diff options
Diffstat (limited to '13773-h')
| -rw-r--r-- | 13773-h/13773-h.htm | 5957 | ||||
| -rw-r--r-- | 13773-h/images/001.gif | bin | 0 -> 123723 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13773-h/images/148.gif | bin | 0 -> 51070 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13773-h/images/149.gif | bin | 0 -> 64733 bytes | |||
| -rw-r--r-- | 13773-h/images/t001.jpg | bin | 0 -> 34900 bytes |
5 files changed, 5957 insertions, 0 deletions
diff --git a/13773-h/13773-h.htm b/13773-h/13773-h.htm new file mode 100644 index 0000000..c63f62a --- /dev/null +++ b/13773-h/13773-h.htm @@ -0,0 +1,5957 @@ +<!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Transitional//EN" + "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-transitional.dtd"> +<html xmlns="http://www.w3.org/1999/xhtml"> +<head> +<meta name="generator" content="HTML Tidy, see www.w3.org" /> +<meta http-equiv="Content-Type" +content="text/html; charset=UTF-8" /> +<title>The Project Gutenberg eBook of ANG MESTISA, by ENGRACIO L. +VALMONTE.</title> +<style type="text/css"> +/*<![CDATA[ XML blockout */ +<!-- + P { margin-top: .75em; + text-align: justify; + margin-bottom: .75em; + } + H1,H2,H3,H4,H5,H6 { + text-align: center; /* all headings centered */ + } + HR { width: 33%; + margin-top: 1em; + margin-bottom: 1em; + } + BODY{margin-left: 10%; + margin-right: 10%; + } + .linenum {position: absolute; top: auto; left: 4%;} /* poetry number */ + .note {margin-left: 2em; margin-right: 2em; margin-bottom: 1em;} /* footnote */ + .blkquot {margin-left: 4em; margin-right: 4em;} /* block indent */ + .pagenum {position: absolute; left: 92%; font-size: smaller; text-align: right;} /* page numbers */ + .sidenote {width: 20%; margin-bottom: 1em; margin-top: 1em; padding-left: 1em; font-size: smaller; float: right; clear: right;} + + .poem {margin-left:10%; margin-right:10%; text-align: left;} + .poem br {display: none;} + .poem .stanza {margin: 1em 0em 1em 0em;} + .poem span {display: block; margin: 0; padding-left: 3em; text-indent: -3em;} + .poem span.i2 {display: block; margin-left: 2em;} + .poem span.i4 {display: block; margin-left: 4em;} + .poem .caesura {vertical-align: -200%;} + // --> + /* XML end ]]>*/ + +</style> +</head> +<body> +<div>*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13773 ***</div> + +<br /> +<pre> +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] +</pre> + +<p> </p> +<h1><a href="images/001.gif"><img src="images/t001.jpg" border="0" +alt="Ang Mestisa" width="273" height="436" /></a></h1> + +<h1>ANG MESTISA</h1> + +<h2>Mga iba pang Aklat ni E.L. Valmonte</h2> + +<p><b>ILAW NG KATOTOHANAN</b> (Unang bahagi) Aklat na naghahatid +n~g liwanag sa isip at umaakay sa kaluluwa sa landas n~g tapat na +pagkakilala sa Diwa at Buhay n~g Sangmaliwanag. Kahinahinayang na +di mabasa. P0.80 ang bawa't sipi.</p> + +<h3>Tinatapos sa Limbagan:</h3> + +"<b>Ang Mestisa</b>" (Unang Bahagi) Ikalawang pagpapalimbag.<br /> +<br /> +"<b>Mga Inang Walang Anak</b>"<br /> +<br /> +"<b>Lupit ng Tadhana</b>"<br /> +<br /> +"<b>Ilaw ng Katotohanan</b>"<br /> +(Pan~galawang bahagi)<br /> +<br /> +<br /> +<hr/> +<h2>NOBELA</h2> + +<h1>ANG MESTISA</h1> +<h3>(Ikalawang Bahagi)</h3> +<h3>KATHA NI</h3> +<br/> +<h2>ENGRACIO L. VALMONTE</h2> +<h4>"Kasapi sa Aklatang Bayan"</h4> +<br/> + +<h3>Unang Pagkapalimbag</h3> +<h3>Hunio, 1920</h3> +<h4>IMP. ILAGAN Y CIA. 775 Juan Luna, Tundo,<br/> +Maynila Telépono +8836</h4> + +<hr style='width: 65%;' /> + +<h2>Handog</h2> + +<blockquote> +Sa karapatdapat na Pan~gulo n~g Aklatang Bayan na si G. +Precioso Palma. +</blockquote> +<blockquote> +<b>Ang Maykatha</b> +</blockquote> + +<hr style='width: 65%;' /> + +<h2>Talaan ng Nilalaman</h2> +<br/> + + <h4><a href='#XV'><b>XV. ¿MAPALAD KAYA SI TIRSO?</b></a></h4> + <h4><a href='#XVI'><b>XVI. "¡KAY GANDA MO, ELSA!"</b></a></h4> + <h4><a href='#XVII'><b>XVII. ¡ANG BUWISIT NA <i>NEGRO</i>!</b></a></h4> + <h4><a href='#XVIII'><b>XVIII. MGA PUSONG NAGLALAMAY</b></a></h4> + <h4><a href='#XIX'><b>XIX. PAGIBIG AT DALAMHATI</b></a></h4> + <h4><a href='#XX'><b>XX. SI TEANG AT ANG "HIMALA"</b></a></h4> + <h4><a href='#XXI'><b>XXI. PAGSISISI AT PAGBABAGONG LOOB</b></a></h4> + <h4><a href='#XXII'><b>XXII. MGA NAGAGAWA NG BALATKAYO</b></a></h4> + <h4><a href='#XXIII'><b>XXIII. LANGIT NA MAALIWALAS</b></a></h4> + <h4><a href='#XXIV'><b>XXIV. ISANG SAKUNA </b></a></h4> + <h4><a href='#XXV'><b>XXV. KAKAIBANG PAGAASAWA</b></a></h4> + <h4><a href='#XXVI'><b>XXVI. ¿SINO ANG ASAWA NI TIRSO?</b></a></h4> + <h4><a href='#XXVII'><b>XXVII. ¡APOY!...</b></a></h4> + + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XV" name='XV'></a> +<h2>XV</h2> + +<h2>¿MAPALAD KAYA SI TIRSO?</h2> + +<br /> + + +<p>"Kahi't saang tumatahip na lupa ako maparoo'y hintayin mo ang +sulat ko, bago ka lumiham sa akin."</p> + +<p>Ang hindi pagkakaroon n~g katuparan n~g ganyang pan~gakong +iniwan ni Teang kay Tirso ay di sasalang lumilikha na n~g +kabalisahan sa kalooban n~g makatang ito, pagkatapos na magdaang +sunodsunod ang ilang araw sa gitna n~g kanyang mainip na +paghihintay. Nang gabing marinig niya ang ganyang mahigpit na +pan~gako sa bibig n~g kanyang kasi, ay di niya inakalang +pakatatagal na n~g gayon n~g hindi siya tatanggap n~g sulat, +palibhasa, kung totoong sa Nueba Esiha lamang ang uwi, ay di naman +kalayuang gaano ang nasabing lalawigan upang mabilan~gan n~g +maraming araw ang lakad n~g koreo hanggang Maynila. N~guni't +n~gayong panay na "wala po" ang isinasagot sa kanya n~g +tagadalang-sulat kailan pa ma't ito'y kanyang abatan sa pagdating +at pagtanun~gan n~g bagay na inaantabayanan, ayawayaw man niyang +maghinala ay hindi rin siya makalaban sa sarisaring bintang na +naguumukilkil sa kanyang ulo.</p> + +<p>Kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong +pangyayari na pagkakapariwara n~g matimyas na pagasa n~g isang +lalaking paris niya na mapalayo sa kinaroroonan n~g kanyang giliw. +Ang dalaga at ang binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na +paguulayaw, ay nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, +mananatili kapwa sa kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling +tibok n~g puso. Ang lalaki ay maiiwang buongbuo ang pagasa sa +pan~gako n~g babae: magtataman sa pagaaral, lilimutin ang +pagbubulagsak, magbabawas n~g nilibotlibot at pagaaksaya n~g +panahon, sa paguupanding pagdating n~g tipanan, pagkatapos n~g +pagaaral ay lalo siyang magiging karapatdapat sa mata't pagmamahal +n~g kanyang liyag. Datapwa't ang babae, na kapatid n~g kahinaang +loob at hinlog n~g pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, +lumilimot sa pan~gako at kumikita n~g bagong ligaya sa lilim n~g +pakikipagsuyuan sa iba. ¡Oh, gaanong pagasa n~g lalaki ang +nalibing sa laot n~g kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin +n~g di iilang babae!...</p> + +<p>At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang +binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago +naghiwalay. Tulad sa karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding +walang tan~ging kasama sa tanang sandali kundi ang walang +pasubaling pananalig sa kadalisayan n~g budhi at matibay na +panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni Teang. Subali't ... +¿nasaan ang katuparan n~g pan~gakong iniwan sa kanya n~g +babaeng ito? ¿Bakit walang sulat? ¿Siya +kaya,—si Tirso,—ay magiging isa rin diyan sa m~ga +lalaking nawalatan n~g dibdib at nalurayan n~g puso sa ulos n~g +balaraw na walang pan~gigiming itinatarak n~g babae? ¿At si +Teang kaya naman ay isa pa ring babaeng katulad n~g di iilang +kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap n~g bangkay n~g m~ga +pusong kanilang pinaglalaruan?...</p> + +<p>—¡Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ...—ang +nawiwika n~g naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito +ang kanyang pagninilaynilay.</p> + +<p>At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na +hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika:</p> + +<p>—Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g +pan~gan~galaga n~g kanyang ina.</p> + +<p>Kung nababanggit namang ganito ang ina ni Teang, ay kasunod nang +agad na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya n~g matandang; +iyon dahil sa kanyang pagkamason. Ang kanyang pagkamason ay bikig +na humahalang sa lalamunan n~g naturang matandang nabubulagan n~g +pananampalataya't nahihibuan n~g m~ga tagapan~galaga n~g kadiliman, +kaya't kailan man ay hindi n~ga yata makatutuloy na maluwag sa loob +ang kanyang malinis na pakay. At dito siya untiunting nahihila n~g +pagaakalang marahil ang babaeng pinagsisimpanan niya n~g lahat ay +nagbabago na n~ga n~g loob at tumataliwakas sa kanilang salitaan. +Subali't ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na +maaari pang talimuwan~gin kung ibig: yao'y isa nang sumpang hindi +mababawi, isang pagkakabuhol n~g palad na di na muling makakalag. +¡Diyata't ang kapangyarihan n~g magulang ay makapanghihinaig +pa't makawawalang halaga sa sinumpaan ni Teang na pakikiisang palad +sa kanya?</p> + +<p>Dito ay di na maitugon ni Tirso ang hindi ikapangyayari n~g +ganyang hinuha. Nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan n~g +isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha't +kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. Isang +kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing "sampu mang asawa ay +makikita kung mawala, datapwa't hindi ang isang magulang." Nakilala +ni Tirso si Teang na isang anak na may likas na pagkamagalan~gin sa +kalooba't pasya n~g magulang saka nagtataglay pa n~g isang +pananampalatayang di kuno'y nasusumang sa ganang kanya. +¿Maliwanag pa kayang hinagapin, sa gayong paghihintay na +walang napapala kundi pagkabigo, na ang pagkakaibang iyan n~g +kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing sanhi n~g pagayaw +n~g ina, ay siya rin namang maging dahil n~g di pagdating n~g sulat +na pinakahihintay?</p> + +<p>Singkad na isang linggo ang nagdaang kay Tirso ay walang iniiwan +kundi ang m~ga bakas n~g kalumbayang halos ikasaid n~g kanyang +paniniwala sa kabanalan n~g kaluluwa n~g babaeng pinaguukulan niya +n~g boong pagirog.</p> + +<p>Samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay Teang, saka +ang hindi pagkaganap n~g pan~gako ni Tirsong paglalathala sa +pahayagan n~g larawan n~g marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa +timpalak ay hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi +gayon din sa m~ga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa +di iilang kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata.</p> + +<p>Sa tanggapan n~g m~ga tagapan~gasiwa n~g karnabal sa Luneta ay +nan~gahahanay na n~g boong ayos ang nagpapan~gagaw sa gandang m~ga +larawan n~g m~ga kandidatang nan~gagsipagwagi sa timpalak n~g isa't +isang pahayagan, bukod-tan~ging hindi mahan~gaan n~g balanang +nagsasadya roon ang larawan n~ga ni Teang.</p> + +<p>Nang araw na iyon, tanghali n~g ika 31 n~g Disyembre. huling +araw n~g nanghihimakas na taong 1915, at samantalang si Tirso'y +walang kibong nakapan~galumbaba sa isa sa m~ga bukas na durun~gawan +n~g kanyang tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking +malayolayo pa'y nagtaastaas na n~g kamay at humuhudyat sa kanya. At +kanyang nakilala na ang m~ga dumarating ay ilang kaibigang kawal +n~g panulat, ilang kasamahan sa laran~gan n~g Panitikang +Tagalog.</p> + +<p>—¡Panhik kayo, m~ga kasama!—isinalubong ni +Tirso sa nagsisirating.</p> + +<p>—¿May aginaldo bang nakahanda?—agad itinanong +buhat sa lupa n~g isang singliit ni Paguia.</p> + +<p>—Kahi't wala ay mayroon din ...—pan~giting naitugon +n~g maybahay na makata.</p> + +<p>—¡Huwag kang magbiro't sadyang totohanan itong lakad +namin!—anang isa namang singlaki ni Sochong.</p> + +<p>At noon di'y sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. +Matulin namang sinalubong ni Tirso.</p> + +<p>At ... ¡sabihin pa! Ang m~ga manunulat, na kung sabihin +n~g iba'y m~ga hibang, ulol, sinun~galing, nguni't ang totoo'y +"nakapagguguho n~g kahakaharian at nakapagbaban~gon n~g +sangbasangbayanan", wika n~ga n~g isang guro, kung magkasamasama't +magpalagayan ay talo pa iyang tunay na magkapatid na ipinan~ganak +n~g iisang ina. Sa kanila, ay wala niyang pagtutumpik. Bawa't +salitang gamiti'y kataga n~g katapatang loob, bigkas n~g kaisang +damdamin, pahayag n~g panibulos na pagtitiwala. Kaya't sa paguusap +nilang yaon ay pawang n~giti n~g saya at sigla n~g pagbibiro ang +naghari sa lahat.</p> + +<p>—Silveira,—ang pagkapanhik n~g lahat ay sinabi n~g +nakasalaming kamukha ni Tirso,—Bagong Taon bukas, at sukat +nang mahulaan mo ang bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. +¿Ano ang aginaldo namin?</p> + +<p>—¡Bukas pa pala naman ang Bagong Taon, eh, n~gayon +pa'y aginaldo na ang inyong itinatanong!—ipinakling natatawa +n~g tinukoy.</p> + +<p>—Higit sa panghihin~gi n~g aginaldo, ang ipinarito nami'y +isang paninin~gil,—isinambot naman n~g isang singtaba ni +Kando.</p> + +<p>—¡Magbayad ang may utang!—isinusog pa n~g +malakas tatawang kaboses ni Sauro.</p> + +<p>—¡Sa ako'y walang utang na dapat +pagbayaran!—ang tugon n~g makata.</p> + +<p>—¿Wala? ¿Nasaan ang larawan n~g ating reyna +Dorotea?—ang tanong pang tila nanunumbat n~g mataba.</p> + +<p>—¡Ah! ...—ang nasambit na lamang ni Tirso.</p> + +<p>—¡Eh! ...—ang tudyo n~g isa.</p> + +<p>—¡Ih! ...—ang katlo n~g isa pa.</p> + +<p>—¡Oh! ...-ang habol pa rin n~g isa.</p> + +<p>—¡Uh! ...—isinusog naman n~g iba.</p> + +<p>At ang malakas na tawana'y nagsumikip sa loob n~g bahay.</p> + +<p>—¿Nahan ang pan~gako mong larawan?—ang halos +panabay pang iniusisa n~g m~ga panauhin paghulaw n~g tawanan.</p> + +<p>Biglang nagtago ang m~ga badha n~g n~giting nagsipanun~gaw sa +m~ga labi n~g makata. At nakapagpanumbalik n~g lungkot sa diwa niya +ang gayong binanggit at ipinagkatawanan pa n~g kanyang m~ga +kaharap. ¡Oh, kung natatalos lamang n~g langkay na yaon n~g +m~ga palabiro ang bagay na nagpapaulap sa kanyang gunamgunam!</p> + +<p>—M~ga kasama,—ang itinugon ni Tirsong walang +kan~gitin~giti,—tila sa bagay na iya'y talagang masisira ako, +n~guni't ... hindi ako ang maysala.</p> + +<p>—¡Magpapakasira, saka maghihinaw!...</p> + +<p>—¡Talagang sinun~galing na makata!</p> + +<p>—¡Saka maramot!</p> + +<p>—¡At manunuba pa!</p> + +<p>—¡Palibhasa'y hindi ninyo nalalaman ang +nangyayari!—ang tan~ging naipakli ni Tirso.</p> + +<p>—¿At talaga bang may "nangyayari" na? ¡Kaya +pala!...</p> + +<p>—¡Ha-ha-ha-ha!</p> + +<p>Wala; anhin mang timban~gin ni Tirso ay hindi makagigitaw at +lulunurin lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya +sa harap n~g kawang yaon n~g m~ga may kato sa katawan. Mahan~ga'y +magsawalang kibo na lamang....</p> + +<p>Nasa sandaling iyon n~g pagkatila hinahalong binusa ang m~ga +panauhin n~g makata,—na, mayroong bumubuklat sa m~ga dahong +sariwa n~g kanyang kalupi, kaluping kinatitipunan n~g sarisaring +hiyas at kayamanan n~g tulang tagalog, mayroong naghahamon n~g +ahedres, domino at dama, saka mayroon pang nagaagawan sa paghanap +n~g larawan ni Teang sa makapal na <i>album</i> na inabutang nasa +ibabaw n~g sulatan—nang walang anoano'y nakarinig sila n~g +m~ga kaluskus n~g isang sasakyang biglang tumigil sa tapat n~g +bahay.</p> + +<p>Ang lahat ay dumun~gaw. Datapwa't nakita nilang ang tinurang +sasakya'y muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan n~g +isang babaeng nagtatago n~g mukha't ayaw manding pakilala.</p> + +<p>—¿Sino iyon?—ang naging tanun~gan n~g isa't +isa,—¡Ah, marahil siya ang ating reyna Dorotea!</p> + +<p>At noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa +pinto sa lupa.</p> + +<p>At nang kanilang dunghali'y natunghan ang isang babaeng anyong +alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo n~g m~ga +bulaklak. Ang mukha n~g babaeng iyon ay dating kilala ni Tirso, +kaya't oras na makita'y dagli siyang nanaog na sumalubong. Ang m~ga +pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang +nan~gagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; +sabihin n~g gayong biyayang balot n~g hiwaga.</p> + +<p>N~guni't ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. At maliksing +umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting +sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g +m~ga katoto n~g naturang makata.</p> + +<p>—¡Makatang mapalad!—ang bulalas n~g lahat, +pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang +padala n~g magandang si Teang.</p> + +<p>At sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may +lakip pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong +kayarian n~g bagay na yaong likhang di sasala n~g m~ga +kahan~gahan~gang kamay n~g isang tunay na alagad n~g arte.</p> + +<p>—¡Pagkagandaganda!—ang wika na namang namutawi +sa bibig n~g tanan—¡Singganda n~g puso n~g babaeng +nagbigay!</p> + +<p>At si Tirso, na pinaghaharian n~g ilang lihim na paghahaka, ay +di makahuma.</p> + +<p>¡Talagang maganda nga't kalugodlugod ang handog na iyon! +Isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, m~ga +saglitsaglít na bulaklak n~g m~ga sariwa't nagbaban~guhang +bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, +rosas-de-pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas n~g +m~ga halamanan sa Singgalong; na binagayan n~g man~gilann~gilang +dahon n~g papwa, malba-rosa, at m~ga baging n~g kadena-de-amor; na +walang tan~ging laman kundi isang kalapating singputi n~g gatas, na +sa kanyang makinis na tuka'y taglay ang isang munting tarhetang may +ginintuang titik.</p> + +<p>Ang tarhetang ito'y pinagsambilatan n~g m~ga kaibigan ni Tirso, +palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga n~g +handog na yaon.</p> + +<p>At sa isang daan n~g mata'y ganito ang nabasa n~g lahat:</p> + +<div class='blkquot'> +<p><i>Sa karangalan n~g makatang kapatid n~g m~ga salamisim kay +Tirso Silveira: alangalang sa kadakilaan ng Bagong Taon. Kalakip +ang pusong nagtatangi ni</i></p> + +<p><i>ELSA BALBOA 12-31-15</i></p> +</div> + +<p>Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga +kaibigan ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. +Mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang +inaatupag.</p> + +<p>—¡Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong +ikaaabot kay Silveira!—ang wika n~g pandak.</p> + +<p>—¡Tatawagin pa ba namang "mapagwaging makata," kung +hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw!—ang agaw +naman n~g tila higante sa taas at laki.</p> + +<p>—¡Mabuhay ang mapalad! ¡Mabuhay ang +mapagwagi!—ang katlo pa n~g nakasalamin.</p> + +<p>—"¡Mamatay!" at hindi "¡mabuhay!" ang isisigaw +ko, kapag ako'y hindi ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan +na si Elsa Balboa, —isinabad pa rin n~g malakas +tatawa.—¡Ay Elsa! ... ¡Ay, Balboa!...</p> + +<p>-¿Di mo ba nakikilala ang Elsang iyan?—ang halos +magkatiyap na tanong sa nagsalita n~g kanyang m~ga +kasamahan.—¡<i>Atrasado</i> ka rin +pala!—idinugtong pa.</p> + +<p>—¿Sino n~ga ba ang babaeng ito?</p> + +<p>—¡Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay +n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at +pagtatao!</p> + +<p>—¡Ah! ¿Ang mestisang nakita kong minsan sa +lamayan n~g "Aklatang Bayan"? ¡<i>Balu ku na ketang +misterio</i>!</p> + +<p>Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na +si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso +Silveira. Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi +matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag +pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y +isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang +pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may +kalapati't bulaklak na iniaalay. ¡Katan~gian n~g makatang +labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot +ding isip!</p> + +<p>At si Tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay n~g +taga kamanunulat niya, ay gumamit noon n~g lubos na paglilihim. At +sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay +nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, +hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos +lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na +napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa +mestisang kay Elsa.</p> + +<p>Pagkapanaog n~g m~ga panauhi'y saka lamang inilabas na binasa ni +Tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya n~g alila n~g +kaibigang mestisa. At ganito ang natunghayan:</p> + +<div class='blkquot'> +<p>TIRSO:</p> + +<p>Ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa +iyong kasaysayan? Kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na +makisalo sa akin mamayang gabi,—yamang gabi rin lamang ito ng +mga pagpupuyat,—at sa pagsasalo nati'y saka ko ibabalita sa +iyo ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas +hangga't may panahon.</p> + +<p>Pagkakai'y magpapasyal pa tayo sa Escolta, at manonood sandali +ng sayawan sa Plaza Moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa +Pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang +tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid.</p> + +<p>Kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa +sa mga ninanasa nitong "kapatid" mong walang itinatangi sa ubod ng +kanyang puso kundi isa....</p> + +<p>Naghihintay,</p> + +<p>ELSA.</p> + +<p>Habol—Tanggapin mo sa maydala nito ang isang "maralitang +handog" ...—AKO RIN.</p> +</div> + +<p>Isang kibit lamang n~g balikat ang ginawa ni Tirso pagkatalos sa +laman n~g sulat, saka pan~giting nasabi ang ganitong m~ga +kataga:</p> + +<p>—¿May katuwiran na n~ga kaya akong magturing sa +sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid +ko?...</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XVI" name='XVI'></a> +<h2>XVI</h2> + +<h2>"¡KAY GANDA MO, ELSA!"</h2> + +<br /> + + +<p>Kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan n~g bawa't +bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad n~g +katan~gitan~ging buhay ni Elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang +katotohanan na bawa't gawi, kilos at pan~gu~gusap n~g matalinong +mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa m~ga sadya niyang +layon at lihim na han~garin. Kaya, kung isasagunita ang +pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing +sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g <i>martir</i> na si +pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa +m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya +kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang +makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang +ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.</p> + +<p>Minarapat n~ga n~g mestisa na ang makatang sa palagay niya'y +nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa +Pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya n~g pagkakataon na +mailipat sa kabatiran n~g tinukoy na makata ang balitang kanyang +natanggap tungkol sa nangyari sa San Lazaro.</p> + +<p>At, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay +malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. Para na niyang +natatanaw, kahi't malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas n~g +kanyang m~ga gagawin.</p> + +<p>—Inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni Tirso ang +aking sulat,—ang naibulong sa sarili sa gitna n~g kanyang +pagmumuni.—Kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'y +talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol....</p> + +<p>Nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang +isang pagsasalo, ang kapatid niya't hipag ay hindi daratnan ni +Tirso sa bahay, sapagka't ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa +n~g araw na iyo'y magpapauna na sa Pandakan ang magasawa upang +dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging. Kung si Elsa ay +maiiwan, ay sapagka't gayon ang kanyang pinakikunang hilin~gin sa +kapatid at hipag, at di umano'y ayaw siyang tantanang hindi isabay +sa pagparoon n~g ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa +gabing iyon. At ang gayo'y kanyang binalangkas, upang madulutan +n~ga n~g kasiyahan ang m~ga mithi n~g kanyang kaluluwang lihi at +isinilang sa biyaya n~g kaligayaha't tamis n~g buhay.</p> + +<p>Hangga't hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso't +kalooban n~g makatang kinahihiban~gang labis n~g kanyang boong +pagkababae, at hangga't nagugunita niyang may isang "mulalang taga +lalawigan", na kinabubulagan n~g m~ga panin~gi't "tila" +nagkakapan~galan sa pitak n~g dibdib n~g nabanggit na makata, sa +pakiramdam n~g mestisa ay palusong na yata sa libin~gan ang tun~go +n~g kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw n~g ligaya sa +pakikihalubilo sa daigdigang ito. At yamang nalalaman niyang gayon, +ay kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, +upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan.</p> + +<p>"...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig +niya sa isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: +kinakailan~gang gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g +pagkakataon. Nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan +n~g walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si Tirso; +nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha n~g tanang kaparaanang +kailan~gan upang masunduan ang ikapagtatagumpay n~g pagibig na +iyan. Ang tunay na katamisang idinudulot n~g pagibig ay di maaaring +sayurin n~g kahi't sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa +makipot na galawang gawa n~g pagpapakunwari, n~g pagbabalobalo at +n~g kung sabihi'y pakikibagay sa lakad n~g kaugalian. Ang hinhin, +yumi, kahihiyaan ... ¿ano ang m~ga katagang ito kundi m~ga +patibong lamang na nililikha n~g Kapisanan upang mapagkasanhian n~g +pagkaduhagi n~g m~ga kaloobang madaling malamuyot at n~g m~ga +damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat n~g buhay? Ang +tunay na tamis n~g buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa +pagimpit na palagi sa m~ga dalisay na itinitibok n~g damdamin. +Namamali iyang m~ga nagpapalagay na kabanalan n~g isang babae ang +tuwina'y kikimikimi, hindi makapagpahayag n~g kanyang isinasaloob, +ilas na parati sa bahagyang silay n~g mata n~g kapwa ... Ang +nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang anomang +baga'y at gawang nan~gan~gahulugan n~g pagkakasala. N~guni't +¿pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag n~g +pusong dumaramdam n~g paggiliw? Ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa +iniaatas n~g pusong iyan.</p> + +<p>—¡Nararapat nang mawakasan ang m~ga paghihirap kong +ito!—ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang +ganyang hakahakang sarilingsarili n~g kanyang pagkamestisa.</p> + +<p>At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, +si Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang +kabalisahang hindi mailin~gid.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Sa loob n~g bahay ay lumabas-masok siyang kung minsa'y +sasayawsayaw at kung minsan nama'y huhunihuni n~g alinman sa m~ga +kundimang kanyang nakakagiliwan. Mayamaya'y siyang lalapitan ang +bukas na pianong parang nagyayaya, at sandaling titipa ang +maliliksing daliring tila m~ga kandila, samantalang ang m~ga mata'y +ipapakong walang kurap halos sa papel n~g tugtuging lahad ang m~ga +dahon. Ang inaagpan~gan niya n~g gayong pagtugtog ay isang <i>fox +trot</i><a id="FNanchor_A_1" name='FNanchor_A_1'></a><a +href='#Footnote_A_1'><sup>[A]</sup></a> na naglalarawan n~g sarili +niyang haka.</p> + +<span style='margin-left: 1em;'>Kung ang mga ibon at maging +halaman</span><br /> +ay nagkakalaya sa pagiibigan,<br /> +ang isang mestisa'y dapat ding magnawnaw<br /> +ng mga biyaya ng Katalagahan.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>Ang mestisa'y may pagirog na +kaparis ng balana,</span><br /> +at anak din ni Bathalang tumanggap ng isang mana;<br /> +mana'y dapat na gamitin ng ayon sa pinipita<br /> +ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>Sa harap ng Batas ng +Pagkakalikha.</span><br /> +babae't lalaki ay pantaypantay nga;<br /> +kung gayon, mestisa, di dapat lumuha<br /> +sa piling ng ibang kapwa mo diwata.<br /> + + +<p>Kapagkuwa'y siya namang haharapin ang malaki't malinaw na +salamin, at dito'y waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang +marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pusód, kung +ilan pang daan n~g espongha ang marapat niyang gamitin upang +mawalan n~g balantan ang pulbos n~g kanyang mukha; at kung alin pa +kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang +baling-kinitang pan~gan~gatawan upang maging kahalihalinang lalo +ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalin~gan n~g +kanyang pagibig.</p> + +<p>Nahagisan n~g tin~gin ni Elsa ang isang alilang babae na +patagong sumisilip sa pinto n~g kusina na wari'y nan~gin~gimbulo sa +kanyang pagbikas, at kanyang tinanong:</p> + +<p>—¿Maganda na ba ako?</p> + +<p>—Wala na pong maipipintas ang lalong pihikang +makamamasid,—ang may lakip na n~giting itinugon n~g +alila.</p> + +<p>—¿Kung ikaw ba'y lalaki ay mahahalina ka na sa +akin?</p> + +<p>—¡Patay na lamang po ang hindi tablan n~g +pagkahalina!</p> + +<p>At ikinasiya n~g mestisa ang m~ga patunay na narinig sa alilang +yaong babae ring paris niya.</p> + +<p>Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang +m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang +pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising +sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang +habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang +tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang +kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.</p> + +<p>—Kung dito po sa malapit sa ati'y walang mabibili +niyan,—ipinasubaling tugon n~g m~ga inuutusan.</p> + +<p>—Kahi't doon sa palengke'y sumaglit na kayo; at +magtagaltagal ma'y makapaghihintay na ako.</p> + +<p>At nawala noon din sa harap ni Elsa ang kanyang mababait na +alagad.</p> + +<p>Nang mapanaog ang m~ga alila ay wala na siyang sukat pan~gilagan +sa loob n~g bahay.</p> + +<p>Binuksan ni Elsa ang isang lagpas taong aparador na sikip na +sikip sa kanyang mahahalagang kasuutan. Kumuha n~g isang sayang +sutla; isinunod ang isang may burdang baro; saka ang panyong +nauukol na pangalampay. Inilaglag sa sahig ang nasa katawan. At +iyon ang inihalili. Lumakad. Lumin~gon sa likod. Lumin~gay. +Kumendeng ... At nagparaandaan sa harap n~g isang malaking salamin, +at binikasang maigi ang kanyang anyo. Bawa't lupi n~g panyo'y +iniayos na mabuti; bawa't lukot n~g baro ay main~gat na pinantay: +at ang mahabang buntot n~g saya ay boong husay na binitbit n~g +kamay na kaliwa.</p> + +<p>Datapwa't ... ¡ayaw niya niyon! Hindi iyon ang dapat +niyang ipasalubong kay Tirso. Kung kapagkaraka'y gayak na siya, +mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis.</p> + +<p>Naglabas na naman n~g iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang +pangbahay ang napiling kunin. At gaya n~g una, ay isaisang +inilaglag ang kasuutang nasa katawan. N~guni't hindi rin tumama sa +kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya't di na naman +ipinagpatuloy ang pagsusuot.</p> + +<p>¿Alin n~ga kaya ang kanyang marapat gamítin?</p> + +<p>Narinig niyang tinugtog n~g isang orasang nakasabit sa dingding +ang ikapito n~g gabi; at napadun~gaw siyang saglit sa bintana, gawa +n~g pagkainip, wari sa paghihintay sa kanyang tinipanang +makata.</p> + +<p>—Wala pa,—ang nasabi,—marahil ay +mahahatinggabihan n~g dating ni Tirso, yamang ang m~ga tao'y +nalalaang magpuyat n~gayon dahil sa pagsalubong sa bumubun~gad na +Bagong Taon.</p> + +<p>At pagalis sa durun~gawan ay napataas ang kanyang tin~gin sa +mukha n~g salaming kaharap. At kanyang nakitang sa boong hugis n~g +katawan niya ay walang nalalabing tagapagkubli n~g kahihiyaan liban +sa isang manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na +nakaluwa ay nagtatapos ang luwang sa may kalamnan n~g binting yari +mandin sa lalikan. Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi +inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang +binibigkas ang ganito:</p> + +<span style='margin-left: 1em;'>Sinungaling iyang tubig, kapag +hindi napilitang</span><br /> +maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang;<br /> +ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran<br /> +nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>Bulaan ang paroparong di maaakit sa +bulaklak.</span><br /> +pag ang ganda't kulay nito ay may tamis na kalangkap;<br /> +gamogamo'y hamak lamang, pag ang ilaw'y walang ningas,<br /> +datapwa't kung may sindi na'y bayani ring matatawag.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>May halamang gabigabi'y tikom nga +ang mga dahon.</span><br /> +parang taong natutulog na nahapo sa maghapon;<br /> +n~guni't tao't halaman ma'y nagigising, nagbabangon.<br /> +pag ang araw'y may sikat nang sa lahat na ay pagukol.<br /> + + +<p>Katiyap n~g panghuling alin~gawn~gaw n~g tulang itong bininigkas +sa sarili ay naulinigan n~g mestisa ang ilang sunodsunod na yabag +n~g m~ga paang mandi'y pumapanhik sa hagdan. Siya noo'y nabubun~gad +sa pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit n~g tin~gi'y +hindi mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. At +nakilala n~ga: ang makatang hinihintay na darating.</p> + +<p>—¡Ah!...</p> + +<p>—¡Oh!...</p> + +<p>Sa pagsasagupa n~g kanilang m~ga mata, dalaw at dadalawi'y kapwa +napatdahan n~g dila't tila nan~gapatulos sa kanikanyang +kinatatayuan....</p> + +<p>Inibig ni Elsa na tumakbong magtago o magtun~go sa may sisidlan +n~g damit, datapwa't ang kanyang m~ga paa'y hindi naian~gat sa +pagkakayapak sa ibabaw n~g tabla.</p> + +<p>Si Tirso nama'y nagtangkang manaog na walang paalam upang +makaiwas sa gayong napakatuksong pagkakataon. Subali't walang +anoano'y tinanggap n~g kanyang m~ga tayn~ga ang ganitong malambing +na tawag n~g birheng iyon na wari'y naghihimala sa harap niya:</p> + +<p>—¡Magtuloy ka, Tirso!</p> + +<p>At ang lalaki'y napalin~gon sa kabila. At ang babae, sa gayong +pagkakimi, ay madaling nakahalata. Kaya't sa nakakikiliting kilos +ay itinanong n~g boong lamyos:</p> + +<p>—¿May hinihintay ka bang kasama?</p> + +<p>At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling +inilantad ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, +n~guni't noon di'y waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't +ang m~ga ito ay mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na +siya namang ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing:</p> + +<p>—¿At ikaw ba ay napuwing?</p> + +<p>At ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na +buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya n~g di +mailarawang m~ga tibukin.</p> + +<p>Sinaksihan n~g m~ga namamalikmatang balintataw ni Tirso ang +banaybanay na pagan~gat at pagdipa n~g dalawang bisig ni Elsa, na, +nang m~ga unang sandali'y nagmistulang lawin na dadagit n~g sisiw, +datapwa't kaginsaginsa ay nagsalan~gaylan~gayang mandi'y +lumalan~goy sa gitna n~g alapaap.</p> + +<p>—Nagiisa ka yata ...—pautal halos na namitiw sa m~ga +labi n~g lalaki, pagkalipas n~g saglit na walang imikan.</p> + +<p>—¿At kung nagiisa man?—isinambot n~g +mestisang sinundan n~g isang hakbang na papalapit sa +kausap.—¿Nahahalayan ka bang makiharap sa akin n~g +sarilihan'?—idinugtong pang punongpuno n~g lambing.</p> + +<p>—Hindi naman, Elsa ...—tan~ging naitugong lipos n~g +pagkakimi n~g makatang pinaghaharian n~g kabaklahan.</p> + +<p>Mabilis na gaya n~g isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na +nagdaan sa papawirin n~g alaala ni Tirso ang larawang mistula n~g +kanyang kabiyak n~g dibdib na hindi niya matulusan kung saan +naroroon.</p> + +<p>—¡Teang! ...—ang naibulong na lamang sa +sarili.</p> + +<p>Datapwa, ang paglalatang n~g budhi n~g mestisa ay patuloy na +walang untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa +kanyang maaaring lakumin.</p> + +<p>—Halika sa loob, Tirso, kung hindi ka talagang +nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong +ayos,—anya.—Masok ka, at may m~ga kalugodlugod na +balita akong iuulat sa iyo.</p> + +<p>Pagkarinig sa gayong binigkas n~g dalaga, isang pagkahalinang +hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman n~g makata sa kaibuturan +n~g kanyang sumisikdong puso. Kaya't pigil halos ang paghin~gang +sumunod sa nais n~g magandang si Elsa.</p> + +<p>Dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'y tinatanuran n~g isang +nakapatun~gong salamin ang napili nilang pagtigisahan. At +pagkahilig sa tinurang likmuan ay si Elsa ang unang nagbukas n~g +pananalita.</p> + +<p>—¡Pinapagtataka mo akong lubha sa m~ga kilos na +iyong ipinamamalas sa akin!—ang wika.—Natatalastas kong +ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay +magpapakatapos sa m~ga tulain. Datapwa, sa di iilang pangyayari'y +napagkilala kong ikaw ay isa pa pala riyan sa m~ga kawal n~g +pagpapakunwari ... Gayon man, ay pakikibagayan din kita....</p> + +<p>—¡Elsa!</p> + +<p>—¿Na ikinahihiya mo ang ganito kong ayos na iyong +nataunan sa iyong pagdating? Magdadamit ako, kung gayon.</p> + +<p>Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang +magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong +kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... +Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. +¡Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw +n~g makata!</p> + +<p>—¿Di ba tayo pasasa Pandakan?—ang mayamaya'y +naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang +naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin.</p> + +<p>—Oo n~ga,—isinagot n~g mestisa,—n~guni't +mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa +Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga.</p> + +<p>—Kung gayon, ay tayo na.</p> + +<p>—Bago tayo lumakad ay ibig ko munang man~gako ka: +¿hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya n~g +iyong ginawa noong tayo'y nakaautong magtun~go sa Luneta?</p> + +<p>Hindi naikubli ni Tirso ang isang n~giting may lihim na +kahulugan, bago nakapakli.</p> + +<p>—Ibig kong ibalita sa iyo, Elsa,—anya,—na sa +m~ga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan +n~g "Club Filipino", at gaya n~g pagkaalam mo, ako ay kaanib sa +klub na iyan. Gayon ma'y wala ako sa sayawang iyon at n~gayo'y nasa +piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa +Pandakan. Sa pangyayaring ito, ay dapat nang mahulaan mo na kahi't +abutin tayo roon n~g umaga, ay nalalaan akong hindi magsasawa ni +lalayo sa iyong piling.</p> + +<p>—¿Diyata? ¿At sino ang kapareha mo?</p> + +<p>—¡Sino pa! Walang iba kundi ang aking mabait at +butihing kaibigang nagpahatid sa akin kanina n~g isang mahalagang +aginaldo, ang pinakatatan~ging mestisa na kausap ko n~gayon....</p> + +<p>—¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong +inihahatid sa alan~ganing kalagayan!...</p> + +<p>—¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan?</p> + +<p>—Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club +Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na +naganyaya....</p> + +<p>—Alalahanin mong may sulat ka sa akin tungkol sa sayawan +sa Pandakan; anyayahan kita sa klub ay sasabihin mo na lamang na +talagang binibigo ko ang iyong m~ga lakad.</p> + +<p>—Tirso, tila bumabait ka na n~gayon....</p> + +<p>—Mangyari'y nagaaral sa m~ga turo mo....</p> + +<p>Sa lihim na pitak n~g dibdib ni Elsa ay dumalaw noon ang ilang +tilamsik n~g liwayway na waring naghatid sa kanyang kaluluwa n~g +m~ga unang balita n~g isang kapalarang di maglalao't mapapakanya. +Nang sandaling iyon ay naitanong ni Elsa sa kanyang sarili kung +tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay +n~g ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya n~g una, +kundi papalapit na't magbibigay kasiyahan sa kanyang m~ga lihim na +pan~garap. Tiningnan niya si Tirso n~g isang tin~ging parang +nan~gun~gusap. At ang bilang naging tugon n~g makata:</p> + +<p>—¡Kay ganda mo, Elsa!</p> + +<p>Kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita n~g +mestisa na siya ay nakarinig na n~g gayong hayagang pagpuri n~g +makatang si Tirso, kundi nang gabing iyon. ¿Magdudulot na +n~ga kaya n~g masaganang ani ang m~ga pananim ni Elsang inaalagaan +sa pitak n~g kanyang dibdib?...</p> + +<p>—Maalaala ko pala,—ang mayamaya'y narinig kay +Tirso,—¿di ba't wika mo sa iyong sulat na ako'y +babalitaan mo n~g ilang bagay na mahalaga ukol sa aking kasaysayan, +kaya mo ninasang n~gayo'y maparito ako?</p> + +<p>—Oo n~ga,—ang amin n~g dalaga,—n~guni't +nagaalaala akong baka hindi mo na naman paniwalaan....</p> + +<p>—¿At bakit hindi? Huwag lamang bang hindi ikaw ang +magbabalita eh....</p> + +<p>—¡Nanuya ka na naman!</p> + +<p>—Sabihin mo na n~ga, Elsa.</p> + +<p>—Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan.</p> + +<p>—¡Ayoko!</p> + +<p>—¡Anhin ko kung ayaw ka! ¡Di mo matatamo ang +mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo!</p> + +<p>At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik.</p> + +<p>—¿May kinaalaman kay Teang?—itinanong na +agaran.</p> + +<p>—Hindi ako nagbibiro,—ang matatag na sambot n~g +mestisa.</p> + +<p>—¿Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon?</p> + +<p>—Sinasabi ko sa iyong mamaya na.</p> + +<p>—Kung gayo'y tayna sa Pandakan.</p> + +<p>—Subali't ... ayoko na yatang sa Pandakan tayo +magtun~go.</p> + +<p>—¿Ibig mo sa aming klub? Mabuti, kung magkagayon. +N~guni't lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang +sayawan sa gabing ito.</p> + +<p>—¿Sa klub at saka sa Pandakan pa?</p> + +<p>—Una muna sa "Club Filipino", saka kapag maghahatinggabi +na'y tumawid tayo sa Pandakan.</p> + +<p>Ikinatuwa n~g mestisa ang mungkahi n~g makata. At noon di'y +inilabas na ang kanyang mahahalagang hiyas, isinakatawan ang m~ga +ito, at pagkatapos ay isinuot ang kanyang bagong sapatos na kakulay +n~g ginto.</p> + +<p>Dumating ang m~ga alila na taglay ang m~ga ipinabili ni +Elsa.</p> + +<p>—Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang +Silveira,—ang manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa +kanyang kasama, pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili.</p> + +<p>—Kapag naghintay ay talagang may darating +...—itinugon namang lihim n~g pinagsabihan.</p> + +<p>At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g +mestisa ang loob n~g kabahayan.</p> + +<p>—Naito ang mansanas,—ang magiliw na alok ni Elsa sa +kanyang panauhin.</p> + +<p>—Nagpabili ka pa pala niyan,—ang nawika ni Tirso +pagkamalas sa ipinagaanyaya n~g mestisa.</p> + +<p>—Nagpabili ako nito, Tirso, at nais kong sa pamamagitan +nito ay mahulaan ko ang iyong m~ga niloloob....</p> + +<p>—¿Sa paanong paraan?</p> + +<p>—Kung mamasarapin mo ang m~ga <i>frutas</i> na ito, ay +ituturing kong mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; +datapwa't kung mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay +ko namang magpaunlak ka ma'y napipilitan lamang....</p> + +<p>—¡Mabuting panghuhula! At sa panghuhula mong iya'y +walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong +ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, +sapagka't kakanin ko n~g boong pananabik ang ... iyong +mansanas.</p> + +<p>Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso.</p> + +<p>Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa.</p> + +<p>—Natatandaan mo marahil na sa sulat ko'y nasasabing +magsasalo tayo sa gabing ito,—anya, samantalang tinatapos sa +bibig ang huling kagat n~g isang mansanas na kanyang +tinalupan.—Ang pagsasalong iya'y matutuloy; hindi n~ga lamang +dito kundi sa isa sa m~ga <i>hotel</i> o <i>restaurant</i> sa +Maynila, sapagka't hindi na napigil ang pagpapauna sa Pandakan +kanina pa n~g m~ga kapatid ko.</p> + +<p>—Tayna, kung gayon,—tan~ging naipulas sa bibig ni +Tirso.—May kalesang naghihintay sa atin sa daan.</p> + +<p>—¿Mayroon ba?</p> + +<p>—Óo.</p> + +<p>At pagkapagiwan n~g ilang tagubilin sa m~ga alila, ang mestisa't +ang makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim +n~g gabi....</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XVII" name='XVII'></a> +<h2>XVII</h2> + +<h2>¡ANG BUWISIT NA <i>NEGRO</i>!</h2> + +<br /> + + +<p>Ang kalesang sinasakyan ni Elsa at ni Tirso na isang <i>de +primerang</i> walang taglay na bilang sa likod at hila n~g isang +masipag na kastanyong ayaw manding madiktan n~g pamalo sa katawan, +ay sinusundan n~g dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa +tapat n~g gusali n~g "Germinal" at paakyat sa tulay n~g Ayala, nang +masalubong n~g isa pa ring kalesang kinalululanan naman n~g +dalawang lalaking sa wika ni Cervantes naguusap.</p> + +<p>Pagkalampas n~g sasakyan nina Tirso ay halos nagkasabay ang +pagulat na turing n~g dalawang lalaking kasalubong:</p> + +<p>—¡Si Silveira at ang mestisa!</p> + +<p>At kapwa hinabol n~g tanaw ang kanilang nakita.</p> + +<p>At ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto.</p> + +<p>—¿Nakilala ba ninyong mabuti? Dr. +Nicandro?—itinanong n~g nasa kanan sa kanyang kaagapay.</p> + +<p>—Kailan ma'y hindi ako pinagdadayaan n~g m~ga mata ko, G. +Martinez,—ang naging sagot n~g nasa kaliwa.</p> + +<p>—Sa pagkatin~gin ko man ay sila rin.</p> + +<p>—Kung gayo'y madali tayong magpihit at sila'y tultulan +natin.</p> + +<p>—Mabuti n~ga,—at sa isang tukoy sa tagapagpalakad +n~g sasakya'y sinabi:—Kutsero, <i>vuelta</i>.</p> + +<p>N~guni't ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi +kadaglidagling nakukuha sa m~ga pabiglabiglang ubos. Nagumurong pa +muna sa m~ga tabi n~g bakod na parang tumututol sa m~ga hampas na +tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik n~g lakad at muling +tumakbo.</p> + +<p>Nang makapihit ang sasakyan ni Dr. Nicandro at ni Martinez ay di +na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang +kina Tirso at Elsa. Gayon ma'y pinilit nilang magdagdag n~g bilis +ang mabilis nang takbo n~g kanilang kabayo, sa nais na mapalapit +din sa tatlong nagpapalusutan.</p> + +<p>—¡Palo, kaibigan!—ang utos pang +nagkakanggagahol ni Martinez sa kutsero.</p> + +<p>—¡Buwisit na kabayo!—ang payamot namang saad +ni Dr. Nicandro na sinasabayan pa n~g kamot n~g ulo.</p> + +<p>—¡Pagkabagalbagal!</p> + +<p>—Babayaran ka namin n~g <i>doble</i>, abutan lamang natin +ang isa sa tatlong kalesang iyon,—sinabi pa ni Martinez sa +kutsero.</p> + +<p>At ang kutsero, sa panghahawak sa karan~galan n~g pan~gun~gusap +n~g m~ga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang n~g +sunod sa bawa't sa kanya'y sabihin, samantalang ang likod n~g +kabayo'y siyang nag-uumasó halos sa malimit na lagpak n~g +pamalo.</p> + +<p>—¡Kaliwa!</p> + +<p>—¡Kanan!</p> + +<p>Ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina Martinez na +iisa na lamang ang kalesang kanilang nasusundan. At nagtibay sa +kanilang paniwala na iyon ang kinasasakyan n~ga n~g makata't n~g +mestisa. Ang iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na +nila mabakas.</p> + +<p>—¡Habol, at malapit na tayo!—ani Dr. +Nicandro.</p> + +<p>—¡Huwag na tayong hihiwalay sa sinusundang iyan +kahi't saan makarating!—ang wika naman n~g isa.</p> + +<p>Samantala, ang m~ga sanhing naguutos n~g gayong pagtultol n~g +dalawang lalaking magkasama sa lakad n~g sasakyan nina Elsa at +Tirso, ay mapagkikilala sa ganito nilang salitaan:</p> + +<p>—N~gayon tayo dapat maniwala sa kutob n~g ating +loob,—ang sabi n~g isa kay Martinez.</p> + +<p>—Siya n~ga po, Dr. Nicandro,—ang ayon n~g +kapiling.—at ito po'y hindi na kutob lamang n~g loob, kundi +isang katotohanan nang itinatalampak n~g m~ga pangyayari sa ating +m~ga mata.</p> + +<p>—Ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong +aking napagsapit,—ang wika pa n~g manggagamot habang +nagkukumamot halos ang kanilang kabayo.</p> + +<p>—¿Bakit po?</p> + +<p>—Sapagka't gayong sa "Club Nacionalista" ay may nahalata +na ako ay kung ano't hindi pa nagbago n~g loob sapul noon.</p> + +<p>—¿At matagal na rin bang nahahalina kayo sa +mestisang iyan?</p> + +<p>—Mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine +"Ideal". ¿Kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa +sa pagkakapalad sa nasabing mestisa?</p> + +<p>-¿Ako? ¡Oh, di ko na ibig alalahanin, doktor! Sukat +ang nalalaman na ninyong kapwa tayo sinawi n~g ating pagasa, at +wala na. Sa ganang aki'y wala na n~ga pong nalalabi kundi ang +masunduan ko n~gayon kung saan naroroon ang pugad na +pinagpapasasaan n~g aliw n~g dalawang ibong iyan....</p> + +<p>—¡Kundan~gan naman kasi'y nagpakahilam tayo sa +babaeng iyan! ¡Parang ipinagtatanong pa natin kung ano ang +mestisa!...</p> + +<p>—N~guni't kung ang babae po ay di ko +pinagn~gin~gitn~gitan; at ang kanyang pagpapahalaga sa iba ay +walang anoman sa akin na gaya rin n~g pagkawalang anoman n~g +pagkahalina ninyo sa kanya. ¿At di ba ninyo natatantong tayo +ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay n~g di mabilang na m~ga +lalaking paris natin na naaakit din ni Elsa sa minsang pagbabati o +sa isang pagkakatitigan kaya? At ang kilos na iyan ni Elsa ay +siyang talagang kilos na sarili n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Samakatwid ay kay Silveira kayo nagtatanim?</p> + +<p>—Paano po'y pinamuhunanan ko n~g magandang loob ang +lalaking iyan, saka ganito ang iginanti sa akin....</p> + +<p>—¡Ah, magkasama n~ga raw yata kayo sa "Philippine +Law School"!</p> + +<p>—Tangi po sa riya'y nakatukatulong din niya ako sa kanyang +m~ga lakad para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman.</p> + +<p>—¿At may nililigawan pa bang iba?</p> + +<p>—Di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na.</p> + +<p>—¿At saka n~gayo'y si Elsa Balboa naman ang +kasama?</p> + +<p>—¡Iyan po ang labis kong ipinagdurugo n~g puso!</p> + +<p>—Tunay n~ga palang ang <i>poeta</i> ay walang kabusugan, +walang hindi pinipintuho, walang hindi inaawitan n~g kanilang m~ga +tulain. ¡Paano ka n~ga ba sa m~ga taong iyan!</p> + +<p>—¡Pasasaan ba't hindi ako makagaganti!</p> + +<p>Pagsapit dito n~g salitaan n~g dalawa, ay namalas nilang ang +sinusunda't ayaw hiwalayang sasakyan ay biglang nagtigil sa isa sa +m~ga tagong lansan~gan sa Sampalok.</p> + +<p>—¡Aha, at dito pala!—ang sabi ni Martinez, +kasabay n~g pigil sa balikat n~g kutsero.</p> + +<p>-¡Nalalaman na natin n~gayon!—ang susog naman ni Dr. +Nicandro.—Kutsero, huwag tayong pakalapit at baka makita +nila.</p> + +<p>N~guni't ang kabayong nagn~gin~gitn~git mandi'y hindi napigil +n~g nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang n~g +kanilang kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni +Tirso at ni Elsa. Sa gayo'y kapwa walang maalamang gawin sa +pan~gun~gubli, dahil sa malaking pagaalaalang sila'y makikita n~g +makata at n~g mestisa, kung ang m~ga ito'y magsiibis sa sasakyan. +Datapwa't wala nang magagawa; nagkasubuan na. Maghintay na lamang +sa pagibis n~g dalawa. Ang dilim n~g gabi ay maaari na marahil na +maglin~gid sa kanila sa m~ga mata ni Tirso at ni Elsa.</p> + +<p>Nang m~ga sandaling hinihintay nina Martinez at Dr. Nicandro ang +panunod na pagpanaog sa sasakyan n~g mestisa't n~g makata, ay +siyang paglunsad sa malapit sa kanila n~g isang malaki't mabigat na +katawan n~g isang lalaking ang kulay n~g mukha ay nakikipan~gagaw +sa dilim n~g gabi.</p> + +<p>—¡Isang matabang negro!—ang naibulong na +punongpuno n~g mangha n~g kutsero sa dalawa niyang sakay.</p> + +<p>—¡Negro! ¡Negro n~ga!—ang hindi naman +magkantututong sambot n~g dalawa.</p> + +<p>At noon di'y namasdan nilang sila'y nilapita't kinikilala n~g +tinurang <i>negro</i>. At pagkalapit sa kanila'y tumanong:</p> + +<p>—<i>What are you doin, here, hombre? Por que sigue +conmigo</i>?</p> + +<p>Ang kutsero, sa kabiglaana't pagaakalang siya ang tinatanong, ay +halos mautal sa pagsagot n~g:</p> + +<p>—No gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre....</p> + +<p>Salamat sa ganitong nakatatawang tugon n~g kutserong +nahintakutan n~ga yata sa itim at laki n~g tinukoy na amerikano, si +Martinez at si Dr. Nicandro ay kapwa malamig ang loob na humin~gi +n~g nauukol na paumanhin matapos na ipaliwanag ang kanilang +pagkakamali. Ang amerikano'y anyong nagalinlan~gan pa sa m~ga +ipinahayag n~g dalawang magkasama, subali't dahil sa napaghalatang +sila'y m~ga tao ring may pinagaralan, alangalang sa kanilang +malinis at sanay na paggamit n~g inggles, saka sa mabuting ayos n~g +kanilang pananamit na di mahihintay sa m~ga may masasamang loob na +dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, ay nagkibit na lamang n~g +balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang bahay na nakaurong sa +daan.</p> + +<p>Gayon na lamang ang nangyaring tawanan n~g m~ga naliho n~g +kadiliman n~g gabi. At habang nililisan nila ang pook na yaon, ang +pagn~gin~gitn~git n~g loob ay pinararaan sa matunog na +halakhakan.</p> + +<p>—¿<i>Pero</i> wala ka bang nakitang isang babae't +isang lalaki sa m~ga nasalubong natin sa may tapat n~g +"Germinal"?—itinanong ni Martinez sa kutserong nagtututop n~g +tiyan sa di mapigil na tawa.</p> + +<p>—Mayroon n~ga po....</p> + +<p>—¿Ay saan nagtun~go?</p> + +<p>—Aywan po ba; ang boong asa ko'y talagang ang nasusundan +natin.</p> + +<p>At si Dr. Nicandro'y halos hindi makapagsalita sa pagiihit n~g +tawa.</p> + +<p>—¿Ano, G. Martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa +Pasay upang matiyak kung siya n~ga o hindi ang ating +nakita?—ang tanong makailang saglit.</p> + +<p>—Hindi na po kailan~gan,—ang tanggi n~g +tinukoy.—¿At di ba kayo naniniwalang talagang siya at +si Silveira ang nasalubong natin?</p> + +<p>—Naniniwala rin, n~guni't ¿nasaan sila? +¿Ano't isang matabang <i>negro</i> ang nakatun~go natin +pahinto n~g ating sasakyan?</p> + +<p>—¡Ang buwisit na <i>negro</i>!</p> + +<p>At sumunod na naman ang pagkakain~gay n~g tawanan.</p> + +<p>Sa mungkahi ni Martinez, ay minarapat n~g dalawang makikisig na +binatang kabilang sa, hanay n~g m~ga nabibighani n~g dilag ni Elsa +n~guni't di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang <i>bar</i> sa +Santa Cruz upang kung mangyayari'y lunurin ang malaking pagkabigong +kanilang kinamtan sa loob n~g ilang kopita n~g alinmang inuming +pumapaso sa lalamuna't dumadarang sa diwa. Anopa't dahil n~ga sa +kabiguang iyon at pagkapahiya pa sa harap n~g isang amerikanong +itim, ang pagkamanggagamot ni Dr. Nicandro ay walang nagawa kundi +makiayon sa gayong mungkahi n~g kasama.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Sinarili ni Martinez at ni Dr. Nicandro ang isang munting mesa +na nasa isang dulo n~g tindahang iyon n~g sarisaring alak, n~g sa +isipan nila'y walang namumugad kundi ang larawan ni Elsa at ni +Tirso na magkapiling n~g boong laya, sa loob n~g isang kalesang +aywan nila kung saan nagtun~go.</p> + +<p>Ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa +liwasang Goiti. At sapagka't nagkakilala sila sa sayawan sa "Club +Nacionalista" nang isang gabing kasama ni Martinez si Elsa, ang +ginawa n~g manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito n~g ang +mestisang sinabi ang tukoy n~g kanyang pakikipagusap.</p> + +<p>Sa pagniniig nilang iyon ay dili ang hindi sila nagkatapatan n~g +kanikanyang loob hinggil kay Elsa, at napagkaisahan n~ga tuloy na +sila'y magsadya kapwa sa Pasay, at magpasumalang maganyaya sa +mestisa sa pakikigalak sa Bagong Taong bumubun~gad,</p> + +<p>Si Martinez na sadyang may ugaling di makapagsarili n~g lihim, +at si Dr. Nicandro na masasabi namang halos mahibanghibang na sa +n~galan at larawan n~g mestisa, ay kapwa hindi gumamit noon n~g +pagkakaila at ang tuyo at lagay n~g isa ay ganap na sumakaalaman +n~g isa pa. Anopa't sa wakas n~g kanilang salitaang iyon ay +lubusang napagtalastas n~g isa't isa na sila ay kapwa nabibilang sa +m~ga lalaking gayong pinagpapakitaan n~g mabuting loob ni Elsa ay +kung ano't hindi naman magkamit n~g kanilang minimithimithi. At +kapwa sila umamin, lubha pa nitong masalubong n~ga nilang +kasarilihan ni Elsa sa dilim n~g gabi si Tirso, na ang m~ga lakad +n~g makatang ito ay talagang malayo na ang nararating na kung +pakahahabulin pa nila'y dili ang hindi mangyari ang sila'y +uyamuyamin at n~gisihan na lamang.</p> + +<p>—Wala na tayong nararapat gawin, G. Martinez, kundi ang +pawiin na sa ating alaala ang mestisang iyan, ang wika n~g +manggagamot nang maparaan sa lalamunan ang unang tungga n~g +nakalalasing na inumin.</p> + +<p>—¡Ah! Kung sa ganang akin n~ga ay walangwala na ang +lahat,—iniayon naman n~g pinagpayuhan.—N~guni't ang +hindi lamang yata karakarakang mapaparam sa gunita ko ay ang di +mabuting iginanti sa akin n~g lalaking pinautan~gan ko n~g +magandang kalooban: si Silveira. Ang ginawi n~g lalaking ito anhin +ko mang limii'y humihin~gi n~g nababagay na kapalit, n~g nauukol na +paghihiganti....</p> + +<p>—¡Hintay kayo!—biglang inihadlang ni Dr. +Nicandro sa pan~gun~gusap ni Martinez, at ang m~ga mata'y palihim +na itinudla't saka binawi sa dalawa pang lalaking nasa isang +mesitang di lubhang kalayuan sa kanila,—Sa may tinatalikuran +nati'y tila nauulinigan kong ang pinaguusapa'y dili iba't ang +pinaguusapan din natin. ¿Ibig ba ninyong makimatyag?</p> + +<p>Ang dalawa ay kapwa nanahimik at tinalasan n~g tayn~ga ang +sinasabi n~g nasa kanilang likuran na nang kanilang lin~guni'y +hindi naman namukhaan.</p> + +<p>At ang narinig nila:</p> + +<p>—¡Ganoon ang lalaki! ¡Nasusulit ang pagod! +Hindi paris mong sa pamamalakaya sa mestisang iyan ay panay na +"talo" at walang "panalo"....</p> + +<p>—Ang sabihin mo'y lalong mapalad siya kaysa akin. +¿At ano? Kung ako ang nasa katayuan ni Silveira, +¡hindi ko masabi kung saan na kami nakarating!</p> + +<p>—¿Ibig mo bang sabihi'y hindi mo magagawa ang paris +n~g ginagawa ni Silveira?</p> + +<p>—Ang sinasabi ko ay magagawa ko ang paris n~g iyong +hinahan~gaan sa kanya, kung ako ang nagkaroon n~g kapalarang +maghari sa kalooban at pagibig ni Elsa.</p> + +<p>—¡Ikaw pala! Sa salitaang nauukol sa babaeng +mestisa, ay di na kailan~gan ang paghahanap o paghihintay n~g +kapalaran. Ang pagkakapalad n~g isang gaya natin sa harap n~g +mestisa, ay di sa mestisa nanggagaling kundi sa atin din. Ang +mestisa ay hindi kagaya n~g ating m~ga babaeng ibig na'y ayaw pa. +Ang kaibang sangkap n~g dugo n~g isang paris ni Elsa ang nagbibigay +sa kanya n~g kaibhan sa wagas na pilipina. Kung sa bagay ay di ko +natatalos ang "hulo at luwasan" n~g m~ga lakad sa kanya ni +Silveira, n~guni't gayon ma'y hinuhulaan kong kung nagkapalad man +ang lalaking iyan ay sapagka't natutuhan niyang tugunan ang m~ga +lihim na han~garin n~g mestisa. Nalurok niyang si Elsa ay may +kaluluwa na laging nauuhaw sa hamog n~g kabataan, na ang puso'y +lahad na parati sa dilig n~g sarisaring aliw na idinudulot n~g +kamunduhan; si Silveira nama'y walang sinayang na pagkakataon, at +ang lahat n~g iyo'y kanyang inihahandog n~g ubos kaya<br /> +<span style='margin-left: 0.5em;'>... At kung kayo n~g makatang +iya'y may pagkakaiba, ay sa dakong iyan</span><br /> +kayo talagang nagkakalayo.</p> + +<p>—N~guni't si Elsa Balboa ay hindi paris n~g balanang +mestisa. Sa dinamidami n~g naaamuyan kong nan~gin~gibig sa kanya, +ay iisa lamang naman si Silveira na nakalalamang sa akin. Di siya +katulad n~g ibig mong ilarawan na may pusong tuwina'y may pitak sa +sangdaan mang pan~galan.</p> + +<p>—Kung bagaman ay sa dahilang hangga n~gayo'y nagiisa pa +rin si Silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak n~g dugo +ni Elsa. Subukin mong gawin ang m~ga "kasanayan" n~g makatang iyan, +at makikita mong ako'y hindi nagpapakalabis sa aking m~ga +hakahaka.</p> + +<p>—¡Aywan n~ga ba sa mestisang iyan!...</p> + +<p>—Paris n~gayon: ¿ano ang napanood natin? +Samantalang ikaw at ang tanang paris mong tutulogtulog ang +damdami't waring naglalaway sanhi sa pagkatin~gala sa isang +manggang nakabitin sa puno, si Silveira naman ay boong pagwawaging +nagdaan sa harap nati't kakawit-bisig ang mestisa na pumanhik sa +isang <i>hotel</i>....</p> + +<p>Pagkarinig nina Dr. Nicandro't Martinez sa dakong ito n~g +salitaan n~g dalawang lalaking hindi nakikilala, bagaman alan~gang +asalin n~g gaya nila ay kapwa sila nagtangkang makilahok sa gayong +paguusap, upang kung sakasakali'y kanilang matalos kung aling +<i>hotel</i> ang binanggit na iyon. Datapwa't hindi naman nangyari, +palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan n~g +tindahan ang m~ga lalaking kinaringgan n~g gayong salitaan.</p> + +<p>—¡Si Elsa at si Silveira sa <i>hotel</i> sa ganitong +oras! —ang pakagat-labing nasambit ni +Martinez.—¡Ah, talagang ang kapalaran ay kanila na!</p> + +<p>—Kaya dapat na tayong magpugay sa kanila,—ang wika +naman n~g manggagamot.</p> + +<p>—N~guni't kung hindi ang buwisit na <i>negro</i>, sana'y +hindi nila tayo napaglihuan.</p> + +<p>At ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin.</p> + +<p>Sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok n~g +kasaliwaan ay nagkaisang magpapauwi na kapwa n~g bahay at hindi na +tuloy makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat n~g +dako.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XVIII" name='XVIII'></a> +<h2>XVIII</h2> + +<h2>MGA PUSONG NAGLALAMAY</h2> + +<br /> + + +<p>—Kinakailangang gamitin ko na n~gayon ang lahat n~g +paraang aking magagamit sa ikapagwawagi n~g aking m~ga +adhika,—ang naibulong ni Elsa sa kanyang sarili samantalang +pinagmamasdan niya ang masasayang kilos ni Tirso nang sila ay +nagsasalo n~g boong lugod sa isa sa m~ga mesa n~g "Hotel de +Francia".</p> + +<p>At may katuwiran si Elsa upang magsaloob n~g ganyang balak. Ang +damdamin at palagay na kanyang nadadama sa bawa't kilos at +pan~gun~gusap n~g makata nang gabing iyon, ay talagang di na kagaya +n~g dating may lamig n~g yelo n~g pagkawalang pakiramdam, kundi may +init na n~g apoy n~g isang kaloobang pinapagaalimpuyo n~g lihim na +pagiimbot. Ang ginawang paghawak ni Tirso habang nasa kalesa sila +sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa n~g +bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi't anong sabihin; ang +pagpaparinig sa kanya noon n~g m~ga halimbawang may dalawang +kahulugan na kung minsa'y makakiliti at kung minsa'y makakalamkam; +at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya n~g sarisaring ulam +nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi't +pagkakaila ni Tirso nang banggitin niya't pakibalitaan si Teang; +ang lahat n~g ito ay m~ga pangyayaring mahigpit sa kailan~gan upang +siya, si Elsa, ay magkapaniwalang si Tirso ay dili ang hindi n~ga +natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay n~g kanyang +pagkamestisa.</p> + +<p>—At ang paraang dapat kong gamiti'y ang lunurin siya sa +galak, lasin~gin ang puso niya sa alak n~g aliw at kung +mangyayari'y suubin ang kaluluwa niya n~g kamanyang n~g ligaya, +hanggang sa pumaimbuyog sa lawak n~g pan~gan~garap ang kanyang +diwang kapatid n~g m~ga salamisim,—ang wika pa ni Elsa, +habang tanggap siya n~g tanggap sa bawa't putaheng sa kanya'y +idulot n~g makatang kapiling.</p> + +<p>Sinabayan muna n~g mestisa ang pagtagay n~g +<i>valdepeñas</i> ni Tirso bago muling ipinagpatuloy ang +lihim na pagduduklay sa sarili n~g ganito:</p> + +<p>—Ang ginawa n~g pari sa hihigan ni Teang na natutop ni +manang Magda sa tahanan ni tia Basilia ay mabuting ipaghintay ko na +muna n~g ibang pagkakataon para ibalita sa kanya sa ayos na +magalin~gin ko. Kung iyo'y n~gayon ko sasabihin, anomang +balatkayo'y hindi makagigitaw at ang dibdib niya'y papasuking +walang sala n~g malaking kalumbayan. Kung magkagayon ay +nan~gan~ganib akong maparam na nama't sukat ang ganitong kanyang +m~ga kilos at palagay na sa masid ko'y nan~gan~gako n~g aking +nalalapit na tagumpay....</p> + +<p>—Elsa,—ang sa malambing na tinig ay itinawag sa +kanya n~g makatang kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang +pagmumunimuni. —¿Nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob +n~g m~ga taong nakamamalas sa ganito nating anyo?...</p> + +<p>At ang tanong na iyo'y lalo pang nagparamdam n~g kasiglahan n~g +pagasa sa m~ga lamad n~g puso n~g dalaga at siyang nagpapula n~g +kanyang mukha sa sandaling iyon. Kaikailan man ay di siya +nakaririnig n~g gayong pan~gun~gusap na iniuukol sa kanya ni Tirso. +Subali't ¿ano ang marapat niyang itugon?</p> + +<p>—Hulaan mo n~ga, Elsa, ang iniisip n~gayon n~g m~ga taong +iyang nagtin~gintin~gin sa atin,—ang pan~giti pang saad n~g +makata, kasabay ang panakaw na pagpupukol n~g sulyap sa m~ga iba +pang taong nagpapasikip sa malaking <i>hotel</i> na iyon.</p> + +<p>—¿Hulaan ko?—ang sa di kawasa'y ipinakli n~g +mestisa,—Ang aking hula ay iniisip nilang sila'y nakakikita +n~g isang lalaki at isang babae na nagsasalo sa mesitang itong +ating pinaghaharapan....</p> + +<p>—¡Mabuting panghuhula! N~guni't hindi iyan ang ibig +kong marinig sa iyo....</p> + +<p>—¿At alin pa?</p> + +<p>—Nakakikita n~ga sila n~g isang babae't isang lalaki sa +mesitang ito; n~guni't ang kung ano ang kanilang ipinalalagay na +sanhi n~g ganitong pagsasalo ay siyang ibig kong hulaan mo.</p> + +<p>—¿Sanhi n~g pagsasalo? ¡Alin pa kung hindi +ang pagkain!</p> + +<p>—¡Kay pilyapilya mo!</p> + +<p>—¿At ano? ¿hindi ba tama ang aking hula?</p> + +<p>—Pagkain n~ga ... subali't ¿magano ang palagay nila +sa atin? Alalaong baga: ¿magkapatid o magkaibigan? +¿magkaibigan o magsinggiliw, ¿magsinggiliw o +magkaaway?</p> + +<p>—¡Magkaaway!...</p> + +<p>—¡Diyan ka natalo!</p> + +<p>—¿Ikaw: ano ang hula mo?</p> + +<p>—¿Ang hula ko? Ang hula ko'y ... itinuturing nilang +tayo ay dalawang pusong iisa ang tibukin....</p> + +<p>—¡Tirso!...</p> + +<p>—¿At ano? ¿Hindi?</p> + +<p>—Makikita mo't iiwan kita, kapag ganyan pagkapilyopilyo +mo....</p> + +<p>—¿Iiwan mo ako? ¿At kanino ka sasama?</p> + +<p>—¡Salbahe!</p> + +<p>—¿Kung kanino n~ga, eh?</p> + +<p>—¡Sa lelang mong panot!</p> + +<p>—¡Pilya!</p> + +<p>At biglang itinungga ni Tirso ang nalalabing laman n~g kopang +nasa harap niya. Pagkatapos ay nagmukhang malungkot, saka itinanong +sa mestisa:</p> + +<p>—¿Kung iiwan mo n~ga ako, Elsa, ay kanino ka +sasama?</p> + +<p>—¿Nahihibang ka ba, Tirso? ¿Ano ang +nangyayari sa iyo?</p> + +<p>—¿Malinaw ang aking pagiisip. Datapwa't nais ko +lamang na magkaroon na n~g wakas ang m~ga pagaalinlan~gan +ko....</p> + +<p>Sumikdo ang dibdib ni Elsa.</p> + +<p>—¿Pagaalinlan~gang paano?—kanyang +itinanong.—¡Sukat na n~ga, Tirso, iyang m~ga kaululan! +Limutin mo muna ang iyong pagkamakata....</p> + +<p>—¡Kaululan ... pagkamakata!...</p> + +<p>—Ako'y bantad na sa iyo....</p> + +<p>—¿Bantad na paano?</p> + +<p>—Na ako'y may labis nang pagkakilala na ikaw ay +nagsasalitang lumilipad sa malayo ang isip....</p> + +<p>—Iyan ang hindinghindi mo mapatutunayan.</p> + +<p>—Ako ay may pinagbabatayang m~ga pangyayari....</p> + +<p>—¿Pangyayaring ano?</p> + +<p>—Itigil mo na muna iyang kaululan, sabi eh ... Ang isipin +mo ay kung saan tayo nararapat dumalo pagkakain natin: o sa +Pandakan na o magdaan pa kaya sa inyong klub.</p> + +<p>—Sa klub muna namin.</p> + +<p>—Maging saan man ang tun~go nati'y dapat mong paggayakan +kung ano ang imamatuwid mo, sakaling makarating sa m~ga tayn~ga ni +Teang ang ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan n~g gabing +ito.</p> + +<p>—Si Teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung +saan siya naroroon sa m~ga oras na ito.</p> + +<p>—¿Wala na sa iyo? ¿Ay kapag naalaman mo kung +saan siya naroroon?</p> + +<p>—Magkagayon ma'y wala akong sukat na ikabahala.</p> + +<p>—¿Tunay?</p> + +<p>—¡Tunay na tunay!</p> + +<p>At ang mestisa ay nan~giti. At ang makata ay napatitig.</p> + +<p>—Sabihin mo n~ga, Elsa, kung saan naroon si +Teang.—ani Tirso mayamaya.</p> + +<p>—¿Sabihin ko sa iyo?—ang tanong n~g +dalaga.</p> + +<p>—Kahi't wala na siyang anoman sa aki'y ibig ko lamang +matalos ang kinadoroonan niya.</p> + +<p>—¡Talagang may pagmamalasakit!</p> + +<p>—Wala, Elsa....</p> + +<p>—Hamo't mayamaya, at kung hindi matuloy ay sa iba nang +araw.</p> + +<p>Nagkataon namang sa lalapit ang tagapaglingkod na may idinudulot +na malamig na sorbetes, bilang pangwakas na nasasaysay sa di +pangkaraniwang <i>menu</i> na inihandang pangbagong taon n~g "Hotel +de Francia."</p> + +<p>Nang sila ay manaog sa gusaling yaon, ay kasunod na nila ang +kung anoanong bulun~gan n~g m~ga taong mapagbigay n~g kahulugan sa +kahi't anong makitang kilusan n~g isang babae't isang lalaki na +gaya na n~ga n~g kina Tirso at Elsa.</p> + +<p>—¡Masama ang lagay n~g dalawang iyon!</p> + +<p>—Malamang na malayo ang abutin n~g kanilang m~ga +lakad....</p> + +<p>—Pagkakabisala'y may maipagsusulit silang masarap na ... +Bagong Taon n~gayon sa kanikanilang m~ga magulang.</p> + +<p>—¡Ang asal n~ga naman n~g kabataan sapanahong +ito!</p> + +<p>—¡Sa aba n~g m~ga ina at ama na naninibulos n~g +pagtitiwala sa kabaitan n~g anak!</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>At ang mestisa't ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha +na sa di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa Plaza Moraga +hanggang sa pasalapang na dulo n~g Escolta.</p> + +<p>Sa m~ga pook na sinabi, gaya n~g ginagawa sa taon-taon, nang +gabing iyo'y lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako +nagbuhat, m~ga taong paraparang kinababadhaan sa mukha n~g +kagalakang hindi masayod. Sa magkabilang bangketa at hanggang sa +gitna n~g lansan~gan ay salusalubong ang m~ga nagbibiruan n~g boong +tiwala. Naghihiyawang animo'y m~ga kawal na galing sa pinagwagihang +digma. May pinatutunog n~g ubos lakas na m~ga pakakak o tambol, +lata o anomang bagay na makatutulong sa kaingayan. Naghahagisan n~g +<i>confetti</i> hanggang sa man~gapuwing at man~gasamid. +Nagsisiluan n~g mahahabang <i>serpentina</i>. Lumalakad n~g +papasingpasing; umaanyo n~g katawatawa; nagpapahid sa mukha n~g +kung anoanong kulay; n~gumin~gisi, sumisigaw, humahalaklak ... +Anopa't kung ang Bathalang sinasamba n~g m~ga taga mundong ito ay +siyang tunay na Bathalang nakababatid n~g tanang ginagawa n~g +Kanyang m~ga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag n~g Kanyang +poot ang gayong pagdurumog n~g Kamaynilaan sa walang habas na +pagdiriwang bilang tanda raw n~g pasasalamat sa Kanya tuwing +sasapit ang paghahalili n~g m~ga taóng binibilang sa +kabuhayan n~g m~ga tao. At ang bayang ito ay di na sana Niya inibig +na ipadalaw na lagi sa sarisaring salot at kapan~ganyayaang gaya +n~g kolera, pagsasalat sa ani at pangdadayupay n~g m~ga +dayuhan....</p> + +<p>Subali, sa may napapala o wala man, sa natatalos o hindi ni +Bathala ang gayong inaasal, ang totoo'y mistulang ulol n~ga ang +lahat kapag gayong gabi na n~g pagsalubong sa Bagong Taon. Sa m~ga, +bahaybahay ay halos m~ga sanggol lamang na walang isip ang natitira +sa higaan. Babae't lalaki, lipas ma't nasa kapanahunan, ay dili ang +hindi nagbabata n~g puyat at nakakayag na magsadya sa Escolta at sa +pakikipaggiitan sa kapal n~g tao'y doon na naghihintay n~g +pagtugtog n~g ika-12 n~g hatinggabi. Pagsapit n~g oras na ito, ay +nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan n~g himpapawid +ang m~ga sipul n~g m~ga pagawaan at sasakyang dagat; ang m~ga +batin~gaw ay magsisiawit n~g ubos kaya mula sa kanikanilang +kinalalagyan sa m~ga taluktok n~g simbahan, hudyat na nagbabalita +sa lahat na bagong yugto na naman n~g panahon ang humahandog sa +buhay n~g tao.</p> + +<p>At si Elsa at si Tirso ay nagdaan pa n~ga muna sa Escolta na +kaparis n~g balana.</p> + +<p>Ang buhok n~g mestisa ay sinaliksik at ginusot n~g m~ga saboy +n~g <i>confetti</i>; ang m~ga tayn~ga ni Tirso ay nabin~gaw halos +sa itinututok na sigaw n~g m~ga tambuli, at sila kapwa, bagaman +magkakawit n~g bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata n~g di +gagaanong pagkalukot n~g damit at pagkalupiras halos n~g boong +katawan ... Gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad n~g +madlang nakasalamuha nila. At kung hindi lamang totohanan nang wala +silang daan upang masilip man lamang ang sayawang ginagawa sa +binilogbilog n~g liwasang Moraga, disi'y nalimutan na nila ang +pagsasadya sa Pandakan, matapos na magpalipas n~g m~ga lima o +sampung tugtugin sa sayawan sa balitang klub sa Avenida Rizal.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Ibinabalita na n~gang kasalukuyan n~g m~ga sipul n~g pagawaan +n~g yelo n~g pamahalaan at n~g m~ga sasakyang nalilimpi sa +palibidlibid n~g ilog Pasig ang maluwalhating pagpasok n~g taong +1916, nang si Elsa at si Tirso ay magkakawit ang m~ga palad na +sumasakay sa isang munting bangka na, animo'y maitim na kabaong na +lumulutang sa ibabaw n~g mahinhing agos n~g ilog sa may Nagtaha na +ang tubig noo'y nakikikulay sa kadiliman.</p> + +<p>—¡Elsa, lumigaya ka nawa sa Bagong Taong ito!</p> + +<p>—¡Tirso, maging mapalad ka sana sa m~ga pan~garap +mo!</p> + +<p>Dinatnan n~g dalawa ang isang lalaking may kagulan~gan na, na sa +anyo at pagbabansag ay napagkilala nilang siyang tagapagpalakad n~g +tinurang sasakyan. Ayon sa pahayag n~g lalaking iyon, ang bangka +niya ay isa sa labingdalawang bangkang sadyang inilaan n~g +maypiging sa Pandakan upang ipaglingkod na talaga sa tanang +dumating na panauhin. At ang ganyang pahayag ay pinatitibayan naman +n~g m~ga napapansin n~g magkasama na m~ga palamuting palaspas n~g +niyog, maliliit na watawat at m~ga parol hapóng walang +sindi, saka tanikalang papel na nagsalabat sa lahat n~g panig n~g +nasabing bangka.</p> + +<p>Narinig ni Tirso na painong itinanong ni Elsa sa matanda:</p> + +<p>—¿Bakit po wala kayong ilaw?</p> + +<p>At ang naging sagot n~g pinagtanun~gan:</p> + +<p>—Kanina pong maagaaga pa'y mayroon, n~guni't pawang +nan~gamatay sa hihip n~g han~gin.</p> + +<p>Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa +dahil sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang +nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari +sa kaibuturan n~g puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g +tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling.</p> + +<p>—¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang +ilaw?—anya.</p> + +<p>—¿Nadidimlan ka ba sa piling ko?</p> + +<p>Si Elsa'y biglang nakaramdam n~g kaba n~g dibdib. ¿Ano na +kaya ang ibig sabihin n~g gayong pagtatanong?...</p> + +<p>—Sabihin mo, Elsa,—ang wika na namang narinig sa +lalaki,—¿natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa +laot n~g kadiliman at sa loob n~g isang bangkang paris nito na tila +duyang inuugoy sa ibabaw n~g tubig?</p> + +<p>At ang mestisa ay nangliliit manding sumagot n~g bahagyang:</p> + +<p>—Hindi naman, Tirso....</p> + +<p>—Kung hindi, ay ¿bakit mo pa pinapansin ang kawalan +n~g ilaw?</p> + +<p>—Mangyari ay madilim.</p> + +<p>—Tayo, Elsa, ang hindi ko malaaman kung kailan pa +mangyayaring magkaisa n~g iniisip at dinaramdam....</p> + +<p>—¿At hindi ba totoong madilim?</p> + +<p>—¡Aywan n~ga ba sa iyo! Sa ganang akin, kahi't +natuturang madilim na ganyan ang gabi,—kung ganitong kasama +kita, kasarilihan sa laot n~g katahimikan at lin~gid sa mata n~g +m~ga makasalanang tao, ay ... kalabisan na lamang ang liwanag n~g +iba pang ilaw.</p> + +<p>Mistulang nasusian ang bibig ni Elsa. Kaikailan man sa malimit +na pagtitiwala niya n~g kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni +Tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan n~g takot sa +makatang ito.</p> + +<p>Kinusa niya ang pagliham kay Tirso upang ito ang kanyang +makasama sa pagdalo sa Pandakan, pagkapalibhasa'y hinahan~gad +niyang pataban~gin ang loob n~g nasabing makata sa pagkababae ni +Teang sa bisa n~g ibabalita niyang "himala ni pari Casio" na +napatanghal sa bahay n~g kanyang ale: at ang pagtabang n~g loob ay +kanyang hinahan~gad, upang mapapagiba niya n~g hilig ang m~ga +pan~garap n~g makatang iyan, matutong umunawa sa masisidhing pitlag +n~g kanyang puso, at kung mayayari'y matuto ring magpahalaga't +tumugon n~g nararapat sa lihim na pita n~g kanyang kaluluwa. Ang +ganitong tun~guhin ay siyang namumugad sa kanyang isipan, kung +kaya't nang mapanhikan ni Tirsong siya'y nakasuot pangloob lamang +ay hindi na siya nagkubli. Ito rin ang nagatas sa kanyang +matiwalang pagsalo sa makatang iyan sa <i>hotel</i>. At siya rin +namang nagbigay sa kanya n~g balak na kung maaari'y lunurin na niya +noon sa alak n~g aliw ang boong pagkalalaki n~g tinurang makata +upanding magkamit na lamang n~g kasiyahan ang kanyang m~ga +hinahan~gad. Subali't n~gayong ang kanyang pain ay tila hihigitin +na, at ang ibong pagkailapilap ay waring darapo na rin sa iniuumang +niyang bitag, ay aywan ba niya't kung bakit siya na rin ang +nagkagayong nasindakan n~g loob, napatdahan n~g dila at +pinanglamigan n~g boong katawan. Higit kailan man ay noon pa lamang +naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring +katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag +nalalapit sa matigas na bakal....</p> + +<p>—¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama?—ang +naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g +bangka.</p> + +<p>—Malayolayo pa rin po,—itinugon n~g matandang +nakapatag n~g upo sa isang dulo n~g sasakyan at walang tahan n~g +kasasagwan.</p> + +<p>At si Tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na +salita:</p> + +<p>—¿Ikinaiinip mo na ba, Elsa, itong pamamangka +natin?</p> + +<p>At ang mestisa'y pumakli:</p> + +<p>—Baka ako'y pinakahihintay na n~g aking kapatid....</p> + +<p>—Sinasabi ko na n~ga ba't talagang nagkakalayo tayong lagi +n~g pagaakala!—pabuntonghinin~ga pang saad n~g makata. Saka +idinugtong:—Samantalang ang ibig mo ay agad tayong makaahon +sa pampang, di ko na lamang naman anhi'y huwag nang matapos ang +pamamangka nating ito....</p> + +<p>—Tirso, di ko pala dapat paniwalaan ang sinabi mo kanina +nang tayo'y nasa bahay pa....</p> + +<p>—¿Alin iyon?</p> + +<p>—Yaong winika mong kahi't abutin tayo n~g umaga sa +pakikipagsayaw sa Pandakan, ay natatalaga ka ring makikipagtagalan +at di magsasawa. ¿Alin pang sayawan ang tinukoy mong kahi't +abutin n~g umaga, kung ganyang nasa pamamangka palang ganito ang +iyong loob?</p> + +<p>—Nasabi ko iyon sa kahulugang saan man tayo makarating at +saan man tayo maparoon ay natatalaga akong umagahin sa iyong piling +... At sapagka't dito man sa bangka ay nasa piling mo rin ako, kaya +baga aking pinanghihinayan~gan ang madaling ikatatapos n~g ating +pamamangkang ito.</p> + +<p>—N~guni't sayawan at hindi pamamangka ang ating +ipinarito....</p> + +<p>—Sa ganang aki'y iisa ang katuturan niyan, kailan pa ma't +tayo rin ang magkapiling, ang magkapareha, ang magkaakbay ... At +kung ako'y pamimiliin mo kung alin sa pagsasayaw at sa pamamangka +ang aking ibig, ay masasabi ko sa iyo n~g boong pagtatapat na ibig +ko na ang ganitong pagsasarili natin sa ibabaw n~g payapang tubig +kaysa magtun~go pa sa maalin~gasn~gas na sayawan.</p> + +<p>Hindi na maalaman n~g babae kung ano ang kanyang isasagot.</p> + +<p>Ang himig n~g m~ga katagang iyan, na bagama't marahang +ibinubulong sa kanya'y naririnig naman n~g boong linaw hanggang sa +liblib na liha n~g kanyang puso, ay labis na nakababalisa sa +kaluluwa niya at nagdudulot sa kanyang diwa n~g di mapaglabanang +pan~gamba.</p> + +<p>Nang ang makatang yao'y anyong nagbibin~gibin~gihan sa m~ga +silakbo n~g kanyang naglalatang na damdamin, marahil ang m~ga +katagang iyan at hindi iba ang pinananabikan niyang marinig. +N~guni't ngayong ang m~ga iya'y boong lambing nang umaalin~gawn~gaw +sa kanyang m~ga pangulinig, nanggagaling sa m~ga labing hirati sa +pag-awit n~g mapapanglaw na hibik n~g puso't taghoy n~g kaluluwa, +n~gayon n~ga, ang pagkababae niya ay kung ano't parang tinatawag +n~g kapan~ganyayaang sukat ikabalino n~g lalong matining na +kalooban.</p> + +<p>Nagunita ni Elsa na ang lalaking yaon na kinahahabilinan noon +n~g boo niyang puri ay may kinabibighaniang ibang alindog: si +Teang. At ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa +harap n~g naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla n~g mukha't +ipangrimarim n~g budhi, ay hindi pa niya nagaganap. ¿Hindi +kaya isang marun~gis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay +Tirso upang gumamit n~g gayong m~ga bigkasin at kilos na lubhang +nakababahala sa kanyang pagkadalaga?...</p> + +<p>Tila ang m~ga napagdaranasan ay nagtuturo kay Elsa na ang +pagiin~gat kailan ma'y hindi kalabisan, at ang malabis na +pagtitiwala sa lalaki kung minsa'y maaaring magbudlong sa babaeng +gaya niya sa ban~gin n~g pagkapariwara....</p> + +<p>—¿Ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing +pinamangkaan daw yata ni Balagtas at n~g kanyang Selia?—ang +narinig na naman ni Elsa na itinatanong ni Tirso na nakapalin~gon +sa matanda.</p> + +<p>—Hindi po,—ang naging sagot,—tila po ang +nababanggit sa "Florante at Laura" ay ang m~ga ilog n~g Kahilom at +Beata.</p> + +<p>—¿Malayo po ba tayo n~gayon sa m~ga ilog na +iyon?—ang usisa pa ni Tirso.</p> + +<p>—Sa Beata po ay malapit na, n~guni't ang Kahilom ay may +kalayuan pa.</p> + +<p>At ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong n~g makata.</p> + +<p>—Elsa,—anya,—¿nalalaman mo ba kung +bakit pinakikibalitaan ko ang m~ga ilog na nilakbay n~g Hari n~g +m~ga, Makatang Tagalog?</p> + +<p>—¿Bakit n~ga?</p> + +<p>—Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung +tayo ay nasa alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at +... ikaw naman ang aking Selia.</p> + +<p>—N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay +¿nasasabi bang siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia?</p> + +<p>—Hindi.</p> + +<p>—Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay +na ikaw ay si Balagtas.</p> + +<p>—¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang +kinakaulayaw ko sa sandaling ito?</p> + +<p>—Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang +paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan +tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong +halimbawa....</p> + +<p>—¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na +salat na salat sa katotohanan! Si Teang ay malayo na, +nagpakalayolayo upang patibayan ang wika ko sa iyo na ang +pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at sa kalaliman n~g +hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang tan~ging +pinaghihin~gahan n~g lalong dalisay kong damdamin. ¿May iba +pa kayang Selia ang makata sa sandaling ito, Elsa, liban sa +iyo?</p> + +<p>Minsan pang natigilan ang mestisa. Nagaagawan sa kanyang +panimdim ang pagibig at pan~gamba. Iniibig niya si Tirso; n~guni't +sa dahilang di niya hinihintay na magkakaroon n~g gayong +pagtuturing ang makatang ito sa gabing iyon n~g kanilang +paglalamay, ay nan~gan~gamba naman siyang baka iyo'y kung ano nang +babala n~g kanyang kapariwaraan.</p> + +<p>Salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay +ginambala n~g mahinang salita n~g matandang tagapagpalakad n~g +bangka.</p> + +<p>—Sadsad na po tayo.</p> + +<p>At siya n~ga naman. Nang lin~gunin ni Elsa't ni Tirso ang dakong +dulo n~g bangka, ay naanag-agan nilang isang dangkal na lamang +halos ang layo sa lunsarang pampang.</p> + +<p>Sa gayo'y maluwag nang nakahin~ga ang dalaga.</p> + +<p>Ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw n~g isang +malalim na buntonghinin~ga.</p> + +<p>—Pandakan na po,—ang saad n~g matanda;—at ang +bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong +patutun~guhan.</p> + +<p>—Marami pong salamat,—ang nagkapanabay na sambot n~g +magkasama.</p> + +<p>Mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumi~gaw:</p> + +<p>—¿Elsa?</p> + +<p>At ang tinig ay nakilala n~g mestisa: sa kanyang kapatid.</p> + +<p>—Oo, ako n~ga,—itinugong kakabakaba ang dibdib sa +pagdadalang takot.</p> + +<p>At ang tumawag ay napaharap noon din sa dalawa.</p> + +<p>—¿Sino ang kasama mo?—ang may katigasan pang +tanong n~g sumalubong.</p> + +<p>—Si ... Tirso,—ang sagot n~g dalaga.</p> + +<p>—Ako,—ang pakilala naman n~g makata.</p> + +<p>At, noon din ay samasamang lumakad ang tatlo n~g ang sinoman sa +kanila'y hindi nagbibitiw n~g kahi't isang salita....</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XIX" name='XIX'></a> +<h2>XIX</h2> + +<h2>PAGIBIG AT DALAMHATI</h2> + +<br /> + + +<p>Malungkot si Elsa.</p> + +<p>Ang mukha niyang datidati'y pinaaaliwalas n~g nagtatamisang +n~giti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang +hapong yao'y pinapan~gulimlim n~g isang kalumbayang tinutugunan sa +puso n~g mapapait na tibukin. Ang m~ga balintataw niyang may kislap +n~g tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang +liwanag sa sun~git n~g kapighatian.</p> + +<p>At ang sanhi n~g lahat ay mapagkikilala sa isinasaysay n~g +kalatas na itong kanyang sinusulat sa gayong pagiisa sa loob n~g +kanyang tahimik na silid:</p> + +<p>"Pasay, Enero I, 1916."</p> + +<p>"TIRSO:"</p> + +<p>"Aywan kung nahulaan mo ang tunay na kahulugan n~g m~ga kilos na +ating napuna sa kapatid ko kagabing tayo'y magkaakbay na umahon sa +Pandakan, N~guni't ang totoo, ay tinanggap ko sa kanya, oras na +pagkauwi namin n~g bahay at pagkatalikod mo, ang di maulatang galit +na kanyang ibinabaw sa akin dahil sa pagkabalam n~g ating dating sa +bayang sinabi."</p> + +<p>"¡Oh, gayon na lamang ang iyak ko!"</p> + +<p>"Kung hindi pa ako nakalasap n~g di gagaanong mabuting +pagtin~gin at pagpapalayaw n~g kapatid kong ito, marahil ay di ko +pa pakadaramdamin ang ganitong poot niya sa akin ... +¡Pagkahiraphirap n~ga n~g ganitong napagsapit ko!"</p> + +<p>"At sapagka't kung tutuusi'y ikaw lamang, Tirso, ang tan~ging +pinagbuhatan n~g lahat n~g ito, ay itulot mong sa iyo ko rin +tan~ging isiwalat ang binabata kong hirap, upang kung tunay na +nagbubuhat sa ubod n~g iyong mahabaging puso ang m~ga pamimigkas na +iyong ipinasinaya sa akin kagabi, ay matapunan mo ako mula riyan sa +iyong katiwasayan hanggang dini sa laot n~g walang kahulilip na +pagluha, n~g iyong mapagkandiling paglin~gap...."</p> + +<p>"Lin~gapin mo n~ga, Tirso, ang ganitong kalagayan kong +napagsapit alangalang sa iyo ... Alangalang sa iyo sapagka't ang +pagiisa kong kasama mo nang tayo'y mainip na salubun~gin n~g +kapatid ko sa lunsaran sa Pandakan ay siyang pinagmulan n~g lahat +niyang pagkagalit sa akin."</p> + +<p>"Dapat kong ipagtapat, Tirso, na nakagawa n~ga ako n~g malaking +pagkakasala. Nang sila n~g hipag ko ay bago magtun~go sa bayang +nasabi ay hiniling ko sa kanilang ako'y iwan na at may katipanan +lamang na ilang kaibigan dalaga na sa gabi na darating doon. +Naniwala sila. At pinakahintay n~gang darating ako sa Pandakan n~g +ang kasama'y m~ga babae ring paris ko. Datapwa't nagdatin~gan daw +roong sunodsunod ang madlang pananuhin at ang tanang kakilala +namin, anino ko man anya'y hindi nila makita at sinoman sa m~ga +yao'y walang makapagsabi kung ako'y saan naroon at kung darating pa +o hindi na."</p> + +<p>"May palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko +pagsipot n~g kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na +lalo sa kainipan at kung anoanong sapantaha n~g aking kapatid. +Bakit ay mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya n~g mata't +nagtila kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, n~guni't +ang kung bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod +liripin."</p> + +<p>"Laban sa dating lubusang pagtitiwala niya sa aking pinagaralan, +ay itinanong sa akin n~g kapatid ko, sa ayos na kapitapitagan at +nakapangyayari, kung ano ang di sasalang sinasapantaha n~g balanang +nakabatid sa gayong ating ginawa, na anopa't para bang inilagay sa +alinlan~gan ang kalinisan n~g pagkababae ko buhat sa gabing +iyon...."</p> + +<p>"Tinunton at pinanghinayan~gan ang m~ga pagpapalayaw na kanyang +ipina-utang sa akin, at sa paniwala raw niya'y labis ang aking +napagaralan upang mapagtalastas ko ang pan~git at kapuripuri, ang +masama at mabuti. N~guni't ang ginawa ko raw na iyon ay dapat +lamang umanong hintin sa m~ga babaeng talipandas, halaghag at +walang pinagpapakundan~ganang pan~galan sa harap n~g +Kapisanan."</p> + +<p>"Bakit ang isa pa ay kulang na lamang ang ako'y itulak sa +hagdanan upang masabing ako ay itinataboy. At halos tiyakin na sa +aking ikinahahalay na n~g kanyang pan~galan ang pananatili ko sa +lilim n~g tahanang ito...."</p> + +<p>"Ang lalong masakit nito ay ang ginawa niyang walang pigil na +pagsasalita sa akin sa naririnig n~g aking hipag, n~g hipag kong +matagaltagal na ring may hinalang lihim sa ating m~ga palagayan. +Limpaklimpak daw na kahihiyaan ang itinapon ko sa harap n~g m~ga +taong dumalo sa Pandakan...."</p> + +<p>"Ako ay ipinagtanggol na mabuti in Dioni, n~g mabait at +mapagmahal na hipag ko: datapwa't ang pamamagitan niya't malulubay +na paliwanag ay nagparang tubig lamang na nabuhos sa buslong butas. +Ang kagalitan n~ga n~g kapatid ko ay di nakarinig sa m~ga katuwiran +n~g sinoman sa aming dalawang babae...."</p> + +<p>"Sa lahat n~g ito, Tirso, ay lubos na lubos ang kanyang paniwala +na ako ay nagpain n~g puri sa iyo at ... pinagsamantalahan mo +naman. Nang magmatuwid ako, ay sinabi pang kung talaga raw na +nakapananagutan ako sa aking ginagawa ay makita niya kung paano ang +gagawin kong pagbaban~gon sa aming pan~galang inilagpak ko kagabi +sa lusak n~g dilang kapulaan."</p> + +<p>"N~gayon, Tirso, ay nasa iyo ang karapatan sa pagpapasya. +Kapagkarakang magkakilala tayo ay di ko na pinagalinlan~ganan ang +busilak mong budhi at gintong kalooban. At kung tunay na +nagsipamuhatan sa guwang n~g iyong dibdib ang m~ga kataga mong +ipinasinaya sa akin magmula sa bahay, pati sa kalesa, sa +<i>hotel</i> at hanggang sa bangka ... at kung hindi pagsasamantala +lamang ang ginawa mong malimit na pagpisil sa m~ga kamay ko ... ay +panahon nan~ga n~g ayong marapat kang mapukaw, mahabag at matutong +human~go sa akin sa kinasadlakan kong kahihiyaan. ¡Ah, Tirso! +Tahasang sinasabi ko na di ako maaaring mamalagi sa ganitong buhay +na pinaghatdan mo sa akin...."</p> + +<p>"Inuulit kong ikaw n~ga, Tirso, ang sanhi at kadahilanan n~g +lahat na ito. Kung hindi sa malaking pagtitiwala ko sa kabayanihan +n~g puso mo,—bakit ba't di ko pa ipagtatapat, ay sa ako'y +sadyang kalaban n~g pagpapakunwari,—ay hindi sana ako +bumalangkas n~g kasinun~galin~gan sa harap n~g kapatid ko't hipag, +at disi'y di ka naman nagkaroon n~g maliligayang sandali sa +pan~gan~garap n~g gising sa piling ko kagabi...."</p> + +<p>"Kung sa bagay, ay di n~ga kaila sa iyo ang aking pagkamestisa. +N~guni't hindi maikakait n~g sinoman na sa m~ga ugat ko'y tumatakbo +rin naman ang dugong pilipino. Ang pagkakaroon ko n~g kahi't +gapatak n~g dugong ito ay sapat upang angkinin ko rin ang likas na +ugali n~g babaeng pilipina, na kung ganitong napapan~gat na sa +kapulaa't nagiging sanhi n~g m~ga pan~git na sabisabi, ay gumagamit +n~g karapatan sa paghanap n~g katubusan sa kamay n~g lalaking puno +at dahil n~g ganitong kinahinatnan."</p> + +<p>"Ako n~ga, Tirso, ay binawian n~gayon n~g pagmamahal n~g bugtong +kong kapatid, at anya'y ipinalalagay na n~g madlang taong +nagtitipon sa Pandaka't nakahiging sa pangyayaring iyon, na ako raw +ay isa na lamang alibughang walang puri, samantalang hindi mo +inilalawit ang aking kaligtasan...."</p> + +<p>"Dumudulog n~ga sa iyo n~gayon, Tirso, ang abang babaeng sinundo +mo sa kanyang tahanan, iyong iniangkas sa kalesa, kinasalo mo n~g +boong lugod sa <i>hotel</i> at katalamitam mo't tan~ging kaakbay sa +pakikigiit sa kapal n~g tao sa Escolta, kaparepareha mo sa sayawan +sa inyong klub at sa wakas ay kapilingpiling mo n~g boong laya sa +pamamangka sa ilog sa Pandakan...."</p> + +<p>"Ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si Balagtas at ako ang +iyong Selia. Ipinagunita ko naman sa iyo ang n~galan ni Teang, n~g +babaeng hinan~gaan mo sa simbahan Datapwa't walang gayon ang ginawa +mong pagpapatibay na ... ako na lamang ang tan~ging laman n~g iyong +dibdib at kaaliwan n~g iyong puso. At n~gayong nanghahawak ako sa +gayong m~ga winika mo, ay ¿babayaan mo kaya ako, mabait na +makatang nagsuob at gumising sa puso ko n~g m~ga tulain sa +buhay?..."</p> + +<p>"Sa ano't paano man ang kapasyahan mo, ay ipinamamanhik ko sa +iyong sagutin mo lamang ang napalawig na liham na ito, +kapagkarakang mabasa mo na, upang sa ganya'y mapagtalastas ko kung +ako ay totohanan na n~gang sawi sa mata n~g Kapisanan, at kung ikaw +nama'y sadyang may maran~gal na budhing tan~gi at ibangiba sa +karamihan n~g m~ga lalaking paris mo."</p> + +<p>"¿Di mo kaya ako hahabagin?"</p> + +<p>"Salamat kung gayon...."</p> + +<p>"Naghihintay n~g boong lungkot,"</p> + +<p>"ELSA BALBOA."</p> + +<p>Matapos lagdaan n~g nan~gin~ginig na m~ga kamay n~g mestisa ang +mahabang kalatas na ito, ay minsan pang ibinaling sa dakong puno +ang kanyang m~ga namumugtong mata at muli pang pinaraanan n~g +masiyasip na pagbasa, bago nagbitiw n~g isang pahimutok na +buntonghinin~gang kinalalangkapan n~g di masukatang sukal n~g +loob.</p> + +<p>—Nahahabilin sa sulat na ito ang lahat kong +pagasa,—ang nanghihin~gapos niyang wika, kapag nabigo pa ako +rito ay tapos na sa akin ang lahat....</p> + +<p>Kapagkuwa'y naglabas n~g isang munting sobre, ito ay sinulatan, +tuloy diniktan n~g nauukol na selyo, at noon di'y tumawag n~g isang +utusan upang ipahulog sa koreo ang kanyang ginawa.</p> + +<p>Ang kanyang kapatid na katatapos pagsikpan n~g dibdib dahil sa +sasal n~g poot, ay nanaog umagangumaga pa n~g araw na iyon at ayon +sa iniwang sabi'y sa palaisdaan na niya sa Malabon magpaparaan n~g +pananghalian. Si Dioni namang may likas na mababang luha na +madaling dumadamay sa sinomong dinaratnan n~g ligalig sa buhay, ay +maghapong halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong +maitatagal kung makarating sa kanyang m~ga pangulinig at mamalas +n~g kanyang m~ga panin~gin ang tinan~gistan~gis n~g kanyang +magandang hipag.</p> + +<p>Mahigit sa kailan~gang panahon n~ga ang nagamit ni Elsa sa +pagsisiwalat n~g tanang dalamhati n~g kaluluwa niya sa kalatas na +kanyang ipinadala kay Tirso.</p> + +<p>N~guni, sa halip na kilalaning paggalang sa kalubhaan n~g m~ga +sandaling tinatawid niya ang katuturan n~g di pan~gan~gahas ni +Dioni na gumambala sa kanyang kusang pagtatago sa silid, na siyang +tan~ging tunay na ibig sabihin n~g ginawa n~g hipag niyang ito, ay +ipinalagay ni Elsa na marahil ay nasusuklam na n~ga sa kanya pati +ni Dioning sa una't una pa'y pinakamahal na niya't itinuring na +katapatang lihim na walang kasingbait. At dahil sa ganitong +pagpapalagay ay lalo nang-naputos n~g luksa ang kanyang puso at +lalo nang naganyong libin~gan ang tanang namamalas n~g kanyang +luhaluhaang m~ga balintataw....</p> + +<p>Sa laki n~g hinanakit sa kanyang hipag na sinasapantahang +nagiiba n~g loob sa kanya't pumapanig sa asawa, ay ipinagbiling ni +Elsa sa alilang pinagbigyan n~g sulat na si Dioni'y papasukin +sandali't mayroon lamang siyang sasabihing ilang bagay na +lihim.</p> + +<p>At, babahagya pang nasusun~gaw sa ginto ang mukhang malamlam n~g +hipag na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na +animo'y batang paslit na nilisan n~g magiiwi. At mababa rin namang +sandali ang namagitan, bago nakuhang magsalita n~g ganito:</p> + +<p>—¡Naku, Dioni! ¡Pati ikaw naman yata!...</p> + +<p>At ang hipag n~g mestisa ay natuluan pagdaka n~g luha sa +malaking pagkalunos.</p> + +<p>—Elsa, wala kang dapat ipaghinala sa akin,—tan~ging +naisambot.</p> + +<p>—¿Hindi ba't pati ikaw ay nagagalit na sa +akin?—ang malumbay na tanong n~g dalaga.</p> + +<p>—Hindi, at minamahal din kitang kagaya n~g dati.</p> + +<p>—Salamat, Dioni, kung gayon ... N~guni't ¿bakit +kaya baga't nakaraan ang singkad na maghapong kibuin dili mo ako sa +ganitong pamamahay ko sa di maulatang kapanglawan?...</p> + +<p>—Nahahambal lamang akong totoo sa nanyayari sa iyo....</p> + +<p>—Nabahambal ka, ¿samakatwid ay di mo sinasabing +ikinahihiya mo ang pananatili ko sa lilim n~g bubong n~g bahay na +ito?</p> + +<p>—Hindinghindi, Elsa, at ikaw'y kapatid ko ring +pinaguubusan n~g mabuting pagtin~gi't lubos na pagmamahal.</p> + +<p>—Subali't ang kapatid ko, si kuyang, ay ... ¡galit +na galit sa akin!</p> + +<p>—Siya lamang ang nagagalit sa iyo....</p> + +<p>—At sukat ang gayong pagkagalit niya, upang ako ay huwag +nang bilan~gan n~g maraming araw sa tahanang ito....</p> + +<p>—¿Saan ka paroroon?</p> + +<p>—Aywan, Dioni, at ang lalaking puno at dahil n~g ganitong +napagsapit ko ay akin nang sinulatan n~gayon.</p> + +<p>—¿Sinulatan mo si Tirso?</p> + +<p>—Oo....</p> + +<p>—¿At sa anong bagay?</p> + +<p>—Bagay sa nararapat niyang gawin upang ako ay mahan~go sa +ganitong kapulaan....</p> + +<p>Napamata na lamang si Dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag n~g +mestisa. Ang m~ga unang kutob n~g loob niya hinggil sa gayo't +ganitong maaaring maging katuturan n~g kilusa't palagayang malimit +niyang mapuna sa hipag niya't kay Tirso, n~gayo'y hindi kutob +lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya't siyang inaamin +n~g kanyang kausap. Dahil sa gayong ginawang pagliham sa makatang +hinihinala na n~ga niyang namamalakay sa bahay na iyon, ay +maliwanag na nadama niya ang kaselanan n~g m~ga sandaling tinatawid +n~g kanyang hipag, palibhasa siya man, si Dioni, nang magdaan na sa +mapan~ganib na katayuang paris niyon, ay gayon ding pagsulat kaagad +ang ginawa, pagsulat na siya tuloy ikinabunsod na maaga n~g kanyang +pagaasawa sa kapatid ni Elsa.</p> + +<p>—¿Iiwan mo na n~ga ba ako, kapatid ko?—ang +makasandali'y boong kalumbayang itinanong sa mestisa.</p> + +<p>—Siyang tan~ging marapat kong gawin upang manumbalik ang +dating payapang buhay ni kuyang....</p> + +<p>—Elsa, kung kinikilala't minamahal mo ang iyong +kaisa-isang kapatid, ay hindi mo siya nararapat pakitikisan. +Kinagalitan ka niya, hindi sapagka't talagang ikinasusuya na ang +iyong pamamalagi sa lilim n~g kanyang kalin~ga, kundi alangalang +din sa ikapapanuto n~g malinis na pagkababae mo.</p> + +<p>—N~guni't ako ay wala nang kasingdumi sa tin~gin +niya....</p> + +<p>—Hindi naman, Elsa, ipinakita lamang sa iyo ang kamalian +mo. At walang taong hindi nagkamali.</p> + +<p>Tumagaltagal din ang salitaang iyon n~g dalawang maghipag na +kapwa sinasakbibi n~g dalamhati ang m~ga puso.</p> + +<p>At hindi nagkawakas ang hinikbihikbi n~g isa't isa sa kanila, +kundi nang marinig nang tumatawag buhat sa hagdanan ang kapatid ni +Elsang asawa ni Dioni.</p> + +<p>Nagwalawalaang sumalubong ang asawa sa kanyang dumating na +giliw, samantalang pinapananauli sa kanyang maaliwalas na mukha ang +masayang anyo na di sukat kahalataan n~g anoman.</p> + +<p>Si Elsa naman ay kusang nagpaiwang nagiisa sa loob n~g kanyang +silid, na, nang sandaling iyo'y bahabahagya nang nilalaganapan n~g +dilim, upang kung mangyayari'y mabigyan niya n~g maluwag na +pagkakataon ang pakikipagbulun~gan sa dalamhati n~g kaluluwa niyang +ginugutay n~g bagabag....</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XX" name='XX'></a> +<h2>XX</h2> + +<h2>SI TEANG AT ANG "HIMALA"</h2> + +<br /> + + +<p>Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si +Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni +Elsa.</p> + +<p>Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad +n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha +niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang +magbubuhat kay Teang. Datapwa't ang sikdo n~g dibdib ay tinugunan +noon din n~g isang pamumutlang bumakas na maliwanag sa kanyang +mukha, kaya't nahulaang madali ni Martinez ang pagkabigong +tinanggap n~g makata.</p> + +<p>—Hindi yata dumating,—ang painong turing n~g +binatang kapapanhik.</p> + +<p>—¿Alin?—pakailang tanong n~g maybahay.</p> + +<p>—Ang sulat na hinihintay mo,—ang wika pa ni +Martinez.</p> + +<p>—Ako'y walang hinihintay,—lalo pang pakailang iwas +n~g makata.—¿At sino naman ang susulat sa akin sa m~ga +araw na ito?</p> + +<p>—Si Teang ... si Elsa....</p> + +<p>—Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa....</p> + +<p>Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni +Martinez ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? +¡Talagang hindi namamali n~g hinala si Martinez!</p> + +<p>Si Martinez ay naparoong daladala sa isip ang isang lihim na +tangka n~g paghihiganti sa lalaking ikinalupig n~g kanyang m~ga +lakad sa mestisa, gayong pinautan~gan niya n~g tulong ukol naman +kay Teang. At ang narinig niyang sinabi ni Tirso ay parang +paghahamon sa ikatutuloy n~g kanyang tangka.</p> + +<p>Subali, ang totoo, sa harap n~g makatang magiliw ring naganyaya +sa kanya hanggang sa silid na sulatan niyon, ay natutubigan siya +mandi't hindi matutuhan kung ano't kung alin ang sasandatahin niya +sa gayong balak.</p> + +<p>Sa hindi niya pagimik na parang nawawalan, ay si Tirso ang +nagsalita.</p> + +<p>—Matagaltagal nang hindi mo ako binabalitaan n~g tungkol +sa iyong kababayan ...—ang wika.</p> + +<p>At si Martinez ay lihim na namuhi.</p> + +<p>—¿Ano pa ang kailan~gan sa iyo?—itinanong na +tuyongtuyo.</p> + +<p>—¿Bakit?—anang makata.—¿Alan~gan +na ba akong magpatuloy n~g pakikipagkilala sa kanya?</p> + +<p>—Hindi sa alan~gan, kundi sa dalawang dahila'y wala nang +kailan~gang balitaan pa kita n~g anomang natutungkol sa kanya: una, +sapagka't wika mo'y si Elsa at hindi si Teang ang hinihintay mong +susulat sa iyo at ikalawa, sapagka't si Teang nama'y ... malayo na +sa mararating n~g m~ga gunita mo.</p> + +<p>—¿Si Teang ay malayo na sa mararating n~g m~ga +gunita ko?</p> + +<p>—Siyang totoo.</p> + +<p>—Martinez, ¿ano ang ibig mong sabihin?</p> + +<p>—Silveira, ang ibig kong sabihi'y ang paris n~g iyong +narinig.</p> + +<p>—¿Tinatalinghagaan mo ba ako?</p> + +<p>—Hindi; at ang m~ga sinasabi ko ay maliliwanag.</p> + +<p>—Kung maliliwanag ay sukat sanang mawatasan ko kaagad ang +tukoy n~g iyong pan~gun~gusap, n~guni't ang totoo ay nalilito +ako.</p> + +<p>—Wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; n~guni't kung +sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si +Teang sa mararating n~g m~ga gunita mo, ay wala akong dapat gawin +kundi isa: ang ipaala-ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay n~g +kanyang ninang sa San Lazaro.</p> + +<p>—¿At saan naroon?</p> + +<p>—¡Aywan kay pari Casio!</p> + +<p>—¿Ha?</p> + +<p>Napuna ni Martinez ang untiunting pagkainis n~g kausap. Ang +n~galan ni pari Casio ay nang oras na iyon na lamang niya naisip, +at kung gayong tila ang natuklasan niya'y magkakabisa, ay +kailan~gan nang ipatuloy yamang nasimulan na. ¿Subali't ano +kaya ang kanyang kakathain hinggil kay Teang at sa binanggit niyang +pari? ¡Ah, may nadampot siya! At ang kanyang isinagot:</p> + +<p>—¿Ikaw ba, Silveira, ay patay na loob na di +nakabalita, kahi't balita lamang, tungkol sa <i>milagrong</i> +nangyari kina donya Basilia?</p> + +<p>Lalong nagibayo ang bakla n~g panimdim n~g makata. At +itinanong:</p> + +<p>—¿<i>Milagro</i>? ¿Kailan?</p> + +<p>—Nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na +iyon ang babaeng ipinagtatanong mo.</p> + +<p>—Iulat mo, Martinez.</p> + +<p>—Iulat ay huwag na. Sasabihin ko na lamang sa iyo, kung +talagang wala kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang +pagkakilala sa babaeng sayang at naging aking kababayan. +¡Naku, Silveira, may katotohanan pala ang bulun~gang +kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari Casio at kay Teang!</p> + +<p>—¿Ano?...</p> + +<p>—¡Ano pa raw! ¡Tanun~gin mo si manang Magda, +at siya ang nakatutop sa bayaning pari sa tulugang katre n~g +kanyang anak na dalaga!</p> + +<p>—¡Martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong +sinasabi'y...!</p> + +<p>At biglang dinaluhong ni Tirso at ginagap sa dalawang balikat +ang binatang iyong naparoon yata upang umaglahi n~g walang +kasingsakit sa kanyang kapalaran.</p> + +<p>N~guni't si Martinez, na talagang inaalihan noon n~g malaking +paghahan~gad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang +umagaw n~g kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na +kilos n~g kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw n~g +nalalapit na pagwawagi.</p> + +<p>—¡Ikaw ang bahala, Silveira! ¡Kung ayaw kang +maniwala, ay mapanisan ka n~g laway n~g dilat ang iyong m~ga +mata!</p> + +<p>Nakaramdam si Tirso n~g isang malaking pagkahapo n~g katawan. Sa +kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil n~g pawis, samantalang +ang m~ga litid n~g dalawang paa'y tila bahabahagyang tinatakasan +n~g lakas. Makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang +katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya. At ang iba pang +ibig sanang sabihin ay ipinahayag na lamang sa pamamagitan n~g +ilang buhol n~g buntonghinin~gang sakdal n~g pait.</p> + +<p>—N~guni't hintay,—ang bawi ni Martinez +mapamayamaya.—Hindi ko makita ang bagay kung bakit +ipagdaramdam mo n~g ganyan ang gayo't ganitong "kababalaghan" ni +pari Casio at ni Teang, ay sa n~gan~gayon pa lamang halos ay +sinasabi mong si Elsa ang hinihintay mong susulat sa iyo. +¿Hindi ba totoong si Teang ay inibig mo sa isang saglit +lamang, samantalang ang magandang mestisa'y siyang talang +nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala?</p> + +<p>Hindi na sumagot si Tirso. Di na lamang niya anhin ay matapos na +ang gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. Sa bawa't +dalawa o tatlong sabihin ni Martinez ay palad nang siya'y magbitiw +n~g isang kataga. Salamat na lamang at ang isa ay para namang +nasiyahan na sa nangyari kay Tirso, kung kaya't pagkaraan n~g m~ga, +sampung minuto sa pagbubuklat n~g ilang aklat na kanyang natunghan +sa sulatan, ay nagpaalam na't di umano'y may lalakarin siyang bagay +na mahalaga sa bahay n~g isa pang kasama.</p> + +<p>Pagkaalis ni Martinez ay sarisaring mapapait na gunitain ang +sumilid sa panimdim n~g makata. Ang balitang natanggap kay Martinez +ay lumikha n~g isang malaking sugat sa guwang n~g kanyang puso, +sugat na walang tan~ging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang +ito: o pagusigin niya kahi't saan naroon ang babaeng alibugha na +naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat n~g salang +ginawa sa kanya, o yao'y ilibing niya sa hukay n~g limot na parang +hindi niya naging kakilala kailan man. Datapwa't maging alinman +naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'y +kung magpapakapusok siyang magusig kay Teang sa m~ga araw ding iyon +ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos n~g kanyang pagaaral, at +kung limutin nama'y lalong hindi mangyayari pagka't buhol na walang +kalag ang sinumpaan niyang higpit n~g kanyang pakikiisang kapalaran +sa babaeng iyon. ¿Paano ang mabuti niyang gawin?</p> + +<p>Unaunang marapat niyang matiyak ay kung, hanggang saan ang +taglay na katotohanan n~g m~ga ipinahayag sa kanya ni Martinez. +Kinakailan~gan niya ang patotoo n~g kahi't isa man lamang saksi, +kung baga sa isang usaping nililitis sa hukuman, upang mabigyan +niyang halaga ang m~ga balitang kanyang tinanggap. At sa bagay na +ito'y ¿sino ang kanyang lalapitan? ¿Sino ang +makapagbibigay n~g patibay na kinakaila~gan niya?</p> + +<p>Sa katatanong n~g ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni Tirso +ang mestisang si Elsa, ang pamangking buo ni donya Basilia. Tunay +na si Elsa at si Teang ay untiunting pinapaglayo n~g m~ga hiwaga +n~g puso, n~guni't sa dahilang ale n~g una ang may-ari n~g bahay na +sinasabing pinangyarihan n~g "himalang" ibinalita ni Martinez ay +dili ang hindi kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa n~g anomang +tandang sukat mapagkakilanlan kung tunay o hindi ang sinasabing +"himala". Bakit ay nagunita pa ni Tirso na kaya raw siya +inanyayahan ni Elsang sumama sa Pandakan n~g gabing kalilipas, ay +sa dahilang may ibig ibalita sa kanyang ilang ulat na may +kinaalaman kay Teang at sa kanya. ¿Isa lamang kayang biro +n~g mestisa ang gayong pahayag?</p> + +<p>Naalaala ni Tirso ang sulat na tinanggap na galing kay Elsa. +Madali niyang dinukot sa isang kahon n~g kanyang sulatan na +pinagtaguan niya upang iyo'y huwag nang makilala ni Martinez, at +pagdaka'y binuksan.</p> + +<p>¡Ah, anong kalatas na pagkahabahaba ang kanyang nabasa! +¡Anong pagkalungkotlungkot na m~ga katagang animo'y sigaw na +napaaawa n~g isang inabot n~g sigwa sa laot n~g dagat!</p> + +<p>Sinasabi n~g kalatas na yaong ang sigwa ay kay Tirso nagbuhat, +¿nababagay n~ga kayang ang makatang ito ang sumaklolo't +sumagip kay Elsa?</p> + +<p>Sa laran~gan n~g pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso +n~g tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran n~g makatang si Tirso +ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapan~galawa sa +tanang nangyayari, at kung sakali't mayroon ay bihirangbihira.</p> + +<p>Sa isang dako'y ipinagtatalo n~g kanyang loob ang hindi +pagkatupad n~g kapan~gakuang iniwan sa kanya n~g babaeng +pinagsanglaan n~g walang tubos n~g kanyang kaisa-isang pusong +namana sa magulang, saka ang m~ga balitang tungkol sa babaeng iya'y +inihatid sa kanya n~g isang binatang itinuturing na kaibigan; +samantalang sa kabila nama'y hayan ang kalatag n~g mestisang sa +mula't mula pa n~g kanilang pagkikilala'y wala nang ipinatamasa sa +kanya liban sa di karaniwang pagtatan~gi't tuwina'y pagkahalina sa +anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang m~ga tula ... Samantalang +ang m~ga pangyayari at ang m~ga natatanggap na balita'y nagtataboy +sa kanya upang pagbuntuhan niya n~g n~gitn~git at ikahiya sa +kabatiran n~g iba si Teang, si Elsa naman ay patuloy na +nagpapasinaya sa kanya n~g, mataas na pagtin~ging sukat lamang +hintin sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing +nananagisag n~g kawagasan. Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya +maturol kung sa kaninong anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni +Teang, at sa m~ga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang +liham ni Elsang naglalahad n~g walang pagtutumpik sa tanang pithaya +n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... At ang sulat na iyong kinakaharap +niya, higit sa isang pagpapahayag n~g mataas na pagtin~gin, ay +isang tunay na paghin~gi't paghihintay n~g kanyang magagawa, n~g +sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at itinatan~gi sa buhay +... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni Teang? +¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas n~g +dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? ¿Saang +panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?...</p> + +<p>Sa wakas ay minarapat ni Tirsong ibilang pa n~g ilang araw, n~g +ilang panahon, ang paghihintay n~g sulat n~g babaeng pinagtiwalaan +niya n~g puri't karan~galan, samantalang ang sukat itugon sa sulat +n~g mestisa ay siya namang pinagliming masusi n~g kanyang bait at +siyang nihanap n~g hatol sa kahinahunan n~g kanyang pagkukuro.</p> + +<p>N~guni, lahat n~g kanyang naisip tungkol sa isasagot kay Elsa, +ay di niya inibig na sulatin sa ayos n~g isang kalatas na ipadadala +sa tinukoy na mestisa. Ang sulat ay isang katibayang kanawanawang +maipapalad sa harap n~g ibang tao. At ang kaselanan n~g kanyang +tayo dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap n~g hukuman sa +Sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakain~gat sa ikapagkakaroon +n~g masasangguning katibayan n~g pakikitalamitam niya sa sinomang +babaeng naiiba kay Teang.</p> + +<p>—Mabuti'y makipagkita ako sa kanya, at sa harapang +paguusap nami'y saka ko siya tutugunin n~g nararapat,—ang +tapos ni Tirso sa kanyang magulong pagninilay.</p> + +<p>Makailang saglit ay may tumawag kay Tirso, at ipinagbigay alam +na sa telepono n~g botikang nasa silong n~g gusaling kanyang +tinitirha'y mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya.</p> + +<p>Nagdudumali siyang nanaog.</p> + +<p>At pagkahawak sa telepono'y tinig n~g babae ang kanyang +narinig.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Si Silveira n~ga po itong kausap ninyo. ¿Sino po +ba naman sila?</p> + +<p>—....</p> + +<p>—¡Ah, ikaw pala, Elsa!</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Oo, natanggap ko.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—¿Kung kailan mo tatanggapin ang sagot? Ang ibig ko +sana ay sagutin kita n~g harapan sa isang pagniniig ... +¿Paiirugan mo ba ako?</p> + +<p>—....</p> + +<p>—Kung kailan ka may panahon ay tumipan ka't ating +pagusapan ang bagay na iyan.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¿Pariyan ako sa m~ga araw na ito? Iyan ang hindi +mabuti. Maipalalagay niyang tayo ay naninikis....</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—Huwag ka sanang mabiglain. Ang galit n~g kapatid ay +pagmamahal. Kung hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan....</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Isang araw ay masok tayo kahi't sa aling sine at doon +natin pagusapan.</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Ikaw ang bahala: pasama ka kahi't kay Dioni, kung +nan~gan~gamba ka nang makipagniig sa akin n~g sarilihan. Nalalaman +ko namang paibaibang talaga ang lagay n~g panahon....</p> + +<p>—¿...?</p> + +<p>—Wala akong ibig sabihin kundi ang pagpapaubaya sa iyo n~g +boong kapasiyahan. Marapatin mong magsarili kita, salamat: magsama +ka naman n~g kahi't sinong mabutihin mo, salamat din ... Ako ay +walang hindi kinadoroonan.</p> + +<p>—....</p> + +<p>-Kung gayo'y hihintayin ko ang araw at pook na iyong +itatakda.</p> + +<p>—....</p> + +<p>—Salamat, Elsa.</p> + +<p>—¡...!</p> + +<p>—¡Adios! Taglayin mo ang aking alaala....</p> + +<p>Bahagyang naibsan n~g pabigat ang kaluluwa ni Tirso sa +pagkapagusap nilang iyon n~g mestisang sumulat sa kanya.</p> + +<p>Gayon ma'y nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos +namamalayan, n~g siya ay nanghihinamad mandi't walang alis sa +pagkakatun~go sa ibabaw n~g kanyang sulatan.</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXI" name='XXI'></a> +<h2>XXI</h2> + +<h2>PAGSISISI AT PAGBABAGONG LOOB</h2> + +<br /> + + +<p>Dalawang linggong mahigit ang nadaan. Bagama't gayon na lamang +ang pusok n~g loob ni Elsa nang kanyang sulatin ang liham na +ipinadala kay Tirso, ay nakalipas din ang gayong dami n~g m~ga araw +n~g ang tipanan nilang paguusap na sarilihan sa bagay na iyon ay +hindi pa nabibigyang katuparan. Paano'y sa siyang pinaiiyahan n~g +lalaki, ay parating nagkakaroon n~g salabid tuwing ipagbabalak n~g +araw at pook ang ikabubunsod n~g gayong salitaan.</p> + +<p>Sa loob n~g panahong iyan na hindi rin idinarating n~g sulat ni +Teang, kay Tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang +napalun~gi n~ga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba't +napaghabilinan niya n~g kanyang boong pagtitiwala.</p> + +<p>Ang pagpapahalaga sa m~ga balitang tinanggap niya kay Martinez +ay untiunti n~guni't patuloy na naguugat sa guwang n~g kanyang +puso, at nakatutulong n~g malaki upang ang pan~galan ni Teang ay +maging buntuhan n~g kanyang kasuklama't lalong masasaklap na +hinala. Pati n~g unang balak na paghanap o pakikibalita sa +kinaroroonan n~g babaeng iyon ay bahabahagya nang iniwawaksi sa +kanyang isip, yamang kung gayon anyang kay Teang nanggaling ang +paghamak sa kanilang sumpaan, magusig man siya'y ibayong hirap na +lamang n~g loob ang kanyang mapapala. Si Tirso ay kasal sa babaeng +iyon, oo, nalalaman niya; n~guni't ¿bakit pa niya +hahan~garin ang mapapisan sa isang talipandas na walang tunay na +pagibig sa kanya? Saka, ang kanilang pagkakasal ay lihim na lihim +at walang sinomang nakamamalay liban sa hukom na sa kanila'y +nakialam. Ang pagmamakain~gay tungkol sa paguusig ay magiging isang +tunay na pagkakalat na lamang n~g kanyang sariling kahihiyaan. +"Patawarin ang nagkakasala at ipagparaya ang nagkukulang" ang aral +na itinuturo n~g Kapisanang kanyang kinaaaniban; at malalabag na +lamang sa itinuturo n~g aral na iyan ang paguusig sa babaeng kusang +tumaliwakas sa kadakilaan n~g sumpa, ang yumurak at gumutay sa +kahalagahan n~g pan~gako. Manan~ga'y tumahimik na n~ga siya't +kanyang pagaralang pawiin sa alaala ang pan~gala't larawan n~g +babaeng bumitay n~g kanyang magandang pagasa.</p> + +<p>Samantala, sa isa sa m~ga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay +ang sulat ni Elsa na kinalilimbagan n~g isang pagibig na walang +kapantay sa karubduban. Ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay +hindi nakakikilala n~g pagmamaliw. Ulani't arawin man sa laot n~g +kanyang pagkawalang loob, na sa nagdaang m~ga araw ay siya niyang +ipinahalata sa naturang mestisa, ay patuloy ring; taglay ang +dakilang uri, ang kawagasan, na sa wari niya'y sukat ang kanyang +naisin upang pagtamasahan niya n~g dilang lugod, n~g madlang biyaya +at tanang luwalhati, na sa buhay na ito'y siya na lamang mahihintay +n~g kinapal na paris niya.</p> + +<p>Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid +n~g pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g +pagpapakabalisa ni Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi +kabaliwan? Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at +lilikha pa kaipala n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan. +Datapwa't magpakabaliw sa babaeng humahalakhak at umooroy sa +kanyang kasawian ay iyan na ang sukdulan n~g kahalayan na hindi +sukat makita sa isang paris ni Tirsong paano't paano man ay may +pan~galan na ring nakikilala sa maraming lipunan.</p> + +<p>Kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailan~gan na ni Tirso +ang makiayon sa tadhana n~g kanyang palad. Ang tadhana ay waring +nagaanyaya sa kanya sa isang dako upang sayurin niya ang +kadalisayan n~g pagibig ni Elsa, hindi siya dapat magmalaking huwag +magpakundan~gan sa anyayang iyan.</p> + +<p>At, habang dumarami ang m~ga araw na hindi idinarating n~g sulat +na pan~gako ni Teang, ay patuloy namang pumapanaw kay Tirso na +parang kimpal n~g ulap na nawawala sa katingkaran n~g sikat n~g +araw, ang pan~gala't alaala n~g babaeng binanggit, katiyap n~g +untiunting paguusbong sa pitak n~g kanyang puso, tulad sa halamang +busog sa alaga, n~g pagkahalina sa m~ga pakibang loob n~g +malulugding mestisa.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Minsan, isang gabi, ay minarapat ni Tirso ang gumawi sa may pook +nina Elsa, n~guni't hindi ang tangka'y manhik n~g bahay kundi mula +sa palibidlibid n~g looban niyon ay pakimatyagan ang kalagayan n~g +dalagang untiunting nagpupunla n~g balisa sa kanyang gunamgunam. At +gayong pakikimatyag na n~ga lamang ang kanyang minabuting gawin, +sapagka't sa bahay na yaon ay ayaw muna niyang lumantad magmula +nang may mahalata siyang sukal n~g loob sa kapatid n~g nasabing +mestisa.</p> + +<p>Si Tirso ay sa may gawing baybayin n~g dagat nagdaang paahon sa +bulaos na patu~ngo kina Elsa. Pinili ang lalong madidilim na +palumpong, naglagos sa m~ga palikolikong landas, at pagkalapit sa +may tinatalikuran n~g silid n~g mestisa, ay naghagis n~g tin~gin sa +dakong itaas at tinangkang makilala sa siwang n~g sarisaring +halamang gumugubat sa looban kung sinosino ang m~ga lalaking +narinig niyang nagkakatuwa. N~guni't wala siyang nakilala isa man. +Ang tinig ni Elsa ay naulinigan din niya, subali't kung ano ang +sinasabi'y hindi niya mawatasan.</p> + +<p>Makasandali ay kanyang narinig ang piano, pasimula n~g isang +<i>one-step</i> ang tinutugtog, tugtog na noon din ay sinundan n~g +mahihinang sagitsitan n~g m~ga paang nagsasalimbayan sa ibabaw n~g +tabla.</p> + +<p>—¡May sayawan!</p> + +<p>Datapwa't ang namalas ni Tirso ay pawang m~ga lalaki rin ang +nagsisiindak na magkakayapos sa gitna n~g bulwagan, at anino man ni +Elsa ay di niya matanaw.</p> + +<p>Inakala niyang si Elsa ang nunugtog n~g piano. N~guni't +¡ano bang tugtog! <i>one-step</i> n~ga ang narinig niyang +pinasimulan, na siyang sinundan n~g pagsasayawan n~g m~ga lalaking +panauhin ni Elsa, dapwa't hindi pa halos nakabubuo n~g tigisang +inog ang bawa't magkapareha, ay <i>marcha funebre</i> na ni Chopin +ang pagdaka'y kanyang naulinigan.</p> + +<p>Ang sayawan ay biglang natigil. At ang humalili'y ang matunog na +halakhakan n~g m~ga lalaki.</p> + +<p>—¡Napilya na naman tayo ni Elsa!—ang malakas +na wika n~g isang nanun~gaw pa sa bintana pagkabalatong n~g +pagsasayaw.—Sapul pa kanina'y pawang sa ganyang tugtog sa +patay tinatapos ang alinmang <i>tandang</i> ating sayawan.</p> + +<p>At malinaw nang nawatasan ni Tirso ang tinig n~g maganda niyang +paraluman.</p> + +<p>—Kayo ay hindi ko pinipilya,—ang +sabi.—Itinanong ko kung ano ang ibig ninyong aking tugtugin, +at aninyo'y ako ang bahala kung alin at kung paano ang tumutugon sa +loob ko.</p> + +<p>—¿At sa lagay ay siyang tumutugon sa loob mo ang +<i>marcha</i> ni Chopin?—itinanong pa n~g isa.</p> + +<p>—Mangyari,—ang sambot n~g mestisa,—ay sa +dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan n~g puso; at +bagaman namamalas ninyong ako'y nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay +putos n~g luksa't may nilulunok na apdo n~g kadalamhatian.</p> + +<p>Ang dating tawana'y nasaksihan ni Tirso na napaltan n~g +sandaling pananahimik.</p> + +<p>Kung ang m~ga lalaking iyon ay walang napunang panglalamlam n~g +dating masayang mukha ni Elsa kapagkarakang ito'y makiharap sa +kanila nang gabing iyon, disin ay may nagdamdam na sa ganyang m~ga +kataga na walang kagatolgatol na kanilang narinig. N~guni, ang +totoo, si Elsa n~ga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon +at siya rin namang kaagad ibinulong n~g hipag na si Dioni at +ipinagbilin pang huwag pagpapansinin pagka't walang anoman. Kaya, +ang isinagot na lamang n~g isa sa kanila'y:</p> + +<p>—Kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay +ibig naming makiramay sa iyo, Elsa.</p> + +<p>—Inaakala kong iya'y hindi ninyo magagawa, sapagka't ang +m~ga damdaming ito ay para lamang sa aking sarili....</p> + +<p>—Sarili mo ma'y makapakikiramay rin kami, kung huwag na +kaming magtagal na gaano sa pagkakatuwang ito rito.</p> + +<p>—N~guni't hindi ko sinasabi, m~ga kaibigan, na ikinaiinip +ko itong ating matiwalang paghaharap.</p> + +<p>—Gayon ma'y kami ang nagaakalang marapat igalang ang m~ga +sandaling ipinakikilaban mo sa iyong m~ga kalumbayan.</p> + +<p>—Kung ayaw na kayong magsayaw ay magusapusap na lamang +tayo.</p> + +<p>—¿Ano pa ang paguusapan natin ay sa hindi mo naman +ipagtatapat sa amin kaipala ang sanhi n~g iyong m~ga lungkot?</p> + +<p>—Hindi kayo mawawalan n~g anomang sukat maikuwento sa +akin....</p> + +<p>At ang m~ga panauhi'y namalas ni Tirsong may m~ga hawak nang +sombrero at anyong nagaabot n~g kamay sa mestisa.</p> + +<p>—Hintay muna pala sandali,—ang pigil n~g +dalaga,—paunlakan muna, ninyo ang munting bagay na +pinagaabalahan n~g aking mabait na hipag.</p> + +<p>—¡At may pinagaabalahan pa pala si aling Dioni! Sa +wakas ay napahinuhod din ang m~ga panauhin.</p> + +<p>N~guni't saglit n~ga lamang, at matapos pairugan ang ilang +pamatid-uhaw na magiliw na ipinaganyaya ni Dioni, ay nan~gagpaalam +na rin.</p> + +<p>Si Tirso, na nakasaksi sa tanang nanyari, nang umalis sa pook na +iyon ay taglay sa dilidili't siyang pinaglilimi ang m~ga katagang +narinig niyang binigkas ni Elsa,</p> + +<p>¿Tunay n~ga kayang patuloy kay Elsa ang m~ga +pagdadalamhating nasasabi sa kanyang sulat?</p> + +<p>¿Si Elsa kaya, hanggang sa m~ga araw na iyong hindi pa +nagkakaroon n~g katuparan ang salitaan nilang pagtatagpo sa +panonood n~g sine upang doon pagpasyahan ang suliraning +ipinaghihintay n~g magiging loobloob n~g makata, ay hindi pa +dinadalaw n~g dating katiwasayan n~g kaluluwa?</p> + +<p>Naramdaman ni Tirsong ikinaiinip niya ang hindi pagkakatuloy n~g +kanilang tipanan n~g mestisa. At sa pagkainip ay iniisip niya kung +saan sila lalong maluwag na magkakausap ni Elsa, kung gayong tila +may kahirapan ang pagkikita nila sa sine.</p> + +<p>Kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw +ring lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman +ang sa alinman sa m~ga bahay n~g ibang kakilala sa Pasay na rin, sa +may di gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging +halatain sa kapatid na pinakikitimban~gan ang gagawing paguusap na +lihim. Datapwa't ¿paanong ang gayo'y maisasangguni niya kay +Elsa ay sa matagaltagal nang ito'y hindi man lamang lumiliham ni +tumatawag sa kanya? Kung may telepono man lamang sana sa bahay nina +Elsa, disi'y nan~gahas nang magpaunang tumawag si Tirso. Subali't +sa kasamaang sukat ay wala n~ga, ¿paano ang kanyang +gagawin?</p> + +<p>Samantala'y nalalapit na untiunti ang m~ga araw na ipagdiriwang +kay Momo. Nagunita n~g makata na ang siyudad nito na tinitigib n~g +m~ga halakhakang ginaganap sa likod n~g m~ga n~giwi n~g sarisaring +balatkayo, ay siyang malimit pagsinayaan n~g m~ga pusong uhaw sa +ligaya, siyang kadalasang pinagtitiyapan n~g m~ga kaluluwang malaon +nang naghihintay n~g isang dakilang pagkakataon, ¿hindi pa +kaya sila makapakibahagi sa m~ga biyayang iyang idinudulot n~g +karnabal sa m~ga nasa kapanahunang paris niya't ni Elsa?</p> + +<p>Sunodsunod na nagdaan sa papawirin n~g alaala n~g makata ang +m~ga pangyayaring kanyang napanood sa loob n~g bakod n~g m~ga +karnabal na idinaos sa ilang taong tinalikdan. Yaong isang Pierrot +at isang Columbinang nahigin~gan niyang nagkaisang magtanan sa m~ga +kasama't maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan +nagtun~go; yaong isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na +nakipagindakan muna sa kapal n~g tao sa "Auditorium", saka +pagkatapos ay magkakawit ang m~ga bisig na nagkubli sa dilim, +nanunton sa m~ga pook na lin~gid at makasandali'y matagal na nawala +sa kung saang bahagi n~g maluwang na siyudad na iyon; yaong isang +Aida at isang Radames na nagpakalan~go muna sa malaking <i>bar</i> +n~g "San Miguel Brewery" sa loob n~g siyudad at kapagkuwa'y +naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'y +pagkatalin~gid sa m~ga taong sukat makapuna sa kanila'y boong bilis +na inihatid n~g isang auto sa isa sa m~ga ligpit na <i>hotel</i> sa +San Sebastian, samantalang ang kanilang m~ga kasama'y +nakikipagbiruang walang hulaw sa loob n~g mailaw na siyudad ... ang +lahat n~g iyon ay m~ga alalahaning kumakayag sa budhi ni Tirso +upang siya ay magmunukala n~g isang kaparaanang sukat bagang ... +ikaganap n~g kanilang nabibiting tipanan ni Elsa.</p> + +<p>—Bahala na sa karnabal, kapag hindi pa natupad sa m~ga +araw na ito,—ang nawika sa sarili ni Tirso, matapos sayurin +n~g kanyang guniguni ang nan~gabanggit na pangyayaring napanood +niya sa siyudad ni Momo.</p> + +<p>At parang babala n~g mabuting kapalaran, isang umagang siya'y +magawi sa Escolta ay nakatagpo niya ang mestisa na kasama ni Dioni +at n~g isa pang babaeng marahil ay kamaganak, kaibigan o kaya'y +kanyang kapit-bahay.</p> + +<p>Sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang +nangyari, sapagka't bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap +nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni Tirso kay Elsa; na +ang bagay na ipinagtipan nilang manonood n~g sine ay sa karnabal na +paguusapan; na yao'y maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang +kapatid na lalaking pinan~gin~gilagan n~g dalaga ay nagtun~go sa +Nueba Esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang +nabanggit na karnabal; na ang binibili nina Elsa nang umagang iyon +ay m~ga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, +bilang pinakapangaliw sa m~ga pan~gun~gulungkot na palagi ni Elsa, +ay dili iba't ang kanyang hipag na si Dioni.</p> + +<p>—Kung ano ang sidhi n~g loob mo, Elsa, sa iyong sulat ay +siya namang sidhi n~g loob kong magkaniig tayo, paris n~g ating +pinagusapang minsan: datapwa't hangga n~gayon ay nasa paghihintay +na lamang ako<br /> +<span style='margin-left: 0.5em;'>...—- ang may himig n~g +panunumbat na nasabi n~g makata sa</span><br /> +pagkapagusap nilang iyon.</p> + +<p>—Panahon lamang, Tirso, ang wala sa atin ...—ang +nagpapasigla n~g pagasang isinagot noon n~g mestisa.</p> + +<p>—Gawan mo sana n~g paraan na maibalita agad sa akin ang +itatakda mong araw, hane,—ang pasamong bilin pa ni Tirso.</p> + +<p>—Hamo't kung hindi kita mapadalhan n~g kahi't isang +<i>postal</i> ay tatawagan kita sa telepono,—matibay namang +pan~gako ni Elsa.</p> + +<p>—¿Hanggang kailan ang ipaghihintay ko?</p> + +<p>—Hanggang sa bago dumating ang m~ga araw n~g karnabal.</p> + +<p>—Maghihintay ako, kung gayon.</p> + +<p>—Asahan mong gagawin ko ang lahat n~g maaaring gawin.</p> + +<p>—Salamat, Elsa.</p> + +<p>—Wala kang sukat ipagpasasalamat, Tirso. Ako ang nararapat +magpasalamat sa iyo, sapagka't sa di kawasa'y ... nakilala na rin +n~ga yata n~g iyong puso na may isang sawing babae ritong....</p> + +<p>—Akin ang kasawian, Elsa, at sinomang babaeng nakikilala +ko ay sadyang tinatangkilik n~g magandang kapalaran.</p> + +<p>—Aywan n~ga ba kung ako ang bukod na natatan~gi sa m~ga +mapapalad na iyan....</p> + +<p>At minsan pang namalas ni Tirso noon ang talagang pagmumukhang +nahahapis n~g diwatang yaong kapatid n~g kasayahan.</p> + +<p>Ang mestisa't ang makata ay nagkatalikod noong taglay-taglay sa +ubod n~g puso nitong huli ang m~ga bagong tibukin....</p> + +<p>Ang dating pagpapalagay sa mestisang iyon na may tamis n~g +pagtatan~ging kapatid, nitong magpakasira si Teang sa kapan~gakuang +iniwan kay Tirso, tan~gi sa katamisa'y nalahukan pa n~g init n~g +paglulunggating ibinubuyo n~g isang pagmamahal na mahigit sa +nagagawa n~g pagkakapatiran. Anopa't sapul nang gumitaw sa kanyang +dibdib ang kutob na pinagmamaliwan na't nililimot siya n~g babaeng +nan~gako n~g pagtatapat, ang nakakikiliting kilos at anyo ni Elsa +nang gabing mapanhikan niyang aawitawit na nagiisa sa loob n~g +bahay, at ang matiwalang pagsama sa kanya noon hanggang sa bangka, +saka ang nilalaman n~g mahabang liham na ipinadala sa kanya, ay +hindi lamang m~ga pangyayaring laging sariwa sa alaala ni Tirso +kundi nagdudulot din naman sa kanyang puso n~g bagong damdaming +sinisibulan n~g bago ring pagasa ... Ang buhay n~g tao ay +nasasalalay sa gulong n~g Kapalarang walang humpay na umiinog. Kung +sa ganang kay Tirso'y napailalim siya sa pagkabighani niya kay +Teang, nitong nalulurok na n~g boong pagpapahalaga n~g kanyang +kaluluwaang bawa't bugtong o talinghagang iniuukol sa kanya n~g +magandang mestisa ay parang ibinubulong n~g kanyang sarili na +nalalapit na naman ang kanyang pamamaibabaw at ikatatampok sa +karurukan n~g tagumpay.</p> + +<p>At buhat noo'y hinintay na niya arawaraw ang pagdating n~g +tagadalang-sulat na magaabot sa kanya n~g pan~gako ni Elsa, o +kaya'y ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong n~g gusaling +kanyang tinatahanan....</p> + +<p>Ang makata ay nabigo na sa paghihintay n~g sulat ni Teang, +¿sa paghihintay n~g <i>postal</i> o sa pagtelepono naman ni +Elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?...</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXII" name='XXII'></a> +<h2>XXII</h2> + +<h2>MGA NAGAGAWA NG BALATKAYO</h2> + +<br /> + + +<p>¡Karnabal!</p> + +<p>Lubhang makapangyarihan kung magutos ang dios n~g m~ga halakhak +at pagbibiro, ang hari n~g balatkayuang lunas sa m~ga dalamhati n~g +kaluluwa at puso....</p> + +<p>Babago pang napaguusapan ang m~ga araw n~g kanyang pagdiriwang, +sa iba't ibang panig n~g Maynila ang m~ga tao'y abalangabala na sa +sarisaring paghahanda. Ang m~ga masalapi ay nagsisipagpagawa sa +kanikanilang mananahi n~g m~ga kasuutang ikatatampok nila't +ikauun~gos sa gayak n~g iba: m~ga sutlang kayong pulangpula na +animo'y dugo, mayroon namang dilaw na nakikipan~gagaw sa kulay n~g +apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari n~g pananagana sa lahat +n~g bagay n~g taong sa kanya'y nagpapakahibang ... Ang m~ga +maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang +araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla n~g isang tumbagang +singsing o n~g isang hilakong hikaw, na tan~ging hiyas n~g kanilang +karukhaan, nan~gun~gutang n~g salaping patubuan at ... bumibili n~g +isang murang balatkayo, isang nakan~gising maskara, upang sa likod +n~g m~ga ito'y sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol +sa buhay, at sandali ring makilahok sa m~ga halakhaka't panunukso +sa kakilala't hindi man. Ang m~ga dalaga ay karaniwang magsuot n~g +gayak Columbinang kaakitakit sa bawa't makakita, at ang m~ga binata +nama'y nagdadami't Pierrot na lubhang katawatawa. Bawa't pusong +pinasisigla n~g apoy n~g kabataan, bawa't kinapal na nasa panahon +pa n~g kasariwaan, ay dili ang hindi naguubos n~g kaya sa +paghahanda n~g tanang nararapat niyang gamitin sa pagsagap n~g +luwalhati sa sinapupunan n~g dakilang karnabal. At yaong may +kaluluwang hindi nagtitikim n~g biyaya n~g maligayang kapalaran, ay +nagsisipan~garap na sa m~ga araw na iyan ay mabibihis ang kanilang +kasawian, mapapaltan n~g tuwa ang kanilang m~ga paghihirap at sa +duyan n~g luwalhati'y sandali silang aawit n~g kasiyaha't +mahahalinhan n~g kabusugan ang binabata nilang uhaw....</p> + +<p>At, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang +makata ay ibilang sa ganyang m~ga may hinihintay.</p> + +<p>Si Dioni, na nagpanukala n~g pagpapayari n~g magagarang +balatkayo na magagamit niya't n~g kanyang iminamahal na hipag, ay +dili ang hindi nagsaloob n~g paninibago sa m~ga kilos nito, nang +mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong n~g paghingi n~g +paumanhin ni Elsa ang lahat n~g anyaya n~g m~ga tanyag na ginoong +kaibigan at dating kasamasama sa m~ga liwaliwan, m~ga anyaya para +sa isang gabi sa "Auditorium" o sa panonood kaya n~g +<i>coronacion</i> o n~g alinman sa m~ga magaganda't malalaking +kasayahang idaraos sa loob n~g karnabal.</p> + +<p>—Tila nagiiba na n~gayon si Elsa,—ang naibulong niya +sa kanyang sarili, nang ang mestisa'y ayaw n~gang magbitiw n~g +anomang pan~gako sa m~ga lalaking namumuhunan n~g masuyong +pakiusap.</p> + +<p>Bahagya ma'y hindi sumagi sa isip ni Dioni na ang sulat na +ipinadala ni Elsa kay Tirso noong kararaang Bagong Taon ay maaaring +siyang magbulos sa dalawa sa isang lihim na pagtatagpo sa loob n~g +siyudad na kinaliligpitan n~g maraming hiwaga. Sa katotohanan, nang +tagpuin sila n~g tinukoy na makata noong ikatlong gabi n~g m~ga +pagdiriwang sa kaharian ni Momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni +Dioni ang bagay at sanhi n~g m~ga kilos na kanyang napapanibaguhan +sa kanyang hipag.</p> + +<p>—Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo +pinaunlakan ang alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan +mo,—ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan +sila ni Tirso.</p> + +<p>At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay +nagbalobalong sumagot:</p> + +<p>—Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang +sanhi n~g di ko pagpayag sa kanilang anyaya.</p> + +<p>—Higit diyan ay mayroon pa....</p> + +<p>—Ikaw ang napakamapaghinala n~g hindi tama....</p> + +<p>—¿Ano? ¿Di ba totoong hindi iyan ang tunay +na pinagpaparoonan mo?</p> + +<p>—¡Hindi!</p> + +<p>—¿At ibig mong tukoyin ko?</p> + +<p>—¡Ayoko na n~ga n~g malabis na tuksuhan!</p> + +<p>—¡Sa ako'y hindi nanunukso lamang, kundi...!</p> + +<p>—Kinalilimutan ko na ang pagtawa, Dioni....</p> + +<p>—N~guni't n~gayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang +tumawa ... At di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod +at magpasalamat....</p> + +<p>—¡Sukat na n~ga iyan!</p> + +<p>—¡Kundan~gan pati ako'y ibig mo na yatang +paglakuan!</p> + +<p>Masaya n~ga ang dalawa.</p> + +<p>At ang gayong malamang nang pagkabunsod n~g tipanang pagkikita +nila ni Tirso, ay sapat nang makapag-pasigla sa diwa at katawan ni +Elsa.</p> + +<p>Noon ay siyang gabi n~g nababalitang pagpuputong sa napahalal na +reyna.</p> + +<p>Si Tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot n~g +kanyang damit Pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may +malalaking botones na dilaw sa m~ga manggas n~g baro at laylayan +n~g salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid n~g kanyang leeg; +at han~gos nang nagabang sa isang pook sa loob n~g siyudad, +alinsunod sa itinipan n~g mestisa sa araw na sinundan. Hindi naman +siya gaanong nainip at dumating sa harap niya ang dalawang +Columbinang dilaw, tila kambal sa pagkakawan~gis n~g tabas at kulay +n~g kanilang balatkayo.</p> + +<p>Ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay Tirso, +palibhasa'y hindi niya makilala kung sino roon si Elsa at kung sino +naman ang isang kasama. Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong +paguulikulik n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, +saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang +kasama.</p> + +<p>—Si Dioni iyan,—ang sa paimpit na tinig ay +ibinulong. Saka bumaling sa hipag at sinabi:—Si Tirso +ito....</p> + +<p>Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang +panig n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag. At nang makaubos na +n~g kung ilang supot n~g <i>confetti</i> sa walang tuos na +pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok n~g +"Auditorium", yamang malapit na rin namang dumating ang oras +natatakda sa <i>coronacion</i>.</p> + +<p>Walang hulugang karayom ang kapal n~g tao sa loob n~g nasabing +"Auditorium" nang magsipasok ang tatlo. Kahi't saang gawi sila +magbaling n~g tin~gin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi +roon maaaring idaos ang ibinabalitang <i>baile de +coronacion</i>.</p> + +<p>—¿Paano tayo rito?—ang tila may yamot na +tanong ni Elsa sa dalawa niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip +n~g m~ga taong nagtuwid na lamang sa pagkakatayo at ibig mang +lumipat sa, ibang pook ay tila hindi magawa.</p> + +<p>—Maghintayhintay muna tayong sandali, at baka +mabawasbawasan ang tao'y lumuwagluwag naman n~g kaunti.—ang +salo ni Tirso.</p> + +<p>—¡Suss! Halos di pala makahinga sa sikip ang taong +napaparito!—ang katlo naman ni Dioni.</p> + +<p>At sa mungkahi n~g lalaki, ay nagsipagalis na sila n~g takip sa +mukha, bilang pakikiugali sa karamihan doon.</p> + +<p>At samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis n~g di +birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa +bun~gad n~g pintong kanilang kinatulusan, natatan~gay palibhasa n~g +pabugsobugsong dating n~g m~ga tao. At ilang saglit pa rin ang +lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid +na malapit sa dingding na tinatalikuran n~g madla.</p> + +<p>Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g +kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala +yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, +samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang +babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong +pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... +At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g +ganito. Ang <i>disfraz</i> nilang gamit ay maituturing na kabilang +sa m~ga lalong mahal at kaakitakit, hindi n~ga lamang gaanong bagay +sa babae na gaya n~g sa lalaki. Parang walang namamalas na tao sa +kanilang palibid, ay sapupo n~g isang kamay n~g lalaki ang maliit +na baywang n~g babae, at ang isang palad nito'y matiwalang +nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa't bulun~gan ay +halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha +n~g isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa ... Ang +masasayang n~giti't makahulugang m~ga sulyap ay di ikinukubli sa +sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag n~g loob, +at ang m~ga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon n~g kaligayahang +pabihibihirang ipagbiyaya n~g panahon sa tao.</p> + +<p>—Magasawa marahil,—ang marahang inianas n~g mestisa +sa makata na di kinukusa'y napasundan n~g isang munting kurot sa +bisig n~g pinagsabihan.</p> + +<p>—Malayo ang hula mo,—ang pakli n~g makata, na dili +ang hindi nakaramdam sa kurot na ibinigay sa kanya.</p> + +<p>—¿Ay bakit ganyan na ang asta?</p> + +<p>—Iya'y isa lamang sa karaniwang gawin n~g sinomang +kinakandili n~g mabuting palad.</p> + +<p>—N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi +niya ibig ang lalaki.</p> + +<p>—Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang +hantun~gan n~g kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang +laya. ¡Mapalad na lalaki!</p> + +<p>—¡Mapagsamantala ang sabihin mo!</p> + +<p>—Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran +niya.</p> + +<p>—Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang +ang kasama mo n~gayon.</p> + +<p>—¡Si Teang na naman!</p> + +<p>—¿At ano? Kung siya lamang ang narito't +kakawit-bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa +dalawang iyan....</p> + +<p>—Kung siya ang aking iniibig n~g boong pagkatao, oo; +datapwa't ang totoo'y ... nalalaman mo nang hindi siya.</p> + +<p>—¿At sino?</p> + +<p>—¿Kailan~gan pa bang sabihin ko?</p> + +<p>—¡Sa di ko nakikilala!</p> + +<p>—¡Elsa! ... Nakikilala mo kung sino ang inabayan ko +sa bangka sa Pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa +akin n~g mahabang sulat na nasa bulsa ko sa m~ga sandaling ito; +nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko n~gayon +dito....</p> + +<p>Ang mestisa ay pinamulahan n~g mukha't hindi nakakibo. Dinalaw +na naman n~g lugod ang puso niyang tuwina'y sabik sa paggiliw n~g +makatang iyong tan~ging naghahari sa kanyang kaluluwa. ¡Labas +nang talaga sa dilang alinlan~gan ang pagwawagi n~g kanyang m~ga +han~garin!</p> + +<p>Subali't n~gayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay n~gayon +naman siya nauumid mandin sa naglalambin~gang bigkasin n~g makata +at sa m~ga kilos nitong maaaring mahalata n~g iba.</p> + +<p>—Huwag ka nang main~gay, Tirso,—ang saway na amang +sa lalaki,—hayan lamang si Dioni baka naririnig na tayo.</p> + +<p>At ... ang m~ga bisig nilang nagkakakawit ay siya na lamang +nagpahayagan n~g kanikanyang ibig sabihin sa bisa n~g bahagyang +pagsiko n~g isa sa isa na ipinagkaunawaan nila.</p> + +<p>Sa isang dako, si Dioni, na di naman patay na loob sa balabalaki +n~g kabataan, ay talaga palang may napaghahalata na sa dalawa +niyang kasama, kaya't sa simula pa n~g nahigin~gan niyang paguusap, +ay kinusa na ang di pagaalis n~g mukhang paharap sa dakong +malayo.</p> + +<p>—Hindi masama ang pagbibigay ...—ang bulong niyang +man~gitin~giti sa kanyang sarili.</p> + +<p>Ilang saglit na walang nagbubuka n~g bibig.</p> + +<p>—Dioni,—ang tawag mayamaya n~g +mestisa.—¿Baka naiinip ka na?</p> + +<p>—Kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako ...-masiglang +itinugon n~g tinukoy.</p> + +<p>—Hindi kami mangyayaring mainip, Dioni, sapagka't mayroon +kami rining isang nakapupukaw n~g loob na panoorin,—pan~giti +namang ikinatlo ni Tirso, saka inihudyat n~g n~guso ang dalawing +pinanonood sa gawing padako kay Elsa.</p> + +<p>Napatawa si Dioni sa anyo n~g itinuturo n~g makata.</p> + +<p>—¡Dito ka n~ga naman sa karnabal makakikita n~g +sarisaring palabas!—ang pakagat-labing sabi sa mahinang +turing.</p> + +<p>—¡Talaga!—ang ayon ni Tirso.</p> + +<p>—At ¿naalaman mo, Dioni? nananaghili raw siya sa +dalawang iyan, sapagka't hindi niya kasama ang kanyang minumutyang +si T....</p> + +<p>—¡Ehem!—anang hipag na +tinukoy.—¡Baka kung ano na iyan!...</p> + +<p>—¡Hindi!—ang tanggi n~g +makata.—Nagbibiro lamang itong si Elsa.</p> + +<p>—¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung +sino ang kasama n~g maginoong ito noong minsang makita natin siya +sa salon n~g "La Perla"?</p> + +<p>—¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia?</p> + +<p>—¡Wala pong iba!</p> + +<p>—¡Aha!...</p> + +<p>At ang lalaki ay manawanawang pumakli:</p> + +<p>—Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy +dadalhin nito....</p> + +<p>—¡Tumatalikod n~gayon ang bata!—ang palabing +agaw pa n~g mestisang sa hipag nakatin~gin. ¡Ikinahihiya yata +ang "himala" ni pari Casio! ¡Kawawa naman!...</p> + +<p>Hindi nalalaman n~g dalawang babae na ang m~ga winikang iyan ni +Elsa'y balaraw na umiwa sa damdamin ni Tirso. Naalaala ang m~ga +balita ni Martinez.</p> + +<p>Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot +kundi tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig +sabihin n~g "himalang" binanggit n~g mestisa.</p> + +<p>—Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko +nababalitaan kung saan naroon ang Teang na iyan,—ang tan~ging +nasabi ni Dioni.</p> + +<p>—¿Saan n~ga ba naroon?—ang di napigilang +itinanong din ni Tirso na nadadala yata n~g pananabik.</p> + +<p>—Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat +makapagsabi,—ang sunggab ni Elsa.</p> + +<p>—¡Ikaw!—ang tukoy ni Tirso sa mestisa.</p> + +<p>—¡Ikaw!—ang batik naman ni Elsa sa makata.</p> + +<p>—Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa +probinsia, n~guni't ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking +minsan na siya ay nasa kolehio,—ang badya naman ni Dioni.</p> + +<p>—¿Nasa kolehio?—anang lalaki.</p> + +<p>—Noong araw,—ang saklaw n~g dalaga.</p> + +<p>—¿N~guni't n~gayon?—itinanong n~g hipag.</p> + +<p>Naghilian sa pagsagot ang dalawa.</p> + +<p>Tuwinang mapaguusapan ang n~galan ni Teang ay di matimpi ni +Tirso ang pananabik na gumigiyagis sa kanya. At tuwina namang may +mahahalatang ganyan si Elsa, ay lalong nagdaragdag n~g sikap para +siya ang makapangyari sa isip at damdamin n~g makata.</p> + +<p>Siyang paglin~gon sa kanila n~g lalaking pinanonood na +kayaposyapos n~g isang babae. At nakilalang maliwanag ni Elsa.</p> + +<p>—¡Susss!—ang pamanghang wika.—¡Si +Dr. Nicandro!</p> + +<p>—¿Siya n~ga ba?—ang pataka ring sambot n~g +dalawa.</p> + +<p>—¡Siya n~ga!</p> + +<p>—¿At sino kaya ang babae?—ang tanong ni +Dioni.</p> + +<p>—Namumukhaan ko; isang "maamong kalapati" sa "mayamang +alagaan" sa San Juan ...—ang pahayag n~g lalaki.</p> + +<p>—¿Ano ang sinabi mo?—ani Elsa.</p> + +<p>—Isang makisig na mananayaw ...—ipinaliwanag ni +Tirso.</p> + +<p>—¡Isang doktor sa piling n~g isang +bailarina!—mahinayang pang sambit ni Dioni.</p> + +<p>—¡Bah! Iyan, Dioni, ay di humihigit sa karaniwang +makita n~gayon dito sa Maynila at sa m~ga karatig na +bayan,—ang baling n~g makata,—Ang naririto n~gayong +ating namamalas ay isang doktor, at sa m~ga <i>cabaret</i>, m~ga +<i>hotel</i>, at iba't ibang pook na sagapan n~g aliw, dapat +ninyong maalamang hindi iilan ang m~ga matutunog na abogado, m~ga +matalakatak na kinatawang bayan, matataas na kagawad n~g +pamahalaan, m~ga batikang politiko, m~ga mayayamang +man~gan~galakal, m~ga mamahayag at iba pang nabibilang sa unahang +hanay n~g m~ga pagasa't dan~gal n~g bayan, na nagpapakalasing sa +kandun~ga't bisig n~g kung sinosinong babaeng nakapagaalinlan~gan +ang linis n~g pamumuhay.</p> + +<p>—¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki +rin!—ang parinig ni Elsa.</p> + +<p>—¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang +babae ay babae rin kailan man,—isinaklaw ni +Tirso.—Datapwa't hindi ang lahat ay may hilig sa +ganyan....</p> + +<p>—Humigit-kumulang ay parisparis na kayo,—ang sabad +ni Dioni.</p> + +<p>—Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. +Halimbawa: ako....</p> + +<p>—¿Ikaw?</p> + +<p>—Oo.</p> + +<p>—¿Ay bakit nalalaman mong pagsabihing may abogado, +periodista, man~gan~galakal at iba pang umaasal n~g ganyan, kung +diyan ay hindi ka kabilang?</p> + +<p>—Sapagka't natatagpuan sila kahi't hindi hanapin. Paris +n~gayon; hayan ang isang manggagamot, at nakita natin sa piling n~g +isang mananayaw n~g di tayo tumutuntong sa <i>cabaret</i>.</p> + +<p>—¡Hintay kayo't may iba naman akong +nakikita!—ang biglang hadlang ni Dioni, saka patagong +inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may kapunapuna ring +palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan +nila,—Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X***, n~guni't ang +babae'y....</p> + +<p>—¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa +babae!—isinaklaw ni Elsa.—Iyan ang may asawang si aling +K*** na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni Martinez.</p> + +<p>—¿May asawa ang babae?—itinanong ni +Tirso.</p> + +<p>—Mayroon, n~guni't ang kasamang iya'y hindi siyang +nagmamay-ari sa kanyang pan~galan,—ang paliwanag pa n~g +mestisa.</p> + +<p>—Saka ang asawa raw n~g babaeng iyan, Tirso, ay walang +pan~galawa sa kabaitan,—ang susog pa ni Dioni. Balana umano +ay kinapitan sa manggas n~g babae at ang sinasangkalan ay ang m~ga, +sayawang malimit niyang daluhan, samantalang siyang lalaki naman ay +panatag daw na naghihilik sa kanyang bahay at di man napapanaginip +ang pananagumpay n~g kanyang<br /> +<span style='margin-left: 0.5em;'>... kabaitan.</span><br /> +</p> + +<p>—Gaya n~gayon,—pan~giting naitugon n~g +makata,—narito ang natuturang kabiyak n~g kanyang puso, +subali't nariritong hindi sa kanyang kandun~gan nagpapasasa n~g +ligaya....</p> + +<p>Walang anoano ay may tugtog n~g kornetang naulinigan sa dakong +hinaharap n~g madla, tugtog na sinundan n~g biglang pagkabalisa't +pagdadagitgitan n~g m~ga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang +unang babala n~g gagawing pagpuputong.</p> + +<p>Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang +magasawang nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at +nagdudumaling ginagap n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, +saka ang m~ga ito'y niyayang sumama sa kanila na humanap n~g +mabuting pook upang kahi't paano'y masilip man lamang ang mukha n~g +reynang sanhi at dahil n~g maraming bulun~gan.</p> + +<p>At palibhasa'y hindi lamang sila kundi lahat ang naghahan~gad na +makapanood n~g pagpuputong, ay di sila nagkapanahong magusap n~g +marami, at sa m~ga tin~ginan ay nagkaalam nang susunod sila sa +biglaang pagbatak kina Dioni n~g m~ga kaibigang magasawa.</p> + +<p>Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g +isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob +n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g +sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't +si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang +hahanaphanap sa m~ga kasama.</p> + +<p>Sinapantaha ni Dioni na kasama n~g magasawa ang makata't ang +mestisa; inakala naman n~g m~ga ito na si Dioni ang kasama n~g m~ga +yaon; n~guni't sa palagay n~g magasawa'y humiwalay nang kusa ang +tatlong magkakaabay.</p> + +<p>Sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay +pinatnugutan n~g mabuting pagkakataon.</p> + +<p>—Kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo +na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang +pinagkakaguluhan n~g tao,—ang wika ni Tirso.</p> + +<p>—¿Hindi kaya tayo hanapin ni Dioni?—ang +tanong ni Elsa.</p> + +<p>—Hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, +ay di lalo pang madali tayong magkikitakita....</p> + +<p>—Mabuti pa n~gang magpahipahin~ga muna tayo; n~galay na +n~galay na ang m~ga binti ko sa malaong pagkakatayo.</p> + +<p>At magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong +tinatalikuran n~g makapal na taong sa iisang dako nakaharap.</p> + +<p>—¿Nasa iyo n~ga ba n~gayon ang sulat +ko?—itinanong makasandali n~g babae.</p> + +<p>—Nasa akin,—ang pakli n~g lalaki.</p> + +<p>—Mabuti pa kaya'y isauli mo na....</p> + +<p>—¿Bakit?</p> + +<p>—Kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa +iin~gatin~gatan....</p> + +<p>—¿Walang kahihinatnang paano?</p> + +<p>—¿At, mayroon ba?</p> + +<p>—¡Elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa +akin, gayong kay daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik +sa ikapagkakaroon natin n~g panahon sa paguusap n~g niig na paris +nito!...</p> + +<p>—¿N~guni't n~gayon ay ano ang iyong sasabihin?</p> + +<p>—Unanguna'y ibig kong ipahayag ang malabis kong +pagdaramdam dahil sa pagkapagsalita sa iyo n~g kapatid mo; +ikalawa'y ibig ko rin namang ipayo sa iyo na ipagpaumanhin mo't +iwaksi na sa loob ang lahat n~g iyon, yayamang kapatid mo namang +nagmamahal ang nagsalita.</p> + +<p>—¿Wala nang iba?</p> + +<p>—At ... at ... ¿ano pa ba ang hinihintay mong gawin +ko?</p> + +<p>—¡Ay, Tirso! ¡Salamat kung iyan na lamang ang +iyong inaakalang dapat gawin!...</p> + +<p>At pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong +nagtatampo.</p> + +<p>—Elsa ...—malumanay na tawag n~g +makata,—sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala +natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito't sukat ang iyong +hipag, maanong kung baga't ibig mo ay magusap na tayong +mahinahon....</p> + +<p>—¿Ano pa ang kailan~gan? Naipahayag mo na ang iyong +loobloob....</p> + +<p>—Maupo ka sanang muli't may sasabihin pa ako....</p> + +<p>Dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga.</p> + +<p>—O eh ¿ano n~gayon?—ang tanong na tila +nakapangyayari.</p> + +<p>—Elsa, dahil sa kahalagahan n~g bagay na ipinaghihintay mo +sa akin n~g pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan +natin ito n~g lalong mahinahon....</p> + +<p>—¡Pshe!</p> + +<p>—Siya n~ga, Elsa. Ang nais ko ay maunawaan mo ang +kalinisan n~g aking budhi't kadalisayan n~g ... pagmamahal ko sa +iyo.</p> + +<p>—¡Pagmamahal!...</p> + +<p>—Oo, Elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, +kundi itinatan~gi sa lahat: iniibig n~g boong puso....</p> + +<p>—¡Kay buting pagibig! ¡Iniibig na +pinasasakitan!...</p> + +<p>—Ang ginhawa mo'y siya kong pinakahahan~gad....</p> + +<p>—Salamat, n~guni't marahil ay ... talagang hindi tayo +nagkakaisa n~g pagkukuro.</p> + +<p>—Pagaaralan ko ang iyong ikasisiyang loob.</p> + +<p>—Subali't ¿ano ang maipagsusulit mong pagbibigay +kasiyahan sa akin tungkol sa nilalaman n~g sulat kong pinagpaguran +ko pang pakahabaan?</p> + +<p>—Ang pagpapagunita sa iyo, tan~gi sa aking m~ga sinabi, na +ang pangusap n~g kapatid, gaya n~g sa magulang, ay nakatataba sa +puso n~g pinan~gun~gusapan.</p> + +<p>—Maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; +datapwa't ang sinasabi ko naman, Tirso, ay mahirap nang magtagal +ako sa bahay na iyon. ¡Kung narinig mo sana ang m~ga salita +niyang halos masasabing pagtataboy sa akin!</p> + +<p>—Yao'y hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa +nagawang kasalanan....</p> + +<p>—¡How! Kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang +kapatupatumangga ay sa dahilang may paniwala siyang ako'y +paglalaruan mo lang. At kung ganyan ang nadadama ko sa iyo ay ... +¡tila hindi siya nagkakamali!...</p> + +<p>Pagkawika nito'y namasdan ni Tirsong umanod sa pisn~gi n~g +mestisa ang ilang patak n~g luhang nagpapahayag n~g malaking +paghihinagpis. ¡Kaunaunahang patak n~g luhang nasaksihan +niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos n~g sanghaya! Nan~gilabot +si Tirso.</p> + +<p>—Elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita n~g isang pagibig +na walang katapusan....</p> + +<p>—Tirso, ang pagibig na iya'y sayang lamang, kapag di mo +natutuhang ilin~gap sa isang abang sawing inabot n~g sigwa sa dagat +n~g buhay....</p> + +<p>—Ako ay nasa piling mo sa lahat n~g sandaling kailan~gan +ang aking magagawa; n~guni't ang nagdaan sa palad mo, Elsa, ay di +pa isang sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro n~g Panahon sa gaya +nating paharap sa pintuan n~g Luwalhati ... Huminahon ka, at hindi +kita pababayaan....</p> + +<p>Naito na si Dioning han~gos at putlangputlang di halos +makapan~gusap.</p> + +<p>—¡Pinakaba ninyo ang dibdib ko!—ang di +napigilang sabi sa m~ga dinatnan.</p> + +<p>At sina Tirso'y nagtindiga't sumalubong.</p> + +<p>—¿Saan ka napatungo't nawala ka rito?—ang +madaling itinanong ni Elsa.</p> + +<p>—Hindi na kami umalis dito't baka aniko'y magkita tayo +agad, yamang dito tayo nagkahiwalay,—ang sambot naman n~g +lalaki.</p> + +<p>—¡Naku! ... ¡Nanglalata ako!—ang daing +ni Dioni, at napalun~gayn~gay na lamang sa balikat n~g hipag.</p> + +<p>Sa isang tin~ginang n~g makata't n~g mestisa, ay nagkaunawaan +ang dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod o anoman ang +ipinagkagayon ni Dioni, kundi ang pagsasapantahang "baka ang sisiw +na kanyang alaga ay kung saan na tinan~gay n~g lawin" ... Kaya't +nagkan~gitian tuloy n~g lihim.</p> + +<p>Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa +pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga +salagimsim.</p> + +<p>Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay +ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka. Gayon ma'y +nagpakatimpitimpi na lamang at hindi na umimik, kundi nang +mapilitang imungkahi ang ganito:</p> + +<p>—Totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'y sumasama +pa ang aking katawan, ¿hindi kaya magiging pan~git sa inyo, +Tirso, kung magpauwi na muna tayo n~g hindi pa natatapos ang +kasayahang sinadya natin dito?</p> + +<p>—Hindi, Dioni,—ang panabay na sambot n~g +dalawa;—tayna, kung ibig mo na. Ikaw n~ga lamang ang +hinihintay namin.</p> + +<p>—Kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane.</p> + +<p>—Wala kang sukat ipagalaala.</p> + +<p>At ilang saglit pa't tinun~go na n~g tatlo ang dakong pinto n~g +maluwang na "Auditorium".</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXIII" name='XXIII'></a> +<h2>XXIII</h2> + +<h2>LANGIT NA MAALIWALAS</h2> + +<br /> + + +<p>Pagkatapos n~g karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi +kay Elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan. Ang malaong +pinan~gapan~garap niyang pagtatagumpay sa puso n~g makatang nihag +na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang +itinatambad sa harap niya n~g m~ga huling pangyayari.</p> + +<p>Inniibig niya si Tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. +¡Narito ang tamis, ban~go, liwanag, luwalhati at buhay n~g +magandang si Elsa! Ito ang kanyang kahapon, n~gayon at bukas; ang +tanging sanhi n~g kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa n~g +malawig sa mundong ito....</p> + +<p>Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip +ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling +magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang +gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi +bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si +Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan. Dinadalaw +niya orasoras ang kanyang bakuran, dinidilig ang pananim, ito'y +ginagambulan sa puno, hinihimas sa dahon, hinahagkan sa +talulot....</p> + +<p>At sa ikalulusog n~g halamang, sinabi, pagtaastaas na n~g sikat +n~g araw ay nagugunita na agad n~g mestisa ang paglusong sa dagat +na kasama n~g kanyang m~ga piling kaibiga't kakilala. Si Tirso ay +malimit na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang +dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa +n~g kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at +pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g +mayamang simoy.</p> + +<p>Kung linggo n~g hapon, si Elsa ay masigla ang katawang +nagsasadya sa Luneta, at doon, kaabay n~g makata n~g kanyang m~ga +pa~ngarap, ay nagyayao't dito sa lahat n~g dako, samantalang +ninanamnam n~g kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin n~g +banda n~g Konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghan~ga. +Naroong magpabalikbalik sila sa pabilog at pasalasalabat na m~ga +landas, magtigil at magmasidmasid sandali sa harap n~g hugis +pisóng bantayog ni Rizal, saka mauupo sa alinmang likmuang +mawalan n~g tao. Naroong sila'y dumako sa may dinudunghal n~g +"Manila Hotel", at mula sa ibabaw n~g m~ga naglalakihang bato't +talampas na saganangsagana sa pook na yao'y boong lugod na +pinanonood ang tila naguunahang salpok n~g alon sa lahat n~g +pagilid, saka ang kaakitakit na kulay n~g langit sa dakong Kanluran +sa m~ga sandali n~g pagsibsib n~g araw sa likod n~g m~ga bundok na +natatanaw sa kabila n~g dagat. Kung minsan nama'y siya nilang +tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang Pasay, at +doo'y malinit silang nagtitila m~ga ibong namamayagpag n~g boong +lugod at panabay na umaawit n~g isang pagiirugang walang +pagkupas....</p> + +<p>Sa "Jardin Botánico" ay madalas din namang sila ay +nagpapalipas n~g mahahabang sandaling puspos n~g tamis at +kaluwalhatian. Sa ibabaw n~g damuhan at sa lilim n~g malalabay na +punongkahoy na nagbibigay n~g kahalihalinang anyo sa pook na yaon, +hindi mamakailang sila'y naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga +puso nilang kalong n~g ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan +n~g wagas na tibukin ... At kung mapagod na sa panonood n~g hayop +na walang kasingamo sa loob n~g kulungang bakal gayong +pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung man~galay na ang m~ga +mata't magsipamitig ang m~ga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan +n~g sarisaring ibong may iba't ibang kulay, sa paghahabulan n~g +m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa paguumakyat-manaog sa m~ga +nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong mukhang taong pan~git, sa +kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g sawa, sa paninin~gasing +n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung sila ay manghinawa na +n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na +yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang labis na makabuo n~g +isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang +pagsisintahan....</p> + +<p>Ang m~ga tula n~g makata ay bihirang hindi naglalarawan n~g +alinman sa m~ga pook na yaong pinagtatamasahan n~g aliw n~g +kanilang kaluluwa. Bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang +sandali n~g kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. At +walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa n~g +nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon n~g +kanilang suyuan....</p> + +<p>Si Elsa't si Tirso ay dalawang kinapal n~gang sa kabila n~g +maraming araw na di pagkakatugunan n~g m~ga damdamin ay magkayapos +din ang m~ga palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang +lahat ay tamis, layaw at pagibig....</p> + +<p>Ang lan~git na namamalas ni Elsa ay sagana sa silahis na +kaakitakit, at ang papawiri'y naghahandog sa diwa niya n~g +matatamis na guniguni. Ibig niyang lumipad, pumaimbuyog sa +kalawakang walang wakas, at sa kabila n~g busilak n~g alapaap ay +kanyang ipagdiwang sa apat na panulukan n~g Katalagahan ang +pananagumpay n~g kanyang m~ga adhika sa puso n~g makatang tanging +aliw n~g kanyang kaluluwa.</p> + +<p>At si Tirso, ang makatang tuwina'y may salamisim sa diwa, may +gayuma sa mata, may pulot sa labi't may lambing sa bawa't kilos, ay +natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling n~g mestisa. Ibig +ding lumipad magsaibong sasalun~ga sa hihip n~g han~gin upang +maawitang parati n~g kanyang pagibig, masuob n~g kamanyang n~g +paghan~ga't masabugan n~g bulaklak n~g papuri ang karilagang +tan~gingtan~gi n~g kanyang liyag....</p> + +<p>Lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil +sa kanyang m~ga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa m~ga pakpak +niya at siyang hindi ika-panibulos n~g kanyang m~ga lakad. Si Elsa +ay malayang singlaya n~g hangin na maaari n~gang makasunod sa +bawa't pithaya n~g pusong sumisintang wagas. Datapwa't siya, si +Tirso, ay may tanikala sa boong katawan, na ang pagkakagapos ay may +mahigpit na buhol na di niya kayang kalagin.</p> + +<p>At ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya +upang makapakiagapay sa kataasan n~g lipad n~g m~ga pangarap n~g +mestisa, ay dili iba't ang sumpang binitiwan niya't nilagdaan n~g +kanyang kamay sa harap n~g hukuman sa Sampiro.</p> + +<p>Ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang +kanyang puso'y inaapawan n~g di masayod na pagibig sa ibang +alindog: kay Teang. At hindi sukat ang masabing ipinagbili n~g +babaeng ito sa mababang tawad ang karan~galan n~g kanyang +pagkababae, sakaling magkaganito man upang mapawian n~g bisa ang +naturang sumpa. Mangyayaring ang hindi pagsipot n~g sulat na +ipinangako n~g boong higpit ni Teang ay magkaroon n~g kahulugang +ang babaeng iya'y nagtaksil na n~ga at kusang lumimot kay Tirso; +n~guni't gayon man, sa harap n~g Batas n~g katuwiran at sa ilalim +n~g Katuwiran n~g batas, ang lalaking ito ay walang +kakarakarapatang "bumawi n~g pan~gulugi" sa kandun~gan n~g sinomang +linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na niyang minsan. +Mangyayaring magkatotoo na si Teang ay isang hamak na manyikang +tumatawa't pumipikit sa kamay n~g isang mapaglarong pari, gaya n~g +balita ni Martinez; subali't hindi mangyayaring si Tirsong +napalun~gi sa babaeng iya'y maluwag nang makahahanap n~g panibagong +kapalaran sa sinapupunan n~g ibang langit. Mangyayaring maibunto +kay Teang ang tanang kasamaang magagawa n~g isang babae; datapwa't +hindi dahil diya'y kalapating malaya na si Tirso na +makapamamayagpag na lilipat sa ibang pugad na ibig niyang +patun~guhan....</p> + +<p>Nariyan ang balakid. Iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang +gapos na ang m~ga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa m~ga +lamad n~g puso ni Tirso, kung kaya't ang kanyang pagsunodsunod sa +m~ga bakas ni Elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa +liblib na pitak n~g kanyang nasasalimuot na isipan....</p> + +<p>Walang kamalaymalay si Elsa sa lihim na itong sinasarili ni +Tirso. Subali, ang kawalang malay na iya'y hindi naman makaganyak +sa kahinubong bait n~g nabanggit na makata upang magsamantala.</p> + +<p>Kalaban si Tirso n~g lahat n~g uri n~g pagsasamantala sa +kahinaa't pagtitiwala n~g babae. At kung may naipupula sa kanya ang +m~ga kapwa niya lalaki, ay wala nang iba kundi ang kalamigan n~g +kanyang loob at malabis na pitagan sa babae, kasakdalang ito man +ang nagbubukas n~g daang kanyang mapaglalagusan,</p> + +<p>Ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap +n~g mapupusok na pitlag n~g damdamin n~g mestisa, na di na kaila sa +marami, ay hindi mamakailang naging dahil n~g panunudyo't paglibak +sa kanya n~g m~ga kapwa niya lalaki. Sinasabing ang kanyang pag +kamakata ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang +pagkalalaki ay madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang +pagpapakadun~gong lagi sa harap n~g babae. Madla n~ga ang +nagpapalagay na ang pagkalalaki n~g isang paris ni Tirso ay dapat +kilatisin ang uri sa kasanayang magsamantala sa masisimbuyong +silakbo n~g damdaming katutubo sa babae, at ang alinmang +pagpapalampas n~g m~ga pagkakataong nasa naaabot n~g kamay ay +itinuturing na isang kadun~guang nararapat sa dilang paglait.</p> + +<p>Datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni +Tirso n~g alinsunod sa kanyang kabaligtaran. Alalaong baga: iyang +kakutyaang ipinalalagay n~g tanang may laos na ugali, ay siyang sa +ganang sa makatang sinabi'y karan~galang nararapat ipagmalaki. Ang +pagpipitagan tuwina sa talosaling na kalagayan n~g babae ay isang +kapurihang banal n~g m~ga lalaki. At ang kadakilaan n~g isang +lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo +sa tukso n~g kababaang asal. Ang babae, bagama't mataginting na +tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa +lahat n~g kapariwaraan; samantalang ang lalaki'y bakal na mistulang +kalarawan n~g tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan. N~guni't +para kay Tirso Silveira, hindi sapagka't bakal ito at kristal iyon +ay kabayanihan na nitong huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw n~g +kahinaan, karupuka't pabiglabiglang tibok n~g puso n~g una. Ang +babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g +kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa +guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa +kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi +n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g +kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan +n~g lalaki. Ang babae ay bahagi n~g Katauhan, isang kailan~gang +kapag nawala, ay wala na rin ang buhay.</p> + +<p>Dito nasasalig ang paniniwala at m~ga kurokuro ni Tirso tungkol +sa kadakilaan n~g babae. Siyang tuntuning sinasagisag niya sa +ibabaw n~g mababang ugali n~g ibang lalaking gising sa kamaliang +dulot n~g mundo.</p> + +<p>Kaya, nang panahong si Teang ang tampulan n~g kanyang dilang +pan~garap at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa +kanya'y ipamalas ni Elsa ay han~gin lamang na nagdaraan sa +papawirin kanyang pagpapakundan~gan.</p> + +<p>Datapwa't....</p> + +<p>Kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. Walang nagmalikot +na maglaro nito na hindi napaso. At ang babae, sa ibabaw n~g lahat, +ay apoy na may malagablab na nin~gas: laging nagaalimpuyo, +nagn~gan~galit at nahahandang dumarang o tumupok sa sinomang sa +kanya'y magpain n~g buhay....</p> + +<p>At si Tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si +Elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang +damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang +larawan at pan~galan n~g babaeng una niyang nakilala sa sintahan +... ¡Makailang ang Tukso n~g Kamunduha'y nagtirik n~g kanyang +bandila sa ibabaw n~g maran~gal na Budhi!</p> + +<p>Sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan n~g hindi +pagsangayon ni Tirso sa mungkahing sila'y lumagay na sa panatag, ay +siyang hindi nahulaan n~g matalinong si Elsa.</p> + +<p>Mangyari'y tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad +nang tatawagan n~g makata ang alaala n~g mestisa tungkol sa +kinakailan~gang pagpapakahinahon n~g sinomang gaya nila na +tumutuntong sa gayong baytang n~g kabuhayan. Sa mahabang lakbayin, +ani Tirso, ay hindi nababagay ang pusok n~g loob at pagsusumugod +n~g lakad; kinakailan~gan ang tiyaga, ang pagiin~gat at tulong n~g +panahon. At ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin +na di matatagpusan sa pahan~gos at walang tuos na pagtakbo. Saka, +ang pagaasawa, anya pa, ay bun~ga n~g halamang may likas na +pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at +biglaw pa'y may marikit nang kulay na sapat ipaglaway n~g sinomang +pihikang makamamalas. Malinamnam at nakabubusog kung suko sa +gulang, dapwa't mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay +kapag bubot na kinitil sa tangkay. Tubig din namang sakdal lamig at +kusang napaiinom ang pagaasawa, kapag ang binata at dalagang +tutungga sa saro ay hindi gagamit n~g pagpapakalabis; n~guni't alak +na nakalalasing, apdo't sukang nakaduduwal kapag namarusa sa +sinomang kayamua't walang tuto sa paglagok....</p> + +<p>Hindi natatalos ni Elsang sa napagdanasan n~g sarili hinahan~go +ni Tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang +iminumungkahi. Di niya nalalamang nang matutuhan n~g makata ang +ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa +isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'y pahan~gahan~gain sa +angking alindog. At malayong pagsalagimsiman ang makata n~g kahi't +anong di mabuting hinala, kung pinananayn~gahan n~g mestisa ang +nan~gabanggit na parirala n~g kanyang talisuyo, ay ipinalalagay +pang siya'y nakaririnig n~g tinig n~g anghel na tumatawag sa +kanya't nan~gan~garal n~g kabanalan.</p> + +<p>Sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam n~g mestisa ang nangyaring +pagkapagsalita sa kanya n~g kanyang kapatid dahil kay Tirso, at +kahima't naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot n~g sugat na +ito, huwag na hindi magbitiw n~g kahi't anong payo ang makatang +hantun~gan n~g kanyang dilang paghan~ga, ay napipipi siya't +nagsasawalang imik na lamang at sukat. Bagkus kinikilala pa niyang +nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni Tirsong masarap ang +mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. Ang dalaga ay +bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam n~g layaw at +kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, ibigin ma't hindi ay +pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay at nalalanta sa +tin~gin n~g balana. Nasain mang manatili sa pagkakatampok sa alaala +at pagpapahalaga n~g Kapisanan, ang Kapisanan ay siya nang kusang +lumilimot sa kanya't ang n~galan niya ay itinuturing na lamang na +isang bituing untiunting nawawala sa masayang lan~git.</p> + +<p>At si Elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa +kasayahan. Sa gitna n~g kasayahan nakilala niya ang makatang +nagpatibok n~g tunay na pagibig sa kanyang murang puso't nihag n~g +kanyang tanang paghan~ga; nagaalaala siyang kung siya'y lumayo sa +kasayahang iyan ay baka lumayo na rin naman ang kapalarang +hinihintay niya sa pagtatan~gi n~g naturang makata.</p> + +<p>Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na +gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; +sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g +pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't +paroparong uhaw sa luwalhati....</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXIV" name='XXIV'></a> +<h2>XXIV</h2> + +<h2>ISANG SAKUNA</h2> + +<br /> + + +<p>N~gunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo n~g m~ga +araw na sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa +isipan ni Elsa ang nino n~g alinlan~gang nababanghay sa m~ga tanong +na itong iniuukol niya sa kanyang sarili:</p> + +<p>—¿Ano kaya ang tunay na niloloob ni Tirso sa ganito +kong katayuan? ¿Bakit kaya't hindi na siya nagbabalak na +ako'y ilagay sa kapanatagan, kung aking inuuntag sa kanya ang bagay +na ito'y nililibang pa ako sa kung anoanong matatamis na +pan~gun~gusap at maririkit na halimbawa? ¿Habang panahon +kaya'y ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan ko? Kahapo't +kamakalawa, ang hindi pa pagkatapos n~g kanyang pagaaral ay isa sa +m~ga mahigpit na idinadahilan, n~guni't ngayong siya'y maluwalhati +nang nakaraos ay ang pagsusulit naman sa <i>corte suprema</i> ang +iginigiit ... ¡Kung ako man lamang sana'y nahalataan na niya +n~g pagkamasilawin sa <i>título!</i> ¡Kung sa akin +sana'y hindi pa sapat ang kanyang pagkamakata! ¿Iniimbot +kaya niyang pagdayaan o linlan~gin ako?...</p> + +<p>At, si Elsa ay may labis na katuwirang mabalisa sa bahagyang +kilos ni Tirsong kinasisinagan n~g panglilinlang o pagbabagong +loob. Kung nang m~ga araw na kay Teang nabubuhos ang pagibig n~g +makata ay kinamalasan siya n~g m~ga kilos na di maaakalang magawa +n~g karaniwang babaeng silang sa bayang ito, n~gayong ang pagibig +na iya'y sa kanya na nagtatamo n~g tamis at kaluwalhatian, higit +doon ay lalo nang sukat siyang makapagisip at makapagsagawa n~g +m~ga bagay na natutun~god sa ikapapanuto n~g kanyang +katiwasayan.</p> + +<p>Ang m~ga, araw na lumipas ay naging mapapalad na saksi n~g +pagkakalagak sa sinapupunan n~g mestisang iyan n~g isang tatak na +di makakatkat kundi n~g kamatayan lamang. Sa matabang linang n~g +kanyang pusong nabababad sa tubig n~g paggiliw, n~g paggiliw na +dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang n~g +kahilihiling pagsusuyuan nila n~g makata; isang binhing palibhasa'y +laging nadidilig n~g hamog n~g mayamang pagmamahal, ay patuloy na +umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang +boong pamimisagak na umaan~gat sa lupang kinahasikan....</p> + +<p>Ang halamang iyon, pagsapit n~g takdang araw, ibigin ma't hindi +ni Elsa ay siyang magwawasiwas sa apat na panulukan n~g Katalagahan +n~g balitang nagkaroon n~g ani ang pagiibigan nila ni Tirso, +n~guni't siya rin namang lilikha n~g maitim na aninong +ipanghihilakbot n~g babae sa harap n~g balana, kapag ang makatang +nagkalaya sa loob n~g kanyang bakuran ay di natutong magpahalaga sa +tinurang halaman.</p> + +<p>Maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni Elsa tungkol sa +hinaharap n~g kanyang palad. Ang pagasang matututuhan din malao't +madali ni Tirso ang pagliligtas sa kanya sa kahihiyaang +kinauuman~gan dahil sa nararamdamang walang untol na pagunlad n~g +halamang sinabi, kung sa bagay ay di pa naman nawawala sa kanya, +n~guni't gayon ma'y nakararating ang kanyang dilidili hanggang doon +sa nararapat niyang gawin kung sakali't maging iba kaysa inaasahan +niya ang mangyari.</p> + +<p>Natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa m~ga +botika ay napansin daw ang pagkamabili n~g gamot na ipinanunugpo sa +pagdami n~g katauhan. At hindi napaglabanan ni Elsa ang pagtatanong +sa alaala niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya +n~g bagay na iyon, sakaling kailan~ganin. Naisip din namang idaing +sa kapatid at hipag ang isang maselang karamdamang kunwa'y +nararamdaman niyang tumutubo sa loob n~g katawan, at sa bisa n~g +dahilang ito ay papasok siya sa isang pagamutan at pabubusbos sa +sinomang bihasang manggagamot na babayaran n~g maraming salapi, +upang sa gayo'y magapas sa puno ang halamang ipinan~gan~ganib niya +sa malaki't di masayod na kahihiyaan.</p> + +<p>Subali't sa harap n~g mababan~gis na panukalang ito ay +nagsisipanghumindig ang m~ga balahibo ni Elsa. Anhin man niyang +tayahi'y kasalanang humihin~gi n~g kabigatbigatang parusa ang +pagsasagawa n~g tinurang panukala. At siya ay hindi pa naman +nalalabuang gaano upang lumusong sa ban~gin n~g ganyang kabuktutang +gawa.</p> + +<p>Gayon man, ang pagkamapagpasumala niya't katutubong lakas n~g +loob ay siyang nakayari n~g isang mabisang kaparaanang ikahuhuli +niya sa nagiilap manding loob n~g makata.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Hapon noon n~g araw n~g mierkoles, ika-27 n~g Septiembre, araw +na natatakdang idarating n~g mabunying sugo n~g bayan na galing sa +lupain n~g mabituing watawat.</p> + +<p>Hindi kaila kina Tirso't Elsa ang pagdating na yaong +pinaggagayakan n~g marin~gal at karapatdapat na pagsalubong n~g +boong bayang galak na galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay +sa <i>Bill Jones</i>. At sila ay nagkaisang manood n~g gagawing +m~ga pagdiriwang. N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa +Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang +ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't +ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon +n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang +pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.</p> + +<p>At nasa m~ga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood n~g +gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili n~g dalaga ang kanyang +gagawing pakana upang mabihis ang m~ga pagaalinglan~gan niya.</p> + +<p>—Tirso,—ani Elsa sa pabulong na turing, kasabay ang +pagkukubli n~g bibig sa likod n~g kanyang +pamaypay,—¿hindi ba maganda ang pelikulang ito?</p> + +<p>—Oo n~ga, Elsa,—ang magiliw na sambot n~g makata na +humilig pa mandin n~g kaunti sa dakong kinalilikmuan n~g kanyang +kaagapay,—at tan~gi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa m~ga +nanonood. M~ga ganyang palabas ang talagang nasasarapan ko.</p> + +<p>—¿Iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga't +hindi natatapos?</p> + +<p>—Kung ibig mo'y dito na natin antabayanan ang paghihip n~g +sipul n~g yelo, at kung malapit nang aahon si Quezon ay saka na +tayo lumabas.</p> + +<p>—Mabuti n~ga yata. Bakit ay masama pa, ang lagay n~g +panahon: ang ula'y tila papalakas pa.</p> + +<p>At ang dalawa ay nagpako n~g nawiwiling m~ga mata sa iba't ibang +pangyayaring nakapagpapakaba n~g loob na ipinakikita n~g palabas na +iyon.</p> + +<p>Hindi natataho ni Tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa n~g +kanyang magandang liyag. Di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon +ni Elsa ay gabihin sila sa loob n~g sineng iyon, upang sa paglabas +ay magkaroon n~g mabuting panahon ang pagsasagawa n~g balak niyang +taglay-taglay sa isip.</p> + +<p>At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam +na sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan +sapagka't tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang +binabalak na gawin.</p> + +<p>At ang kasiyahang iyan ay nalangkapan pa n~g di kakaunting +lugod, nang marinig niya ang ganitong winika n~g makata:</p> + +<p>—Elsa, ¿maaari bang turan mo sa akin kung saan pa +ang ibig mong magtun~go tayo pagkatapos n~g ating panonood n~g m~ga +paran~gal kay Quezon?</p> + +<p>—¿At hindi pa ba tayo magpapauwi n~g +bahay?—pahimbabaw na itinanong n~g mestisa.</p> + +—Kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'y may ibang +patutun~guhan<br /> +<span style='margin-left: 0.5em;'>...—pan~giting pakli n~g +lalaki.</span><br /> + + +<p>—¿Saan?—maagamagam na tanong n~g dalaga.</p> + +<p>—Susundan ko ang langkay n~g naggagandahang m~ga <i>centro +escolarina</i> na makikilahok sa m~ga pagdiriwang n~gayong hapon +...—ang pabirong sagot ni Tirso.</p> + +<p>—¿At ano?</p> + +<p>—At kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay +... hindi na ako hihiwalay.</p> + +<p>—Kung gayo'y makasusulong ka na n~gayon pa; at ... +tataglayin mo ang aking maligayang bati.</p> + +<p>—¿At ikaw?</p> + +<p>—Maiiwan na ako rito.</p> + +<p>—Baka mayroon kang katipanan....</p> + +<p>—¡Mayroon n~ga!</p> + +<p>—¿Sino?</p> + +<p>—Hindi kailan~gang makilala mo.</p> + +<p>Nagalaala si Tirsong baka "magpinid n~g tindahan" sa di oras ang +kanyang irog. Kaya't ang sinabi sa malamyos na pamimigkas:</p> + +<p>—Elsa, ¿hindi mo ba nahuhulaang sa m~ga taga +"Centro Escolar" ay wala akong mapipiling isa mang maganda?</p> + +<p>—Mangyari'y wala na roon si Teang....</p> + +<p>—Namamali ka; mangyari ay ... wala nang iba pang babaeng +may ganda't alindog na gaya n~g mestisang nasa piling ko....</p> + +<p>—¡Sinun~galing!</p> + +<p>—Siyang tunay, Elsa....</p> + +<p>—Maano Tirsong magtahan ka niyang m~ga kaululan mo.</p> + +<p>—Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: +¿maganda, ano?</p> + +<p>—¡Iyan ang talagang maganda!</p> + +<p>—<i>Pues</i> maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag +ganyang tila ka nagtatampo sa akin....</p> + +<p>—¡Pshe!</p> + +<p>Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong +mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong +Kamaynilaan.</p> + +<p>—Nasa Corregidor na,—ang parang wala sa loob na +nasabi ni Tirso.</p> + +<p>—Lumabas ka na't baka maiwan ka n~g m~ga <i>escolarina</i> +mo,—- paaglahing wika ni Elsa.</p> + +<p>—¡Talagang mabuti kang manunukso, +hane!—pan~giting salo n~g makata.</p> + +<p>—Ako'y hindi nanunukso,—ang tanggi n~g +mestisa,—ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na +kapay naurong ay sayang.</p> + +<p>—¡Anhin ko ba kung maurong man! ¡Huwag lamang +bang malayo ako sa piling n~g aking pinakatatan~ging mutya, +eh...!</p> + +<p>Sumunod sa salitang ito n~g lalaki ang isang kilusang kamuntik +nang ipaghinala n~g kahi't ano n~g m~ga taong kalapit nila sa +upuan. Salamat at ang katimpian ni Tirso'y siya ring +nakapangyari.</p> + +<p>—"Magtanim ka n~g magtanim, nang marami kang anihin" +...—pabantang saad n~g mestisa.</p> + +<p>—¡Bah! Ang "halaman" ko ay nakatanim na +...—masiglang sunggab n~g makata.</p> + +<p>—¡Buwisit! ¡Makikita mo, paglabas +natin!—ang mahina pang salo ni Elsa na di nalalaman ni +Tirsong kahi't biro ay may kalakip na katotohanan.</p> + +<p>—¿Makita ko? ¿At ipakikita mo ba? Kung gayon +ay tayna.</p> + +<p>—¡Magtahan ka na n~ga! Hindi ko na tuloy maunawaan +itong pinanonood natin....</p> + +<p>Pagkasabi nito'y ipinahiwatig na ni Elsa ang unang bahagi n~g +kanyang salamangka: pasadlak na isinandig ang katawan sa sandalan +n~g kanyang likmuan, biglang tinutop n~g isang palad ang dibdib na +tapat n~g puso, saka nagbuntonghinin~ga n~g malalim. At ang lahat +n~g ito ay ginawa sa paraang sukat mapansin n~g kaagapay na makata. +At napansin n~ga.</p> + +<p>—¿Bakit, Elsa? ¿Napapaano ka? ¿May +sakit ka ba?—ang gulilat na m~ga tanong n~g lalaki.</p> + +<p>Hindi kumibo ang babae.</p> + +<p>—Baka mabuti'y lumabas na tayo....</p> + +<p>Ipinikit pa ni Elsa ang kanyang m~ga mata at hindi rin kumibo. +Lalo nang nabakla ang loob n~g makata. Makasandali'y saka +idinaing:</p> + +<p>—Lumilibat ang aking <i>puntada</i> ... Nagsisikip ang +paghin~ga ko....</p> + +<p>—Tayna n~ga kaya lumabas, Elsa,—maalapaap na amuki +n~g lalaki.</p> + +<p>—N~guni't walang anoman, Tirso: hindi ako maaano +...—pabalatkayong bawi n~g dalaga.—Maminsanminsan ay +talagang sumusumpong sa akin ang ganitong sakit ... Ibig kong +tapusin nating sandali ang pelikulang iyan bago tayo umalis.</p> + +<p>—¿Sa palagay mo kaya'y maaari ka pang makapanood +n~g pagahon ni Quezon?</p> + +<p>—Oo....</p> + +<p>—Baka makasama sa iyo.</p> + +<p>—Hindi....</p> + +<p>At natiwasay ang kalooban ni Tirso.</p> + +<p>Datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, +ay hindi rin umaan~gat sa upo ang mestisa. Sa gayo'y parang nakaino +ang makata.</p> + +<p>—¿Hindi pa kaya dumarating si Quezon sa m~ga +sandaling ito?—malumanay na itinanong.</p> + +<p>—Marahil ay malapit na,—ang naging tugong tila wala +sa loob ni Elsa, pagkaraan n~g saglit na di paghuma.</p> + +<p>—¿Ano, di pa po ba tayo lalabas?</p> + +<p>—Tayna.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Nang lisanin n~g dalawa ang sine "Ideal" ay laganap na ang dilim +sa lahat n~g dako. Ang m~ga ilaw sa daang Carriedo at sa liwasang +Goiti ay nan~gakasindi na't siyang tumatanglaw sa makapal na taong +sumasagasa sa kasamaan n~g panahon na pawang patun~go sa pook na +natatakdang lulunsaran n~g dakilang sugo n~g bayan: sa "Magallanes +Landing".</p> + +<p>Si Elsa ay mahinay na lumalakad n~g ang kanyang isang palad ay +mahigpit na nakakapit sa bisig ni Tirso. N~guni't kung nang gabing +iyo'y naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa +mukha n~g mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang n~g +kanyang dibdib.</p> + +<p>Nang dumating sila sa liwasang Lawton ay natanawan na nilang +idinaraos na kasalukuyan ang <i>inauguracion</i> n~g "Quezon +Gate".</p> + +<p>—¡Huli na yata tayo!—mahinayang na saad ni +Tirso.</p> + +<p>—¡At dumating na pala!—ani Elsa naman.</p> + +<p>M~ga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang +gawa n~g matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; +maraming banda n~g musikang nakalipana sa magkabilang panig n~g +daang Padre Burgos at Paseo de Magallanes; mula sa may gusali n~g +"Intendencia" hanggang "Jardin Botanico", sarisaring watawat n~g di +mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa +kanikanilang m~ga kasapi; mahahabang hanay n~g m~ga "Guias +Nacionales" at "Guerrilleros Filipinos" na nakatalatag sa +pinagdaanan ni Quezon; m~ga automobil, kalesa, kalesin, at iba't +ibang sasakyang nalilimpi sa m~ga gilid n~g lansan~gan; ang +malaking langkay n~g m~ga binibining taga "Centro Escolar" na +nagalay kay Quezon n~g isang marikit na pangnan n~g m~ga sariwang +bulaklak na may kalapating nakasilid ... iyan ang m~ga namalas n~g +humahan~gang m~ga mata ni Tirso na sa palibidlibid n~g pook na +yao'y siyang nagpapasikip n~g gayon na lamang, at siyang +nagpapakilala n~g di masayod na kagalakang naghahari sa madla +alangalang sa karan~galan n~g mabunying anak n~g bayang may +ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang +tinubuan.</p> + +<p>Subali't ¿bakit kaya baga't parang hindi pansin ni Elsa +at waring hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan?</p> + +<p>Inakala ni Tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa +kanyang magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'y +nasa sine. Kaya't inalok na magpauwi na.</p> + +<p>N~guni't noon di'y nanigas na lamang n~g walang kaabogabog at +napahandusay sa m~ga bisig n~g makata, ang sariwang katawan n~g +mestisang yaon na sinusundan n~g nahihilam na m~ga mata n~g di +kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang Lawton.</p> + +<p>—¿Bakit po?</p> + +<p>—¿Napapaano po ang inyong asawa?</p> + +<p>—¡Hinihimatay!</p> + +<p>—¡Paypayan natin!</p> + +<p>—¡Wiligan n~g tubig sa mukha!</p> + +<p>—Ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang +inyong senyora.</p> + +<p>—¡<i>Ambulancia</i>!</p> + +<p>Samantalang paganyan ang m~ga sambitlaing nagpapalipatlipat sa +bibig n~g maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni Elsa, si +Tirso naman, na ipinalalagay n~g balanang nakamalas sa anyo n~g +dalawa na asawa n~g mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat +gawin.</p> + +<p>—Elsa ... Elsa....</p> + +<p>At ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa +pagkakahilig sa balikat niya.</p> + +<p>Siyang pagharap n~g isang kutserong dukha n~guni't dapat +uliranin n~g m~ga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang +kanyang kalesang nakatigil sa isang panig n~g liwasan.</p> + +<p>—Mama,—anya kay Tirso sa magiliw na +pan~gun~gnusap—inabot po yata n~g sakuna ang inyong asawa, +naririto po ang aking kalesa at ating magagamit n~gayon din para sa +ospital.</p> + +<p>—Kailan~gan n~ga pong makarating sa ospital ang inyong +asawa,—ipinayo naman n~g maraming nagkakalipumpon sa +dalawa.</p> + +<p>—Sumakay na kayo.</p> + +<p>At ang gayong munti n~guni't dakilang handog ay boong pusong +sinangayunan n~g nasisindak na makata.</p> + +<p>Ang matigas na katawan n~g mestisa ay boong higpit n~guni't +main~gat na niyapos ni Tirso sa nakikita n~g madla, saka +pinagdahang isinakay sa kalesang inihandog na kusa n~g naban~ggit +na kutsero.</p> + +<p>Buongbuo sa isipan ni Elsa na di na siya hihiwalay kay Tirso +nang gabing iyon. Inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni Tirso sa +harap n~g madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'y +magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong-sulong +n~g makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari n~g mestisa.</p> + +<p>N~guni't sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa +ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano +ang gagawin. Sa likod n~g nakatabing na tarapal, at habang patuloy +na tumatakbo ang kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni Elsang +maminsanminsang bumubulong sa kanyang m~ga pisn~gi ang namumuyong +m~ga labi ni Tirso, kasabay n~g magiliw na pagtawag sa kanyang +pan~galan na kinalalarawan n~g sindak at pagmamahal. At ang gayong +pagkakalaya na naman ni Tirso, sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang +nagpapatibay sa kanyang tinitikang gawin noon.</p> + +<p>Subali't ... si Elsa ay nalilito. Hindi niya maubos isipin kung +marapat o hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na +siya n~g mata't makipagharap kay Tirso upang sabihin n~g tahasan +ang tunay niyang ibig na mangyari. Kung, mapagtalastas naman ni +Tirso ang kanyang ginawa'y ¿hindi kaya, mabagot sa kanya? +¿Hindi kaya ikamuhi ang gayon niyang pangliliho, sa halip na +siya'y lin~gapi't pakiayunan? ¿At ano ang wiwikain n~g +kutsero kung makilala ang kanyang salamangka?</p> + +<p>Tila isang malaking <i>escandalo</i> na magbubun~ga n~g +maalin~gasn~gas na salitaan sa lahat n~g dako ang ginawa niyang +iyon, kapag nahiwatigan n~g kutsero.</p> + +<p>Saka, ¿sino ang makapagsasabi kung sa pulutong n~g di +kakaunting taong nakasaksi sa ginawa niyang pagpapatibuwal sa m~ga +bisig n~g makata ay walang sinomang nakakikilala sa kanya?</p> + +<p>Nasa ganitong m~ga pagninilaynilay ang may katutubong lakas n~g +loob na mestisa nang walang anoano'y ang kalesang kanilang +sinasakya'y biglang nahagip n~g dumaragunot na <i>ambulancia</i> +n~g "Hospital General" na nanggagaling sa Intramuros na tumatawid +sa Padre Burgos at patun~gong Avenida Taft. Ang kalakasan n~g +pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak +ang kalesa't napahagis sa lupa ang kanyang m~ga lulan. Ang +<i>ambulancia</i> nama'y nakalayo pa muna n~g may m~ga dalawampung +dipa bago napahinto sa isang gilid n~g lansan~gan.</p> + +<p>Sa harap n~g gayon di hinihintay na kasakunaa'y ¿sino ang +makahuhula sa napagsapit na palad nina Tirso at Elsa?</p> + +<p>¿Patay?</p> + +<p>¿Buhay?</p> + +<p>Maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot +upang siyasatin ang m~ga nasawi. At di pa gaanong nalalapit sa pook +na kinaroroonan n~g m~ga labi n~g nadurog na kalesa't n~g m~ga +napahamak na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na +daing n~g tinig n~g babae.</p> + +<p>—¡Naku, Tirso ko! ¡Tirso...! ¡Tirso +kooo...!</p> + +<p>At noon di'y napatambad sa m~ga mata n~g manggagamot ang isang +nakahahambal na anyo n~g m~ga nasawi sa banggaang iyon: isang +kalesang nagkadurogdurog sa dako roon, nakalugmok na kabayo sa gawi +rito, at sa hinaharap niya'y isang lalaki ang nakapalun~gayn~gay at +naliligo sa sariling dugo na hinahaplos sa mukha n~g isang babaeng +tumatan~gis at tawag n~g tawag sa n~galan n~g lalaki, samantalang +ang kutsero'y parang napaghimalaang hindi man lamang nagkagalos sa +katawan gayong napahagis sa malayo.</p> + +<p>¿Patay n~ga kaya ang lalaking pinananan~gisan?</p> + +<p>Kailan~gang siyasatin agad n~g manggagamot.</p> + +<p>At nakitang may sugat sa ulo at walang malay tao.</p> + +<p>Sa gayo'y madaling tinawag ang dalawang tao n~g +<i>ambulancia</i>, saka sinabi sa mestisa:</p> + +<p>—Ang sugat n~g inyong asawa ay may kalubhaan po: +kinakailan~gang malapatan n~g lunas sa lalong maikling panahon. +¿Itinutulot baga ninyong isakay sa <i>ambulancia</i>?</p> + +<p>—¡Para na n~ga ninyong awa, doktor! +...—pasamong tugon n~g babae na di man tumutol sa pagkasabing +"asawa" niya ang lalaking may sugat.—¡Sasama po +ako...!—ang dugtong pa.</p> + +<p>—¿Kayo po ba'y nagtamo rin n~g m~ga +kapinsalaan?</p> + +<p>—Tila po hindi; n~guni't ang tanang inyong magagawa ay +lubos na sana sa pagliligtas sa buhay n~g ... asawa ko.</p> + +<p>—Opo; ako ang bahala.</p> + +<p>—¿Maliligtas po kaya?</p> + +<p>—Tingnan natin ... Tayna.</p> + +<p>Sa isang hudyat na ibinigay n~g manggagamot, ay binuhat pagdaka +n~g dalawang lalaki ang katawan ni Tirsong pigta sa dugo at +malambot na tila sutla. At noon di'y dinala sa <i>ambulancia</i> na +inaagapayanan ni Elsa at n~g manggagamot.</p> + +<p>Pagkalulan ni Elsa sa tinurang sasakyan ay namalas niya sa loob +niyon ang isang babaeng nakakubli ang mukha na nakahigang unat na +unat at di kumikilos. Napaghahalatang gaya ni Tirso ay wala ring +malay-tao.</p> + +<p>—¿Sino kaya ang babaeng ito?—ang di sasalang +naitanong n~g mestisa sa loob man lamang niyang +sarili.—¿At napapano kaya?</p> + +<p>Nang m~ga sandaling iyo'y saka lamang may lumapit na isang pulis +na tila sa malayo pa nanggaling.</p> + +<p>—¿Bakit at ano ang nangyari?—ang tanong na +tila ibig pang magmagaling.</p> + +<p>—Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman,—madaling +ipinakli n~g manggagamot.</p> + +<p>Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat +n~g manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala +na nahihinggil sa <i>ambulanciang</i> nakasagasa, ay ipinahayag sa +pulis:</p> + +<p>—Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di +makapagtatagal pa. Ang kalubhaan n~g lagay n~g m~ga nasawi ay +nan~gan~gailan~gang malunasan kaagad.</p> + +<p>At ang pulis ay nagkasiya na sa paguukol n~g ilang tanong sa +kutsero, samantalang ang <i>ambulancia</i> ay humaginit na n~g +takbong patun~go sa "Hospital General".</p> + +<p>Pagkaraan n~g ilang saglit pa, ay napatala sa aklat n~g +pagamutang iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa +pagkabugbog, at m~ga sugat n~g katawan, ay si Tirso Silveira na +asawa n~g isang nagn~gan~galang Elsa Balboa ni Silveira.</p> + +<p>N~guni, ¿sino kaya naman ang babaeng may karamdamang +nakaangkas sa <i>ambulancia</i>?...</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXV" name='XXV'></a> +<h2>XXV</h2> + +<h2>KAKAIBANG PAGAASAWA</h2> + +<br /> + + +<p>Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang +nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa +pagamutang pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang +nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang +gabi.</p> + +<p>Gayon ma'y patuloy rin kay Elsa ang kanyang balak; sa bahay n~g +kanyang tia Basilia sa San Lazaro patutun~go upang doon, manggising +man, ay wala siyang sukat ipan~gilag at masasabi na niyang siya'y +hindi muna makauuwi sa Pasay pagka't nagtanan na sila n~g kanyang +kairugang lalaki.</p> + +<p>—Ako'y hindi mangyayaring makagalitan n~g aking tia +Basilia,—ang kanyang pinagpaparoonan sa gagawin,—kahi't +ano ang aking gawi'y maipagpaparaya niya't ipagtatanggol pa ako sa +harap n~g aking kapatid na walang salang magagalit sa akin.</p> + +<p>At habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay +napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito:</p> + +<p>—Paggaling ni Tirso, na sapilitang mangyayari n~g hindi +bibilang n~g maraming araw, yamang pinatutunayan n~g medikong hindi +naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang +katotohanan ang aming pagkakasal. At pagkatapos n~g lahat, taas na +naman ang noo kong haharap sa kanila at ipakikilala ang aking +nakaisang palad. Kung gayo'y ¿ano pa ang kanilang masasabi? +N~guni't upang huwag magkaroon n~g daang mapulaan ako't masisi n~g +sinomang makatatalos n~g bagay na ito, kinakailan~gan papaniwalain +ko siyang kasal na kami ni Tirso n~gayon pa.</p> + +<p>Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang +mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga +sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi.</p> + +<p>At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang +hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang.</p> + +<p>N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang +tanong:</p> + +<p>—¿Elsa, bakit?</p> + +<p>—Dito ako matutulog n~gayon, tia,—ang marahan +n~guni't may lambing na sagot n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Saan ka nanggaling?—ang siyasat pa ni donya +Basilia.</p> + +<p>—Wala po ...—tan~ging naipulas sa bibig ni Elsa.</p> + +<p>—¿Walang ano? ¿At sino ang iyong kasama?</p> + +<p>—Wala n~ga po....</p> + +<p>—¡Ang batang ito! ¡Huwag mo akong patayin sa +pagaalaala!</p> + +<p>—¡Si tia!—at n~gumiti pa si Elsa sa pagbigkas +n~g m~ga salitang ito.—¡Wala po kayong sukat ipagalaala +sa pagkaparito kong ito!</p> + +<p>—¡Wala raw! Halika n~ga sa loob at dini kita +magusap.</p> + +<p>Nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw +liban sa isang munting bughaw na <i>bombilla</i> na taang talaga sa +pagtulog. At pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli +na namang nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan n~g +pagkabagong gising noon.</p> + +<p>—Sabihin mo n~ga, +<i>hija</i>—anya:—¿bakit ba +hatinggabinghatinghatinggabi'y naparito ka?</p> + +<p>—Ibig ko lamang pong dito muna makatulog....</p> + +<p>—Ibig mo n~ga, nalalaman ko; n~guni't ¿ano ang +bagay n~g pagsusumagi mo n~g pakikitulog dito? ¿Nakagalitan +ka ba n~g kapatid mo, o nagkaalit kayo ni Dioni?</p> + +<p>—Maging alinman po sa riyan ay walang tama. Ako ay hindi +sa amin nanggaling n~gayon, at....</p> + +<p>—¿At ano?</p> + +<p>—... ¡Ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, +tia!</p> + +<p>—¿Bakit at ano n~ga ang sa iyo'y nangyari?</p> + +<p>—Ako po ay....</p> + +<p>—Ikaw ay ... ¿ano?</p> + +<p>—Ako po'y ... Tia, ¿hindi ba kayo nagagalit?</p> + +<p>—¡Lokang bata ito!...</p> + +<p>—Ako po ay ... ako po'y ... nagasawa na.</p> + +<p>—¿Nagasawa ka?</p> + +<p>—Opo, tia....</p> + +<p>—¿Nalalaman n~g kuyang mo?</p> + +<p>—Hindi n~ga po eh....</p> + +<p>—¿At nagtanan ka?</p> + +<p>—Opo.</p> + +<p>—¿Kanino ka nagasawa?</p> + +<p>—Sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan....</p> + +<p>—¿Pangalan?</p> + +<p>—Tirso ...</p> + +<p>—¿Apelyido?</p> + +<p>—Silveira po.</p> + +<p>—¡Tirso Silveira!</p> + +<p>Ang matanda ay saglit na nagtun~go n~g tin~gin sa ibaba at +nagisip.</p> + +<p>Kaginsaginsa'y itinanong:</p> + +<p>—¿Hindi ba iyan ang masong animo'y kasintahan ni +Teang noong araw?</p> + +<p>—¡Tia ...—saka idinukmo ang mukha sa +kandun~gan n~g ale, at sa muling pagan~gat ay +idinugtong:—¿Di ba kayo namumuhi sa akin?</p> + +<p>—¿Bakit ako namumuhi?—malumanay na ipinakli +n~g matanda na ang isipa'y nagduduklayduklay sa balabalaki n~g +kabataan.—N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba +iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo?</p> + +<p>—Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang +nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking +maging kapalaran....</p> + +<p>Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.</p> + +<p>Sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi n~g +pagkaalis sa bahay na yaon n~g mabait na dalagang kanyang inaanak +sa binyag. At naalaala ring si Elsa ang may kagagawan n~g gayong +nangyari. ¡Napakamakapangyarihan n~ga naman ang dios n~g +pagibig sa puso n~g kabataan!</p> + +<p>—¿N~gayo'y saan naroon ang asawa +mo?—makasandali'y itinanong n~g matanda.</p> + +<p>—Hindi ko po kasama ...—ang nagaalan~ganing sambot +n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Saan kayo naghiwalay?</p> + +<p>—Sa ... ospital po.</p> + +<p>—¿Ha?</p> + +<p>—Doon ko n~ga po siya iniwan, sapagka't....</p> + +<p>—¿Sapagka't ano?</p> + +<p>—Nagkaroon po n~g sugat....</p> + +<p>—¡Elsa, alangalang sa Dios, ako'y linawin mo!</p> + +<p>—Tia, si Tirso po ay nasa pagamutan n~ga, sapagka't sa di +namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya n~g ilang sugat at +bugbog sa katawan....</p> + +<p>—¿Anong sakuna? ¿Hinabol ba kayo? +¿Nagkaroon ba n~g away o basagulo?</p> + +<p>—Hindi po, n~guni't nang kami ay nakasakay sa isang kalesa +ay biglang nasagasaan n~g isang dumaragunot na <i>ambulancia</i>, +ang aming sinasakyan, at noon di'y napahagis lamang kami sa +malayo....</p> + +<p>—¡Susmaryosep!</p> + +<p>Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay +biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang +babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo +ni Elsa.</p> + +<p>—¡Dios ko!—ang pabulalas na sigaw na narinig +n~g dalawang naguusap.</p> + +<p>—Kumare,—malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa +silid.-¿Bakit?</p> + +<p>Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.</p> + +<p>—Wala, kumare,—nanaginip lamang pala ako. Para ko +bang nakitang ang anak ko'y nilalapitan n~g tatlong lalaking may +sun~gay.</p> + +<p>—Panaginip n~ga lamang iyan; matulog na kayong muli.</p> + +<p>Nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni +Elsa sa kanyang ale:</p> + +<p>—¿Sino, tia, ang matandang iyon?—ang +bulong.</p> + +<p>—Si kumareng Magda,—paanas na sagot n~g +itinanong.</p> + +<p>—¿Si manang Magda? ¿At kailan pa po +rito?</p> + +<p>—Kaninang tanghali lamang.</p> + +<p>—¿At kasama rin po ang pari?</p> + +<p>—¡Bah, hindi! Si pari Casio ay wala na sa X ... sa +m~ga araw na ito. Nakainisan daw n~g m~ga tagaroon at pinagusig n~g +gayon na lamang hanggang sa napalipat n~g ibang bayan.</p> + +<p>—¡Hm! ¡May tigas din naman pala ang m~ga taga +X ... na di nahuhutok n~g kapangyarihang simbahan!</p> + +<p>—N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare,—saka +lalong hininaan ang pagsasalita,—Sa katunaya'y ibinigay sa +"La Compañia de Jesus" si Teang sa himok n~g paring iyon +bago napaalis sa X....</p> + +<p>—¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon?</p> + +<p>—Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, +itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas +dito.</p> + +<p>—¿Ay bakit naman inalis pa sa "Concordia", gayong +sa kolehio't kolehio rin pala ipapasok?</p> + +<p>—Mangyari, ang tika ay magmongha raw.</p> + +<p>—¿Diyata po't magmomongha si Teang?</p> + +<p>—Siyang himok n~g pari na minabuti n~g ina, at kaipala'y +sinangayunan na rin naman n~g may katawan.</p> + +<p>Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya +Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at +ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog +na.</p> + +<hr style='width: 45%;' /> +<p>Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia +Basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito +ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso. Marahil +paano't paano ma'y nan~gun~gunti rin naman siyang maalaman n~g +manang na iyon na ang kanyang nakaisang palad ay dili iba't ang +lalaking nan~gibig kay Teang.</p> + +<p>—Hamo't hindi ako kikibo,—ang ayon ni donya +Basilia,—n~guni't sa malaon at madali ay sapilitang +mababalitaan niya ang bagay na iyan; at kung hindi sa iyo o sa akin +unang manggagaling ang pagbabalita sa kanya, ay lalo na siyang +magkakamatuwid na maghinanakit o magpalagay n~g di mabuti sa +nangyari.</p> + +<p>—Kung sa bagay ay katungkulan kong ako n~ga po ang +magsabi, subali't ako ay nahihiya ...—ang pakli ni Elsang +bahagyang natatawa.</p> + +<p>—Ang mabuti'y ganito: walang pagsalang yayain kitang +dumalaw kay Teang sa kolehio n~gayong umaga; gawin mo naman, bago +ka pumayag, ay anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa +ospital, at kapag naroon na'y bahala na siyang mapamangha sa +kanyang makikita at ikaw nama'y wala nang gagawin kundi ang sumagot +na lamang sa kanyang m~ga sasabihin.</p> + +<p>Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati +na rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g +matanda ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang +nakapanun~gaw sa isang bintanang paharap sa halamanan.</p> + +<p>Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda.</p> + +<p>—¡<i>Ave Maria Purísima</i>!—ang +pagdaka'y ibinati sa nakapan~galumbabang +mestisa,—¡Narito ka pala, ineng!—ang dugtong +pa.</p> + +<p>—Opo, manang,—magalang at pan~giting tugon naman n~g +binati, kasabay n~g pagpihit n~g mukha sa kumausap.—Kayo po, +¿kumusta naman?</p> + +<p>—Mabuti, Elsa, sa awa't tulong n~g Mahal na +Birhen,—saka nakipiling sa kinauupang bangko in Elsa.</p> + +<p>—¿Nakapanood ba kayo n~g m~ga kasayahan kagabi?</p> + +<p>—Oo. ¡Naku, kay damidaming tao! At nabasa pa tuloy +kami sa ulan. N~guni't ... ang kasayahan ay gayon na n~ga lamang; +sanggaano mang sigla, ay natatapos din.</p> + +<p>—Wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na +walang katapusan, eh....</p> + +<p>—Dahil n~ga riyan, kung kaya ako ay walang laging +sinisikhay kundi yaong m~ga may kapakinaban~gan hanggang sa +kabilang buhay. Tingnan mo; kung kaawaan n~g Dios na makaraos sa +pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya +n~g tatamuhin ko marahil....</p> + +<p>—¡Siya n~ga pala! Si Teang daw ay nasa "La +Compañia" para sa ganyang layon, ¿tunay n~ga po +ba?</p> + +<p>—¡Bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tun~guhing +iyang ipinakilala sa akin ni pari Casio! ¡Iyan ang +pinakadakilang magagawa n~g isang magulang na nagmamahal n~g taos +sa kanyang anak na babae!</p> + +<p>—N~guni't ang bagay na iya'y naaalinsunod din kaipala sa +hilig n~g may katawan. Marahil ay talagang nasa pagmomongha ang +hilig ni Teang....</p> + +<p>—¿At ikaw? ¿Ayaw ka bang magmonghang paris +niya?</p> + +<p>—Aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag +ako'y napakulong sa <i>Beaterio</i> at nawalay sa m~ga +kasayahan....</p> + +<p>—¡Bata ka pa n~ga!</p> + +<p>—Ang totoo po, kung ako ang pamimiliin n~g aking dapat na +harapin sa buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang +magartista, sapagka't, sa ganang aki'y ito lamang ang tan~ging daan +upang malasap n~g isang tao ang tunay na katamisan n~g mabuhay sa +balat n~g lupa.</p> + +<p>Ang huling saad na ito n~g mestisa marahil ay narinig n~g isang +lalaking han~gos na pumasok sa tarangkahan n~g bahay na iyon, +kaya't buhat pa sa may tapat n~g durun~gawan sa lupa ay malakas +nang tumawag.</p> + +<p>—¡Elsa!</p> + +<p>Si Elsa ay hindi sumagot. N~guni't di sasalang nakilala niya +agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan n~g +labi.</p> + +<p>—¿Sino iyon?—ang painong tanong n~g manang na +di nagkaroon n~g katugunan.</p> + +<p>—¡Tia Basilia!—ang ulit pa n~g nasa lupa.</p> + +<p>At ang matandang maybahay ay dumun~gaw sa isang bintanang +makipot ang pagkakabukas.</p> + +<p>—¡Ikaw pala!—ang nawika pagkakitang kapatid ni +Elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae +n~g hudyat na nawatasan naman agad n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Nariyan po ba si Elsa?—ang nagkakanggagahol +pang tanong n~g nasa lupa.</p> + +<p>—Narini; magtuloy ka,—at tumawag noon din n~g isang +alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi.</p> + +<p>Parang dinagukan ang dibdib ni Elsa at, malaong hindi +nakapan~gusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at +sa isang may baklang titig sa ale'y waring ibinulong: +"¿Paano ang idadahilan ko?"</p> + +<p>Ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan n~g +dalawang matanda.</p> + +<p>Sa unangunang tin~gin lamang n~g lalaking iyong maputla't waring +hindi nagtikim n~g tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang +lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na +nagkasala.</p> + +<p>Si Elsa ay lumin~gon na lamang at nagtapon n~g isang titig na +humihin~gi mandin n~g saklolo sa ale.</p> + +<p>Datapwa't si donya Basilia naman ay nalilito sa pagdulang na +biglaan sa isip n~g sukat niyang gawing pamamagitan sa +magkapatid.</p> + +<p>Si manang Magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan n~g +lalaki, ang tan~ging makapagparinig sa dumating:</p> + +<p>—Sinusundo mo na yata siya.</p> + +<p>Salamat sa winikang itong nagpapahayag n~g pagkawalang malay sa +lihim n~g dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tan~gayin +n~g isang impit na buntonghinin~ga ang lahat niyang sukal n~g +kalooban. Saka bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'y +bumati:</p> + +<p>—Manang magda, naluwas po pala kayo n~gayon.</p> + +<p>—Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa +inyo'y walang nagagawi sa aming matagaltagal na.</p> + +<p>—Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan +pa,—ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang +payapa nang paguusap,—kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na +matulog si Elsa kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya?—ang +tanong pa.</p> + +<p>—Hindi po,—itinugong di naiwasan n~g +lalaki:—n~guni't kagabi pang hatinggabi'y kamunti na akong +makarating dito sa paghanap sa batang iyan....</p> + +<p>—How, eh saan ba naman mapapatun~go si Elsa kundi rito sa +kanyang tia,—ang saklaw naman ni manang Magda.</p> + +<p>Subali't ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi n~g +kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae. Napasasalamat siya sa +pagkakataong iyong kaharap si manang Magda at sa maayos na +pagkapamagitan ni donya Basilia; n~guni't nauubos ang kanyang +talino'y hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang +galit ay huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling +mapagtalastas na nito ang nais niyang palitawing siya'y napakasal +na kunwa kay Tirso nang gabing natapos.</p> + +<p>Mabuti na lamang at ang kapatid niya ay tila hindi magtatagal at +mananaog din. Narinig niyang nakipagbalitaan sa manang na taga +lalawigan n~g ilang bagay na karaniwan na sa m~ga magkakakilalang +malaong hindi nagkikita. At mapamayamaya pa'y nagpaalam na n~gang +mananaog at di umano'y may iba pa siyang lalakaring bagay na +madalian.</p> + +<p>—Magagahan ka muna bago ka manaog ha,—ang pigil ni +donya Basilia.</p> + +<p>—Hindi po, tia, at ako ay nakatapos na,—ang tanggi +n~g inaanyayahan.</p> + +<p>—¿Baka hindi pa?</p> + +<p>—Tunay po.</p> + +<p>—¿Bakit n~ga ba hindi mo kami saluhan +muna?—ang sabad pa n~g manang.</p> + +<p>—Saka na po ako muling magbabalik.</p> + +<p>At pagkasambit nito ay matulin nang nanaog n~g hindi man +iniwanan n~g kahi't isang kataga ang kapatid na pinaghanap sa bahay +na yaon.</p> + +<p>Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa +anak, at si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya.</p> + +<p>—Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, +manang,—ang wika n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Ano yaon?—itinanong n~g tinukoy.</p> + +<p>—Kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral n~gayon, +at ibig ko sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo +magsamasamang tumun~go sa kolehio panggagaling natin doon.</p> + +<p>—¿Sino ang dadalawing iyon?</p> + +<p>—Saka na ninyo makikilala....</p> + +<p>—Kung gayo'y magbihis na tayo.</p> + +<p>Pagkaganap n~g salitaang ito, ang isa't isa ay nagsipagbihis +nang sabik ang loob sa kanilang m~ga dadalawin.</p> + +<p>Sa darating namang humihin~gal si Dioni, na ang pakay ay ang +mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na +nagdaan.</p> + +<p>—¡Kapatid ko!—ang bati kay Elsang pinagaagawan +n~g lungkot at tuwa.</p> + +<p>—¡Dioni!—ang sabay yakap na salubong +dinatnan.</p> + +<p>—Huwag kayong pakain~gay at maririnig kayo,—ang +papikpik namang saway ni donya Basilia, at pinapagkubli muna sa +isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang +silid si manang Magda at abalangabala sa pagbibihis.</p> + +<p>—¡Akala nami'y kung napaano ka na!—ang nasabi +pa n~g mapagalaalang hipag.</p> + +<p>—¡Patawarin sana ninyo ako, Dioni! +...—pakumbaba pang sagot n~g mestisa.</p> + +<p>—N~guni't dito ka pala matutulog ay maanong sinabi mo +kahi't sa akin, nang hindi kami naligalig n~g gayon na lamang.</p> + +<p>—Dioni, marahil ay kahulihulihan ko nang pagkakasala sa +inyo ni kuyang ang pagkukulang kong iyan, at inaasahan kong ikaw +man lamang ay hindi pa nauubusan n~g magandang loob na +maipagpapaumanhin sa akin. ¿Hindi ba?</p> + +<p>—Oo na n~ga, datapwa't ... pinapagalaala mo kaming lubha. +Paris n~gayon: ¡hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang +kuyang mo sa kahahanap!...</p> + +<p>—Kapapanaog pa lamang niya.</p> + +<p>—¿Nanggaling na rito?</p> + +<p>—Oo....</p> + +<p>—¿Ano ang sabi sa iyo?</p> + +<p>—Wala naman. Nakabuti ang pagkakataong narito si manang +Magda nang siya'y dumating. N~guni't gayon ma'y lihim ding naihagis +sa akin ang isang nanglilisik na tin~ging kamuntik nang tumupok sa +akin....</p> + +<p>—Pasalamat na tayo, Elsa, kung iyon na lamang ... At kung +gayong nagkakita na kayo n~g wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na +kikibo iyon. Subali't ¿bakit n~ga ba dito ka nakatulog at di +ka na nakauwi? ¡Hindi mo naman dating ginagawa iyan!</p> + +<p>—Di ko n~ga dating ginagawa, Dioni, iyan ang totoo. Dahil +diya'y mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa +ginawa ko....</p> + +<p>—¿Maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na +iyan?</p> + +<p>—Bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang +katapatan ko n~g aking m~ga lihim.</p> + +<p>At noon di'y sinabi na n~ga ni Elsa ang gaya n~g kanyang m~ga +ipinahayag kay donya Basilia: na siya ay napakasal na kay Tirso +nang gabing nagdaan at dahil doo'y hindi na muna siya uuwi sa +Pasay.</p> + +<p>Dili ang hindi natulo ang luha ni Dioni, pagkarinig n~g m~ga +pahayag n~g kanyang minamahal na hipag.</p> + +<p>—¿Ayaw mo bang si Tirso ang maging kapalaran +ko?—itinanong mayamaya n~g mestisa.</p> + +<p>—Hindi sa ayaw, kundi. ¡sa di oras ay nagkalayo +tayo!—ang lipos kapanglawang ipinakli n~g hipag.</p> + +<p>—Dinaramdam ko, Dioni, n~guni't ... kung dumarating nang +ganito ang sukat n~g tao ay sadya palang hindi maiiwasan.</p> + +<p>Sa wakas, nang mapagusapan n~g maghipag ang mabuting paraan n~g +pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni Elsa n~g kanyang +pagkapagasawang patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain +sa gagawing iyon ay si donya Basilia na, yamang malaki naman ang +alangalang at pitagan niyon sa anomang sabihin nito.</p> + +<p>—Gawan mo na lamang sana n~g paraang mapadalhan ako agad +n~g ilang kasuutan,—ang ipinagbiling huli n~g mestisa.</p> + +<p>—Hamo't ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa +bahay ang kuyang mo.</p> + +<p>Pagkasambit nito ay lumabas sí Dioni't nagpaalam na kay +donya Basilia. Sa han~gad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa +Pasay n~g kapatid ni Elsa, at upang maparating na maluwag ang damit +na kanyang hinihin~gi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa +"Hospital General" ang kanyang hipag.</p> + +<p>Subali, nang si Dioni ay masakay na sa isang trambiang kung +makahagibis ay mistulang hari sa bawa't lansan~gang pagdanan, ay +saka nagunitang hindi pala naibalita sa kanya n~g mestisa kung saan +ginanap ang sinabing pagkakasal. Kaya't naibulong tuloy sa +sarili:</p> + +<p>—¿Saan kaya sila ikinasal?...</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXVI" name='XXVI'></a> +<h2>XXVI</h2> + +<h2>¿SINO ANG ASAWA NI TIRSO?</h2> + +<br /> + + +<p>Nang manhik sa "Hospital General" sina Elsa, manang Magda at +donya Basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang +alin~gasn~gas na nangyayari sa bulwagang laan sa m~ga maysakit, na +babae.</p> + +<p>N~guni't kung ano ang sanhi n~g ligamgam na iyon ay hindi na +nila hinan~gad alamin. Sapagka't samantalang nagkakaisa n~g +paniwala ang dalawang matanda na yao'y likha lamang marahil n~g +sinomang may mabigat na sakit na kaipala'y naghihin~galo o +naghihirap na, bagay na di sasalang pangkaraniwan sa m~ga +pagamutang paris niyon, ang tan~ging nagsisikip naman sa puso n~g +mestisa ay ang masidhing pananabik na makarating siya kaagad sa +piling n~g makatang kanyang pinakaiibig.</p> + +<p>Tuloytuloy n~ga silang nasok sa silid na kinararatayan n~g +makatang si Tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang +nahihimbing.</p> + +<p>Napuna ni Elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang +bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na m~ga taling kayo sa ulo n~g +natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya Basilia, at +mandi'y itinanong kung sino ang maysakit na iyon. Si donya Basilia +nama'y nagkibit lamang n~g balikat sa halip na tumugon. +Hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay +manang Magda. N~guni't ang lahat ay parang gumagalang sa +kahimbin~gang kinapapalautan n~g makatang nararatay. At halos +walang ibig na magbuka n~g bibig.</p> + +<p>Subali't ... ¿bakit kaya baga't napagmasdan nilang may +n~giting gumuhit sa labing maputla n~g lalaking yaon?</p> + +<p>¿Nakagising kaya o nananaginip?</p> + +<p>Lumapit si Elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag:</p> + +<p>—Tirso....</p> + +<p>Dapwa't ang lalaki ay hindi sumagot,</p> + +<p>—¿Sinong Tirso iyan?—ang di napigilang usisa +n~g manang kay donya Basilia, pagkarinig sa pan~galang iyon.</p> + +<p>—Asawa ni Elsa ...—patutok sa tayn~gang pakli n~g +tinanong</p> + +<p>—¿Asawa?—ang pamanghang ulit sa marahang +turing n~g matandang manang.—¿Diyata n~ga baga at +nagasawa na ang inyong pamangkin?</p> + +<p>Tuman~go na lamang si donya Basilia, at sa isang hudyat ay +waring sinabing "Mamaya na ninyo malalamang lahat".</p> + +<p>At kaginsaginsa'y nakita na namang bahagyang tumawa ang makatang +kalong n~g pagkakahimbing, bago pagkatapos ay umun~gol muna at saka +gumalaw ang maputlang labing tila bumubulong.</p> + +<p>—Hindi n~ga sasalang siya'y nan~gan~garap,—ang +wikang namitiw sa bibig ni Elsa.—Ang buhay n~ga nama'y isang +pan~gan~garap na walang pagsawa ...—anya pa.</p> + +<p>Subali at ¿anong m~ga pamimigkas ang narinig nila?</p> + +<p>¡Mahiwagang tula!</p> + +<p>Natulig si Elsa n~g gayon na lamang nang maunlinigan ang +ganitong saad:</p> + +<span style='margin-left: 1em;'>Teang ko, Teang ko, ang biro ng +palad</span><br /> +sa ati'y huwag mong ipagalapaap;<br /> +naririto ako't hanggang huling sukat<br /> +n~g ating daratni'y sumisintang tapat.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>¿At tumatangis ka? ... Ang +luha mong iya'y</span><br /> +tipirin sinta ko't di pa kailangan,<br /> +sa piling ng aking malamig na bangkay<br /> +saka mo na roon guguling minsanan....<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>Ang isip mo't diwa'y +papanumbalikin</span><br /> +sa pagmamahal ko't payapa tang hintin<br /> +ang muling pagngiti ng buwa't bituin.<br /> +<br /> +<span style='margin-left: 1em;'>Bayaan ta munang itaboy sa +dagat</span><br /> +ng mga buhawi ang dilim ng ulap,<br /> +at saka lakbayin ang lupang mapalad.<br /> + + +<p>¡Panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang +paghin~ga ni Elsa!...</p> + +<p>¿Diyata't hanggang sa m~ga sandaling mabin~git sa labi +n~g libin~gan ang buhay ni Tirso ay si Teang din ang laman n~g +diwa't katalatalamitam n~g kanyang kaluluwa?</p> + +<p>¡Gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso n~g +mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig n~g tulang yaon na +ang bawa't pantig ay busog na sumisibat sa kanyang m~ga +tayn~ga!...</p> + +<p>At, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang +may baklang tanong n~g matandang manang:</p> + +<p>—Elsa, ¿sinong Teang ang aking narinig na +tinatawagtawag?</p> + +<p>—....</p> + +<p>Mahabang sandaling walang kumikibo sa loob n~g silid. Sa m~ga +matang nanggigilalas n~g mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha +n~g mestisa, ay nabasa ni donya Basilia ang di mailarawang +pangyayaring likha n~g mahiwagang tulang kabibigkas n~g makata.</p> + +<p>¡Oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon n~g +mestisang kailan man yata'y hindi na magtitikim n~g kaluwalhatian, +n~g ganap at lubos na kaluwalhatian sa pagibig!...</p> + +<p>Naroroon siya nang umagang iyon upang ipagparan~galan sa +dalawang matanda ang lalaking ayon sa una niyang pahayag ay siyang +pinagtiwalaang magari n~g kanyang n~gala't kapurihan, datapwa't +nang ang pagpapakilala'y halos bubukhin na lamang sa kanyang m~ga +labi, ay<br /> +<span style='margin-left: 0.5em;'>... saka niya tinanggap ang isang +katunayan n~g kanyang walang</span><br /> +hanggang pagkasiphayo at pagkapawakawak n~g pagkababae niya at +dilang pagasa....</p> + +<p>Madilim na madilim n~ga ang nakikita ni Elsa nang m~ga sandaling +yaon. Sa kanyang ulana'y waring nararamdaman niyang ang lan~git ay +bumababa't tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa +kanyang paana'y parang natutunghang nunuka ang lupa't kung baga sa +ganid ay anyong siya'y sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang +balangkas n~g kanyang kahalihalinang alindog....</p> + +<p>Sa laki n~g panghihilakbot sa harap n~g kanyang naguguniguni'y +tinangka n~g mestisa ang sumigaw n~g ubos lakas upang sa gayo'y +tumighaw ang kanyang nagsisikip na paghin~ga, nguni't kung tayahin +niya'y may bikig siya sa leeg at ang dila niya'y hindi makapalag sa +dami n~g gapos....</p> + +<p>Salamat na lamang at kaginsaginsa'y nagmulat n~g mata ang +makatang galing sa pananaginip.</p> + +<p>Nagisnan ni Tirsong sa may paanan niya'y dalawang matanda ang +nagbubulun~gan, subali't di niya namamalayang sa dakong ulunan ay +naroon si Elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis.</p> + +<p>Upang mapakimatyagan ang pinagbubulun~ga'y muling pumikit ang +nararatay. At noon di'y kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'y +nagbungtonghinin~ga si Elsa. Bigla siyang pumihit at lumin~gap sa +dakong kinaringgan n~g nasabing buntonghinin~ga. At namasdan niyang +malungkot na malungkot na nakapan~galumbaba ang kanyang +mestisa.</p> + +<p>—Elsa ...—ang unang pumasnaw sa bibig ni Tirso ... +¿Kanina ka pa ba?—ang dugtong na tanong.</p> + +<p>—N~gayon lamang ...—- malumbay na sagot.</p> + +<p>—¿Ang iyong kasama?</p> + +<p>—Sina manang Magda at tia Basilia.</p> + +<p>Ang dalawang matanda'y marahang lumapit sa naguusap. Sinalubong +naman n~g makatang nakahiga n~g isang malugod at magalang na +n~giti.</p> + +<p>—¿Kumusta?—ang may kapalagayang loob na bati +ni donya Basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang +lalaking iyon.</p> + +<p>—Mabuti na po naman daw, ayon sa mediko +...—mabanayad na pakli ni Tirso.</p> + +<p>—Nanaginip ka yata,—ang wika pa n~g matandang iyong +ale ni Elsa, samantalang ang mamang nama'y napapatun~gan~gang hindi +makaimik.</p> + +<p>Nagitla si Tirso sa gayong sinabi.</p> + +<p>¿Bakit kaya't nalalaman yata n~g matandang iyon ang +panaginip niya? ¿Binigkas kaya niya n~g malakas ang tulang +maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? ¡Oh, baka +narinig na ni Elsa ang pagkakabanggit niya sa n~galan ni +Teang!...</p> + +<p>Sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'y hinagisan n~g +mapun~gay na sulyap ang mukha ni Elsa. ¡Ah, tila n~ga +nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! ¡Hindi +n~ga sasalang narinig ni Elsa! ¡Kay samang pagkakatoon!</p> + +<p>Ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka't +may m~ga kaharap. At ¿hindi kaya naman napakinggan n~g +manang ang n~galan ni Teang na nababanggit sa kanyang tula? +¿At ano kaya ang palapalagay n~g matandang ito sa tulang +yaong bunga n~g pangarap?</p> + +<p>—Paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo +magtitira.—ang makasandali'y narinig na naman ni Tirsong +sinasabi ni donya Basilia.—Ganito ang pinagkasunduan na namin +ni Elsa, samantalang hindi pa kayo napapanhik sa bahay n~g kanyang +kapatid sa Pasay.</p> + +<p>Humigit-kumulang ay nahulaan n~g lalaki ang taglay na kahulugan +n~g m~ga salitang yaon. Kaya't ni kataga n~g pagayon, ni kataga n~g +pagtutol, ay wala siyang isinagot. Ang ibig niyang mangyari, kung +magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap.</p> + +<p>Subali't nan~gagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang +patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi n~g +gusaling iyon.</p> + +<p>Ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong +paglubha, sapagka't mula sa dun~gawan n~g silid ni Tirso sa "Floor +No. 3" ay natin~gatin~gala nilang marami ang taong nagkakagulo sa +"Floor No. 6" na nauukol sa m~ga babae.</p> + +<p>—Elsa,—ang tawag n~g manang sa mestisa,—may +pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas.</p> + +<p>—Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo +na,—ang tugon n~g tinukoy.</p> + +<p>—¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang +sana!—ang padalan~gin pang saad ni manang Magda.</p> + +<p>—¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga +mediko't <i>nurse</i> na doon ang tun~go?—ang tanong pa rin +ni donya Basilia.</p> + +<p>—Marahil n~ga po'y mayroong malubha ang +karamdaman,—ang ayon ni Tirso sa narinig kay Elsa.</p> + +<p>—Kung gayon lamang ay ¿bakit kay dami pang mediko +ang kailan~gang magulo?</p> + +<p>—Kung ako n~ga marahil ang maghihin~galo ay walang +maliligalig na sinoman ...—ang may pahagkis na saad n~g +mestisa.</p> + +<p>—Maaaring magkagayon,—ang sunggab n~g nakaratay, +kung ako ang mauunang mamatay sa iyo. Datapwa't ... Elsa, kung +mamamatay ba naman ako ay ¿magagambala ka?</p> + +<p>—¡Kung magusap ang m~ga batang ito!—ang himig +pasaway na inihadlang ni donya Basilia.—Nasa talaga n~g Dios +ang asawa mo, Elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan n~g ganyang +pan~gun~gusap.</p> + +<p>Ang mestisa ay hindi na naman umimik. Ang makata lamang ang +tumugon:</p> + +<p>—Wala po namang anoman ang pinaguusapan namin +...—mahiyahiyang wika na nilakipan n~g isang masayang +n~giti.</p> + +<p>—¿Ano n~ga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga +may tali kayo sa ulo?—itinanong naman n~g manang.</p> + +<p>Saka lamang naipaliwanag ni donya Basilia sa kanyang kumare ang +kanyang natatalos sa bagay na iyon. At sa ginawang paguulat n~g ale +ni Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni +Tirso, ay napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g +naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing +sinundan.</p> + +<p>Hindi siya kumibo.</p> + +<p>Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isang <i>nurse</i> na +humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.</p> + +<p>—Ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko,—ang +magalang na bati sa m~ga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga't +ito ay tinanong:—Kayo si G. Tirso Silveira, ¿ano +po?</p> + +<p>—Ako n~ga po,—malumanay na tugon n~g lalaki.</p> + +<p>—¿Ano po ang kanilang sadya?—ang katlo naman +ni Elsang <i>nurse</i> ang hinarap.—Siya n~ga si Tirso +Silveira, ang aking asawa,—ang pakilala pa.</p> + +<p>Biglang natilihan ang tinurang <i>nurse</i> nang marin~gig ang +sabi n~g mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking +ito?" ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki n~g mangha.</p> + +<p>—¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod?—ang tanong +pa ni Elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang +matanda.</p> + +<p>Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang +tinukoy.</p> + +<p>—Ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto +ay isang babaeng tila nasisiraan n~g bait ang naghihihiyaw at +bumabanggit n~g inyong pan~galan,—ang wikang kay Tirso +nakatin~gin.—At kayo ay ipinakikiabot, tinatawag n~g ubos +lakas, at waring napaliligtas sa isang malaking kapahamakan ... +¿Itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo rito at sandaling +sumaglit sa kinaroroonan n~g babaeng sinabi?</p> + +<p>—¿Ano po ang pan~galan?—ang panabay na usisa +n~g dalawang magkumare.</p> + +<p>—Hindi ko naitanong sa kasamahan naming nagbabantay sa +kanya, n~guni't inaakala kong makikilala ninyo pagdating natin +doon.</p> + +<p>Napaban~gon si Tirsong hindi na naghintay n~g sinomang aalalay +sa kanyang nanghihihang katawan. N~guni't gaputok may hindi +nagsasalita. Sa liblib na pitak n~g kanyang dibdib, hindi sasalang +may sinasarili siyang isang malaking lihim.</p> + +<p>—¿Ibig mo bang pumaroon?—ang tanong ni Elsang +tila may balisa, na rin sa gunamgunam.</p> + +<p>—Ibig kong lumapit sa tumatawag ...—nanghihin~gapos +na sambot n~g maysakit.</p> + +<p>—Kung gayon po'y magpapakuha ako n~gayon din n~g inyong +sasakyan,—anang <i>nurse</i> na maliksing lumabas.</p> + +<p>Halos di naglipat sandali't dumating ang sasakyang kinuha na +iginugulong n~g dalawang lalaki.</p> + +<p>—Ihihilig po kayo rito,—ang wika n~g masipag na +<i>nurse</i>.</p> + +<p>—Huwag na po,—ang tanggi ni Tirso,—ako'y +lalakad na lamang....</p> + +<p>—Baka kayo mapagod na totoo....</p> + +<p>—Kaya ko na ang aking katawan.</p> + +<p>At pagkasambit nito'y marahan nang tumindig at umanyong +lalakad.</p> + +<p>—Akbayan mo, Elsa,—ang utos n~g ale.</p> + +<p>Subali't ang utos na iya'y tila hindi narinig n~g pamangking +pinagsabihan, sapagka't ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos +noon sa pagtatanong sa sarili kung sino n~ga ang babaeng iyon na +ibinabalitang tumatawag sa n~galan ni Tirso.</p> + +<p>—¿Sino n~ga ba ang babaeng yaon?—ang ulit +pang tanong ni donya Basilia.</p> + +<p>—Aywan n~ga po ba,—ang sambot n~g <i>nurse</i> +habang sila'y samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang +bulwagan.—N~guni't ang sabihanang narinig ko ay kagabi +idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob n~g +isang <i>ambulancia</i>, galing sa Intramuros at itinelepono n~g +isang pulis.</p> + +<p>Nagibayo ang sikdo n~g puso ni Elsa, pagkarinig sa m~ga pahayag +n~g <i>nurse</i>.</p> + +<p>¿Diyata n~ga kaya't yaon na ang babaeng walang malaytaong +nakapiling ni Tirso sa loob n~g <i>ambulanciang</i> nakasagasa n~g +kalesa?...</p> + +<p>Isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino....</p> + +<hr style='width: 65%;' /> +<a id="XXVII" name='XXVII'></a> +<h2>XXVII</h2> + +<h2>¡APOY!...</h2> + +<br /> + + +<p>Natatakot, sumisigaw, tumatan~gis....</p> + +<p>Alan~gang malinaw ang isip at alan~gang nahihibang; unat at taas +ang m~ga kamay na tila nalulunod at tumatawag n~g makasagip; m~ga +matang halos magkanglulusot sa laki n~g sindak, na parang +nakakikita n~g isang kapan~ganyayaang mahirap iwasan; m~ga patak +n~g luhang pabugsobugsong nanaloy sa humpak n~g pisn~gi: mukhang +kahabaghabag na nakikipan~gagaw sa kulay n~g suka; samongsamong na +buhok na wari'y dinaanan n~g matinding buhawi; katawang pumapalag +na anaki'y nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos ... iyan +ang sa biglaang paglalarawa'y siyang pagaanyo n~g babaeng yaon na +kinabubuntahan nang umagang iyon n~g dilang pagkagulumihanan sa +"Hospital General".</p> + +<p>M~ga medikong manakanakang nagtatanong, m~ga <i>nurses</i> +walang matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na +nagban~guna't lumapit sa isang dulo n~g bulwagang pinagbubuhatan +n~g alin~gawn~gaw; saka iba pang m~ga kawaning takangtaka sa +nangyayari, ang m~ga pan~gunang saksi sa ganyang anyo at m~ga kilos +n~g tinurang maysakit na tumatawag sa n~galan ni Tirso.</p> + +<p>At ang sinasabi sa gumagaralgal at pauntolutol na tinig ay +nabubuo sa ganitong m~ga katagang halos di maunawaan gayong +maliliwanag:</p> + +<p>—¡Asawa ko! ¡Asawa ko! ¿Saan ka naroon? +¿Nahan ang awa mo?... ¡Halika! ¡Tirso! +¡Halika! ... ¡Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin +sa kapahamakang ito!...</p> + +<p>—¿Sinong Tirso ang inyong hinahanap?—ang +tanong n~g isang manggagamot na kaharap doon.</p> + +<p>—¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... +¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka n~gayon? ¡Parito ka't +lin~gapin mo ang aking napagsapit!...</p> + +<p>Marinig ito n~g isang <i>nurse</i>, ay madali n~gang nanaog na +nagtungo sa silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling +iyon.</p> + +<p>Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga +pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay +sino.</p> + +<p>—¡Patawarin mo ang aking m~ga pagkakamali! +¡Limutin mo ang aking m~ga pagkukulang! ¡Oo, Tirso, +inaamin ko ang pagkabulag n~g aking paniwala at ang pagkapatun~go +ko sa ligaw na landas! ... ¡Minarapat kong tumalikod sa layaw +n~g mundo at sampu n~g sumpang isinangla sa iyo ay aking hinamak, +sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking pinagsakitang +marating! Datapwa't ... ¡hindi pala! ¡Ang +<i>Beaterio</i>, na nang una'y itinuring kong isang <i>Paraiso</i> +na katatagpuan n~g dilang luwalhati n~g babaeng banal, ay siya +palang tunay na impiyerno sa balat n~g lupa, isang parusahang +kinasasadlakan n~g m~ga nahihibuan n~g buktot na hatol! ¡Ang +m~ga taong itong kung sabihin n~g aking m~ga ninuno'y matapat na +alagad n~g Kabanalang sinugo n~g Dios upang maghasik sa daigdigang +ito n~g malusog na binhi n~g Dakilang Asal, at di umano pa'y m~ga +tagapagakay sa m~ga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi +m~ga kasumpasumpang kawa n~g Pagpapakunwari na sa tulong n~g +balatkayong Tumpak na Pananampalataya'y nagiging halimaw na laging +uhaw na mapagsamantala sa puri at dan~gal n~g kahima't sinong +mahulog sa kanilang inuumang na lambat! ... ¡Ah, n~gayon ko +nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, +asawa ko! ¡Dahil sa iyong pagkakasapi sa isang Kapisanang di +ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, +pala sa aking pagkababae'y sukat daw upang ikaw'y pangdirihan n~g +sinomang gaya kong may loob sa Dios, minarapat ko ang sa iyo'y +lumimot ... pinagsisihan ko n~g gayon na lamang ang pagkakilala sa +iyo ... aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na +kusa sa mura kong puso ... at ang kadalisayan n~g aking pan~gako ay +kusang hinamak at pinapagmaliw n~g lubuslubusan ...! ¡Patawad +n~ga, Tirso, ang hinihin~gi sa iyo nitong asawa mong +nagbabalik-loob!...</p> + +<p>At, habang hindi naglulubay n~g kasasalita ang babaeng iyon na +kahi't pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na +umpok n~g ilang kataong kabilang sa m~ga nalilimpi sa palibid n~g +tinurang babae, ay siya namang pinananayn~gahan ang ganitong +pahayag n~g manggagamot na umaaming siyang kasama sa +<i>ambulancia</i> nang gabing nagdaan:</p> + +<p>—Dinatnan kong ang babaeng iya'y walang ulirat na +nakalugmok sa harap n~g pulis na tumelepono rito kagabi; hindi +masabi n~g pulis na iyon ni n~g sinoman sa ilan pa kataong +nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino at kung saan galing. +Pagdaka'y nakita na lamang daw n~g pulis na susuraysuray na +sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, n~guni't pagkalapit ay +bigla na lamang napahandusay. Nang aking siyasati'y may ilang +bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa n~g pagkakahulog mula sa +alinmang mataas na lugal. Ang aming <i>ambulanciang</i> ikinuha sa +kanya ay nakasagasa naman sa raan n~g isang kalesa. At sa banggaang +iyo'y isang lalaki ang nasawi. Walang malaytaong ito'y dinala rin +namin, kasama n~g isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na +asawa niya. Ipinatala n~g tinurang mestisa na ang pan~galan n~g +kanyang asawa ay Tirso Silveira. At n~gayo'y ... ¡hayan at +Tirso Silveira rin ang isinisigaw n~g babaeng iyan!</p> + +<p>—¡Kay laking hiwaga!—ang nagpalipatlipat sa +isa't isang bibig.</p> + +<p>Kapagkuwa'y narinig na namang nagsisisigaw ang babae.</p> + +<p>—¡Oh, Tirso! ¡Narito na naman ang halimaw na +ganid! ¡Narito't anyong ako'y gagahasain! ¡Iligtas mo +ako, Tirso! ¡Halika!...</p> + +<p>Siyang pagsipot sa bulwagang iyon n~g lalaking +pinagpatalastasa't sinundo n~g <i>nurse</i> kasunod si Elsa, si +donya Basilia at si manang Magda.</p> + +<p>Pagkairinig sa huling pagibik na iya'y ang manang ang una at +boong liksing nakalapit, n~guni't si Tirso ma'y naroon na ring +hawak sa bisig ni Elsa.</p> + +<p>—¡Anak ko!</p> + +<p>At sa loob n~g isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang +na niyakap n~g matanda ang abang maysakit. N~guni't ito ay waring +di nakakikilala n~g tao't parang walang naririnig na anoman. Nasa +m~ga bisig na n~g matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, +ang narinig n~g lahat.</p> + +<p>—¿Nasaan ka, Tirso? ¡¡Tirso!!...</p> + +<p>Mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw n~g +nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil n~g kaakbay na +mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay n~g +tawag na:</p> + +<p>—¡Teang!</p> + +<p>Si Teang ang maysakit. At sa tawag na ito ay waring natauha't +pinagsaulan n~g lakas n~g katawan at linaw n~g isip.</p> + +<p>—¡Ah, si Tirso!...</p> + +<p>At noon di'y naghulagpos sa m~ga kamay ni manang Magda at +matuling lumipat sa m~ga bisig n~g makata.</p> + +<p>Halos napigil ang paghin~ga n~g tanan sa gayong hindi akalaing +mapanood.</p> + +<p>—¿Teang, ano ang nangyari sa iyo?—ang +patakang tanong n~g manang, samantalang ipinan~gan~gamba sa sarili +ang pagkabaliw n~g anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking +itinuturing na asawa ni Elsa.—¿Bakit naparito ka? +¡Naku, bunso ko!...</p> + +<p>Nagbalik na naman sa bisig n~g ina ang abang si Teang.</p> + +<p>—¡Ina ko! ¡Patawarin ninyo ako!...</p> + +<p>At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay +n~g ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak....</p> + +<p>—¿Nagkasakit ka ba?</p> + +<p>—Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong +pinaghabilinan ninyo sa akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala +sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!...</p> + +<p>—¿Sinong m~ga tao?—ang pabiglang sunggab ni +Tirso.—¿At nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo +at gagawin ko ang nararapat!</p> + +<p>—Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang +sigwa....</p> + +<p>—¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio?—ang tanong +na naman n~g inang manghangmangha sa nangyari sa anak.</p> + +<p>—Opo, inang; at sa ginawi kong ito'y inuulit kong, ako'y +inyong patawarin, yamang ito ang tan~ging naging kaligtasan n~g +anak ninyo. ¡Ah, ayokongayoko nang mag mongha! ¡Siya +n~ga, inang! ¡Mamatay na muna ako bago muling matira n~g +isang saglit sa loob n~g <i>Beaterio</i>!... ¡Maano nawang +mabunyag na sa lahat n~g m~ga kababayan natin ang alin~gasaw n~g +kabulukang naluluom sa loob n~g m~ga pinid na pinto't dun~gawan n~g +m~ga gusaling ito!—Saka ibinaling sa makata:—Tirso, +n~gayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa +bakuran n~g Papa ... ¡May labis kang katuwiran!...</p> + +<p>Samantala, ang dinaranas na pagpupuyos n~g budhi ni Elsa, habang +nagiging saksi siya n~g lahat at lahat, ay di mailalarawan n~g +lalong bihasang panitik.</p> + +<p>May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok +pa nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat +n~ga, subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... +Nakikinig siya sa pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y +isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at +nagpapalito sa kanyang isipan....</p> + +<p>Datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya +Basilia at ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang +"¿Anong gusot, Elsa, itong pinasok mo? ¿Napakasal ka +n~ga ba sa lalaking iyan, o ako'y iyong pinaglalakuan?" ay napukaw +ang kanyang kaluluwa't sa kaibuturan n~g dibdib niya'y nagban~gon +ang larawan n~g kapalaran niyang inaamis ni Teang, pagkaamis na +humihin~gi n~g kanyang pagtatanggol, n~g kanyang paghihiganti, n~g +kanyang tanang magagawa....</p> + +<p>Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang +kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni +Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g +babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay +isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay +nilimot na naman nito, at siya—si Elsa—ang sa wakas ay +pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan +n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay. Ang +punlang iyo'y inaalagaan ni Elsa na taglay ang taimtim at tunay na +pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at tan~ging siya lamang ang +may kapangyarihang maghari sa pagibig n~g naturang makata ... saka +n~gayon sa namamalas niya'y si Teang ang kayapos n~g m~ga bisig ni +Tirso ... ¡Oh, hindi niya mababata!</p> + +<p>—¡Tirso, sukat na ang pagbibigay!—ang malakas +na wika sa nan~gan~gatal na tinig.—¡Gunitain mong +naririni akong nagmamasid sa iyo!</p> + +<p>Ang lahat n~g mata'y napabaling at sukat sa nagbitiw n~g m~ga +katagang iyang kulog manding sumambulat sa pangdinig ni Teang. At +ang panggigilalas ay lalo nang nagulol at lumaganap sa tanang +naroon.</p> + +<p>Ang tin~gin ni Elsa at titig ni Teang ay nagkasagupang tulad sa +dalawang sandatang nagkapingkian sa laot n~g paglalamas; dapwa't +laban sa katan~giang likas sa isa't isa, sa pagkakapingking iyo'y +si Elsa ang napipilan wari't siyang nagbaba n~g tin~gin, +pagkapalibhasa'y may nabasa siya mandin sa m~ga balintataw ni Teang +na isang katotohanang kinasilawan niya: ang katotohanan n~g +pagkapariwara n~g lahat niyang pagasa.</p> + +<p>N~guni't kay Teang, ang gayong pagyuko ni Elsa ay +nagpapanumbalik naman n~g dati niyang pakikipagpalagayan sa +mestisang ito, kaya't parang hindi dinaanan n~g ulap ang maaliwalas +na lan~git n~g kanilang pagkikilala'y malugod niyang tinawag ang +pan~galan nito.</p> + +<p>—¡Elsa!—anya, at kasabay ang lapit na +idinugtong:—Naniniwala akong kaya ka naririto'y dahilan sa +akin, ¿hindi ba?</p> + +<p>—Isinama lamang ako ni tia ...—ang may lungkot na +pakli n~g mestisa.</p> + +<p>—¿Ang ninang ko pati ay naririto?—at noon +di'y pinagala ang tin~gin sa dami n~g taong nakapalibid, at hinanap +si donya Basilia.</p> + +<p>—Naririto ...—bahagya nang naitugon ni Elsa.</p> + +<p>—¡Ah, ninang!—ang boong tuwa't pananabik na +ibinati pagkakita sa hinanap, at pagdaka'y tinakbong niyakap at +hinagkan sa kamay,—¡Anong himala't naparito tayong +lahat!</p> + +<p>Walang kumibo sa m~ga kaharap. Lahat ay nasa panonood at +pagtataka.</p> + +<p>Sa katotohanan, ang m~ga kilos ni Teang nang umagang iyon ay +naging kapunapuna't malayo sa dati niyang asal. Marahil ay gawa n~g +lagnat na nadama n~g inang umaapoy sa kanyang katawan.</p> + +<p>Hindi hinihintay ni manang Magda na ang kanyang anak na babaeng +pinalaki sa mabuting turo ay mamasdan niyang yumupyop na gayon sa +dibdib n~g isang lalaking sa pagkabatid niya'y asawa pa naman n~g +iba, ni Elsa. Si donya Basilia man nama'y natitilihan din n~g gayon +na lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung +ano't itong lalaking sinasabing asawa ni Elsa ay siya pa namang +ipinagibang kilos n~g mabait na babaeng kanyang inaanak sa +namamalas n~g mestisang iyong dapat sanang masakita't magubos n~g +kaya sa paguusig. At si Elsa naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang +may malaking ipinagiba. Kaikailan man ay hindi siya nan~gimi sa +harap ni Teang kundi nang m~ga sandaling yaon. Samantalang si +Tirso, habang nagtatagal n~g pagmamalas sa kaibigibig na alindog +n~g babaeng unang nagkapan~galan sa kanyang puso, ay lalo nang +napapatdahan n~g dila't sa laki n~g galak na lumulunod sa +kaluluwa'y hindi makabigkas n~g isa mang kataga.</p> + +<p>Subali't si Teang ay patuloy sa pagpapahan~ga....</p> + +<p>Si Elsa't si donya Basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa +kinatatayuan n~g inang si manang Magda sa harap n~g makata. At ang +sabi pagkatapos:</p> + +<p>—Inang, ninang, kaibigang Elsa ... huwag kayong mamangha +sa ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko n~g aking +kapalara'y naririto: si Tirso Silveira.</p> + +<p>—¡Teang!—ang halos panabay na nasambit n~g +tatlo.</p> + +<p>—Huwag kayong magalaala: kasal na po kami....</p> + +<p>—¡Hindi manyayari!—ang bigla't patiling +hadlang n~g mestisang mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa +sandaling iyon.</p> + +<p>—Nangyari na, Elsa ...—malumanay na tugon ni +Teang.</p> + +<p>—¡Pangahas!—ang bulalas na wika n~g +nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapan~gin ang kanyang +katun~go.</p> + +<p>—¡Dios ko!—ang tili n~g manang.</p> + +<p>—¡Elsa!—malakas na tawag naman ni donya +Basilia.</p> + +<p>Siyang pamamagitan ni Tirso.</p> + +<p>—Elsa ...—anya sa mahinahong +pamimigkas.—Nalalaman kong si Teang ay para mong tunay na +kapatid at dati kayong matalik na magkaibigan. Nalalaman ko rin na +ang kaligayahan at kapalaran n~g isa sa inyo ay di lamang hindi +ipagdaramdam ni ikaiinis n~g isa pa, kundi bagkus ikalulugod n~g +walang pasubali. At kung sakasakali mang may nagkukulang sa sinoman +sa inyong dalawa, ang pagkukulang na iya'y ipinagpaparaya rin +alangalang sa katalikan n~ga n~g inyong pagsasama. Elsa, +¿hindi mo ba ikinalulugod ang kaligayahan n~g kaibigan mong +si Teang?...</p> + +<p>—Tirso ...—boong lumbay na ipinakli n~g +mestisa,—¿diyata ba't isa ka pa sa magpapainom n~g +lason sa akin sa tulong n~g matatamis na bulaklak n~g dila? ... At +parang di alumanang sa palibid nila'y hindi kakaunting tao ang +nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa nan~gan~gatal na, +tinig:—Tapatin mo ako, Tirso: ¿hindi na ba ikaw ang +Tirsong sinanglaan ko n~g lalong mahalagang hiyas n~g aking puri at +nagdulot sa puso ko n~g pagasang balang araw ay sasayurin ko ang +walang hanggang ... kaluwalhatian?</p> + +<p>—¡Tirso ko!—ang sabat ni Teang na waring ... +nagpaalaala n~g isang mahalagang tungkulin.</p> + +<p>—Pumayapa ka, Teang,—ang salo n~g makata, bago +pumihit na muli sa mestisa.—Elsa, ang m~ga nalilihis na +hakbang ay di nararapat ipagpatuloy. Kung tunay na ako'y +pinahahalagahan mo, ay inasahan kong iyong paiirugan ang isa kong +samo: magpatawaran na tayo....</p> + +<p>—¿Magpatawaran? ¿Ibig mo bang sabihi'y +ipalupig ko sa babaeng, iyan ang aking dilang pagasa?...</p> + +<p>—Hindi, Elsa; subali't ... ipinagtatapat kong taglay ni +Teang ang boong karapatan sa narinig mong kanyang sinabi.</p> + +<p>—¿At nahihibang ka ba?...</p> + +<p>—Nahihibang ay hindi; datapwa't ... kinikilala kong ang +isa't isa sa atin, Elsa, ay may kanikanyang pagkakasalang marapat +patawarin n~g pinagkasalanan.</p> + +<p>—¡Pagkakasala! ... ¿Anong pagkakasala ang +ibubuhat mong aking nagawa pagkatapos na tupdin ko ang tanang +itinitibok n~g aking puso sa pagkakilala sa iyo?—At sa +pagsasalita n~g ganito'y; naramdaman n~g mestisang untiunting +nagdidilim ang kanyang m~ga panin~gi't bahabahagyang nanglalabo ang +kanyang pangwatas.</p> + +<p>—Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong +kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging +paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong +ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo +n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita....</p> + +<p>Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni +Elsa. At sa isang pikit-mata'y pabiglang nagbulalas n~g matunog na +sigaw.</p> + +<p>—¡Apoy! ...—saka nilabnot ang buhok at taas +ang dalawang bisig na humarap sa madla,—¡Apoy na +nakapapaso ang babae! ¡Ang babae'y nakadadarang, nakatutupok! +... ¡Ha-ha-ha-ha! ... ¡Tabi kayo't naito ang apoy! +¡Ang apoy! ... ¡Ha-ha-ha-ha-ha!...</p> + +<p>At ang kahabaghabag na mestisa, ay naging baliw sa isang +saglit....</p> + +<p>Walang paalam, pasugod, tumatakbo at han~gos, sumisigaw at +kumukumpas, humahalakhak at walang nakikilala, walang naririnig ... +ang abang si Elsa ay nagmistulang bagong Sisa sa dahas n~g dagok +n~g kasaliwaang palad na kanyang kinamtan....</p> + +<p>Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y +salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang +pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang +Magda at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya....</p> + +<p>¡Kahambalhambal na naging wakas n~g sawingpalad na +mestisang kung nakagawa man n~g malulubhang kamalian, ay walang iba +kundi yaong ibinubuyo at iniuupat n~g isang pagibig na walang +kapantay sa kasidhian!...</p> +<br/> + +<p>WAKAS</p> + +Maynila, K.P.,<br /> +Pebrero 7, 1920.<br /> + +<br/> +<hr/> +<p>TALABABA:</p> + +<a id="Footnote_A_1" name='Footnote_A_1'></a><a +href='#FNanchor_A_1'>[A]</a> +<div class='note'> +<p>Ang <i>fox trot</i> na ito ay nilapatan n~g tugtugin n~g +kilalang gurong si G. León Ignacio, at sa ilalim n~g pamagat +na ANG MESTISA ay maaaring matagpuan sa m~ga aklatan at tindahan +n~g tugtugín. Bagay na bagay sa m~ga sayawan.</p> +</div> +<hr/> +<br /> + +<h1><a href="images/148.gif"><img src="images/148.gif" border="0" +alt="A.Nolasco Hatter" width="338" height="603" /></a></h1> + +<br/> +<h1><a href="images/149.gif"><img src="images/149.gif" border="0" +alt="Plaza Goiti" width="333" height="622" /></a></h1> + +<div>*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13773 ***</div> +</body> +</html> + diff --git a/13773-h/images/001.gif b/13773-h/images/001.gif Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..6b12809 --- /dev/null +++ b/13773-h/images/001.gif diff --git a/13773-h/images/148.gif b/13773-h/images/148.gif Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..7f4eec2 --- /dev/null +++ b/13773-h/images/148.gif diff --git a/13773-h/images/149.gif b/13773-h/images/149.gif Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..24bc0d0 --- /dev/null +++ b/13773-h/images/149.gif diff --git a/13773-h/images/t001.jpg b/13773-h/images/t001.jpg Binary files differnew file mode 100644 index 0000000..8bd3a11 --- /dev/null +++ b/13773-h/images/t001.jpg |
