summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/13156-0.txt
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '13156-0.txt')
-rw-r--r--13156-0.txt906
1 files changed, 906 insertions, 0 deletions
diff --git a/13156-0.txt b/13156-0.txt
new file mode 100644
index 0000000..d6de2f7
--- /dev/null
+++ b/13156-0.txt
@@ -0,0 +1,906 @@
+*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13156 ***
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer
+used is marked as ~g.]
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at
+iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog
+na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+
+=ALAMAT=
+
+N~G
+
+=ILANG-ILANG=
+
+
+
+KATHA NI
+
+_José N. Sevilla_
+MANUNULAT SA "BUHAY PILIPINAS"
+
+
+
+Unang pagkalimbag MAYNILA, S.P.--1908
+
+LIMBAGAN NI E.C. ESTRELLA, BUSTILLOS BLG 9, (SAMPALOK) TELEFONO 1199
+
+
+
+
+Ilang-Ilang
+
+
+Niaó'y buwán n~g Diciembre at ang malamíg na simoy ay umáanyaya sa
+tanáng na sumangap n~g maligayang sandalíng iniáalay n~g kaparan~gan,
+at bagá man dito sa ati'y di kaugalian ang magaksayá n~g panahón sa
+paglilibáng, ay ilan kong m~ga kaibigan ang nakipagyari sa akin na
+kami'y maglakbáy sa kagubatan n~g Mindoro, upang doo'y magparaan n~g
+maligayang panahón sa pan~ga~ngaso.
+
+Hindi naglipat araw at guínanáp namin ang pinagkásunduán at
+karakaraka'y ang aming m~ga áso'y naka-amóy n~g lungá marahil n~g usa
+kaya't unahán kamíng sumunód sa tun~go n~g kaniláng m~ga tahulan.
+Sa pagtugaygáy na iyaó'y nátiwalág akó sa aking m~ga kasama at
+sumandalíng humimpíl sa lilim n~g isáng mayabong na kahoy na di
+ko alumana kung anó ang kanyang pan~galán, bagá mang labis akóng
+nápapataká na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysáy na ban~go
+na lubháng laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang ban~go n~g sa
+tanáng sampaga.
+
+Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~g araw at ang pagkainíp ay
+sumagui sa akin, sa di pagkárin~gíg n~g anománg hudyát na amíng
+pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saán sila napatun~go, Kung
+sukatin ko naman n~g malas ang napakalawak na gubat na namámagitan sa
+akin at sa kabayanan, ay lubha akóng nalululá sa di matapós-tapos
+na m~ga dawag, na sumasatitig. Ang panglulumó ay naghari sa aking
+damdaming di sanáy sa gayóng m~ga ilang at nawalán ako n~g kayang
+lumayo pá't tuntunin ang landas, sa pan~gan~ganib na sa pagsasápalaran
+kó'y makásalubong n~g mababan~gis na Tamaraw.[1]
+
+Ano pa't ang pan~gan~gambá'y lumaganap sa aking kalagayan at
+sa kadahilanang itó'y inihanda ko ang tagláy na baril, upang
+ipagsangalang kung itó'y kákailan~ganin, subli't lalong lumalâ ang
+aking pan~gin~gilabot, nang mausisá kong walâ ang m~ga punglong taglay
+at nahulog sa aming pagtatakbuhan, n~g di ko man lama~g náalumana.
+Gumiyaguis na n~ga sa akin ang lubháng malaking pan~gan~gambá at
+n~g tumamà ang aking m~ga titig sa nan~gun~gulimlím na panan~glaw sa
+Sandaidig, ay napagsiya kong nan~gun~gubli nang nagmamadali sa likod
+n~g isáng matarik na bundok sa kalunuran.
+
+Ang pag-aalinlan~gan ay namalagui pang sumandali sa pagayóng anyo na
+nakapan~gin~gilabot na bantá n~g pagkalun~gi at lubháng binabagabag
+ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak-sindak na kalagayan,
+nang sa di kawasà'y nakamalas ako n~g isáng matandá, na nagbubuhat
+sa kalaliman n~g isáng masukal na yun~gib na makubli't mámatâan ko sa
+kasukalan n~g gubat.
+
+Sa pag-áantay na itó sa inaasahang tagapagtangol marahil sa
+kapan~ganibang kong kinalalagyang, ay sumaguí naman sa aking ala-ala
+ang m~ga singaw lupang lagui kong narin~gig sa matatandang alamat na
+ibinadhâ tuwi na, n~g nan~gamatay ko nang m~ga nuno. Baga mang ang
+pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sárili
+ang mayamang aral n~g CATOLICISMO, na pinagsikapan n~g aking m~ga
+magulang na siya kong palaguing panangnan sa anó mang kapan~ganyayang
+haharap at ang pakatiwalà kong itó'y siyang bumubuhay n~g aking loob.
+
+Sa aking mahabang pánanalan~gin ay dumating din ang inaantabayanan
+nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking
+kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag-aawit:
+
+
+ Oh hiwagang lagui sa m~ga pan~garap
+aliwan n~g laguim na nagpapahirap
+ Ikaw n~ga ang siyang
+wagas kong pag-asa, na magkakandili
+sa luoy kong puso na pinakaapi
+ at tuwi-tuwi na'y
+ inayop n~g dusa;
+at siyang hantungan n~g m~ga paghamak
+ang nilun~goy-lun~goy n~g aba kong palad.
+
+ * * * * *
+
+ Ikaw din ang kusang lubos sumiphayo
+sa niluhog luhog n~g aba kong puso;
+ at dina na awang
+mag gawad maglagda n~g hatol na imbi
+na siyang papatáy sa abang kumasi't
+ walang kasalanan
+ kahit na ano man,
+kundi ang sa iyo'y lubos na isuyo
+ang iyong nalamang hindi man kinuro.
+
+ Kung ang m~ga laguim
+ at pagkahilahil
+siyang magdudulot sa iyo n~g saya
+ iyo n~g sabihin
+ at aking gagawin
+ang ano mang ibig na ipababata
+káhit ikaputi n~g aking hinin~ga.
+
+
+Pagkaraan n~g kanyang pagaawit ay tumanong.
+
+--Anó, anak ko ang naghatíd sa iyo dito sa ilang na poók?
+
+--Oh! kagalang-galang na matandâ--ang aking tugon--ang maling akalang
+aksayahin ang panahón sa paglilibang at ligaliguin ang nan~gatatahimik
+na hayop sa kanilang himpilan.
+
+--Ikaw baga'y nag-iisa?
+
+--Sa n~gayon po; pagka't ako'y napatiwalag sa aking m~ga kasamang hindi
+ko malaman kung saan nan~gapasuot.
+
+--Lubhang malayo ang iyong kinapatun~guhan.
+
+--Anó pong pook ito?--ang usisa ko sa kausap.
+
+--Itó ang lupalop na pinamagatang Ilang-ilang--ang tugon sa akin.
+
+--Ilang-ilang! ... Anó po ang kahulugan niyaón?
+
+--Ah! iyao'y isang buhay,--sumandaling nagkuro ang aking kausap
+at saka ipinatuloy--Yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan,
+samantalang hindi umúumaga, ay pakingan mong sumandali ang
+isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kamí n~g mapan~glaw na
+gabi sa kanyang kublihan.
+
+Nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nan~gan~gapal na talahiban,
+samantalang ang sisikdó sikdó kong puso ay nagbabalità sa akin n~g
+isang bagay na mahalagá.
+
+Sarisaring gunità ang sumaisip, bàlintulot yaring loób; n~gunit hindi
+ko magawà ang umurong pagkapalibhasà'y lalong ma pan~ganib ang matulog
+sa parang.
+
+Pagkalipas n~g paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko
+sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'y guinanap ang
+kanyang pan~gakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng Ilang-ilang ay
+sinimulan na.
+
+--Nalaman mo anak ko: Magbuhat nang ako'y gawaran n~g sumpâ n~g
+Makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig n~g tinig
+tao. Laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat n~g kahatulang iyaon sa
+nagawâng kasalanan, sa hindi rin iba't tunay kong anak na pinag-isipan
+kong gahisin, n~guni't ang gayong napakahamak ná gawa'y pinagdurusahan
+ko n~gayon n~g isang napakahirap na parusa, gaya n~g tinitiis kong
+pagkawalang kamatayan, ó pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig.
+
+--Paano po ang nangyari?--ang pahanga kong tanong.
+
+--Ako'y isang binatà noon--ang tugon n~g aking kausap--na lubhang
+mawilihíng paglibangan ang tanang binibini, at lagui kong minamatwid
+kan~gino man na hindi ano mang kapanagutan sa m~ga ipinasyang
+"_Mabuhay kayo at dumami_." ang auking m~ga guinawa. Sa di
+kawasa'y nagkaroón akó n~g isang anak na napakagandang babayi at sa
+pag-aakalá kong iligtas sa m~ga hibo n~g mundo, kung siya'y magkaisip,
+gayon din sakawikaang, _baka pagbayad_, ay dinala ko n~ga rito sa
+masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangól at n~g huwag n~g makilala
+ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit
+n~g m~ga walang malay.
+
+Ang pan~gan~galaga sa kanya'y ikinatiwala ko sa isang matandang
+babaying pipi, upang huag niyang makilala ang m~ga hiwaga sa buhay,
+ang lihim n~g tao, gayon din ang kanyang pinangalin~gan. Sa tuwi tuwi
+na'y dinadalhan ko n~g ikabubuhay; n~guni't hindi ako na pakikita,
+upang huag magkapanahong ako'y usisain n~g ano man.
+
+Sa di kawasay nang maglalabing tatlong taón sa gayong pagkakatago ay
+tinamaan ako n~g kanyang m~ga titig at pumanaw sa akin ang damdaming
+ama. Nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kan~gino man, na
+makapag-aalay sa akin n~g pampawi n~g lagui kong uháw na han~gad, at
+ito ang nag-wagui sa aking puso.
+
+Hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag
+sa akin, at lubhang sumasal ang paghahan~gad kong putihin ang impok
+niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay.
+
+Lumipas ang ilang sandali n~g alinlan~gang itaguyod ang napakahamak
+kong hinan~gad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na,
+"_tayo'y galing sa magkakapatid mag-aama, at magkakamag-anak_"
+at pinapaghari ko ang kanyang pagkahan~gal na di ipinahihiwatig ang
+katotohanan n~g aming pagkamag-ama. Siya naman, pagkapalibhasa'y hindi
+nagkapalad makaulinig n~g tin~gig n~g kanyang kapwa, ay lubhang na
+aliw sa aking m~ga pangungusap, lalo na n~g maulinig ang matamis na
+inaawit n~g kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang
+lagui kong inuulit, ay ginawaran ako n~g mahinhing lambing inilin~gay
+ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat n~g
+aking puso at sumasal ang aking masamang han~gad.
+
+--Ano pong awit iyaon? Iyaon pu bagang naulinig ko kan~gina.
+
+--Oo; yaon n~ga at inulit ang magandang kundiman.
+
+Pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay.
+
+Dumating ang mapan~ganib na sandali at gumiyaguis na nag-ulol sa
+akin ang hibo ni Satanas, at inakala ko nang ganapin ang maru~gis na
+isinabudhi, datapwa't nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon n~g
+bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'y
+di natatahong iyao'y sawi sa m~ga kautusan. Inanyayahan kong sumama
+sa lihim n~g kahoy na ating pinan~galin~gan, na siya kong napiling
+maguing saksi n~g kapaslan~gan kong kakamtin; anyayang hindi
+sinalansang kahit bahagyâ at malugod pinaunlakan; n~guni't di
+pinahintulutan n~g pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang
+malakas na buhawi'y binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una,
+ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan n~g tao at siyang
+humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa-awang anak.
+
+Kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy n~g matandâ
+ang nauntól na ibinubuhay.
+
+--Nang maganap ang malupit na hatol n~g pagkakataon akin nang
+isinaysay pagdaka'y lumabas ang isang sugo n~g Makapangyarihan at
+bumigkas n~g ganito:
+
+"Di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga n~g
+kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin."
+
+Lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon
+ay labis akona napahan~gà sa pagkakamalas na hitik na hitik n~g
+mababan~gong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin: "ILANG!
+ ... ILANG! na naguing saksí n~g akin~g pagkalun~gi kailan mo ako
+patatawarin?"--Muling lumabas ang isa~g sugo at ibinadha ang ganito:
+_Kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo
+ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng Diyos_ at
+biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong
+iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo
+ring nang Maykàpal, upang pahintulutan Niyang ako'y umakyat sa
+kaloalhatian n~g lan~git.
+
+Pagkaraan n~g m~ga salaysay na ito'y nawala ang aking kausap at nang
+aking pinaghahanap, ako'y nagsising.
+
+Ako pala'y nan~gan~garap lamang.
+
+
+
+
+Ang hitsó
+
+
+Isang ugaling hanga n~gayon ay taglay n~g m~ga tagarito sa atin ang
+ipanalubong sa m~ga panauhin ang n~gátaing _hitso_.
+
+Ang lahat n~g bagay ay maáaring malimutan; datapwa't ang alay na ito
+na pinagkagawian na lalonglalo na sa m~ga lalawigan ay tunay na hindi
+nakakalin~gantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at
+gumamit na man, lubha pa't kung ang mag-aalay ay isang binibini.
+
+Dahil sa bagay na itó'y pinag-ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala
+ang pagtunton kung bakit natuklás ang tatlong bagay na pinaglahok at
+pinamagatang _hitso_.
+
+Bakit ang _ikmo, bunga_ at _apog_ ay nagawáng
+pagsamasamahin, at nagagamit na pang-alay sa m~ga pánauhin?
+
+Itó ang hindi abutin n~g aking pag-hahaká at siya namang
+pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang
+katatanong sa m~ga palan~gân~gâ, ay nahalaw ko ang ibubuhay n~gayon;
+n~guni't totoo kaya ang sinalita sa akin?
+
+Sa ano ma'y tahoin natin.
+
+Isang hapon sa nais kong sumagap n~g malamig na simoy na nakaaanya sa
+m~ga naaalinsan~ganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming
+gáwâin at tinun~gong sumandali ang kalapit na nayon n~g Pasay, na
+siyang nababalitang may malalawak na "ikmuhan."
+
+Dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito n~ga'y
+ang makasagap n~g malamig na simoy at mapanood naman ang maayos
+napagkakatanim n~g halamang "ikmo," na, halos maituturing ayon sa
+kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan n~g pinakabuting
+"ikmo" na pinagkakabalahan kong alamin; n~gun't di lamang iyaon ang
+nápalâ n~g aking paglilibáng at hindi ko man kinukusà ay nakaulinig
+ako ng isang nakalalaguim na pag-aawit na nagbubuhat sa isang masukal
+na bulaos na nákakalun~gan n~g makapal na gubat n~g "ikmo."
+
+Tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang
+talaytay n~g _kundimang_ ganitó ang hanay;
+
+
+ Malasin guiliw ko ang daloy n~g tubig
+na nagki-kinan~gan sa galaw n~g batis,
+malasin ang bula sa pamimilansik
+ at iyong itulad
+ sa iyong paglin~gap,
+at kung yaon n~ga ang siyang kawan~gis
+daglíng kamataya'y akin masasapit.
+
+ Gayon din masdan mong napa iitaas
+ang maputing asóng naglalakbay ulap,
+siyá't pan~ganorin iisa sa malas;
+ yaon ba'y kawan~gis
+ n~g iyong pag~ibig?
+Kung tunay na gayon, akin n~g talastas
+na ang pag-ibig mo'y madaling man~gupas.
+
+ * * * * *
+
+ Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin,
+nakapagdudulot n~g lamig at aliw
+datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw,
+ ay lubos katulad
+ n~g isang pag-hamak
+at wala na akong hihintáy hintaying
+matapat sumintang hantun~gan n~g daing.
+
+ * * * * *
+
+
+Lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at n~g matapos ang mapan~glaw
+na pag-aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan n~g m~ga
+hiwaga, hinahalaw doón sa tanang malikmatà, ang isang kagandahang
+mapag-uukulan n~g matimyas na tin~gig na aking nápakingán.
+
+Pagkalipas n~g ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim
+na "ikmuhan" at nanariwàng muli ang sanhing ikinapatun~go ko roon,
+ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan n~g paggamit at
+pakikinabang sa isang halamang sakdal han~galay, na gaya n~g "ikmo";
+sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang
+matandâ, na tila tunay na kakilala kasabay n~g malugod na anyayang
+magtuloy sa kalooban n~g kanilang bakuran.
+
+Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking
+alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki
+na ako'y magtuloy.
+
+Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang
+papag-papagan ang isang binibining nápakahinhín ang anyo, na marahil
+ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking
+kináhan~gâan.
+
+Matalagháy ang kabuuan n~g kanyang maamong mukhâ; malamlam ang titig
+kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang
+maramot na n~giting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi.
+
+Isang sulyap na panakáw at pagdaka'y binawi ang biglang tumudlâ sa
+aking puso at n~g m~ga sandaling yaon ay kanyang binihag.
+
+Tumalilis na biglang tinun~go ang halamanan pagkakita sa akin at
+pagkua'y pumitas n~g ilang dahong "ikmo."
+
+Di naglao't bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at
+mabihasang pinagpilas ang m~ga dahong taglay at pinirot na guinawang
+"hitso."
+
+Di ko sinawaang panoorin ang mahayap na m~ga daliri at tunay kong
+kinahan~gaan, ang kainamang tumangap n~g panauhin, na, baga mang di
+lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawan~gis n~g isang lalong matalik
+na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay n~g "hitso" ay
+kanyang tinupad; n~guni't hindi ako marunong n~guman~gà; at sa nais
+kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka-ala-ala, ay kumuha ako n~g
+kanyang malugod na iniaalay, kasabay n~g isang maguiliw na usisà
+sa matandâ na kung bakit nátuklás, na ang bun~ga, iyaong mapakla at
+walang saysay na bun~gang kahoy na di nagtamo n~g ano mang pamagat,
+at ang "ikmo" na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong
+"apog" ay napag-ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay
+siyang naguing panalubong panauhin.
+
+Nang una, ay inakalà kong ang pag-uusisà ay naaksayá at di ko batid
+na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'y
+mapaniniwalaang iyaon n~gâ marahil ang pinagbuhatan n~g "viciong"
+n~guman~gá.
+
+Isang ganap na kasáysayan ang kaniyang sinalitâ na uulitin ko n~gayon
+ayon sa nalabi sa aking ala ala:
+
+Anya'y nang m~ga unang dako, na ang pagn~gan~gà ay hindi pa
+kilala; ang halamang =ìkmo=, ay lubhang gumugubat, at sampuong
+nan~gaglaboy na hayop sa kaparan~gan, ay hindi magtamong pakinabang sa
+halamang tinutukoy.
+
+Bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinaban~gan?
+
+Maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag n~g muling sumibol,
+datapua't isang halamang hindi maagad n~g maglilináng pagkapalibhasa'y
+walang pakinabang at isang himutók na inulit n~g m~ga nahuhuli ang sa
+kanya'y iguinawad n~g m~ga nauna sa atin.
+
+"_Halamang walang pakinabang, kailan ma'y di mamamatay_" at ang
+himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol n~g m~ga nahuhuli sa ano
+mang bagay na walang maidulot na kapakinaban~gan.
+
+Isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bun~ga, ang
+hindi rin pakinaban~gan at siya namang pinag-uukyabitan n~g halamang
+"ikmo".
+
+Sa kasaganaan n~g bun~ga n~g halamang ito na, walang mápaggamitan, ay
+hindi pinágkalooban n~g ano mang pan~galang pagkákakilanlán, gaya n~g
+sa ibang bun~gang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit,
+at nan~gasyahan na ang nan~ga-una sa atin na pamagatan siya n~g
+pan~galang: _Bunga_.
+
+Ang lahat n~g nakilalang halamang bumubun~ga at nag-dudulot sa m~ga
+tao n~g ano mang pakinabang, ay nagtamo n~g pan~galawang pan~galang ó
+pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa't ang halamang "bun~ga"
+ay siyang napakatan~gi na hindi nagtamo n~g biyaya mabinyagan, at ang
+kanyang puno ay pinamagatan na lamang n~g "bun~ga"
+
+Lubhang maraming salin-saling kaugalian ang yumaon--ang idinugtong
+n~g matanda--ang m~ga bagong sibul na batbat n~g katalinuhan, ay di
+nan~gasiyahang siya'y panoorin na lamang at gamiting palamuti sa m~ga
+kaparan~gan, hindi nayag na siya'y hindi magámit, at lahat n~g sikap
+ay guinugol upang maangkapán n~g ikapakikinabang sa kaniya; n~guni't
+ang kanyang tingtin~ging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan
+dahil sa napakarupok, datapwa't isang kataon, (yamang n~ginan~ganlan
+kataon ang m~ga bagay na nangyayari n~g hindi kinukusà, baga mang ang
+lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali
+umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa m~ga lupalop na yaon
+at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang
+=ikmo= at _bunga_), ay sinumpong n~g pagkadayukdok at walang
+malamang sulin~gan n~g katutuklasan n~g ipagpapatid gutom.
+
+Tinamâan n~g kanyang malas ang puno n~g halamang hitik na hitik n~g
+mapupulang anaki'y hinog na bun~ga, at sa paniwalang makapagdudulot
+sa kanyang kagutuman n~g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at
+linasa ang pinakalamán; subali't tan~gi sa isang matigas at mapakláng
+nakapaglalaway, ay walâ siyang nalasap; bagama'y binayaan na sa
+kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'y
+nakapananariwà.
+
+Sa malaking kagutuman n~g abang nápaligáw na yaon n~g landasin, ay
+lumabnot n~g ilang dahon n~g _ikmo_ na nagsusumawang lumingkis
+sa puno n~g _bunga_, n~ginatâ rin at ninamnam ang mahan~glay na
+dahon n~g _ikmo_, n~guni't hindi tangapin n~g kanyang sikmara
+at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali't ang hindi kinukusang
+pagkakahalo n~g _ikmo_ sa _bunga_, ay nagkatalo at ang pakla
+at ang han~glay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na
+n~gataing nakapagpapasariwa n~g lalamunan. Sa di kawasa ay dumating
+siya sa isang bahay at sa masidhing han~gad na makakain kahit na anó,
+ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu-pasuan
+sa ibabaw n~g bintanà; ang maputing kanyang tinikman, ay =apog=
+na ipinanguguhit n~g may bahay sa m~ga panakot n~g halaman.
+
+Hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo n~g tatlong bagay na
+hindi kilala; n~gunit wari'y pinagtiyap ó itinuro sa kanya n~g
+pan~gan~gailan~gan ang isang n~gatâing panglibang sa gutom.
+
+Tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang nátuklás at
+ipinagparan~galan sa m~ga dinatnan.
+
+--Aanhin mo iyan?--ang usisá n~g kanyang m~ga kasama sa bahay.
+
+--Ah!--ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinaban~gan n~g tatlong
+ito kung magkahalo--at ipinakitang muli ang _ikmo, bunga_ at
+_apog_,--ay walang salang di ninyo pakamamahalin.
+
+--Anong pakinabang ang maidudulot n~g tatlong bagay na iyan?
+
+Bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikmán sa m~ga kasangbahay.
+
+Labis daw na napahan~gà ang m~ga dinulutan sa pagkakalasap n~g isang
+mabisang pampasariwa n~g lalamunan, at buhat na noo'y pinasimulan na
+ang pagpapatikim sa bawa't dumating na kasambahay, hangang sa naguing
+kaugaliang ipanalubong sa panauhin ang _hitso_.
+
+Ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang
+=pahitso=, at hanga n~gayon ang m~ga panday n~g pilak ay
+tinataglay pa, ang salitang _pahitso_ sa paglalahok n~g guinto.
+
+Sa pamamag-itan n~g salinsaling kaugalián ay binawas na ang salitang
+PA, sa _hitso_ yamang yaon ay pangdugtong pan~gun~gusap n~ga
+lamang.
+
+Pagkatapos n~g malawig na salaysay n~g matanda ay tinikman ko
+kapagdaka ang inaalay sa akin n~g binibini at doon ko napagsiyá na
+tunay n~gang nakalilibang at nakapananariwa n~g lalamunan, at kung
+mahirati na sa pagn~gatâ niyaon ay naipampapawi na raw n~g uhaw at
+gutom, ang pinagpalang _hitso_.
+
+Sa lahat n~g iyaon, at sa pan~gan~ga-nib kong ako'y kayamutan ay
+napaalam na, at nan~gakong muling babalik.
+
+Samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang
+mapan~glaw na pag-aawit na bumihag sa aking puso.
+
+Sino kaya ang pinag-uukulan niya n~g m~ga panambitang iyaon?
+
+Siya kaya'y may katipang tumatakuil sa m~ga ipinangako?
+
+Ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang
+umaanyayang muli siyang sàdyain; n~guni't lubos na nagpasakit ang
+mabisang panibugho sa kanyang pinag-uukulan at siyang sanhi n~g di ko
+na muling idinalaw.
+
+Oh! sabay kong natuklas ang pag-ibig at ang HITSO.
+
+
+
+
+=HIMIG N~G PIGHATI=[2]
+
+_Hinihiling sa aking kasayaha'y tulain_.
+
+
+
+ Saan man ibaling yaring pag-iisip
+nákikita'y luhà at m~ga pasakit
+kahit sa sariling buhay na tahimik
+gayon din sa Bayang pinakaiibig
+ay walang lumual sa kudyaping tin~gig
+liban na sa lungkót at m~ga ligalig.
+
+ * * * * *
+
+ Sa Bayan ang malas kung aking itanaw
+ang nan~gakikita'y pawang kapan~glawan,
+magkabi-kabila'y ang pag-íirin~gan
+na inihahasik n~g buhíng makamkám at
+nan~gagnanais tanghali't igalang
+kahit na mahamak ang sariling Bayan.
+
+ * * * * *
+
+
+ Sa kabila noon ay bilang pamana
+na kanilang alay sa Bayan at Ina,
+ay ang pang-aapí at pag-alimura;
+ang gayó'y kung aking mapag ala-ala
+tinis n~g kudyapi ay n~gán~gapa-n~gapa
+at ayaw magbigáy n~g lugod at sayá.
+
+ At paghamak lamang, pagsumpa't pag-ayop
+daing n~g hinagpís ang itinitibók
+nalilimot tuloy ang ugaling bantog
+na mahinhi't wagás n~g lahing Tagalog,
+dahil sa iilang asal na sumalot
+n~g sariling yaman hindi man inimpók.
+
+ * * * * *
+
+ Ano kayá n~gayon ang aking gágawín
+sa iyong napitang ako'y paawitin
+guinaganáp ko man n~g boong pag-guiliw
+ay ang lumuluwal na tinis ay daing
+at hindi pumulas ang mithi mong hiling...
+kasayaha'y nanaw sa aking damdamin.
+
+ Pagtamanan mo na ang taghóy n~g puso
+kahít napípigtâ sa luhang tumulo,
+pagka't ang ligaya ay hindi makurong
+kusang magwawagui sa madlang siphayo,
+na nan~gin~gibabaw sa puring nag-laho,
+sa puring salantáng, lugami at hapo.
+
+ * * * * *
+
+ Nakasunod kaya sa hin~gi mo't pita
+ang anák na busóng sabík sa ligaya?
+Hindi man nasiyahan sapagka't di kaya
+ang daliting n~gayon ang iyong ligaya
+ay lubos tangapin n~g boong pag sinta:
+"HIMIG NG PIGHATING" larawan ng dusa ...
+
+
+
+
+
+=Ang Tubó=
+
+
+Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan;
+datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balità
+yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badhâ niyaon, at n~g
+m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko
+na malaman kung saan ko narin~gig ó kung sa aling kasaysayan ko nabasa
+bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.
+
+Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang
+daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay
+di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating
+pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan
+n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at
+masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan
+man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang
+tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
+
+Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala
+niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan,
+na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y
+wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong
+kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian,
+at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala
+n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan
+matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti
+mang maituturing na pakinabang sa kanyá; ang sino mang mapasagui,
+ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihán kawangki n~g
+tinatawag nating NALILIPA.
+
+Umano'y sa m~ga kadawagang iyaón nan~gun~gublí ang m~ga may malalaking
+sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong
+masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing
+mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang
+tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na
+nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g
+katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g
+malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop
+na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g
+tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang
+pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang
+pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang
+magawâ.
+
+Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na
+sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y
+umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na
+budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at
+inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ.
+
+Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.
+
+--Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?--ang
+pang-unang tanong.
+
+--Ang dugo nito ang ating inumin--ang saad n~g pan~galawa--Kasabay
+nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyambâ.
+
+--Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais--ang
+saló n~g pan~gatló.
+
+--Magsalita ka--ang paklí n~g pang-apat.
+
+--Aking hinahanap--anang matanda--ang panig na aking tinutuklasan n~g
+pampawing uhaw.
+
+Sa tuwing hapon--ang dugtong--kung sumasapit ang ikatlong oras ay
+pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing
+uhaw.
+
+--At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan
+n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
+
+--Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di
+matuklas--ang anas n~g isa sa kanyang kasama.
+
+--Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagáy ay matitirá tayo sa
+isang kabiguan--ang paan~gíl na tugón.
+
+--Narito--anang matandâ--ang lagui kong iniinom kung dumarating ang
+oras na aking sinambit.
+
+--Dito'y walang batisan...
+
+--Hindi ko kailan~gan ang makikináng na daloy n~g batis, upang ipamawi
+n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas,
+pagka't sa kanya'y nánanamnam ko ang matamis at masaganang katás, sa
+m~ga oras na ang Sumakop sa tanán, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa
+kanyáng Pitóng Wikà, bago naglakbay sa kalowalhatian n~g Lan~git at
+tinalíkdán ang pagkatáo.
+
+--Tila ito'y may nais magpalaganap dito n~g m~ga katâkatá niyaong m~ga
+mapagsampalataya n~g kung ano anong kadayaan.
+
+--Ang táong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan--ang sabád n~g isá.
+
+--May orasán ba kayong tagláy--ang malumanay na usisà ng matandàng
+inaaglahi.
+
+--Ang orasán namin ay anyo n~g araw na lumiliglig sa boong Tinakpan.
+
+--¿Anó na kayang bahagui ang ating kinalalagyán?
+
+--Tayo'y nasa ikatatló na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan
+mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo
+ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katás n~g halamang iyong sinambit
+at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawâ-awa ang iyong sasapitin.
+
+Pagkarin~gig n~g bihigkás na ito n~g nagtatapangtapan~gan tulisan
+ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyang
+kalagayan; at pagkaraos n~g pananalan~gin ay nagtuluyan bumakli n~g
+m~ga halamanang naroon at pinan~gós na sinipsip ang katás.
+
+Pagkakita nito n~g m~ga tulisan ay nan~gágsitulad sa matandâ at
+nakipan~gos naman; datapwa't ang kanilang nalan~gap, ay ang di
+masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod n~g palo ang
+kagalanggalang na matandâ hangang sa nalugmok sa m~ga nagkabalibaling
+san~ga n~g halaman.
+
+Sa gayóng kahabag habag na anyo'y nagturing:
+
+--¡Oh m~ga kulang palad! Darating ang panahón na inyong pagsisisihan
+ang inasal na kaimbihan; págka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito
+sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating
+Mánanakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo
+ko ay sisibulan n~g ganyan ding halamán; subali't ang bawa't dito'y
+tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na
+katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing
+uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g
+katauhan, Pinaslang ninyo ang isáng nahilig sa pagninilay n~g
+mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawá'y siya ninyong
+laguing pakinaban~gan.
+
+ * * * * *
+
+
+Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahón, ang pagkakataon ay
+naguing tagapamag-itan upáng ang apat na buhóng ay muling mápabalík sa
+kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunitâ nila an~g
+m~ga hulíng binikás n~g napan~ganyayang matandáng kanilang inumog,
+ay dumanas silá n~g isáng pagnanais na alamin kung tunay n~gâ ang
+kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nilá
+ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matatabâ
+at lubhang mayabong, at siláng lahát ay di nakapiguil n~g gayong
+bigkás:
+
+¡Tumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilín.
+
+At sabay na nan~gagsibaklí n~g naturang halaman at kanilang pinan~gós.
+
+Isáng malinamnám at matamís na katás ang kanilang nálasap, at
+paulit-ulit na binigkás na-matamís ang _tubo_, na siyang
+kaipala'y sumapit sa ating kapanahunan at ang salitàng iyaon
+na niyaong una'y pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay
+_supling_, n~gayo'y biglâ na kung bigkasín at nakikilala sa
+pan~galang tubó.
+
+Bilang pasasalamat ay isáng mataós na dalan~gin ang kaniláng
+pinailanláng sa kalawakan n~g hiwagà at isáng matamís na pag-aawit ang
+kanilang naulinig na ganitó ang badhâ:
+
+
+ "Ano kayâ yaong tinamâang malas
+na nan~gin~gibabaw sa tanang liwanag
+nagtaboy na bigla't humawi sa ulap
+na pinaglagusan n~g ningning at sinag
+at umaanyayang lubusang magalák
+yaring abang pusong sinupil n~g hirap?"
+
+ "Siya kayâ yaong maningning na Ilaw
+na pumapatnugot sa Sangkatauhan,
+panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman
+at sa may pighati'y pang-aliw na tunay
+Badhang taga-turo n~g iisang daan
+sa m~ga alagad na nan~galiligaw?"
+
+ "Oh kulang na kulang yaring pan~gun~gusap
+upang patunayan nakikitang sinag,
+ayo't nagniningning, anaki'y busilak
+sa ibabaw niyaong buntón buntóng ulap,
+ayó't bawa't anyo ay isang pagliyag
+ang isinasaboy sa puso n~g lahat."
+
+ "Siya yaong Pusong Kamahal mahalan
+na n~gayon ay ating kinaháhan~gâan
+Siya ang dinusta at pinakapaslang
+n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan,
+Siya ri't di iba ang kaguinhawahan
+at tunay na alíw n~g may kalumbayan."
+
+
+Dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan n~g gayong
+kawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahan~gà
+pagka't dili iba kundi ang kaawâawang matandang kaniláng pinaslang na
+bigláng nawalâ sa kasukalan n~g gubat.
+
+Ito n~gâ kayâ ang sanhing pinagbuhatan n~g halamang tubo? ...
+
+
+
+
+=PAN~GARAP=
+
+(_Sa laguing pinagalayan n~g m~ga katha ko_.)
+
+
+ I
+ Sa galaw n~g tubig;
+ gayón din sa himig
+ na pabalik-balik
+sa lalim, at batong pinag saglit-saglit,
+ doo'y namamasid
+ n~g abang pag-big
+ang kagandahan mo sa linaw n~g batis.
+
+ II
+
+ Ang itim mong buhok
+ lugay na nag-sabog
+ sa maputing batok,
+ay siyang anag-ag sa batisa't ilog
+ sa dakong pag-lubog
+ n~g araw sa laot
+kung makaliglig na sa boong Sinukod.
+
+ III
+
+ At sa pan~gan~garap
+ n~g sariling hagap,
+ aking námamalas
+ang iyong larawang sipian n~g DILAG.
+ Ampunan n~g lahat
+ na m~ga bulaklak
+na níyuyurakan sa m~ga paglakad.
+
+
+ IV
+
+ Sa palad na abâ
+ kung guinugunitâ
+ ang pagdaralitá
+ay namamalas kong ikaw ay may awàng
+ iniáapulà
+ sa agos n~g luhà
+n~g lunós kong buhay at pusong mahinà.
+
+ V
+
+ N~guni't ... ¡Pagkasawi! ...
+ Ang abang ibinudhi'y
+ hindi namalagui,
+Dagling binagabag, at ang pag mumuni'y
+ kumalag sa tali,
+ at itiniwali
+ang aba kong palad na inilugami.
+
+ VI
+
+ Bigláng nasiwalat
+ dini sa hinagap
+ at ipinamalas
+Ang iyong larawang may hinampong in~gat
+ na nagtutulak
+ sa aba kong palad
+at sa lantang pusong napapawakawak.
+
+
+=Wakás=.
+
+
+
+
+Mga Talababa:
+
+[1] Hayop pa sakdal ban~gis na pagkaamoy sa tao'y sinisila; ito'y
+kawangki n~g kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi
+napaaamo.
+
+[2] Tuláng binikás n~g magandang binibining Natalia Buencamino sa
+"veladang" idinaos sa, "INSTITUTO DE MUJERES", niyong ika 23 n~g
+Diciembre n~g taong 1906.
+
+
+
+
+Palatuntunan.
+
+Ilang-ilang, Tudling, 3.
+
+Ang hitsó, Tudling, 16.
+
+Himig nang pighatì, Tudling, 30.
+
+Ang tubó, Tudling, 33.
+
+Pan~garap, Tudling, 44.
+
+
+
+
+M~ga nobelang sinulat n~g Kumatha nito
+
+Mapagpuyat P.0.20
+Pag-ibig n~g isang General P.0.20
+¡M~ga imbí! (unang bahagui) P.0.30
+
+
+
+
+KASALUKUYANG NILILIMBAG
+
+Mapagkandili.
+¡M~ga imbi! (pan~galawang bahagui)
+
+
+
+
+
+
+End of Project Gutenberg's Alamat ng Ilang-Ilang, by Jose N. Sevilla
+
+*** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK 13156 ***