sa kabatiran n~g iba si Teang, si Elsa naman ay patuloy na +nagpapasinaya sa kanya n~g, mataas na pagtin~ging sukat lamang hintin +sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing nananagisag n~g +kawagasan. Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya maturol kung sa kaninong +anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni Teang, at sa m~ga sandali ring +yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni Elsang naglalahad n~g +walang pagtutumpik sa tanang pithaya n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... +At ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag +n~g mataas na pagtin~gin, ay isang tunay na paghin~gi't paghihintay +n~g kanyang magagawa, n~g sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at +itinatan~gi sa buhay ... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa +pagpapabaya ni Teang? ¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong +pagbubukas n~g dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? +¿Saang panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?... + +Sa wakas ay minarapat ni Tirsong ibilang pa n~g ilang araw, n~g ilang +panahon, ang paghihintay n~g sulat n~g babaeng pinagtiwalaan niya n~g +puri't karan~galan, samantalang ang sukat itugon sa sulat n~g mestisa +ay siya namang pinagliming masusi n~g kanyang bait at siyang nihanap +n~g hatol sa kahinahunan n~g kanyang pagkukuro. + +N~guni, lahat n~g kanyang naisip tungkol sa isasagot kay Elsa, ay di +niya inibig na sulatin sa ayos n~g isang kalatas na ipadadala sa +tinukoy na mestisa. Ang sulat ay isang katibayang kanawanawang +maipapalad sa harap n~g ibang tao. At ang kaselanan n~g kanyang tayo +dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap n~g hukuman sa +Sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakain~gat sa ikapagkakaroon +n~g masasangguning katibayan n~g pakikitalamitam niya sa sinomang +babaeng naiiba kay Teang. + +--Mabuti'y makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'y +saka ko siya tutugunin n~g nararapat,--ang tapos ni Tirso sa kanyang +magulong pagninilay. + +Makailang saglit ay may tumawag kay Tirso, at ipinagbigay alam na sa +telepono n~g botikang nasa silong n~g gusaling kanyang tinitirha'y +mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. + +Nagdudumali siyang nanaog. + +At pagkahawak sa telepono'y tinig n~g babae ang kanyang narinig. + +--¿...? + +--Si Silveira n~ga po itong kausap ninyo. ¿Sino po ba naman sila? + +--.... + +--¡Ah, ikaw pala, Elsa! + +--¿...? + +--Oo, natanggap ko. + +--¿...? + +--¿Kung kailan mo tatanggapin ang sagot? Ang ibig ko sana ay sagutin +kita n~g harapan sa isang pagniniig ... ¿Paiirugan mo ba ako? + +--.... + +--Kung kailan ka may panahon ay tumipan ka't ating pagusapan ang bagay +na iyan. + +--¡...! + +--¿Pariyan ako sa m~ga araw na ito? Iyan ang hindi mabuti. +Maipalalagay niyang tayo ay naninikis.... + +--¡...! + +--Huwag ka sanang mabiglain. Ang galit n~g kapatid ay pagmamahal. Kung +hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan.... + +--¿...? + +--Isang araw ay masok tayo kahi't sa aling sine at doon natin +pagusapan. + +--¿...? + +--Ikaw ang bahala: pasama ka kahi't kay Dioni, kung nan~gan~gamba ka +nang makipagniig sa akin n~g sarilihan. Nalalaman ko namang paibaibang +talaga ang lagay n~g panahon.... + +--¿...? + +--Wala akong ibig sabihin kundi ang pagpapaubaya sa iyo n~g boong +kapasiyahan. Marapatin mong magsarili kita, salamat: magsama ka naman +n~g kahi't sinong mabutihin mo, salamat din ... Ako ay walang hindi +kinadoroonan. + +--.... + +-Kung gayo'y hihintayin ko ang araw at pook na iyong itatakda. + +--.... + +--Salamat, Elsa. + +--¡...! + +--¡Adios! Taglayin mo ang aking alaala.... + +Bahagyang naibsan n~g pabigat ang kaluluwa ni Tirso sa pagkapagusap +nilang iyon n~g mestisang sumulat sa kanya. + +Gayon ma'y nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos +namamalayan, n~g siya ay nanghihinamad mandi't walang alis sa +pagkakatun~go sa ibabaw n~g kanyang sulatan. + + + + +XXI + +PAGSISISI AT PAGBABAGONG LOOB + + +Dalawang linggong mahigit ang nadaan. Bagama't gayon na lamang ang +pusok n~g loob ni Elsa nang kanyang sulatin ang liham na ipinadala kay +Tirso, ay nakalipas din ang gayong dami n~g m~ga araw n~g ang tipanan +nilang paguusap na sarilihan sa bagay na iyon ay hindi pa nabibigyang +katuparan. Paano'y sa siyang pinaiiyahan n~g lalaki, ay parating +nagkakaroon n~g salabid tuwing ipagbabalak n~g araw at pook ang +ikabubunsod n~g gayong salitaan. + +Sa loob n~g panahong iyan na hindi rin idinarating n~g sulat ni Teang, +kay Tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalun~gi n~ga +ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba't napaghabilinan niya n~g +kanyang boong pagtitiwala. + +Ang pagpapahalaga sa m~ga balitang tinanggap niya kay Martinez ay +untiunti n~guni't patuloy na naguugat sa guwang n~g kanyang puso, at +nakatutulong n~g malaki upang ang pan~galan ni Teang ay maging +buntuhan n~g kanyang kasuklama't lalong masasaklap na hinala. Pati n~g +unang balak na paghanap o pakikibalita sa kinaroroonan n~g babaeng +iyon ay bahabahagya nang iniwawaksi sa kanyang isip, yamang kung gayon +anyang kay Teang nanggaling ang paghamak sa kanilang sumpaan, magusig +man siya'y ibayong hirap na lamang n~g loob ang kanyang mapapala. Si +Tirso ay kasal sa babaeng iyon, oo, nalalaman niya; n~guni't ¿bakit pa +niya hahan~garin ang mapapisan sa isang talipandas na walang tunay na +pagibig sa kanya? Saka, ang kanilang pagkakasal ay lihim na lihim at +walang sinomang nakamamalay liban sa hukom na sa kanila'y nakialam. +Ang pagmamakain~gay tungkol sa paguusig ay magiging isang tunay na +pagkakalat na lamang n~g kanyang sariling kahihiyaan. "Patawarin ang +nagkakasala at ipagparaya ang nagkukulang" ang aral na itinuturo n~g +Kapisanang kanyang kinaaaniban; at malalabag na lamang sa itinuturo +n~g aral na iyan ang paguusig sa babaeng kusang tumaliwakas sa +kadakilaan n~g sumpa, ang yumurak at gumutay sa kahalagahan n~g +pan~gako. Manan~ga'y tumahimik na n~ga siya't kanyang pagaralang +pawiin sa alaala ang pan~gala't larawan n~g babaeng bumitay n~g +kanyang magandang pagasa. + +Samantala, sa isa sa m~ga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay ang +sulat ni Elsa na kinalilimbagan n~g isang pagibig na walang kapantay +sa karubduban. Ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay hindi +nakakikilala n~g pagmamaliw. Ulani't arawin man sa laot n~g kanyang +pagkawalang loob, na sa nagdaang m~ga araw ay siya niyang ipinahalata +sa naturang mestisa, ay patuloy ring; taglay ang dakilang uri, ang +kawagasan, na sa wari niya'y sukat ang kanyang naisin upang +pagtamasahan niya n~g dilang lugod, n~g madlang biyaya at tanang +luwalhati, na sa buhay na ito'y siya na lamang mahihintay n~g kinapal +na paris niya. + +Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid n~g +pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g pagpapakabalisa ni +Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi kabaliwan? +Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala +n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan. Datapwa't magpakabaliw sa +babaeng humahalakhak at umooroy sa kanyang kasawian ay iyan na ang +sukdulan n~g kahalayan na hindi sukat makita sa isang paris ni Tirsong +paano't paano man ay may pan~galan na ring nakikilala sa maraming +lipunan. + +Kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailan~gan na ni Tirso ang +makiayon sa tadhana n~g kanyang palad. Ang tadhana ay waring +nagaanyaya sa kanya sa isang dako upang sayurin niya ang kadalisayan +n~g pagibig ni Elsa, hindi siya dapat magmalaking huwag +magpakundan~gan sa anyayang iyan. + +At, habang dumarami ang m~ga araw na hindi idinarating n~g sulat na +pan~gako ni Teang, ay patuloy namang pumapanaw kay Tirso na parang +kimpal n~g ulap na nawawala sa katingkaran n~g sikat n~g araw, ang +pan~gala't alaala n~g babaeng binanggit, katiyap n~g untiunting +paguusbong sa pitak n~g kanyang puso, tulad sa halamang busog sa +alaga, n~g pagkahalina sa m~ga pakibang loob n~g malulugding mestisa. + + * * * * * + +Minsan, isang gabi, ay minarapat ni Tirso ang gumawi sa may pook nina +Elsa, n~guni't hindi ang tangka'y manhik n~g bahay kundi mula sa +palibidlibid n~g looban niyon ay pakimatyagan ang kalagayan n~g +dalagang untiunting nagpupunla n~g balisa sa kanyang gunamgunam. At +gayong pakikimatyag na n~ga lamang ang kanyang minabuting gawin, +sapagka't sa bahay na yaon ay ayaw muna niyang lumantad magmula nang +may mahalata siyang sukal n~g loob sa kapatid n~g nasabing mestisa. + +Si Tirso ay sa may gawing baybayin n~g dagat nagdaang paahon sa bulaos +na patu~ngo kina Elsa. Pinili ang lalong madidilim na palumpong, +naglagos sa m~ga palikolikong landas, at pagkalapit sa may +tinatalikuran n~g silid n~g mestisa, ay naghagis n~g tin~gin sa dakong +itaas at tinangkang makilala sa siwang n~g sarisaring halamang +gumugubat sa looban kung sinosino ang m~ga lalaking narinig niyang +nagkakatuwa. N~guni't wala siyang nakilala isa man. Ang tinig ni Elsa +ay naulinigan din niya, subali't kung ano ang sinasabi'y hindi niya +mawatasan. + +Makasandali ay kanyang narinig ang piano, pasimula n~g isang +_one-step_ ang tinutugtog, tugtog na noon din ay sinundan n~g +mahihinang sagitsitan n~g m~ga paang nagsasalimbayan sa ibabaw n~g +tabla. + +--¡May sayawan! + +Datapwa't ang namalas ni Tirso ay pawang m~ga lalaki rin ang +nagsisiindak na magkakayapos sa gitna n~g bulwagan, at anino man ni +Elsa ay di niya matanaw. + +Inakala niyang si Elsa ang nunugtog n~g piano. N~guni't ¡ano bang +tugtog! _one-step_ n~ga ang narinig niyang pinasimulan, na siyang +sinundan n~g pagsasayawan n~g m~ga lalaking panauhin ni Elsa, dapwa't +hindi pa halos nakabubuo n~g tigisang inog ang bawa't magkapareha, ay +_marcha funebre_ na ni Chopin ang pagdaka'y kanyang naulinigan. + +Ang sayawan ay biglang natigil. At ang humalili'y ang matunog na +halakhakan n~g m~ga lalaki. + +--¡Napilya na naman tayo ni Elsa!--ang malakas na wika n~g isang +nanun~gaw pa sa bintana pagkabalatong n~g pagsasayaw.--Sapul pa +kanina'y pawang sa ganyang tugtog sa patay tinatapos ang alinmang +_tandang_ ating sayawan. + +At malinaw nang nawatasan ni Tirso ang tinig n~g maganda niyang +paraluman. + +--Kayo ay hindi ko pinipilya,--ang sabi.--Itinanong ko kung ano ang +ibig ninyong aking tugtugin, at aninyo'y ako ang bahala kung alin at +kung paano ang tumutugon sa loob ko. + +--¿At sa lagay ay siyang tumutugon sa loob mo ang _marcha_ ni +Chopin?--itinanong pa n~g isa. + +--Mangyari,--ang sambot n~g mestisa,--ay sa dinatnan ninyong patay sa +akin ang dating kaligayahan n~g puso; at bagaman namamalas ninyong +ako'y nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos n~g luksa't may nilulunok +na apdo n~g kadalamhatian. + +Ang dating tawana'y nasaksihan ni Tirso na napaltan n~g sandaling +pananahimik. + +Kung ang m~ga lalaking iyon ay walang napunang panglalamlam n~g dating +masayang mukha ni Elsa kapagkarakang ito'y makiharap sa kanila nang +gabing iyon, disin ay may nagdamdam na sa ganyang m~ga kataga na +walang kagatolgatol na kanilang narinig. N~guni, ang totoo, si Elsa +n~ga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon at siya rin namang +kaagad ibinulong n~g hipag na si Dioni at ipinagbilin pang huwag +pagpapansinin pagka't walang anoman. Kaya, ang isinagot na lamang n~g +isa sa kanila'y: + +--Kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay ibig naming +makiramay sa iyo, Elsa. + +--Inaakala kong iya'y hindi ninyo magagawa, sapagka't ang m~ga +damdaming ito ay para lamang sa aking sarili.... + +--Sarili mo ma'y makapakikiramay rin kami, kung huwag na kaming +magtagal na gaano sa pagkakatuwang ito rito. + +--N~guni't hindi ko sinasabi, m~ga kaibigan, na ikinaiinip ko itong +ating matiwalang paghaharap. + +--Gayon ma'y kami ang nagaakalang marapat igalang ang m~ga sandaling +ipinakikilaban mo sa iyong m~ga kalumbayan. + +--Kung ayaw na kayong magsayaw ay magusapusap na lamang tayo. + +--¿Ano pa ang paguusapan natin ay sa hindi mo naman ipagtatapat sa +amin kaipala ang sanhi n~g iyong m~ga lungkot? + +--Hindi kayo mawawalan n~g anomang sukat maikuwento sa akin.... + +At ang m~ga panauhi'y namalas ni Tirsong may m~ga hawak nang sombrero +at anyong nagaabot n~g kamay sa mestisa. + +--Hintay muna pala sandali,--ang pigil n~g dalaga,--paunlakan muna, +ninyo ang munting bagay na pinagaabalahan n~g aking mabait na hipag. + +--¡At may pinagaabalahan pa pala si aling Dioni! Sa wakas ay +napahinuhod din ang m~ga panauhin. + +N~guni't saglit n~ga lamang, at matapos pairugan ang ilang +pamatid-uhaw na magiliw na ipinaganyaya ni Dioni, ay nan~gagpaalam na +rin. + +Si Tirso, na nakasaksi sa tanang nanyari, nang umalis sa pook na iyon +ay taglay sa dilidili't siyang pinaglilimi ang m~ga katagang narinig +niyang binigkas ni Elsa, + +¿Tunay n~ga kayang patuloy kay Elsa ang m~ga pagdadalamhating nasasabi +sa kanyang sulat? + +¿Si Elsa kaya, hanggang sa m~ga araw na iyong hindi pa nagkakaroon n~g +katuparan ang salitaan nilang pagtatagpo sa panonood n~g sine upang +doon pagpasyahan ang suliraning ipinaghihintay n~g magiging loobloob +n~g makata, ay hindi pa dinadalaw n~g dating katiwasayan n~g kaluluwa? + +Naramdaman ni Tirsong ikinaiinip niya ang hindi pagkakatuloy n~g +kanilang tipanan n~g mestisa. At sa pagkainip ay iniisip niya kung +saan sila lalong maluwag na magkakausap ni Elsa, kung gayong tila may +kahirapan ang pagkikita nila sa sine. + +Kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw ring +lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman ang sa +alinman sa m~ga bahay n~g ibang kakilala sa Pasay na rin, sa may di +gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging halatain sa +kapatid na pinakikitimban~gan ang gagawing paguusap na lihim. +Datapwa't ¿paanong ang gayo'y maisasangguni niya kay Elsa ay sa +matagaltagal nang ito'y hindi man lamang lumiliham ni tumatawag sa +kanya? Kung may telepono man lamang sana sa bahay nina Elsa, disi'y +nan~gahas nang magpaunang tumawag si Tirso. Subali't sa kasamaang +sukat ay wala n~ga, ¿paano ang kanyang gagawin? + +Samantala'y nalalapit na untiunti ang m~ga araw na ipagdiriwang kay +Momo. Nagunita n~g makata na ang siyudad nito na tinitigib n~g m~ga +halakhakang ginaganap sa likod n~g m~ga n~giwi n~g sarisaring +balatkayo, ay siyang malimit pagsinayaan n~g m~ga pusong uhaw sa +ligaya, siyang kadalasang pinagtitiyapan n~g m~ga kaluluwang malaon +nang naghihintay n~g isang dakilang pagkakataon, ¿hindi pa kaya sila +makapakibahagi sa m~ga biyayang iyang idinudulot n~g karnabal sa m~ga +nasa kapanahunang paris niya't ni Elsa? + +Sunodsunod na nagdaan sa papawirin n~g alaala n~g makata ang m~ga +pangyayaring kanyang napanood sa loob n~g bakod n~g m~ga karnabal na +idinaos sa ilang taong tinalikdan. Yaong isang Pierrot at isang +Columbinang nahigin~gan niyang nagkaisang magtanan sa m~ga kasama't +maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan nagtun~go; yaong +isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na nakipagindakan muna sa +kapal n~g tao sa "Auditorium", saka pagkatapos ay magkakawit ang m~ga +bisig na nagkubli sa dilim, nanunton sa m~ga pook na lin~gid at +makasandali'y matagal na nawala sa kung saang bahagi n~g maluwang na +siyudad na iyon; yaong isang Aida at isang Radames na nagpakalan~go +muna sa malaking _bar_ n~g "San Miguel Brewery" sa loob n~g siyudad at +kapagkuwa'y naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'y +pagkatalin~gid sa m~ga taong sukat makapuna sa kanila'y boong bilis na +inihatid n~g isang auto sa isa sa m~ga ligpit na _hotel_ sa San +Sebastian, samantalang ang kanilang m~ga kasama'y nakikipagbiruang +walang hulaw sa loob n~g mailaw na siyudad ... ang lahat n~g iyon ay +m~ga alalahaning kumakayag sa budhi ni Tirso upang siya ay magmunukala +n~g isang kaparaanang sukat bagang ... ikaganap n~g kanilang +nabibiting tipanan ni Elsa. + +--Bahala na sa karnabal, kapag hindi pa natupad sa m~ga araw na +ito,--ang nawika sa sarili ni Tirso, matapos sayurin n~g kanyang +guniguni ang nan~gabanggit na pangyayaring napanood niya sa siyudad ni +Momo. + +At parang babala n~g mabuting kapalaran, isang umagang siya'y magawi +sa Escolta ay nakatagpo niya ang mestisa na kasama ni Dioni at n~g isa +pang babaeng marahil ay kamaganak, kaibigan o kaya'y kanyang +kapit-bahay. + +Sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang +nangyari, sapagka't bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap +nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni Tirso kay Elsa; na ang +bagay na ipinagtipan nilang manonood n~g sine ay sa karnabal na +paguusapan; na yao'y maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang +kapatid na lalaking pinan~gin~gilagan n~g dalaga ay nagtun~go sa Nueba +Esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang +nabanggit na karnabal; na ang binibili nina Elsa nang umagang iyon ay +m~ga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, bilang +pinakapangaliw sa m~ga pan~gun~gulungkot na palagi ni Elsa, ay dili +iba't ang kanyang hipag na si Dioni. + +--Kung ano ang sidhi n~g loob mo, Elsa, sa iyong sulat ay siya namang +sidhi n~g loob kong magkaniig tayo, paris n~g ating pinagusapang +minsan: datapwa't hangga n~gayon ay nasa paghihintay na lamang ako + ...--- ang may himig n~g panunumbat na nasabi n~g makata sa +pagkapagusap nilang iyon. + +--Panahon lamang, Tirso, ang wala sa atin ...--ang nagpapasigla n~g +pagasang isinagot noon n~g mestisa. + +--Gawan mo sana n~g paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong +araw, hane,--ang pasamong bilin pa ni Tirso. + +--Hamo't kung hindi kita mapadalhan n~g kahi't isang _postal_ ay +tatawagan kita sa telepono,--matibay namang pan~gako ni Elsa. + +--¿Hanggang kailan ang ipaghihintay ko? + +--Hanggang sa bago dumating ang m~ga araw n~g karnabal. + +--Maghihintay ako, kung gayon. + +--Asahan mong gagawin ko ang lahat n~g maaaring gawin. + +--Salamat, Elsa. + +--Wala kang sukat ipagpasasalamat, Tirso. Ako ang nararapat +magpasalamat sa iyo, sapagka't sa di kawasa'y ... nakilala na rin +n~ga yata n~g iyong puso na may isang sawing babae ritong.... + +--Akin ang kasawian, Elsa, at sinomang babaeng nakikilala ko ay +sadyang tinatangkilik n~g magandang kapalaran. + +--Aywan n~ga ba kung ako ang bukod na natatan~gi sa m~ga mapapalad na +iyan.... + +At minsan pang namalas ni Tirso noon ang talagang pagmumukhang +nahahapis n~g diwatang yaong kapatid n~g kasayahan. + +Ang mestisa't ang makata ay nagkatalikod noong taglay-taglay sa ubod +n~g puso nitong huli ang m~ga bagong tibukin.... + +Ang dating pagpapalagay sa mestisang iyon na may tamis n~g +pagtatan~ging kapatid, nitong magpakasira si Teang sa kapan~gakuang +iniwan kay Tirso, tan~gi sa katamisa'y nalahukan pa n~g init n~g +paglulunggating ibinubuyo n~g isang pagmamahal na mahigit sa nagagawa +n~g pagkakapatiran. Anopa't sapul nang gumitaw sa kanyang dibdib ang +kutob na pinagmamaliwan na't nililimot siya n~g babaeng nan~gako n~g +pagtatapat, ang nakakikiliting kilos at anyo ni Elsa nang gabing +mapanhikan niyang aawitawit na nagiisa sa loob n~g bahay, at ang +matiwalang pagsama sa kanya noon hanggang sa bangka, saka ang +nilalaman n~g mahabang liham na ipinadala sa kanya, ay hindi lamang +m~ga pangyayaring laging sariwa sa alaala ni Tirso kundi nagdudulot +din naman sa kanyang puso n~g bagong damdaming sinisibulan n~g bago +ring pagasa ... Ang buhay n~g tao ay nasasalalay sa gulong n~g +Kapalarang walang humpay na umiinog. Kung sa ganang kay Tirso'y +napailalim siya sa pagkabighani niya kay Teang, nitong nalulurok na +n~g boong pagpapahalaga n~g kanyang kaluluwaang bawa't bugtong o +talinghagang iniuukol sa kanya n~g magandang mestisa ay parang +ibinubulong n~g kanyang sarili na nalalapit na naman ang kanyang +pamamaibabaw at ikatatampok sa karurukan n~g tagumpay. + +At buhat noo'y hinintay na niya arawaraw ang pagdating n~g +tagadalang-sulat na magaabot sa kanya n~g pan~gako ni Elsa, o kaya'y +ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong n~g gusaling kanyang +tinatahanan.... + +Ang makata ay nabigo na sa paghihintay n~g sulat ni Teang, ¿sa +paghihintay n~g _postal_ o sa pagtelepono naman ni Elsa ay mabibigo pa +rin kaya siya?... + + + + +XXII + +MGA NAGAGAWA NG BALATKAYO + + +¡Karnabal! + +Lubhang makapangyarihan kung magutos ang dios n~g m~ga halakhak at +pagbibiro, ang hari n~g balatkayuang lunas sa m~ga dalamhati n~g +kaluluwa at puso.... + +Babago pang napaguusapan ang m~ga araw n~g kanyang pagdiriwang, sa +iba't ibang panig n~g Maynila ang m~ga tao'y abalangabala na sa +sarisaring paghahanda. Ang m~ga masalapi ay nagsisipagpagawa sa +kanikanilang mananahi n~g m~ga kasuutang ikatatampok nila't ikauun~gos +sa gayak n~g iba: m~ga sutlang kayong pulangpula na animo'y dugo, +mayroon namang dilaw na nakikipan~gagaw sa kulay n~g apoy, at may +lungtian pang nagbabalita wari n~g pananagana sa lahat n~g bagay n~g +taong sa kanya'y nagpapakahibang ... Ang m~ga maralita naman, sa +kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa +pinapasukan, nagsasangla n~g isang tumbagang singsing o n~g isang +hilakong hikaw, na tan~ging hiyas n~g kanilang karukhaan, +nan~gun~gutang n~g salaping patubuan at ... bumibili n~g isang murang +balatkayo, isang nakan~gising maskara, upang sa likod n~g m~ga ito'y +sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at +sandali ring makilahok sa m~ga halakhaka't panunukso sa kakilala't +hindi man. Ang m~ga dalaga ay karaniwang magsuot n~g gayak Columbinang +kaakitakit sa bawa't makakita, at ang m~ga binata nama'y nagdadami't +Pierrot na lubhang katawatawa. Bawa't pusong pinasisigla n~g apoy n~g +kabataan, bawa't kinapal na nasa panahon pa n~g kasariwaan, ay dili +ang hindi naguubos n~g kaya sa paghahanda n~g tanang nararapat niyang +gamitin sa pagsagap n~g luwalhati sa sinapupunan n~g dakilang +karnabal. At yaong may kaluluwang hindi nagtitikim n~g biyaya n~g +maligayang kapalaran, ay nagsisipan~garap na sa m~ga araw na iyan ay +mabibihis ang kanilang kasawian, mapapaltan n~g tuwa ang kanilang m~ga +paghihirap at sa duyan n~g luwalhati'y sandali silang aawit n~g +kasiyaha't mahahalinhan n~g kabusugan ang binabata nilang uhaw.... + +At, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang makata ay +ibilang sa ganyang m~ga may hinihintay. + +Si Dioni, na nagpanukala n~g pagpapayari n~g magagarang balatkayo na +magagamit niya't n~g kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi +nagsaloob n~g paninibago sa m~ga kilos nito, nang mapuna niyang +tinatangihang pawa at sinasalubong n~g paghingi n~g paumanhin ni Elsa +ang lahat n~g anyaya n~g m~ga tanyag na ginoong kaibigan at dating +kasamasama sa m~ga liwaliwan, m~ga anyaya para sa isang gabi sa +"Auditorium" o sa panonood kaya n~g _coronacion_ o n~g alinman sa m~ga +magaganda't malalaking kasayahang idaraos sa loob n~g karnabal. + +--Tila nagiiba na n~gayon si Elsa,--ang naibulong niya sa kanyang +sarili, nang ang mestisa'y ayaw n~gang magbitiw n~g anomang pan~gako +sa m~ga lalaking namumuhunan n~g masuyong pakiusap. + +Bahagya ma'y hindi sumagi sa isip ni Dioni na ang sulat na ipinadala +ni Elsa kay Tirso noong kararaang Bagong Taon ay maaaring siyang +magbulos sa dalawa sa isang lihim na pagtatagpo sa loob n~g siyudad na +kinaliligpitan n~g maraming hiwaga. Sa katotohanan, nang tagpuin sila +n~g tinukoy na makata noong ikatlong gabi n~g m~ga pagdiriwang sa +kaharian ni Momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni Dioni ang bagay at +sanhi n~g m~ga kilos na kanyang napapanibaguhan sa kanyang hipag. + +--Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang +alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan mo,--ang manawanawang +naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni Tirso. + +At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay +nagbalobalong sumagot: + +--Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi n~g di ko +pagpayag sa kanilang anyaya. + +--Higit diyan ay mayroon pa.... + +--Ikaw ang napakamapaghinala n~g hindi tama.... + +--¿Ano? ¿Di ba totoong hindi iyan ang tunay na pinagpaparoonan mo? + +--¡Hindi! + +--¿At ibig mong tukoyin ko? + +--¡Ayoko na n~ga n~g malabis na tuksuhan! + +--¡Sa ako'y hindi nanunukso lamang, kundi...! + +--Kinalilimutan ko na ang pagtawa, Dioni.... + +--N~guni't n~gayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang tumawa ... At +di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod at +magpasalamat.... + +--¡Sukat na n~ga iyan! + +--¡Kundan~gan pati ako'y ibig mo na yatang paglakuan! + +Masaya n~ga ang dalawa. + +At ang gayong malamang nang pagkabunsod n~g tipanang pagkikita nila ni +Tirso, ay sapat nang makapag-pasigla sa diwa at katawan ni Elsa. + +Noon ay siyang gabi n~g nababalitang pagpuputong sa napahalal na +reyna. + +Si Tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot n~g +kanyang damit Pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may +malalaking botones na dilaw sa m~ga manggas n~g baro at laylayan n~g +salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid n~g kanyang leeg; at +han~gos nang nagabang sa isang pook sa loob n~g siyudad, alinsunod sa +itinipan n~g mestisa sa araw na sinundan. Hindi naman siya gaanong +nainip at dumating sa harap niya ang dalawang Columbinang dilaw, tila +kambal sa pagkakawan~gis n~g tabas at kulay n~g kanilang balatkayo. + +Ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay Tirso, palibhasa'y +hindi niya makilala kung sino roon si Elsa at kung sino naman ang +isang kasama. Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong paguulikulik +n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos +ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. + +--Si Dioni iyan,--ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. Saka bumaling +sa hipag at sinabi:--Si Tirso ito.... + +Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig +n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag. At nang makaubos na n~g kung +ilang supot n~g _confetti_ sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa +balana, ay saka lamang nagyayaang masok n~g "Auditorium", yamang +malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa _coronacion_. + +Walang hulugang karayom ang kapal n~g tao sa loob n~g nasabing +"Auditorium" nang magsipasok ang tatlo. Kahi't saang gawi sila +magbaling n~g tin~gin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi roon +maaaring idaos ang ibinabalitang _baile de coronacion_. + +--¿Paano tayo rito?--ang tila may yamot na tanong ni Elsa sa dalawa +niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip n~g m~ga taong nagtuwid na +lamang sa pagkakatayo at ibig mang lumipat sa, ibang pook ay tila +hindi magawa. + +--Maghintayhintay muna tayong sandali, at baka mabawasbawasan ang +tao'y lumuwagluwag naman n~g kaunti.--ang salo ni Tirso. + +--¡Suss! Halos di pala makahinga sa sikip ang taong napaparito!--ang +katlo naman ni Dioni. + +At sa mungkahi n~g lalaki, ay nagsipagalis na sila n~g takip sa mukha, +bilang pakikiugali sa karamihan doon. + +At samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis n~g di +birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa +bun~gad n~g pintong kanilang kinatulusan, natatan~gay palibhasa n~g +pabugsobugsong dating n~g m~ga tao. At ilang saglit pa rin ang +lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid na +malapit sa dingding na tinatalikuran n~g madla. + +Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol +na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, +kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y +sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil +ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa +roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang +nagpapaakala n~g ganito. Ang _disfraz_ nilang gamit ay maituturing na +kabilang sa m~ga lalong mahal at kaakitakit, hindi n~ga lamang gaanong +bagay sa babae na gaya n~g sa lalaki. Parang walang namamalas na tao +sa kanilang palibid, ay sapupo n~g isang kamay n~g lalaki ang maliit +na baywang n~g babae, at ang isang palad nito'y matiwalang nakakapit +sa balikat niyon, samantalang sa bawa't bulun~gan ay halos +nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha n~g isa +ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa ... Ang masasayang n~giti't +makahulugang m~ga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring +makapuna sa kanilang anyong nakatatawag n~g loob, at ang m~ga puso ay +mahihinuhang sinasakbibi noon n~g kaligayahang pabihibihirang +ipagbiyaya n~g panahon sa tao. + +--Magasawa marahil,--ang marahang inianas n~g mestisa sa makata na di +kinukusa'y napasundan n~g isang munting kurot sa bisig n~g +pinagsabihan. + +--Malayo ang hula mo,--ang pakli n~g makata, na dili ang hindi +nakaramdam sa kurot na ibinigay sa kanya. + +--¿Ay bakit ganyan na ang asta? + +--Iya'y isa lamang sa karaniwang gawin n~g sinomang kinakandili n~g +mabuting palad. + +--N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang +lalaki. + +--Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantun~gan n~g +kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. ¡Mapalad na +lalaki! + +--¡Mapagsamantala ang sabihin mo! + +--Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. + +--Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang ang kasama +mo n~gayon. + +--¡Si Teang na naman! + +--¿At ano? Kung siya lamang ang narito't kakawit-bisig mo, kaipala ay +wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan.... + +--Kung siya ang aking iniibig n~g boong pagkatao, oo; datapwa't ang +totoo'y ... nalalaman mo nang hindi siya. + +--¿At sino? + +--¿Kailan~gan pa bang sabihin ko? + +--¡Sa di ko nakikilala! + +--¡Elsa! ... Nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa +Pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin n~g mahabang +sulat na nasa bulsa ko sa m~ga sandaling ito; nakikilala mo kung sino +ang kaulaulayaw at kinakausap ko n~gayon dito.... + +Ang mestisa ay pinamulahan n~g mukha't hindi nakakibo. Dinalaw na +naman n~g lugod ang puso niyang tuwina'y sabik sa paggiliw n~g +makatang iyong tan~ging naghahari sa kanyang kaluluwa. ¡Labas nang +talaga sa dilang alinlan~gan ang pagwawagi n~g kanyang m~ga han~garin! + +Subali't n~gayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay n~gayon naman +siya nauumid mandin sa naglalambin~gang bigkasin n~g makata at sa m~ga +kilos nitong maaaring mahalata n~g iba. + +--Huwag ka nang main~gay, Tirso,--ang saway na amang sa lalaki,--hayan +lamang si Dioni baka naririnig na tayo. + +At ... ang m~ga bisig nilang nagkakakawit ay siya na lamang +nagpahayagan n~g kanikanyang ibig sabihin sa bisa n~g bahagyang +pagsiko n~g isa sa isa na ipinagkaunawaan nila. + +Sa isang dako, si Dioni, na di naman patay na loob sa balabalaki n~g +kabataan, ay talaga palang may napaghahalata na sa dalawa niyang +kasama, kaya't sa simula pa n~g nahigin~gan niyang paguusap, ay kinusa +na ang di pagaalis n~g mukhang paharap sa dakong malayo. + +--Hindi masama ang pagbibigay ...--ang bulong niyang man~gitin~giti sa +kanyang sarili. + +Ilang saglit na walang nagbubuka n~g bibig. + +--Dioni,--ang tawag mayamaya n~g mestisa.--¿Baka naiinip ka na? + +--Kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako ...-masiglang itinugon n~g +tinukoy. + +--Hindi kami mangyayaring mainip, Dioni, sapagka't mayroon kami rining +isang nakapupukaw n~g loob na panoorin,--pan~giti namang ikinatlo ni +Tirso, saka inihudyat n~g n~guso ang dalawing pinanonood sa gawing +padako kay Elsa. + +Napatawa si Dioni sa anyo n~g itinuturo n~g makata. + +--¡Dito ka n~ga naman sa karnabal makakikita n~g sarisaring +palabas!--ang pakagat-labing sabi sa mahinang turing. + +--¡Talaga!--ang ayon ni Tirso. + +--At ¿naalaman mo, Dioni? nananaghili raw siya sa dalawang iyan, +sapagka't hindi niya kasama ang kanyang minumutyang si T.... + +--¡Ehem!--anang hipag na tinukoy.--¡Baka kung ano na iyan!... + +--¡Hindi!--ang tanggi n~g makata.--Nagbibiro lamang itong si Elsa. + +--¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung sino ang kasama n~g +maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon n~g "La Perla"? + +--¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia? + +--¡Wala pong iba! + +--¡Aha!... + +At ang lalaki ay manawanawang pumakli: + +--Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin +nito.... + +--¡Tumatalikod n~gayon ang bata!--ang palabing agaw pa n~g mestisang +sa hipag nakatin~gin. ¡Ikinahihiya yata ang "himala" ni pari Casio! +¡Kawawa naman!... + +Hindi nalalaman n~g dalawang babae na ang m~ga winikang iyan ni Elsa'y +balaraw na umiwa sa damdamin ni Tirso. Naalaala ang m~ga balita ni +Martinez. + +Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi +tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin +n~g "himalang" binanggit n~g mestisa. + +--Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan +naroon ang Teang na iyan,--ang tan~ging nasabi ni Dioni. + +--¿Saan n~ga ba naroon?--ang di napigilang itinanong din ni Tirso na +nadadala yata n~g pananabik. + +--Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat +makapagsabi,--ang sunggab ni Elsa. + +--¡Ikaw!--ang tukoy ni Tirso sa mestisa. + +--¡Ikaw!--ang batik naman ni Elsa sa makata. + +--Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa probinsia, n~guni't +ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa +kolehio,--ang badya naman ni Dioni. + +--¿Nasa kolehio?--anang lalaki. + +--Noong araw,--ang saklaw n~g dalaga. + +--¿N~guni't n~gayon?--itinanong n~g hipag. + +Naghilian sa pagsagot ang dalawa. + +Tuwinang mapaguusapan ang n~galan ni Teang ay di matimpi ni Tirso ang +pananabik na gumigiyagis sa kanya. At tuwina namang may mahahalatang +ganyan si Elsa, ay lalong nagdaragdag n~g sikap para siya ang +makapangyari sa isip at damdamin n~g makata. + +Siyang paglin~gon sa kanila n~g lalaking pinanonood na kayaposyapos +n~g isang babae. At nakilalang maliwanag ni Elsa. + +--¡Susss!--ang pamanghang wika.--¡Si Dr. Nicandro! + +--¿Siya n~ga ba?--ang pataka ring sambot n~g dalawa. + +--¡Siya n~ga! + +--¿At sino kaya ang babae?--ang tanong ni Dioni. + +--Namumukhaan ko; isang "maamong kalapati" sa "mayamang alagaan" sa +San Juan ...--ang pahayag n~g lalaki. + +--¿Ano ang sinabi mo?--ani Elsa. + +--Isang makisig na mananayaw ...--ipinaliwanag ni Tirso. + +--¡Isang doktor sa piling n~g isang bailarina!--mahinayang pang sambit +ni Dioni. + +--¡Bah! Iyan, Dioni, ay di humihigit sa karaniwang makita n~gayon dito +sa Maynila at sa m~ga karatig na bayan,--ang baling n~g makata,--Ang +naririto n~gayong ating namamalas ay isang doktor, at sa m~ga +_cabaret_, m~ga _hotel_, at iba't ibang pook na sagapan n~g aliw, +dapat ninyong maalamang hindi iilan ang m~ga matutunog na abogado, +m~ga matalakatak na kinatawang bayan, matataas na kagawad n~g +pamahalaan, m~ga batikang politiko, m~ga mayayamang man~gan~galakal, +m~ga mamahayag at iba pang nabibilang sa unahang hanay n~g m~ga +pagasa't dan~gal n~g bayan, na nagpapakalasing sa kandun~ga't bisig +n~g kung sinosinong babaeng nakapagaalinlan~gan ang linis n~g +pamumuhay. + +--¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki rin!--ang parinig ni +Elsa. + +--¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang babae ay babae rin +kailan man,--isinaklaw ni Tirso.--Datapwa't hindi ang lahat ay may +hilig sa ganyan.... + +--Humigit-kumulang ay parisparis na kayo,--ang sabad ni Dioni. + +--Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. Halimbawa: +ako.... + +--¿Ikaw? + +--Oo. + +--¿Ay bakit nalalaman mong pagsabihing may abogado, periodista, +man~gan~galakal at iba pang umaasal n~g ganyan, kung diyan ay hindi ka +kabilang? + +--Sapagka't natatagpuan sila kahi't hindi hanapin. Paris n~gayon; +hayan ang isang manggagamot, at nakita natin sa piling n~g isang +mananayaw n~g di tayo tumutuntong sa _cabaret_. + +--¡Hintay kayo't may iba naman akong nakikita!--ang biglang hadlang ni +Dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may +kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa +kinaroroonan nila,--Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X***, +n~guni't ang babae'y.... + +--¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa babae!--isinaklaw ni Elsa.--Iyan +ang may asawang si aling K*** na pinakapintasan nang minsan sa harap +ko ni Martinez. + +--¿May asawa ang babae?--itinanong ni Tirso. + +--Mayroon, n~guni't ang kasamang iya'y hindi siyang nagmamay-ari sa +kanyang pan~galan,--ang paliwanag pa n~g mestisa. + +--Saka ang asawa raw n~g babaeng iyan, Tirso, ay walang pan~galawa sa +kabaitan,--ang susog pa ni Dioni. Balana umano ay kinapitan sa manggas +n~g babae at ang sinasangkalan ay ang m~ga, sayawang malimit niyang +daluhan, samantalang siyang lalaki naman ay panatag daw na naghihilik +sa kanyang bahay at di man napapanaginip ang pananagumpay n~g kanyang + ... kabaitan. + +--Gaya n~gayon,--pan~giting naitugon n~g makata,--narito ang +natuturang kabiyak n~g kanyang puso, subali't nariritong hindi sa +kanyang kandun~gan nagpapasasa n~g ligaya.... + +Walang anoano ay may tugtog n~g kornetang naulinigan sa dakong +hinaharap n~g madla, tugtog na sinundan n~g biglang pagkabalisa't +pagdadagitgitan n~g m~ga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang unang +babala n~g gagawing pagpuputong. + +Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang magasawang +nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at nagdudumaling ginagap +n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, saka ang m~ga ito'y +niyayang sumama sa kanila na humanap n~g mabuting pook upang kahi't +paano'y masilip man lamang ang mukha n~g reynang sanhi at dahil n~g +maraming bulun~gan. + +At palibhasa'y hindi lamang sila kundi lahat ang naghahan~gad na +makapanood n~g pagpuputong, ay di sila nagkapanahong magusap n~g +marami, at sa m~ga tin~ginan ay nagkaalam nang susunod sila sa +biglaang pagbatak kina Dioni n~g m~ga kaibigang magasawa. + +Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't +isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g +tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y +nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay +kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga +kasama. + +Sinapantaha ni Dioni na kasama n~g magasawa ang makata't ang mestisa; +inakala naman n~g m~ga ito na si Dioni ang kasama n~g m~ga yaon; +n~guni't sa palagay n~g magasawa'y humiwalay nang kusa ang tatlong +magkakaabay. + +Sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay +pinatnugutan n~g mabuting pagkakataon. + +--Kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang +tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang +pinagkakaguluhan n~g tao,--ang wika ni Tirso. + +--¿Hindi kaya tayo hanapin ni Dioni?--ang tanong ni Elsa. + +--Hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo +pang madali tayong magkikitakita.... + +--Mabuti pa n~gang magpahipahin~ga muna tayo; n~galay na n~galay na +ang m~ga binti ko sa malaong pagkakatayo. + +At magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong +tinatalikuran n~g makapal na taong sa iisang dako nakaharap. + +--¿Nasa iyo n~ga ba n~gayon ang sulat ko?--itinanong makasandali n~g +babae. + +--Nasa akin,--ang pakli n~g lalaki. + +--Mabuti pa kaya'y isauli mo na.... + +--¿Bakit? + +--Kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa +iin~gatin~gatan.... + +--¿Walang kahihinatnang paano? + +--¿At, mayroon ba? + +--¡Elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa akin, gayong kay +daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik sa ikapagkakaroon +natin n~g panahon sa paguusap n~g niig na paris nito!... + +--¿N~guni't n~gayon ay ano ang iyong sasabihin? + +--Unanguna'y ibig kong ipahayag ang malabis kong pagdaramdam dahil sa +pagkapagsalita sa iyo n~g kapatid mo; ikalawa'y ibig ko rin namang +ipayo sa iyo na ipagpaumanhin mo't iwaksi na sa loob ang lahat n~g +iyon, yayamang kapatid mo namang nagmamahal ang nagsalita. + +--¿Wala nang iba? + +--At ... at ... ¿ano pa ba ang hinihintay mong gawin ko? + +--¡Ay, Tirso! ¡Salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat +gawin!... + +At pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo. + +--Elsa ...--malumanay na tawag n~g makata,--sasandali ang pagkakataong +ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito't +sukat ang iyong hipag, maanong kung baga't ibig mo ay magusap na +tayong mahinahon.... + +--¿Ano pa ang kailan~gan? Naipahayag mo na ang iyong loobloob.... + +--Maupo ka sanang muli't may sasabihin pa ako.... + +Dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga. + +--O eh ¿ano n~gayon?--ang tanong na tila nakapangyayari. + +--Elsa, dahil sa kahalagahan n~g bagay na ipinaghihintay mo sa akin +n~g pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito +n~g lalong mahinahon.... + +--¡Pshe! + +--Siya n~ga, Elsa. Ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan n~g aking +budhi't kadalisayan n~g ... pagmamahal ko sa iyo. + +--¡Pagmamahal!... + +--Oo, Elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi +itinatan~gi sa lahat: iniibig n~g boong puso.... + +--¡Kay buting pagibig! ¡Iniibig na pinasasakitan!... + +--Ang ginhawa mo'y siya kong pinakahahan~gad.... + +--Salamat, n~guni't marahil ay ... talagang hindi tayo nagkakaisa n~g +pagkukuro. + +--Pagaaralan ko ang iyong ikasisiyang loob. + +--Subali't ¿ano ang maipagsusulit mong pagbibigay kasiyahan sa akin +tungkol sa nilalaman n~g sulat kong pinagpaguran ko pang pakahabaan? + +--Ang pagpapagunita sa iyo, tan~gi sa aking m~ga sinabi, na ang +pangusap n~g kapatid, gaya n~g sa magulang, ay nakatataba sa puso n~g +pinan~gun~gusapan. + +--Maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa't ang +sinasabi ko naman, Tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na +iyon. ¡Kung narinig mo sana ang m~ga salita niyang halos masasabing +pagtataboy sa akin! + +--Yao'y hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa nagawang +kasalanan.... + +--¡How! Kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang kapatupatumangga +ay sa dahilang may paniwala siyang ako'y paglalaruan mo lang. At kung +ganyan ang nadadama ko sa iyo ay ... ¡tila hindi siya nagkakamali!... + +Pagkawika nito'y namasdan ni Tirsong umanod sa pisn~gi n~g mestisa ang +ilang patak n~g luhang nagpapahayag n~g malaking paghihinagpis. +¡Kaunaunahang patak n~g luhang nasaksihan niyang namalisbis sa +mukhang iyong puspos n~g sanghaya! Nan~gilabot si Tirso. + +--Elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita n~g isang pagibig na walang +katapusan.... + +--Tirso, ang pagibig na iya'y sayang lamang, kapag di mo natutuhang +ilin~gap sa isang abang sawing inabot n~g sigwa sa dagat n~g buhay.... + +--Ako ay nasa piling mo sa lahat n~g sandaling kailan~gan ang aking +magagawa; n~guni't ang nagdaan sa palad mo, Elsa, ay di pa isang +sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro n~g Panahon sa gaya nating +paharap sa pintuan n~g Luwalhati ... Huminahon ka, at hindi kita +pababayaan.... + +Naito na si Dioning han~gos at putlangputlang di halos makapan~gusap. + +--¡Pinakaba ninyo ang dibdib ko!--ang di napigilang sabi sa m~ga +dinatnan. + +At sina Tirso'y nagtindiga't sumalubong. + +--¿Saan ka napatungo't nawala ka rito?--ang madaling itinanong ni +Elsa. + +--Hindi na kami umalis dito't baka aniko'y magkita tayo agad, yamang +dito tayo nagkahiwalay,--ang sambot naman n~g lalaki. + +--¡Naku! ... ¡Nanglalata ako!--ang daing ni Dioni, at napalun~gayn~gay +na lamang sa balikat n~g hipag. + +Sa isang tin~ginang n~g makata't n~g mestisa, ay nagkaunawaan ang +dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod o anoman ang +ipinagkagayon ni Dioni, kundi ang pagsasapantahang "baka ang sisiw na +kanyang alaga ay kung saan na tinan~gay n~g lawin" ... Kaya't +nagkan~gitian tuloy n~g lihim. + +Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa +pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga +salagimsim. + +Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay +lamang na isang mababaw na salamangka. Gayon ma'y nagpakatimpitimpi na +lamang at hindi na umimik, kundi nang mapilitang imungkahi ang +ganito: + +--Totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'y sumasama pa ang +aking katawan, ¿hindi kaya magiging pan~git sa inyo, Tirso, kung +magpauwi na muna tayo n~g hindi pa natatapos ang kasayahang sinadya +natin dito? + +--Hindi, Dioni,--ang panabay na sambot n~g dalawa;--tayna, kung ibig +mo na. Ikaw n~ga lamang ang hinihintay namin. + +--Kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane. + +--Wala kang sukat ipagalaala. + +At ilang saglit pa't tinun~go na n~g tatlo ang dakong pinto n~g +maluwang na "Auditorium". + + + + +XXIII + +LANGIT NA MAALIWALAS + + +Pagkatapos n~g karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay Elsa +upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan. Ang malaong +pinan~gapan~garap niyang pagtatagumpay sa puso n~g makatang nihag na +buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa +harap niya n~g m~ga huling pangyayari. + +Inniibig niya si Tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. +¡Narito ang tamis, ban~go, liwanag, luwalhati at buhay n~g magandang +si Elsa! Ito ang kanyang kahapon, n~gayon at bukas; ang tanging sanhi +n~g kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa n~g malawig sa mundong +ito.... + +Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni +Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw +ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa +makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang +katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang +tagapagalaga n~g halamang iyan. Dinadalaw niya orasoras ang kanyang +bakuran, dinidilig ang pananim, ito'y ginagambulan sa puno, hinihimas +sa dahon, hinahagkan sa talulot.... + +At sa ikalulusog n~g halamang, sinabi, pagtaastaas na n~g sikat n~g +araw ay nagugunita na agad n~g mestisa ang paglusong sa dagat na +kasama n~g kanyang m~ga piling kaibiga't kakilala. Si Tirso ay malimit +na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang dagat, at sa +kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa n~g kaligayahan +sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa +mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g mayamang simoy. + +Kung linggo n~g hapon, si Elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa +Luneta, at doon, kaabay n~g makata n~g kanyang m~ga pa~ngarap, ay +nagyayao't dito sa lahat n~g dako, samantalang ninanamnam n~g kanyang +kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin n~g banda n~g Konstabularia na +nagiging marapat sa dilang paghan~ga. Naroong magpabalikbalik sila sa +pabilog at pasalasalabat na m~ga landas, magtigil at magmasidmasid +sandali sa harap n~g hugis pisóng bantayog ni Rizal, saka mauupo sa +alinmang likmuang mawalan n~g tao. Naroong sila'y dumako sa may +dinudunghal n~g "Manila Hotel", at mula sa ibabaw n~g m~ga +naglalakihang bato't talampas na saganangsagana sa pook na yao'y boong +lugod na pinanonood ang tila naguunahang salpok n~g alon sa lahat n~g +pagilid, saka ang kaakitakit na kulay n~g langit sa dakong Kanluran sa +m~ga sandali n~g pagsibsib n~g araw sa likod n~g m~ga bundok na +natatanaw sa kabila n~g dagat. Kung minsan nama'y siya nilang +tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang Pasay, at doo'y +malinit silang nagtitila m~ga ibong namamayagpag n~g boong lugod at +panabay na umaawit n~g isang pagiirugang walang pagkupas.... + +Sa "Jardin Botánico" ay madalas din namang sila ay nagpapalipas n~g +mahahabang sandaling puspos n~g tamis at kaluwalhatian. Sa ibabaw n~g +damuhan at sa lilim n~g malalabay na punongkahoy na nagbibigay n~g +kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'y +naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga puso nilang kalong n~g +ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan n~g wagas na tibukin ... At +kung mapagod na sa panonood n~g hayop na walang kasingamo sa loob n~g +kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung +man~galay na ang m~ga mata't magsipamitig ang m~ga litid sa +pagmamasid sa pagsasalimbayan n~g sarisaring ibong may iba't ibang +kulay, sa paghahabulan n~g m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa +paguumakyat-manaog sa m~ga nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong +mukhang taong pan~git, sa kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g +sawa, sa paninin~gasing n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung +sila ay manghinawa na n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila +lilisanin ang pook na yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang +labis na makabuo n~g isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang +pagsisintahan.... + +Ang m~ga tula n~g makata ay bihirang hindi naglalarawan n~g alinman sa +m~ga pook na yaong pinagtatamasahan n~g aliw n~g kanilang kaluluwa. +Bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali n~g kanilang +pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. At walang bigong talatang di +nagpapagunita sa mestisa n~g nagtatamisang pangyayaring nangyari sa +mabiyayang panahon n~g kanilang suyuan.... + +Si Elsa't si Tirso ay dalawang kinapal n~gang sa kabila n~g maraming +araw na di pagkakatugunan n~g m~ga damdamin ay magkayapos din ang m~ga +palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang lahat ay tamis, +layaw at pagibig.... + +Ang lan~git na namamalas ni Elsa ay sagana sa silahis na kaakitakit, +at ang papawiri'y naghahandog sa diwa niya n~g matatamis na guniguni. +Ibig niyang lumipad, pumaimbuyog sa kalawakang walang wakas, at sa +kabila n~g busilak n~g alapaap ay kanyang ipagdiwang sa apat na +panulukan n~g Katalagahan ang pananagumpay n~g kanyang m~ga adhika sa +puso n~g makatang tanging aliw n~g kanyang kaluluwa. + +At si Tirso, ang makatang tuwina'y may salamisim sa diwa, may gayuma +sa mata, may pulot sa labi't may lambing sa bawa't kilos, ay +natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling n~g mestisa. Ibig ding +lumipad magsaibong sasalun~ga sa hihip n~g han~gin upang maawitang +parati n~g kanyang pagibig, masuob n~g kamanyang n~g paghan~ga't +masabugan n~g bulaklak n~g papuri ang karilagang tan~gingtan~gi n~g +kanyang liyag.... + +Lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil sa +kanyang m~ga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa m~ga pakpak niya at +siyang hindi ika-panibulos n~g kanyang m~ga lakad. Si Elsa ay malayang +singlaya n~g hangin na maaari n~gang makasunod sa bawa't pithaya n~g +pusong sumisintang wagas. Datapwa't siya, si Tirso, ay may tanikala sa +boong katawan, na ang pagkakagapos ay may mahigpit na buhol na di niya +kayang kalagin. + +At ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya upang +makapakiagapay sa kataasan n~g lipad n~g m~ga pangarap n~g mestisa, ay +dili iba't ang sumpang binitiwan niya't nilagdaan n~g kanyang kamay sa +harap n~g hukuman sa Sampiro. + +Ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang +kanyang puso'y inaapawan n~g di masayod na pagibig sa ibang alindog: +kay Teang. At hindi sukat ang masabing ipinagbili n~g babaeng ito sa +mababang tawad ang karan~galan n~g kanyang pagkababae, sakaling +magkaganito man upang mapawian n~g bisa ang naturang sumpa. +Mangyayaring ang hindi pagsipot n~g sulat na ipinangako n~g boong +higpit ni Teang ay magkaroon n~g kahulugang ang babaeng iya'y +nagtaksil na n~ga at kusang lumimot kay Tirso; n~guni't gayon man, sa +harap n~g Batas n~g katuwiran at sa ilalim n~g Katuwiran n~g batas, +ang lalaking ito ay walang kakarakarapatang "bumawi n~g pan~gulugi" sa +kandun~gan n~g sinomang linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na +niyang minsan. Mangyayaring magkatotoo na si Teang ay isang hamak na +manyikang tumatawa't pumipikit sa kamay n~g isang mapaglarong pari, +gaya n~g balita ni Martinez; subali't hindi mangyayaring si Tirsong +napalun~gi sa babaeng iya'y maluwag nang makahahanap n~g panibagong +kapalaran sa sinapupunan n~g ibang langit. Mangyayaring maibunto kay +Teang ang tanang kasamaang magagawa n~g isang babae; datapwa't hindi +dahil diya'y kalapating malaya na si Tirso na makapamamayagpag na +lilipat sa ibang pugad na ibig niyang patun~guhan.... + +Nariyan ang balakid. Iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang gapos +na ang m~ga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa m~ga lamad +n~g puso ni Tirso, kung kaya't ang kanyang pagsunodsunod sa m~ga bakas +ni Elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa liblib na pitak +n~g kanyang nasasalimuot na isipan.... + +Walang kamalaymalay si Elsa sa lihim na itong sinasarili ni Tirso. +Subali, ang kawalang malay na iya'y hindi naman makaganyak sa +kahinubong bait n~g nabanggit na makata upang magsamantala. + +Kalaban si Tirso n~g lahat n~g uri n~g pagsasamantala sa kahinaa't +pagtitiwala n~g babae. At kung may naipupula sa kanya ang m~ga kapwa +niya lalaki, ay wala nang iba kundi ang kalamigan n~g kanyang loob at +malabis na pitagan sa babae, kasakdalang ito man ang nagbubukas n~g +daang kanyang mapaglalagusan, + +Ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap n~g +mapupusok na pitlag n~g damdamin n~g mestisa, na di na kaila sa +marami, ay hindi mamakailang naging dahil n~g panunudyo't paglibak sa +kanya n~g m~ga kapwa niya lalaki. Sinasabing ang kanyang pag kamakata +ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang pagkalalaki ay +madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang pagpapakadun~gong +lagi sa harap n~g babae. Madla n~ga ang nagpapalagay na ang +pagkalalaki n~g isang paris ni Tirso ay dapat kilatisin ang uri sa +kasanayang magsamantala sa masisimbuyong silakbo n~g damdaming +katutubo sa babae, at ang alinmang pagpapalampas n~g m~ga pagkakataong +nasa naaabot n~g kamay ay itinuturing na isang kadun~guang nararapat +sa dilang paglait. + +Datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni Tirso n~g +alinsunod sa kanyang kabaligtaran. Alalaong baga: iyang kakutyaang +ipinalalagay n~g tanang may laos na ugali, ay siyang sa ganang sa +makatang sinabi'y karan~galang nararapat ipagmalaki. Ang pagpipitagan +tuwina sa talosaling na kalagayan n~g babae ay isang kapurihang banal +n~g m~ga lalaki. At ang kadakilaan n~g isang lalaki ay dapat kilalanin +sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso n~g kababaang asal. +Ang babae, bagama't mataginting na tulad sa kristal, ay isang +babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat n~g kapariwaraan; +samantalang ang lalaki'y bakal na mistulang kalarawan n~g tibay na +sapat naman sa dilang kabayanihan. N~guni't para kay Tirso Silveira, +hindi sapagka't bakal ito at kristal iyon ay kabayanihan na nitong +huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw n~g kahinaan, karupuka't +pabiglabiglang tibok n~g puso n~g una. Ang babae ay isang bulaklak na +may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g +lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang +bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal +na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay +ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa +kagasuhan n~g lalaki. Ang babae ay bahagi n~g Katauhan, isang +kailan~gang kapag nawala, ay wala na rin ang buhay. + +Dito nasasalig ang paniniwala at m~ga kurokuro ni Tirso tungkol sa +kadakilaan n~g babae. Siyang tuntuning sinasagisag niya sa ibabaw n~g +mababang ugali n~g ibang lalaking gising sa kamaliang dulot n~g mundo. + +Kaya, nang panahong si Teang ang tampulan n~g kanyang dilang pan~garap +at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa kanya'y ni Elsa ay +han~gin lamang na nagdaraan sa papawirin kanyang pagpapakundan~gan. + +Datapwa't.... + +Kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. Walang nagmalikot na +maglaro nito na hindi napaso. At ang babae, sa ibabaw n~g lahat, ay +apoy na may malagablab na nin~gas: laging nagaalimpuyo, nagn~gan~galit +at nahahandang dumarang o tumupok sa sinomang sa kanya'y magpain n~g +buhay.... + +At si Tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si Elsa, ay +nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, +hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at +pan~galan n~g babaeng una niyang nakilala sa sintahan ... ¡Makailang +ang Tukso n~g Kamunduha'y nagtirik n~g kanyang bandila sa ibabaw n~g +maran~gal na Budhi! + +Sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan n~g hindi +pagsangayon ni Tirso sa mungkahing sila'y lumagay na sa panatag, ay +siyang hindi nahulaan n~g matalinong si Elsa. + +Mangyari'y tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad nang +tatawagan n~g makata ang alaala n~g mestisa tungkol sa kinakailan~gang +pagpapakahinahon n~g sinomang gaya nila na tumutuntong sa gayong +baytang n~g kabuhayan. Sa mahabang lakbayin, ani Tirso, ay hindi +nababagay ang pusok n~g loob at pagsusumugod n~g lakad; kinakailan~gan +ang tiyaga, ang pagiin~gat at tulong n~g panahon. At ang pagaasawa ay +iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahan~gos +at walang tuos na pagtakbo. Saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bun~ga +n~g halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang +amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'y may marikit nang kulay na sapat +ipaglaway n~g sinomang pihikang makamamalas. Malinamnam at nakabubusog +kung suko sa gulang, dapwa't mapait na walang kasingpait at lasong +nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay. Tubig din namang sakdal +lamig at kusang napaiinom ang pagaasawa, kapag ang binata at dalagang +tutungga sa saro ay hindi gagamit n~g pagpapakalabis; n~guni't alak +na nakalalasing, apdo't sukang nakaduduwal kapag namarusa sa sinomang +kayamua't walang tuto sa paglagok.... + +Hindi natatalos ni Elsang sa napagdanasan n~g sarili hinahan~go ni +Tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang +iminumungkahi. Di niya nalalamang nang matutuhan n~g makata ang +ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang +babaeng nawala at sukat matapos na siya'y pahan~gahan~gain sa angking +alindog. At malayong pagsalagimsiman ang makata n~g kahi't anong di +mabuting hinala, kung pinananayn~gahan n~g mestisa ang nan~gabanggit +na parirala n~g kanyang talisuyo, ay ipinalalagay pang siya'y +nakaririnig n~g tinig n~g anghel na tumatawag sa kanya't nan~gan~garal +n~g kabanalan. + +Sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam n~g mestisa ang nangyaring +pagkapagsalita sa kanya n~g kanyang kapatid dahil kay Tirso, at +kahima't naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot n~g sugat na ito, +huwag na hindi magbitiw n~g kahi't anong payo ang makatang hantun~gan +n~g kanyang dilang paghan~ga, ay napipipi siya't nagsasawalang imik na +lamang at sukat. Bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti +ang pagunita ni Tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon +sa pagkadalaga. Ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging +katalamitam n~g layaw at kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, +ibigin ma't hindi ay pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay +at nalalanta sa tin~gin n~g balana. Nasain mang manatili sa +pagkakatampok sa alaala at pagpapahalaga n~g Kapisanan, ang Kapisanan +ay siya nang kusang lumilimot sa kanya't ang n~galan niya ay +itinuturing na lamang na isang bituing untiunting nawawala sa +masayang lan~git. + +At si Elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa kasayahan. Sa +gitna n~g kasayahan nakilala niya ang makatang nagpatibok n~g tunay na +pagibig sa kanyang murang puso't nihag n~g kanyang tanang paghan~ga; +nagaalaala siyang kung siya'y lumayo sa kasayahang iyan ay baka lumayo +na rin naman ang kapalarang hinihintay niya sa pagtatan~gi n~g +naturang makata. + +Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya +n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang +bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na +ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa +luwalhati.... + + + + +XXIV + +ISANG SAKUNA + + +N~gunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo n~g m~ga araw na +sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa isipan ni Elsa +ang nino n~g alinlan~gang nababanghay sa m~ga tanong na itong iniuukol +niya sa kanyang sarili: + +--¿Ano kaya ang tunay na niloloob ni Tirso sa ganito kong katayuan? +¿Bakit kaya't hindi na siya nagbabalak na ako'y ilagay sa kapanatagan, +kung aking inuuntag sa kanya ang bagay na ito'y nililibang pa ako sa +kung anoanong matatamis na pan~gun~gusap at maririkit na halimbawa? +¿Habang panahon kaya'y ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan +ko? Kahapo't kamakalawa, ang hindi pa pagkatapos n~g kanyang pagaaral +ay isa sa m~ga mahigpit na idinadahilan, n~guni't ngayong siya'y +maluwalhati nang nakaraos ay ang pagsusulit naman sa _corte suprema_ +ang iginigiit ... ¡Kung ako man lamang sana'y nahalataan na niya n~g +pagkamasilawin sa _título!_ ¡Kung sa akin sana'y hindi pa sapat ang +kanyang pagkamakata! ¿Iniimbot kaya niyang pagdayaan o linlan~gin +ako?... + +At, si Elsa ay may labis na katuwirang mabalisa sa bahagyang kilos ni +Tirsong kinasisinagan n~g panglilinlang o pagbabagong loob. Kung nang +m~ga araw na kay Teang nabubuhos ang pagibig n~g makata ay kinamalasan +siya n~g m~ga kilos na di maaakalang magawa n~g karaniwang babaeng +silang sa bayang ito, n~gayong ang pagibig na iya'y sa kanya na +nagtatamo n~g tamis at kaluwalhatian, higit doon ay lalo nang sukat +siyang makapagisip at makapagsagawa n~g m~ga bagay na natutun~god sa +ikapapanuto n~g kanyang katiwasayan. + +Ang m~ga, araw na lumipas ay naging mapapalad na saksi n~g +pagkakalagak sa sinapupunan n~g mestisang iyan n~g isang tatak na di +makakatkat kundi n~g kamatayan lamang. Sa matabang linang n~g kanyang +pusong nabababad sa tubig n~g paggiliw, n~g paggiliw na dalisay at +marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang n~g kahilihiling +pagsusuyuan nila n~g makata; isang binhing palibhasa'y laging +nadidilig n~g hamog n~g mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at +balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong +pamimisagak na umaan~gat sa lupang kinahasikan.... + +Ang halamang iyon, pagsapit n~g takdang araw, ibigin ma't hindi ni +Elsa ay siyang magwawasiwas sa apat na panulukan n~g Katalagahan n~g +balitang nagkaroon n~g ani ang pagiibigan nila ni Tirso, n~guni't siya +rin namang lilikha n~g maitim na aninong ipanghihilakbot n~g babae sa +harap n~g balana, kapag ang makatang nagkalaya sa loob n~g kanyang +bakuran ay di natutong magpahalaga sa tinurang halaman. + +Maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni Elsa tungkol sa hinaharap +n~g kanyang palad. Ang pagasang matututuhan din malao't madali ni +Tirso ang pagliligtas sa kanya sa kahihiyaang kinauuman~gan dahil sa +nararamdamang walang untol na pagunlad n~g halamang sinabi, kung sa +bagay ay di pa naman nawawala sa kanya, n~guni't gayon ma'y +nakararating ang kanyang dilidili hanggang doon sa nararapat niyang +gawin kung sakali't maging iba kaysa inaasahan niya ang mangyari. + +Natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa m~ga botika +ay napansin daw ang pagkamabili n~g gamot na ipinanunugpo sa pagdami +n~g katauhan. At hindi napaglabanan ni Elsa ang pagtatanong sa alaala +niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya n~g bagay na +iyon, sakaling kailan~ganin. Naisip din namang idaing sa kapatid at +hipag ang isang maselang karamdamang kunwa'y nararamdaman niyang +tumutubo sa loob n~g katawan, at sa bisa n~g dahilang ito ay papasok +siya sa isang pagamutan at pabubusbos sa sinomang bihasang manggagamot +na babayaran n~g maraming salapi, upang sa gayo'y magapas sa puno ang +halamang ipinan~gan~ganib niya sa malaki't di masayod na kahihiyaan. + +Subali't sa harap n~g mababan~gis na panukalang ito ay +nagsisipanghumindig ang m~ga balahibo ni Elsa. Anhin man niyang +tayahi'y kasalanang humihin~gi n~g kabigatbigatang parusa ang +pagsasagawa n~g tinurang panukala. At siya ay hindi pa naman +nalalabuang gaano upang lumusong sa ban~gin n~g ganyang kabuktutang +gawa. + +Gayon man, ang pagkamapagpasumala niya't katutubong lakas n~g loob ay +siyang nakayari n~g isang mabisang kaparaanang ikahuhuli niya sa +nagiilap manding loob n~g makata. + + * * * * * + +Hapon noon n~g araw n~g mierkoles, ika-27 n~g Septiembre, araw na +natatakdang idarating n~g mabunying sugo n~g bayan na galing sa lupain +n~g mabituing watawat. + +Hindi kaila kina Tirso't Elsa ang pagdating na yaong pinaggagayakan +n~g marin~gal at karapatdapat na pagsalubong n~g boong bayang galak na +galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay sa _Bill Jones_. At sila +ay nagkaisang manood n~g gagawing m~ga pagdiriwang. N~guni't sa +dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang +kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na +raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay +malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay +napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine +"Ideal" samantalang maagaaga pa. + +At nasa m~ga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood n~g +gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili n~g dalaga ang kanyang +gagawing pakana upang mabihis ang m~ga pagaalinglan~gan niya. + +--Tirso,--ani Elsa sa pabulong na turing, kasabay ang pagkukubli n~g +bibig sa likod n~g kanyang pamaypay,--¿hindi ba maganda ang +pelikulang ito? + +--Oo n~ga, Elsa,--ang magiliw na sambot n~g makata na humilig pa +mandin n~g kaunti sa dakong kinalilikmuan n~g kanyang kaagapay,--at +tan~gi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa m~ga nanonood. M~ga ganyang +palabas ang talagang nasasarapan ko. + +--¿Iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga't hindi natatapos? + +--Kung ibig mo'y dito na natin antabayanan ang paghihip n~g sipul n~g +yelo, at kung malapit nang aahon si Quezon ay saka na tayo lumabas. + +--Mabuti n~ga yata. Bakit ay masama pa, ang lagay n~g panahon: ang +ula'y tila papalakas pa. + +At ang dalawa ay nagpako n~g nawiwiling m~ga mata sa iba't ibang +pangyayaring nakapagpapakaba n~g loob na ipinakikita n~g palabas na +iyon. + +Hindi natataho ni Tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa n~g kanyang +magandang liyag. Di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni Elsa ay +gabihin sila sa loob n~g sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon +n~g mabuting panahon ang pagsasagawa n~g balak niyang taglay-taglay sa +isip. + +At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam na +sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan sapagka't +tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na +gawin. + +At ang kasiyahang iyan ay nalangkapan pa n~g di kakaunting lugod, nang +marinig niya ang ganitong winika n~g makata: + +--Elsa, ¿maaari bang turan mo sa akin kung saan pa ang ibig mong +magtun~go tayo pagkatapos n~g ating panonood n~g m~ga paran~gal kay +Quezon? + +--¿At hindi pa ba tayo magpapauwi n~g bahay?--pahimbabaw na itinanong +n~g mestisa. + +--Kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'y may ibang patutun~guhan +...--pan~giting pakli n~g lalaki. + +--¿Saan?--maagamagam na tanong n~g dalaga. + +--Susundan ko ang langkay n~g naggagandahang m~ga _centro escolarina_ +na makikilahok sa m~ga pagdiriwang n~gayong hapon ...--ang pabirong +sagot ni Tirso. + +--¿At ano? + +--At kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay ... hindi na +ako hihiwalay. + +--Kung gayo'y makasusulong ka na n~gayon pa; at ... tataglayin mo ang +aking maligayang bati. + +--¿At ikaw? + +--Maiiwan na ako rito. + +--Baka mayroon kang katipanan.... + +--¡Mayroon n~ga! + +--¿Sino? + +--Hindi kailan~gang makilala mo. + +Nagalaala si Tirsong baka "magpinid n~g tindahan" sa di oras ang +kanyang irog. Kaya't ang sinabi sa malamyos na pamimigkas: + +--Elsa, ¿hindi mo ba nahuhulaang sa m~ga taga "Centro Escolar" ay wala +akong mapipiling isa mang maganda? + +--Mangyari'y wala na roon si Teang.... + +--Namamali ka; mangyari ay ... wala nang iba pang babaeng may ganda't +alindog na gaya n~g mestisang nasa piling ko.... + +--¡Sinun~galing! + +--Siyang tunay, Elsa.... + +--Maano Tirsong magtahan ka niyang m~ga kaululan mo. + +--Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: ¿maganda, +ano? + +--¡Iyan ang talagang maganda! + +--_Pues_ maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka +nagtatampo sa akin.... + +--¡Pshe! + +Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong mahahabang +huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong Kamaynilaan. + +--Nasa Corregidor na,--ang parang wala sa loob na nasabi ni Tirso. + +--Lumabas ka na't baka maiwan ka n~g m~ga _escolarina_ mo,--- +paaglahing wika ni Elsa. + +--¡Talagang mabuti kang manunukso, hane!--pan~giting salo n~g makata. + +--Ako'y hindi nanunukso,--ang tanggi n~g mestisa,--ipinagugunita ko +lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang. + +--¡Anhin ko ba kung maurong man! ¡Huwag lamang bang malayo ako sa +piling n~g aking pinakatatan~ging mutya, eh...! + +Sumunod sa salitang ito n~g lalaki ang isang kilusang kamuntik nang +ipaghinala n~g kahi't ano n~g m~ga taong kalapit nila sa upuan. +Salamat at ang katimpian ni Tirso'y siya ring nakapangyari. + +--"Magtanim ka n~g magtanim, nang marami kang anihin" ...--pabantang +saad n~g mestisa. + +--¡Bah! Ang "halaman" ko ay nakatanim na ...--masiglang sunggab n~g +makata. + +--¡Buwisit! ¡Makikita mo, paglabas natin!--ang mahina pang salo ni +Elsa na di nalalaman ni Tirsong kahi't biro ay may kalakip na +katotohanan. + +--¿Makita ko? ¿At ipakikita mo ba? Kung gayon ay tayna. + +--¡Magtahan ka na n~ga! Hindi ko na tuloy maunawaan itong pinanonood +natin.... + +Pagkasabi nito'y ipinahiwatig na ni Elsa ang unang bahagi n~g kanyang +salamangka: pasadlak na isinandig ang katawan sa sandalan n~g kanyang +likmuan, biglang tinutop n~g isang palad ang dibdib na tapat n~g puso, +saka nagbuntonghinin~ga n~g malalim. At ang lahat n~g ito ay ginawa +sa paraang sukat mapansin n~g kaagapay na makata. At napansin n~ga. + +--¿Bakit, Elsa? ¿Napapaano ka? ¿May sakit ka ba?--ang gulilat na m~ga +tanong n~g lalaki. + +Hindi kumibo ang babae. + +--Baka mabuti'y lumabas na tayo.... + +Ipinikit pa ni Elsa ang kanyang m~ga mata at hindi rin kumibo. Lalo +nang nabakla ang loob n~g makata. Makasandali'y saka idinaing: + +--Lumilibat ang aking _puntada_ ... Nagsisikip ang paghin~ga ko.... + +--Tayna n~ga kaya lumabas, Elsa,--maalapaap na amuki n~g lalaki. + +--N~guni't walang anoman, Tirso: hindi ako maaano ...--pabalatkayong +bawi n~g dalaga.--Maminsanminsan ay talagang sumusumpong sa akin ang +ganitong sakit ... Ibig kong tapusin nating sandali ang pelikulang +iyan bago tayo umalis. + +--¿Sa palagay mo kaya'y maaari ka pang makapanood n~g pagahon ni +Quezon? + +--Oo.... + +--Baka makasama sa iyo. + +--Hindi.... + +At natiwasay ang kalooban ni Tirso. + +Datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, ay +hindi rin umaan~gat sa upo ang mestisa. Sa gayo'y parang nakaino ang +makata. + +--¿Hindi pa kaya dumarating si Quezon sa m~ga sandaling +ito?--malumanay na itinanong. + +--Marahil ay malapit na,--ang naging tugong tila wala sa loob ni Elsa, +pagkaraan n~g saglit na di paghuma. + +--¿Ano, di pa po ba tayo lalabas? + +--Tayna. + + * * * * * + +Nang lisanin n~g dalawa ang sine "Ideal" ay laganap na ang dilim sa +lahat n~g dako. Ang m~ga ilaw sa daang Carriedo at sa liwasang Goiti +ay nan~gakasindi na't siyang tumatanglaw sa makapal na taong +sumasagasa sa kasamaan n~g panahon na pawang patun~go sa pook na +natatakdang lulunsaran n~g dakilang sugo n~g bayan: sa "Magallanes +Landing". + +Si Elsa ay mahinay na lumalakad n~g ang kanyang isang palad ay +mahigpit na nakakapit sa bisig ni Tirso. N~guni't kung nang gabing +iyo'y naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha +n~g mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang n~g kanyang +dibdib. + +Nang dumating sila sa liwasang Lawton ay natanawan na nilang idinaraos +na kasalukuyan ang _inauguracion_ n~g "Quezon Gate". + +--¡Huli na yata tayo!--mahinayang na saad ni Tirso. + +--¡At dumating na pala!--ani Elsa naman. + +M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa n~g +matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming +banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g daang Padre +Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g "Intendencia" +hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di mabilang na +kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang m~ga +kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias Nacionales" at "Guerrilleros +Filipinos" na nakatalatag sa pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, +kalesa, kalesin, at iba't ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g +lansan~gan; ang malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro +Escolar" na nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga +sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga +namalas n~g humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g +pook na yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang +nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla +alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may +ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan. + +Subali't ¿bakit kaya baga't parang hindi pansin ni Elsa at waring +hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan? + +Inakala ni Tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa kanyang +magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'y nasa sine. +Kaya't inalok na magpauwi na. + +N~guni't noon di'y nanigas na lamang n~g walang kaabogabog at +napahandusay sa m~ga bisig n~g makata, ang sariwang katawan n~g +mestisang yaon na sinusundan n~g nahihilam na m~ga mata n~g di +kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang Lawton. + +--¿Bakit po? + +--¿Napapaano po ang inyong asawa? + +--¡Hinihimatay! + +--¡Paypayan natin! + +--¡Wiligan n~g tubig sa mukha! + +--Ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang inyong +senyora. + +--¡_Ambulancia_! + +Samantalang paganyan ang m~ga sambitlaing nagpapalipatlipat sa bibig +n~g maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni Elsa, si Tirso +naman, na ipinalalagay n~g balanang nakamalas sa anyo n~g dalawa na +asawa n~g mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat gawin. + +--Elsa ... Elsa.... + +At ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa +pagkakahilig sa balikat niya. + +Siyang pagharap n~g isang kutserong dukha n~guni't dapat uliranin n~g +m~ga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang kanyang kalesang +nakatigil sa isang panig n~g liwasan. + +--Mama,--anya kay Tirso sa magiliw na pan~gun~gnusap--inabot po yata +n~g sakuna ang inyong asawa, naririto po ang aking kalesa at ating +magagamit n~gayon din para sa ospital. + +--Kailan~gan n~ga pong makarating sa ospital ang inyong +asawa,--ipinayo naman n~g maraming nagkakalipumpon sa dalawa. + +--Sumakay na kayo. + +At ang gayong munti n~guni't dakilang handog ay boong pusong +sinangayunan n~g nasisindak na makata. + +Ang matigas na katawan n~g mestisa ay boong higpit n~guni't main~gat +na niyapos ni Tirso sa nakikita n~g madla, saka pinagdahang isinakay +sa kalesang inihandog na kusa n~g naban~ggit na kutsero. + +Buongbuo sa isipan ni Elsa na di na siya hihiwalay kay Tirso nang +gabing iyon. Inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni Tirso sa harap +n~g madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'y magasawa, +ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong-sulong n~g makatang +ito tungkol sa ninanasang mangyari n~g mestisa. + +N~guni't sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa +niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin. +Sa likod n~g nakatabing na tarapal, at habang patuloy na tumatakbo ang +kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni Elsang maminsanminsang +bumubulong sa kanyang m~ga pisn~gi ang namumuyong m~ga labi ni Tirso, +kasabay n~g magiliw na pagtawag sa kanyang pan~galan na kinalalarawan +n~g sindak at pagmamahal. At ang gayong pagkakalaya na naman ni Tirso, +sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang nagpapatibay sa kanyang +tinitikang gawin noon. + +Subali't ... si Elsa ay nalilito. Hindi niya maubos isipin kung +marapat o hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na siya +n~g mata't makipagharap kay Tirso upang sabihin n~g tahasan ang tunay +niyang ibig na mangyari. Kung, mapagtalastas naman ni Tirso ang +kanyang ginawa'y ¿hindi kaya, mabagot sa kanya? ¿Hindi kaya ikamuhi +ang gayon niyang pangliliho, sa halip na siya'y lin~gapi't pakiayunan? +¿At ano ang wiwikain n~g kutsero kung makilala ang kanyang salamangka? + +Tila isang malaking _escandalo_ na magbubun~ga n~g maalin~gasn~gas na +salitaan sa lahat n~g dako ang ginawa niyang iyon, kapag nahiwatigan +n~g kutsero. + +Saka, ¿sino ang makapagsasabi kung sa pulutong n~g di kakaunting taong +nakasaksi sa ginawa niyang pagpapatibuwal sa m~ga bisig n~g makata ay +walang sinomang nakakikilala sa kanya? + +Nasa ganitong m~ga pagninilaynilay ang may katutubong lakas n~g loob +na mestisa nang walang anoano'y ang kalesang kanilang sinasakya'y +biglang nahagip n~g dumaragunot na _ambulancia_ n~g "Hospital General" +na nanggagaling sa Intramuros na tumatawid sa Padre Burgos at +patun~gong Avenida Taft. Ang kalakasan n~g pagkakabangga ay gayon na +lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa't napahagis sa lupa +ang kanyang m~ga lulan. Ang _ambulancia_ nama'y nakalayo pa muna n~g +may m~ga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid n~g +lansan~gan. + +Sa harap n~g gayon di hinihintay na kasakunaa'y ¿sino ang makahuhula +sa napagsapit na palad nina Tirso at Elsa? + +¿Patay? + +¿Buhay? + +Maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot upang +siyasatin ang m~ga nasawi. At di pa gaanong nalalapit sa pook na +kinaroroonan n~g m~ga labi n~g nadurog na kalesa't n~g m~ga napahamak +na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na daing n~g tinig +n~g babae. + +--¡Naku, Tirso ko! ¡Tirso...! ¡Tirso kooo...! + +At noon di'y napatambad sa m~ga mata n~g manggagamot ang isang +nakahahambal na anyo n~g m~ga nasawi sa banggaang iyon: isang kalesang +nagkadurogdurog sa dako roon, nakalugmok na kabayo sa gawi rito, at sa +hinaharap niya'y isang lalaki ang nakapalun~gayn~gay at naliligo sa +sariling dugo na hinahaplos sa mukha n~g isang babaeng tumatan~gis at +tawag n~g tawag sa n~galan n~g lalaki, samantalang ang kutsero'y +parang napaghimalaang hindi man lamang nagkagalos sa katawan gayong +napahagis sa malayo. + +¿Patay n~ga kaya ang lalaking pinananan~gisan? + +Kailan~gang siyasatin agad n~g manggagamot. + +At nakitang may sugat sa ulo at walang malay tao. + +Sa gayo'y madaling tinawag ang dalawang tao n~g _ambulancia_, saka +sinabi sa mestisa: + +--Ang sugat n~g inyong asawa ay may kalubhaan po: kinakailan~gang +malapatan n~g lunas sa lalong maikling panahon. ¿Itinutulot baga +ninyong isakay sa _ambulancia_? + +--¡Para na n~ga ninyong awa, doktor! ...--pasamong tugon n~g babae na +di man tumutol sa pagkasabing "asawa" niya ang lalaking may +sugat.--¡Sasama po ako...!--ang dugtong pa. + +--¿Kayo po ba'y nagtamo rin n~g m~ga kapinsalaan? + +--Tila po hindi; n~guni't ang tanang inyong magagawa ay lubos na sana +sa pagliligtas sa buhay n~g ... asawa ko. + +--Opo; ako ang bahala. + +--¿Maliligtas po kaya? + +--Tingnan natin ... Tayna. + +Sa isang hudyat na ibinigay n~g manggagamot, ay binuhat pagdaka n~g +dalawang lalaki ang katawan ni Tirsong pigta sa dugo at malambot na +tila sutla. At noon di'y dinala sa _ambulancia_ na inaagapayanan ni +Elsa at n~g manggagamot. + +Pagkalulan ni Elsa sa tinurang sasakyan ay namalas niya sa loob niyon +ang isang babaeng nakakubli ang mukha na nakahigang unat na unat at +di kumikilos. Napaghahalatang gaya ni Tirso ay wala ring malay-tao. + +--¿Sino kaya ang babaeng ito?--ang di sasalang naitanong n~g mestisa +sa loob man lamang niyang sarili.--¿At napapano kaya? + +Nang m~ga sandaling iyo'y saka lamang may lumapit na isang pulis na +tila sa malayo pa nanggaling. + +--¿Bakit at ano ang nangyari?--ang tanong na tila ibig pang +magmagaling. + +--Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman,--madaling ipinakli n~g +manggagamot. + +Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat n~g +manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na +nahihinggil sa _ambulanciang_ nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: + +--Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di makapagtatagal +pa. Ang kalubhaan n~g lagay n~g m~ga nasawi ay nan~gan~gailan~gang +malunasan kaagad. + +At ang pulis ay nagkasiya na sa paguukol n~g ilang tanong sa kutsero, +samantalang ang _ambulancia_ ay humaginit na n~g takbong patun~go sa +"Hospital General". + +Pagkaraan n~g ilang saglit pa, ay napatala sa aklat n~g pagamutang +iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa pagkabugbog, at m~ga +sugat n~g katawan, ay si Tirso Silveira na asawa n~g isang +nagn~gan~galang Elsa Balboa ni Silveira. + +N~guni, ¿sino kaya naman ang babaeng may karamdamang nakaangkas sa +_ambulancia_?... + + + + +XXV + +KAKAIBANG PAGAASAWA + + +Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang nang +magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa pagamutang +pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang +nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang gabi. + +Gayon ma'y patuloy rin kay Elsa ang kanyang balak; sa bahay n~g +kanyang tia Basilia sa San Lazaro patutun~go upang doon, manggising +man, ay wala siyang sukat ipan~gilag at masasabi na niyang siya'y +hindi muna makauuwi sa Pasay pagka't nagtanan na sila n~g kanyang +kairugang lalaki. + +--Ako'y hindi mangyayaring makagalitan n~g aking tia Basilia,--ang +kanyang pinagpaparoonan sa gagawin,--kahi't ano ang aking gawi'y +maipagpaparaya niya't ipagtatanggol pa ako sa harap n~g aking kapatid +na walang salang magagalit sa akin. + +At habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit +namang sinasabi sa sarili ang ganito: + +--Paggaling ni Tirso, na sapilitang mangyayari n~g hindi bibilang n~g +maraming araw, yamang pinatutunayan n~g medikong hindi naman +kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang +aming pagkakasal. At pagkatapos n~g lahat, taas na naman ang noo kong +haharap sa kanila at ipakikilala ang aking nakaisang palad. Kung +gayo'y ¿ano pa ang kanilang masasabi? N~guni't upang huwag magkaroon +n~g daang mapulaan ako't masisi n~g sinomang makatatalos n~g bagay na +ito, kinakailan~gan papaniwalain ko siyang kasal na kami ni Tirso +n~gayon pa. + +Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang +pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g +pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi. + +At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan +sa kamay, tanda n~g paggalang. + +N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: + +--¿Elsa, bakit? + +--Dito ako matutulog n~gayon, tia,--ang marahan n~guni't may lambing +na sagot n~g mestisa. + +--¿Saan ka nanggaling?--ang siyasat pa ni donya Basilia. + +--Wala po ...--tan~ging naipulas sa bibig ni Elsa. + +--¿Walang ano? ¿At sino ang iyong kasama? + +--Wala n~ga po.... + +--¡Ang batang ito! ¡Huwag mo akong patayin sa pagaalaala! + +--¡Si tia!--at n~gumiti pa si Elsa sa pagbigkas n~g m~ga salitang +ito.--¡Wala po kayong sukat ipagalaala sa pagkaparito kong ito! + +--¡Wala raw! Halika n~ga sa loob at dini kita magusap. + +Nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw liban sa +isang munting bughaw na _bombilla_ na taang talaga sa pagtulog. At +pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli na namang +nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan n~g pagkabagong +gising noon. + +--Sabihin mo n~ga, _hija_--anya:--¿bakit ba +hatinggabinghatinghatinggabi'y naparito ka? + +--Ibig ko lamang pong dito muna makatulog.... + +--Ibig mo n~ga, nalalaman ko; n~guni't ¿ano ang bagay n~g pagsusumagi +mo n~g pakikitulog dito? ¿Nakagalitan ka ba n~g kapatid mo, o +nagkaalit kayo ni Dioni? + +--Maging alinman po sa riyan ay walang tama. Ako ay hindi sa amin +nanggaling n~gayon, at.... + +--¿At ano? + +--... ¡Ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, tia! + +--¿Bakit at ano n~ga ang sa iyo'y nangyari? + +--Ako po ay.... + +--Ikaw ay ... ¿ano? + +--Ako po'y ... Tia, ¿hindi ba kayo nagagalit? + +--¡Lokang bata ito!... + +--Ako po ay ... ako po'y ... nagasawa na. + +--¿Nagasawa ka? + +--Opo, tia.... + +--¿Nalalaman n~g kuyang mo? + +--Hindi n~ga po eh.... + +--¿At nagtanan ka? + +--Opo. + +--¿Kanino ka nagasawa? + +--Sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan.... + +--¿Pangalan? + +--Tirso ... + +--¿Apelyido? + +--Silveira po. + +--¡Tirso Silveira! + +Ang matanda ay saglit na nagtun~go n~g tin~gin sa ibaba at nagisip. + +Kaginsaginsa'y itinanong: + +--¿Hindi ba iyan ang masong animo'y kasintahan ni Teang noong araw? + +--¡Tia ...--saka idinukmo ang mukha sa kandun~gan n~g ale, at sa +muling pagan~gat ay idinugtong:--¿Di ba kayo namumuhi sa akin? + +--¿Bakit ako namumuhi?--malumanay na ipinakli n~g matanda na ang +isipa'y nagduduklayduklay sa balabalaki n~g kabataan.--N~guni't +linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na +sinasabi mo? + +--Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. +Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran.... + +Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma. + +Sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi n~g +pagkaalis sa bahay na yaon n~g mabait na dalagang kanyang inaanak sa +binyag. At naalaala ring si Elsa ang may kagagawan n~g gayong +nangyari. ¡Napakamakapangyarihan n~ga naman ang dios n~g pagibig sa +puso n~g kabataan! + +--¿N~gayo'y saan naroon ang asawa mo?--makasandali'y itinanong n~g +matanda. + +--Hindi ko po kasama ...--ang nagaalan~ganing sambot n~g mestisa. + +--¿Saan kayo naghiwalay? + +--Sa ... ospital po. + +--¿Ha? + +--Doon ko n~ga po siya iniwan, sapagka't.... + +--¿Sapagka't ano? + +--Nagkaroon po n~g sugat.... + +--¡Elsa, alangalang sa Dios, ako'y linawin mo! + +--Tia, si Tirso po ay nasa pagamutan n~ga, sapagka't sa di namin +hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya n~g ilang sugat at bugbog sa +katawan.... + +--¿Anong sakuna? ¿Hinabol ba kayo? ¿Nagkaroon ba n~g away o basagulo? + +--Hindi po, n~guni't nang kami ay nakasakay sa isang kalesa ay biglang +nasagasaan n~g isang dumaragunot na _ambulancia_, ang aming +sinasakyan, at noon di'y napahagis lamang kami sa malayo.... + +--¡Susmaryosep! + +Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang +nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa +kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa. + +--¡Dios ko!--ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap. + +--Kumare,--malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.-¿Bakit? + +Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon. + +--Wala, kumare,--nanaginip lamang pala ako. Para ko bang nakitang ang +anak ko'y nilalapitan n~g tatlong lalaking may sun~gay. + +--Panaginip n~ga lamang iyan; matulog na kayong muli. + +Nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni Elsa sa +kanyang ale: + +--¿Sino, tia, ang matandang iyon?--ang bulong. + +--Si kumareng Magda,--paanas na sagot n~g itinanong. + +--¿Si manang Magda? ¿At kailan pa po rito? + +--Kaninang tanghali lamang. + +--¿At kasama rin po ang pari? + +--¡Bah, hindi! Si pari Casio ay wala na sa X ... sa m~ga araw na ito. +Nakainisan daw n~g m~ga tagaroon at pinagusig n~g gayon na lamang +hanggang sa napalipat n~g ibang bayan. + +--¡Hm! ¡May tigas din naman pala ang m~ga taga X ... na di nahuhutok +n~g kapangyarihang simbahan! + +--N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare,--saka lalong hininaan +ang pagsasalita,--Sa katunaya'y ibinigay sa "La Compañia de Jesus" si +Teang sa himok n~g paring iyon bago napaalis sa X.... + +--¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon? + +--Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, itinaon na +lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas dito. + +--¿Ay bakit naman inalis pa sa "Concordia", gayong sa kolehio't +kolehio rin pala ipapasok? + +--Mangyari, ang tika ay magmongha raw. + +--¿Diyata po't magmomongha si Teang? + +--Siyang himok n~g pari na minabuti n~g ina, at kaipala'y sinangayunan +na rin naman n~g may katawan. + +Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya +Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at +ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. + + * * * * * + +Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia Basilia na +huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito ay magising +na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso. Marahil paano't paano ma'y +nan~gun~gunti rin naman siyang maalaman n~g manang na iyon na ang +kanyang nakaisang palad ay dili iba't ang lalaking nan~gibig kay +Teang. + +--Hamo't hindi ako kikibo,--ang ayon ni donya Basilia,--n~guni't sa +malaon at madali ay sapilitang mababalitaan niya ang bagay na iyan; at +kung hindi sa iyo o sa akin unang manggagaling ang pagbabalita sa +kanya, ay lalo na siyang magkakamatuwid na maghinanakit o magpalagay +n~g di mabuti sa nangyari. + +--Kung sa bagay ay katungkulan kong ako n~ga po ang magsabi, subali't +ako ay nahihiya ...--ang pakli ni Elsang bahagyang natatawa. + +--Ang mabuti'y ganito: walang pagsalang yayain kitang dumalaw kay +Teang sa kolehio n~gayong umaga; gawin mo naman, bago ka pumayag, ay +anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa ospital, at kapag +naroon na'y bahala na siyang mapamangha sa kanyang makikita at ikaw +nama'y wala nang gagawin kundi ang sumagot na lamang sa kanyang m~ga +sasabihin. + +Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na +rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g matanda +ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang nakapanun~gaw sa +isang bintanang paharap sa halamanan. + +Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda. + +--¡_Ave Maria Purísima_!--ang pagdaka'y ibinati sa nakapan~galumbabang +mestisa,--¡Narito ka pala, ineng!--ang dugtong pa. + +--Opo, manang,--magalang at pan~giting tugon naman n~g binati, kasabay +n~g pagpihit n~g mukha sa kumausap.--Kayo po, ¿kumusta naman? + +--Mabuti, Elsa, sa awa't tulong n~g Mahal na Birhen,--saka nakipiling +sa kinauupang bangko in Elsa. + +--¿Nakapanood ba kayo n~g m~ga kasayahan kagabi? + +--Oo. ¡Naku, kay damidaming tao! At nabasa pa tuloy kami sa ulan. +N~guni't ... ang kasayahan ay gayon na n~ga lamang; sanggaano mang +sigla, ay natatapos din. + +--Wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na walang +katapusan, eh.... + +--Dahil n~ga riyan, kung kaya ako ay walang laging sinisikhay kundi +yaong m~ga may kapakinaban~gan hanggang sa kabilang buhay. Tingnan mo; +kung kaawaan n~g Dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala +nang napakaligayang buhay na gaya n~g tatamuhin ko marahil.... + +--¡Siya n~ga pala! Si Teang daw ay nasa "La Compañia" para sa ganyang +layon, ¿tunay n~ga po ba? + +--¡Bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tun~guhing iyang ipinakilala +sa akin ni pari Casio! ¡Iyan ang pinakadakilang magagawa n~g isang +magulang na nagmamahal n~g taos sa kanyang anak na babae! + +--N~guni't ang bagay na iya'y naaalinsunod din kaipala sa hilig n~g +may katawan. Marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni +Teang.... + +--¿At ikaw? ¿Ayaw ka bang magmonghang paris niya? + +--Aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag ako'y +napakulong sa _Beaterio_ at nawalay sa m~ga kasayahan.... + +--¡Bata ka pa n~ga! + +--Ang totoo po, kung ako ang pamimiliin n~g aking dapat na harapin sa +buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang magartista, sapagka't, +sa ganang aki'y ito lamang ang tan~ging daan upang malasap n~g isang +tao ang tunay na katamisan n~g mabuhay sa balat n~g lupa. + +Ang huling saad na ito n~g mestisa marahil ay narinig n~g isang +lalaking han~gos na pumasok sa tarangkahan n~g bahay na iyon, kaya't +buhat pa sa may tapat n~g durun~gawan sa lupa ay malakas nang tumawag. + +--¡Elsa! + +Si Elsa ay hindi sumagot. N~guni't di sasalang nakilala niya agad ang +tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan n~g labi. + +--¿Sino iyon?--ang painong tanong n~g manang na di nagkaroon n~g +katugunan. + +--¡Tia Basilia!--ang ulit pa n~g nasa lupa. + +At ang matandang maybahay ay dumun~gaw sa isang bintanang makipot ang +pagkakabukas. + +--¡Ikaw pala!--ang nawika pagkakitang kapatid ni Elsa ang dumarating, +saka maliksing humudyat sa pamangking babae n~g hudyat na nawatasan +naman agad n~g mestisa. + +--¿Nariyan po ba si Elsa?--ang nagkakanggagahol pang tanong n~g nasa +lupa. + +--Narini; magtuloy ka,--at tumawag noon din n~g isang alila at +ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi. + +Parang dinagukan ang dibdib ni Elsa at, malaong hindi nakapan~gusap, +pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may +baklang titig sa ale'y waring ibinulong: "¿Paano ang idadahilan ko?" + +Ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan n~g +dalawang matanda. + +Sa unangunang tin~gin lamang n~g lalaking iyong maputla't waring +hindi nagtikim n~g tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang +lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala. + +Si Elsa ay lumin~gon na lamang at nagtapon n~g isang titig na +humihin~gi mandin n~g saklolo sa ale. + +Datapwa't si donya Basilia naman ay nalilito sa pagdulang na biglaan +sa isip n~g sukat niyang gawing pamamagitan sa magkapatid. + +Si manang Magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan n~g lalaki, +ang tan~ging makapagparinig sa dumating: + +--Sinusundo mo na yata siya. + +Salamat sa winikang itong nagpapahayag n~g pagkawalang malay sa lihim +n~g dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tan~gayin n~g isang +impit na buntonghinin~ga ang lahat niyang sukal n~g kalooban. Saka +bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'y bumati: + +--Manang magda, naluwas po pala kayo n~gayon. + +--Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'y walang +nagagawi sa aming matagaltagal na. + +--Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan +pa,--ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang payapa +nang paguusap,--kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si Elsa +kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya?--ang tanong pa. + +--Hindi po,--itinugong di naiwasan n~g lalaki:--n~guni't kagabi pang +hatinggabi'y kamunti na akong makarating dito sa paghanap sa batang +iyan.... + +--How, eh saan ba naman mapapatun~go si Elsa kundi rito sa kanyang +tia,--ang saklaw naman ni manang Magda. + +Subali't ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi n~g +kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae. Napasasalamat siya sa +pagkakataong iyong kaharap si manang Magda at sa maayos na +pagkapamagitan ni donya Basilia; n~guni't nauubos ang kanyang talino'y +hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang galit ay +huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling mapagtalastas na +nito ang nais niyang palitawing siya'y napakasal na kunwa kay Tirso +nang gabing natapos. + +Mabuti na lamang at ang kapatid niya ay tila hindi magtatagal at +mananaog din. Narinig niyang nakipagbalitaan sa manang na taga +lalawigan n~g ilang bagay na karaniwan na sa m~ga magkakakilalang +malaong hindi nagkikita. At mapamayamaya pa'y nagpaalam na n~gang +mananaog at di umano'y may iba pa siyang lalakaring bagay na madalian. + +--Magagahan ka muna bago ka manaog ha,--ang pigil ni donya Basilia. + +--Hindi po, tia, at ako ay nakatapos na,--ang tanggi n~g inaanyayahan. + +--¿Baka hindi pa? + +--Tunay po. + +--¿Bakit n~ga ba hindi mo kami saluhan muna?--ang sabad pa n~g manang. + +--Saka na po ako muling magbabalik. + +At pagkasambit nito ay matulin nang nanaog n~g hindi man iniwanan n~g +kahi't isang kataga ang kapatid na pinaghanap sa bahay na yaon. + +Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at +si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya. + +--Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang,--ang wika n~g +mestisa. + +--¿Ano yaon?--itinanong n~g tinukoy. + +--Kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral n~gayon, at ibig ko +sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo magsamasamang tumun~go sa +kolehio panggagaling natin doon. + +--¿Sino ang dadalawing iyon? + +--Saka na ninyo makikilala.... + +--Kung gayo'y magbihis na tayo. + +Pagkaganap n~g salitaang ito, ang isa't isa ay nagsipagbihis nang +sabik ang loob sa kanilang m~ga dadalawin. + +Sa darating namang humihin~gal si Dioni, na ang pakay ay ang mestisa +ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan. + +--¡Kapatid ko!--ang bati kay Elsang pinagaagawan n~g lungkot at tuwa. + +--¡Dioni!--ang sabay yakap na salubong dinatnan. + +--Huwag kayong pakain~gay at maririnig kayo,--ang papikpik namang +saway ni donya Basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang +maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang Magda +at abalangabala sa pagbibihis. + +--¡Akala nami'y kung napaano ka na!--ang nasabi pa n~g mapagalaalang +hipag. + +--¡Patawarin sana ninyo ako, Dioni! ...--pakumbaba pang sagot n~g +mestisa. + +--N~guni't dito ka pala matutulog ay maanong sinabi mo kahi't sa akin, +nang hindi kami naligalig n~g gayon na lamang. + +--Dioni, marahil ay kahulihulihan ko nang pagkakasala sa inyo ni +kuyang ang pagkukulang kong iyan, at inaasahan kong ikaw man lamang ay +hindi pa nauubusan n~g magandang loob na maipagpapaumanhin sa akin. +¿Hindi ba? + +--Oo na n~ga, datapwa't ... pinapagalaala mo kaming lubha. Paris +n~gayon: ¡hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa +kahahanap!... + +--Kapapanaog pa lamang niya. + +--¿Nanggaling na rito? + +--Oo.... + +--¿Ano ang sabi sa iyo? + +--Wala naman. Nakabuti ang pagkakataong narito si manang Magda nang +siya'y dumating. N~guni't gayon ma'y lihim ding naihagis sa akin ang +isang nanglilisik na tin~ging kamuntik nang tumupok sa akin.... + +--Pasalamat na tayo, Elsa, kung iyon na lamang ... At kung gayong +nagkakita na kayo n~g wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo +iyon. Subali't ¿bakit n~ga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? +¡Hindi mo naman dating ginagawa iyan! + +--Di ko n~ga dating ginagawa, Dioni, iyan ang totoo. Dahil diya'y +mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa +ko.... + +--¿Maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan? + +--Bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko n~g +aking m~ga lihim. + +At noon di'y sinabi na n~ga ni Elsa ang gaya n~g kanyang m~ga +ipinahayag kay donya Basilia: na siya ay napakasal na kay Tirso nang +gabing nagdaan at dahil doo'y hindi na muna siya uuwi sa Pasay. + +Dili ang hindi natulo ang luha ni Dioni, pagkarinig n~g m~ga pahayag +n~g kanyang minamahal na hipag. + +--¿Ayaw mo bang si Tirso ang maging kapalaran ko?--itinanong mayamaya +n~g mestisa. + +--Hindi sa ayaw, kundi. ¡sa di oras ay nagkalayo tayo!--ang lipos +kapanglawang ipinakli n~g hipag. + +--Dinaramdam ko, Dioni, n~guni't ... kung dumarating nang ganito ang +sukat n~g tao ay sadya palang hindi maiiwasan. + +Sa wakas, nang mapagusapan n~g maghipag ang mabuting paraan n~g +pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni Elsa n~g kanyang pagkapagasawang +patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain sa gagawing iyon +ay si donya Basilia na, yamang malaki naman ang alangalang at pitagan +niyon sa anomang sabihin nito. + +--Gawan mo na lamang sana n~g paraang mapadalhan ako agad n~g ilang +kasuutan,--ang ipinagbiling huli n~g mestisa. + +--Hamo't ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang +kuyang mo. + +Pagkasambit nito ay lumabas sí Dioni't nagpaalam na kay donya +Basilia. Sa han~gad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa Pasay n~g +kapatid ni Elsa, at upang maparating na maluwag ang damit na kanyang +hinihin~gi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa "Hospital +General" ang kanyang hipag. + +Subali, nang si Dioni ay masakay na sa isang trambiang kung +makahagibis ay mistulang hari sa bawa't lansan~gang pagdanan, ay saka +nagunitang hindi pala naibalita sa kanya n~g mestisa kung saan ginanap +ang sinabing pagkakasal. Kaya't naibulong tuloy sa sarili: + +--¿Saan kaya sila ikinasal?... + + + + +XXVI + +¿SINO ANG ASAWA NI TIRSO? + + +Nang manhik sa "Hospital General" sina Elsa, manang Magda at donya +Basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang alin~gasn~gas na +nangyayari sa bulwagang laan sa m~ga maysakit, na babae. + +N~guni't kung ano ang sanhi n~g ligamgam na iyon ay hindi na nila +hinan~gad alamin. Sapagka't samantalang nagkakaisa n~g paniwala ang +dalawang matanda na yao'y likha lamang marahil n~g sinomang may +mabigat na sakit na kaipala'y naghihin~galo o naghihirap na, bagay na +di sasalang pangkaraniwan sa m~ga pagamutang paris niyon, ang tan~ging +nagsisikip naman sa puso n~g mestisa ay ang masidhing pananabik na +makarating siya kaagad sa piling n~g makatang kanyang pinakaiibig. + +Tuloytuloy n~ga silang nasok sa silid na kinararatayan n~g makatang si +Tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing. + +Napuna ni Elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang +bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na m~ga taling kayo sa ulo n~g +natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya Basilia, at mandi'y +itinanong kung sino ang maysakit na iyon. Si donya Basilia nama'y +nagkibit lamang n~g balikat sa halip na tumugon. Hinihintayhintay +niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang Magda. +N~guni't ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbin~gang +kinapapalautan n~g makatang nararatay. At halos walang ibig na magbuka +n~g bibig. + +Subali't ... ¿bakit kaya baga't napagmasdan nilang may n~giting +gumuhit sa labing maputla n~g lalaking yaon? + +¿Nakagising kaya o nananaginip? + +Lumapit si Elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag: + +--Tirso.... + +Dapwa't ang lalaki ay hindi sumagot, + +--¿Sinong Tirso iyan?--ang di napigilang usisa n~g manang kay donya +Basilia, pagkarinig sa pan~galang iyon. + +--Asawa ni Elsa ...--patutok sa tayn~gang pakli n~g tinanong + +--¿Asawa?--ang pamanghang ulit sa marahang turing n~g matandang +manang.--¿Diyata n~ga baga at nagasawa na ang inyong pamangkin? + +Tuman~go na lamang si donya Basilia, at sa isang hudyat ay waring +sinabing "Mamaya na ninyo malalamang lahat". + +At kaginsaginsa'y nakita na namang bahagyang tumawa ang makatang +kalong n~g pagkakahimbing, bago pagkatapos ay umun~gol muna at saka +gumalaw ang maputlang labing tila bumubulong. + +--Hindi n~ga sasalang siya'y nan~gan~garap,--ang wikang namitiw sa +bibig ni Elsa.--Ang buhay n~ga nama'y isang pan~gan~garap na walang +pagsawa ...--anya pa. + +Subali at ¿anong m~ga pamimigkas ang narinig nila? + +¡Mahiwagang tula! + +Natulig si Elsa n~g gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong +saad: + + Teang ko, Teang ko, ang biro ng palad +sa ati'y huwag mong ipagalapaap; +naririto ako't hanggang huling sukat +n~g ating daratni'y sumisintang tapat. + + ¿At tumatangis ka? ... Ang luha mong iya'y +tipirin sinta ko't di pa kailangan, +sa piling ng aking malamig na bangkay +saka mo na roon guguling minsanan.... + + Ang isip mo't diwa'y papanumbalikin +sa pagmamahal ko't payapa tang hintin +ang muling pagngiti ng buwa't bituin. + + Bayaan ta munang itaboy sa dagat +ng mga buhawi ang dilim ng ulap, +at saka lakbayin ang lupang mapalad. + +¡Panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang paghin~ga ni +Elsa!... + +¿Diyata't hanggang sa m~ga sandaling mabin~git sa labi n~g libin~gan +ang buhay ni Tirso ay si Teang din ang laman n~g diwa't +katalatalamitam n~g kanyang kaluluwa? + +¡Gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso n~g mestisang +walang palad sa pagibig sa pagkarinig n~g tulang yaon na ang bawa't +pantig ay busog na sumisibat sa kanyang m~ga tayn~ga!... + +At, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang may +baklang tanong n~g matandang manang: + +--Elsa, ¿sinong Teang ang aking narinig na tinatawagtawag? + +--.... + +Mahabang sandaling walang kumikibo sa loob n~g silid. Sa m~ga matang +nanggigilalas n~g mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha n~g +mestisa, ay nabasa ni donya Basilia ang di mailarawang pangyayaring +likha n~g mahiwagang tulang kabibigkas n~g makata. + +¡Oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon n~g mestisang +kailan man yata'y hindi na magtitikim n~g kaluwalhatian, n~g ganap at +lubos na kaluwalhatian sa pagibig!... + +Naroroon siya nang umagang iyon upang ipagparan~galan sa dalawang +matanda ang lalaking ayon sa una niyang pahayag ay siyang +pinagtiwalaang magari n~g kanyang n~gala't kapurihan, datapwa't nang +ang pagpapakilala'y halos bubukhin na lamang sa kanyang m~ga labi, ay + ... saka niya tinanggap ang isang katunayan n~g kanyang walang +hanggang pagkasiphayo at pagkapawakawak n~g pagkababae niya at dilang +pagasa.... + +Madilim na madilim n~ga ang nakikita ni Elsa nang m~ga sandaling yaon. +Sa kanyang ulana'y waring nararamdaman niyang ang lan~git ay +bumababa't tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa kanyang +paana'y parang natutunghang nunuka ang lupa't kung baga sa ganid ay +anyong siya'y sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang balangkas n~g +kanyang kahalihalinang alindog.... + +Sa laki n~g panghihilakbot sa harap n~g kanyang naguguniguni'y +tinangka n~g mestisa ang sumigaw n~g ubos lakas upang sa gayo'y +tumighaw ang kanyang nagsisikip na paghin~ga, nguni't kung tayahin +niya'y may bikig siya sa leeg at ang dila niya'y hindi makapalag sa +dami n~g gapos.... + +Salamat na lamang at kaginsaginsa'y nagmulat n~g mata ang makatang +galing sa pananaginip. + +Nagisnan ni Tirsong sa may paanan niya'y dalawang matanda ang +nagbubulun~gan, subali't di niya namamalayang sa dakong ulunan ay +naroon si Elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis. + +Upang mapakimatyagan ang pinagbubulun~ga'y muling pumikit ang +nararatay. At noon di'y kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'y +nagbungtonghinin~ga si Elsa. Bigla siyang pumihit at lumin~gap sa +dakong kinaringgan n~g nasabing buntonghinin~ga. At namasdan niyang +malungkot na malungkot na nakapan~galumbaba ang kanyang mestisa. + +--Elsa ...--ang unang pumasnaw sa bibig ni Tirso ... ¿Kanina ka pa +ba?--ang dugtong na tanong. + +--N~gayon lamang ...--- malumbay na sagot. + +--¿Ang iyong kasama? + +--Sina manang Magda at tia Basilia. + +Ang dalawang matanda'y marahang lumapit sa naguusap. Sinalubong naman +n~g makatang nakahiga n~g isang malugod at magalang na n~giti. + +--¿Kumusta?--ang may kapalagayang loob na bati ni donya Basilia na +parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon. + +--Mabuti na po naman daw, ayon sa mediko ...--mabanayad na pakli ni +Tirso. + +--Nanaginip ka yata,--ang wika pa n~g matandang iyong ale ni Elsa, +samantalang ang mamang nama'y napapatun~gan~gang hindi makaimik. + +Nagitla si Tirso sa gayong sinabi. + +¿Bakit kaya't nalalaman yata n~g matandang iyon ang panaginip niya? +¿Binigkas kaya niya n~g malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag +sa kanyang pangtanda? ¡Oh, baka narinig na ni Elsa ang pagkakabanggit +niya sa n~galan ni Teang!... + +Sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'y hinagisan n~g mapun~gay +na sulyap ang mukha ni Elsa. ¡Ah, tila n~ga nababanghay ang isang +panibughong hindi karaniwan! ¡Hindi n~ga sasalang narinig ni Elsa! +¡Kay samang pagkakatoon! + +Ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka't may +m~ga kaharap. At ¿hindi kaya naman napakinggan n~g manang ang n~galan +ni Teang na nababanggit sa kanyang tula? ¿At ano kaya ang palapalagay +n~g matandang ito sa tulang yaong bunga n~g pangarap? + +--Paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo magtitira.--ang +makasandali'y narinig na naman ni Tirsong sinasabi ni donya +Basilia.--Ganito ang pinagkasunduan na namin ni Elsa, samantalang +hindi pa kayo napapanhik sa bahay n~g kanyang kapatid sa Pasay. + +Humigit-kumulang ay nahulaan n~g lalaki ang taglay na kahulugan n~g +m~ga salitang yaon. Kaya't ni kataga n~g pagayon, ni kataga n~g +pagtutol, ay wala siyang isinagot. Ang ibig niyang mangyari, kung +magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap. + +Subali't nan~gagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang +patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi n~g +gusaling iyon. + +Ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong paglubha, +sapagka't mula sa dun~gawan n~g silid ni Tirso sa "Floor No. 3" ay +natin~gatin~gala nilang marami ang taong nagkakagulo sa "Floor No. 6" +na nauukol sa m~ga babae. + +--Elsa,--ang tawag n~g manang sa mestisa,--may pinagkakaguluhan sa +ibayong kuwarto sa dakong itaas. + +--Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo na,--ang +tugon n~g tinukoy. + +--¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang sana!--ang padalan~gin +pang saad ni manang Magda. + +--¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga mediko't _nurse_ na +doon ang tun~go?--ang tanong pa rin ni donya Basilia. + +--Marahil n~ga po'y mayroong malubha ang karamdaman,--ang ayon ni +Tirso sa narinig kay Elsa. + +--Kung gayon lamang ay ¿bakit kay dami pang mediko ang kailan~gang +magulo? + +--Kung ako n~ga marahil ang maghihin~galo ay walang maliligalig na +sinoman ...--ang may pahagkis na saad n~g mestisa. + +--Maaaring magkagayon,--ang sunggab n~g nakaratay, kung ako ang +mauunang mamatay sa iyo. Datapwa't ... Elsa, kung mamamatay ba naman +ako ay ¿magagambala ka? + +--¡Kung magusap ang m~ga batang ito!--ang himig pasaway na inihadlang +ni donya Basilia.--Nasa talaga n~g Dios ang asawa mo, Elsa, at hindi +kayo nararapat maggamitan n~g ganyang pan~gun~gusap. + +Ang mestisa ay hindi na naman umimik. Ang makata lamang ang tumugon: + +--Wala po namang anoman ang pinaguusapan namin ...--mahiyahiyang wika +na nilakipan n~g isang masayang n~giti. + +--¿Ano n~ga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa +ulo?--itinanong naman n~g manang. + +Saka lamang naipaliwanag ni donya Basilia sa kanyang kumare ang +kanyang natatalos sa bagay na iyon. At sa ginawang paguulat n~g ale ni +Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni Tirso, ay +napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g naturang +mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. + +Hindi siya kumibo. + +Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isang _nurse_ na +humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo. + +--Ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko,--ang magalang na bati sa +m~ga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga't ito ay tinanong:--Kayo si +G. Tirso Silveira, ¿ano po? + +--Ako n~ga po,--malumanay na tugon n~g lalaki. + +--¿Ano po ang kanilang sadya?--ang katlo naman ni Elsang _nurse_ ang +hinarap.--Siya n~ga si Tirso Silveira, ang aking asawa,--ang pakilala +pa. + +Biglang natilihan ang tinurang _nurse_ nang marin~gig ang sabi n~g +mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking ito?" ang di sasalang +naibulong sa sarili sa laki n~g mangha. + +--¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod?--ang tanong pa ni Elsa, +samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. + +Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy. + +--Ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto ay isang +babaeng tila nasisiraan n~g bait ang naghihihiyaw at bumabanggit n~g +inyong pan~galan,--ang wikang kay Tirso nakatin~gin.--At kayo ay +ipinakikiabot, tinatawag n~g ubos lakas, at waring napaliligtas sa +isang malaking kapahamakan ... ¿Itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo +rito at sandaling sumaglit sa kinaroroonan n~g babaeng sinabi? + +--¿Ano po ang pan~galan?--ang panabay na usisa n~g dalawang magkumare. + +--Hindi ko naitanong sa kasamahan naming nagbabantay sa kanya, +n~guni't inaakala kong makikilala ninyo pagdating natin doon. + +Napaban~gon si Tirsong hindi na naghintay n~g sinomang aalalay sa +kanyang nanghihihang katawan. N~guni't gaputok may hindi nagsasalita. +Sa liblib na pitak n~g kanyang dibdib, hindi sasalang may sinasarili +siyang isang malaking lihim. + +--¿Ibig mo bang pumaroon?--ang tanong ni Elsang tila may balisa, na +rin sa gunamgunam. + +--Ibig kong lumapit sa tumatawag ...--nanghihin~gapos na sambot n~g +maysakit. + +--Kung gayon po'y magpapakuha ako n~gayon din n~g inyong +sasakyan,--anang _nurse_ na maliksing lumabas. + +Halos di naglipat sandali't dumating ang sasakyang kinuha na +iginugulong n~g dalawang lalaki. + +--Ihihilig po kayo rito,--ang wika n~g masipag na _nurse_. + +--Huwag na po,--ang tanggi ni Tirso,--ako'y lalakad na lamang.... + +--Baka kayo mapagod na totoo.... + +--Kaya ko na ang aking katawan. + +At pagkasambit nito'y marahan nang tumindig at umanyong lalakad. + +--Akbayan mo, Elsa,--ang utos n~g ale. + +Subali't ang utos na iya'y tila hindi narinig n~g pamangking +pinagsabihan, sapagka't ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos +noon sa pagtatanong sa sarili kung sino n~ga ang babaeng iyon na +ibinabalitang tumatawag sa n~galan ni Tirso. + +--¿Sino n~ga ba ang babaeng yaon?--ang ulit pang tanong ni donya +Basilia. + +--Aywan n~ga po ba,--ang sambot n~g _nurse_ habang sila'y samasamang +lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan.--N~guni't ang +sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang +lalaking sugatan sa loob n~g isang _ambulancia_, galing sa Intramuros +at itinelepono n~g isang pulis. + +Nagibayo ang sikdo n~g puso ni Elsa, pagkarinig sa m~ga pahayag n~g +_nurse_. + +¿Diyata n~ga kaya't yaon na ang babaeng walang malaytaong nakapiling +ni Tirso sa loob n~g _ambulanciang_ nakasagasa n~g kalesa?... + +Isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino.... + + + + +XXVII + +¡APOY!... + + +Natatakot, sumisigaw, tumatan~gis.... + +Alan~gang malinaw ang isip at alan~gang nahihibang; unat at taas ang +m~ga kamay na tila nalulunod at tumatawag n~g makasagip; m~ga matang +halos magkanglulusot sa laki n~g sindak, na parang nakakikita n~g +isang kapan~ganyayaang mahirap iwasan; m~ga patak n~g luhang +pabugsobugsong nanaloy sa humpak n~g pisn~gi: mukhang kahabaghabag na +nakikipan~gagaw sa kulay n~g suka; samongsamong na buhok na wari'y +dinaanan n~g matinding buhawi; katawang pumapalag na anaki'y +nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos ... iyan ang sa biglaang +paglalarawa'y siyang pagaanyo n~g babaeng yaon na kinabubuntahan nang +umagang iyon n~g dilang pagkagulumihanan sa "Hospital General". + +M~ga medikong manakanakang nagtatanong, m~ga _nurses_ walang +matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na nagban~guna't +lumapit sa isang dulo n~g bulwagang pinagbubuhatan n~g alin~gawn~gaw; +saka iba pang m~ga kawaning takangtaka sa nangyayari, ang m~ga +pan~gunang saksi sa ganyang anyo at m~ga kilos n~g tinurang maysakit +na tumatawag sa n~galan ni Tirso. + +At ang sinasabi sa gumagaralgal at pauntolutol na tinig ay nabubuo sa +ganitong m~ga katagang halos di maunawaan gayong maliliwanag: + +--¡Asawa ko! ¡Asawa ko! ¿Saan ka naroon? ¿Nahan ang awa mo?... +¡Halika! ¡Tirso! ¡Halika! ... ¡Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin +sa kapahamakang ito!... + +--¿Sinong Tirso ang inyong hinahanap?--ang tanong n~g isang +manggagamot na kaharap doon. + +--¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... ¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka +n~gayon? ¡Parito ka't lin~gapin mo ang aking napagsapit!... + +Marinig ito n~g isang _nurse_, ay madali n~gang nanaog na nagtungo sa +silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling iyon. + +Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga +pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino. + +--¡Patawarin mo ang aking m~ga pagkakamali! ¡Limutin mo ang aking m~ga +pagkukulang! ¡Oo, Tirso, inaamin ko ang pagkabulag n~g aking paniwala +at ang pagkapatun~go ko sa ligaw na landas! ... ¡Minarapat kong +tumalikod sa layaw n~g mundo at sampu n~g sumpang isinangla sa iyo ay +aking hinamak, sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking +pinagsakitang marating! Datapwa't ... ¡hindi pala! ¡Ang _Beaterio_, na +nang una'y itinuring kong isang _Paraiso_ na katatagpuan n~g dilang +luwalhati n~g babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa +balat n~g lupa, isang parusahang kinasasadlakan n~g m~ga nahihibuan +n~g buktot na hatol! ¡Ang m~ga taong itong kung sabihin n~g aking m~ga +ninuno'y matapat na alagad n~g Kabanalang sinugo n~g Dios upang +maghasik sa daigdigang ito n~g malusog na binhi n~g Dakilang Asal, at +di umano pa'y m~ga tagapagakay sa m~ga kinapal na ninitang ginhawa, ay +wala pala kundi m~ga kasumpasumpang kawa n~g Pagpapakunwari na sa +tulong n~g balatkayong Tumpak na Pananampalataya'y nagiging halimaw na +laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dan~gal n~g kahima't sinong +mahulog sa kanilang inuumang na lambat! ... ¡Ah, n~gayon ko nakilala +ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko! ¡Dahil +sa iyong pagkakasapi sa isang Kapisanang di ko nakilala, pagkasaping +ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'y +sukat daw upang ikaw'y pangdirihan n~g sinomang gaya kong may loob sa +Dios, minarapat ko ang sa iyo'y lumimot ... pinagsisihan ko n~g gayon +na lamang ang pagkakilala sa iyo ... aking ininis sa sariling dibdib +ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso ... at ang +kadalisayan n~g aking pan~gako ay kusang hinamak at pinapagmaliw n~g +lubuslubusan ...! ¡Patawad n~ga, Tirso, ang hinihin~gi sa iyo nitong +asawa mong nagbabalik-loob!... + +At, habang hindi naglulubay n~g kasasalita ang babaeng iyon na kahi't +pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na umpok n~g +ilang kataong kabilang sa m~ga nalilimpi sa palibid n~g tinurang +babae, ay siya namang pinananayn~gahan ang ganitong pahayag n~g +manggagamot na umaaming siyang kasama sa _ambulancia_ nang gabing +nagdaan: + +--Dinatnan kong ang babaeng iya'y walang ulirat na nakalugmok sa harap +n~g pulis na tumelepono rito kagabi; hindi masabi n~g pulis na iyon ni +n~g sinoman sa ilan pa kataong nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino +at kung saan galing. Pagdaka'y nakita na lamang daw n~g pulis na +susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, n~guni't +pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. Nang aking siyasati'y may +ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa n~g pagkakahulog mula sa +alinmang mataas na lugal. Ang aming _ambulanciang_ ikinuha sa kanya ay +nakasagasa naman sa raan n~g isang kalesa. At sa banggaang iyo'y isang +lalaki ang nasawi. Walang malaytaong ito'y dinala rin namin, kasama +n~g isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na asawa niya. +Ipinatala n~g tinurang mestisa na ang pan~galan n~g kanyang asawa ay +Tirso Silveira. At n~gayo'y ... ¡hayan at Tirso Silveira rin ang +isinisigaw n~g babaeng iyan! + +--¡Kay laking hiwaga!--ang nagpalipatlipat sa isa't isang bibig. + +Kapagkuwa'y narinig na namang nagsisisigaw ang babae. + +--¡Oh, Tirso! ¡Narito na naman ang halimaw na ganid! ¡Narito't anyong +ako'y gagahasain! ¡Iligtas mo ako, Tirso! ¡Halika!... + +Siyang pagsipot sa bulwagang iyon n~g lalaking pinagpatalastasa't +sinundo n~g _nurse_ kasunod si Elsa, si donya Basilia at si manang +Magda. + +Pagkairinig sa huling pagibik na iya'y ang manang ang una at boong +liksing nakalapit, n~guni't si Tirso ma'y naroon na ring hawak sa +bisig ni Elsa. + +--¡Anak ko! + +At sa loob n~g isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang na +niyakap n~g matanda ang abang maysakit. N~guni't ito ay waring di +nakakikilala n~g tao't parang walang naririnig na anoman. Nasa m~ga +bisig na n~g matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, ang +narinig n~g lahat. + +--¿Nasaan ka, Tirso? ¡¡Tirso!!... + +Mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw n~g +nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil n~g kaakbay na +mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay n~g +tawag na: + +--¡Teang! + +Si Teang ang maysakit. At sa tawag na ito ay waring natauha't +pinagsaulan n~g lakas n~g katawan at linaw n~g isip. + +--¡Ah, si Tirso!... + +At noon di'y naghulagpos sa m~ga kamay ni manang Magda at matuling +lumipat sa m~ga bisig n~g makata. + +Halos napigil ang paghin~ga n~g tanan sa gayong hindi akalaing +mapanood. + +--¿Teang, ano ang nangyari sa iyo?--ang patakang tanong n~g manang, +samantalang ipinan~gan~gamba sa sarili ang pagkabaliw n~g anak, ayon +sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni Elsa.--¿Bakit +naparito ka? ¡Naku, bunso ko!... + +Nagbalik na naman sa bisig n~g ina ang abang si Teang. + +--¡Ina ko! ¡Patawarin ninyo ako!... + +At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay n~g +ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak.... + +--¿Nagkasakit ka ba? + +--Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong pinaghabilinan ninyo sa +akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala sa di nila nalalamang kanilang +ginagawa!... + +--¿Sinong m~ga tao?--ang pabiglang sunggab ni Tirso.--¿At +nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat! + +--Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang sigwa.... + +--¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio?--ang tanong na naman n~g inang +manghangmangha sa nangyari sa anak. + +--Opo, inang; at sa ginawi kong ito'y inuulit kong, ako'y inyong +patawarin, yamang ito ang tan~ging naging kaligtasan n~g anak ninyo. +¡Ah, ayokongayoko nang mag mongha! ¡Siya n~ga, inang! ¡Mamatay na muna +ako bago muling matira n~g isang saglit sa loob n~g _Beaterio_!... +¡Maano nawang mabunyag na sa lahat n~g m~ga kababayan natin ang +alin~gasaw n~g kabulukang naluluom sa loob n~g m~ga pinid na pinto't +dun~gawan n~g m~ga gusaling ito!--Saka ibinaling sa makata:--Tirso, +n~gayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa +bakuran n~g Papa ... ¡May labis kang katuwiran!... + +Samantala, ang dinaranas na pagpupuyos n~g budhi ni Elsa, habang +nagiging saksi siya n~g lahat at lahat, ay di mailalarawan n~g lalong +bihasang panitik. + +May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok pa +nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat n~ga, +subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... Nakikinig siya sa +pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y isang kawang kuliglig +mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang +isipan.... + +Datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya Basilia at +ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang "¿Anong gusot, Elsa, +itong pinasok mo? ¿Napakasal ka n~ga ba sa lalaking iyan, o ako'y +iyong pinaglalakuan?" ay napukaw ang kanyang kaluluwa't sa kaibuturan +n~g dibdib niya'y nagban~gon ang larawan n~g kapalaran niyang inaamis +ni Teang, pagkaamis na humihin~gi n~g kanyang pagtatanggol, n~g +kanyang paghihiganti, n~g kanyang tanang magagawa.... + +Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang +m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at +wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon +upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung +kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at +siya--si Elsa--ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas +n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na +wagas at dalisay. Ang punlang iyo'y inaalagaan ni Elsa na taglay ang +taimtim at tunay na pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at +tan~ging siya lamang ang may kapangyarihang maghari sa pagibig n~g +naturang makata ... saka n~gayon sa namamalas niya'y si Teang ang +kayapos n~g m~ga bisig ni Tirso ... ¡Oh, hindi niya mababata! + +--¡Tirso, sukat na ang pagbibigay!--ang malakas na wika sa +nan~gan~gatal na tinig.--¡Gunitain mong naririni akong nagmamasid sa +iyo! + +Ang lahat n~g mata'y napabaling at sukat sa nagbitiw n~g m~ga katagang +iyang kulog manding sumambulat sa pangdinig ni Teang. At ang +panggigilalas ay lalo nang nagulol at lumaganap sa tanang naroon. + +Ang tin~gin ni Elsa at titig ni Teang ay nagkasagupang tulad sa +dalawang sandatang nagkapingkian sa laot n~g paglalamas; dapwa't laban +sa katan~giang likas sa isa't isa, sa pagkakapingking iyo'y si Elsa +ang napipilan wari't siyang nagbaba n~g tin~gin, pagkapalibhasa'y may +nabasa siya mandin sa m~ga balintataw ni Teang na isang katotohanang +kinasilawan niya: ang katotohanan n~g pagkapariwara n~g lahat niyang +pagasa. + +N~guni't kay Teang, ang gayong pagyuko ni Elsa ay nagpapanumbalik +naman n~g dati niyang pakikipagpalagayan sa mestisang ito, kaya't +parang hindi dinaanan n~g ulap ang maaliwalas na lan~git n~g kanilang +pagkikilala'y malugod niyang tinawag ang pan~galan nito. + +--¡Elsa!--anya, at kasabay ang lapit na idinugtong:--Naniniwala akong +kaya ka naririto'y dahilan sa akin, ¿hindi ba? + +--Isinama lamang ako ni tia ...--ang may lungkot na pakli n~g mestisa. + +--¿Ang ninang ko pati ay naririto?--at noon di'y pinagala ang tin~gin +sa dami n~g taong nakapalibid, at hinanap si donya Basilia. + +--Naririto ...--bahagya nang naitugon ni Elsa. + +--¡Ah, ninang!--ang boong tuwa't pananabik na ibinati pagkakita sa +hinanap, at pagdaka'y tinakbong niyakap at hinagkan sa kamay,--¡Anong +himala't naparito tayong lahat! + +Walang kumibo sa m~ga kaharap. Lahat ay nasa panonood at pagtataka. + +Sa katotohanan, ang m~ga kilos ni Teang nang umagang iyon ay naging +kapunapuna't malayo sa dati niyang asal. Marahil ay gawa n~g lagnat na +nadama n~g inang umaapoy sa kanyang katawan. + +Hindi hinihintay ni manang Magda na ang kanyang anak na babaeng +pinalaki sa mabuting turo ay mamasdan niyang yumupyop na gayon sa +dibdib n~g isang lalaking sa pagkabatid niya'y asawa pa naman n~g iba, +ni Elsa. Si donya Basilia man nama'y natitilihan din n~g gayon na +lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung ano't +itong lalaking sinasabing asawa ni Elsa ay siya pa namang ipinagibang +kilos n~g mabait na babaeng kanyang inaanak sa namamalas n~g mestisang +iyong dapat sanang masakita't magubos n~g kaya sa paguusig. At si Elsa +naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang may malaking ipinagiba. +Kaikailan man ay hindi siya nan~gimi sa harap ni Teang kundi nang m~ga +sandaling yaon. Samantalang si Tirso, habang nagtatagal n~g pagmamalas +sa kaibigibig na alindog n~g babaeng unang nagkapan~galan sa kanyang +puso, ay lalo nang napapatdahan n~g dila't sa laki n~g galak na +lumulunod sa kaluluwa'y hindi makabigkas n~g isa mang kataga. + +Subali't si Teang ay patuloy sa pagpapahan~ga.... + +Si Elsa't si donya Basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa +kinatatayuan n~g inang si manang Magda sa harap n~g makata. At ang +sabi pagkatapos: + +--Inang, ninang, kaibigang Elsa ... huwag kayong mamangha sa +ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko n~g aking kapalara'y +naririto: si Tirso Silveira. + +--¡Teang!--ang halos panabay na nasambit n~g tatlo. + +--Huwag kayong magalaala: kasal na po kami.... + +--¡Hindi manyayari!--ang bigla't patiling hadlang n~g mestisang +mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa sandaling iyon. + +--Nangyari na, Elsa ...--malumanay na tugon ni Teang. + +--¡Pangahas!--ang bulalas na wika n~g nasasakitang mestisa, at +umanyong duduhapan~gin ang kanyang katun~go. + +--¡Dios ko!--ang tili n~g manang. + +--¡Elsa!--malakas na tawag naman ni donya Basilia. + +Siyang pamamagitan ni Tirso. + +--Elsa ...--anya sa mahinahong pamimigkas.--Nalalaman kong si Teang ay +para mong tunay na kapatid at dati kayong matalik na magkaibigan. +Nalalaman ko rin na ang kaligayahan at kapalaran n~g isa sa inyo ay di +lamang hindi ipagdaramdam ni ikaiinis n~g isa pa, kundi bagkus +ikalulugod n~g walang pasubali. At kung sakasakali mang may +nagkukulang sa sinoman sa inyong dalawa, ang pagkukulang na iya'y +ipinagpaparaya rin alangalang sa katalikan n~ga n~g inyong pagsasama. +Elsa, ¿hindi mo ba ikinalulugod ang kaligayahan n~g kaibigan mong si +Teang?... + +--Tirso ...--boong lumbay na ipinakli n~g mestisa,--¿diyata ba't isa +ka pa sa magpapainom n~g lason sa akin sa tulong n~g matatamis na +bulaklak n~g dila? ... At parang di alumanang sa palibid nila'y hindi +kakaunting tao ang nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa +nan~gan~gatal na, tinig:--Tapatin mo ako, Tirso: ¿hindi na ba ikaw ang +Tirsong sinanglaan ko n~g lalong mahalagang hiyas n~g aking puri at +nagdulot sa puso ko n~g pagasang balang araw ay sasayurin ko ang +walang hanggang ... kaluwalhatian? + +--¡Tirso ko!--ang sabat ni Teang na waring ... nagpaalaala n~g isang +mahalagang tungkulin. + +--Pumayapa ka, Teang,--ang salo n~g makata, bago pumihit na muli sa +mestisa.--Elsa, ang m~ga nalilihis na hakbang ay di nararapat +ipagpatuloy. Kung tunay na ako'y pinahahalagahan mo, ay inasahan kong +iyong paiirugan ang isa kong samo: magpatawaran na tayo.... + +--¿Magpatawaran? ¿Ibig mo bang sabihi'y ipalupig ko sa babaeng, iyan +ang aking dilang pagasa?... + +--Hindi, Elsa; subali't ... ipinagtatapat kong taglay ni Teang ang +boong karapatan sa narinig mong kanyang sinabi. + +--¿At nahihibang ka ba?... + +--Nahihibang ay hindi; datapwa't ... kinikilala kong ang isa't isa sa +atin, Elsa, ay may kanikanyang pagkakasalang marapat patawarin n~g +pinagkasalanan. + +--¡Pagkakasala! ... ¿Anong pagkakasala ang ibubuhat mong aking nagawa +pagkatapos na tupdin ko ang tanang itinitibok n~g aking puso sa +pagkakilala sa iyo?--At sa pagsasalita n~g ganito'y; naramdaman n~g +mestisang untiunting nagdidilim ang kanyang m~ga panin~gi't +bahabahagyang nanglalabo ang kanyang pangwatas. + +--Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na +ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g +apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay +nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa +lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... + +Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa. +At sa isang pikit-mata'y pabiglang nagbulalas n~g matunog na sigaw. + +--¡Apoy! ...--saka nilabnot ang buhok at taas ang dalawang bisig na +humarap sa madla,--¡Apoy na nakapapaso ang babae! ¡Ang babae'y +nakadadarang, nakatutupok! ... ¡Ha-ha-ha-ha! ... ¡Tabi kayo't naito ang +apoy! ¡Ang apoy! ... ¡Ha-ha-ha-ha-ha!... + +At ang kahabaghabag na mestisa, ay naging baliw sa isang saglit.... + +Walang paalam, pasugod, tumatakbo at han~gos, sumisigaw at kumukumpas, +humahalakhak at walang nakikilala, walang naririnig ... ang abang si +Elsa ay nagmistulang bagong Sisa sa dahas n~g dagok n~g kasaliwaang +palad na kanyang kinamtan.... + +Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y +salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang +pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang Magda +at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya.... + +¡Kahambalhambal na naging wakas n~g sawingpalad na mestisang kung +nakagawa man n~g malulubhang kamalian, ay walang iba kundi yaong +ibinubuyo at iniuupat n~g isang pagibig na walang kapantay sa +kasidhian!... + +WAKAS + + +Maynila, K.P., +Pebrero 7, 1920. + + +TALABABA: + +[A] Ang _fox trot_ na ito ay nilapatan n~g tugtugin n~g +kilalang gurong si G. León Ignacio, at sa ilalim n~g pamagat na ANG +MESTISA ay maaaring matagpuan sa m~ga aklatan at tindahan n~g +tugtugín. Bagay na bagay sa m~ga sayawan. + +[Patalastas: A. Nolasco Hatter] + +[Patalastas: Plaza Goiti, National Optical & Jewelry] + + + + + + + + + + + + + +End of the Project Gutenberg EBook of Ang Mestisa, by Engracio Valmonte + +*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG MESTISA *** + +***** This file should be named 13773-8.txt or 13773-8.zip ***** +This and all associated files of various formats will be found in: + https://www.gutenberg.org/1/3/7/7/13773/ + +Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders. +Produced from page scans provided by University of Michigan. + + +Updated editions will replace the previous one--the old editions +will be renamed. + +Creating the works from public domain print editions means that no +one owns a United States copyright in these works, so the Foundation +(and you!) can copy and distribute it in the United States without +permission and without paying copyright royalties. Special rules, +set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to +copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to +protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project +Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you +charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you +do not charge anything for copies of this eBook, complying with the +rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose +such as creation of derivative works, reports, performances and +research. They may be modified and printed and given away--you may do +practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is +subject to the trademark license, especially commercial +redistribution. + + + +*** START: FULL LICENSE *** + +THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE +PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK + +To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free +distribution of electronic works, by using or distributing this work +(or any other work associated in any way with the phrase "Project +Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project +Gutenberg-tm License (available with this file or online at +https://gutenberg.org/license). + + +Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm +electronic works + +1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm +electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to +and accept all the terms of this license and intellectual property +(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all +the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy +all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. +If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project +Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the +terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or +entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. + +1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be +used on or associated in any way with an electronic work by people who +agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few +things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works +even without complying with the full terms of this agreement. See +paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project +Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement +and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic +works. See paragraph 1.E below. + +1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" +or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project +Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the +collection are in the public domain in the United States. If an +individual work is in the public domain in the United States and you are +located in the United States, we do not claim a right to prevent you from +copying, distributing, performing, displaying or creating derivative +works based on the work as long as all references to Project Gutenberg +are removed. Of course, we hope that you will support the Project +Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by +freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of +this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with +the work. You can easily comply with the terms of this agreement by +keeping this work in the same format with its attached full Project +Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. + +1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern +what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in +a constant state of change. If you are outside the United States, check +the laws of your country in addition to the terms of this agreement +before downloading, copying, displaying, performing, distributing or +creating derivative works based on this work or any other Project +Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning +the copyright status of any work in any country outside the United +States. + +1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: + +1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate +access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently +whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the +phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project +Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, +copied or distributed: + +This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with +almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or +re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included +with this eBook or online at www.gutenberg.org + +1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived +from the public domain (does not contain a notice indicating that it is +posted with permission of the copyright holder), the work can be copied +and distributed to anyone in the United States without paying any fees +or charges. If you are redistributing or providing access to a work +with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the +work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 +through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the +Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or +1.E.9. + +1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted +with the permission of the copyright holder, your use and distribution +must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional +terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked +to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the +permission of the copyright holder found at the beginning of this work. + +1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm +License terms from this work, or any files containing a part of this +work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. + +1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this +electronic work, or any part of this electronic work, without +prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with +active links or immediate access to the full terms of the Project +Gutenberg-tm License. + +1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, +compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any +word processing or hypertext form. However, if you provide access to or +distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than +"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version +posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), +you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a +copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon +request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other +form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm +License as specified in paragraph 1.E.1. + +1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, +performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works +unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. + +1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing +access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided +that + +- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from + the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method + you already use to calculate your applicable taxes. The fee is + owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he + has agreed to donate royalties under this paragraph to the + Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments + must be paid within 60 days following each date on which you + prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax + returns. Royalty payments should be clearly marked as such and + sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the + address specified in Section 4, "Information about donations to + the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." + +- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies + you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he + does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm + License. You must require such a user to return or + destroy all copies of the works possessed in a physical medium + and discontinue all use of and all access to other copies of + Project Gutenberg-tm works. + +- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any + money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the + electronic work is discovered and reported to you within 90 days + of receipt of the work. + +- You comply with all other terms of this agreement for free + distribution of Project Gutenberg-tm works. + +1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm +electronic work or group of works on different terms than are set +forth in this agreement, you must obtain permission in writing from +both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael +Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the +Foundation as set forth in Section 3 below. + +1.F. + +1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable +effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread +public domain works in creating the Project Gutenberg-tm +collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic +works, and the medium on which they may be stored, may contain +"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or +corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual +property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a +computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by +your equipment. + +1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right +of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project +Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project +Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all +liability to you for damages, costs and expenses, including legal +fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT +LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE +PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE +TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE +LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR +INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH +DAMAGE. + +1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a +defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can +receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a +written explanation to the person you received the work from. If you +received the work on a physical medium, you must return the medium with +your written explanation. The person or entity that provided you with +the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a +refund. If you received the work electronically, the person or entity +providing it to you may choose to give you a second opportunity to +receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy +is also defective, you may demand a refund in writing without further +opportunities to fix the problem. + +1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth +in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER +WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO +WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. + +1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied +warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. +If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the +law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be +interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by +the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any +provision of this agreement shall not void the remaining provisions. + +1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the +trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone +providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance +with this agreement, and any volunteers associated with the production, +promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, +harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, +that arise directly or indirectly from any of the following which you do +or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm +work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any +Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. + + +Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm + +Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of +electronic works in formats readable by the widest variety of computers +including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists +because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from +people in all walks of life. + +Volunteers and financial support to provide volunteers with the +assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's +goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will +remain freely available for generations to come. In 2001, the Project +Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure +and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. +To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation +and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 +and the Foundation web page at https://www.pglaf.org. + + +Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive +Foundation + +The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit +501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the +state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal +Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification +number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at +https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent +permitted by U.S. federal laws and your state's laws. + +The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. +Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered +throughout numerous locations. Its business office is located at +809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email +business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact +information can be found at the Foundation's web site and official +page at https://pglaf.org + +For additional contact information: + Dr. Gregory B. Newby + Chief Executive and Director + gbnewby@pglaf.org + +Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg +Literary Archive Foundation + +Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide +spread public support and donations to carry out its mission of +increasing the number of public domain and licensed works that can be +freely distributed in machine readable form accessible by the widest +array of equipment including outdated equipment. Many small donations +($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt +status with the IRS. + +The Foundation is committed to complying with the laws regulating +charities and charitable donations in all 50 states of the United +States. Compliance requirements are not uniform and it takes a +considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up +with these requirements. We do not solicit donations in locations +where we have not received written confirmation of compliance. To +SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any +particular state visit https://pglaf.org + +While we cannot and do not solicit contributions from states where we +have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition +against accepting unsolicited donations from donors in such states who +approach us with offers to donate. + +International donations are gratefully accepted, but we cannot make +any statements concerning tax treatment of donations received from +outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. + +Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation +methods and addresses. Donations are accepted in a number of other +ways including including checks, online payments and credit card +donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate + + +Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic +works. + +Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm +concept of a library of electronic works that could be freely shared +with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project +Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. + +Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed +editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. +unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily +keep eBooks in compliance with any particular paper edition. + +Most people start at our Web site which has the main PG search facility: + + https://www.gutenberg.org + +This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, +including how to make donations to the Project Gutenberg Literary +Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to +subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks. + +*** END: FULL LICENSE *** + |
