diff options
Diffstat (limited to '13687-0.txt')
| -rw-r--r-- | 13687-0.txt | 1089 |
1 files changed, 1089 insertions, 0 deletions
diff --git a/13687-0.txt b/13687-0.txt new file mode 100644 index 0000000..573e515 --- /dev/null +++ b/13687-0.txt @@ -0,0 +1,1089 @@ +*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13687 *** + +[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is +marked as ~g.] + +[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa +upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon +ay hindi na ginagamit.] + + + +DAKILANG ASAL + + +TINULA NI + +Aurelio Tolentino + + +MAYNILA + +Imp. "Tagumpay" 15, Plaza Sta. Cruz +1907 + + + + + +DAKILANG ASAL[1] + + +I + +PAUNAWA + + + O kabinataang bagong sumisibol, +itong abang lagda sa iyo'y patunkol. +Pakatandaan mo itong m~ga hatol +na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong. + + Ang pagpipitaga't pakikipagkapua +ay siyang sagisag n~g pagka-dakila; +kapág sa sinuman ito ay nawala, +iyan ay di dapat, humarap sa madla. + + Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, +di sukat ang dunong at lahat n~g inam; +kapag ang sagisag na aking tinuran +ay siyang nawala, ang lahat ay kulang. + + Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin, +ang pagka-matapat at anyong butihin +ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin, +ang iyong ugali upang magluningning. + + Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit +may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit, +gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig +ang kawawang inang sa iyo'y ninibig. + + Ikaw ay lumaki at lumaki naman +ang iyong tungkuling akin n~g tinuran: +n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan +n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan. + + + + +II + +KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT +N~G KAPWA + + + Pipintuhuin mo't panuyuang kusa +ang iyong magulang na mapag-aruga, +sila'y pan~galawa ni Poong Bathala +na dapat igalang sa balat, n~g lupa. + + ¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan? +Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang. +Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang, +puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay. + + Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing, +kapag nain~git ka sila'y gumigising; +kinandong-kandong ka at inaliw-aliw +at pinalayawan n~g saganang lambing. + + Sa gayong kalaking utang na tinangap +mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad? +Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap, +kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat. + + Salamat na lamang at di maninin~gil, +ang puhunan nila'y di ibig bawiin; +sakali ma't sila ay alalahanin +n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing. + + Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan +ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay, +kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!" +sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!" + + Kung matutulug na saka uulitin +ang halik at bating paalam n~g lambing; +n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin, +ang kailan~gan nila muna'y siyasatin. + + Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan, +sa ano mang bagay kaya'y parusahan, +ay ipag-sayá mo't darating ang araw +na matutunayang iyo'y pagmamahal. + + Ang m~ga inali, at ang mga mama, +at ang ina-ama,t ini-ina kaya, +at ang m~ga nuno, at ang matatanda +ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga. + + At ang m~ga iyong lahat na kapatid +ay pakamahalin n~g boong pag-ibig; +sa m~ga alila ay huag magmasun~git +pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis. + + Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan, +n~g upanding ikaw naman ay igalang; +sakaling sa iyo sino ma'y magkulang, +kahabagan siya't pagdaka'y talikdan. + + Ang maestro'y siyang pan~galawang ama, +ang maestra nama'y pan~galawang ina, +kaya dapat n~ganing pintuhuin sila +at mahaling lubos n~g boong pagsinta. + + Binalankas lamang, kung baga sa bahay, +ang iyong ugali n~g iyong magulang; +n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay +n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan. + + Dahil sa kanila ay maihaharap +ang iyong ugali sa sino mang pantas, +sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat, +sa lusok na asal nama'y hindi hubad. + + At katunkulan mong lubos na mahigpit +sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit; +ang lahat n~g turo nila'y isa-isip, +sa lahat n~g hatol nila ay manalig. + + Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw +sa landas n~g iyong madilim na buhay; +tanang hakbang nila ay malapit sundan, +n~g upanding ikaw ay huag maligaw. + + + + +III + +SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY + + + Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos, +magpunas n~g kamay at saka magmumog, +maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok, +damit na pangbahay pagdaka'y isuot. + + Pagkatapos nito ay agad ganapin +ang datihang iyong katunkulang gawin, +at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin +at saka maligong magkubli sa tin~gin. + + Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, +linisin ang sahig sampong kasankapan; +sa kani-kaniyang dako ay ilagay +ang lalong maliit na ari-arian. + + Bahay na maayos ay parang salamin +n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; +bahay na magulo'y nagpasabing tambing +n~g ugaling salat sa turong magaling. + + Kailan~gang harapi't siyasating lahat +ang sa pamamahay gawang nararapat, +at huag sayan~gin ang kabit nang oras, +magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas. + + M~ga kasankapang iyong magagamit, +kung saan kinuha ay isawling saglit; +huag pabayaang masira't mawaglit, +pinuhunan dian ay maraming pawis. + + Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, +ang walis, pamunas, lamesa't upuan, +tanang kasankapang kaliit liitan +may kani-kaniyang dapat na kalagyan. + + Makita mo'y kahit iisang karayom +na kakalat-kalat ó kaya natapon, +pulutin mo agad at ilagay doon +sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol. + + Karayum ay mura't walang kasaysayan, +n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan: +karayum na walá sa dapat kalagyan +ay nagbabalitang musmos ang may-bahay. + + + + +IV + +SA PAGBIBIHIS + + + Ang damit na iyong dapat na isuot +ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos +ang tipon n~g ganda't inam na tibubos +na sa katamtamang sa kulay ay ayos. + + Kailan~gang sumunod sa ugaling moda, +n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka, +at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya: +ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga. + + Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit. +n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit; +mainam ang luma, kung buo,t malinis, +kay sa bagong wasak ó may duming bahid. + + Marikit ang murang hiyas kay sa mahal, +kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay; +ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal +kahit man binili, parang hiram lamang. + + Kahit na sa bahay ay dapat magsuot +n~g damit na puting talagang pangloob, +at huag mong gayahan ang asal na buktot +sa gawing _malinaw_ ... ¡Hubu't hubad halos! + + Limutin ang cotso, at magbotitos ka, +ang paa mo't binti upang huag makita: +babaying may puri di dapat magtinda +n~g dapat itago sa alin mang mata. + + Botitos ay mura, bukod sa mainam, +at talagang dapat sa mahinhing asal; +cotso't sapatilya ay napakamahal, +sa may hiyang paa talagang di bagay. + + Di mo masasabing mahal na tibubos, +sapagka,t matibay kung gawang tagalog: +ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod +bago makawasak n~g isang botitos. + + At gayon din naman ang medias ay mura, +n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka: +iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba, +n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa. + + Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan +ay huag mong limutin ang panyong alampay: +alampay ay siyang tabing na tangulan +n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan. + + Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod +ay dapat gamiting damit na pangloob, +ang puri mo'y upang di sumabog-sabog +sa m~ga hagdana't lilipatang bakod. + + Ang tapis ay huag mong limutin kailan man, +sa bihis tagalog sadyang kasangkapan: +ang baro at saya kahit mura lamang +ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam. + + Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis +sa kakastilaang dito ay sumapit: +m~ga nuno natin n~g _tapi'y_ gumamit, +tapis ay nangaling sa _taping_ binangit. + + Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis, +ang samâ at buti'y dian masisilip; +diyan nahahayag ang tinagong bait, +diyan nababasa ang gawi at hilig. + + + + +V + +SA PAKIKIPANAYAM + + + Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam +ang nagsásalita'y mabuting pakingan, +sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan +ang di pumapasing sa kasalitaan. + + Ikaw ay papakli, kung dapat sumagot, +n~g magandang bigkás, salitang malambot: +ang banlang sabihin ay kuruing lubos, +baka may mapaltik sa m~ga kaumpok. + + Huag magbulaan sa alin mang bagay, +palatuntunan mo'y ang katotohanan; +n~gunit sa taya mo'y kung may tatamaan, +mabuti pa n~ganing huag ka n~g magsaysay. + + Huag mong sasabatin ang nagsasalita +paka-ilagan mo ang gawang manumpa, +at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha +ang tawang malakas ay sa taong dusta. + + Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay, +batid mo man kahi't ay dapat pakingan, +at huag mong sabihing--"_Alam ku na iyan_" +ito ay malaking lubhang kapintasan. + + Magpakailan pa man ay huag kang sumabat +n~g wikang--"_Mali ka_"--"_Sabi mo'y di tapat_" +Sakali mang mali ang ating kausap, +kailan~gang sagutin n~g lubhang banayad. + + Ang pakli'y ganito--"_Naging iba lamang, +n~g hindi pu kayo ang siyang nagsaysay +n~g gayon, ay di ko paniniwalaan_" +_sapagka't_ ... Saka ka naman man~gatwiran. + + Kung ang katalo mo ay ayaw duminig +sa sinasabi mong tunay na matwid, +at sumasagot pang bagkus nagagalit, +hayaan mo siya't, huag ka n~g umimik. + + Datapua,t sakaling ang makausap mo +ay sadyang mabait, talagang may tuto, +at sa iyo'y sabihing--"_Ipatawad ninyo +itong ipapakling abang palagay ko_". + + Ito,y sagutin mo n~g boong pitagan, +n~g boong pag-giliw, gaya n~g tuturan +"_Ituluy pu ninyo't kikilanling utang +ang pag-akay ninyo sa aking kamalian_". + + At magpakailan man ay huag mong sabihing +"_Ang sabi ko'y hindi ninyo napaglining_." +Kung di ang ganito--"_Malabu marahil +ang sinalaysay ko: aking uulitin_." + + Kung saka-sakaling purihin ka naman, +ay huag mong sagutin n~g wikang mahalay, +na gaya n~g pakling--"_Iyan po'y tuya lamang, +iyan po'y isang biro't kasinun~galin~gan_." + + Ganito ang iyong m~ga sasabihin +--"_Iyon po'y karan~galang di sukat sa akin; +n~gunit dahil diya,y aking pipiliting +ang pagkamumus ko'y papaging-dapatin_." + + Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag, +at sa kata-kata ikaw ay umilag, +at huag mong purihin ang iyong kausap, +at huag mong libakin ang di mo kaharap. + + + + +VI + +SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN + + + Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw, +at di ang sa gawing pagkaing agahan, +di ang sa tanghali, di ang sa hapunan, +di ang sa pagtulog at gawang kailan~gan. + + M~ga karaniwang dalaw ay sa pistá, +sa araw n~g lingo kung walang gambala, +at ang oras namang pinaka-maganda +ay kung ang hapunan ay naidaos na. + + Ang dalaw na m~ga _bigay-loob_ lamang[2] +ay dapat humiksî, ang gayo,y kaila~gan, +at pagpilitan mo ang huag magpaliban +n~g lubhang maluat at iyong bayaran. + + Sa alin mang pintô bago ka pumasok +ay huag magmadali't marahang tumugtog; +ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog, +ikaw ay magsabi n~g ganitong ayos. + + --"_Wala pu ba naman silang dinaramdam_?" +Pagsagot n~g wala--"_Salamat na lamang_" +--"_Utang na loob po'y ipagbigay alam +na kanila itong ninais kong dalaw_." + + --"_At tuloy kami po'y ipag-maka-anó_....[3] +_sa kanilang dan~gal_." N~guni't kung sa iyo +sabihin ang gayon, ang isasagut mo'y +--"_Aking tutuparin ang utus pu ninyo_." + + Sa gayo'y agad n~g ikaw ay magpaalam, +isa mong tarheta'y huag na di mag-iwan; +baliin ang isang sulok na alin man +--"_Utang na loob po, ito ay iiwan_."[4] + + Sakaling marami ang m~ga panauhin, +yukuan mo sila't pagdakay batiin--[5] +--"_Magandang gabi po_"--ang iyong sabihin, +saka ang may bahay ay lapitang tambing. + + Pagdakay iabot ang kanan mong kamay, +at ang kamay niya'y upang mahawakan, +--"_¿Anu po ang atin? Ang inyong may bahay +at m~ga kasama ¿anu po ang lagay_?" + + --"_Mabuti po naman at walang may sakit, +at ¿kayu pu naman?_"--Ang sagot ay--"_kahit +sa alin mang oras ay handa pong tikis +na mapag-utusan sa kayang maliit_." + + Kung may kasama kang di kilalang tao +n~g iyong kausap, agad iharap mo, +--"_Sila po'y kaibigan: ikadadan~gal ko +ang sila'y iharap n~gayon po sa inyo_." + + At ang iniharap naman ay sasagot +--"_Bagong tagasuyong napahihinuhod +at sumasa-inyong balang ipag-utos_" +--"_Salamat po't kami ay gayon ding lubos_"[6] + + Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan, +ang iyong kasama'y iharap din naman; +datapua't huag mong gagawin kailan man, +ang di mo kilala'y agad kakamayan. + + Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git +na sa bawa't isa ikaw ay lumapit; +yukuan mo lamang sila n~g marikit +saka mo batiin n~g boong pag-ibig. + + Ang kasankapan mo'y sakaling batiin, +ialay mo agad n~g wikang magiliw. +--"_Walang kasaysayan, palibhasa'y akin, +n~gunit ang akin po'y lubos na inyo rin_." + + Ang iyong kausap kung hindi mo alila +ay ipáuna mo sa pagsasalita: +"_Kayo po at ako_"--at di mawiwika +ang--"_Ako po't kayo_"--pagka't hindi tama. + + At kung marami n~ga ay gayon din naman, +ikaw din ang siyang kahuli-hulihan. +Ganito:--"_Kayo po, si Mameng, si Ninay, +si Pepe at ako ang napagtanun~gan_." + + Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin +lalo na kung pan~git at masamang dingin, +na gáya n~ga nito:--"_Si Daniel na duling, +si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling_." + + M~ga halintulad ay paka-ilagan +kung nakadudusta--"_Aku po'y nawalan; +halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw_".... +ang gayong salita'y kasama-samaan. + + Sa m~ga palalo ay huag kang gumaya, +walang bukang bibig kung di ang kanila: +--"_Ako po'y ganito_"--"_Ako po ay iba_" +Ang gayon salita'y pan~git na talaga. + + Kung ang kausap mo ó sinu man kayâ +ay namaling hindi talagang sinadya, +pagtakpan mo't parang hindi nahalata +n~g upanding siya ay huag mapahiya. + + Pakikipagtalo ay iyong ilagan; +n~guni at sakaling mahirap iwasan, +ay salaysayin mo ang iyong katwiran +n~g sabing malambot at katotohanan. + + Kung paupuin ka ay iyong piliin +ang huling upuan: n~gunit kung sakaling +ang lusok na dako sa iyo'y ihain, +ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin. + + Kung isang babayi ang siyang dadatal +lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan; +sagutin ang bating kaniyang binitiwan, +lusok na upuan sa kanya'y ialay. + + N~gunit kung lalaki ang siyang darating, +ay lalaki lamang ang tatayong tambing; +ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring +sasagot sa bati ng wikang magiliw. + + Dapat na maunang mag-alay n~g kamay +ang nakatataas sa pagkakamayan; +sa m~ga batian ay gayon din naman, +di sukat mauna ang natataasan. + + Kaya ang babayi'y siyang nararapat +mag-alay n~g kamay sa makakau-sap +sapagka't saan mang m~ga paghaharap, +ang babayi'y siya ang nakatataas. + + Gayon man ay dito'y nakagawian na +ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna. +Babayi't lalaki kung kakamayan ka, +kamay mo'y madaling ibigay pagdaka. + + In~gatan mong ikaw ay huag magdaan +sa gitna n~g kahit alin mang hárapan; +n~guni at sakaling lubos na kailan~gan, +hin~gin ang kanilang kapahintulutan. + + At huág kang humukut na gaya n~g iba +na ang kanang kamay ay iniu-una: +tuid ang katawan "_¿Maari pu bagang +ako ay magdaan_?"--"_Magtuluy pu sila_." + + At sakaling ikaw nama'y may gagawing +sandali sa labas, ay iyong sabihin +n~g boong pitagan--"_Ipagpaumanhin +pu nila't sandaling sila'y lilisanin_." + + Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit +ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig; +at kung ikaw naman ang siyang aalis, +sila ay yukuan n~g anyong marikit. + + --"_Kami pu,y paalam sa kanilang lahat, +mag-utus pu sila sa lahat n~g oras_." +--"_Magandang gabi po_." Kamayan mo agad +ang m~ga may bahay, gayari ang saad. + + --"_Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7] +na sa gayong daan at gayon ang bilang. +Hinihintay naming kami'y paran~galang +palagi n~g inyong malugod na dalaw_." + + Sagot n~g may bahay naman ay ganito: +--"_Inyo na pung alam itong bahay ninyo, +Ninanais naming kayo,y pumarito, +upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo_." + + Nasabing may bahay kung sadyang may nais +makipagkilala sa iyo n~g mahigpit, +katunkulan niyang dalawin kang tikis +sa loob n~g tatlong araw di lalabis. + + At sakaling siya sa iyo'y dadalaw, +ikaw sa kaniya ay magkakautang; +tadhana'y sa loob n~g wawalong araw +siya'y dalawin mo't itoy karampatan. + + Kung uubuhin ka ó babahin kayâ, +gayon sa pagdahak saka sa paglura, +ay dapat lumin~gon sa dakong kabila, +ang iyong kailan~gan upanding magawa. + + Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig, +upanding ang dumi ay huag tumilansik: +ang mukha mot labi'y pahirang malinis, +at kailan may huag kan lumura sa sahig. + + Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal +ang pagsasalita n~g m~ga mahalay, +gayon din ang bulok na kadumal dumal +ay huag mong sabihin at paka-in~gatan. + + At huag kang mag-higab, at huag mag-antók +at huag kang mag-unat, at huag mag-kamót, +at huag kang mainip at lumin~gos-lin~gos, +ito'y lubhang pan~git at lisya sa ayos. + + Ang anu mang tan~gan n~g iyong kaharap, +na gaya n~g paypay, sakaling malaglag, +pulutin pagdaka't isauli mo agad, +iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak. + + Ang alin mang pintong iyong dadaanan, +kung datnan mong bukás, bukás mo ring iwan, +at kung nakasima, isima mo naman, +ito'y siyang turo n~g dakilang asal. + + Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom +sa alin mang pinto, ay makasalubong, +dagli mong yukuan at saka umurong, +at iyong sabihing--"_Sila po'y magtuloy_." + + N~gunit kung sakaling umurong din siya +at pipilitin kang ikaw ang mauna, +kung hindi rin lamang natataasan ka, +pasalamatan mo at magtuloy ka na. + + Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw +ay iyong ihatid hangang sa hagdanan: +sákaling madilim ay iyóng tanglawan +hangang na sa loob siya n~g bakuran. + + Ang iyong kaibiga'y kung magkakasakit, +ay manaka-nakang dalawin mong saglit; +at kung datnan siya n~g m~ga ligalig, +gayon di'y dalawin, aliwin sa hapis. + + Sa araw n~g binyag ó kapan~ganakan +n~g iyong matalik na m~ga kaibigan, +sila'y batian mo n~g masayang liham, +mahiksi ang sukat, n~guni at malaman. + + At gayon din naman sa pag-aasawa, +ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa, +at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá, +sila ay padalhan n~g liham pagdaka.--[8] + + Kung patutun~go ka sa alin mang bayan, +lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan, +bago ka umalis muna'y magpaalam +sa kaibigan mo't iyong katunkulan. + + Nguni at kung ikaw naman ay dumating, +katungkulan nilang ikaw ay dalawin, +sapagka't kailan~gang kanilang sabihing +sila'y nagsasaya't umuwi kang magaling. + + + + +VII + +SA M~GA PIGING + + + Kung mapithaya ka sa alin mang piging, +huag kang magpauna sa ibang panauhin; +n~gunit huag ka namang mahuling dumating: +isipin mong ikaw ay doon hihintin. + + Sa mesang pagkain kung tumatawag n~ga, +hayaang mauna ang m~ga dakilâ; +at gayon din naman huag kang magkusang +maunang tumikim sa alin mang handâ. + + Huag kang magmadali't ang subo'y huag lakhan +ang ulam ay huag mong amuyan ó hipan; +ang m~ga kubiertos ay paka-in~gatan, +upang huag kumatog na lubha sa pingan. + + Huag mong titigan ang alin mang hain, +at gayon din naman kasalong panauhin +paka-in~gatan mo't huag sasambitin +ang bagay na baka nakaririmarim. + + Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa +magpakailan pa man sa kakanang mesa, +kahit anong ulam ay huag humingi ka, +huag namáng pintasan ang kahit alin pa. + + Kung di mu man ibig ang dulot na hain, +kahit kakaunti ay kumuha ka rin; +magpakailan pa man ay huag mong sabihing +--"_Ang ganyan pong ulam di ko kinakain_." + + Ang pagsasalita, kung punô ang bibig, +ay bawal na lubos sa dakilang bait, +at gayon din naman ang sadyang pag-gamit +n~g dalawang pan~ga sa pagkai'y pan~git. + + Huag mong paapawin ang baso ó copa +n~g tubig ó alak at kahit anu pa; +bagu ka uminom pahiran mu muna +ang iyong m~ga labi n~g laang servilyeta. + + Kung maka-inom na ay gayon din naman +ang m~ga labi mo'y pahirang agapan; +at huag kang umihip wari alinsan~gan, +ang gayo,y bawal n~ga sa dakilang asal. + + At kung alayan ka n~g iyong kasalo +n~g alak ó kaya maging kahit anó, +sa di mu man kanin ay tatangapin mo +at pasalamatan ang alay sa iyo. + + At kung may dadatal na ibang panauhin, +lalot kakilala'y anyayahang tambing. +Huwag kang sumubo at siya,y iyong hinting +makapasok muna at kayo,y lisanin. + + + + +VIII + +SA M~GA LARO + + + Kung kayo'y magtipon upanding mag-aliw, +ikaw ay magsaya, n~gunit magmahinhin. +Pinaka matanda ay papamiliin +n~g larong mainam na inyong gagawin. + + Sa alin mang laro ay huag kang magdáya +at huag ka rin namang mag-in~gay na lubha. +Kung may alan~ganin dapat pahatul n~ga +sa hindi kalarung m~ga matatanda. + + At kung may dumating na iyong kaibigan, +ó sinu man kaya, lalu at maran~gal, +ang ukol sa iyo sa kaniya'y ialay +--"_¿Ibig pu ba ninyong makipag-aliwan_?" + + Sakali at ikaw ay siyang manalo, +sino man ang kulang ay huag sin~gilin mo, +at huag mong sabihing--"_Magbayad po kayo_" +Pahiwatig lamang--"_¿Ang kulang ay sino_?" + + Isang nananalo'y di dapat umalis, +kung di may malaking dahilang mahigpit; +n~guni at ang talo ay makatitindig +at huag magpakita n~g kaunting galit. + + Kung nananalo ka ay huag kang magdiwang +kung natatalo ka'y huag magn~gitn~git naman, +sa laro'y madalas mahalatang tunay +ang walang magaling na pinag-aralan. + + + + +IX + +SA LANSAN~GAN AT SA LAHAT N~G DAKONG UKOL SA MADLA + + + Babayi'y di sukat lumakad sa daan +n~g walang kasama at pan~git na tignan. +n~gunit sa lalaki ay hindi kailan~gang +mapag-isa kahit saan mang galaan. + + Sa alin mang dako na ukol sa madla +ikaw ay magbihis n~g hindi masagwa; +n~guni at huag naman ang napakadukha, +ó kaya marumi, kung dili may sira. + + At kung babayi ka, huag mong pákapalan +mukha mo n~g pulbos, pagka't di mainam: +manipis na pahid marikit na tingnan, +ang kinang n~g balat huag na di maparam. + + ¿May iinam kaya sa kulay n~g balat +nating kayumangi't makinis, maligat? +Pintor at poeta'y iyan ang pan~garap +sapagka't nandiyan ang buhay n~g dilag. + + Paka-ilagan mo ang satsat at daldal, +gayon din ay huag kang magdunung-dunun~gan; +n~guni at huag namang parang piping tunay +pagka't ito'y tanda n~g pagka-walang muang. + + Kung may kasama kang dapat na dan~galin +ikaw ay lumagay sa kaliwang piling, +at kung sa banketa'y gumilid kang tambing +sa dako n~g bakod siya'y padaanin. + + Kung masalubun~gan ang isang babayi +sa m~ga banketa na aking sinabi +ay dapat gumilid ang isang lalaki +ó bumabang saglit, ang gayon ay puri. + + Maging kahit sino ang iyong masundan, +kung ibig mong siya'y iyong malampasan, +ikaw ay bumaba ó gumilid lamang, +sa dako n~g bakod ay huag kang magdaan. + + Kung ang kasama mo ay may makausap +na wari ay lihim lumayo kang agad, +upang huag sabihing nakikitalastas +ka n~ga sa usapang di dapat mahayag. + + Kung kayo ay tatlo sa m~ga galaan +ay igitna ninyo ang itinatanghal, +n~guni at kung kayo'y magka isang dan~gal, +magka-kulay damit sa tabi ay bagay. + + At gayon din naman ang magkasintaas, +sa dalawang tabi sila nararapat, +ang isang mababa ó kaya matankad +ay siyang igitna, ang gayon ay sukat. + + Kailan~gan n~gang lubos na iyong isabay +sa m~ga kasama ang iyong paghakbang +kung kayo'y titigil, ang iyong katawan +at ulo'y itayó n~g anyong mainam. + + Kung sa m~ga pintô ikaw ay papasok, +hakban~gan ó landas na sadyang makipot, +kung may kasama kang dapat na ilusok, +paunahin siya't ikaw ay sumunod. + + Sa m~ga karuage at m~ga, kalesa +kung kayo'y nasakay ay huag kang mauna; +sa piling na kanan paupuin siya, +sa dakong kaliwa doon lumagay ka. + + N~guni at kung kiles ang inyong sasakyan +lalut apat kayo'y huli ka rin naman; +sila'y paupuin sa dakong unahan, +sa tabi n~g pinto doon ka lumagay. + + Paghintu na ninyo at kayo'y bâbabâ, +ikaw ay maunang umibis na kusà. +kung siya'y babayi ó kaya matandâ, +agad mong abutin alalayang lubha. + + Babayin tumitindig sa kaniyang upuan +at anyong aalis, may paroroonan, +ang iyong pagsuyo pagdaka,y ialay: +"_Ikadadan~gal kong kayo po'y samahan_." + + Ito'y kagawian sa asal dakilà, +maging sa dulaan, maging sa pag-galà, +maging sa pagkain kung uupu na n~gâ, +sumaliw sa piano ó tumugtug kaya. + + Pagka't sa babayi'y pagdusta n~gang tunay +n~g isang lalaki kung hindi samahan; +kaya,t ang babayi'y nararapat namang +lalaki'y huag hiyain at pasalamatan. + + At kung hindi gayo'y mapipintasan ka, +mangmang na babayi, walang munting sigla, +para kang babayin bundok na talaga, +sa ugaling bayan ay di pa bihasa. + + Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin +ang balang makita'y agad susukatin: +gumagawa nito'y iyong m~ga haling +na hindi nag-aral n~g pagka-mahinhin. + + Kung paparoon ka sa m~ga sayawan, +sa m~ga teatro't m~ga kapisanan, +pakatandaan mong iyong katunkulan +ang lalong mabining pagkamatimtiman. + + Sa alin mang bagay na sadyang di pan~git +ay huag mong hiyain ang sino man kahit; +magbigay loob ka, na di mo man ibig, +upang purihin ka n~g m~ga mabait. + + Alin mang Religion ay huag mong tawanan +m~ga dasal nila ay pagpitaganan. +Ang m~ga ugali sa alin mang bayan +gayon din ay dapat na iyong igalang. + + Ang sa protestanteng ginagawang kulto, +at ang kay Mahoma, at ang kay Confucio, +at ang sa Iglesia Filipinang bago +ay iyong igalang, sampu n~g Romano. + + Ang ugaling moro, ang ugaling insik, +ang sa amerikano, ang sa m~ga ingles, +kastila,t aleman, ang sa taga bukid +at kahit alin pa,y igalang mong tikis. + + Ang iyong Religion ay kahit alin man +at ang iyong ugali,y dalisaying tunay: +hayaan ang iba,t huag ipagputakang +lahat ay masama,t ang iyo'y mainam. + + + + +X + +SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN + + + Sa harap ng iba ay huag kang magbihis, +magputol n~g kuko, maghilod, mag-ahit, +huag kang magpabahin, magpunas, magwalis +at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git. + + Bawal na totoo sa dakilang asal +sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan; +n~guni at lalu pang kasama-samaan +ang nakikibasa sa bukás na liham. + + At gayon din naman ay masamang lubos +ang sa sumusulat kusang panonood; +ang sa nag-uusap naman ay manubok +ay pan~git na lubha at asal na buktot, + + Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin +n~g napakalakas, sapagka't pan~git din. +Ang labi mut kukó ay huag mong kagatin, +ang m~ga paa mo'y huag pakinigin. + + Huag mong gagayahin ang asal mababa +n~g sa bawa't bigkas, isang panunumpa +ang m~ga mahalay salitang salaula +na gaya n~g _--¡Kulog!_ ... ay kahiya-hiya. + + Magmatimtiman ka sa m~ga harapan, +ang masayang mukha'y lubos na kailan~gan +ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan +at kung matawa ka ay huag mong lakasan. + + Kung nakatayu ka't may kakaharipin, +ay huag kang sumandal sa pinto ó dingding; +ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin, +ang dalawang paa'y itayong butihin. + + Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita +ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga +at huag mu rin namang paunating lubha +ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna. + + Sa usapang di mo lubos nalilining, +ay huag kang sumisid n~g lubhang malalim: +ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil; +ang bawat bigkás mo'y timban~ging magaling. + + Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang +parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal; +n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan, +n~g di parang iyong pinagmamalakhan. + + Pintasan ang m~ga birong matutulis, +n~guni at kailan~gan ang huag kang magalit: +kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig, +humanap n~g ibang iyong makaniig. + + Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan, +at gayon din naman ang sa ibang yaman; +subali kung siya kay sa iyo,y mainam, +ay ipagtapat mong mainam siyang tunay. + + +KATAPUSAN + +MABUTI ANG BATANG MAY DAKILANG ASAL KAY SA MATATANDANG WALANG +NAMUMUAN~GAN DAKILA ANG DUKHANG MAY UGALING MAHAL KAY SA WALANG TUTONG +M~GA MAYAYAMAN. + + + +MGA TALABABA: + +[1] Ang DAKILANG ASAL na ito ay akma sa lahat n~g maran~gal +na ugali sa Sanglibutan. + +[2] Dalaw na _bigay-loob_ ay ang unang pagdalaw sa isang +nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay. + +[3] Ang salitang _ipagmaka-anó_ ay siyang katuturan sa +tagalog na dalisay n~g maling salitang "_cumusta_" na nangaling sa +wikang kastilang "_¿Como está_?" + +[4] Ang kahulugan n~g bali n~g tarheta sa alinmang apat na +sulok ay dalaw. + +[5] Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ó +nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g +baiwang, kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha. + +[6] Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang +kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, +gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang +"KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA +KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang +"_Magtuloy po_ SILA _dine sa_ AMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa +AKIN". + +[7] Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang +pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin. + +[8] Mga Liham + +(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA). + + +M~ga G. G. Miguel Bantog at +Esther Dalisay. + + +M~ga piling kaibigan. + +Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa +ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso. + +Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git +n~g saganang biaya. + +Na sa panunuyo. + +Feliza Ilawdagat + +Octubre 15-1906. + + +(LIHAM SA M~GA LUMULUSOK) + +G. Jacob Pinkian. + +Piling katoto: + +Hinatdan kita n~g masayáng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong +pinapasukan. + +Ninanais kong ikaw ay dumakila sa íkadadan~gal nitong ating lupang +tinubuan. + +Sumasa-iyo. + +Abdon Sinagaraw + +Octubre 15-1906 + + +(LIHAM SA NAMAMATAYAN) + +G. Concepción Panghalina + +Mahal na Ginoo: + +Uma-anib pu ako n~g tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo +n~g kamatayang sumamsam n~g mahalagang buhay n~g inyong nasirang +kapatid. + +¡Sumalan~git nawa siya! + +Mag-utos pu sila. + +Alberto Manin~gas + +Octubre 15-1906. + + +(LIHAM SA KAPAN~GANACAN) + +Ninay na giliw: + +Binabati kita n~g boong tua dahil sa araw n~g iyong kapan~ganakan. +Uma-anib ako sa iyon~g malugod na kasayahan at ninanais ko n~g taos sa +puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna n~g lalong maligayang +kapalaran: + +Tangapin mo ang aking masintahing halik. + +Ang iyong + +Iday. + +Octubre 15-1906. + + * * * * * + +G. CESAR PAN~GILINAN. + +Mahal na Ginoo: + +Ikinadadan~gal ku po ang aking pag-anib sa inyong malugod na +kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling n~g inyong giliw na asawa. + +Ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbun~ga sa +ikagiginhawa n~g bayan. + +Na sa pagpipitagan, + +Leonardo Tagabundok. + +Octubre 15-1906. + + +[Patalastas: IMPRENTA "TAGUMPAY"] + + + + + + + + + +End of the Project Gutenberg EBook of Dakilang Asal, by Aurelio Tolentino + +*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13687 *** |
