summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/13683-0.txt
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '13683-0.txt')
-rw-r--r--13683-0.txt783
1 files changed, 783 insertions, 0 deletions
diff --git a/13683-0.txt b/13683-0.txt
new file mode 100644
index 0000000..c523b6b
--- /dev/null
+++ b/13683-0.txt
@@ -0,0 +1,783 @@
+*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13683 ***
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+JUSTICIA N~G DIOS
+
+
+M~GA ILANG BAGAY NA INASAL DITO SA FILIPINAS NANG MAN~GA FRAILE,
+
+
+SINULAT NI
+
+MARIANO SEQUERA
+
+Redactor sa pamahayagang ANG KAPATID N~G BAYAN, EL GRITO DEL PUEBLO at
+sumusulat sa iba,t, iba pang nilalathala dito sa Maynila.
+
+UNANG BAHAGUI NANG ¡NASAAN ANG DIOS!
+
+1.ª Edicion.
+
+MAYNILA
+
+LIMBAGAN NI CHOFRÉ Y COMP.ª
+
+Escolta, num. 33
+
+1899
+
+
+
+
+Sa Inang Filipinas.
+
+
+ Sa tanang supling mong tunay cong capatid
+na sa iyo'y nag-alay n~g bun~ga n~g isip
+ibig cong pumisan, cutad man ang bait,
+at maguing dan~gal co sa buhay na quipquip.
+
+ N~g upang sacaling man~giba mang bayan
+na hindi sarili,t, tungtun~gán co lamang,
+¡Ina co'y! marinig mauica n~g ibang
+aco ay sa iyo marunong magmahal.
+
+ Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait
+na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit
+alay co sa iyo at pag-asa'y labis
+na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig.
+
+ Yayamang dugo co, catauan at buhay,
+talagang iyo na, ¡oh! Ina cong bayan!
+bulaclac n~g isip ay ibig co namang
+ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay.
+
+ Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit
+sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis,
+itong alaala'y, papaui sa saquit
+sanhi rin sa iyo ¡oh! bayan cong ibig.
+
+ Hanganang co ito,t, aquing ipapaling
+ang tan~gang cong pluma sa ibig lumining
+nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin
+yamang talastas n~g sa iyo ang dahil.
+
+
+MARIANO SEQUERA.
+
+
+
+
+Pasimulá.
+
+
+ Manang isang hapong dinalao ang buhay
+niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay,
+sa isang uupan aco'y, nagulaylay
+at pinaguauari itong calagayan.
+
+ Ualang ano ano'y, sumilang sa isip
+yaong paglilibang sa _jarding_ mariquit
+caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig
+hinanap ang simoy n~g han~ging malamig.
+
+ At aquing tinun~go na cusang hinanap
+ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac
+pagdating co roo'y, pinili co agad
+ang lalong mariquit, at aquing pinitas.
+
+ N~guni at nalooy, nalagas na tunay
+nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam,
+napaui ang gandá, lumipas ang culay,
+caya,t, ang puso co ay muling nalumbay.
+
+ At saca inisip cung ano ang dahil
+bulaclac na tan~gan nalungcot naman din,
+puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin
+at uari'y, pinucao ang aquing panimdim.
+
+ Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam
+saca binalangcás sa isip ang bagay,
+niyaong co natanto,t, nabatid na tunay,
+ang lungcot na yao'y, dahil din sa bayan.
+
+ Dito co nabatid cung saan nagbuhat,
+cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat,
+pagca,t, natanto co ang _fraileng_ dulin~gas
+ay binubusabos Inang Filipinas.
+
+ At tuloy dinalao itong ala-ala
+niyaong ualang n~galan na aquing naquita
+asal na mahalay guinaua n~g _cura_
+sa isang mag-inang ipinahamac niya.
+
+ Ang nangyaring ito'y siyang isusulit
+at gauing liban~gan n~g tanang capatid
+JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip
+itauag sa gayong namasda,t, nabatid.
+
+
+Ang sumulat.
+
+
+
+
+Puno nang salita.
+
+
+ Cailan mang panahon ang casamaan
+cung umiral ma'y sa sandali lamang
+ Aco.
+
+
+ May isang mag-inang taga ibang bayan,
+aquing nalimutan cung ano ang n~galan;
+ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay,
+baquit ulila na sa dapat magmahal.
+
+ May loob sa Dios ang babayeng anac
+may impoc na puri baga ma,t, mahirap
+maganda ang asal, matamis man~gusap
+sino mang tumin~gi'y malulugod agad.
+
+ Ang caniyang ina,y lubha ring mabait
+di saquim sa pilac, totoong malinis,
+sa arao at gabi'y ualang ini-isip
+cung hindi ang gutom canilang mapatid.
+
+ Sa isang paraang mabuti,t, mahusay,
+at hindi naghan~gad n~g anomang yaman,
+cung di yaong anac malinis matanao
+sa harap n~g mundo,t, hangang calan~gitan.
+
+ Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating
+sa canilang bayan isang _fraileng_ saquim;
+at doo'y nagcura nan~garal na tambing
+n~g utos n~g Dios na dapat ganapin.
+
+ Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta
+ang puso at loob n~g nasabing cura,
+caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t,
+agad pinahanap n~g isang dalaga.
+
+ Aniya'y, libutin ang loob n~g bayan
+at iyong sabihin sa m~ga magulang
+na may m~ga anac na dalagang tunay
+na sa arao arao'y, pasa sa simbahan.
+
+ At huag lilimuting sila ay sasaglit
+matapos magsimba sa convento'y, manhic
+at ito'y, bilin co siyang isusulit
+sapagca,t, utos n~ga: n~g Dios sa lan~git.
+
+ Itong monaguillo'y, agad n~g sumagot:
+na caniyang tutupdin sa among na utos,
+caya n~ga,t, nalis na at cusang naglibot
+at sa bahay bahay ay manhic manaog.
+
+ Palibhasa n~gani ay utos n~g cura.
+lahat n~g magulang tumupad pagdaca
+at sa arao arao ay nan~gagsisimba,t,
+anac na dalaga'y, canilang casama.
+
+ Pangagaling pa n~ga doon sa Simbahan
+sa convento nama'y man~gagtutuluyan:
+sasalubong dito ang _among_ sa bayan
+at magpapahalic sa lahat n~g camay.
+
+ Dumating ang arao sa gayon n~g gayon,
+dalauang mag-ina'y, piniguil n~g _among_,
+aniya'y: Mag-antay at may itatanong
+sa iniyong dalaua'y, tila nauucol.
+
+ N~g mapag-iuan na niyaong caramihan
+dalauang mag-inang piniguil na tunay
+ang pag-uusisa dito na minulan
+n~g _guinoong curang_ may asal halimao.
+
+ Aniya'y: ¿Ano ba iniyong paghahanap,
+saan quinucuha cailan~gang lahat?
+ang sagot n~g ina:--Ang aquin pong anac
+tahiing damit sa bahay natangap.
+
+ Ang tugon n~g cura: anac mo'y, magandá
+ang bagay sa caniya'y, tauaguing _maestra_,
+aco ang bahala ilalacad siya,t,
+huag n~g manahi magpacailan pa.
+
+ Ang ina'y, sumagot, sa ganitong turing;
+--Salamat po _among_ sa iyong pagtin~gin,
+cahimanauari icao po'y, gantihin
+n~g Dios sa lan~git sa gauang magaling.
+
+ Madali,t, salita dumating ang arao
+ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao,
+n~g isang _sacristan_, mag-inang tinuran
+sila'y, tinatauag n~g _among_ sa bayan.
+
+ Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama
+sa doroong tauong alila n~g cura,
+ualang guni guni, ualang ala-ala
+cung di ang pan~gacong maguiguing _maestra_.
+
+ N~g sila'y, dumating sa harap n~g _among_
+at nacahalic na sa camay n~g _ungoy_,
+ang uica n~g cura'y: Tinangap co n~gayon
+ang _nombramiento_ na aquing nilayon.
+
+ Caya n~ga at icao uica sa dalagá
+magbuhat na n~gayo'y, tunay n~g maestra,
+dito sa bayan mo, at iiuan mo na
+yaong pananahi na ualang halagá.
+
+ Tandaan mo lamang itong aquing bilin
+na sa arao arao huag lilimutin,
+ang lahat n~g bata ay iyong dadalhin
+dito sa _Convento,t,_ iharap sa aquin.
+
+ Sagot n~g _maestra'y_: Aquing tatandaan
+ang tanang bilin po n~g _among_ sa bayan,
+pagcasabi nito, sila'y, nagpaalam
+ang toua n~g ina'y, ualang macapantay.
+
+ Sa pagca,t, di alam ang nasa sa loob
+n~g curang sinambit na nagmamaayos,
+ang acala niya'y ang gayon ay taos
+sa puso at dibdib n~g lilo't balaquiot.
+
+ Magbuhat na niyaon, sa gabi at arao
+_Maguinoong_ cura'y laguing dumadalao,
+sa mag-inang ito't ang dinadahilan
+ay, ang pan~gan~garal n~g mabuting asal.
+
+ N~guni at datapua't manang isang hapon
+ualang ano ano'y nagsulit ang _among_
+aniya,y: Tingnan mo, sa ina ang tucoy,
+ang ninanasa co at dinguin mo n~gayon.
+
+ Malaqui ang aquing dalang pagmamahal
+sa anac mong iyan at magandang asal,
+caya't yamang cayo'y ulila n~g tunay
+sa aquin ay cayo,y mabuting pumisan.
+
+ Talastas mo namang maigui ang capit
+n~g sino mang tauong sa cura'y sumanib
+gayon din sa pilac ualang isusulit
+at sino mang _frayle'y_ sagana at sicsic.
+
+ Hindi ca daramdam n~g ano mang hirap
+igagalang ca pa n~g capua mong lahat,
+balana'y pupuga'y sa iyo't tatauag
+_macapangyarihan, papel ay malapad_.
+
+ Ang tugon n~g ina'y: Pangit pong malasin
+sa mata n~g lahat cung ito'y asalin,
+caya po't iurong ang nais na linsil
+ualang masasapit ano mang marating.
+
+ Mabuti pa po n~gang tauaguing mahirap,
+marumi ang damit, sa dan~gal ay salat,
+huag n~g maturan na aco'y may anac
+babaye n~g cura ... ¡Dios co ay huag!
+
+ Sumagot ang cura sa ganitong sulit,
+aniya'y: Babaye, icao ay mag-isip,
+dapat acalain na cung aquing ibig,
+ni ang _gobernador_ di maiaalis.
+
+ Pag nagcataon pa'y aco'y aayunan
+balang sabihin co'y mangyayaring tunay,
+caya't isipin mo itong isinaysay,
+bucas macalaua'y huag pagsisihan.
+
+ Tugon n~g babaye: icao po'y bahala
+balang ibiguin mo'y mangyayaring paua;
+sa ninanasa po'y ualang magagaua
+pagca't sinun~galing ang balat n~g lupa.
+
+ Malaqui mang lubha ang capangyarihan
+nino mang _frayleng_ magcura sa bayan,
+ualang masasapit, cung pagpipilitang
+ilapat sa aquin ang pan~git na asal.
+
+ Itong sinabi co'y itanim sa isip
+at pagtitibayin buhay ma'y maamis,
+¡di co acalaing mag asal bulisic,
+ang isang _ministro n~g Dios_ sa lan~git!
+
+ Nang ito'y marinig n~g curang causap
+sa pagcaupo n~ga'y tumindig caagad,
+at saca uinicang:--¡Tandaan mong lahat,
+darating ang arao siyang pagbabayad!
+
+ Tuloy n~g nanaog n~g ualang paalam
+ang sucab na tauong may asal halimao,
+magbuhat na niyaon sa gabi at arao
+ualang iniisip cung di _cahayupan_.
+
+ Caya't sa _convento_ n~g siya'y dumating
+yaong _monaguillo'y_ tinauag na tambing
+aniya'y: Susundin, itong ibibilin,
+gagauin mo agad, huag lilimutin.
+
+ Na mamayang gabi'y sunuguin ang bahay
+dalauang mag-inang quilala mo naman:
+¿Bahay n~g _maestra_? sagot n~g _sacristan_,
+oo, ang uinica n~g cura sa bayan.
+
+--Aquin pong susundin ang mahal na utos,
+pagsunod na ito'y mapait sa loob,
+pagca't yaring puso'y uari'y natatacot
+sa sising darating n~g tunay na Dios.
+
+ Ang sagot n~g cura: Huag ca n~gang balio
+ibig mo pa yata'y man~guna sa aquin,
+narito ang UALONG PISO at tangapin,
+huag cang main~gay at aco ay sundin.
+
+ Tinangap ang pilac n~g saquim sa yaman
+nag ualang bahala sa lahat n~g bagay,
+caya't ang guinaua'y naghanda n~g tunay
+tanang gagamiting panunog n~g bahay.
+
+ At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic,
+tinun~go ang daan at cusang lumapit
+sa tinitirahang bahay na maliit
+dalauang mag-ina na cahapis hapis.
+
+ Saca sinusuhan ang apat na suloc,
+ano pa't sa apoy sila ay mabalot,
+ang batang babaye'y sa laqui n~g tacot
+taas n~g bintana'y nilucso't nilusob.
+
+ Naiuan ang inang natupoc sa apoy
+matandang babayeng napag-isa doon,
+caya n~ga't ang anac hindi napatuloy
+pag layo't pag alis, piguil n~g panaghoy.
+
+ Sa sama n~g loob siya'y napahimpil
+sa tabi n~g isang malapit na dinding,
+n~g calapit bahay, na hindi dinating
+n~g nin~gas n~g apoy, dahil n~g hilahil.
+
+ Sa lagay-na ito'y bigla siyang guinilic
+n~g dalauang tauong di niya nabatid,
+at siya'y dinala at cusang piniit
+doon sa _conventong_ tirahan n~g ganid.
+
+ Sumunod na arao, ¡ano ang gagauin!
+siya'y naroon na dapat n~g silain,
+gayong cahirapang, palad ay alipin
+n~g capua palad, na ualang cahambing.
+
+ Ang hunhang na cura'y siya'y nilapitan
+sa paghihimutoc siya'y niligauan,
+¡ang _aspid_ na loob hindi na gumalang
+sa luha n~g batang ulila n~g tunay!
+
+ Aniya'y: Masdan mo sinapit dinating
+n~g calagayan mong aayao sa aquin,
+pag di pa pumayag sa aquing pag guilio
+mapapahamac ca di aco titiguil.
+
+ Ang sagot n~g bata: Aco ma'y mamatay,
+ay hindi papayag sa masamang daan;
+ang tugon n~g cura: Iyong pag-isipan,
+sa cuartong ito'y quita'y babalican.
+
+ Magbuhat na niyaon ang cahapis hapis
+na inaalipin n~g madlang hinagpis,
+sa arao at gabi'y nataas sa lan~git
+caniyang panaghoy na sanhi n~g saquit.
+
+ Caya't n~g magbalic ang curang ulupong
+ang ulilang bata'y hindi nahinahon;
+agad n~g guinamit ang ganitong tanong:
+¿Inisip mo na ba? ¿at ano ang tugon?
+
+ Sumagot ang bata: Icao po'y mahabag
+sa abang lagay cong busabos n~g hirap,
+caya n~ga't dinguin mo itong paquiusap
+sa aquing confesor aco ay haharap.
+
+ Confesor na ito'y isa n~gang _clérigo_
+may tunay na loob at mabuting tauo,
+ito ang marapat tauaguing _ministro_
+n~g Dios sa lan~git lubhang masaclolo.
+
+ Ang tugon n~g cura sa gayong pamanhic:
+Hindi mangyayari cahit mo ipilit,
+at hangang hindi ca na sagot sa sulit
+sagot na paayong aquing ninanais.
+
+ Sa sama n~g loob n~g batang na iyac
+tumugon n~g uicang lubhang mabanayad;
+Oo na po _among_ mamaya tutupad
+caya't magbalic po at aco'y pápayag.
+
+ Sa bagay na ito'y ang curang bulisic
+sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis;
+guinaua n~g bata'y tumaanang pilit
+na di namalayan nino mang casanib.
+
+ Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap
+caniyang confesor na may puring hauac,
+pagcaquita niya'y agad n~g tumauag,
+may luha sa mata't siya'y napalin~gap.
+
+ Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic
+sa _coventong_ yaon n~g curang bulisic,
+aco ang bahalang sa lahat umusig
+at mananagot pa sa caniyang nais.
+
+ Caya n~ga't nangyari'y sabihin sa aquin
+n~g aquing matanto't siya ay usiguin;
+Cung gayon po'y tingnan, ang sa batang turing
+aquing dinaanan n~gayo'y sasalitin.
+
+ Aco po'y ulila sa guilio na ama
+at nalabing toua co'y pag-lin~gap ni ina,
+aming pagcabuhay tumangap toui na
+n~g tahiing damit mahal man ó mura.
+
+ N~guni't isang arao cami'y pinatauag
+n~g curaug hindi na natutong mahabag,
+at tuloy sinabing iuan co ay dapat
+yaong pananahing aquing paghahanap.
+
+ Acala ni ina'y mabuti ang nais,
+n~g curang sinabing, sa ami'y nagsulit,
+na aco'y gagaouing _maestra_ sa pilit
+caya't ang salamat siyang ipinalit.
+
+ Dumating ang arao n~g capan~gacuan
+n~g cura sa aquing _titulong_ sinaysay,
+caya po't nangyaring _nagmaestrang_ tunay
+dito po sa guilio at nilac-hang bayan.
+
+ N~guni't isang hapon ang cura ay nanhic
+sa amin pong bahay pagdalao ang nais,
+ualang ano ano cay ina'y nagsulit
+n~g lubhang mahalay tungcol sa pag-ibig.
+
+ Sumagot si inang ano mang sapitin
+hindi siya papayag sa bagay na turing,
+sa lagay na ito'y ang lilo at soail,
+umalis na bigla't anaquin ay haling.
+
+ Pagcagabi n~ga po'y sinunog ang bahay
+niyaong _monaguillo_ na caniyang utusan,
+doon po'y si ina ¡Dios co'y namatay!
+natupoc sa apoy na dulot n~g hunghang.
+
+ Sa bagay pong ito'y, aco'y, naninimdim
+at sa isang suloc aco'y, napahimpil,
+ualang ano ano'y, lumapit sa aquin
+dalauang lalaquing may suot na itim.
+
+ At aco'y, dinala sa _conventong_ tunay
+ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan,
+at n~g naroon na pinto ay sinarhan
+at aco'y piniit n~g ualang dahilan.
+
+ Pagca umaga po'y lumapit sa aquin
+ang curang doroon, nagsulit na tambing,
+aniya,y: Tignan mo, sinapit dinating
+n~g lilong ina mong palalong magturing.
+
+ Sa paghihinagpis aco'y niligauan
+ang luha n~g puso,y di man iguinalang ...
+pag ligao na yao'y inululang tunay
+saca nilangcapan n~g balang mahalay.
+
+ Caya po,t, sagot co siya ay magbalic
+at aco'y papayag sa ninasang lihis,
+saca n~ga n~g siya, doon ay umalis
+aco namang ito'y nagtanan n~gang pilit.
+
+ Caya po narito iyong saclolohan
+sa n~galan n~g Dios, huag pabayaan:
+sa lagay cong ito'y maaua pong tunay
+at yaong _justicia_ ang hin~gi co lamang.
+
+ Ang sagot n~ga nitong caniyang confesor
+justicia, justicia, sa iyo'y aampon,
+caya't omoui ca, aco'y paroroon,
+cung hanapin ca pa n~g curang ulupong.
+
+ Paroon sa bahay n~g iyong magulang
+tiahin ó lelang ó caya pininsan,
+saca tumahimic sa sariling lagay
+aco ang bahala sa lahat n~g bagay.
+
+ Nang ito'y matanto n~g batang causap
+ligalíg na loob tumahimic agad,
+at tuloy omoui na cusang hinanap
+ang bahay n~g aleng labing camag-anac.
+
+ N~guni't hindi pa lumilipas halos
+ang arao na yaon, balita'y sumabog
+siya'y hinahanap n~g curang may poot
+dahil sa nag-asal n~g uala sa, ayos.
+
+ Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran
+ay doon inabot n~g cura't sacristan,
+ang batang babayeng ulila sa layao,
+capos sa ligaya at sa toua'y uhao.
+
+ Nang siya'y maquita n~g curang bulisic
+pagdaca'y uinicang; ¡oh babaying ganid!
+acala mo yata aco'y palulupig
+sa isang paris mong licó ang matouid.
+
+ Capag hindi ca pa sumama sa aquin
+asahan mo na n~ga na may sasapitin
+ang lagay mong iyan na calaguimlaguim,
+marahil hindi mo maubos tayahin.
+
+ Hangang nagsusulit ang curang halimao,
+ang batang babaye'y nag-utos na tunay
+n~g palihim pa n~ga confesor tauagan
+sa caniyang bahay siya'y saclolohan.
+
+ Caya n~ga't nag-abot ang dalauang ito
+sa bahay n~g bata, _cura_ at clérigo,
+dito na minulan yaong pagtatalo
+tungcol sa gagauin n~g tunay na tauo.
+
+ Ang uica n~g cura, sa bata ang tin~gin
+icao ay sumamang madali sa aquin,
+dito na tumugón clérigong mahinhin
+aniya'y turan mo cung ano ang dahil.
+
+--Siya'y nagtaanan sa aquin convento
+nilibac ang utos _Santo sacrificio_,
+caya n~ga at n~gayon aco'y naparito
+upang parusahan sa dahil na ito.
+
+ Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan
+huag cang humanap n~g lilong dahilan,
+cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan
+dahil sa ang ibig puri ay in~gatan.
+
+ Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing
+ministro n~g Dios, lubhang maauain,
+dahil sa asal mo'y totoong napuing
+sa hatol n~g lan~git na ualang cahambing.
+
+ Sinisira mo n~ga bilin n~g _cánones_
+nilalabág mo pa sampuo pa n~g _leyes_,
+¿hindi mo ba tantong doo'y nacatitic
+na baual sa clero ang asal bulisic?
+
+ ¿Hindi mo ba alám ang dapat asalin
+n~g sino mang fraile, anomang marating?
+¿di ba sa _breviario_ may tunay na bilin
+sa clero'y ang linis, ang dapat gamitin?
+
+ Cung ito'y alam mo ¿baquit mo hinamac
+ang mahal na bilin n~g leyes na lahat,
+sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac?
+hayop ang sa iyo'y dapat na itauag.
+
+ Tumugon ang curang may impoc na galit
+tiguil sinun~galing, icao ang bulisic
+marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git
+ibig pang maabot n~g haling na isip.
+
+ Sumagot sa gayon, doroong clérigo
+n~g uicang mamaya magquiquita tayo,
+tutun~go sa _Juez_ at isusumbong co
+ang _causa criminal_ na iniimpoc mo.
+
+ Alam cong icao n~ga't di ibang tunay
+siyang nagpasunog sa caniyang bahay,
+doon n~ga rin naman tupóc na namatay
+ang ina n~g batang ualang casalanan.
+
+ Pagcauica nito'y umalis na agad
+yaong Juzgado ang siyang hinanap,
+sa bagay na ito'y ang cura'y nasindac
+caya't natiguilan sa sandaling oras.
+
+ Mapamayamaya dumating ang _juez_
+clérigo'y casama't sa bahay pumanhic,
+dito n~ga inabot ang curang bulisic
+na hinihimuyot ang bata sa lihis.
+
+ Pagpasoc n~g _juez_ doon sa pintuan
+pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan,
+aniya'y sumama sa aquin n~ga icao
+sa n~galan n~g _ley_ bilango cang tunay.
+
+ Ang tugón n~g cura di cana nan~ganib
+na aco'y bilango sa aqui'y isulit,
+di mo ba tantong ang gayon ay lihis
+aco'y cahalili n~g Dios sa lan~git.
+
+ ¿Hindi baga alam may capangyarihan
+ang sino mang fraileng magcura sa bayan,
+na gobierno't _leyes_ dapat na gumalang
+ang gayon ay hatol n~g sangcalan~gitan?
+
+ Sumagot ang _juez_ n~g sagot matigás
+aniya'y itiguil ang bibig mo oslac,
+acala mo yata aco'y nagugulat
+sa isang paris mong, catulad ay ahas.
+
+ Papa man sa Roma'y pipiiting co rin
+cung siya'y suminsay sa _leyes_ na bilin,
+pagtupad na ito ay utos sa aquin
+n~g lan~git at lupa; ¡oh! ¡tauong haling!
+
+ Icao po'y magsulit sabi sa clérigo
+ang tanang nangyari'y n~g matalastas co,
+clérigo'y tumugón ang batang narito
+ang lalong mabuting magsabi sa iyo.
+
+ Dito na minulan n~g batang babaye
+ang lahat n~g bagay, at tanang nangyari,
+sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi
+na yao'y di tunay lilong pamarali.
+
+ At ang sinabi pang parang idinugtong
+iyan ay bun~ga n~ga ng isip na pusong,
+naritong clérigo na may nilalayong
+mahalay sa bata ... ¡oh asal ulupong!
+
+ Clérigo'y sumagot sa ganitong turing
+¡oh fraileng halimao, tauong sinun~galing!
+cung ano ang puti n~g hábitong angquin
+sa dugó mo naman ay siyang ca-itim.
+
+ ¿Nahiga ca na ba't humilig na cusa
+sa piling na ualang caparis na sama?
+¿di na ba naumid ang lilo mong dila
+sa halay n~g sulit na ualang camuc-ha?
+
+ ¿N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan
+ang ibig mo naman aco ay idamay?
+sa sama mong quilic, pati n~g catouiran
+ibig mong bulaguin ... ¡mahalay na asal!
+
+ Cung dito'y manaog ang tunay na Dios
+at cusang masilip ang asal mong hayop,
+sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot
+bagsic n~g parusang ualang maca ayos.
+
+ Sa bagay na ito'y ang doroong _juez_
+sa curang may sala ay cusang lumapit,
+at saca nag-uica n~g ganitong sulit
+dumating ang oras, maghari ang matouid.
+
+ Sa hiya n~g cura ay nagpacamatay
+sa oras na yaong hindi namalayan,
+nino mang doroon cundi napaquingan
+ang putoc n~g isang revolver na taglay.
+
+ Caya't n~g maquitang siya ay patay na
+clérigo'y lumapit sa batang dalaga,
+aniya'y masdan mo't tunay natupad na
+_justicia n~g Dios, totoong justicia_.
+
+ At saca iniutos, ang patay ilibing
+ang _juez_ naman n~ga'y umoui n~g tambing,
+at saca ang _causa'y_ tinapos naman din
+n~g tama sa utos n~g matouid na bilin.
+
+ Clérigo'y umoui at bata'y iniuan
+sa guitna n~g isang toua, at casayahan,
+dahil sa natapos pan~ganib na taglay
+n~g caniyang puring inin~gat-in~gatan.
+
+ * * * * *
+
+ Ito ang nangyari, nabasang capatid
+ititiguil co na't bahalang mag-isip,
+cung ang fraile'y dapat tauaguing mabait
+ó tauong uala na ni puso ni dibdib.
+
+ Masdan mo rin naman, cung dapat quilanling
+ministro n~g Dios fraileng sinun~galing,
+cung ito ay lihis bahalang touirin
+n~g lalong marunong may bait na angquin.
+
+ Ang bun~ga n~g cutad na isip cong taglay
+bun~gang namuco n~ga sa ualang capantay,
+na pagmamasaquit sa bayang linac-han
+bayang mapagtiis tanang cahirapan.
+
+ At sa catunayan nitong hinanaquit
+di aco titiguil amomang masapit,
+hindi magsasauang manin~gil na tiquis
+sa m~ga umapi sa bayan cong ibig.
+
+ _Fraile_, at _castila, maputi't maitim_
+hangang mangyayari'y aquing sisisihin,
+at hindi tutugot anomang marating
+ang puri ni _Ina'y_ aquing hahabulin.
+
+ _Fraileng_ ualang puso, ni habag munti man
+_fraileng_ camag-anac n~g lilong si Satan,
+_fraileng_ mananagot sa isang hucuman
+n~g tunay na Dios; _Justiciang maran~gal_.
+
+ Caya n~ga't di sucat, itong sinasabi
+sa tula cong ito, na unang bahagui:
+¡Nasaan ang Dios! carugtong na huli
+nitong sinulat co na samà n~g _fraile_.
+
+ At cung sacali n~ga'y susulat na muli
+tungcol din sa _fraileng_ pilipit na budhi,
+hindi rin titiguil, cahi ma't mamuhi,
+sa aquin ang _papa, cardenal_ at _hari_.
+
+ At icao nabasang capatid na irog
+guilio cong camuc-ha't casanib na loob,
+huag lamang baguhin sacali ma't capos
+ang tulang mahirap na sa iyo'y handog.
+
+ Sucat na sa icao magpunó'y bahala
+sa balang mamasid na mali cong cathà,
+at tuloy gamitan n~g _isang salitang
+lumabac sa sulat, umayon sa nasa_.
+
+
+
+UACAS.
+
+
+
+
+=Man~ga casamahan nitó:=
+
+ * * * * *
+
+¡Nasaan ang Dios!
+
+Si Emilio at si María.
+
+Ang hatol nang lan~git, (comediang tagalog).
+
+ * * * * *
+
+Marami pang ipalilimbag na pauang maririquit at paqui-quinaban~gang
+basahin.
+
+
+
+
+
+
+
+End of the Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera
+
+*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13683 ***